You are on page 1of 5

 

 Layunin daw ng mga Kastila ang pagpapalaganap ng Relihiyong Katolika Apostolika Romano sa kanilang
pangingibang- pook kaya unang ginanap ang misa at ang pagbibinyag sa mga katutubo. Hindi gaanong nabangiot na
layunin din nilang mapalawak ang kanilang sakop at mapalawak ang mapagbibilhan nila ng kanilang mga produkto.
Noong panahong iyon, wari’y hinati ng mga Kastila at Portuges ang daigdig upang kanilang magalugad at masakop.
Napasama sa maaaring puntahan ng mga Kastila ang Pilipinas kaya sila ang nakapamayani rito. Isa pa sa dahilan nila
sa paggalugad sa ibang panig ng mundo’y ang paghahanap ng mga sangkap na pampalasa (spices).

     Dahil sa layunin nila na pagpapalaganap ng Kristiyanismo, sinunog nila ang mga nakasulat na panitikan ng mga
katutubo sa dahilang ang mga iyon daw ay likha ng demonyo. Pinalaganap nila ang tungkol sa pananampalataya nila.
Nag-aral ang mga prayle ng mga wika sa kapuluan at sumulat sila ng mga gramtika at diksiyunaryo.

   Ang kapuluan ay pinangalanang Pilipinas bilang pagpaparangal kay Haring Felipe II ng Espanya. Inihayag ito ni
Villalobos. Nagkaroon ng pagbabago sa pamamahala, pinalitan na ang dating mga barangay at mang mga namumuno
sa Pilipinas ay isang Gobernador- Heneral na siyang kinatawan ng Hari ng Espanya sa Pilipinas. Madalas magkaroon
ng pagbabago sa pamahalaan batay sa kung sino ang namamahala sa Espanya. Samantalang ang mga prayleng
namumuno sa mga simbahan sa kapuluan ay hindi napapalitan. Sa gayo’y umabuso ang mga ito. Sila na ang
nakapangyayari sa halip na ang pamahalaan. Sila rin ang may hawak ng edukasyon ng mga bata na nagsisimulang
magsipag- aral sa mga kumbento.

   Isa sa mahalagang pagpapalit na nagawa ay ang romanisasyon ng alibata. Mga titik na ang ginamit ngunit
mapapansin sa lumang mga kasulatan na ang f ay siyang s at ang v ay siyang w. Tulad ng santiffimo at tavo.

   Ipinasok na rin ng mga Kastila ang kanilang kalinangan, ang mga kasuotan, ang mga gawi, at ang mga pagdadala ng
mga bagay buhay sa Espanya, isa na rito ang alpa, piano, espada, libro atbp.

   Sa larangan ng panitikan, marami silang mga ipinakilala sa mga Pilipino at isa na rito ang korido. Hindi lamang
panitkan ang kanilang itinuro sa kapuluan, nagturo rin sila ng gramatika, ngunit ang pagtuturo nila nito’y batay sa
pook na kanilang kinaroroonan. Ang mga prayle ang naging guro.

Paksain ng Panahon ng mga Kastila


Maaaring mahati ang mga paksain noong panahon ng Kastila sa  (1) Panahon ng Panitikang Pansimbaha na
kinabibilangan ng mga dalit, nobena, buhay- buhay ng mga santo’t santa, mga sulang pansimbahan, sermon at mga
nauukol sa kagandahang- asal at (2) Panahon ng Awit at Korido na kinabibilangan ng mga awit at korido,
mga tulang pandamdamin, mga tuluyan at gayon din ng mga dulang pawang pang-aliw.

1.) Panahon ng Panitikang Pansimbahan

Layunin ng mga Kastila ang pagpapalaganap ng relihiyon kaya ang unang panahon ng pananakop ay pagpapalaganap
ng panitikang pansimbahan at kagandahang-asal.

A. Dalit

Iba’t ibang santo’t santa ang pinagdadalitaan. May dalit kay Maria na naging kaugalian na sa mga lalawigan ng
Bulacan, Nueva Ecija, Rizal, Laguna, Cavite, Quezon, Marinduque at Mindoro. GInaganap ito tuwing Mayo. Nag-
aalay ng mga bulaklak ang mga bata hanggang dinadalit ang pagpuri sa Mahal na Birhen. Sa mga lalawigang
nabanggit nasasaulo na ng mga bata ang isasagot sa mga namumuno. Marami- rami pa ring matatanda ang
nakakasaila ng mga sinasabi ng namumuno bagama’t hango sa buong aklat ang kanilang dinadalit.

B. Mga Nobena

Kung tutuusin, ang mga ritwal ng mga katubo’y isa ring uro ng pangnonobena sapagkat may mga pagdiriwang na
maykaugnayan halimbawa sa kanilang pagpapasalamat sa magandang ani, o paghingi ng ulan, o pagpapaalis ng sakit
na nananalasa sa kanilang tribu, o pagpapa-alis ng sakit ng kabilang sa pamilya, o paglilibing sa mga yumao na.
Ang nobena’y mga katipunan ng mga panalangin na kailangang ganap sa loob ng 9 na araw. Maaaring sunod- sunod
na araw o tuwing Martes (halimbawa ng isang araw sa loob ng isang linggo). Batay na ito sa santo’t santa ng
namiminitakasi.

C. Mga Buhay-buhay ng mga Santo’t Santa

Sa layunin ng mga Kastilang mapalaganap ang relihiyon, sumulat sila ng mga nauukol sa buhay- buhay ng mga
santo’t santa para garing halimbawa ng mga tao. Nais nilang bigyang- diing nasa pagpapakasakit ang walang
hanggang kaluwalhatian kay nararapat na magpakasakit amg mga tao upang huwag mabulid sa impiyerno ang
kanilang kaluluwa. Mabibilang ito ang Pasyong Mahal na buhay at pagpapasakit ng Panginoong Jesucristo upang
matubos ang tao sa pagkakasala.

D. Akdang Pangmagandang- asal.

Kaalinsabay ng pagtuturo ng relihiyon ang pagtuturo ng kagandahang- asal, mabuting pakikipamuhay sa kapuwa,
paggalang sa sarili, sa magulang at sa nakatatanda at iba pa.

Kasama sa akdang nauukol sa kagandahang- asal ang akda ni Pagre Modesto de Casto na Urbana at Feliza. Ito’y
pagsusulatan ng magkapatid na Urbana at Feliza. Napunta sa Maynila si Urbana at siyaang nagpapayo sa kapatid na si
Feliza at Honesto ng mga nararapat gawin sa iba’t ibang pagkakataon sa iba’t ibang pook.

2.) Pahahon ng Awit at Korido

Tulad ng nabanggit na, nahahati sa apat na bahagi ang panahong ito: (a) Awit at Korido (b) tulang pang-aliw, (c)
tuluyang pang-aliw at (d) dulang pang-aliw.

a.) Awit at Korido (Metrical Romance)

Katuringan

Batay sa anyo, ang awit ay binubuo ng 12 pantig sa loob ng isang taludtod sa isang taludturan. Ang musika’y
madalang o andante. Ang paksa’y tungkol sa bayani at mandirigma at larawan ng buhay.

Ang korido naman, batay kay dela Costa’y “romansa o harak que al suela accompanar con la gitara alson el
fandango…” (awit o sayaw na isinasagawa sa saliw ng gitara katulad ng pandaggo). Ayon kay Trinidad Pardo de
Taverra nama’y ang “corrido” ay binalbal na salitang Mexicano na buhat sa occurido (isang pangyayaring nagganap).
Ang paksa nito’y pananampalataya, alamat at kababalaghan. Ang musika nito’y mabilis o allegro. Ang sukat sa loob
ng taludtod ay walong pantig.

Sa Pilipinas, ang mga korido’y hinggil sa mga alamat at di- kapanipaniwalang kasaysayan na ang buod ng paksa’y
nababatay sa mga naganap sa Europa. Karaniwang nasasaling-bibig lamang at hindi batid kung sino ang may- akda.
Ang kilalang manunulat nito’y sina Jose dela Cruz (Huseng Sisiw), Ananias Zorilla at Francisco Balagtas. Kabilang
sa mga awit ang Florante at Laura ni Balagtas, Pitong Infantes de Lara, D. Alejandre at D. Luis, Doce Pares ng
Pransya at Haring Patay.

Kabilang naman sa korido ang Kabayong Tabla, Don Juan Tinoso, Ang Ibong Adarna, Ang Dama Ines at Prinsipe
Florinio ni Ananias Zorilla at Rodrigo de Villas ni Jose dela Cruz.

Tula

Ladino-  mga tulang halong Kastila at Tagalog ang wika.

Sa panahong ito ng mga dalit at salmos nagsisulat ang mga prayle at sa kanilang mga sinulat ay makikita ang
katibayan ng pagpapalaganap nila ng kanilang wika bukod pa sa pagpapalaganap ng relihiyon. Ang mga dalit nila’y
wawaluhing pantig.

Sa tulang pasalaysay o mga awit at korido, ang nangunugna ay ang Florante at Laura ni Francisco Balagtas at Ibong
Adarna . Sa may paksang relihiyon ang Pasyon ang nangunguna.

Ang Dula at Dulaan

Kung ang pag-uusapan ay ang pook na pinagdarausan ng dula noong panahon ng Kastila, mahahati ito sa tahanan, sa
labasan at sa tiyak na entablado.

1.) sa tahanan- ginaganap ang mga duplo at karagatan, bugtungan at dulog o pamamanhikan

2.) sa labasan- ginaganap ang panunuluyan o pananapatan, pangangaluluwa, tibag, santakrusan, moriones at hugas-
kalawang.

3.) sa tiyak na tanghalan- ginaganap ang moro- moro, carilyo, senakulo at sarsuwela.


Sanggunian:
Rubin, Ligaya Tiamson et.al. (2006).“Panitikan sa Pilipinas”. Rex Bookstore.Lungsod ng
Quezon.

PUMUNTA SA:
Panahon ng Katutubo

Panahon ng Kastila

Panahon ng
Propaganda

Panahon ng
Himagsikan

Panahon ng Hapon

Panahon ng
Amerikano

Panahon ng Republika
 Bago pa man dumating ang mga Kastila’y may sarili nang kalinangan ang Pilipinas. Mayroon nang sariling
pamahalaan (sa kaniyang barangay), may sariling batas, pananampalataya, sining, panitikan at wika. Ang bagay na
ito’y pinatutunayan ng mga mananalasysay na kastilang nakarating sa kapuluan. Isa na sa nagpatunay sa kalinangan
ng Pilipinas si Padre Perdro Chirino  sa kaniyang Relacion de las Islas Filipinas (1604). Sinabi niyang may sariling wika
sa Pilipinas at ang mga naninirahan dito’y may sistema ng pagsulat na tinatawag na alibata.

Sang-ayon din kay Padre Chirino, ang paraanng pagsulat ng mga katutubo’y patindig, buhat sa itaas pababa at ang
pagkakasunod- sunod ng mga talata ay buhat sa kaliwa, pakanan.

Ang ginagamit na pinakapapel noon ay ang mga biyas ng kawayan, mga dahon ng palaspas o balat ng punongkahoy
at ang pinakapanulat nila’y ang mga dulo ng matutulis na bakal o iyong tinatawag sa ngayong lanseta. Sa
kasamaang palad, ang mga katibayan ng kanilang pagsulat noo’y hindi na matatagpuan sapagkat sinunog ng mga
mananakop na Kastila dahil ang mga iyon daw ay gawa ng mga diyablo.

Mayaman sa mga kuwentong-bayan ang Pilipinas. Ito ang kabang- yaman ng ating panitikan. Dito nasasalamin ang
naging buhay ng ating mga ninuno.

Ang panahon ng kuwentong bayan ay kinabibilangan ng mga (a) kuwentong- bayan,(b) kantahing- bayan
(c)karunungang bayan, at isinasama rin dito ang (d) bulong.

a. Kuwentong bayan- batay sa artikulong isinulat ni D. Damiana Eugenio na kilala sa larangan ng Folklore sa


Pilipinas, ang “Legends and Folklores” na binasa niya sa Ateneo University noong tag-init ’79, tatlo ang
mahahalagang pangkat ng mga kuwentong bayan ( folk narratives): ang (1)mito, (2)alamat at(3) salaysayin (folktales)

(1) Mito- tuluyang pagsasalaysay ma itinuturing na totoong nagaganap sa lipinang iyon noong mga panahong
nagdaan. Pinaniniwalaan ito sapagkat tinutuan silang ito’y paniwalaan. Nasa mito ang dogma at karaniwang
itinuturing na sagrado. Karaniwang kaugnay ito ng teolohiya at rituwal. Ito ang naglalahad ng ibang daigdig tulad ng
langit at ilalim ng lupa. Kinapapalooban din ito ng simula ng daigdig, ng tao, ng kamatayan, ng mga katangian ng
mga ibon, hayop o pisikal na kaanyuan ng lupa. Maaari rin itong kuwentong tungkol sa mga diyos at diyosa.

Halimbawa: Mito ng mga Maranao “Ang Pinagmulan Nitong Daigdig”

(2) Alamat- Ang mga tuluyang pagsasalaysay na kaiba sa mito sapagkat itinuturing ang alamat na titii ng mga
nagkukuwento at ng mga nakikinig. Higit na una ang mito kaysa alamat. Masasabing katulad ng daigdig ngayon ang
daigdig ng alamat hindi ito  itinuturing na sagrado. Tao ang pangunahing tauhan. Isinasalaysay naman dito ang
migrasyon, digmaan at tagumpay na nagawa ng mga bayani, hari o datu at ng mga sumunod na nagungulo sa
bayan. Nabibilang dito ang ang tungkol sa mga natatagong kayamanan, mga santo, mga engkanto at mga multo.

Nahahati sa dalawa ang pangkati ng mga alamat:  ang mga tinatawag na (a)  etiological o mga nagpapaliwanag na
mga alamat na sumasagot sa tanong na kung paano pinangalanan ang mga bagay o pook at kung bakit
nagkaganoon at sa (b) non-etiological na nauukol sa mga dakilang tao at sa mga pagpaparusa ng malaking
kasalanan. Kasama rin dito ang tungkol sa mga alamat ng santo, mga supernatural na nilikha tulad ng aswang,
tikbalang, engkantado, multo at mga ibinaong kayamanan.

Halimbawa: Ang Alamat ng Ilog- Cambinlew

                     Ang Alamat ng Adjong


                     Ang Alamat at mga Milagro ng Nuestra senora del Pilar o Fort Pilar sa Lungsod ng                    
Zamboanga.

(3) Salaysayin- maaaring pabula, mga kuwentong engkantado, mga kuwentong panlinlang, katusuhan, kapilyuhan o
katangahan at iba pa.

Kabilang dito ang iba’t ibang kuwento tungkol kay Juan. Hindi lahat ng kuwento kay Juan ay ang katamaran, may iba’t
ibang Juan sa mga salaysayin sa iba’t ibang pook. Kung palabasa ng mga kuwentong bayan ang mga taga-ibang
bansa, mapapansing ang mga kuwentong Juan ay nakakatulad ng mga kuwentong Indones o Malayo.

B. Kantahing Bayan

                Ang kantahing bayan ang oral na pagpapahayag ng damdamin ng mga katutubo. May iba’t ibang uri ito
batay sa iba’t ibang okasyong pinaggagamitan ng mga ito. May  mga para sa pagpapatulog ng mga sanggol na
tinatawag na oyayi, may sa pamamangka na kilala sa tawag na soliranin o talindaw, may diona  o awiting pangkasal,
may kumintang o awit pangdigma, may kundiman o awit ng pag-ibig at iba pa.

C. Karunungang- bayan:

Bugtong o palaisipan

Binubuo ng mga parirala o pangungusap na patula at patalinghaga ang mga bugtong at palaisipan. Iba’t ibang bagay
ang ginagawa ng bugtong ng mga ninuno. Mga bagay na nakikita araw- araw sa kanilang kapaligiran, mga bagay na
may malaking kaugnayan sa kanilang buhay

Halimbawa:

                  Munting palay,

                  Pinuno ang buong bahay (ilaw)

                  Dala mo, dala ka

                  Dala ka ng iyong dala (sinelas)

D. Bulong

Ginagamit na pangkukulam o Pange-engkato ang tinatawag na bulong. Ang halimbawa nito’y ang sinasabi kapag
may nadaanang punso sa lalawigan na pinaniniwalaaang tinitirhan ng mga duwende o nuno.

You might also like