You are on page 1of 270

I.

Introduksyon

Mga Panitikang Filipino sa Panahon ng Kastila

Ang panitikang Filipino sa panahon ng Kastila ay nagsimula lamang nang opisyal na


maitatag ni Legaspi ang kapangyarihan ng Espanya sa Pilipinas noong 1565. Kumulang
humigit sa 44 na taon muna ang nakaraan simula nung makarating si Magallanes sa Pilipinas
noong
1521 bago opisyal na nasakop ang Pilipinas ng Espanya. May tatlong ekspedisyon ang naipad
ala ng Espanya sa Pilipinas bago ang kay Legaspi ngunit ang tatlong ekspedisyong
yaong pinamumunuan nina Laoisa (1521), Saavedra (1527), at Villalobos (1542) ay walang
nangyari at hindi nakarating sa Pilipinas sapagkat sila’y sinalakay ng mga Olandes na noon ay
nasa Indonesia. Mahigit sa tatlong daang taong namalagi at lumaganap ang panitikang Filipino
sa panahon ng Kastila.

Layunin sa Pananakop

1. Ang pangunahing dahilan ay ang pagpapalaganap ng pananampalatayang Kristiyanismo o


Katolisismo.

2. Ang ikalawang dahilan ay pagpapayaman. Ito rin ang dahilan kung bakit ang mga ibang
bansasa kanluran ay nananalakay ng mga bansa sa Asya at sa Aprika.

3. Ang ikatlong dahilan ay pagpapalakas ng kapangyarihan. Ang Espanya ay nagingmayaman


at makapangyarihang bansa noong ika-15 at ika-16 na daang taon.

Katangian ng Panitikan noong Panahon Yaon Sapagkat ang pangunahing layunin ng mga
Kastila’ymagpalaganapng pananampalatayang katolisismo ay ang edukasyong ibinigay sa m
ga Pilipino’y balot ng mga araling panrelihiyon. Unti-unti nilang pinalitan ang dating
pananampalatayang pagano. Angdating Alibata ay hinalinhan nito ng Alpabetong Romano.
Ang mga dating paksa ng panitikan ay nahalinhan ng tungkol sa pananampalatayang
Katolisismo. Upang ang mga Pilipino’y madaling matuto nga bagong Abakadang Romano, ang
mga misyonero na ang nagsipag-aral ng iba’t-ibang wikain sa Pilipinas. Kaya’t masasabing
ang mga unang misyonero sa Pilipinas ay tapat sakanilang tungkuling maka-Diyos. Gayon din
naman ang kanilang panitikang dinala sa pilipinas. Karamihan

1
ay panrelihiyon, pangkagandahang asal at pangwika. Ang mga ito’y nagtataglay ng iba’t -
ibang anyo. Ang mga paksa’y huwad sa paksang Kastila. Ang mga uri ng panitikang
lumaganap ay mga awit, corrido, duplo, karagatan, comedia, moro-moro, cenakulo, at
sarsuwela. Ang mgatuluyang dinala nila ay mga talambuhay ng mga santo, nobela, dasal at
misteryo. Upang ang mga Filipino’y maturuan ng dasal, ang mga misyonero ay nagsisulat ng
mga aklat na pangwika gaya ng mga bokabularyo, balarila, misteryo at mga talambuhay ng
mgasanto. Malaki ang kanilang naiambag sa pagpapaunlad ng Panitikang Filipino.

Ang panitikang Pilipino sa panahon ng Kastila ay nahahati sa tatlong yugto:

1. Panitikan sa ilalim ng Krus at Espada ng Espanya

2. Panitikan sa paggising ng damdaming makabayam

3. Panitikan sa panahon ng himagsikan

Mga Akdang Panrelihiyon:

1. Doctrina Cristiana (1593)-kauna-unahang aklatna panrelihiyo


na nalimbag sa pamamagitan
ng silograpiya sa Pilipinas. Ito ay sinulat ninaJuan de Plasencia at P Domingo de Nieva.
2. NuestraSenora del Rosario (1602)-ikalawang aklat na nailimbag sa Pilipinas. Ito aysinulat
at inilimbag ng sariling kamay ni Padre Blancas de San Jose sa Limbagan ngPamantasan
ng Santo Tomas.
3. Barlaan at Josaphat (1708)-Ito’ay isang salaysay sa Bibliya na isinalin sa Tagalog ni Padre
Antonio de Borja mula sa Griyego. Ito ang kauna-unahang nobelang Tagalogkahit saling-
wika lamang.
4. Pasyon-
5. Dalit kay Maria - Si Padre Mariano Sevilla, isang paring Pilipino ang sumalat nito noong
1865.Humalaw siya sa mga awt ni Muzzarelli na “Mese de Maggio” o Buwan ng Mayo.
Inaalayan ng bulaklak ang Mahal na Birhen habang umaawit ng dalit.

Mga Akdang Pangwika:


1. Arte Y Reglas de la Lengua Tagala (1610)- sinulat ni Padre Blanca de SanJose at inilimbag
ni Tomas Pinpin ang kauna-unahang manlilimbag naPilipino.

2
2. Vocabulario de la Lengua Tagala (1754)- sinulat nina Padre Juan de Nocedaat Padre Pedro
Sanlucar na bokubularyong pinakatanyag.

Panitikan sa Paggising ng Damdaming Makabayan

Noong Pebrero 17, 1872 ang tatlong paring martir na sina Burgos, Gomez at
Zamora ay binatay sa garote. Dito nabuhay ang madamdaming makabayan ng mga
Pilipino. Nagsimula angmga mapalabang pagpapahayag, nagtatag ng mga bagong
kilusan sa pulitika nagingmapanuligsa ang panitikan. Naging makabayan ang dating diwang
makarelihiyon, na humihinging pagbabago sa pamamalakad ng mga tauhan ng pamahalaan at
simbahan. Nakilala ito sa bansag na Kilusang Propagandakung saan ang pangunahing sandata
nila ay panulat.

Mga Hangarin ng “Kilusang Propaganda”

1. Pagpapantay ng Pilipino at Kastila sa harap ng baras.


2. Gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas.
3. Ibalik ang pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa Kortes ng Espanya.
4. Gawing mga Pilipino ang kura paroko.
5. Kalayaang pangkatauhan sa mga Pilipino, gaya ng Kalayaan sa pamamahayag,
sa pananalita, sa pagtitipon at pagpuppulong, at sa paghingi ng katarungan sa kaaapihan.

Panitikan sa Panahon ng Himagsikan

Ang mapayapang paghiling ng reporma sa pamahalaan ay nagwakas sa paghihimagsik


dahilsa mga Pilipinong higit na mapusok at may paniniwalang kailangan ng bayan ay hindi
reporma lamang kundi ganao na kalyaan. Sa panahong ito ay nag-ibayo ang maalab na
damdamingnagpupuyos sa mga akdang pampanitikan: pawing pagtuligsa sa pamahalaan at
simbahan angnaging laman ng mga panitkan at mga payo sa Pilipino na gumising, magkaisa at
lumaban upangmatamo ang hinahangad na pagbabago at Kalayaan.

3
II. Mga Panitikan

Ang Tula sa Panahon ng Kastila

Ang mga Pilipino bago pa man dumating ang mga Espanyol, ay may sarili nang tula na
talagang mayaman sa uri, paksa, at istraktura, ngunit wala itong maayos na kaanyuan. Ngunit
sa panahong dumating ang mga Espanyol, ang bawat tulang Pilipino ay nagkaroon na ng
maraming pagbabago at karagdagan lalo na sa uri at paksa. Sa mga panahong tayo ay sinasakop
pa ng mga dayuhang Espanyol ay maraming nagbago, tulad nalang ng ating lenggwahe na
naging dajhilan kung bakit mayroong mga tulang ating mapapansing iba sa lenggwaheng
Pilipino. Noong nanirahan pa ang mga dayuhang Espanyol sa ating bansa, karamihan sa kanila
ay may mga maimpluwensiyang prayle. Ang mga prayleng ito ay hindi lang magturo ng
kristyanismo kundi sila rin ay mga iskolar ng lenggwaheng Espanyol kaya madali nilang
naikalat ang Kristianismo at ang kulturang espanyol sa bansa. Ito ay posible dahil ang mga
dayuhan ay nagpakitang tao sa pamamagitan ng pag sang ayon sa pagkatuto at pag-unawa sa
ating mga katutubong kultura, baybayin, sining, pulitika,at panitikan, ngunit sa kabila nito ay
tayo’y kanilang tinatawag na mangmang sapagkat tayo ay madali nilang napaniwala. Nang
mapailalim tayo sa kanilang mga kamay ang ating mga puso’t isipan ay sumunod din sapagkat
wala tayong magagawa maliban sa makiayon sa agos ng kanilang pamamahala. Dahil dito ang
mga katutubong Pilipino o ang mga Indio na madalas itawag sa mga Pilipino, ay madali na
nilang nabago ang anyo ng mga katutubong tula.

Mga Halimbawa ng Tula sa Panahon ng Kastila

Salamat nang Walang Hanggan

Ang Tulang Pinamagatang “Salamat Nang Walang


Hanggan” ay isinulat ng may akdang si Fernando Bagongbanta.
Ang makatang tagapagsulat na si Fernando Bagongbanta ay nakabase sa Abucay, Bataan. Isa
sya sa mga makata ng unang mga unang tagalog. At ang Tula nyang may pamagat na “Salamat
Nang Walang Hanggan” ay nasusulat sa Tagalog at Kastila. Narito ang Tula.

4
Salamat nang Walang Hanggan

Salamat na walang hanggan

gracias se den sempitemas

na nagpasilang nang tala

al que hizo salir la estrella

macagpanao ng dilim

que destierros la tineblas

sa lahat ng bayan natin.

de todo nuestro tierra.

Sanggunian: geocitiessites/sinupan/BbantaF.htm

In Peace (Sa Kapayapaan)

Ang tulang ito ay ang akda ni Fernando ma. Guerero. Si Fernando ma. Guerero ay sumusulat
noong panahon ng mga tulang papuri at paghanga kay rizal. Siya ay naging kinatawan ng
kapulungang pambansa, guro, at mamamahayag. Ang kanyang tulang in peace (sa kapayapaan)
ay kababasahan ng isang marubdob na pagmamahalsa mga bayani ng lahi. Narito ang dalawang
saknong ng tulang in peace na malayang isinalin sa Pilipino ni rufino alejandro.

In Peace (Sa Kapayapaan)


Mga martir, kayo’y magsipamayapa! Paglubog ng araw
At ang pulang ngiti ay ipinapahid sa langit kaunlaran at kinukulayan ng kaniyang silahis ang
kagalang-galang

5
Na lupang malamig na sa bangkay ninyo ay pinagbaunan.
Walang kamatayan iyang mga martir sa libingan nila
At sa kaluluwa’y muling nadurugtong napugtong hininga
Kung ibong mabait ang nakakatulad nang buhay pa sila
Ngayong sila’y patay, ang nakahimbing ay isang agila.

Sanggunian: dokumen.tips/documents/mga-makata-sa-panulaang-kastila

No Mas Amor Que El Tuyo (Pagibig Mo’y Walang Kahambing)

Ang tulang ito ay isinulat ng may akdang si Manuel Bernabe. Ang mga tula ni bernabe
ay may iba’t ibang paksa tulad ng pagbibigay puri sa espanya, ukol sa relihiyon, paglalarawan
ng buhay, at mga tulang pangkaisipan. Narito ang Halimbawa ng tulang panrelihiyon ni
bernabe na inaawit sa mga simbahan sa katagalugan.

No Mas Amor Que El Tuyo (Pagibig mo’y Walang Kahambing)


pagibig mo’y walang kahambing
o pusong maawain
kaya’t ang bayan namin
sa’yo ang puso’y hain
sa simbaha’t tahanan
ikaw ang tinatawagan
maghari kang tunay
sa aparri hanggan jolo

Sanggunian: dokumen.tips/documents/mga-makata-sa-panulaang-kastila

6
Katapusang Hibik ng Pilipinas

Ang tulang ito ay isinulat ni Andres Bonifacio. Ipinahayag ni


Bonifacio ang poot ng nasa mga Pilipino sa mahigit 300 daang taong
pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas. Napapaloob sa tulang ito na
“Katapusang Hibik ng Pilipinas” ni Andres Bonifacio ang pagbangon
ng pag-asa ng mga Pilipino. Ito ay kung saan matapang na inilahad sa bawat saknong ng tula
na handa nang lumaban ang mga Pilipino sa mga mananakop na Kastila. Inilarawan ng tulang
ito ang mga paghihirap na pinaranas ng bansang Espanya sa mga Pilipino. Sa pagiging malupit,
sakim at mapang-api nitong bansa.

Katapusang Hibik Ng Pilipinas

Sumikat na, Ina sa sinisilangan


Ang araw ng poot ng Katagalugan,
Tatlong daang taong aming iningatan
sa dagat ng dusa ng karalitaan.

Walang isinuway kaming iyong anak


sa bagyong masasal ng dalita't hirap,
Iisa ang puso nitong Pilipinas
at ikaw ay di na Ina naming lahat.

Sa kapuwa Ina'y wala kang kaparis


Ang layaw ng anak: dalita't pasakit;
pag nagpatirapang sa iyo'y humibik,
lunas na gamot mo ay kasakit-sakit.

Gapusing mahigpit ang mga Tagalog;


hinain sa sikad, kulata at suntok
makinahi't ibiting parang isang hayop
ito baga, Ina, ang iyong pag-irog?

Ipabilanggo mo't sa dagat itapon


barilin, lasunin, nang kami'y malipol.

7
sa aming Tagalog, ito baga'y hatol
Inang mahabagin, sa lahat ng kampon.

Aming tinitiis hanggang sa mamatay


bangkay nang mistula'y ayaw pang tigilan,
kaya kung ihulog sa mga libingan,
linsad na ang buto't lumuray ang laman.

Wala nang namamana itong Pilipinas


na layaw sa Ina kundi pawang hirap
tiis ay pasulong, patente'y nagkalat
recargo't impuwesto'y nagsala-salabat.

Sari-saring silo sa ami'y inisip


kasabay ng utos na tutuparing pilit
may sa alumbrado bayad kami'y tikis
kahit isang ilaw ay walang masilip.

Sanggunian: www.kapitbisig.com/philippines/poems-written-during-the-spanish-regime-
katapusang-hibik-ng-pilipinas-ni-andres-bonifacio-original-text-in-tagalog_939.html

A Rizal (Kay Rizal)

Si Cecicilio apostol ay isang abugado, na naging piskal sa Maynila, at


naging mamamahayag sa pahayagang la vanguardia. Isinulat nya ang
tulang ito na kanyang pinamagatang A Rizal (Kay Rizal) bilang
pagbibigay pugay sa kabayanihan ng bayaning si Jose Rizal. Ang ibang akda na kaniyang mga
sinulat ay halos naglalaman ng matinding pagmamahal sa bayan. Sumulat din siya ng mga tulang
papuri kay, mabini, at jacinto. Ang ilan sa mga sinulat ni apostol ay patria (inang bayan),
invitacion (paanyaya), a la bandera (sa watawat), los martires anonimos de la patria (mga hindi
nakikilalang martir ng inang bayan), at sobre el plinto (sa ibabaw ng haligi). Ang tulang ito ay
kanyang isinulat bilang papuri sa mahal na bayaning si Dr. Jose Rizal.

8
A Rizal (Kay Rizal)
Bayaning walang kamatayan, kadakilaang maalamat
Sumungaw ka mula sa bangin ng libingan Na kinahihimbingnan mo sa maluwalhating
pangarap!
Halika! Ang pag-ibig naming pinapagliyab ng iyong alaala,
Mula sa madilim na walang wakas ay tumatawag sa iyo
Upang putungan ng mga bulaklak ang iyong gunita.

Matulog kang payapa salilim ng kabilang buhay


Tagapagligtas ng isang bayang inaalipin Huawg iluha, sa hiwaga ng libingan ang sandaling
tagumpay ng kastila,

Pagkat kung pinasabog man ang utak mo ng isang punglo,


Ang diwa mo nama’y gumiba ng isang imperyo!
Luwalhati kay rizal! Ang ngalan niyang kabanal-banalan
Na parang sunog sa tabor sa pag-inaapoy
Ng talino ng pantas ay ilaw ng kaisipan,
Sa marmol ay buhay, at sa kudyapi’y kundiman.

Sanggunian: dokumen.tips/documents/mga-makata-sa-panulaang-kastila

Mga Panitikan sa Panahon ng Kastila (Maikling Kwento)

Ang maikling kuwento ay nasilayan na noong panahon bago pa man dumating ang mga Kastila
sa ating kapuluan. Karamihan sa mga ito ay pasalin-labi lamang o mga kwentong bayan. Ito
ang dahilan kung bakit noon pa mang unang panahon ay mayroon na tayong maikling kathang
nagsasalaysay tulad ng alamat, kuwentong bayan at kuwentong akda kaya hanggang ngayon
buhay na buhay ang maikling kwento bilang mahalagang bahagi ng panitikang Filipino.
Katulad lamang ng ibang mga kwento ang mga bahagi ng isang maikli na kwento ay ang
simula, gitna at wakas.

9
Mga Halimbawa Ng Mga Maikling Kwento Noong
Panahon Ng Mga Kastila

Panimula
Ang Pagong at ang Matsing o Si Pagong at si
Matsing (Ingles:The Tortoise and the Monkey o The Monkey and the Turtle ay isang pabulang
Pilipino. Ito ay tungkol sa isang pagong nagawang lokohin ang isang unggoy o matsing para
sa isang puno ng saging. Pinauso ni Jose Rizal ang kuwento sa pamamagitan ng paglathala ng
kuwento sa wikang Ingles sa edisyong Hulyo 1989 ng Trübner's Oriental Record sa Inglatera.
Ang pangyayari ito ay tinuturi na nagmarka sa pormal na pagsisimula ng pambatang
literaturang Pilipino.

Maaring nagmula sa mga Ilokano ang kuwento. Ang bersyong Ilokano ng kuwento ay
isang alamat kung bakit hindi kumakain ng karne ang mga unggoy. Ang mga bersyon ng
kuwento ang may magkakatulad na tema na may isang mas nalalamangan ngunit matalalinong
tauhan (ang pagong) na nadaigan ang isang mas malakas na kalaban (ang unggoy).

Sa pagbisita kay Juan Luna noong Enero 1886 sa Pransiya, inilarawan ni Rizal ang kuwento sa
34 na mga plate na ginawa niyang isang album na pag-aari ng asawa ni Luna. Si Rizal ay
tinuturing unang cartoon na ginawa niya sa isang album na pagmamay-ari ng asawa ni Luna.
Si Rizal ang tinaguriang unang Pilipino karikaturista sa tagumpay na ito at sa paglalarawan ng
limang kuwento ni Hans Christian Andersen na si Rizal. Ito at ang mga kuwento ni Hansen ay
ginawa sa wikang Tagalog.

Mga Tauhan:
pagong: Si Pagong ang mabait na tauhan sa kuwentong ito. Madalas siyang iniisahan ni
Matsing.

Matsing: Si Matsing naman ang tusong palaging nangloloko kay Pagong. Siya ay hindi patas
sapagkat lagi niyang nais na nakalalamang siya kay kawawang pagong.

10
Ang Alamat ng Pagong at Mastsing
ni Dr. Jose P. Rizal
Sina Pagong at Matsing ay matalik na magkaibigan. Mabait at matulungin si Pagong,
subalit si Matsing ay tuso at palabiro. Isang araw sa kanilang paglilibot sa kagubatan, nakakita
si Pagong ng isang puno ng saging. Nagpasya ang magkaibigan na paghatian ang puno. Kinuha
ni Matsing ang parteng itaas ng puno dahil iniisip niya na sapagkat may maraming dahon na
ang bahaging kanyang nakuha ay madali itong mamumunga. Kinuha naman ni Pagong naiwang
ibabang bahaging may ugat.

Inalagaan ni Pagong ang kanyang halaman. Araw-araw dinidiligan niya ito at


nilalagyan ng pataba ang lupa. Ganoon din ang ginawa ni Matsing. Subalit makalipas ang isang
linggo, nalanta ang tanim na saging ni Matsing. Si Pagong naman ay natuwa nang makita ang
umuusbong na dahon sa puno ng saging. Lalo nitong inalagaan ang tanim hanggang sa
mamunga ito nang hitik na hitik.

Nainggit si Matsing nang makita ang bunga ng saging sa halaman ni Pagong. Di


naglaon nagyaya na si Matsing na kainin na ang saging na tumubo sa puno ni Pagong at
pumayag naman ito. Ngunit hindi makakaakyat si Pagong kung kaya nangako si Matsing na
siya na lamang ang aakyat sa puno at lalaglagan na lamang niya ng saging si Pagong. Pumayag
si Pagong sa alok ni Matsing.

Subalit nang makarating na si Matsing sa taas ng puno kinain niya ang lahat ng bunga
ng puno. Wala itong itinira para kay Pagong nanatili sa taas ng puno si Matsing at nakatulog
ito sa sobrang kabusugan. Galit na galit si Pagong kay Matsing sa ginawa nito sa kanya. Kung
kaya habang natutulog ito sa sobrang kabusugan naglagay ng mga tinik sa ilalim ng puno si
Pagong. Nang magising si Matsing ay nakita niya ang tinik kaya’t humingi ito ng tulong kay
Pagong.

Ngunit tumangging tumulong si Pagong at iniwan na lamang doon si Matsing.


Makalipas ang sandali nagsimulang bumuhos ang malakas na ulan. Walang nagawa si Matsing
kundi bumaba sa puno ng saging. Nasaktan ito sa mga tinik na nakatusok sa puno ng saging sa
kanyang pagbaba. Kaya nangako siya sa sarili na gaganti siya kay Pagong.
Kinabukasan, kahit mahapdi pa rin ang mga sugat ni Matsing, ay hinanap niya si Pagong.
Nakita niya itong naglalakad sa may kakahuyan. Kinuha ni Matsing si Pagong na takot na takot.

11
Nagtanong si Pagong kung anong gagawin nito sa kanya, at sinabi ni Matsing na tatadtarin siya
nito ng pinung-pino. Nag-isip ng paraan si Pagong para maisihan ang tusong Matsing. Kaya
ang sambit nito kay Matsing na kapag tinadtad siya nito ay dadami siya at susugurin siya ng
mga ito at kakainin. Nag-isip nang malalim si Matsing at naisip nito na sunugin na lamang si
Pagong, ngunit nangatwiran na naman si Pagong na hindi naman tinatablan ng apoy ang
kanyang makapal at matibay na bahay. Kaya muling nag-isip si Matsing, hanggang sa maisipan
niyang pumunta sa dalampasigan at doon na lamang itapon si Pagong. Lihim na natuwa si
Pagong. Nagpanggap itong takot sa dalampasigan.

Tuwang-tuwa si Matsing sa pag-aakalang magagantihan na niya si Pagong. Todo lakas


niya itong itinapon sa dalampasigan. Nagulat ito nang makitang marunong lumangoy si
Pagong. Ang bilis-bilis ng pagkilos ni Pagong sa tubig. Kung mabagal ito sa lupa, ay parang
ang gaan ng katawan nito sa tubig. At naghalakhak si Pagong na sabihin kay Matsing na
naisahan din kita matsing dahil gustung-gusto ko na lumangoy sa dalampasigan. Malungkot na
umuwi si Matsing. Naisip niya na napakasakit pala na maisahan ng isang kaibigan.
Naramdaman niya kung paano masaktan kapag naloloko ng isang kaibigan.

Mula noon nagbago na si Matsing. Hindi na sila muling nagkita ni Pagong.

ARAL:
Huwag gamitin ang dunong o talino upang makalamang sa kapwa. Ang iyong mga masamang
gawi ay babalik din sa iyo kaya't huwag gagawa ng mga bagay na ikakapahamak ng iba. Kahit
gaano tayo kagaling ay darating ang panahong kakailanganin natin ang tulong ng iba.
Tandaan, tuso man ang matsing ay napaglalalangan din

Pinagkunan: Santa Romana-Cruz, Neni (Pebrero 16, 2015). "In Focus: Door to the World of
Reading Must Be Unlocked for All Children". National Commission for Culture and Arts.
Kinuha noong Oktubre 4, 2015.

↑ Rodell, Paul A. (2002). Culture and customs of the Philippines. Westport, CT [u.a.]:
Greenwood Press. pa. 61. ISBN 0313304157. Kinuha noong Oktubre 4, 2015. ...the story of
"The Tortoise and the Monkey," a pedagogical story, popularized by Jose Rizal.

12
↑ Stockinger, Johann. "The Tortoise and the Monkey". Universität Wien. Kinuha
noong Oktubre 4, 2015.

↑ "Komiks and Editorial Cartoon". CCP Encyclopedia of Philippine Art. Cultural Center of
the Philippines. Tinago mula orihinal hanggang 2016-03-04. Kinuha noong Oktubre 4, 2015.

↑ "Rizal in France". Jose Rizal website. Jose Rizal University. 2004. Kinuha noong Oktubre
4, 2015.

Kinagisnang Balon
Panimula

Bago dumating ang Kastila, ang panahong ito ay tumatalakay sa paraan


ng pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino. Ito ay mga pasalitang
pagsasalaysayan sa tradisyong patuluyan. Ang akdang ito'y
nagtataglay at nagsasalaysay sa mga karanasan lalo na sa kahirapan.
Ito ay may katotohanang unibersal, likas sa tao at lipunan. Sinimulan
ng awtor akdang ito sa paglalarawan, mga pinagmulan at mga
kwentong bumabalot sa balon ng tibag. Inilahad niya ang mga bagay-bagay sa riyalidad ng
buhay na tulad ng matandang balon na siyang kinagisnan at kinamulatan pa rin ng mga anak at
mamanahin ng mga susunod pang henerasyon. Ginawang halimbawa ang buhay ng matandang
Owenyo na minana pa ang nakagisnang hanap-buhay bilang pagiging agwadorsa ama nitong
si Ba Meloy at ang asawa nitong si Nana Pisyang ay namana din ang hanapbuhay na
paglalabandera at paghihilot sa inang si Da Felisa. Isinalaysay ito sa pamamagitan ng pag-
uusap usap ng kanilang mga kapitbahay tungkol sa mag-asawa at isinunod ang pag-uusap sa
kanilang anak na magmamana ng kanilang trabaho.

MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA:


Tandang Owenyo - isang agwador sa kanilang bayan. Ama ni Narsing at Enyang na ang pag-
iigib ang siyang pangunahing pinagkakakitaan upang matustusan ang pangangailangan ng
kanyang pamilya.

13
Nana Pisyang - asawa ni Tandang Owenyo, isang labandera sa kanilang bayan. Naghihilot din
siya upang makatulong sa mga gastusin sa bahay.

Narsing o Narciso - anak nina Pisyang at Owenyo. Nakapagtapos ng haiskul ngunit hindi
nakapagpatuloy sa kolehiyo dahil sa kahirapan. Ayaw niyang matulad sa kanyang ama na isang
agwador lamang kaya nakipagsapalaran siya sa Tundo.

Enyang - ang kapatid ni Narsing na isang dalagitang tumutulong sa mga gawaing bahay at
paglalaba't paghahatid ng mga pinaglalabhan ng kanyang ina.

Kinagisnang Balon ni Andres Cristobal Cruz

Sinasabing walang lampin sa purok ng Tibag na hindi nilabhan sa tubig na sinasalok sa


malalim, malaki't matandang balon. Sinasabing walang nagluto ng pagkain at naghugas ng
kinanan sa Tibag na hindi gumamit ng tubig sa balong iyon. Sinasabing walang naligo sa Tibag
na hindi nagbuhos ng malinis at malamig na tubig na siyang biyaya ng matatandang balong
tisa. Anupa't masasabing walang isinilang at inilibing na taga-Tibag na hindi uminom o
binindisyunan ng tubig na galing sa kanilang balon. Kung iisipin, masasabi rin na ang buhay
at kamatayan ng mga taga-Tibag ay nasa balong iyon. Mahalaga nga ang gayon, ngunit ang
bagay na ito'y hindi nila pinag-uukulang masyado ng pansin. Sa kanila, ang balon ay bahagi ng
kanilang buhay at kapaligiran, bahagi na ng kanilang mga kinagisnang alamat at mga
paniniwala't pamahiing imumulat nila sa kanilang mga anak, at imumulat naman na mga ito sa
susunod nilang salinlahi. Walang nakatitiyak kung kailan hinukay ang balong iyon."Noon pang
panahon ng Kastila," anang matatanda. "Hindi pa kayo tao, nandiyan na 'yan," giit naman ng
iba. At parang pagpapatunay, patitingnan ang mga tisang ginamit sa balon. Kauri raw at sintigas
ng mga ginamit sa pader ng Intramuros o kaya'y sa mga pinakamatatandang simbahang
katoliko sa Pilipinas. Ipaglalaban naman ng iba na ang balon ay hinukay, o sa lalong wastong
salita ay ipinahukay ng mga maykapangyarihan noong panahon ng mga Amerikano.Katunayan
daw, maraming bayan sa Pilipinas, lalo na sa Luzon, ang may mga balong katulad ng nasa
Tibag. Kaya naman daw matatagpuan ang mga ganitong balon sa labas ng mga matatandang
bayan ay upang madaling masugpo ang kolerang ilang beses nang kumalat sa buong kapuluan
at umutas ng libu-libong pagkukunan ng tubig ay nasa labas ng bayan, porlomenos, madali ang
pagsugpo sa kakalat na makamandag na kolera. May kalabuan man, kung sa bagay, ang
ganoong pala-palagay, wala namang magagawa ang mausisa. Basta't iyon daw ang paniwalaan,

14
tapos ang kuwento! Ganoon din ang ibubulyaw ng mga matatandang pikon kung kokontrahin
mo sila sa kanilang pananakot. Kung gabi raw na madilim, lalo na kung patay ang buwan, may
malignong lumilitaw sa may balon. Magtago ka raw at sumilip sa likod ng mga punong
kakawate, kung minamalas ka, makikita mo na lamang at sukat ang isang pagkaganda-gandang
babae sa may balon. May inaaninaw daw itong mukha ng kung sinong katipang nalunod o
maaaring nilunod sa balon noong panahon pa ng mga Kastila. Minsan naman daw, mga kung
anu-anong hayop ang nagsisilabasan sa may balon at nag-uungulan. At ano bang mali-maligno!
Naisipan daw ng ilang kabinataan ang magpahatinggabi sa likod ng mga punong kakawate. At
ano ang natuklasan nila? Ang nananakot ang siyang natakot. At nang magkabistuhan na,
humangos daw itong may kinakapkap na kung ano at hinabol ng mga nakatuklas. Hindi
matapus-tapos ang sisihan nang makasal nang di oras ang dalawang "maligno" na walang iba
kung di ang tanging biyudo't pinakamatandang dalaga sa Tibag. 1Isa na iyon sa masasayang
pangyayari sa balon ng Tibag. Sa may balon naglalaba't naliligo ang mga dalaga't kababaihan.
Kung naroon na ang mga dalaga, panay naman daw ang hugas ng paa ng mga binata. Naroon
na ang nakawan ng tingin, mga patalinghagang salitang sinusuklian ng saboy ng tubig o mga
hindi natutuloy na pagbabantang magsumbong. Ang ingay ng mga batang nagsisipaligo, ng
mga balding pumapalo sa gilid ng balon, mga pigil na hagikgik ng mga babae, harutan ng mga
dalaga. Marami ang makapagsasabi sa Tibag, ang buhay-buhay, tulad ng matandang balon, ay
siya na nilang kinagisnan, kinamulatan pa rin ng kanilang mga anak at mamanahin pa rin ng
mga anak naman nito. Isa na sa mga makapagsasabi si Tandang Owenyong Aguwador. Siya
lamang ang aguwador sa Tibag. Ang ibang sumasalok, may pingga at balde, ay para gamit
lamang sa bahay. Gamit din sa bahay ang sinasalok ng mga dalagang nagsusunong ng banga
ng inumin, balde o golgoreta. Hanapbuhay ni Tandang Owenyong Aguwador ang pag-iigib ng
tubig. Iniigiban niya ang ilang malalaking bahay sa Tibag at pinupuno din niya ang mga
tapayan o dram ng mga talagang nagpapaigib sa mula't mula pa. Ito ang mga pamilyang kung
nagpipista ay siyang pinakamaraming handa't bisita, mga nagiging hermano o punong-abala sa
mga komite de festejos. Ito rin ang ipinag-iigib ng ninuno ni Tandang Owenyo.
Maglilimampung taong gulang na si Tandang Owenyo. Maiksi ang gupit ng kanyang kulay
abong buhok. Pangkaraniwan ang taas, siya'y laging nakakamisetang mahaba ang manggas at
kapit sa katawan. Matipuno at siksik daw ang katawan nito noong araw. "Ba't naman di
magkakaganoon e sa banat ang kanyang buto sa pagsalok n'on pa man," sabi ng iba. "Di ba't
'yan 'kamo," dagdag ng ilan, "aguwador din?" "Di ba't ang Ba Meroy ay aguwador din?" "Aba,
siyanga, ano?" Ang pangalan ng ama ni Tandang Owenyo ay Ba Meroy. Namatay ito noong
panahon ng Hapon. "Pero 'ala pang giyera," pilit ng iba, "umiigib na ang Tandang Owenyo.".

15
Minana na niya ang opisyong iyan." "E, si Nana Pisyang Hilot? Di ba't sa balon sila…". "A,
oo! Doon niligawan ng Tandang Owenyo si Nana Pisyang. Ipagtanong mo." "Labandera na
noon si Nana Pisyang?" "Labandera na. Ang ipinag-iigib ng Tandang Owenyo ang siyang
ipinaglalaba naman ng Nana Pisyang. Kaya nga maganda ang kanilang istorya, e." "Ang Da
Felisang Hilot?" "Aba, e labandera rin 'yon. Tinuruan naman niyang manghilot ang kanyang
anak. '"Yan nga si Nana Pisyang." "Tingnan mo nga naman ang buhay." "Sa Amerika ba,
merong ganyan?" "Pilipinas naman 'to, e! Siyempre dito sa 'tin, pasalin-salin ang hanapbuhay."
"Mana-mana ang lahat." "Si Ba Meroy aguwador, puwes, si Tandang Owenyong anak ay
aguwador din." "At si Nana Pisyang ng Da Felisa, labandera." "Pero si Nana Pisyang humihilot
din." "Ow, ano ba naman 'yon? Di naman araw-araw e me nanganganak. Saka, bigyan mo na
lang ng pangkape ang Nana Pisyang, tama na." "Me pamamanahan na sila ng kanilang mga
ikinabubuhay." "Di nga ba't katu-katulong na ng Nana Pisyang sa paglalaba't paghahatid ng
damit ang dalagita niyang si Enyang? Meron na siyang magsisiksgreyd." "At si Narsing nila?"
A, si Narciso ba? Sayang. Tapos ng hayskul, hindi na nakapagpatuloy." "Ow tama na 'yon.
Tapos ka't hindi, pareho rin." "Si Narsing ang me ulo. Laging me dalang libro e!" "Sa library
nga raw sa kabayanan nagbabasa't humihiram ng libro." "Minsa'y nakita kong may kipkip na
libro. Tinanong ko kung ano." "E. ano raw?" "Florante at Laura daw." "Tingnan mo nga 'yan.
Sayang na bata. May ulo pa naman." "Balita ko'y ayaw mag-aguwador." "Nahihiya siguro.
Biruin mo nga namang nakatuntong na halos sa kolehiyo at sa paaaguwador mapupunta. Ba't
nga naman iyong iba. Karabaw inglis alam e mga tente bonete na." "Kayo, pala, oo! Para naman
kayong bago nang bago sa Pilipinas. Pa'no me malalakas na kapit 'yon!" "Di aguwador din ang
bagsak ni Narsing!" NAGHIHIMAGSIK si Narsing. Ayaw niyang pumasan ng pingga. Totoo
nga na umiigib siya. Ngunit iyon ay para gamit lamang nila sa bahay. At gusto pa niyang
bitbitin ang dalawang balde kaysa gumamit ng pingga. Sabi ng mga matatandang babaing
naglalaba sa may balon, kung magpingga lamang si Narsing mapagkakamalan daw itong si
Tandang Owenyo noong bagong tao pa ito. Iyon din ang palagay ng mga nagkakahig ng
sasabungin,ng mga naghuhuntahan sa harap ng tindahang sari-sari sa tapat ng lumang kapilya.
Kung naririnig ni Narsing ang gayong sabi-sabi lalo lamang sumisidhi ang kanyang
paghihimagsik. At ito'y may kasamang malalim na hinanakit. Nagsasampay ang kanyang ina
nang siya'y magpaalam isang umaga. Ang apat na alambreng sampayan ay lundung-lundo sa
bigat ng malalaking sinampay. Hindi na nakita ni Narsing na ang sampayan ay nawalan ng
laman, na ang damuhan sa may gilid ng bakod na siit ay walang latag na kinula. Sa kabilang
gilid ng bakuran hanggang sa duluhang papunta sa bukid ay gumagapang ang kamoteng putpot,
na ang talbos ay naagad. May kapirasong balag na ginagapangan naman ng upo. Binigyan si

16
Narsing ng kanyang inang Nana Pisyang ng konting babaunin. Ito'y naipon sa paglalaba't sa
pinagbilhan ng ilang upo at talagang inilalaan para sa susunod na pasukan ng mga bata.
Nakituloy si Narsing sa isang tiyuhin sa Tondo, sa Velasquez. Sa area, naglalakad siya't
naghahanap ng mapapasukan… Kahit na ano, huwag lamang pag-aaguwador. Nakaranas siya
ng gutom, ngunit nagtiis siya. Kung anu-anong kumpanya't pagawaan ang kanyang sinubukan.
Pulos naman NO VACANCY at WALANG BAKANTE, ang nakasabit sa mga tarangkahan at
pintuan ng mga pinupuntahan niya. Hindi lamang pala siya ang nabibigo. May nakakasabay pa
siyang madalas na mga tapos ng edukasyon at komers. Ang mga ito'y me dala pang sulat na
galing sa ganoo't ganitong senador o kongresman. Natatawang ibig maluha ni Narsing.
Binabale-wala na pala ng mga ito kahit na pirma ng mga pulitiko. Maski siguro si Haring Pilato
ang nakapirma, talagang walang maibibigay na trabaho ang balanang puntahan ni Narsing.
Napadaan si Narsing sa isang malaking gulayan ng Intsik. Subukin na nga ''to, sabi niya sa
sarili habang pumapasok siya sa isang ektarya yatang gulayan na binakuran ng mga alambreng
matinik. Kinausap niya ang Intsik na nakita niyang nagpapasan ng dalawang lalagyan ng tubig
na tabla. Taga-alis ng uod, magpala o magpiko sabi ni Narsing sa Intsik. "Hene puwede," sagot
ng Intsik, "hang lan akyen tlamaho. Nahat-nahat 'yan akyen lang tanim, dilig." "O, paano,
talagang wala?" sabi ni Narsing at napansin niyang tumigas ang kanyang boses. Para siyang
galit. "Ikaw gusto pala ngayon lang alaw, ha," sagot ng Intsik. Nangingiti-ngiti. "Akyen gusto
lang tulong sa 'yo. "O sige, ano?" "Ikaw, kuha tubig, salok sa balon, dilig konti. Ikaw na
gusto?" Ibinigay ng Intsik ang kanyang pinipinggang pinakaregadera.

Kinabukasan ng hapon nagpaalam si Narsing sa kanyang tiyahing nasa Velasquez.


Sumakay na siya ng trak pauwi sa kanilang bayan sa lalawigan, sa Tibag.Pangkaraniwan na sa
Tibag ang nabibigo sa paghahanap ng trabahong bago at hindi minana. Habang daan ay inisip-
isip niya kung paano niya maiiwasan ang kanyang mamanahing hanapbuhay na halos
pantawid-gutom lamang, ang isang kalagayang pagtitiis mula sa umpisa hanggang sa
katapusan, walang kamuwangan, hirap, at laging nakasalag, kung hindi sa kabutihang loob ng
ilan, sa pagsasamantala naman ng marami. Mabuti pa, sabi ni Narsing sa sarili, hindi na 'ko
nakapag-aral. Parang nabuksan ang kanyang isip at guniguni sa sanlibu't sanlaksang
kababalaghan ng kalikasan at sa maraming paghahamon ng buhay na di niya maubos-maisip
kung paano mapananagumpayan. Magtatakip-silim na nang dumating siya sa Tibag. Dinumog
siya ng mga paslit na nagtatanong kung mayroon siyang dalang pasalubong. Wala, wala siyang
dala. Ang sumunod sa kanyang si Enyang ay tahimik na nag-ahin ng hapunan sa lumang
dulang. Habang sila'y kumakain, naramdaman ni Narsing na naghihintay ang kanyang ama't

17
ina ng kanya pang isasalaysay tungkol sa kanyang paghahanap ng trabaho sa Maynila. Ano
naman ang maibabalita niyang hindi pa nila nalalaman tungkol sa kahirapan ng paghahanap ng
trabaho? Inalok siya nang inalok at pinakakaing mabuti ng kanyang ina. Animo'y
nagkandagutom siya sa Maynila. Pasulyap-sulyap siya sa kanyang amang nasa kabisera ng
dulang. Nagpupuyos ang kanyang kalooban sa kanyang nasasaksihan. Nag-aagawan ang mga
paslit sa ulam. Tipid na tipid ang subo ng kanyang ama't ina. Marami pa silang inom ng tubig
kaysa sa subo ng kanin. Ang ulam nila'y kamatis at bagoong na may talbos na naman ng
kamote, isang mangkok na burong mustasa at ilang piniritong bangus. Maya't maya ay
sinasaway ng kanyang ina ang mga batang parang aso't pusa sa pag-uunahan sa pagkain.

Sa buong Tibag, sila lamang marahil ang hindi halos nagkaroon ng mumo sa dulang.
Noong araw, hindi sila ganoon. Ngayon, kung magsabaw sila sa sinigang o minsan sang buwan
nilagang karne, halos sambalde ang ibubuhos na tubig para dumami ang sabaw. Habang
lumalaki't dumarami ang subo ng mga bata, dadalang naman nang dadalang at liliit ang subo
ng kanyang ama't ina. Siya man ay napapagaya na sa kanila. Ang ganoong tagpo ay kanyang
pinaghihimagsikan. Katulad din iyon ng kanyang paghihimagsik kung nasasaksihan niya ang
kanyang mga kapatid na palihim na waring nagsusukat ng mga damit na mahuhusay na
ipinaglalaba't ipinamamalantsa ng kanilang ina. Katulad din iyon ng kanyang paghihimagsk na
matapos na sa pagiigib ng kanyang ama at napapansin niyang dumarami ang kulubot sa ulo
kung nakikita itong pasan-pasan ang pingga't dalawang balde na animo'y isang Kristo sa
pagkakayuko na ang paghihirap ay wala nang katapusan. Noong gabing iyon. nagkasagutan
sila ng kanyang ama. Nakaupo si Narsing sa unang baytang sa itaas ng kanilang mababang
hagdan. Nakatingin siya sa duluhan ng bakuran. Iniisip niyang harapin pansamantala ang
pagtatanim ng gulay. Nalingunan na lamang niyang nakatayo ang kanyang ama sa may likuran
niya. 78. "Gayon din lamang," mungkahi ng kanyang ama sa malumanay na boses, at ibig mong
maghanapbuhay, subukin mong umigib." 79. May idurugtong pa sana ang kanyang ama, ngunit
hindi na nakapigil si Narsing. Malakas at pasinghal ang kanyang sagot. "Ano ba naman kayo!
Aguwador na kayo, gusto n'yo pati ako maging aguwador!" Napatigagal ang kanyang ama.
Ang kanyang ina'y napatakbo at tanong nang tanong kung bakit at ano ang nangyari. Minumura
siya ng kanyang ama. "Bakit?" wika nitong pinaghaharian ng pagdaramdam at kumakatal ang
tinig. "Ano ang masama sa pag-aaguwador? Diyan ko kayo binuhay!" Nakatayo na sana si
Narsing, ngunit sinundan siya ng kanyang ama't buong lakas na hinaltak at inundayan ng
sampal. Parang natuklap ang mukha ni Narsing, Itinaas niya ang isa niyang kamay upang
sanggahin ang isa pang sampal. Nakita niyang nagliliyab ang mga mata ng kanyang ama.

18
Sumigaw ang kanyang ina. may kasama itong iyak. Yakap siyang mahigpit ng kanyang ina.
Huwag daw siyang lumapastangan. Pati ang mga bata'y umiiyak at humahagulgol na parang
maliit na hayop. Lumayo ang kanyang ama't iniunat ang katawan sa isang tabi ng dingding na
pawid. Dinig na dinig pa rin ang kanyang sinasabi. Nag-aral ka pa naman, sayang. Oy, kung
me gusto kang gawin, sige. Di kita pinipigil. Darating din ang araw na mararanasan mo rin…
mararanasan mo rin." Kung anu-anong balita ang kumalat sa Tibag. Kung umiigib si Narsing
ng tubig para sa kanilang bahay hindi siya pinapansn ni binabati tulad ng dati. Ganoon din ang
kanyang ama. Waring nahihiyang magtanung-tanong ang mga tao, ngunit hindi nahihiyang sa
kani-kanilang sarili'y magpalitan sila ng tsismis at mali-maling palagay. 88. ISANG linggo
pagkatapos ng pagkakasagutan nilang mag-ama, ang Tandang Owenyong ay nadisgrasya sa
balon. Nadupilas ito at mabuti na lamang daw at sa labas ng balon nahulog. Kung hindi raw,
patay. Ang dibdib ng matanda ay pumalo sa mga nakatayong balde at ito'y napilayan.
Nabalingat naman ang isang siko niya. Sabi ng marami ay nahilo ang matanda. Ang iba'y
nawala sa isip niya ang ginagawa. Nilagnat pa si Tandang Owenyo. Ipinatawag na ang
pinakamahusay na manghihilot na tagaibayo. Nakikiigib ang mga iniigiban ni Tandang
Owenyo sa iba. Kailan daw ba iigib uli ang matanda. Walang malay gawin ang ina ni Narsing.
Ang kanilang dati nang malaking utang sa tindahan ni Da Utay ay lalong lumaki sa
pagkakasakit ng matandang aguwador. Isang hapong umiigib si Narsing ng gamit sa bahay ay
may naglakas-loob na nagtanong kung magaling na ang kanyang ama. Bakit daw hindi pa siya
ang sumalok. Sayang daw kung ang kinikita ng ama niya'y sa iba mapupunta. Hindi nanlilibak
o sumasaring ang pagkakasabi noon. Iyon, sa palagay na ni Narsing, ay patotoo sa paniwalang
siya ang talagang magmamana sa gawaing iyon ng kanyang ama.

KINABUKASAN, hindi nangyari ang inaasahang mangyari ni Narsing. Hindi siya


tinukso ni pinagtawanan at kinantiyawan. Nalapnos ang kanyang balikat at magdamag na
nanakit ang kanyang mga buto sa pag-aakyat-panaog sa mga hagdang matatarik, sa pagsalin at
pagbuhat ng tubig. Siya na ang umiigib. Pabiling-biling si Narsing sa kanyang hinihigang
sahig. Nakikita niya ang malalayong bituin. Narinig niya ang mga mumunting hayop at ang
alit-it ng mga kawayang itulak-hilahin ng hangin. Sa malayo'y may asong kumakahol na parang
nakakita ng aswang o ano. Hindi siya nakatulog. Marami siyang iniisip. Naalaala niya noong
siya'y nasa hayskul. Bago siya maidlip, sa guniguni niya ay nakita niyaang kanyang sariling
kamukha ng kanyang amang animo'y isang Kristong pasanpasan ang pingga't dalawang balding
mabibigat. Naisipan din niyang taniman nang taniman ang bakuran nilang ngayo'y hindi na
kanila't inuupahan na lamang. Maaga pa'y bumaba na ng bahay si Narsing. At siya'y muling

19
umigib. Mahapdi ang kanyang balikat. Humihingal siya't parang hindi na niya kayang ituwid
ang kanyang mga tuhod. Noong hapon, naghihintay si Narsing ng kanyang turno sa balon.
Nagbibiruan ang mga dalaga't kabinataan sa paligid ng balon. May tumatawang nagsasabing
binyagan ang kanilang bagong aguwador. "Binyagan si Narsing!" sigaw ng mga nasa paligid
ng balon, at may nangahas na magsaboy ng tubig.

Aral: di dapat ikahiya nag trabaho bagkus ito ay ipagmalaki, sa akdang ito ay pinatunayan na
ang trabaho ng ama/ina ay maaring maging trabaho ng kanilang anak.

Sangunian: http://www.spraguephoto.com/stock-photos/06km437-Day-in-the-life-of-a-boy,-
14-year-old-Kun-Nob-collecting-water-from-well.-Kampot-Province.-Note:-use-in-Scotland-
embargoed-until-March-2009,-Cambodia.%7C14812.jpg

Ang Alamat ng Makopa ni Gemma R. Castuera


Nakakita ka na ba ng makopa? Ito’y isang uri ng prutasna mapula ang kulay subalit ang
higit na kapansin-pansindito ay ang korte nitong tila kampana. Kung pagmamasdan
mula sa malayo ay tila mga kampanang magkakabit angkumpol ng makopa. Maiisip mo tuloy
kung saan nga ba nagmula ang makopa.

Mga Tauhan: Mga mamamayan sa bayan

ANG ALAMAT NG MAKOPA

ni Gemma R. Castañeda

Noong unang panahon ay may isang bayan na kalapit ng iasng mataas na bundok at
halos naliligiran ng malapulong gubat. Ang mga mamamayan ditto ay tahimik at maligaya sa
kanilang pamumuhay. Ang malawak na bukirin at mayabong na punong-kahoy ay nagbibigay
ng masaganang ani na siyang ikinabubuhay ng bawat taong naninirahan doon.

20
Ngunit sa lahat ang pinagmamalaki ng mamamayan ay ang kanilang gintong kampana na
nakasabit sa simboryo ng simbahan. Ang pinagmulan nito ay matagal ng nalimutan. Ayon sa
mga kanunu-nunuan nila ang kampanang iyon ay nagisnan na nila at kanila ngang ginagalang.

Dito ay may napapaloob na hiwaga at ang paniwala'y doon nanggagaling ang biyayang
tinatamasa nila sa buhay. Ang batingaw na iyon ay napakaganda ang hubog, malakas, at buo
ang tunog. Kung tumutunog ay kinaririrnggan ng napakagandang tinig ng bawat taong
makarinigay sapilitang lumuluhod at taimtim na nagpapasalamat sa Maykapal dahil sa mga
biyaya nilang tinatanggap.Talagang napakalaki ng pagsamba at paggalang ng mga tao sa
kanilang batingaw.

Maraming sa tao sa malalayong bayan ang nakaalam sa kahalagahan ng kampanang ito.


Hindi lamang kakaunti ang nagkaroon ng masamang nasa na makamtan ang nasabing
batingaw. Higit sa lahat na may nais ay ang mga tulisang naninirahan sa gubat. Balak nilang
tunawin ito kapagka nakuhanila.

Isang araw, ang buong bayan ay nagimbal sa sigaw na: "Tulisan, tulisan ang mga tulisan
ay dumarating!" Di nag-aksaya ng panahon ang pari at ang dalawang sakristan, biglang
ibinababa ang kampana't itinago. Nang dumating ang mga tulisan wala na ang batingaw. Ang
pari at mga sakristan ay pingsasaktan ng mga tulisan at pilit na pinalabas sa kanila ang
batingaw. Datapwa't hindi nagtapat ang mga ito hanggang sa pagkamuhi ng mga tulisan ay
pinagpuputlan sila ng liig. Nagbalik ang mga tulisan sa gubat na hindi nakamtan ang pakay
nila.

Ang bayan ay nagulo. Lahat ng tao'y nalungkot pagka't ang pinakamamahal nilang
batingaw ay di nila makita sapagka't ang nakaalam lamang ng pinagtaguan nito ay ang tatlong
pinatay ng tulisan. Lahat ng mamamayan - bata, matanda, mayaman, mahirap ay para-parang
nangagsipaghanap. Nguni't hindi rin nila matagpuan. Lumipas ang maraming araw at ang
batinagw ay patuloy ng naglaho. Sa hinaba-haba ng panahon ang mga tao ay nakalimot na sa
kanilang banal na gawain. Wala ng pumupunta sa simbahan upang magdasal. Ang mga bukid
ay naiwan ding tiwangwang. Lagi na lamang may gulo sa bayan. Anupa't ang bayan ay
nababalot ng kalungkutan.

Isang umaga, may maraming taon na nakalilipas ang mga taong nagdaraan sa may
simbahan ay nakakita ng isang punung-kahoy sa tabi ng kumbento na hitik na hitik sa bungang-
kaiba sa mga bungang kahoy. Ang mga bunga ay kakaiba ang hugis, at hugis kampana.
Nagkagulo ang mga tao sa paligid ng puno at sila ay nagtaka kung saan nanggaling ang punong

21
yaon na bukod sa hugis kampana ay mamula-mula pa na anaki'y ginto. Isang matandang lalaki
ang pumagitna sa mga taong nangaroroon at nagsalita ng, "Habang ako'y natutulog, tila
nakarinig ako ng isang tinig na nag-uutos na hukayin ko ang ilalim ng isang puno sa tabi ng
kumbento.

Ngunit ito'y di ko pansin sa pag-aakala ko na isang panaginip lamang."

Madaling ginawa ng mga tao ang sinabi ng matanda. Laki ng katuwaan nila nang
matagpuan ang batingaw sa ilalim ng ugat ng nasabing puno. Ang lahat ng mga tao ay nagtungo
sa simbahan at nagpasalamat sa Diyos sa pagkakabalik ng kanilang kampana. Makailang
sandali ang magagandang tunog ng kampana ay narinig na. Ito ay nagbigay ng kasiyahan at
katahimikan sa puso ng mga tao habang sila ay tamtim na nananalangin.

Ang mahiwagang puno naman ay patuloy ng pagbubunga at nang lumaon ay napag-


alamang iyon ay kinakain. Ang mga bata'y nangatutuwa sa hugis ng bunga nito, kawangki ng
kopa. Pagkalipas ng ilang araw ang bunga ay tinaguriang "Makopa".

Aral: Huwag mainggit dahil mali iyon at mag antay ka kung may magbibigay sayo o
maggagantimpala

Sanggunian: https://www.pinoyedition.com/mga-alamat/alamat-ng-makopa-1st-
version/#google_vignette

Alamat ng Lansones ni Jr. Segundo D. Matias

Ang maikling alamat na “Alamat ng Lansones” ay nagpapakita lamang na ang mga ito
ay nagpasalin-salin na sa bawat henerasyon. Dagdag pa rito, ang alamat ay isang panitikan na
may kaugnayan sa ugali, tradisyon at pamumuhay nating Pilipino. Malaki ang naging ambag
nito sa ating pagkakakilanlan at pagpapanatili sa ating kultura at tradisyon.

Ang “Alamat ng Lansones” ay isang alamat tungkol sa isang prutas na paborito ng


lahat. Ang maikling alamat ng lansones sa Tagalog ang magpapaliwanag kung paano nga ba
tinawag na Lansones ang prutas na ito. Ang alamat na ito ay siguradong magbibigay aliw at
aral na dadalhin natin habambuhay.

22
Mga Tauhan:
Dito-Ang asawa ni lito na nag dadalang-tao.nais niyang kainin ang nakalalasong lansones
Lito-Ang asawa ni Dito .Ipinagbabawal niya kay dito na wag kainin ang mga lansones
Engkanto/Babae-Ipinatikim kay dito ang nakalalasong lansones

Ang Alamat ng Lansones ni Jr. Segundo D. Matias


Noong unang panahon sa isang bayan sa Laguna ay
matatagpuan ang isang uri ng puno na may bilugan hugis ang bunga.
Sa panahon ng tagbunga, kahit na hitik sa bilugang bunga ang nasabing
puno ay walang sinuman ang nangangahas na lapitan o kainin ito. Sa
likod ng tila ba masarap na anyo ng bunga nito ay nakakubli ang
matindi at maaring nakamamatay na lason.

Nagsimulang katakutan at pag-usapan ang “puno ng lason” ng may isang manlalakbay


ang nagpahinga sa ilalim ng puno na may nakakalasong bunga. Marahil dahil sa pagod, gutom
at sa kaaya-ayang kaanyuan ng bunga ay pumitas ang manlalakbay ng bunga ng puno upang
kainin. Huli na ng makita upang pigilan ng mga taong-bayan ang manlalakbay sa pagkain nito
ng nasabing bunga. Bumula ang bibig ng manlalakbay at nangisay ito matapos makain ang
nakalalasong bunga.

Maliban sa nasabing nakalalasong puno ay marami pang ibang namumungang puno at


halaman ang matatagpuan sa bayan. Sa isang bibihirang pagkakataon ay tinamaan ng isang
matinding tagtuyot ang bayan. Nangamatay ang mga tanim na kanilang inaasahang magbibigay
sa kanila ng makakain, lingid sa isa… Ang puno na nagtataglay ng nakalalasong bunga.
Taimtim na nanalangin ang mga taong bayan upang matapos na ang nasabing tagtuyot dulot
ng matinding tag-init.

Isang araw ay may isang babaeng nakaputi ang dumating sa bayan. Kakatuwa ang
babaeng ito dahil ito ay pakanta pang tinungo ang lugar kung saan matatagpuan ang punong
namumunga ng bungang may lason. Sinubukang pigilan ng ilang nakatatanda ang babae ngunit
tila ba hindi sila narinig nito at patuloy lamang sa maligayang pag-awit nito at nagsimulang
pitasin ang bunga ng puno.

Nagimbal ang mga taong nasaksihan ang pagkain ng babae sa nakalalasong bunga ng
puno sa kabila ng kanilang pagbabala dito. Inasahan na ng mga taong-bayan na anumang oras

23
ay babagsak ito ngunit nakailang bunga na itong nakakain ay wala pa ring nangyayari. Sa halip
ay sarap na sarap pa ito sa pagkain. Marahil sa pagataka at gutom ay nagsimulang lumapit ang
mga kabataan sa babae.

Tinanong ng babae ang mga lumapit na bata kung bakit tila ba hindi nagagalaw ang
mga masasarap na prutas ng nasabing puno. Inilahad sa kanya ng mga bata ang kuwento ng
nakalalasong puno at umiling lamang ang babae. Pumitas siya ng bunga at pinisil ito upang
ilantad ang kaaya-ayang laman ng bunga ng nasabing puno. Sa gutom ay nagbakasakali ang
isang bata upang tikman ito.

“Masarap at malinamnam!” ang nasabi ng bata at muli itong pumitas. Nang makita ito
ng mga taong-bayan ay nagsimula itong lumapit sa nasabing puno upang kumuha ng bunga
upang kainin. Lahat ay nabigla sa kakaibang tamis ng dating itinuring nilang bungang may
lason. Sa di maipaliwanag na pangyayari ay bigla na lamang nawala ang babaeng unang
kumain ng bunga ng puno ng lason. Matapos mabatid na wala na ang lason sa puno ay naitawid
ng bayan ang matinding tag-init. Pinaniwalaan ng mga taong-bayan na ang babaeng nakaputi
ay isang diwatang sumagot sa kanilang panalangin.

Sa paglipas ng panahon ang dating puno at bunga na may lason ay tinawag na nilang
“lansones”

Sanggunian: https://dokumen.tips/embed/v1/ang-alamat-ng-lansones.html

Ang Alamat ng Malate ni Rene Calba

Ang Malate ay isang lugar sa Maynila. Ito ay karugtong ng Mabini at Harrison, malapit
sa Roxas Boulevard at sa tabi nito ay dagat. Kung paano naging Malate ay siya nating
isasalaysay.

Mga Tauhan:

Maria: nakakatandang kapatid ni jose

Jose: nakababatang kapatid ni maria

24
Ang Alamat ng Malate ni Rene Calba

Mayroong dalawang magkapatid na si Maria at si Jose. Madalas silang naliligo sa tabi


ng dagat. Isang araw habang naliligo ang magkapatid ay may napadaang mga dayuhan at ito
ay ang mga Kastila. Sa maraming pagkakataon ang mga dayuhan ay mahilig magtatanong sa
mga pook at lugar na kanilang dinaraanan pagkat bahagi ito ng kanilang pagsisiyasat. Nang
mga sandaling yaon ang magkapatid ay nag-aayos ng kanilang dalang baon. Kakain na lamang
sila ng mapuna nila na wala pala silang dalang tubig, mabuti pa yata'y uminom na lang tayo ng
tubig sa dagat ang wika ni Jose. Biglang tumungo ito sa dagat at tinikman ang tubig. Samantala
ang mga kastila na namamasyal ay palapit kay Maria at itinatanong sa kanya ang pangalan ng
pook sa wikang Kastila. Hindi ito maintindihan ni Maria sa halip ay tinawag ang kapatid na si
Jose, kasalukuyang tumitikim si Jose ng tubig sa dagat. Pasigaw na pinaalam nito kay Maria
ang tubig dagat. "MA-ALAT ATE! MA-ALAT ATE!" Narinig ito ng mga Kastila at inakala
ng mga ito na ang pasigaw na sinabi ni Jose ay ang pangalan ng pook. Magmula noon ay
pinangalanan at tinawag ng mga Kastila ang nasabing pook na MALATE, hango sa tubig dagat
na ma-alat ate!

Sanggunian:: Translated from Rene Alba's "Mga Alamat Pilipino (Para sa Mag-aaral)",
published 1914 by Century Publications

Ang Awit sa Panahon ng Kastila

Nang dumating ang mga Kastila sa ating bayan, panitikan ang nagsilbing paraan upang
madaling mapalaganap at maipamulat ang Kristiyanismo sa mga katutubo. Upang matugunan
naman ang kanilang hilig na mas maaliw. Pumasok ang mga anyong panitikan na tinatawag na
awit at Korido. Naging kilala ang mga ito, at naging mainam natagapag-ugnay sa mga
manunulat at mambabasa. Dahil dito, ipinalagay ng mga dayuhan na ang mga ito ay ligtas at
nakakatuwang libangan.

Ang awit at korido ay mga akdang nasa anyong patula. Ang “corrido” at ang awit ay
magkatulad ng paksa. Ang pagkakaiba lamang ay ang awit ay binubuo ng 12 pantig bawat
taludtod samantalang ang “corrido” ay 8 pantig lamang. Parehong batay sa mga “metric tales”

25
ng Europa, ang mga buod ay naaayon sa kakayahan, pananaw, at panlasa ng mga sumulat,
kapwa nagsisimula sa panalangin. Kung awitin ang“corrido” ay mabilis samantalang ang awit
ay madalang. Ang awit namaíy salaysay sa pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran ngunit ang
mga tauhan at walang sangkap na kababalaghan.

Florante at Laura ni Francisco Batlazar

Ang awit na Florante at Laura ay isa sa mga sikat na panitikan sa


kasaysayan ng Pilipinas. Ito ay gawa ng isang dalubhasang makata na si
Francisco Balagtas. Ang panitikang ito ay ginawa noong panahon ng
pananakop ng mga kastila noong ika-19 na siglo. Ang Florante at Laura
ay isang halimbawa ng awit na isang popular na anyo ng tulang pasalaysay
noong ika-19 na siglo. Noong ito’y napalimbag ay napabilang ito sa mga unang awit at korido
na ipinagbibili sa patyo ng simbahan kung araw ng mga kapistahan.

FLORANTE AT LAURA

Awit ni: Francisco “Balagtas” Baltazar

Kabanata 7 – Ang Panganib sa Gubat

108

Di pa natatapos itong pangungusap,

may dalawang leong hangos ng paglakad,

siya'y tinutungo't pagsil-in ang hangad,

ngunit nangatigil pagdating sa harap.

109

Nangaawa mandi't nawalan ng bangis

sa abang sisil-ing larawan ng sakit;

26
nangakatingala't parang nakikinig

sa di lumilikat na tinangis-tangis.

110

Anong loob kaya nitong nagagapos,

ngayong nasa harap ang dalawang hayop,

na ang balang ngipi't kuko'y naghahandog--

isang kamatayang kakila-kilabot!

111

Di ko na masabi't luha ko'y nanatak,

nauumid yaring dilang nangungusap;

puso ko'y nanlambot sa malaking habag

sa kaawa-awang kinubkob ng hirap.

112

Sino'y di mahapis na may karamdaman

sa lagay ng gapos na kalumbay-lumbay;

lipos ng pighati saka tinutunghan

sa laman at buto niya ang hihimay!

113

Katiwala na nga itong tigib-sakit

na ang buhay niya'y tuntong na sa guhit;

27
nilagnat ang puso't nasira ang boses,

di na mawatasan halos itong hibik.

114

"Paalam, Albanyang pinamamayanan

ng kasam-at lupit, bangis, kaliluhan;

akong tanggulan mo'y kusa mang pinatay,

sa iyo'y malaki ang panghihinayang.

115

"Sa loob mo nawa'y huwag mamilantik

ang panirang talim ng katalong kalis;

magka-espada kang para nang binitbit

niring kinuta mong kanang matangkilik.

116

"Kinasuklaman mo ang pangako--

sa iyo'y gugulin niniyak kong dugo;

at inibig mo pang hayop ang magbubo

sa kung itanggol ka'y maubos tumulo.

117

"Pagkabata ko na'y walang inadhika

kundi paglilingkod sa iyo't kalinga;

28
di makailan kang babal-ing masira,

ang mga kamay ko'y siyang tumimawa.

118

"Dustang kamatayan ang bihis mong bayad;

dapuwa't sa iyo'y magpapasalamat

kung pakamahali't huwag ipahamak

ang tinatangisang giliw na nagsukab.

119

"Yaong aking Laurang hindi mapapaknit

ng kamatayan man sa tapat ng dibdib;

paalam, Bayan ko, paalam na, ibig,

magdarayang sintang di manaw na isip!

120

"Bayang walang-loob, sintang alibugha,

Adolfong malupit, Laurang magdaraya,

magdiwang na ngayo't manulos sa tuwa

at masusunod na sa akin ang nasa.

121

"Nasa harap ko na ang lalong marawal,

mabangis na lubhang lahing kamatayan;

29
malulubos na nga ang iyong kasam-an,

gayundin ang aking kaalipustaan.

122

"Sa abang-aba ko! diyata, O Laura...

mamamatay ako'y hindi mo na sinta!

ito ang malapit sa lahat ng dusa,

sa akin ay sino'ng mag-aalaala!

123

"Diyata't ang aking pagkapanganyaya,

di mo tatapunan ng munti mang luha;

kung yaring buhay ko'y mahimbing sa wala,

di babahaginan ng munting gunita!

124

"Guniguning ito'y lubhang makamandag,

agos na luha ko't puso ko'y maagnas

tulo kaluluwa't sa mata'y pumulas,

kayo aking dugo'y mag-unahang matak.

125

"Nang matumbasan ko ang luha, ang sakit

nitong pagkalimot ng tunay kong ibig,

30
huwag yaring buhay ang siyang itangis

kundi ang pagsintang lubos na naamis."

Sanggunian:: https://floranteatlaurastory.blogspot.com/2012/05/kabanata-7-ang-panganib-sa-
gubat.html?m=

Doce Pares de Francia ni Francisco del Rosario

Ang kuwentong Doce Pares de Francia ay pinalawig na kwento ng buhay ni Emperador


Carlo Magno at ang labindalawang pares ng Pransya. Orihinal na nakasulat sa Pranses at
isinalin sa Kastila at isinalin sa Tagalog, Pampango at Hiligaynon.

Ang unang bahagi ng teksto ay isinalin umano sa Pranses mula sa kasulatang Latin ni
Archbishop Turpin, na nabuhay sa panahon ni Charlemagne. Ang ikalawang bahagi ng kuento
ukol kay Fierabras Balan ay kathang-isip lamang habang ang ikatlong bahagi ay halo ng
kathang isip na may katotohanan.

DOCE PARES SA KAHARIAN NG FRANCIA

ni Franco del Rosario

Unang Bahagi

• Nabalitaan ni Patriarka Aaron na sasalakayin ng mga morong mula sa Zaragosa ang


Herusalem kaya't ito'y humingi agad ng tulong kay Emperador Carlo Magno ng
Espanya. Ipinadala ni Carlo Magno ang kanyang mga kawal at pares.
• Tatlong buwan na naligaw ang mga ipinadala ni Carlo Magno ngunit nakita rin nila ang
daan patungong Herusalem sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ibon.
• Natalo na ang Hersusalem nang dumating ang mga kawal, kaya't nagpadala na lamang
ng mga kawal si Carlo Magno sa Zaragosa upang bigyan ng babala ang mga moro
naisauli ang lahat ng kanilang ninakaw at magpabinyag sila, kungdi ay didigmain sila
ng mga kawal.
• Di sumunod ang mga Moro. Sa labanan ay nanalo si Carlo Magno.

31
• Naibalik sa pamumuno si Aaron at binigyan niya ng regalo na korona ni
• Kristo si Carlo Magno bilang pasasalamat.

Ikalawang Bahagi

• Ang bagong kilabot na morong si Fierabras na anak ni Balan ay muling lumusob sa


Hersusalem. Pinatay nito ang Papa at ninakaw ang mga elikya sa
• Turkiya. Nagtayo ng pamahalaan sa Roma si Fierabras. Ipinadala ni Carlo Magno na
embahador si Gui ng Borgonya, isa sa mga pares. Si Fierabras ay wala roon,
• kung kaya't di siya nakakuha ng unawaan. Bago umalis ay nakita ni Gui si
• Floripes, na anak ni Balan at si Gui ay umibig kay Floripes.
• Ipinabalik ni Carlo Magno si Gui na may kasamang 30,000 na kawal upang salakayin
ang Roma kung hindi susuko ang mga moro. Ngunit ng makita ni Gui na si Floripes
ang namumuno ng mga moro ay di niya itinuloy ang pakikidigma.
• Nagalit si Carlo Magno at ipinadala ang 9 na pares na pinamunuan ni Roldan. Ipinadala
naman ni Balan ang kapatid ng si Corsubel at 5,000 kawal. Napatay ng pares na si
Ricatte si Corsubel.
• Natalo ang mga moro. Maraming sugat si Olivares. Nagpadala muli si Balan ng 1,000
kawal.
• Bumalik ang mga pares ngunit nagalit si Carlo Magno. Di pa raw tapos ang laban nila.
Ang Doce Pares ay binubuo nila: Olivares (conde ng Gones at anak ni Regnes), Ricarte
(duke ng Normadiya), Guarin (galing sa Lorena), Gute (taga-Bordolois), Hoel,
Lamberto, Basin, Gui (ng Borgonya), Guadabois and others.
• Sa muling paglalaban, tinalo ni Olivares si Fierabras. Sumalakay ang mga moro at dahil
dito 5 pares ang nawala. Dahil sa pagkatalo, nagpabinyag si Fierabras.
• Inutos ni Carlo Magno na hanapin ang 5 pares. Ang 7 ay siyang naghanap.
• Sila ay nagapi ng mga Turko. Ang 12 pares ay ikinulong sa Tore.
• Pinakawalan sila ni Floripes.
• Nilusob ng hukbo ni Carlo Magno ang Turkiya. Natalo ang mga moro. Dahil di
nagpabinyag ay pinugutan ng ulo si Balan.
• Si Gui at Floripes ay ikinasal at sila ang bagong namuno kapalit ni Balan.

32
Ikatlong Bahagi

• Inutusan ni Santiago (St James the Apostle) na kunin ni Carlo Magno ang kanyang
katawan na nasa mga moro. Pumunta sa Pamplona si Carlo Magno at doon ay nagwagi
siya sa conversion ng mga moro.
• Natalo din ng hukbo ni Carlo Magno ang Haring Aigolanta ng Africa na maraming
pinatay na Kristiyano.

Ikaapat na Bahagi

• Ipinadala ni Carlo Magno ang sugo na si Galalon upang sabihin kay Haring Morsirios
ng Ronsevalles na magbigay ng buwis dahil ito ay sakop ng emperador.
• Bumalik si Galalon na dala ang bayad na buwis at ang pang-iimbita upang
• ang mga mamamayan.
• Pagdating ng dose pares, sila ay pinaatay at ito pala ay patibong ng taksil na si binyagan
Galalon.
• Si Galalon ay "quartered."
• Dahil sa lungkot inihandog ni Carlo Magno ang lahat ng kayamanan niya sa simbahan
at pumasok siya sa Aquisgron.
• Namatay siya noong Pebrero 16, 1012 AD.

Sanggunian::https://docs.google.com/presentation/d/1tVr2IR4SktYic3s989csEDA9gLVmwR
DPeB0HzAaR_JE/htmlpresent

Salita at Buhay ni Mariang Alimango

Salita at Buhay ni Maria na Anak ni Juan de la Costa at ni Dalida na naging Alimango


sa Reinong Ungria ("The Story of the Life of Maria... in the Kingdom of Hungary") or Salita
at Buhay ni Mariang Alimango ay isang sikat Philippine metrical romance (awit at corrido) sa
Tagalog na isang katutubong kumbinasyon ng kuwentong Cinderella at ng European
Constance Saga.

33
SALITA AT BUHAY NI MARIANG ALIMANGO
ni J. Martinez
Sa kaharian ng Hungary, nilunod ni Juan dela Costa ang kanyang asawang si Dalida
Catala matapos umibig sa masamang si Quicay. Nagpakasal sina Juan at Quicay, na labis na
ikinalungkot ni Maria, ang anak nina Juan at Dalida, dahil inaabuso siya ni Quicay at ginagawa
siyang gawaing bahay. Isang araw, habang kumukuha ng tubig si Maria sa balon, isang
dambuhalang alimango ang lumapit sa kanya, sinabi sa kanya na si Dalida iyon, at dapat tiisin
ni Maria ang kanyang kapalaran. Nakita ni Quicay si Maria na nakikipag-usap sa alimango at
gumawa ng plano na kailangan ni Maria na patayin ang alimango at lutuin ito. Sinabihan ni
Dalida si Maria na sundin ang utos, sa kondisyon na ang kanyang anak na babae ay dapat itabi
ang lahat ng mga basura at tanggihan ang mga piraso at ilibing ang mga ito sa tabi ng balon.
Mula sa mga ito, sabi ni Dalida, sa kalaunan ay magbubunga ng isang mahiwagang puno na
namumunga na magbibigay kay Maria ng anumang gusto niya.

Noong labing pitong taong gulang si Maria, ipinagdiwang ni Haring Enrico ang isang
tagumpay laban sa mga Turko sa isang misa. Dinaluhan ito ni Quicay at ng kanyang mga anak
na sina Serapia at Felisa ngunit naiwan si Maria na walang maisuot. Naalala ni Maria ang
pangako ng kanyang ina at mabilis siyang bumili ng mga damit, alahas, karwahe, at dalawang
alilang babae mula sa mga mahiwagang prutas. Dumalo siya sa misa at nakuha niya ang puso
ni Haring Enrico, ngunit iniwasan niya ito sa huling sandali, nag-iwan ng tsinelas bilang
tanging palatandaan niya sa kanyang pagkakakilanlan. Sa kalaunan ay nahanap muli siya ni
Enrico sa pamamagitan ng pagpapaalam sa bawat babae na subukan ang nag-iisang tsinelas
hanggang sa makakita siya ng perpektong bagay. Pagkatapos ay pinakasalan ni Enrico si Maria,
na sa kanyang kabaitan ay hinayaan silang manirahan sa palasyo kasama sina Quicay, Serapia
at Felisa.

Isang araw, habang si Enrico ay wala sa pakikipaglaban sa mga Saracen, nanganak si


Maria ng triplets. Ninakaw ni Quicay ang mga sanggol at pinalitan sila ng tatlong tuta, na
humantong sa pag-aresto kay Maria. Pagkatapos ay iniwan ni Quicay ang mga sanggol upang
mamatay sa kagubatan, ngunit iniligtas sila ng pastol na si Urbino, na pinangalanan silang
Fernando, Pedro, at Francisco at pinalaki sila bilang kanyang sariling mga anak. Nang ang mga
prinsipe ay walong taong gulang, ang Hungary ay sinalakay ni Haring Miramon ng Africa, na
binihag si Enrico at ang lahat ng kanyang maharlika. Sina Urbino, Fernando, Pedro, at

34
Francisco ay humawak ng armas at pinalaya ang mga bihag. Nang makita ni Maria ang mga
lalaki, bumulwak ang gatas mula sa kanyang dibdib patungo sa kanilang mga bibig. Sa
pamamagitan ng palatandaang ito, nakilala nina Maria at Enrico ang kanilang mga anak, ngunit
hindi agad kumilos si Enrique sa pagtataksil ni Quicay, dahil muling sinalakay ng tumatakas
na Miramon ang Hungary kasama ang pinunong Turko na si Bajazet. Madaling natalo nina
Enrico, Fernando, Pedro, at Francisco ang kanilang mga kaaway. Nang matapos ang labanan,
pinatay si Quicay at ang kanyang mga anak na babae.

Sanggunian:
https://en.wikipilipinas.org/view/Salita_at_Buhay_ni_Mariang_Alimango

Bernardo de Carpio ni Juan de la Cueva


Bernardo Carpio (Ber·nár·do Kar·pi·yó) o Historia Famosa ni
Bernardo Carpio sa Reinong Espana, na Anak ni D. Sancho Diaz at
Dona Jimena ay isang awit o mahabang tulang pasalaysay na isinulat
noong siglo 19. Ipinapalagay na sinulat ang Bernardo Carpio ni Jose
dela Cruz o Huseng Sisiw. May limang edisyong Tagalog ito, ang pinakamatanda ay ang
edisyong 1860. Isinalin din ito sa mga wikang Bikol, Ilonggo, at Ilokano.

BERNARDO DE CARPIO
Ni Juan de la Cueva
Nang ang Pilipinas ay sakop pa ng mga Kastila ay may mag-asawang naninirahan sa
paanan ng bundok ng San Mateo, Rizal. Ang mag-asawa ay mahirap lang subali’t sila ay
mabait, masipag, matulungin, at maka-Diyos. Sa mahabang panahon nang kanilang pagsasama
ay hindi sila agad nagkaanak. Ganun pa man sila ay masaya sa kanilang buhay at matulungin
sa kapwa lalo na sa tulad nilang naghihirap, at sa mga may sakit. Ang mga bata sa kanilang
pook ay inaaruga nilang parang mga tunay na anak habang patuloy silang umaasa na balang
araw ay magkakaruon din sila ng sariling anak.

Dahil sa kanilang ipinamalas na kabutihan, pagtitiis, at pananalig ay kinaawaan din sila


ni Bathala at dininig ang kanilang panalangin na magkaruon ng sariling anak. Sa wakas ay
biniyayaan sila ng isang malusog na sanggol na lalaki. Bukod duon, biniyayaan din ni Bathala

35
ang sanggol ng pambihirang lakas at kisig simbolo ng lakas ng pananalig at kagandahang loob
na ipinamalas ng kanyang mga magulang.

Maliit pa lang ay kinakitaan na si Bernardo ng pambihirang lakas at kisig. Ilang linggo


pa lang mula nang siya'y ipinapanganak ay nagagawa na niyang dumapa at gumapang mag-isa
kaya minsan ay muntik na siyang mahulog sa hagdanan ng kanilang munting kubo kundi
naagapan ng isang Kastilang pari na nuon ay dumadalaw sa kanilang pook upang magturo ng
Kristiyanismo. Sa suhestiyon ng Kastilang pari na humanga sa lakas at kisig ng sanggol, siya
ay pinangalanang Bernardo Carpio ng kanyang mga magulang. Hinango ang kanyang
pangalan kay Bernardo de Carpio, isang matapang, bantog, makisig, at maalamat na
mandirigma sa bansang Espanya. Eto ay parang nagbabadya sa magiging maalamat ding buhay
ni Bernardo Carpio sa Pilipinas.

Habang lumalaki ay lalung nagiging kagila-gilalas ang pambihirang lakas ni Bernardo.


Mahigit isang taon pa lang ay nagagawa niyang bunutin ang mga pako sa kanilang sahig sa
kanyang paglalaro. At kapag isinasama siya ng ama sa pangangaso ay parang walang anuman
na binubunot ni Bernardo ang ilang mga puno upang makagawa ng daanan sa masukal na
kagubatan ng San Mateo.

Tulad ng kanyang mga magulang si Bernardo ay lumaking mabait, matulungin, at


matatag ang loob. Minsan sa kanyang pamamasyal sa gubat, ay may natanaw siyang kabayo
na nahulog sa bangin at napilay. Agad na nilusong ni Bernardo ang bangin upang sagipin at
tulungan ang kabayo. Parang walang anuman na pinasan at iniahon niya ang kabayo sa bangin
at dinala sa kanilang bahay upang gamutin at alagaan.

Sa kanyang pag-aalaga, ang bahagi ng enerhiya ni Bernardo ay dumaloy mula sa


kanyang mga kamay at bumahagi sa kabayo na naging dahilan upang mabilis itong gumaling
at nagsimulang nagpamalas din ng pambihirang lakas at bilis. Dahil sa tanglay na lakas at bilis
ang kabayo ay tinawag niyang si Hagibis at mula nuon si Bernardo at si Hagibis ay laging
magkasama sa pamamasyal sa kabundukan ng San Mateo.

Samantala, ang pagmamalupit at paninikil ng mga Kastila sa mga karapatan at kalayaan


ng mga Pilipino ay lalung nag-ibayo. Mapagtiis man ang mga Pilipino ay dumating din ang
panahon na hindi na nila matanggap ang pang-aapi ng mga dayuhan. Ang mga kalalakihan ay
nagsimulang magpulong-pulong at bumuo ng mga pangkat sa hangaring ipaglaban ang
karapatan at kalayaan ng mga Pilipino. Dahil sa kanyang taglay na pambihirang lakas at

36
pagiging makabayan ay napili si Bernardo na namuno sa namimintong himagsikan laban sa
mga Kastila.

Nang makarating sa kanilang kaalaman ang nagbabantang himagsikan ng mga Pilipino,


lalo na nang mapag-alaman nilang si Bernardo ang napipisil na mamuno, ay labis na
ikinabahala ito ng mga Kastila. Dahil sa pambihirang lakas at tapang na taglay nito ay alam
nilang mahihirapan silang igupo ang anumang himagsikan at malamang na magtagumpay pa
ito.

Dahil sa kanyang matatag na pamumuno at pambihirang lakas ay nabahala ang mga


kastila sa magagawa ni Bernardo upang maging matagumpay ang himagsikan laban sa mga
mananakop. Dahil dito ay gumawa ng patibong ang mga Kastila. Diumano ay inanyayahan
nila si Bernardo sa isang pagpupulong upang diumano ay dinggin ang karaingan ng mga
Pilipino subalit ito ay bitag lamang upang sa tulong ng isang engkanto ay maipit sa nag-
uuntugang bato at hindi na makapamuno sa himagsikan.

Lihim sa mga mamamayan, nuong panahon na iyon, ang mga Kastila ay may nahuling
isang engkantado na kasalukuyan nilang isinasailalim sa eksorsismo (exorcism), isang
pamamaraan ng simbahan upang sugpuin ang masamang ispiritu na sumapi sa katawan ng
engkantado.

Dahil sa takot na magtagumpay ang himagsikan sa pamumuno ni Bernardo ay


nakipagkasundo ang mga paring Kastila sa ispiritu na sumapi sa engkantado na ititigil nila ang
eksorsismo (exorcism) kung tutulungan sila nito na masupil si Bernardo. Sa paniniwala ng
mga Kastila, ang pambihirang lakas ni Bernardo ay matatapatan lamang ng agimat na taglay
ng engkantado.

Hindi nag-aksaya nang panahon ang mga Kastila. Agad nilang inanyayahan si
Bernardo sa isang pagpupulong upang diumano ay dinggin ang karaingan ng mga Pilipino.
Subali't sila ay may nakahandang bitag kay Bernardo. Sa pagdaraanan patungo sa isang yungib
ay naghihintay ang engkantado na nagtatago sa likuran ng magkaparis na naglalakihang bato.
Pagdaan ni Bernardo ay ginamit ng engkantado ang kanyang agimat upang pag-umpugin nito
ang naglalakihang bato sa pagnanais na ipitin at patayin si Bernardo.

Dahil sa pagkabigla ni Bernardo ay hindi siya nakaiwas at unti-unting siyang naipit ng


nag-uuntugang bato. Ginamit niya ang kanyang lakas upang pigilan ang mga bato subalit ang
kanyang lakas ay may katapat na lakas na nagmumula sa agimat ng engkantado. Nang hindi

37
bumalik si Bernardo kay Hagibis na naghihintay sa may paanan ng yungib ay naramdaman
nitong may masamang nangyayari kay Bernardo. Mabilis na bumalik si Hagibis sa kapatagan
upang humingi ng tulong sa mga mamamayan subali't natagalan bago naunawaan ng mga tao
ang ibig sabihin ng mga halinghing at pag-aalma ng kabayo. Sa bandang huli nang mapansin
nila ang pagkawala ni Bernardo ay naisipan ng ilang kalalakihan na sundan si Hagibis dahil
lagi silang magkasama.

Dinala ni Hagibis ang mga kalalakihan sa paanan ng yungib at tinangka nila itong
pasukin. Subalit nang sila ay papalapit na ay sinalubong sila ng nagbabagsakang mga bato na
ikinasugat at ikinapilay ng ilang kalalakihan. Natanaw nila ang malalaking nag-uumpugang
mga bato at nuon ay napagtanto nila na ang yungib ay pinagpupugaran ng engkantado. Sila ay
nangatakot at bumalik sa kapatagan ng hindi nakita si Bernardo.

Sangunian:: Bernardo Carpio. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1).
Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from
https://philippineculturaleducation.com.ph/bernardo-carpio/
https://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-legends-mga-alamat-ang-alamat-
ni-bernardo-carpio_329.html/page/0/1u

Don Juan Tenorio


Ang dula, na bagaman ito ay likas na romantikong,
itinanghal sa maraming mga sinehan sa Araw ng mga patay,
masira sa tradisyunal na panuntunan ng 3 mga yunit. Ito ay
nailalarawan sa pamamagitan ng isang masaganang bilang ng
mga kilos, na lilitaw na may pamagat. Ang panlabas na
istraktura nito ay nahahati sa dalawang bahagi: La unang bahagi paunlarin a tao at mapagmahal
pakikipagsapalaran. At La ikalawang bahagi higit na nakatuon sa relihiyoso at supernatural na
diwa.

38
Don Juan Tenorio
ni Jose Zorrilla
Hindi ito magiging, para sa aking buhay; habang ako ay naroroon, walang nangahas na
manalo sa Al bravo don Luis Mejía. At kung sa ano mang paraan ay papatayin mo ako, Don
Juan, ay upang pawiin ang uhaw sa pag-ibig ng isang babae, na sa kanyang katamisan ay
nanabik sa hizome ng mazapán.

Ngunit ngayong malaya na ako sa lahat ng simbuyo ng damdamin na binurdahan ng


dulo ng aking espada upang patunayan ay makikita ko na ang kahapon ay hindi katulad ng hov
at maririnig sa landas ng iyong pusong ladino na gustong sirain ang taksil na pagkakaibigan,
buhay at dangal na pinagkakatiwalaan sa mabuting tadhana.

Huwag mo akong guluhin, don Luis, kahit ako'y hamak, lagi kitang igalang at papatayin
ng triz; kung ito ay bagong simula sa aking buhay pakikipagsapalaran, hindi mo hihilingin ang
dating kaluwalhatian ng aking halaga, dahil ikaw ay magiging iyong kaaway kahit na ako ay
mawala.

Basta ang sabi mo, Don Juan, na hindi ko sinasang-ayunan ang makakita ng ganyang
aborsyon sa harap ko at ibig kitang patayin. Kung gusto mong magkumpisal, oras na ibigay
ito sa kanya, upang makita kung bibigyan ka niya ng isang piraso ng Kristiyanong pang-aapi
at nakamit ang iyong kaligtasan at pumasok sa langit kasama niya.

Ano ang wika mo, Mejía, na ako ang Commander at sa loob ng dalawang araw ang
halaga ko ay magpapatunay sa aking patnubay. Patawarin kita, ngunit pukawin ang leon, upang
makita kung mayroon akong dahilan upang magtiwala sa ginhawa ng aking bisig at sa
kagalakan ng aking malakas na puso.

Nagmamahal? Ang pinuno ay patay na, hanggang sa aking mga paa: ngayo'y darating
siya sa iyo, at ikaw ay mamamatay. traydor!
Oh, langit, mangyaring, mangyaring! laban sa sanggol at mamamatay-tao na bumalik
upang putulin ako at ilibing sa bato kung saan ang lahat ay inilibing sa isang hindi kilalang
rehiyon
Pinagkunan: https:/./www.actualidadliteratura.com/tl/laging-don-juan-tenorio-
klasiko/amp/

39
MGA DULA SA PANAHON NG KASTILA
KOMEDYA dulang patalata (karaniwang binubuo ng
octosyllabic o dodecasyllabic na quatrain) gumagamit ng
nakaugaliang marcha para sa pagpasok at pag-alis sa entablado,
batalla o labanan na may koreograpiya, at magia o mga
mahihiwagang epekto sa palabas. 2 -3 araw ipinapagdiwang
pyesta ng patron ng baryo. Nagmula sa comedia ng Espanyol
ika-16 na siglo. Unang lumabas sa Latin at Espanyol sa Cebu noong 1598. Ginawa para
ipalaganap ang kristyanismo at kontrahin ang Islam. Dalawang uri Komedya de santo
sumesentro sa buhay ng mga santo Comedia de San Miguel – Iligan; himalang dala ng mga
santo Haybing sa Taal – Batangas; mga yugto ng buhay ng mga santo Kristo sa comedia de
misteriong – Paete, Laguna. Sekular na uri ng komedya kumidya, moro-moro, linambay
(Cebu), colloquio, araquio, tibag at minoros. Tungkol sa mga labanan ng mga kaharian ng
Kristiyano sa Europa tulad ng Pransya, Espanya, Italya, Alemanya buhay at pag-ibig ng mga
dakilang Muslim at Kristiyanong karakter Don Alejandre y Don Luis at Orosman at Zafira
mula sa mga awit at korido mula sa mga medieval na kaharian, na inilimbag bilang libritos
(pamphlets).

“LA INDIA ELEGANTE Y EL NEGRITO AMANTE”


ni Francisco Baltazar
Ang “La india elegante y el negrito amante” ang kaisa-isang dulang may isang yugto ni
Francisco Baltazar na nabuhay pa. Isa itong saynete (sainete), isang uri ng maikling dulang
katatawanan na itinatanghal noong intermisyon sa mahabang komedya. Ang sayneteng ito ni
Balagtas ay may diyalogong patula at may saknungang binubuo ng aapating taludtod at sukat
na wawaluhin. Naganap ang “La india elegante y el negrito amante” sa isang plasa ng bayan
ng pagpipistahan. Tampok dito ang mga tauhang sina Uban na kaminero; si Kapitan Toming,
ang Itang “negrito amante”; at si Menangge, ang Tagala (“india elegante”) na sinisinta ni
Toming. Nagsimula ang dula sa pagwawalis ni Uban sa plasa at pagdating ni Toming na bihis
na bihis sa kaniyang lebita o amerikanang frak. Lumitaw sa usapan na nagbihis na ng iba’t
ibang kasuotan si Kapitan Toming upang mapansin ni Menangge. Naniniwala si Toming na sa
pagpapalit-palit niya ng kasuotan ay naiiba rin ang kaniyang lahi at estado sa buhay na
magiging daan upang mapalapit siya sa iniibig. Gayunman, sa pagpapatuloy ng saynete ay

40
hindi pa rin siya nakapasa sa mapanghamak na tingin ng Tagala. Sa kabila ng magaan at
katawa-tawang sitwasyon at diyalogo, ang saynete ni Balagtas ay hinahangaan ngayon dahil sa
pagpaksa nito sa diskriminasyong panlahi. Isang dagdag na patunay sa kadakilaan ng kaniyang
pag-iisip.

Sanggunian: https://pilipinas.bid/2019/09/la-india-elegante-y-el-negrito-amante.html

Walang Sugat ni Severino Reyes (Sarswela)

Ang Sarswela ay isang uri ng pagtatanghal na may kasamang pag-


awit at pag-sayaw. Sa Ingles, matatawag itong “sing and dance”.
Subalit, hindi lamang kanata at sayaw ang elemento ng pagtatanghal
na tinatawag na sarswela. Ito ay dinadala sa pamamagitan ng isang
dula gamit ang patula, pasalita, o pakantang dayalogo. Ito ay
nanggaling sa impluwensya ng mga Kastila kung saan unang umunlad
ang Espanya noong ika-17 na siglo. Heto ang mga Halimbaw ang sarswela: “Walang Sugat
(1902) at Paglipas ng Dilim (1920).”

WALANG SUGAT (BUOD)

ni Severino Reyes

Biglang dumating si Lucas at nagulat ang magkasintahang sina Julia at Tenyong. Ibinalita
ni Lucas na nadakip ang kaniyang ama at napagbintangan itong isang tulisan. Pinaslang na rin
ito ng mga dumakip. Dahil dito, minarapat nina Tenyong at Lucas na gumanti para sa
namayapang ama. Tutol naman sina Julia at Kapitana Puten sa naising ito ni Tenyong.
Gayunman, walang nakapigil sa naghihimagsik na si Tenyong.

Nagkahiwalay ang dalawa dahil sa kagustuhang lumaban. Kalaunan ay mayroong nanligaw


na ibang lalaki kay Julia. Siya si Miguel. Ito naman ay sinagot ni Julia at itinakda na ang
kanilang kasal.

41
Nagpadala ng liham si Julia kay Lucas upang ipabatid kay Tenyong na siya ay ikakasal na.
Ngunit hindi nasagot ni Tenyong ang sulat dahil abala sa digmaan. Pinaabot na lamang niya
kay Julia na dadalo siya sa kasal.

Sumapit ang araw ng kasal. Napilitan na si Julia na magpakasal kay Miguel. Bago mag-
umpisa ang seremonya ay dumating ang duguang si Tenyong.

Nanghihina na ito kaya naman tinawag na ang pari upang mangumpisal. Hiling ni Tenyong
na ikasal siya kay Julia bago bawian ng hininga.

Pumayag naman sina Miguel at pamilya nito dahil mamamatay naman na raw si Tenyong.
Pero matapos ang sermonya, bumangon si Tenyong. Nagpanggap lang pala itong napahamak,
pero wala itong sugat. Naisahan niya ang lahat!

Sanggunian: https://philnews.ph/2020/02/18/walang-sugat-buod-ang-buod-ng-walang-sugat-
ni-severino-reyes/

Santacruzan at Moriones
Ang santacruzan ay nanggaling sa tibag. Ito’y ginaganap kung buwan ng Mayo upang
alalahanin ang pagkakakuha ni Reyna Elena ng krus ni kristo. Inaawit ang “Dios de Salva” at
“Krus na Mahal” sa Prusisyon. Ang Prusisyon ay nagsisimula at nagtatapos sa simbahan. Ang
Kapana-panabik na bahagi ay ang pabitin pagkatapos maipasok ang prusisyon.

Ang Moriones o Morion ay itinuturing na pinakamabisang pang-akit sa mga turista.


Ito’y ginaganap sa Marinduque. Ang dantaong pagdiriwang na ito ay ginagawa taun-taon sa
mga bayan ng Gapan, Boac at Mogoc mula sa Miyerkoles Santo Hanggang Linggo ng
Pagkabuhay. Ito ay local na bersyon ng paghahanap ng matutuluyan ng mag asawang San Jose
at Birheng Maria sa bisperas ng Pasko. Ang Birheng Maria ay kagampan na at malapit nang
isilang si Hesus. Nakikiusap ang mag-asawa sa bahay-bahay upang sila’y patuluyin ngunit
walang nahabag na magpatuloy. Paawit ang paki usap gayundin ang sagot ng pakikituluyan.
Humantong ang banal na mag asawa sa isang kulungan ng mga hayop at isinilang sa isang
sabsaban. Pagkatapos maisadula ang panunuluyan ay magmimisa ang pari sa Pasko, araw ng
pagsilang ni Hesus.

Sanggunian: https://pdfcoffee.com/dula-sa-panahon-ng-kastila-pdf-free.html

42
Ang Salubong o Pasko ng Pagkabuhay
Ito ay ginagawa sa Linggo ng Pagkabuhay. Ang prusisyon ay sinisimulan sa ganap na ikaw
4:00 ng umaga. Dalawang prusisyon ang ginaganap. Ang unang prusisyon na nagmumula sa
isang dako ng bayan kasama ang Mahal na Birhen. Ang ikalawang prusisyon naman ay
magmumula sa ibang dako ng bayan. Ang ipinuprusisyon ay ang Panginoong Hesukristo na
nabuhay na maguli. Sa ganap na ika-5:00 ng umaga ay magsasalubong ang daawang prusisyon
sa harap ng simbahan.

Ang Paglalaro ng Puppet ni Don Cristóbal (Retablillo de Don Cristóbal)

Ang Paglalaro ng Puppet ni Don Cristóbal (Retablillo de Don Cristóbal) ay isang dula
para sa teatro ng papet pagsapit ng ikadalawampu siglo Espanyol dramatista Federico García
Lorca. Isinulat ito noong 1931 at unang isinagawa noong 11 Mayo 1935 sa Book Fair noong
Madrid, sa isang pagganap kung saan pinatakbo ni Lorca ang mga tuta ang kanyang sarili.[1]
Si Don Cristóbal ay isang uri ng Punch character (na kung saan mismo ay batay sa Pulcinella),
na lumilitaw din sa naunang pag-play ng papet ni García Lorca, Ang Mga Puppet na Billy-
Club (nakasulat noong 1931).[2]

Kilala bilang “A Farce of Puppets” ang isang kilalang papet na Espanyol[3] ay isinulat
ni Federico García Lorca. Si Don Cristóbal at ang iba pang mga papet ay Punch at Judy Mga
style na puppets. Ang dula ay isang Tragic Comedy na kinasasangkutan ng pangangalunya,
katatawanan sa krudo, at marahas na pagkilos.[4] Iyon lamang ang piraso ng papet na Punch
at Judy Style na isusulat ni Lorca. Ang dula mismo ay nagpe-play ng tema na mayamang
matanda na binibili ang batang magagandang asawa at ang mga kahihinatnan na sumunod.[5]

Sanggunian: https://slidetodoc.com/mga-dula-sa-panahon-ng-kastila-ni-francis/

43
Nobela sa Panahon ng Kastila
Ang kasaysayan ng nobela sa Pilipinas ay nagsimula noong Panahon ng Kastila na may
paksain tungkol sa relihiyon, kabutihang-asal, nasyonalismo, at pagbabago. Nagpapatuloy ito
hanggang sa kasalukuyang panahon.

Ang nobela ay kuwentong pinahaba na maaring hindi makakatotohanang kasaysayan


subalit maaari rin namang mangyari. Ito ang madalas gamiting behikulo sa pag uyam.,
pagtuturo, pag papaliwanag sa pulitika at relihiyon o pag bibigay ng mga impormasyong
teknikal. Ang pangunahing layunin nito’y ang manlibang sa pamamagitan ng sunod sunod na
pang yayari ay inilalarawan ng kalikasan at mga hibla ng madamdaming pag uulat. Ang
ganitong sunod sunod at masalimuot na mga pangyayari ang ikinaiiba sa maikling kuwento.

Mga halimbawa ng Nobela Sa Panahon ng Kastila

El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal

Ang nobelang ito ay isa sa pinaka kilalang akda ng ating


Bayani na si Dr. Jose Rizal. Si Rizal ay isa sa huwarang bayani
ng bansang Pilipinas. Ang kanyang akdang ito ay ang pangalawa
sa kanyang isinulat na akda kung saan ito ang karugtong ng
kanyang Unang Nobela na Pinamagatang Noli Mè Tangere. Ang
akdang ito ay inilathala noong taong 1891. Ang Nobelang ito ay isinulat ni Rizal para sa tatlong
Paring Martir na kilala sa tawag na GOMBURZA. Ito ay isinulat ng may akdang si Rizal
tungkol sa pananakop at pagpapahirap ng mga espanyol sa Pilipinas. At isa ring
pinapapatungkulan nito ay ang politika na nagpapahiwatig at nagpapagising sa maalab na
hangarin nyang magkaroon at makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ang ating
bayan.

Ang Buod ng Nobelang El Filibusterismo

Sa liku-likong daan ng Ilog Pasig ay may isang Bapor Tabo na naglalakbay. Lulan nito
ang maraming taong papunta sa Laguna. Ilan sa mga sakay ng bapor ay sina Simoun, Basilio,
Isagani, at ilang mga pari. Unang pinuntahan ni Basilio ang puntod ng kaniyang ina nang ito’y

44
makarating sa San Diego. Doon ay nakita niya ang mag-aalahas na si Simoun. Nang
magtanggal ito ng salamin ay nakilala niyang iyon si Juan Crisostomo Ibarra. Tinangkang
patayin ni Simoun si Basilio upang hindi lumabas ang lihim nito. Ngunit naisip niyang parehas
sila ng kinahinatnan nito kaya hinimok nalang niyang makiisa si Basilio sa planong
paghihiganti sa Pamahalaang Kastila.

Ngunit ito ay tinanggihan ni Basilio. Naghain ng kahilingan sa Kapitan Heneral ang


mga mag-aaral na Pilipino upang makapagtayo ng isang akademya ng wikang Kastila. Ngunit
hindi ito pinagtibay dahil mga pari ang namamahala dito. Nang muling magkanaig ni Simoun
si Basilio ay muli niyang kinumbinsi na umanib ang binata sa gagawing paghihigmasik. Plano
ni Simoun na gumawa ng isang pulutong na sapilitang papasok sa kumbento upang agawin si
Maria Clara. Sa kasawiang palad ay hindi ito nangyari dahil binawian din ng buhay ang dalaga
kinahapunan.

Samantala, nagkaroon ng pagtitipon ang mga mag-aaral, sa Panciteria na pagmamay-


ari ng Intsik na si Quiroga, dahil sa masama ang kanilang loob dala ng pagkabigo ng kanilang
kahilingan patungkol sa pagpapatayo ng akademya ng wikang Kastila.Nalaman ng mga pari
ang tahasang pagtuligsa sa kanila ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng talumpatian sa loob
din ng Panciteria. Kinaumagahan ay makikita ang mga paskin sa pinto ng Pamantasan na
naglalaman ng mga paghihimagsik. Pinagbintangan ang mga mag-aaral na kasali sa kapisanan
at dinakip ang mga ito kasama si Basilio. Labis ang pagdaramdam ng kasintahan ni Basilio na
si Huli.

Hinimok ni Hermana Bali na lapitan ni Huli si Padre Camorra upang humingi ng tulong
sa pagpapalaya kay Basilio. Napalaya ng mga kamag-anak nila ang mga mag-aaral maliban
kay Basilio. Hinalay ni Padre Camorra si Huli dahilan kung bakit tumalon sa bintana ang dalaga
at agad namatay.

Sa kabilang dako, patuloy parin si Simoun sa kanyang plano na paghihiganti. Upang


maisagawa iyon, sumanib siya sa negosyo ni Don Timoteo Pelaez na ama ni Juanito.
Ipinagkasundo niyang ipakasal si Paulita kay Juanito. Inanyayahan niya sa piging ang mga
taong may mataas na posisyon sa pamahalaan. Lumipas ang dalawang buwan, nakalaya na si
Basilio sa tulong ni Simoun dahilan kung bakit tuluyan na siyang nakiisa sa paghihimagsik na
balak ni Simoun.

45
Sinamantala ni Simoun ang mangyayaring piging upang maisagawa ang
paghihimagsik. Naghandog siya ng magarang lampara para sa ikakasal. Di-lingid sa kanilang
kaalaman, ang lamparang iyon ay may lamang nitrogliserina. Sa oras na itaas ang mitsa ay
sasabog ito ng malakas. Habang nagsasaya ang lahat ay palakad-lakad naman si Basilio sa
labas. Hindi siya mapakali dahil alam niya ang mangyayaring pagsabog.

Nakita niyang lumabas na rin si Simoun sa bahay dahil sa nalalapit na pagsabog ng


lampara. Nakita din niya si Isagani at sinabihan umalis na sa bahay na iyon. Unti-unti nang
lumalamlam ang ilaw ng lampara. Iniutos ng Kapitan Heneral kay Padre Irene na itaas ang
mitsa nito ngunit mabilis itong inagaw ni Isagani at itinapon sa ilog. Hindi natuloy ang plano
ni Simoun kaya tumakas ito at nagtungo sa bahay ni Padre Florentino. Uminom si Simoun ng
lason dahil ayaw niyang mahuli siya ng mga sibil na buhay.

Nagtapat siya kay Padre Florentino ng kaniyang buhay at ang balak niyang
paghihiganti. Noong oras din na iyon ay binawian ng buhay si Simoun. Tumungo si Padre
Florentino sa bato na laging inuupuan ni Isagani malapit sa dagat at itinapon ang lahat ng
kayamanan ni Simoun

Sanggunian: https://noypi.com.ph/el-filibusterismo-buod-ng-buong-kwento/

Urbana at Felisa

Ay itinuring na pangunahing manunulat noong ika-19


na daantaon. Tubong Biñan, Laguna, kinilala siya dahil sa
kanyang angking kakayahan sa pagsulat ng mga sermong
pampolitika na kanyang binibigkas at nang tumagal ay sinulat
para malathala Kakaiba ang akdang ito dahil binubuo ito ng
pinagsunod-sunod na mga liham nila Juana at Feliza para sa isat’-isa. Naging popular ito at
isinalin din sa iba pang wika gaya ng Bisaya at Ilokano. Dahil sa akdang ito, tinawag si Padre
Modesto de Castro na “Ama ng Tuluyang Klasika sa Tagalog”.

46
Buod ng Nobelang Urbana at Felisa

Ang magkapatid na sina Urbana at Felisa ay nagpapalitan ng liham dahil sila ay


magkalayo. Si Urbana ay nasa Maynila dahil nag-aaral ito sa isang pamantasang pambabae
roon.

Si Felisa naman ay binibigyan ng pangaral ang kaniyang kapatid na si Urbana dahil


malayo ito at nasa Maynila. Ayon kay Felisa, dapat daw ay lumayo sa anumang tukso ang
kapatid upang makapag-aral nang maayos at hindi maging sagabal sa kaniyang pagtatapos.
Nais ni Felisa na taglayin din ng kaniyang kapatid ang kaniyang magandang pag-uugali at
mahusay na pakikisama kaya naman patuloy ang pagpapaalala niya sa kapatid. Panay ang
paalala niya sa kapatid sa mga bagay na dapat ugaliin sa iba’t ibang pagkakataon. Umiwas din
daw si Urbana sa mga bisyo.

Si Urbana naman ay nanghihingi ng balita tungkol sa kanilang kapatid na si Honesto.


Sinasagot naman siya ni Felisa kasabay ang mga kuwento tungkol sa mga nagaganap sa
kanilang lugar na Paombong, Bulacan. Nanghingi rin ng payo si Felisa sa kaniyang ate dahil
sa pagpapakasal niya kay Amadeo. Sa huling bahagi ng kanilang palitan ng liham, malungkot
na ibinalita ni Felisa ang pagpanaw ng kanilang ama. Sabi raw ng tatay nina Urbana, sabihin
na lamang sa kaniyang wala na ang ama kung tapos na ang burol upang hindi mag-alala ang
kaniyang anak na nasa malayong lugar.

Sanggunian: https://www.panitikan.com.ph/urbana-at-felisa-buod

Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal

Ang Noli Me Tangere ay isang nobelang isinulat ni Jose


Rizal, at inilathala noong 1887, sa Europa. Hango sa Latin ang
pamagat nito at "huwag mo akong salingin" ang ibig sabihin
nito,kinuha ito ni Rizal sa ebanghelyo ni Juan: 20: 13-17 sa
Bibliya na tumutukoy kung paano pinagsusuot ng mga patalastas ang mga may ketong upang
lubayan sila ng mga nakakasalubongnila. Mas madalas itong tinatawag na Noli; at ang satin sa
Ingles nito ay Social Cancer. Sinundanito ng El Filibusterismo, isa pang nobela ni Jose Rizal

47
na tungkol sa paghihimagsik. Ang nobelang El Filibusterismo (literal na "Ang Pilibusterismo")
o Ang Paghahari ngKasakiman ay ang pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani
ng Pilipinas na si JoseRizal, na kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir na
lalong kilala sa bansag naGomburza o Gomez, Burgos, at Zamora. Ito ang karugtong o sequel
sa Noli Me Tangere at tuladsa Noli, nagdanas si Rizal ng hirap habang sinusulat ito at, tulad din
nito, nakasulat ito sa Kastila.Sinimulan niya ang akda noong Oktubre ng 1887 habang
nagpapraktis ng medisina sa Calamba.

NOLI ME TANGERE

Si Crisostomo Ibarra ay isang binatang Pilipino na pinag-aral ng kanyang ama sa


Europa. Pagkatapos ng pitong taong pamamalagi roon ay nagbalik ito sa Pilipinas. Dahil sa
kanyang pagdating ay naghandog si Kapitan Tiyago ng isang salo-salo kung saan ito ay
dinaluhan nina Padre Damaso, Padre Sibyla, Tinyente Guevarra, Donya Victorina at ilang
matataas na tao, sa lipunan Kastila. Sa hapunang iyon ay hiniya ni Padre Damaso na siyang
dating kura ng San Diego, ang binata ngunit ito’y hindi na lamang niya pinansin at magalang
na nagpaalam at nagdahilang may mahalagang lalakarin.

Si Ibarra ay kasintahan ni Maria Clara. Siya ay kilala bilang anak-anakan ni Kapitan


Tiyago, isang mayamang taga-Binundok. Ang binata ay dumalaw sa dalaga kinabukasan at sa
kanilang pag-uulayaw ay di nakaligtaang gunitain ang kanilang pagmamahalan simula pa sa
kanilang pagkabata. Di nakaligtaang basahing muli ni Maria Clara ang mga liham ng binata sa
kanya bago pa man ito mag-aral sa Europa. Bago tumungo si Ibarra sa San Diego ay ipinagtapat
sa kanya ni Tinyente Guevarra ng Guardia Sibil ang tungkol sa pagkamatay ng kanyang amang
si Don Rafael, ang mayamang asendero sa bayang yaon.

Ayon sa Tinyente, si Don Rafael ay pinaratangan ni Padre Damaso, na Erehe at


Pilibustero, gawa ng di nito pagsisimba at pangungumpisal. Nadagdagan pa ng isang
pangyayari ang paratang na ito. Minsan ay may isang maniningil ng buwis na nakaaway ng
isang batang mag-aaral, nakita ito ni Don Rafae at ltinulungan ang bata, nagalit ang kubrador
at sila ang nagpanlaban, sa kasamaang palad ay tumama ang ulo ng kastila sa isang bato na
kanyang ikinamatay. Ibinintang ang pagkamatay na ito ng kubrador kay Don Rafael, pinag-
usig siya, nagsulputan ang kanyang mga lihim na kaaway at nagharap ng iba-ibang sakdal. Siya
ay nabilanggo at ng malapit nang malutas ang usapin ay nagkasakit ang matanda at namatay sa
bilangguan. Di pa rin nasiyahan si Padre Damaso sa pangyayaring iyon. Inutusan niya ang

48
tagapaglibing na hukayin ang bangkay ni Don Rafael sa kinalilibingan nitong sementeryo para
sa katoliko at ibaon sa libingan ng mga Intsik at dahil umuulan noon at sa kabigatan ng bangkay
ay ipinasya ng tagapaglibing na itapon na lamang ito sa lawa. Hindi binalak ni Ibarra ang
maghiganti sa ginawang kabuktutang ito ni Padre Damaso at sa halip ay ipinagpatuloy ang
balak ng kanyang ama na magpatayo ng paaralan. Sa pagdiriwang ng paglalagay ng unang bato
ng paaralan ay kamuntik nang mapatay si Ibarra kung hindi siya nailigtas ni Elias. Sa paglagpak
ng bato habang ito’y inihuhugos ay hindi si Ibarra ang nasawi kundi ang taong binayaran ng
lihim na kaaway ng binata. Sa pananghaliang inihandog ni Ibarra pagkatapos ng pagbabasbas
ay muling pinasaringan ni Padre Damaso ang binata, hindi na lamang niya sana ito papansinin
subalit nang hamakin ang alaala ng kanyang ama ay hindi na siya nakapagpigil at tinangkang
saksakin ang pari, salamat na lamang at napigilan ito ni Maria Clara. Dahil sa pangyayaring ito
ay itiniwalag o ineskomonyon si Ibarra ng Arsobispo ng simbahang Katoliko Romano.
Sinamantala ito ni Padre Damaso upang utusan si Kapitan Tiyago na sirain ang kasunduan sa
pagpapakasal nina Ibarra at Maria Clara. Nais ng pari na ang mapangasawa ng dalaga ay si
Linares na isang binatang kastila na bagong dating sa Pilipinas. Dahil sa pagkasindak sa
gumuhong bato noong araw ng pagdiriwang si Maria Clara’y nagkasakit at naglubha. Dahil sa
ipinadalang gamot ni Ibarra na siya namang ipinainom ni Sinang gumaling agad ang dalaga.
Sa tulong ng Kapitan Heneral ay napawalang-bisa ang pagkakaeskomulgado ni Ibarra at
ipinasya ng arsobispo na muli siyang tanggapin sa simbahang Katoliko. Ngunit, nagkataon
noong sinalakay ng mga taong pinag-uusig ang kwartel ng sibil at ang napagbintangang may
kagagawan ay si Ibarra kaya siya ay dinakip at ibinilanggo. Wala talagang kinalaman dito ang
binata sapagkat nang kausapin siya ni Elias upang pamunuan ang mga pinag-uusig ay tahasan
siyang tumanggi at sinabing kailanman ay hindi siya maaring mamuno sa mga taong
kumakatawan sa bayan.

Napawalang-bisa ang bintang kay Ibarra sapagkat sa paglilitis na ginawa ay walang


sino mang makapagsabi na siya’y kasabwat sa kaguluhang naganap. Subalit ang sulat niya kay
Maria Clara na napasakamay ng hukuman ang siyang ginawang sangkapan upang siya’y
mapahamak.

Nagkaroon ng handaan sa bahay nina Kapitan Tiyago upang ipahayag ang kasunduan
sa pagpapakasal ni Maria Clara kay Linares at samantalang nagaganap ito ay nakatakas ni
Ibarra sa bilangguan sa tulong ni Elias. Bago tuluyang tumakas ay nagkaroong ng pagkakataon
si Ibarrang magkausap sila ng lihim ni Maria Clara. Anya’y ipinagkaloob na niya rito ang
kalayaan at sana’y lumigaya siya at matahimik na ang kalooban. Ipinaliwanag ni Maria Clara

49
na ang liham na kanyang iniingatan at siyang ginamit sa hukuman ay nakuha sa kanya sa
pamamagitan ng pagbabanta’t pananakot. Ippinalit sa mga liham na ito ang dalawang liham na
isinulat ng kanyang ina bago siya ipanganak na nakuha ni Padre Salvi sa kumbento at dito
nasasaad na ang tunay niyang ama ay si Padre Damaso. Sinabi niya kay Ibarra na kaya siya
pakakasal kay Linares ay upang ipagtanggol ang karangalan ng kanyang ina subalit ang pag-
iibig niya saa binata ay di magbabago kailanman. Samantala, tumakas na si Ibarra sa tulong ni
Elias. Sumakay sila ng bangka, pinahiga si Ibarra at tinabunan ng damo at pagkatapos ay
tinunton ang ilog Pasig hanggang makarating sa Lawa ng Bay. Ngunit naabutan sila ng mga
tumutugis sa kanila. Inisip ni Elias na iligaw ang mga ito kaya naisipan niyang lumundag sa
tubig kung saan inakalang si Ibarra ang tumalon kaya hinabol at pinaputukan siya ng mga sibil
hanggang mahawi ang bakas ng pagkakalangoy at magkulay-dugo ang tubig.

Nakarating sa kaalaman ni Maria Clara na si Ibarra’y napatay ng mga Sibil sa kanyang


pagtakas. Ang dalaga’y nalungkot at nawalan ng pag-asa kaya’t hiniling niya kay Padre
Damaso na siya’y ipasok sa kumbento ng Santa Clara upang magmadre. Napilitang pumayag
ang pare sapagkat tiyakang sinabi ng dalaga na siya’y magpapakamatay kapag hindi
pinagmadre.

Noche Buena nang makarating si Elias sa maalamat na gubat ng mga Ibarra, sugatan at
nanghihina na doon niya nakatagpo si Basilio at ina nitong wala nang buhay.Bago
siya namatay,ay sinabi niyang “Mamamatay siyang hindi nakikita ang pagbubukang-
liwayway ng kanyang bayan at makakikita ay huwag sanang kalilimutan ang mga nangamatay
dahil sa pagtatanggol sa bayan.

Pinagmulan: Rizal, José, 1861-1896. Noli Me Tangere. Maynila: Pambansang Suriang


Pangkasaysayan, 1990.

Barlaan at Josaphat ni Padre Antonio de Borja

Ito ay panahon ng kastila kung saan ang tagpuan


ay sa Indiya, senaar at simbahan, ang mga tauhan Abenir-
Siya ang hari ng Indiya na may anak na nagngangalang
Josaphat. Siya ay lumagda sa batas na nag-uutos na
sumamba ang mga tao sa diyos-diyosan. Barlaan- siya ang paring nanirahan sa Senaar na
nagpapanggap upang maturuan si Josaphat ng aral ng Kristiyanismo. Josaphat- anak ni haring

50
Abenir na nanabik na malaman ang aral ng Kristiyanismo. Siya rin ang nagpabago sa
paniniwala sa kanyang ama.

BARLAAN AT JOSAPHAT

ni Padre Antonio de Borja

Ang kasaysayan ng Barlaan at Josaphat ay umiikot sa nabigong pagsisikap ng isang


hari na mailayo sa Kristyanismo ang kanyang anak na prinsipe. Naituro ni Tomas Apostol ang
aral ng diyos sa Indya, na pinaghaharian noon ni Abenir. Dahil sa hulang magiging kristyano
ang kanyang magiging anak na lalaki, sinikap ng hari na ibukod ng tirahan at kapaligiran ang
prinsipeng Josaphat sapul noong isilang ito. Sa paglaki ni Josaphat narinig niya ang tungkol sa
kamaharlikaan ng bagong relihiyon. Natutuhan niyang pag-isipan ang buhay ng kamatayan
nang matanaw niya ang mga taong kahabag-habag.

Nabalitaan ng matandang paring Barlaan na nasa Senaar ang tungkol sa mabuting


kalooban ni Josaphat. Nagpanggap siyang isang tagapagtinda kaya nakatagpo niya si Josaphat
na nahikayat niyang magpabinyag. Lahat ng ito'y lingid sa kaalaman ni haring Abenir
hanggang sa makaalis na sa palasyo à Barlaan.

Nang matuklasan ni haring Abenir ang nangyari sa anak, iniutos niyang dakpin si
Barlaan, ngunit di ito matagpuan. May pinapagpanggap na Barlaan ang hari a siyang dinakip.
Sa gayon, sa pag- aakalang malagim ang kararatnan ng kaibigang pari, nagtapat si Josaphat sa
hari. Ito ang naging daan para pagsikapan ni Josaphat na hikayatin ang ama. Napagtanto ni
Abenir na kailangang paghimok ang gamitin sa anak at hindi pagbabanta. Sa gayon, hinamon
ni Abenir ang anak saka ang mga kapanalig nito sa isang pagtatalo, at kung mananalo si
Josaphat at Barlaan maagpapabinyag ang hari at ang mga kampon nito at nagtagumpay sina
Josaphat

Ang bahagi ng nobela na nagbigay sa akin ng kakintalan ay yaong iminungkahi ng


ministro ni Abenir na hayaang mamuno sa isang hiwalay na kaharian si Josaphat. Pumayag si
Abenir. Maraming tao ang lumipat sa kaharian ni Josaphat,nagsisi si Abenir sa kanyang
pagkakamali at nagpabinyag na din sa kristyanismo.

Iniwan ni haring Abenir ang kaharian kay Josaphat at namuhay siya nang tahimik
hanggang sa mamatay at ibig din namang manahimik ni Josaphat kaya iniwan niya ang

51
kaharian sa isang tapat na tauhan na si Barachias at hinanap niya si Barlaan hanggang sa
matagpuan niya ito. Minsan tinawag ni Barlaan si Josaphat at sinabing malapit na siyang
mamatay. Pinasundo niya kay Josaphat ang mga monghe sa di-kalayuang monesteryo.
Nagmisa si Barlaan bago mamatay.Nanaginip minsan si Josaphat at nakita niya ang dalawang
korona: isa para sa kanya at isa para sa ama. Sinabi niyang hindi marapat ang kanyang ama.
Lumitaw sa pangitain si barlaan at sinisi siya nito. Nagsisi si Josaphat. Namuhay siya bilang
ermitanyo. Nang mamatay siya, inilibing siya sa puntod ni Barlaan.Nang mapag alaman ni
Barachias na namatay na si Josaphat, pinahanap niya ang libingan nito. Nang hukayin nila ang
puntod, natagpuan nilang buo ang mga mabango pang bangkay ng dalawa, na napabantog mula
noon, kya naman marami pa ang nagpabinyag.

Sanggunian: https://www.scribd.com/doc/283051160/Pagsusuri-ng-Barlaan-at-Josaphat-na-
iisinalin-ni-Padre-Antonio-de-Borja

Ninay ni Pedro Paterno

Kilala si Pedro Paterno sa kasaysayan dahil sa animo


balimbing niyang pag-aasal sa harap ng mga kapwa Pilipino,
Kastila, at nang lumaon, mga Amerikano. Gayunman, hindi pa
rin matatawaran ang kahalagahan ng kanyang mga akda tungkol
sa kalinangang Pilipino at maging ang kahalagahan ng kanyang
nobelang Ninay. Ipinanganak si Pedro Paterno noong 1857 at sumakabilang buhay noong 1911.
Bukod sa Ninay, isa pang mahalagang aklat na nagawa ni Paterno ay ang El Cristianismo en la
Antigua Civilizacion Filipina na inilimbag noong 1892 (Paterno, 1892; Reyes, 2011; Mojares,
2006, pp. 1-69). Magkaugnay ang dalawang akdang ito yamang pinatutunayan nitong huli ang
pagkakaroon ng pananampalatayang Kristiyano sa mga Pilipino bago pa man dumating ang
mga misyonerong nangaral at nagpakalat nito sa Pilipinas. Yamang bihasa sa teolohiyang
Katoliko si Paterno, sinundan niya ang proposisyon ng mga Katoliko sa tinutukoy na
Revelacion Natural o ang paghahayag ng Diyos sa mga tao ng Kanyang sarili sa likas o natural
na paraan ng katuwiran. Pagdating sa pagsasalaysay ng Ninay, gagamitin itong mabuti ni
Paterno upang ipakita ang kawalang kontradiksyon sa pagitan ng sinaunang paniniwala ng mga
Pilipino sa mga paniniwalang Kristiyano Katoliko.

52
NINAY
ni Pedro Paterno
BUOD:

Ang Ninay ay itinuturing na kauna-unahang Filipino at Tagalog na nobela. Ito ay


isinulat ni Pedro Paterno at nailathala sa taong 1908. Inilalarawan nito ang kayamanan ng
kapaligiran at kultura ng Pilipinas sa pamamagitan ng magkakakabit-kabit na naratibo at mga
paglalarawan ng mga tanawin ng bansa at ritwal. Ito ay nagsilbi upang pawalang kabuluhan
ang pahayag ng Espanyol na ang Pilipinas ay walang kultura.

Ang nobela ay gumagamit ng lokal na tradisyon ng pasiyamor, siyam na araw na


novena bilang isang balangkas sa dalawang naratibo ng nag-iisa at hindi nasasayang pag-ibig.
Ang pasiyam ay ginaganap para kay Ninay.

Ang unang salaysay ay tungkol kina Ninay at ang kanyang kasintahan na si Carlos
Mabagsic na di-wastong inakusahan na humantong sa isang insureksyon ng isang
negosyanteng Portuges na si Federico Silveyro. Lumisan si Carlos para saisang makulay na
paglalakbay sa ibang bansa, ngunit nang bumalik siya, nasa kumbento na si Ninay. Nagkaroon
siya ng Chorela na kanyang ikinamatay, gayundin si Ninay.

Ang ikalawang salaysay ay nina Loleng at Berto. Ang mga masasamang pakana ni Don
Juan Silveyro ay pumipigil sa mga magkasintahan na magsama. Si Loleng ay namatay at si
Berto ay gustong maghgianti laban kay Don Juan. Hindi sinasadya ni Berto na maghiganti kay
Ninay at Carlos upang tapusin ang kasamaan ni Federico.

Ang nobela ay may sampung kabanata: isang pagpapakilala na sinusundan ng isang


kabanata para sa bawat gabi ng pasiyam.

Sanggunian: http://booktrek.blogspot.com/2016/07/unforeseen-shadows-ninay-by-pedro.html

53
Mga Panitikang Pilipino sa Panahon ng Amerikano

I. Introduksyon

Isang bagong pangkat ng mananakop ang nagdala ng mga pagbabago sa panitikan ng


Pilipinas. Ipinakilala ang mga bagong anyo ng literatura gaya ng malayang taludturan (sa mga
tula), maikling kwento at mapamunang sanaysay (critical essay).Kaligirang KasaysayanAng
impluwensya ng mga Amerikanong mananakop ay nanatili kaalinsabay ng pagtatalaga sa
Ingles bilang wikang ginagamit sa lahat ng paaralan sa bansa gayundin ng paglinang sa
masining na kamalayan ng mga manunulat batay sa modernong panitikang dala ng mga
mananakop.

Kapansin-pansing ang pagkahilig ng mga mambabasa sa mga akdang madaling basahin


ay naimpluwensyahan ng mabilis na galaw ng buhay-kosmopolitan. Ang mga kathang ito ay
hindi lamang naisulat sa wikang Pilipino kundi pati na rin sa wikang Ingles.

Kung relihiyon ang naging pamana ng mga Kastila sa Pilipino, edukasyon naman ang
naging pangunahing ipinamana ng mga Amerikano. Sa panahong ding ito isinilang ang mga
ilang imortal na makatang Pilipino na nagsisulat sa Ingles at Tagalog.Sa mga unang taon ng
pananakop ng Amerikano sa bansa, sumulat ang mga Pilipino sa Kastila, Tagalog at iba pang
wikang panlalawigan. Nagsimula lamang umusbong ang mga panitikan sa Ingles
noong 1910 dahil sa mga bagong silang na manunulat. Dula ang naging pangunahing panitikan
sa panahong ito. Dala nila ang mga bodabil na isang uri ng dula kung saan umaawit at
sumasayaw ang mga artista na nagbunga sa sarsuwela ng Pilipinas.

Nagpapakita ng dalawang pwersang nagtutunggalian


Nakasulat sa wikang Katutubo, Kastila at Ingles
Tumatalakay sa pagkamakabayan o kayay mga paksang romantisista
Katangian ng Panitikang Pilipino sa Panahong ItoNananawagan ng pagpapatuloy ng
rebolusyon o pagpapailalim sa mga Amerikano
Nagsisikhay na mapanatili ang sariling identidad o nangongopya ng mga estilong Kanluranin
Hangaring makamit ang kalayaan
Marubdob na pagmamahal sa bayan
Pagtutol sa kolonyalismo at imperialismo
Protesta sa pananakop ng mga Amerikano na nagsasalita ng InglesMas matulain at mas akma

54
sa panitikan ang Kastila kaysa Ingles, ayon sa kanilaBibihira pa ang sanay mag-Ingles sa mga
unang taon ng pananakop ng AmerikanoEspanyol pa rin ang wika ng mga intelektwal noon.

Bakit sa Espanyol pa rin nagsisulat ang iba?

Ang Balagtasan
Francisco Balagtas

Ang balagtasan ay isang pagtatalo sa pamamagitan ng pagtutula. Inimbento ito noong


panahon na ang Pilipinas ay nasa ilalim ng Amerika, base sa mga lumang tradisyon ng
makatang pagtatalo gaya ngkaragatan,huwego de prendaatduplo.

Ang pinagmulan ng pangalan na balagtasan ay ang orihinal na apelyido niFrancisco Baltazar,


Balagtas, dahil ginawa ito para sa okasyon ng pagdiwang ng anibersaryo ng kanyang kaarawan.

Ang balagtasan ay hawig sa isang duplo. Ang mga kasali dito ay gumaganap na nasa
isang korte na sumisiyasat sa kaso ng isang hari na nawala ang paboritong ibon o singsing.

May gumaganap nafiscalo tagausig, isang akusado,at abogado. Ang pinakaunang Balagtasan
ay ginanap noong 1924, at ang pinakasikat na debate ay ang kina Jose Corazon de Jesus at
Florentino Collantes, ngunit ang debate ayscriptedlamang. Pero nang nakita nilang di - gaanong
matagumpay ang naging unang Balagtasan, kaagad-agad silang gumawa ng pangalawang
Balagtasan, at hindi na scripted.

Nanalo si De Jesus at pinangalang Hari ng Balagtasan. Ngayon, ang titulong Hari ng


Balagtasan ay isang malakingmilestonepara sa lahat ng mga makata sa Pilipinas.

Ang Sarswela

Ang sarsuwela ay isang dulang may kantahan at sayawan, na mayroong isa hanggang
limang kabanata, at nagpakita ng mga sitwasyon ng Pilipino na may kinalaman sa mga kuwento
ng pag-ibig at kontemporaryong isyu. Ang sarsuela ay impluwensiya ng mga Kastila, ngunit
nagbago sa panahon ng mga Amerikano. Kung ihahalintulad natin ang sarsuela sa isang
realistikongdula, ito ay walang gaanong kaibahan, kaya lamang ang ibang linya sa sarsuela ay
kadalasang kinakanta at patula ang dialogo nito. Kadalasan ang sarsuela ay nagtatapos palagi

55
sa masayang pagwawakas, kasiyahan o nakakaaliw na tagpo. Ang tunggalian nang sarsuela ay
pahaplis at pahapyaw lamang.

Magmula pa noong sinaunang dekada ng ika-20 na siglo hanggang sa kasalukuyan, ang


sarswela ay itinatanghal na ng mga komersyal na grupo sa mga teatro sa malalaking siyudad
tulad ngMaynila,IloiloatCebuo sa mga entablado sa mga rural na lugar tuwing may kapistahan.

Tulang Pilipino sa Panahon ng Amerikano

Ang mga tula sa panahong ito ay pinaka-naging makulay na tinatawag na


“paghihimagsik” ni Alejandro Abadilla. Sa biglang tingin, ang paghihimagsikan ni Abadilla ay
ang porma at histura ng tula lalong-lalo na ang kaanyuang nagtataglay ng “sukat at tugma”
subalit panahon at kasaysayan ang nagpabulaan dito. Ang tula’y nagkaroon ng bagog hugis at
anyo, tila rumaragasang tubig na tumatalunton sa mga bundok at kapatagan at ang ibinunga’y
magkahalong katuwaan at pag-aagam-agam sa sambayanang mahilig tumula.

Mga Halimbawa ng Tula sa Panahon ng Amerikano

Kabayanihan ni Lope K. Santos

Ang ipinapahatid na mensahe sa tula ay ang


kabayanihan ng ating mga bayani. Ang mga paghihirap at
sakripisyo nila na nagbunga ng kabutihan at kalayaan sa atin.
Kahit na walang kasiguraduhan ang magiging bunga ng
kanilang mga sakripisyo ay ginawa pa rin nila mula sa
kanilang puso. Ang mga ginawa nila na pagtatanggol sa atin at sa mahal na bayan ay isinapuso
nila kahit na may posibilidad na maaring hindi sila kilalanin sa kanilang kabayanihan. Pawis,
yaman, dunong, lakas, dugo, buhay ay kanilang inialay para sa kabutihan ng bayan at dala na
rin sa pag ibig sa kapwa. Ang pagiging bayani ay hindi biro, may iba pa nga na hindi nabibigyan
ng dangal ang kanilang ginawang kabayanihan. Ang kabayanihan nila’y naging magandang
halimbawa para sa ibang tao. Ang iba sa kanila’y naging magandang ehemplo lalong lalo na
sa mga dukha ang naging alipin ng kaalipustahan. Ang kanilang kabayanihan ay nagbigay
inspirasyon sa mga tao upang magsalita para sa kanilang karapatang pangtao. Ipinapakita nila
na hindi dapat tayo inaalipin at ipinapasunod lamang sa gusto nang ibang tao. Ang iba nga’y

56
pagkalimot lang ang iginaganti sa kanila, nililimot ang kanilang kabayanihan, sakripisyo at
kabutihan na inialay sa aliping bayan. Huwag nating kalimutan na kung wala sila ligaya’t aliw
ay hindi natin makakamit. Kung wala ang ating mga bayani ay malamang mga alipin pa rin
tayo ng ibang bansa. Bigyan nating ng galang ang ating mga bayani.

KABAYANIHAN
ni Lope K. Santos
Ang kahulugan mo’y isang paglilingkod
na walang paupa sa hirap at pagod;minsang sa anyaya, minsang kusang-loob,pag-ibig sa
kapwa ang lagi mong diyos.Natatalastas mong sa iyong pananim
iba ang aani’t iba ang kakain;
datapwa’t sa iyo’y ligaya na’t aliw
ang magpakasakit nang sa iba dahil.
Pawis, yaman, dunong, lakas, dugo, buhay…
pinupuhunan mo at iniaalay,kapagka ibig mong sa kaalipinanay makatubos ka ng aliping
bayan.
Sa tulong mo’y naging maalwan ang dukha,
sa turo mo’y naging mulat ang mulala,

tapang mo’y sa duwag naging halimbawa’t


ang kamatayan mo ay buhay ng madla.
Tikis na nga lamang na ang mga tao’y
mapagwalang-turing sa mga tulong mo;ang kadalasan pang iganti sa iyoay ang pagkalimot,
kung di paglililo.

Sanggunian: https://persigaslicah.blogspot.com/2017/03/si-lopek.html?m=1

57
Imperyalismo ni Jose Corazon de Jesus
Pananakop ng isang malaking bansa sa isa
pang bansa ang imperyalismo, di pa sa pisikal na
kaanyuan nito kundi kahit na sa pang-ekonomyang
patakaran. At sa panahon ng makatang Jose Corazon
de Jesus, na panahon ng mga Kano sa atin, ay kumatha siya ng tulang pinamagatan niyang
"Imperyalismo", na nalathala noong Enero 6, 1923 sa pahayagang Taliba. Muli itong nalathala
sa aklat na Jose Corazon de Jesus: Mga Piling Tula, na pinamatnugutan ni Virgilio S. Almario,
na nasa pahina 163-164 ng aklat.

IMPERYALISMO
ni Jose Corazon de Jesus
"Washington D.C. (Nob. 30) - Maraming pahayagan dine ang nagsasabi na hindi dapat palayain
ang mga Pilipino sapagkat hindi pa edukado at tinitiyak nila na hindi magkakaroon ng
independensiya hangga't di marunong ng Ingles ang lahat ng Pilipino."

Ingles naman ngayon itong salitaan,


lalo pang lumayo yaong Kasarinlan;
matuto ng Ingles itong Kapuluan,
mawalan ng wikang katuubo't mahal;
mag-Amerikano sa kaugalian,
mag-Amerikano pati kabastusan,
mag-Amerikano gayong hindi naman,
isang utos itong napakahalimaw!

Piliting ang bayan, nang upang lumaya'y


papagsalitain ng di niya wika:
Imulat ang mata sa kilos masagwa,
edukahin tayong parang gagong bata.
Ito'y gawa lamang noong mga bansa

58
na lubhang salbahe, makamkam, masiba!
Walang katuwiran ang may ganyang diwang
ululin ang bayan sa pangakong pawa.

At hindi ba Ingles itong aming bayan?


Tingnan at kay buti na naming magnakaw,
tingnan at kay buting umestapa diyan,
tingnan at kay galing sa panunulisan.
Noong araw baga, kami'y mayr'on niyan,
noong araw baga'y may sistemang ganyan?
Iya'y edukasyong aming natutuhan
sa iingles-ingles na dito'y dumatal!

Noong araw kami, sa isang araro'y


ilagay ang k'walta at may tatrabaho;
ngunit ngayon, gawin ang sistemang ito
at tagay ang k'walta pati araro mo.
Kung tunay man kaming mga Pilipino,
natuto't bumuti sa Amerikano,
ang Amerikano ay nagdala rito
ng sama rin naman ng mga bandido.

Pipilitin ngayong matuto ng Ingles


ang Bayang ang nasa'y Paglayang matamis;
pipilitin ngayong dila'y mapilipit
nitong mga taong dila'y matutuwid;
pipilitin ngayong kami ay mapiit
hangga't di matuto na umingles-ingles;
saka pagkatapos, pipintasang labis,
inyong sasabihing kami'y batang paslit!

59
Tarantado na nga itong daigdigan!
Tarantado na nga itong ating bayan!
Kung ano-ano na iyang kahilingan,
sunod ke te sunod na animo'y ugaw!
Kung ayaw ibigay iyang Kasarinlan,
tapatang sabihin, na ayaw ibigay.
Pagkat dito'y inyong kinakailangan
maging dambuhala ng pangangalakal!

Ni walang katwirang dito ay magtaning


ang sinumang bansang dumayo sa amin,
walang bayang api ni bayang alipin
at hindi katwiran na kami'y sakupin!
Kung bagamat ito'y natitiis namin,
sapagkat ang Oras ay di dumarating!
Nagtitiis kami't umaasa pa rin
na ang Amerika'y hindi bansang sakim!

Sanggunian: http://tupangpula.blogspot.com/2016/07/ang-tulang-imperyalismo-ni-jose-
corazon.html?m=1

Pagtatapat ni Lope K. Santos


Ang Pagtatapat ay isang tula na nagsasaad sa pagmamahal. Maraming pagtutulad ang
ginamit niya sa tulang—ikinikompara niya ang pagmamahal sa isang handog sa “altar” ng
kanyang minamahal. Inihahambing rin ang pagmamahal sa mga tala, at marami pang
pagtutulad. Ang dahilan para dito ay para maipakita niya ang mga nadadaramdam niya para sa
kanyang minamahal.

60
PAGTATAPAT
ni Lope K. Santos
Ibig kong kung ikaw ay may iniisip sa ulo mo'y ako ang buong masilid;
Ibig kong kung iyang mata'y tumititig sa balintataw mo ako'y mapadikit
Ibig kong tuwi mong bubukhin ang bibig ang labi ko'y siyang lumasap ng tamis;
Ibig kong sa bawat pagtibok ng dibdib bulong ng dibdib ko ang iyong marinig.

Hangad kong kung ikaw'y siyang nag-uutos akung-ako lamang ang makasusunod
Hangad kong sa iyong mga bungang tulog kaluluwa ko lang ang makapupulot:
Hangad kong sa harap ng iyong alindog ay diwa ko lamang ang makaluluhod
Hangad kong sa altar ng iyong pag-irog kamanyang ko lamang ang nasusuob.

Nasa kong kung ikaw'y may tinik sa puta dini sa puso ko maunang tumima;
Nasa kong ang iyong tampo't panibugho'y
maluoy sa halik ng aking pagsuyo
Nasa kong ang bawat hiling mong mabigo ay mabayaran ko ng libong pangako;
Nasa kong sa bawat luha mong tumulo ay mga labi ko ang gamiting panyo.

Nais kong sa aklat ng aking pagsinta ang ngalan ng lumbay ay huwag mabasa.
Nais kong sa mukha ng ating ligaya batik man ng hapis ay walang makita
Nais kong ang linis ng ating panataly
huwag manungsan ng munting ballsa
Nais kong sa buhay ng ating pag-asa'y walang makatagpong anino ng dusa.

Mithi kong sa lantang bulaklak ng nasa'y


hamog ng halik mo ang magpapasariwa
Mithi kong sa minsang pagsikat ng tala ay wala nang ulap na makagambala
Mithi kong ang tibay ng minsanang sumpa'y mabaon ko hanggang tabunan ng lupa;
Mithi kong kung ako'y mabalik sa wala ay sa walang yao'y huwag kang mawala.

61
Sanggunian: https://docs.google.com>htmlpresent

Kalansay ni Lope K. Santos

Ang tulang "Kalansay" ay isa sa mga tula ni Lope K. Santos. Ang panitikang ito ay
ginawa noong panahon ng amerikano sa taong 1899.

KALANSAY

ni Lope K. Santos

Sa katawa't ulong iniwan ng buhay at noong bankay na'y nalagak sa hukay. kinain ng lupa
ang balat at laman, ay walang nalabi kundi ako lamang

Kung baga sa bahay na buong natuklap ang itip at dingding, ako ang balangkas lasug-lasog
na lang ang yantok at lapat, wala na ni litid, ni laman, ni ugat

Bungo't buto akong sa pagkakabao'y huling binabawi ng mga panahon kaya't sa libingan
kung ako'y mabunton para lang salansang ng bato at kahoy.

Nasaan ang aking datihang may-ari't sa tahanang hukay di na umuwi? Kung bumalik kaya
ako pa'y mapili sa buntunang ito't makilala uli?

Oh, palalong tao! halika, dumalaw sa anyo ko ngayon, at magnilay, nilay sa lahat ng naging
yabang mo sa buhay ay walang-wala kundi ako lamang!

Sanggunian: https://pinoywritings.blogspot.com/2012/09/kalansay-lope-k-santos.html?m=1

62
Ang Magsasaka ni Julian Cruz Balmaceda
Ang tulang "Magsasaka", ay akda ni Julian Cruz Balmaceda na
nagpapakita ng kabayanihan ng mgamagsasaka. Ipinapapahiwatig ng
tulang ito na dapat tayong magpasalamat samga magsasaka dahil kung
hindi dahil sa kanila ay wala tayong makakaingkanin. Masasalamin sa
akdang ito ang pakikisimpatya ni Balmaceda sa mgamagsasaka sa
Pilipinas.

ANG MAGSASAKA
ni Julian Cruz Balmaceda

Asa maghapong singkad ikaw’y nasa-linang


Sulong mo’y ararong batak ng kalabaw.
Di mo pinapansin ang lamig at ginaw,
Ang basal ng lupa’y mabungkal mo lamang

lyong isinabog ang binhi sa lupa


Na ikalulunas ng iyong dalita:
Tag-ani'y dumating sa dili-kawasa
Lahat ng hirap mo'y nabihis ng tuwa.

Anupa't ang bawat butil Ng bigas na naging kanin


Sa isip at diwa nami'y May aral na itinanim.
Iya'y tunay na larawan Ng lahat mong kapaguran
Bawat butil na masayang Ay pintig ng iyong buhay.

Kaya nga't sa aming puso't dilidili,


Nakintal ang isang ginintuang sabi;
Sa lahat at bawat bayaning lalaki
Ikaw, magsasaka, ang lalong bayani.

63
Sanggunian: https://www.kapitbisig.com/philippines/poems-written-at-different-times-by-
various-authors-ang-magsasaka-tula-ni-julian-cruz-balmaceda_1106.html

Mga Awit sa Panahon ng Amerikano


Ang panahon ng mga Amerikano sa Pilipinas ay nagdala ngmaraming pagbabago sa
nakagisnang kultura ng katutubo. Angmahigit tatlong dantaon ng Espanya sa Kapuluan ay nag-
ugat na samaraming aspeto ng kulturang Pilipino. Ang pampublikongedukasyon bilang ahente
ng kaisipan at kulturang Amerikano ay agadna ipinatupad (Chamberlin 80-1) di lamang upang
masimulan angpanibagong pagkolonisa kundi upang buwagin ang nakaraangnakagisnan at
nakagawian ng mga Indio sa ilalim ng mga Kastila.

Bagama’t may banta ng pagkakakulong at marami ang napiit, katulad ni Aurelio Tolentino,
nagpatuloy pa rin sila sa pakikipaglabansa pamamagitan ng midyang ito. Sabi nga, ang mga
drama ay parteng pakikibaka, at parte ng pagkilos upang buuin ang malayangbansang Pilipinas
(Fernandez xii). Sa erya ng maikling katha aylumabas ang “Bayan Ko” noong 1920s, isang
awit sa porma ng kundiman na isinulat ni Constancio de Guzman.

Mga Halimbawa ng mga Awit sa Panahon ng Amerikano

Bayan Ko ni Jose Corazon de Jesus

Ang "Bayan Ko" ay orihinal na pinamagatang Nuestra Patria sa


Espanyol. Ito ay isa sa mga pinaka tanyag na makabayang kanta ng
Pilipinas. Isinulat ito sa Espanyol sa pamamagitan ng Rebolusyonaryo
pangkalahatan ni Jose Alejandrino sa ilaw ng Digmaang Pilipino-
Amerikano. Kasunod ng pananakop ng mga Amerikano, ang kantang
ito ay isinalin sa Tagalog ni Jose Corazon de Jesus tatlong dekada na
ang lumilipas. Nang likhain ito, ang awit ay napapanahong diskurso
tungkol sa nararanasang kolonisasyon ng Pilipinas sa ilalim ng Estados Unidos. Ang awiting
ito ay ginamit sa pakikibaka sa maraming okasyong politikal dahil sa napakalinaw nitong
inilahad ang imahe ng kapuluan sa kamay ng mga dayuhan.

64
BAYAN KO

ni Jose Corazon de Jesus

Ang bayan kong Pilipinas

Lupain ng ginto't bulaklak

Pag-ibig na sa kanyang palad

Nag-alay ng ganda't dilag.

At sa kanyang yumi at ganda

Dayuhan ay nahalina

Bayan ko, binihag ka

Nasadlak sa dusa.

Ibon mang may layang lumipad

kulungin mo at umiiyak

Bayan pa kayang sakdal dilag

Ang di magnasang makaalpas!

Pilipinas kong minumutya

Pugad ng luha ko't dalita

Aking adhika,

Makita kang sakdal laya.

Sanggunian: http://darlyndelasoledad.blogspot.com/2013/06/kinulong-ang-bayan.html?m=1

65
Sampaguita) La Flor de Manila ni Dolores
Paterno Y Ignacio
Ang awiting ito ay original na isinulat ng isang
Pilipinang kompositor na si Dolores Paterno y Ignacio.
Ang "La Flor de Manila" (sa Tagalog ay Sampaguita) ay
naging tanyag noong pagtatapos ng ika-19 siglo at ang
maagang panahon ng American Commonwealth. Noon pa ay itinuring na ito bilang isang
klasikong awitin. Ang mga lyrics nito ay isinalin sa Tagalog ni Levi Celerio mula sa
linggwaheng Espanyol. Ang awiting ito ay naging bahagi ng pinakaunang opera na nilikha ng
mga Pilipino na pinamagatang, Sandugong Panaginip. Ito ay itinanghal sa Zorilla Theater
noong ika-2 ng Agosto, 1902. Ang operang ito ay pumapatungkol sa pagtanggap mg mga
Pilipino sa mga dayuhang Amerikano.

SAMPAGUITA

ni Dolores Paterno Y Ignacio

Sampaguita ng aming lipi,

bulaklak na sakdal ng yumi

Ikaw ang mutyang pinili

Na sagisag ng aming lahi,

At ang kulay mong binusilak

Ay diwa ng aming pangarap,

Ang iyong bango't halimuyak

Sa tuwina'y aming nilalanghap.

O bulaklak, na nagbibigay ligaya,

66
O! paraluman, mutyang Sampaguita,

Larawang mistula ng mga dalaga;

Ikaw ang tanging bituin

Hiraman ng kanilang ganda.

Ang iyong talulot

Ang siyang tunay na sagisag

Ng sa dalagang puso'y wagas,

Kayumian at pagkamatapat.

Sanggunian: "Heart Rhapsodies: Sampaguita (Dolores Paterno, 1879)"


http://cdgonzales.blogspot.com/2011/07/sampaguita-dolores-paterno-1879.html?m=1

No Mas Amor Que El Tuyo ni Manuel Bernabe


Ang tanyag na tulang isinulat ng makatang si
Manuel Bernabe ay pinamagatang, 'Al Sagrado Corazon
de Jesus', o mas kilala bilang 'No Mas Amor Que El
Tuyo' (No Greater Love Than Yours). Si Manuel
Bernabe ay isa sa mga kilalang manunulat sa panahon
ng pananakop ng mga Amerikano. Ang tulang ito ay
mas nakilala ng gawin itong kanta noong 1930's.
Karaniwan itong pinapatugtog at kinakanta sa mga simbahan at sa iba pang pangrelihiyong
aktibidad sa Pilipinas.

67
NO MAS AMOR QUE EL TUYO

ni Manuel Bernabe

No más amor que el tuyo

Oh, corazón divino

El pueblo filipino

Te da su corazón

En templos y en hogares

Te invoque nuestra lengua

Tú reinarás sin mengua

De Aparrí hasta Jolo

A tiempo que esperamos

Tu imperio en el Oriente

La fe de Filipinas

Es como el sol ardiente

Como la roca firme

Inmensa como el mar

La iniquidad no puede

Ser de estas islas dueña

Que izada en nuestros montes

Tu celestial enseña

Las puertas del infierno

68
No prevalecerán

No más amor que el tuyo

Oh, corazón divino

El pueblo filipino

Te da su corazón

En templos y en hogares

Te invoque nuestra lengua

Tú reinarás sin mengua

De Aparrí hasta Jolo

Tú reinarás sin mengua

De Aparrí hasta Jolo

Sanggunian: "Himig Heswita - No Mas Amor Que el Tuyo - Spanish Version Lyrics |
Musixmatch" https://www.musixmatch.com/lyrics/Himig-Heswita/No-Mas-Amor-Que-el-
Tuyo-Spanish-Version/amp

Lupang Hinirang ni: Julian Felipe y Reyes

Ang Lupang Hinirang ay ang pambansang awit ng Pilipinas.


Ang tugtugin ng awit na ito ay isang marcha. Ang unang itinawag
dito ay "Marcha Filipina Magdalo" (Marchang Pilipinong pang-
Magdalo). Unang naipatugtog ang himig ng awit na ito nang ika-12
ng Hunyo 1898. Sa panahon ng mga Amerikano, noong dekada 1920,
matapos mapawalang-bisa ang Flag Law, batas na nagbabawal ng
mga palatandaang maka-Pilipino, ipinanukala ng pamahalaang laan sa kapuluan, na pakana ng
Estados Unidos, na isa-Ingles ang awit mula sa Kastila. Ang naging pinakakilalang pagsasalin
ng awit ay ang "Philippine Hymn" (Awitin ng Pilipinas) na ginawa ng Senador Camilo Osias

69
at ng isang Amerikanong si Mary A. Lane sa taong 1938. Ang pagsasa-Tagalog ng awit na ito
ay unang ginawa noong dekada 1940. Ang pinakakilala sa mga ito ay ang "O Sintang Lupa"
na isinulat ni Julian Cruz Balmaceda, Ildefonso Santos at Francisco Caballo. Ilang taon
matapos palayain ng Estados Unidos ang Pilipinas, ito ang naging pambansang awit noong
taong 1948. Sa panahon ng panunungkulan ng Pangulong Ramon Magsaysay, nagbuo ng
lupong mapag-aatasan ang Kalihim ng Edukasyon na si Gregorio Hernandez upang paghusayin
ang mga salitang Tagalog ng pambansang awit. Nagbunga ito sa kathang "Lupang Hinirang"
na unang inawit sa ika-26 ng Mayo 1956.

LUPANG HINIRANG

ni Julian Felipe Y Reyes

Bayang magiliw

Perlas ng Silanganan

Alab ng puso

Sa dibdib mo'y buhay

Lupang Hinirang

Duyan ka ng magiting

Sa manlulupig

'Di ka pasisiil

Sa dagat at bundok

Sa simoy at sa langit mong bughaw

May dilag ang tula

At awit sa paglayang minamahal

Ang kislap ng watawat mo'y

Tagumpay na nagniningning

Ang bituin at araw niya

70
Kailan pa ma'y 'di magdidilim

Lupa ng araw, ng luwalhati't pagsinta

Buhay ay langit sa piling mo

Aming ligaya na 'pag may mang-aapi

Ang mamatay ng dahil sa iyo

Sanggunian: "Lupang Hinirang Lyrics - Philippine National Anthem ~ Official Lyrics World"
https://www.lyricswrld.com/2021/10/lupang-hinirang-lyrics-philippine.html?m=1

"Lupang Hinirang | Shortpedia"

http://shortpedia.net/view_html.php?sq=1972_in_India&lang=tl&q=Lupang_Hinirang

Pakiusap ni: Francisco Santiago

Ang kantang ito ay isinulat noong 1921 sa panahon


ng mga Amerikano. Ito ay isang halimbawa ng kundiman na
isinatitik ni Jose Corazon de Jesus at nilapatan ng tugtugin ni
Francisco Santiago.

PAKIUSAP

ni: Francisco Santiago

Natutulog ka man, irog kong matimtiman

Tunghayan mo man lamang ang nagpapaalam

Dahan dahan mutya, buksan mo ang bintana,

Tanawin mo’t kahabagan,

Ang sa iyo’y nagmamahal.

71
Kung sakali ma’t salat sa yama’t pangarap,

May isang sumpang wagas,

Ang aking paglingap.

Pakiusap ko sa iyo kaawaan mo ako,

Kahit mamatay, pag-ibig ko’y minsan lamang.

Iniibig kita, magpakailan pa man.

Sanggunian: https://philippines.xemloibaihat.com/pakiusap-by-francisco-santiago-lyrics-ang-
site-na-nagbibigay-ng-pinaka-kumpletong-mga-chords-ng-musika/

Mga Kwento sa Panahon ng Amerikano

Muling sumigla at umunlad ang panitika ng Pilipino dahil sa malaking impluwensya


ng panitikang Ingles. Muling lumitaw ang mga manunulat at nadagdagan pa ito ng mga
manunulat ng Ingles.

Dagli - isang uri ng maikling kuwento na naging tampok ng pamunuan tayo ng mga amerikano,
kwentong nangangaral at nanunuligsa. Ang mga dagling ito ay nalathala sa pahina ng isang
pahayagan na “Muling Pagsilang”. Lumitaw rin dito ang pagsulat ng Pasingaw na tungkol sa
pag-ibig, pagsuyo, o panliligaw at si Deogracias A. Rosario Cruz naman tinaguriang “Ama ng
Maikling Kwentong Tagalog” sa panahong ito.

Mga Halimbawa ng Kwento sa Panahon ng Amerikano

Banaag at Sikat ni Lope K. Santos

Ang “BANAAG AT SIKAT” ni Lope K. Santos ay isang maikling kwento sa panahon


ng amerikano. Batay sa aking pagbabasa isinalaysay ang katauhan at paniniwala. Ipinapahayag
ang katangian at uri ng kanilang pagkatao at paniniwala. Sa kwentong ito maipapakita ang
pagkaka-iba ng pinaniniwalaang kinasanayan at binibigyang halaga. Bagamat magkaiba man

72
ang kahalagan ng paniniwala at kaugalian si Delfin at Felipe. Ang kanilang mga adhikain,
paniniwala at paninindigang panlipunan ipinahayag ng may kahalagang dulot sa buhay.

BANAAG AT SIKAT

ni Lope K. Santos

Hinggil sa mga buhay ng magkaibigang Delfin at Felipe ang nobelang. Banaag at Sikat ni Lope
K.Santos:

Si Delfin ay isang sosyalista, samantalang si Felipe ay isang anarkista. Bilang sosyalista,


naniniwala at hinahangad ni Delfin na mapalaganap ang kaisipang sosyalismo sa lipunan, kung saan ang mga
mamamayan ang may higit na karapatan sa lahat ng mga gawaing pangangalakal, mga pag-aari, at mga
pagawaing pambansa. Bagaman isang mahirap na nag-aaral ng abogasya at nagtatrabaho
bilang manunulat sa isang pahayagan, matindi ang paniniwala ni Delfin na matatamo lamang angisang
lipunang makamaralita sa pamamagitan ng mapayapang pamamaraan, isang pakikibakanghindi nababahiran
ng pagdanak ng dugo.

Si Felipe naman - na may adhikaing anarkismo - ay naniniwala sa marahas na pagbuwag sa


mganamamayaning kapangyarian at kalupitan ng mga mayayamang may-lupa. Ibig niyang pawiin angmga
abusadong maykapangyarihan na naghahari sa lipunan. Bagaman anak ng isang mayamangpinuno ng isang
bayan, kinamumuhinan ni Felipe ang mga gawi at karahasan ng kaniyang ama.Mas mamarapatin niyang
magkaroon ng pagkakapantay ang lahat ng uri ng mga mamamayan:walang pagkakaiba ang mga mahihirap at
ang mga mayayaman.

Dahil nga sa pagkamuhi sa nakagisnang buhay bilang mayaman at anak ng isang marahas na may-
salapi, nilisan ni Felipe ang tahanan ng kaniyang ama para mamuhay bilang kaisa ng mga maralita.Iniwan niya
ang marangyang pamumuhay upang makasama ang mga karaniwang uri ng mgamamamayan ng lipunan.
Nakitira si Felipe sa tahanan ng isang amain sa kumpil sa Maynila. Subalitkinamuhian din niya ang amaing si
Don Ramon dahil wala itong pinagkaiba sa kaniyang ama:mayaman din at malupit sa mga tauhan nito. Umibig
si Felipe kay Tentay, isang babaeng mahirapsubalit may dangal. Pinilit si Felipe ng kaniyang ama na magbalik
sa kanilang kabahayan sa bayanng Silangan, ngunit napalayas lamang dahil sa pagtuturo ni Felipe sa mga
tauhang magbubukid atutusan sa bahay ng kanilang mga likas na karapatan bilang tao.

73
May tatlong anak si Don Ramon, na amain ni Felipe, at inibig ni Delfin ang isa sa mga ito.
Nangmagbunga at magdalang tao si Meni, itinakwil ito ni Don Ramon. Sumama si Meni sa kasintahang
siDelfin at namuhay bilang isang mahirap. Dahil sa ginawang ito ni Meni, nilisan ni Don Ramon angbansang
Pilipinas, kasama ang isang tinatangkilik at kinakasamang katulong sa bahay. Napatay siDon Ramon habang
nasa New York, kaya't binalik ang kaniyang bangkay sa Pilipinas. Si
Ruperto, ang dating nawawalang kapatid ni Tentay, ang nagbunyag ng dahilan kung bakit pinaslang si
DonRamon: ang kalupitan nito sa kaniyang mga utusan.

Nagtapos ang nobela sa pagpapaiwan nina Felipe at Delfin sa may puntod ni Don Ramon.Pinagusapan
nila ang kanilang mga adhikain, paniniwala at paninindigang panlipunan. Nilisan nilaang libingan na
sinasalubong ang kadiliman at kalaliman ng gabi.
Sanggunian:
https://www.academia.edu/37445509/Maikling_kwento_sa_panahon_ng_amerikano

Walang Panginoon ni Deogracias Rosario

Batay sa pagbabasa ng mga kwento sa Panahon ng


amerikano ay isa na ang “Walang Panginoon ni Deogracias
Rosario tungkol sa pag-ibig, pamilya at karanasan. Ang
naging sitwasyon ni Marcos ay napakahirap dahil sa
kakulangan ng kakayahang maipagtangol ang karapatan sa
bagay na dapat ay magaan sa buhay. Si Teong ang mapangmalupit na nagdulot ng sakit at
pighati sa pinagdaraanan ni Marcos. Dahil sa mga pangyayaring naganap sa buhay ni Marcos,
Nakagawa siya ng bagay na paghihiganti dahil sa pighati at paghihirap na dulot nito sa buhay
nya na siya ring dahilan sa kalungkutang nawala ang kasintahang si Anita. Inilagay ni Marcos
sa kanyang kamay ang batas ng paghihiganti na kung saan hinayaan niyang suwagin si Don
Teong ng kanyang kalabaw.

Kinakailangan ang bawat isa sa atin ay matutong magbigay respeto o pagkakapantay


pantay ng trato sa kapwa na walang tinatapakang pagkatao at pagmamalupit. Ang kwentong
ito ay nagpapatunay na may mga taong nakakagawa ng masama dahil sa galit at saman a hindi
iniisip ang magiging konsekwensya sa mangayayari. Pinamagatan itong walang diyos dahil
isinalaysay sa kwento na hindi man lang nagkaroon ng pagpapasa diyos ang taong Nakagawa
ng masama gayunpaman ang naging biktima.

74
WALANG PANGINOON

ni Deogracias Rosario

Ito ay kwento ng isang lalaking nagngangalang Macros na sukdulan ang galit samayamang asenderong
si Don Teong. Si Son Teong ang kontrabida sa buhay ngpamilya ni Marcos. Siya ang dahilan kung bakit
namatay sa sama ng loob ang ama,dalawang kapatid, at kasintahan ni Marcos. Ang kasintahan ni Marcos ay si
Anita, anakni Don Teong. Ilang beses nang tinitimpi ni Marcos ang kaniyang galit kay Don Teong.Kung hindi
lang dahil sa ina niya ay matagal na sanang wala sa mundo si Don Teong.Para kay Marcos ang pang-aapi ni
Don Teong ay hindi lamang simpleng pang-aalipin sapamilya nila kundi pagyurak na rin sa kanilang dangal at
pagkatao.
Sina Marcos ay pinagbabayad ng buwis para sa lupang kanilang sinasaka kahit na ito’y kanilang
minana sa kanilang mga ninuno. Dahil sa walang kakayahang ipagtanggal ang kanilang karapatan, napilitan
silang magbayad sa kanilang sarilingpag-aari iyang ang dahilan ng pagkamatay ng kaniyang ama at dalawang
kapatid.Namatay silang punung-puno ng sama ngloob kay Don Teong na matagal nilangpinagsisilbihan.
Lalong sumidhi ang galit ni Marcos kay Don Teong nang malamanniyang ang dahilan ng pagkamamatay ng
kaniyang kasintahan na si Anita ay si DonTeong. Sinaktan ni Don Teong si Anita na siyang kinamatay nito. Sa
dami nang mganawalang mahal sa buhay ni Marcos, hindi katakatakang takot siyang marinig anganimas, ang
malungkot na tunog ng kampana. Hindi pa naman humuhupa ang galitniya, siya naming pagdating ng isang
kautusan ng pamahalaan na sila ay pinapaalis nasa kanilang tahanan, ngayon pang malago na ang kanyang
palayan dahil sa dugo atpawis sa maghapong pagbubukid. Binigyan sila ni Don Teong ng isang buwang
palugitupang lisanin ang lupang kanilang tinitirhan. Alam niyang ang mga nangyayaring iyonsa buhay nila ay
kagagawan ng mapangsamantalang si Don Teong.
Dahil sag alit na nararamdaman ni Marcos kay Don Teong, nag-isip siya ngparaan kung paano siya
makakapaghiganti dito. Nagbihis si Marcos nang tulad ng kayDon Teong. Pinag-aralang mabuti ni Marcos ang
bawat kilos ni Don Teong at inabanganniyang mamasyal sa bukid si Don Teong ng hapong iyon. Pinakawalan
niya ang kaniyang kalabaw at hinayaang suwagin ang kaawa-awang si Don Teong. Kinabukasan,huling araw
na pananatili ng mag-ina sa bukid, habang nagiimpake na sila ng kanilangmga gamit, mabilis na kumalat ang
balitang patay na si Don Teong. Mahinahong pinakinggan ni Marcos ang malungkot na tunog ng kampana,
hindi tulad niyang ang kaluluwa ng namatay na si Don Teong ay mas inisip pa niya ang kanyang matapang na
kalabaw.

Sanggunian:
https://www.academia.edu/37445509/Maikling_kwento_sa_panahon_ng_amerikano

75
Nene at Neneng ni Valeriano Hernandez-Peňa

Ang kwentong Nene at Neneng ni Valeriano


Hernandez-Pena ay tungkol pagkakaibigan at karanasan.
May mga pagkakataong susubukin ang tatag at pagmamahal
ng magkaibigan sa sitwasyong mahirap. Sa kwentong ito
maraming pagkakataong naging magulo at umiba ang
direksyon nila sa buhay. Mayroon mga tuksong nagpapalalim sa samahan ng magkaibigan.
Malungkot ang huling naging pagtatapos ng kwento sapagkat may mga pagkakatong hindi
napagbigyan ang labis na pagmamahal ng tao dahil sa sitwasyon, estado at pangyayari.

NENE AT NENENG
ni Valeriano Hernandez-Peňa
Si NENA at NENENG ay matalik na magkaibigang dalaga na parang kapatid na ang
tratuhan. Ang unang pagsubok sa pagkakaibigan ay nagsimula nang magkaroon ng tinginan
sina Nena at ang kilalang babaero't mapaglaro sa damdamin na si Miguel- sinumbong ni
Neneng kay Aling Anday, pinarusahan si Nena, at sa gitna ng paghuhumigpit ng ale, hiningi
nito ang kamay ni Miguel sa kasal. Nagkabalikan ang dalawang dalaga nang maipakita ni
Neneng kay Nena si Miguel na kasama na si Chayong. Si CHAYONG ay may dalawang
lalaking kinaguguluhan sa buhay- si Miguel na naiipit sa dalawang dalaga,at ang pinsan nitong
si Narciso na maspabor sa kanya ang pamilya ni Chayong, matino't matalino, atsaka dati nang
minahal ni Chayong. Ang kuwento'y lumalim lalo nang magkatitigan nang iba si Nenengna
papunta kay Chayong at si Narciso na paalis, at pagkatapos, nang inilahad ni Miguel kay
Chayongang kanyang tuluyang paglimot kay Nena. Lalo pang lumalim ito nang mamatay ang
asawa ni Aling Anday kung kaya't naghiwalayan ang magkaibigan. At sunud-sunuran ang mga
pangyayaring naganapna sila ring nagbago ng direksyon ng buhay nilang lahat. Lumalim ang
pagkakaibigan tungo sapagmamahalan at pagpapakasal nina Nena at Deogracias- ang kanyang
kalaro't parang kapatid salalawigan noong lumalaki pa sila. Ganun din halos para kina Narciso't
Neneng- sa pagkikilala ni Narcisokay Pepe hanggang sa matamis na pagdedeklara ng mga
nararamdaman para sa isa't isa.Ang kina Miguel at Chayong nama'y nauwi sa bigo. Nagtanan
ang dalawa, nawalan ng puri si Chayong,nadiskubre sila ng magulang ng babae, pinaghiwalay,
at nang nalamang buntis ang anak, pinakulong sabilibid si Maiguel. Nalaman ni Miguel kay
Narciso ang tungkol sa anak nitong Narciso rin ang ngalan,ngunit di na ito nakapagsilbi bilang
ama ng sanggol nang siya'y mamatay sa bilangguan. Sa kabilangpanig naman ng kwento'y

76
muling sinasamahan ang dalawang pares na sina Nena't Deogracias at sinaNeneng at Narciso-
mula sa pagbisita ng mga taga-lalawigan sa Maynila na ikinasaya ng dalawangdalaga't dito
binalita ang mangyayaring pag-iisang dibdib nina Nena't Deogracias at ang kasal nila
saBulacan, hanggang sa mga pagsubok sa relasyon nina Neneng at Narciso nang tumakas sila
galing saMisa de Gallo, at nang malaman ni Neneng ang pagbibisita ni Narciso kay Chayong
sabay pagtanto samga maliliit na sinungaling ni Narciso.

Lumbay muli ang napupuna kay Chayong na sawi sa pagibig hindilamang kay Miguel
kundi na rin kay Narciso, at ngayo'y may alaga pang sanggol. Natatapos ang kwentoniya sa
paglalayas mula sa malulupit na magulang, sa pagkahanap ng matutuluyan kina Pepe at
Neneng,at sa tuluyang pagkasawi nangikasal na si Narciso.At ang kwento naman nila Neneng
at Narciso’y mas hihigit pa bilang trahedya nang ang kaguluha’y magsimula sa isang liham
mula kay Isko na siyang isang munting taga-hanga na may pagtingin kay Neneng noong
kasal pa ni Nena sa Bulacan. Datapwat na kasal na ang dalawa’y di nagtagal bago magulo ni
Isko sa pamamagitan ng mga liham at pagkulit sa kanila ang kanilang pagiging mag-asawa.
Dahan-dahan na rin pumasok ang samu’t saring mga tanong atduda sa noong una’y masayang
pag-iisang dibdib. At dahil sa liham na rin, na nakalimutan lamang ni Neneng nang pumanaw
si Pepe, umalis si Narciso dahil sa kanyang isipa’y hindi na tapat ang pagibig ni Neneng sa
kanya, na naging sanhi na rin ng pagkasakit na malubha ni Neneng. Nang makumpleto naang
mga huling habilin at nasabi na sa kaibigan ang mga lihim na tira’y hindi na nagtagal bago
pumanaw si Neneng, at nang malaman na ito ni Narciso na nais na sanang makipagbalikan kay
Neneng,dirin nagtagal bago namatay na rin siya.

Sanggunian:
https://www.academia.edu/37445509/Maikling_kwento_sa_panahon_ng_amerikano

Ibong Adarna ni Jose de la Cruz


Isa ang ibong Adarna sa maikling kwentong
naibahagi noon panahon ng amerikano sa kasaysayan ng
pilipinas. Ang tinatawag na panahon ng komonwelt ay isa sa
naging pagsalaysay ng pananakop ng amerikano noon. Dahil
sa tinatamasa nating kaalaman at impluwensya noon ng
amerikano sa mga Pilipino. Gayunpaman, nagkaroon ng pagtatanyag ang kongreso ng amerika

77
para sa pilipinas. Ang maikling kwentong pinamagatang Ibon Adarna ay tungkol sa
makatotohanang kaalaman at aral na makakatulong sap ag hubog ng isipan ng tao, dito kung
saan ipinahayag ang di makatotohanang pangyayari na nakapag agaw atensyon sa mambabasa.

IBONG ADARNA
ni Jose de la Cruz
May isang kaharian pangalan ay berbanya na pinamumunuan ni Haring Fernando.
Mayasawa siyang nagngangalang Reyna Valeriana at mga anak na sina Don Pedro, Don Diego
at Don Juanna pawang nakalinya na susunod na hari ng Berbanya. Nang nagkaroon nd di
malamang karamdamanang hari, hinanap ni Don Pedro ang Ibong Adarna na ang awit lamang
ang makapagpapagaling sa sakitng hari. Narating niya ang puno ng Piedras Platas subalit hindi
niya nakita ang ibon dahil siya ay nagingbato. Sumunod naman ay si Don Diego, nakita niya
ang Adarna subalit nakatulog sa ganda ng awit ng Adarna kaya naging bato.
Maluwalhati namang nakarating si Don Juan sa tuktok ng bundok Tabor atdoon ay
may nakita siyang ermitanyo. Binigyan siya nito ng pagkain at ilang impormasyon tungkol
saibong adarna pati na rin 7 dayap at isang labaha upang hindi makatulog.
Nang marating niya ang puno,ginamit niya ang mga dayap at labaha. Nang mahuli niya
ang adarna, tinalian niya ang paa at saka dinalasa ermitanyo at nilagay sa loob ng isang hawla.
Pinabuhusan ng tubig ang dalawang kapatid at naglakadsila patungo sa Berbanya.
Pinagtulungan ng dalawa si Don Juan upang masolo ang pagiging hari. Angadarna ay
malungkot ganoon din si Haring Fernando nang makitang hindi kasama ng dalawa si DonJuan.
Ginamot ng isang uugod-ugod na matanda si Don Juan at umuwi na sa Berbanya. Nakita
ngadarna si Don Juan at ito ay umawit at nagamot si haring Fernando. Iminungkahi ng adarna
na gawinghari si Don Juan. Iniutos ng hari na ipatapon ang dalawa, ngunit dahil humiling si
Don Juan na huwag nalang, ito ay ipinatigil. Pinabantay ng hari ang adarna sa tatlong
magkakapatid, ngunit pinuyat ng dalawa si Don Juan kaya nakatakas ang Adarna. Pinahanap
ng hari ang maysala. Nagkita-kita ang magkakapatidsa kaharian ng Armenya at hinikayat nila
si Don Juan na doon na lang manirahan. May nakita silang taesa balon at tinangka nilang
marating ang ilalim nito ngunit tanging si Don Juan lang ang nagtagumpay.Namangha si Don
Juan sa ganda ng ilalim ng balon at kagandahan ni Juana. Nag-ibigan ang dalawa.Napatay ni
Don Juan ang higante. Paalis na sana sila nang ipasundo ni Juana kay Don Juan ang
bunsoniyang kapatid na si Donya Leonora. Umibig din si Don Juan kay prinsesa Leonora. Sa

78
huli, ay napaibigdin niya si Leonora. Hindi matalo ni Don Juan ang serpiyente kaya,Binigyan
ni Leonora si Don Juan ngbalsamo at napatay niya ang serpiyente. Sila ay umalis ng balon
kasama si Juana. Naalala ni Leonoraang kanyang singsing,kaya naki usap sya kay don juan na
balikan ito,ngunit nang babalikan na ito ni
don juan,pinatid nang kayang dalawang kapatid ang tali.inaya na nang dalawang magkapatid
si juana atleonora na sumama na sila sa kaharian ng berbanya.Nag alala si leonora kay don juan
kaya pinasundanniya si Don Juan sa kanyang kaibigang lobo. Nanaginip si Haring Fernando
tungkol kay Don Juan.

Sanggunian:
https://www.academia.edu/37445509/Maikling_kwento_sa_panahon_ng_amerikano

Isang Dipang Langit ni Amado Hernandez


Kung inyong mapapansin, ang Isang Dipang
Langit ni Amando Hernandez ay masasabing halimbawa
ng tulang makahulugan. Sa aking pagwawari, ito ay
mayroong makabuluhang kwentong nais ipahayag sa
mambabasa. Kung saan malalaman natin na ito’y tungkol
sa karanasan at damdamin. Nais nitong ipabatid ang halaga ng damdamin at pagmamahal sa
isang tao, sa kabila ng pagsubok ay nais ipaglaban ang tapat na pagmamahal.

ISANG DIPANG LANGIT


ni Amado V. Hernandez
Akoy ipiniit ng linsil na langithangad palibhasang diwa koy pilitin, katawang marupo,
aniya’y pagsuko, damdami’y supil na;t maihiin ay supil. Ikinulong ako sa kutang malupit;bato
bakal punlo, balasik ng bantay:lubos na tiwalag sa buong daigdigat inaring kahit buhay man ay
patay Sa munting dungawan, tanging abot-malasay sandipang langit na puno ng luha ,maramot
na birang ng pusong may sugatwatawat ng aking pagkapariwara.Sintalim ng kidlat ang mata
ng tanod, sa pintong may susi’y walang makalapit sigaw ng bilanggo sa katabing muog, anaki’y
atungal ng hayop sa yungib. Ang maghapo’y tila isang tanikala na kalakaladkad ng paanang
madugo,ang buong magdamag ay kulambong luksang kabaong waring lungga ng bilanggo.

79
Kung minsa’y magdaan ang payak na yabag, kawil ng kadena ang kumakalanding;sa
maputlang araw saglit ibibilad,sanlibong aninong inilwa ng dilim. Kung minsan, ang gabi’y
biglang magulantang sa hudyat--may takas!--at asod ng punlo; kung minsa’y tumangis ang
limang batingaw, sa bitayang muog, may naghihingalo At ito ang tanging daigdig ko ngayon-
-bilangguang mandi’y libingan ng buhay; sampu, dalawampu, at lahat ng taon ng buong buhay
ko’y dito mapipigtal. Nguni’t yaring diwa’y walang takot-hirapat batitis pa rin itong aking
puso: piita’y bahagi ng pakikilamas, mapiit ay tanda ng hindi pagsuko. Ang tao’t Bathala ay di
natutulog at di habang araw ang api ay api,tanang paniniil ay may pagtutuos, habang may
Bastilya’y may bayang gaganti. At bukas, diyan din, aking matatanawsa sandipang langit na
wala nang luha,sisikat ang gintong araw ng tagumpay . . .layang sasalubong ako sa paglaya!

Sanggunian:
https://www.academia.edu/37445509/Maikling_kwento_sa_panahon_ng_amerikano

Mga Dula sa Panahon ng Amerikano

Patuloy na pumailanlang ang mga tema ng nasyonalismo at pagmamahal sa bayan sa lahat


nganyo ng mga akdang panliteratura sa panahon ng pagdating ng mga Amerikano (Espina,
et.al, 2009). Sa dulang Pilipino higit na sumingawang diwang makabansa. Ang
mgamandudulang Pilipino ay nakaranas namaaresto, mabilanggo, at mabigyan ng babala.

Mga Halimbawa ng Dula sa Panahon ng Amerikano

Panday Pira ni Jose ma. Hernandez

Ito ay tungkol sa may isang batang lalaki na isinilang


ng maybahay ng isang mandirigmang Muslim. Ang batang
tinawag na si Pira ay lumaki sa lilim ng makulay na mga
tahanang nakaluklok sa mga haligi sa mababaw na pampang
ng maliit na lawa. Ang tahimik na kabuhayan sa nayon ay
nakabalisa sa kanya. Malimit siyang magpalipas ng mga oras na nag-iisa at baghahagis ng nga
bata ssa dagat-dagatan. Siya’y mahusay pumintirya, at malilmit niyang mapatamaan ng mmga

80
bato ang mga isda at palos na nagpupumiglas lumayo. Naisip niya, kung Pinday pira ang
pinakaunang nupi na gumawa ng kanyon isa syang kapangpangang muslim isa sya sa mga
nagiging supplier ni Raja Sulayman upang depensahan ang laban sa mga mananakop na
Espanyol, nanirahan sa gubat.

PANDAY PIRA

ni Jose ma. Hernandez

Noong 1488, sa isa sa mga mahanging pulo sa Sulu, may isang batang lalaki na isinilang
ng maybahay ng isang mandirigmang Muslim. Ang batang tinawag na si Pira ay lumaki sa
lilim ng makulay na mga tahanang nakaluklok sa mga haligi sa mababaw na pampang ng maliit
na lawa. Ang tahimik na kabuhayan sa nayon ay nakabalisa sa kanya. Malimit siyang
magpalipas ng mga oras na nag-iisa at baghahagis ng nga bata ssa dagat-dagatan. Siya’y
mahusay pumintirya, at malilmit niyang mapatamaan ng mmga bato ang mga isda at palos na
nagpupumiglas lumayo. Naisip niya, kung anga mga bato ay magaan, lalong malayo ang
maaabot.

Noong 1508, ay nabuo na anga kanyang balak na gumamit ng puwersa ng hangin sa


pagbubuga ng balang yari sa maagang na metal. Siya’y nagtayo ng pandayan ng kanyong sa
hilagang pampang ng Ilog Pasig, sa dako ng ngayon ay tinatawag na San Nicolas. Ilang kanyon
ang nayari dito sa pagtatanggol sa maynila laban sa malimit na pananalakay ng mga piratang
nanggagaling sa mga dagat sa timog. Noong galugarin nina Kapitan Martin de Goiti at Juan de
Salcedo ang Timog noong Mayio 1565, sila’y nabigla nang sila’y salubunging ng putukan ng
labindalawang kanyon na gawa ni Panday Puira. Samantalang ang mga manlulusob ay
sumasadsad sa bunganga ng Ilog Pasig, ang artileryang ito ng mga tagarito ay nakukubli sa
likuran ng mga nilalang uway at kawayn na dinadala ng mga posting kahoy na kung tawagin
ay kuta. Ang mga putok na pinasabog nila ay ikinamangha ng mga sumasadsad. Dahil sa
kahinaang klase ng pulburang kanilang ginamit, ang mga taga Maynila ay natalo sa artilerya
na tumagal nang ilang oras. Ang mg akanyon ay sinamsam nina de Goiti at de Salcedo at
inihandog ang mga it okay Legaspi, bilang tropyo sa digmaan. Ang mga kanyong ito ay
masusing ipinasuri ni Legaspi sa hangad na gamitin ng mga Kastila. Ang mga Kanyon ay
napatunayang mayibay. Hindi nagkalamat kahit paputukin at kahit maraming pulbura ang

81
agamitin. Kinikilalal ni Legaspi na ang mga kanyon ni Panday Pira ay lalong matibay kaysa
mga kanyong nasa kanyang mga bapor.

Pagkatapos na ang Maynila ay pormnal na masakop ni Legaspi noong 1571, hananp


niya si Panday Pira dahil sa kanyang mahalagang karunungan. Subalit hindi matagpuan ang
mangagawang kanyon. Pagkalipas ng labanan sa MAynila noong 1565, si Panday Pira ay
tumakbo sa Bulakan. Buhat doon, siya’y tumungo sa Pampanga at nanirahan sa ngayon ay
tinatawag na Apalit. Doon siya’y nagtayo ng isang pandayan at nanggawa ng kauna-unahang
araro at lipya. Gumamit si Pira ng luad sa pangagawa ngmga kasangkapang ito.

Namatay si Panday Pira noong 1576 sa gulang na 88. Malaking kawalan sa mga Kastila
ang pagkamatay ni PAnday Pira. Ipinabatid ng mga sa pinuno nila sa Espanya aat humihingi
ng kapalit ni Panday Pira. Dinakila ng mga Kastila ang Kadakilaan ng isang Pilipino.

Sanggunian; www.google.com/pirang-panday

Kahapon, Ngayon, at Bukas ni Amado Tolentino

Ang kahapon ngayun at bukas ay humango sa kasaysayan


ng pilipinas na nagpapakita ditto ang kahalagahan ngb pag kamit
ng klayaan. Naipapkita rin ditto angb mg apilipinong nagtaksil at
handing ipaglaban ang kapwa Pilipino dahil sa salapi pero hindi
dapat itakwil an gating sariling kasarilnan para lamang sa isang
salapi.

KAHAPON, NGAYON, AT BUKAS

ni Aurelio Tolentino

Ang eksena kung saannagdidiwang ang lahat kasama si Asalhayop nang biglang
pumasok si Inangbayasaannagdidiwang ang lahat kasama si Asalhayop nang biglang pumasok
si Inangbayan kasama siTagailog at pinangaralan at pinagalitan sila. Ngunit nagsitawa lamang
ang kanyang mga anakkasama si Asalhayop na nagpabigat ng kanyang damdamin kung kaya’t
pinakita n’ya anglibingan ng mga ninuno nila na namatay sa pakikipagdigma. Naapektuhan at
nagsiluhod na anglahat maliban kay Asal Hayop at dahil dito umalis sa eksena si Inangbayan

82
dulot ng sama ng loob. Naiwan si Tagailog at s’ya ang nagkumbinsi sa iba na sumama sa
digmaan kung saannagtagumpay siya. Ngunit iba si Asal Hayop, nagmatigas siya at hindi
sumama sa kanila.

Dahil salaban sa ideyang iyon si Asalhayop, ipinagkanulo n’ya ang iba kay Haringbata
Sinabi niya ang balak na pagsalakay ng mga ito at pumayag din siyang maging espiya kapalit
ng salapi at taliba. Ngunit hindi nila alam na nakikinig sa kanilang usapan si Inangbayan. Nang
matapos ang usapanni Asalhayop at Haringbata, dumiretso si Asalhayop kay Tagailog at
sinabing sasama na s’ya sadigmaan. Natuwa si Tagailog at nang magtanong si Asalhayop kung
ano ang plano nila ay sinabiito ni Tagailog ngunit biglang dumating si Inangbayan at isiniwalat
ang katotohanan naipinagkanulo sila ni Asalhayop. Pilit na itinatanggi ito ni Asalhayop ngunit
nahuli rin siya bandang huli. Dahil dito kinamuhian ni Tagailog si Asalhayop at pinatay s’ya

Kung makikita saisinaad na buod, si Inangbayan ay isang karakter na may malawak na


kaisipan. Ginagawa nyakung ano ang nakabubuti hindi lang para sa sarili kung hindi para sa
nakararami. Si Tagailog naman ay isang maprinsipyong karakter dahil mas pinili n’yang gawin
ang tamasa tulong niInangbayan. Sa kabila nito, si Asalhayop ay nagpapakita ng kasakiman at
tanging angnakabubuti para sa kanyang sarili ang kanyang iniisip. Si Haringbata naman ay
isang karakter nagagamitin ang lahat, pera at kapangyarihan, upang makapagpaikot ng tao. Ang

pinagkaparehong mga karakter ay gagawin nila ang lahat upang makuha ang kanilang
nais. Si Inangbayan atTagailog ay makikipagdigma kay Haringbata marahi; para sa kanilang
kalayaan, si Asalhayop ayipinagkanulo ang mga kababayan para sa pera at posisyon at si
Haringbata naman ay nagbigayng malaking halaga upang gawing espiya si Asalhayop.

Sanggunian: https://www.scribd.com/document/KAHAPON--NGAYON-AT-BUKAS

Walang Sugat ni Juan Abad Santos

Ito ay isang dula na kong sann tumutukoy sa pagkakaroon ng walang hustisya at pag
ibig ng isang babae na kong saaan tumutukoy it sa mga walang hustisya nagnyare sa panahon
na kong san madami mga pangyayre ang na walan ng hustisya.

83
WALANG SUGAT

ni Severino Reyes

Inialay naman ni Julia ang ibinuburda niya para sa kanyang malayong pinsan na si
Tenyong. Nakalagay sa kanyang ibinuburda ang ANF o Antonio Narcisco Floresna siyang
buong pangalan ni Tenyong. Bumisita si Tenyong sa bahay nina Julia. Si AlingJuana na ina ni
Julia ay tutol sa pag-iibigan nila Tenyong at Julia. Nais ni Aling Julia namapangasawa ng
kanyang anak si Miguel na pamangkin ng kura paroko. Si Miguel aymayaman ngunit
mangmang. Dumating si Lucas sa bahay nina Julia upang iparating kayTernyong na dinakip
ng mga Kastila ang ilang Pilipino kasama na si Kapitan Inggo na ama niTenyong dahil sila ay
pinaghihinalaang rebelde. Dali-dali naming pumunta si Tenyong kasamaang kanyang ina na si
Kapitana Putin, si Julia, Aling Juana at ilan pang kababayan. Sila ay pumunta sa kwartel sa
Bulacan kung saan ikinulong ang kanyang ama. Nang sila’y makapasok na sa kwartel ay
nalaman ni Tenyong na pito sa mga ikinulong ay patay na at ang kanyang amaay naghihingalo
na dahil sa pagpapahirap ng mga prayle sa mga ito. Nakita ni Tenyong kung paano unti-unting
nalagutan ng hininga ang kanyang ama. Sinumpa niya na ipaghihiganti niyaang kanyang ama
at bibigyan ng katarungan ang pagkamatay nito samantalang si KapitanaPutin naman ay
hinimatay at hindi nakayanan ang nangyari sa kanyang asawa. Sa gitna ng pag-aalala sa ina,
pagdadalamhati para sa pagkamatay ng ama at ang pagmamahal kay Julia ay masminabuti pa
rin niyang umalis upang ipaghiganti ang ama at para ipagtanggol ang kanyanginang bayan sa
kamay ng mga Kastila. Ayaw mang pumayag ni Julia sa pag-alis at paghihiganti ni Tenyong
ay umalis pa rin ito. Lumipas ang isang taon ngunit wala pa rin kahit isang sulat o balita na
natatanggap si Julia galling kay Tenyong. Siya’y labis na nagaalala na. Patuloy pa rin siyang
sinasabihan ngina na tanggapin na ang kasal na ninanais ni Miguel. Napilitang sumang-ayon
si Julia sakagustuhan ng kanyang ina ngunit hinihintay pa rin niya ang pagbabalik ng kanyang
tunay naminamahal na si Tenyong. Sumulat siya kay Tenyong upang ipaalam ang magaganap
na kasalat ang nais ni Julia na mailigtas siya nito. Ipinahatid niya ito kay Lucas. Kalungkutan
ang bumakas sa mukha ni Tenyong ng makuha niya ang sulat galing kay Julia. Sinasabi nito
na pumanaw na ang kanyang ina at sinabi rin sa sulat ang tungkol sa magaganap na kasal.
Humingi ng tulong si Tenyong kay Heneral Leon Villa at sumumpa ito na siya’y
tutulunganupang si Tenyong ay maipakasal pa rin kay Julia. Hindi na nakagawa pa ng sulat si
Tenyongdahil biglang sumugod ang mga Makabebe. Sinabi niya na lamang kay Lucas na
iparating.

84
Sanggunian; https://www.philnews.ph/walang-sugat

Tanikalang Ginto ni Juan Abad Santos

Ang dulang “Tanikalang Guinto” ay naglalarawan


kung anong klaseng lipunan ang mayroon nuong panahon ng
mga Amerikano, walang kalayaan. Mapapansin din na ang
ganitong klase ng lipunan ay patuloy pa rin namang
nabubuhay hanggang sa kasulukuyan. Hindi makalaya ang Pilipinas mula sa mga
kasinungalingan at dumi ng gobyerno. At sa ayaw’t sa gusto ko, hindi lamang sa gobyerno
nanggagaling ang problema, sa lipunan din. Puwede nating sabihin na mahirap makatakas sa
ganitong klase ng lipunan sapagkat para itong isang bilog, walang katapusan. Parehong
nagdudulot ng problema ang gobyerno at lipunan ngunit ayaw ng dalawa magtulungan. Kaya
naman, magpapatuloy lamang ang ganitong lipunan hanggang sa mga susunod pa na
henerasyon.

TANIKALANG GINTO

ni Juan Abad Santos

Isang dula hinggil sa balak na pagpapakasal (simbolo ng kalayaan) nina K’Ulayaw


(simbolo ng rebolusyonaryo) at Liwanag (simbolo ng tunay na pagmamahal sa bayan), na pilit
hinaharangan ni Maimbot (simbolo ng mga Amerikano) ang dulang “Tanikalang Guinto” ni
Juan Abad. Ipinagtapat ni Dalita (simbolo ng inang bayan) na kapatid ni K’Ulayaw si Nagtapon
(simbolo ng mga Pilipinong taksil at nagpagamit sa mga Amerikano). Naging kasabwat ni
Maimbot si Nagtapon sa planong paglalayo ng magkasintahan. Sinuhulan ni Maimbot si
Liwanag ng tanikalang ginto (simbolo ng pangakong pagtulong ng mga Amerikano) at
sandaling nasilaw dito. At sa huli, namatay si K’Ulayaw sa kamay ni Nagtapon. Sa sobrang
pagkalungkot, magpapakamatay din dapat si Liwanag ngunit pinigilan siya ni Diwa (simbolo
ng patuloy na pakikipaglaban). Ngayon halos 61 na taon na ang nakalipas nang sakupin ng mga
Amerikano ang Pilipinas, maaari ba nating sabihin na maayos na ang ating lipunan ngayon?

85
Para sa akin, hindi. Noon, nagkaroon ng people power dahil gusto na ng bayan mapatalsik si
dating Pangulong Marcos.

Ngayon, nitong nagdaang mga linggo, maraming kilusang protesta ang naganap.
Umuulit muli ang kasaysayan. Tumayo si Jun Lozada bilang saksi sa nangyayaring korupsyon
sa loob ng gobyerno. Ayaw aminin ng gobyerno ang ginagawa nila at ikinagalit ito ng bayan.
Hindi ba’t parang pamilyar ito? Ang mga nangyayari ngayon ay kahawig ng mga pangyayari
sa “Tanikalang Guinto”. Si Lozada ang K’Ulayaw at si Pangulong Arroyo ang Maimbot. Ang
mga kasabwat naman ni GMA ay ang mga Nagtapon ng bayan. At sa kabilang dako, ang
tanikalang ginto ay ang pangakong pagpapalaya ng mga Amerikano sa Pilipinas. Subalit kung
titignan, hindi naman talaga nila pinalaya ang Pilipinas. Nandito pa rin naman ang mga
Amerikanong sundalo.

Sanggunian: https://www.scribd.com/document/TANIKALANG-GINTO

Mga Nobela sa Panahon ng Amerikano

Ang Pilipinas ay nasakop ng Amerika noong ika-19 na siglo na kinikilala rin bilang dantaon
ng modernismo o Panahon ng Industriyalismo. Sa yugtong ito nagkaroon ng malawakang
pagtuklas sa mga imbensyong may layuning mapadali ang trabaho ng mga tao at nang sa gayon
ay maitaas ang produkyon ng lahat ng industriya. Hindi liban ang bansa sa pandaigdigang
pagbabagong ito. Ipinatupad ng mga Amerikano ang oryentasyong ito sa konstruksyon ng mga
pampublikong daan, tulay, at bahay. Naging maliwanag na ilustrasyon ang siyudad ng buhay-
kosmopolitan: walang tigil ang galaw kahit pa sumapit ang gabi. Nagkaroon ng mga opisina,
pasyalang pampubliko, museo, bulwagan, sinehan at restawran.

86
Mga Halimbawa ng Nobela sa Panahon ng Amerikano

Maganda Pa Ang Daigdig ni Lazaro V. Francsico

I. Tungkol sa May Akda


Si Lazaro Francisco (Pebrero 22, 1898 - Hunyo 17,
1980) ay pang-apat na anak ni Eulogio Francisco at Clara
Angeles. Siya ay isinilang sa Orani, Bataan ngunit pumunta
at tuluyang namalagi sa Nueva Ecija. Siya ay itinuturing na
isa sa matibay na haligi ng panitikang Filipino. Ilan sa mga
isinulat niyang mga nobelang ay ang Singsing na Pangkasal, Bayang Nagpatiwakal, Sa Paanan
ng Krus, Ilaw sa Hilaga, Binhi at Bunga, Cesar, Sugat ng Alaala, Ama, Maganda Pa Ang
Daigdig, at ang pinakahuli niyang nobela, ang Daluyong. Maliban sa Bayang Nagpatiwakal,
lahat ng kanyang nobela ay nalathala sa Liwayway. Makikita sa kanyang mga nobela na
pinayaman niya ang panitikan ng bansa at sinubukan niyang pagandahin ang Pilipinong
daigidig sa pamamagitan ng kanyang pambihirang kakayahan sa wika at pakikisangkot sa
kapakanan at mithiin ng mga Pilipino. Si Lazaro Francisco o "Saro" ay isa sa apat na napiling
parangalan ng 2009 Gawad Pambansang Alagad ng Sining (Panitikan). Kinikilala rin siya na
ama ng Kapatiran ng mga Alagad ng Wikang Pilipino (KAWIKA). Iginawad sa kanya ang mga
karangalang ”Patnubay ng Lahi” ng Maynila. “Dangal ng Lahi” ng Lungsod ng Quezon, at
noong 1970 ay ipinagkaloob sa kanya ang “Republic Cultural Heritage Award” sa Panitikan.

II. Tungkol sa Akda


Ang Maganda Pa Ang Daigdig ay sinulat ni Lazaro Francisco noong 1955 at lumabas
ito sa Liwayway Magazine bilang isang serye. Ito ay napublish bilang libro noong 1982. Usapin
sa repormang agraryo at panunulisan ang nobelang ito, at tumatanaw sa pag-asa sa kabila ng
kabulukan at karimlan ng paligid. Tungkol ito sa problema at mga isyung mula sa agrikultura
sa ating bansa at epekto sa buhay ng isang tao na si Lino Rivera.

87
III. Mga Tauhan
A. Mga pangunahing Tauhan:
1. Lino Rivera - Galing lamang siya sa mahirap na pamilya ng mga magsasaka. Nakapagaral
siya hanggang sa ikaaapat na baitang. Masipag naman siyang magtrabaho. At marami na rin
siyang pinasukang trabaho. Dalawang beses siyang nabilanggo sa buong kwento. Parehas ay
para sa bagay na hindi niya ginawa. Noong unang beses dahil walang saksi. Sa pangalawa
naman, pinagbinatangan siyang pumatay. Siya rin ay mabait na tao na tumutulong sa mga may
kailangan. Pinuno siya ng kanilang kilusan, subalit nung inalok siya ni Kumander Hantik na
sumama sa kanyang samahan, siya ay tumanggi. Siya ay may halagang 10,000 pesos sa
paghuli, patay man o buhay.

2. Ernesto - Anak ni Lino Rivera. Sa kurso ng storya, si Ernesto ay 11 na taong gulang.


Mayroon siyang isang krusipiho lamang mula sa kanyang ina na namatay na. Isa siyang
matalino na bata at siya ay nasa ikaapat na baitang na. Inaalagaan siya ni Bb. Sanchez. Minsan
ay sinabihan siya ng isang bata na anak siya ng tulisan. Pero kahit anong problema ang dinaraos
ng ama niya, mabait pa rin na anak si Ernesto.

3. Bb. Loreto Sanchez - Ang nag-alaga kay Ernesto noong pangalawang beses na mabilanggo
ni Lino. Siya ang punong guro sa paaralang bayan ng Pinyahan. Siya rin ang taga payo ng
samahan ng mga magulang at guro. Mayroon siyang inaanak na si Ernestina. Inaalagaan rin
niya ito. Anak siya ni Aling Basilia at tiyo niya si Padre Amando. Isa siyang napakagandang
babae. Iniibig siya ni Kapitan Roda. Mabait siya at lagi niyang tinutulungan si Lino makahanap
ng bagong trabaho.

4. Kapitan Carlos Roda - Ang mangingibig ni Bb. Sanchez. Guwapo siya, mabait at may
magandang kinabukasan. Mataas ang posisyon niya sa hukbo ng bansa. Nakapagaral din siya
sa mga kilalang paaralan. Sa banda gitna ng kwento, kinuhanan siya ng orasan at rebolber na
ibinalik ni Lino. Siya rin ang nakatuklas kung sino talaga ang pumatay kay Tarantella (ang
akala na pinatay ni Lino).

5. Kumander Hantik - Ang nagnakaw ng rebolber at orasan ni Kapitan Roda. Kumander siya
ng Huk. Iyon ay isang samahan na laban sa pamahalaan. Pari Amando Echevaria - Ang tiyo ni
Bb. Sanchez. Kura siya ng Pinayahan at siya ay 57 na taong gulang. Tumulong rin siyang
mahanap ni Lino ang trabaho niya bilang janitor at siya ang tumutulong sa kaso nito dahil

88
naniniwala siyang walang sala si Lino. Nangingialam siya sa mga pangyayaring relihiyon,
panlipunan, at pamahalaan.

B. Pangalawang Tauhan o mga Minor Characters:


1. Si Aling Ambrosia ay ang labandera ni Bb. Sanchez. Binalita niya kay Bb. Sanchez na nahuli
si Lino. Si Ignacia ay ang kawaksi ni Bb. Sanchez. Si Aling Basilia ay ang ina ni Bb. Sanchez.
Si Don Tito ay ay may ari ng bakahan sa Pinyahan. Araw araw, nawawalan siya ng trabahaor
at nananakawan siya ng mga baka. May anak siyang nagtapos sa New York City. Si Albino
naman ang kaibigan ni Lino na pamangkin ni Aling Ambrosia. Siya ang nagsabi kay Pari
Amando tungkol sa kalagayan ni Lino. Si Rosauro Ablana ay isang matalik na kaibigan ni
Kapitan Roda. 2. Si Estanislao Villas ay ang may ari ng gasoline station sa Pinyahan at pati na
rin sa Maynila. Asawa niya si Ms. Rosalina Dolor na isang kagawad. Ang isa pang kagawad
ay si Ms. Genoveva Riegos.

3. Si Marcelo Ligon ay ang abogado ni Lino. Si Mr. Orozco ang superintendent ng mga school.
Si Ernestina ang inaanak ni Bb. Sanchez. Nagkatampuhan sila ni Ernesto, na kaidad niya. Si
Ms. Minda Lavadia ay ang guro ni Ernesto at Ernestina. Si Kabo Lontoc ay ang gwardiya na
nangdakip kay Lino. Si Diego Sakdal ang nagbunsod kay Lino na pumunta sa Pier X. Si
Cayetano Tarantella ay pinatay ni Lupo Pinlak gamit ang isang tubo. Ang abogado de opisyo
naman ni Lino ay si Abogado Teoposto Garcia. Binigyan siya ni Pari Amando ng 200 pesos
para sa kanyang serbisyo.

4. Si Ester Matthews ay isang amerikanang mestisa na penpal ni Bb. Sanchez. Sina Bandino
Runes, Dimas Solitario at Juan Rompe ang mga saksi na “pinatay” ni Lino si Tarantella. Pero
sa totoo lang, kasabwat sila ni Lupo Pinlak. Siya ang Kumander Kalpin ng mga Huk. SI Tisyo
ang kasama ni Lino sa kanilang kasamahan, kasama rin siyang tumakas sa bilangguan.
5. Si Dr. Margarito Castro ang doktor na tumingin kay Lino nang magkasakit ito. Si Dinong ay
isa pang kasama ni Lino na tumakas mula sa bilangguan. Si Felix ay isang sakristan. Si Pedro
Sinsak ay pinalitan ni Lino sa trabaho. Si Santiago ag katiwala ni Pari Amando.

IV. Buod

Nagsimula ang storya sa Kiyapo kung saan nahablot ang bag ni Bb. Sanchez. Nabawi
naman agad ang bag ng isang taong di kilala. Binugbog pa niya ang mga magnanakaw. Nahuli

89
ang mga suspek at nalaman ni Bb. Sanchez na ang pangalan ng tumulong sa kanya ay Lino.
Ang maybahay ni Lino ay ginahasa ng mga sundalong Hapon. Sa pag-uwi ni Bb. Sanchez sa
bayan ng Pinyahan, nalaman niyang nakikipirmi si Lino kasama ang anak niyang si Ernesto.
Tinulungan ni Bb. Sanchez at ng amahin niyan si Pari Amando na makakuha ng trabaho si
Lino. Subalit dinakip si Lino at napagbintangan siyang pumatay. Dinalaw siya ni Pari Amando
sa Maynila para malaman ang kaso. Kwinento ni Lino ang nangyari sa kanya, kaso ang
problema ay walang saksi. Pangalawang beses na itong nakulong dahil sa walang saksi. Habang
wala si Lino, inalagaan muna ni Bb. Sanchez si Ernesto. Noong una ay hindi kumakain at
nakakatulog si Ernesto. Nag-aalala na si Bb. Sanchez at ang ina niya. Sinusubukan din ni
Ernestina na pasiyahin si Ernesto ngunit walang nanyayari. Binilhan na siya ng damit at lahat.
Dumalaw si Padre Amando at pinag-usapan nila ni Bb. Sanchez ang nangyari kay Lino. Nang
tanungin ng pari kung ano ang gusto nung bata, ang sinabi niya ay ang kanyang ama. Nangako
ang pari na tutulungan niya si Lino. Pagkatapos ay dumating ang labandera ni Bb. Sanchez.
Napag-usapn ng mga kapitbahay nila na tutulungan nila si Bb. Sanchez. Dumaan din si
Estanislao Villas at sinabi na humahanap na sila ng abogado para kay Lino. Bago umalis,
nangako ang pari na pupuntahan niya si Lino at aalamin ang kanyang kalagayan at ang
katotohanan. Pagkatapos ng ilang oras ay dumating si Aling Ambrosia, ang labandera nina
Miss Sanchez. Natagpuan na ni Rada ang saksi, pati na rin ang tunay na pumatay, sa Camarines
Sur subalit nakatakas na ito kasama ang labindalawang bilanggo habang ililipat sila sa
Muntinlipa. Nabalitaan ngayon na si Lino at ang mga kasamahan nya ay humuhuli ng mga
Huk. Ang mga Huk ay mga manggagahasa at magnanakaw. Noong nagkita si Kumander
Hantik at at si Lino sa isang kweba, inanyayahan niya ito na sumali sa kanilang samahan.
Tumanggi si Lino. Bilang ganti, ikakalat raw ni Kumander Hantik na si Lino ang nagsisimula
ng gulo sa mga lalawigan. Nagkaroon ng Operation Scarlet subalit hindi pa rin mahuli si Lino
at ang samahan niya. Habang nangungumpisal ang isang rantsero, nalaman ni Padre Amado
ang kinaroroonan ni Lino. Sinabi nyang tumitigil nang tumakas at binalitang alam na na wala
siyang kasalanan sa kaso. Tumigil nga si Lino at sa dulo, nalaman niyang iniibig siya ni Bb.
Sanchez.

Sanggunian: https://teksbok.blogspot.com/2013/02/maganda-pa-ang-daigdig.html

90
Dugo sa Bukang Liwayway ni Rogelio Sicat
Ang librong Dugo sa Bukang-Liwayway ni
Rogelio Sicat ay isa sa pinakamahusay na nobelang
Pilipino na naisulat. Hango ito sa buhay ng may akda na
may layuning muling isalaysay ang mundong kanyang
kinamulatan. Ang Dugo sa Bukang-Liwayway ay isang
nobela na inilimbag ng may-akda sa kanyang manuskrito
ng dugo, pawis at ultimong bakas ng talampakan. Ang
motibo, inspirasyon, nilalaman, birtud at "kasalanan" ng nobela ay pawang hinugot sa tadyang
ng may-akda, alak at tinapay mula sa talambuhay, unang lagom ng kanyang mithiing muling
isalaysay ang daigdig ng kanyang kamulatan. Ang sinilangang bayan ng San Isidro, Nueva
Ecija ang San Roque sa nobela. May sandaling ang may akda ang naging isa sa tauhan ng nasa
nobela pagpapatibay sa pagiging "totoo" ng kanyang akda, hindi kathang isip lamang, bagama't
pagpapatunay din sa talinghaga ng paglikha. Ito rin ay isang nobelang agraryo sa pagtalakay
ng suliraning agraryo dli kaya'y ng kasaysayan ng lipunang agraryo. Samantalang wari'y
namamaybay ang nobela sa kamulatan at sensibilidad ng bayan, na ang pangunahing motibo'y
matuwid at maglinis, lubid man o isip ang pinag-uusapan.

DUGO SA BUKANG LIWAYWAY


ni Rogelio Sicat
Buod:
Sa unang bahagi ng nobela, nagsimula ang kwento kay Tano, isang magsasaka na
namatayan ng asawa matapos manganak nito sa anak nilang si Simon, na siya namang
pangunahing tauhan. Labis namang dinamdam ni Tano ang pagkamatay ng kanyang asawa
kaya’t napagdesisyunan niyang manirahan na lamang sa bukid kasama ang anak. Pinag- aral
ni Tano ang kanyang anak na si Simon dahil ayaw niyang gawin sa anak ang ginawa ng ibang
magsasaka sa nayon na kapag natuto ng magbasa’t magsulat ay ayos na.

Sa ikalawang bahagi naman, nagbalik ang mag-ama sa nayon. Ngunit sa kasamaang-


palad namatay si Tano dahil sa isang karamdaman. Si Simon naman ay nagpatuloy ng pag-
aaral at kumayod. Sa muling pagbalik niya, nadatnan niya ang pagkasira ng mga puntod ng
kanyang mga magulang na noo’y nabili nan g mga Borja ang lupang kinatitirikan ng mga labi

91
nito. Iniwan muli ni Simon ang nayon na may dalang galit at pangakong paghihiganti. Sa
pagbabalik ni Simon, nakamit niya na ang kanyang minimithi sa buhay, ang paghihiganti.
Kinalaban niya ang negosyo ng mga Borja at kinalaban iyon. Per hindi lamang paghihiganti
ang nasa isip niya, hindi niya pa rin nakalimutan ang nayon. Ipinagpatayo niya ito ng
eskwelahan para sa mga magsasaka. Sa huli, namatay si Simon matapos siyang walang awing
barilin ni Borja sa dibdib. Sa kanyang pagkamatay, ang pangalang Simon ay hindi malilimutan
ng mga tao sa nayon. Dahil si Simon, ay isang magbubukid na di nakalimot sa kanyang
pinagmulan. Napakaganda itong basahin lalo na ng mga estudyante, upang mamulat ang mga
mata ng mga kabataan na ang edukasyon ay mahalaga dahil ito ang makatutulong sa atin na
maging matagumpay sa buhay.

Sanggunian:
https://www.goodreads.com/en/book/show/1674667.Dugo_sa_Bukang_Liwayway

Nena at Neneng ni Valeriano Hernandez


Ito ay panahon ng Amerikano na akda ni Valeriano
Hernandez Peña na nailathala sa Ang kapatid ng bayan. Si
Valeriano Hernandez Peña (ang Peña ay apelyido ng
kanyang ina) ay isinilang sa nayon ng San Jose, Bulakan,
Bulakan noong Disyembre 12, 1858. Siya ay bunsong anak
nina Marcos Hernandez at Dominga dela Peña. Ang kanyang ama ay isang platero, at ang
hanapbuhay na ito ang kanyang ginamit upang maitawid ang kanyang pamilya sa pang-araw-
araw na pangangailangan.

92
NENA AT NENENG
ni Valeriano Hernandez

Buod:
Sa kabilang panig naman ng kwento’y muling sinasamahan ang dalawang pares na sina
Nena’t Deogracias at sina Neneng at Narciso mula sa pagbisita ng mga taga lalawigan sa
Maynila na ikinasaya ng dalawang dalaga’t dito binalita ang mangyayaring pag-iisang dibdib
nina Nena’t deogracias at ang kasal nila sa Bulacan, hanggang sa mga pagsubok sa relasyon
nina Neneng at Narciso nang tumakas sila galling sa Misa de Gallo, at nang malaman ni Neneng
ang pagbibisita ni Narciso kay Chayong sabay pagtanto sa mga maliliit na sinungaling ni
Narciso. Lumbay muli ang napupuna kay Chayong na sawi sa pag ibig hindi lamang kay
Miguel kundi na rink ay Narciso, at ngayo’y may alaga pang sanggol. Natatapos ang kwento
niya sa paglalayas mula sa malulupit na magulang, sa pagkahanap ng matutuluyan kina Pepe
at Neneng, at sa tuluyang pagkasawi nang ikasal na si Narciso. At ang kwento naman nila
Neneng at Narciso’y mas-hihigit pa bilang trahedya nang ang kaguluha’y magsimula sa isang
liham mula kay Isko na siyang isang munting taga-hanga na may pagtingin kay Neneng noong
kasal pa ni Nena sa Bulacan.

Datapwat nakasal na ang dalawa’y di nagtagal bago magulo ni Isko sa pamamagitan ng


mga liham at pagkulit sa kanila ang kanilang pagiging mag-asawa. Dahan-dahan na rin
pumasok ang samu’t saring mga tanong at duda sa noong una’y masayang pag iisang dibdib.
At dahil sa liham na rin, nakalimutan lamang ni Neneng nang pumanaw si Pepe, umalis si
Narciso dahil sa kanyang isipa’y hindi na tapat ang pag ibig ni Neneng sa kanya, na nagging
sanhi na rin ng pagkasakit na malubha ni Neneng. Nang makumpleto na ang mga huling habilin
at nasabi na sa kaibigan ang mga lihim na tiray’y hindi na nagtagal bago pumanaw si Neneng,
at nang malaman na ito ni Narciso na nais na sanang makipagbalikan kay Neneng, di rin
nagtagal bago namatay na rin siya.

Sanggunian: https://www.academia.edu/25389066/Pagsusuri_ng_nobelang_Nena_at_Neneng

93
Sa Mga Kuko ng Liwanag ni Edgardo M. Reyes
Ang "Sa mga Kuko ng Liwanag" (The Claws of
Brightness) ay isang kathambuhay o nobela na nasa wikang
Tagalog at isinulat ng Pilipinong may-akdang si Edgardo M.
Reyes noong 1986. Unang lumitaw ang nobelang ito bilang
isang serye sa magasing Liwayway mula 1966 hanggang
1967. Ang kuwentong ito ang naging batayan para sa nagantimpalaang pelikulang Pilipinong
Maynila, sa mga Kuko ng Liwanag.

SA MGA KUKO NG LIWANAG


ni Edgardo M. Reyes

Buod:
Si Julio, isang mahirap na mangingisda. Isang araw umalis si Ligaya ang kanyang
kasintahan na kasama ang isang babaeng may pangalang Ginang Cruz na pinangakuang
makakapag-aral at makapaghanapbuhay sa Maynila si Ligaya. Kaya't sinundan ni Julio sa
Maynila ang kanyang nobyang si Ligaya. Noong nasa Maynila na, naging biktima si Julio ng
mga mapanlamang na mga tao sa lungsod. Nakaranas si Julio ng mga pang-aabuso habang
nagtatrabaho sa isang lugar ng konstruksiyon at pagbebenta ng sariling katawan para lang
kumita ng malaking pera.

Unti-unting nawawalan ng pag-asa si Julio na matagpuan pa si Ligaya. Ngunit nagbago


ang lahat ng muli niyang makita si Ligaya at malaman mula sa kasintahan na naging biktima
ito ng prostitusyon at pinagmamalupitan ng intyek na kinakasama. Nagbalak na tumakas ang
dalawa ngunit gaya ng sabi ni Ligaya kaya siyang patayin ng kinakasama kapag ito ay nahuling
tumatakas. Dumaan ang gabi at sa paggising ni Julio ay patay na si Ligaya. Ipinaghiganti ni
Julio si Ligaya at pinaslang ang kinakasama nitong intyek subalit maraming nakasaksi at
pinagmalupitan si Julio hanggang sa ito ay mawalan din ng hininga.

Sanggunian: https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Sa_mga_Kuko_ng_Liwanag

94
Pinaglahuan ni Faustino Aguilar
Ito ay isang nobela na isinulat ni Faustino Aguilar, na
nagpapakita ng tunay na kalagayan ng lipunan. Pinakita dito
ang dalawang klase ng pamumuhay sa lipunan. Isang buhay at
kalagayan ng mayayaman at sa kabilang banda naman ay buhay
ng mahihirap. Ang nobelang ito ay isinulat noong ika-25 ng
Setyembre taong 1906 sa panahon ng mga Amerikano.

PINAGLAHUAN

ni Faustino Aguilar

Buod:

Tampok sa nobela ang maigting na pakikibaka ni Luis Gatbuhay na nagkataong lider


obrero, laban sa makapangyarihang si Don Nicanor. Kailangang ipaglaban ni Luis hindi
lamang ang usapin ng manggagawa kundi maging ang itinitibok ng kaniyang puso na si
Danding.

Gusto ni Don Nicanor na makasal ang kaniyang anak na dalaga Kay Rojalde. Si Don
Nicanor ay sugapa sa sugal at naglustay ng malaking pera para matustusan ang kaniyang bisyo.
Nang malubog siya sa utang, naisip niyang ang tanging makapagliligtas sa kaniya ay si Rojalde
na handa namang tumulong upang mabayaran ni Don Nicanor ang mga utang. Ang kapalit na
kabayaran na nais ni Rojalde ay mapakasal kay Danding, na bukod sa maganda ay nagtataglay
din ng mga katangiang ipaglalaban ng patayan ng sinumang lalaki. Ngunit hindi naging madali
ang lahat. Mahal ni Danding ang kasintahang si Luis. Kaya naman nang malaman ito ni Rojalde
ay umisip siya ng paraan para matanggal sa trabaho si Luis, maisakdal sa hukuman, at tuluyang
maibilanggo. Nagngitngit si Luis at naghimagsik, gaya ng sugatang hayop.

Nakasal si Danding Kay Rojalde, at may pitong buwan pa lamang ang nakalilipas ay
nagsilang agad ng malusog na sanggol. Ang sanggol ay hindi kahawig ni Rojalde kundi ni Luis.

Sanggunian; https://www.slideshare.net/Davis_1304/pinaglahuan-45528215

95
Mga Panitikan sa Panahon ng Hapon

I. Introduksyon

Kaligirang Kasaysayan

Ang pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas ay ang panahon sa kasaysayan ng


Pilipinas mula 1942 hanggang 1945, noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kung kalian
nilusob ng imperyo ng hapon ang Pilipinas na dating tinatabanan o nasa ilalim ng
kapangyarihan ng Estados Unidos. Habang nagaganap ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig,
binomba ng hukbo ng mga sundalong Hapones ang Pilipinas noong Disyembre 8, 1941.

Naganap ito isang araw pagkaraang bombahin ng mga Hapones ang Pearl Harbour sa
Hawaii. Pagkaraaan ng mga lingo, umatras sina Heneral Douglas McArthur na kasama ang
pamahalaan ni Manuel L. Quezon na noon ay nanunungkulan bilang Pangulo ng Pilipinas.
Pinasok ng military ng Hapon ang Maynila noong Enero 2, 1942.

Sa pagdating ng mga Hapones sa ating bansa dala nila ang kanilang


propaganda na ang mga hapon ay dumating sa Pilipinas bilang kapatid na siyang
magpapalaya sa mga Pilipino. Ngunit taliwas ang propagandang kanilang
pinangangalandakan sapagkat laganap noon ang pagmamaltratong inabot ng mga
Pilipino sa kamay ng mga hapon. Pinatunayan ito ng mga salaysay ng mga
dumanas ng karahasan--- pagmamaltrato, pambubugbog, pagpatay ng mga kaanak at
panggagahasa.

Mayroong pinaniniwalaang tatlong pangunahing dahilan para sakupin ng mga


Hapones ang Pilipinas. Una, para maprotektahan ang imperyo ng mga hapon mula sa mga US
military bases. Kinailangan nilang pigilin ito sa pamamgitan ng pagsakop sa Pilipinas na
lumalabas na isang teritoryo ng Amerika sa panahong iyon. Ikalawa, ang Pilipinas ay nasa
tugmang posisyonsa Timog-Silangang Asya
na kinakailangan ng mga Hapon sa kanilang pag-abante sa katimugan.
Makakatulong din ng malaki ito sa pagprotekta ng kanilang mga supply lines at para palakasin
ang depensa ng hukbong hapon. At ikatlo, sa Pilipinas matatgpuan
ang mga hilaw na materyales na kailangan ng bansang hapon para sa digmaan.

96
Ang lahat ng ito ay para sa itatagauyod ng depensang pangmilitar ng mga hapon at siyang
kumukontrol sa pamamahala ng Pilipinas.

Ninais din ng mga hapon na makuha ang respeto nga Pilipino gaya ng
respetong binigay ng mga ito sa mga Amerikano. Ngunit nahirapan silang makuha
ang simpatya ng mga Pilipino. Sinasabing gawa ng mahabang panahon ng
agkababad sa kulturang kanluranin ang mga Pilipino ay nakalimot na sa kanyang
pagiging Asyano. Gayundin ang pagiging highly literate ng mga Pilipino ay nagsilbing
sagabal sa pagsakop ng hindi lamang bansa gayundin ng kamalayan ng mga Pilipino. Ang
problemang ito ang nagbunsod sa pagkabuo ng isang cultural policy sa panahon ng pananakop
ng Japanese Invasion Army. Nakapaloob sa cultural policy na ito ang paglalatag ng mga
programa na makakatulong sa ikabubuti ng pagsasamahang Pilipino-Hapon. Kabilang sa mga
polisiyang ito ang pagpapatuloy ng pamahahala ng mga Pilipino ng sariling
gobyerno ngunit kumikilala sa hapon bilang bagong mananakop. At bilang
pampalubag-loob ay idineklara ni Prime Minister Hideki Tojo na ibabalik ang
kasarinlang hinihiling ng mga Pilipino kung makikipagtulungan na ng lubusan ang
mga Pilipino sa mga Hapon. Kabilang din sa polisiyang ito ang pagtatatag ng
Bagong Pilipinas o New Philippines. Ang unang hakbang na kinakailangan ay ang
paglalatag ng mga pundasyong ispirituwal na siyang sentro ng kultura at siyang
tanging sandigan ng politika, ekonomiya, industriya at edukasyon ng bansa.

Upang mapabilis ang pagpapasunod sa mga Pilipino sa mga polisiyang ito,


ninais ng mga Hapon na makontrol ang kaisipan ng mga Pilipino at ito’y sa
pamamagitan ng pagmanipula sa edukasyon. Ang Ang Administrasyong
Pangmilitar ay nag-isyu ng Order No. 2 noong 1942 na naglalayong na baguhin
ang edukasyon sa Pilipinas para sa kanilang kapakinabangan. Kasama sa mga
kautusang ito ang pagtuturo ng wikang Hapon sa Pilipinas sa pag-asang maaari
pang mabura sa isipan ng mga Pilipino ang Ingles. Nais ng mga Hapon na
madebelop sa mga Pilipino ang ideyang ang mga Hapon ang siyang
makapangyarihang lider sa Asya. Noong panahong iyon ay idineklarang opisyal na
wika ang Niponggo kasama ng Tagalog at idinagdag sa mga curriculum sa mga
paaralan. Malaki ang ipinakitang suporta ng mga Hapon sa pagdebelop ng mga
Pilipino ng kaisipang maka-Pilipino at maka-Asyano. Nagagawa ng mga
kampanya na sumusuporta sa paggamit ng Tagalog bilang pamansang wika. Ang

97
wikang Ingles ay tinanggal bilang opisyal na wika at ang mga aklat o anumang
nagpapakita ng suporta sa Amerika ay sinesensor.

Napakalaki rin ng epektong idinulot ng sensurang Hapon sa panitikan sa panahong


iyon. Sa sobrang higpit nito ay maraming mga literary periodicals ang
napahinto sa paglalathala. Dahil sa pagliit ng bilang ng mga peryodiko ay
nagkaroon ng kakulangan sa espasyo para sa mga akdang pampanitikan sa Ingles.

Panitikan sa Panahon ng Hapon

Namahingang tuluyan ang Panitikang Filipino at Kastila sa Panahon ng Hapon. Sa


kabila nito, nagpatuloy ang pagsulat sa mga wikang Tagalog at ingles na taglay ang diwang
makabansa, bagama’t hindi nakararating lahat sa mga mambabasang Pilipino. Masasabing
iilang akda lamang sa loob ng mahigit na taltlong taon ang naisulat mula 1945 hanggang 1944.
Tahasang ipinagamit ang Filipino sa mga paaralan bilang Wikang Pambansa, at ang Ingles na
wikang panturo sa mga batang nag-aaral. Ngunit nagkaroon ng kautusan na bawal ang pagturo
ng mga bagay na may kinalaman sa Demokrasya at Estados Unidos. Upang maiwasan ang
hinggil dito ay pinilas o tinakpan ang mga aklat pampaaralan na kababasahan ng mga bahaging
ipinagbabawal ng mga Hapones. Kung maituturing na may buting nagawa ang Hapon sa
Pilipinas, iyon ay ang pagpapahalaga sa wikang sarili. Nailagay sa mataas na anta sang wikang
Filipino na gawin itong wikang opisyal. Dahilan sa pinamamahalaan ng Hapon ang
paglalathala ng mga babasahing nasusulat sa wikang katutubo o Ingles, hindi na gaanong
nabigyang-pansin ng mga publisista ang pagkita ng salapi, at kinalimutan na pansamantala ang
patakarang pampanitikan.

II. Mga Panitikan

Ang Tula sa Panahon ng Hapon

Ipinagbabawal ng mga namumunong Hapon ang paggamit ng wikang Ingles at


tinaguyod ang pagpapayaman sa panitikan gamit ang mga katutubong wika ng bansa.
Ipinasunog din ang mga aklat na naisulat sa Ingles upang masigurong hindi mababahiran ng
kanlurang ideya ang panitikang nililikha.

98
Sa madaling salita, sumibol nang lubos ang panitikan ng bansa sa panahon ng Hapon
dahil higit na malaya ang mga Pilipino sa pagsulat ng panitikan at pagsanib ng kultura,
kaugalian, at paniniwalang Pilipino. Kaya’t tnaguriang “Gintong Panahon ng Panitikang
Pilipino” ang panahong ito. Karaniwang paksain ang buhay lalawigan o nayon, pag-ibig,
kalikasan, pananampalataya, sining, at pagkamakabayan sa mga panulaan noong panahon ng
Hapon at naipakilala rin ang tatlong uri ng tula – ang Haiku, Tanaga, at Karaniwang Tula.

Mga Halimbawa ng Tula sa Panahon ng Hapon

Tutubi ni Gonzalo K. Flores

Ang “Tutubi” ay isang tula na isinulat ni Gonzalo K.


Flores noong taon 1943 na kilala rin bilang Severino
Gerundio. Isa siyang makatang Pilipino na nakilalang
sumusulat ng isa sa mga uri ng tula na yumabong sa panahon
ng Hapones. Ang tula na “Tutubi” ay isang halimbawa ng
haiku kung saan isa itong uri ng tula na binubuo ng lapimpitong pantig na nahahati sa tatlong
taludtod. Ang unang taludtod ay binubuo ng limang pantig; ang ikalawang taludtod ay may
pitong pantig; at ang ikatlong taludtod ay may lima ring pantig tulad ng unang taludtod.
Sinusunod nito ang tuntuning 5-7-5. Ang paksa sa tulang “Tutubi” ay tungkol sa takot at ang
mensaheng nais ipahayag ay ang mga bulaklak ay takot sa paglapit ng mga tutubi dahil sa
panganib na dala nito.

TUTUBI
ni Gonzalo K. Flores
Hila mo’y habak…
Ang bulaklak, nanginig!
Sa paglapit mo.

Sanggunian: Tutubi (Haiku / Mailkling Tula) (tagaloglang.com)

99
Kabibe ni Ildefonso Santos
Ang “Kabibe” ay isang tula na isinulat ni Ildefonso
Santos. Ang tula na ito ay isang halimbawa ng tanaga na
pinasikat ni Ildefonso Santos noong panahon ng mga Hapones.
Ito ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng pitong
pantig kada taludtod, apat na taludtod kada saknong na may
isahang tugmaan. Naiiba ito sa Haiku sapagkat ito ay may sukat at tugma. Sa tula ni Ildefonso
Santos, ang “Kabibe” ay kanyang ginamit bilang isang tayutay. Ang maaaring kahulugan ng
tula ay ito’y tumutukoy sa isang taong walang tiwala sa kanyang sarili at hindi nakikita ang
kanyang sariling kagandandahan.

KABIBE
ni Ildefonso Santos

Kabibe ano ka ba
May perlas maganda ka;
Kung idiit sa taynga,
Nagbubuntung hininga

Sanggunian: Kabibi ano ka ba May perlas maganda ka Kung idiit sa taynga Nagbubuntung
hininga | Course Hero

Pag-ibig ni Teodoro Gener


Ang “Pag-ibig” ay isang tula na isinulat ni Teodoro
Gener na siyang isang makata, nobelista mananangalog at
isang makatang makaluma o konserbatibo. Ang tulang “Pag-
ibig” ay isang halimbawa ng karaniwang anyo ng tula na isa
sa mga uri ng tula na lumaganap sa panahon ng Hapon. Ang
tula na isinulat ni Teodoro Gener ay nagpapahiwatig ng tunay na pag-ibig at nagsasaad ng labis
na pagmamahal sa iniibig. Ipinapahayag ng tulang ito na hindi nabibili o hindi kayang bilhin
ng pera ang pag-ibig. Ipinapahiwatig rin ng tula na kapag mahal mo ang isang tao, ika’y
tumitingin sa kanyang kabuoan at hindi sa kanyang pisikal na kaanyuan.

100
PAG-IBIG
ni Teodoro Gener

Umiibig ako at ang iniibig


Ay hindi ang dilag na kaakit-akit
Pagka’t kung talagang ganda lang ang nais,
Hindi ba’t nariyan ang nunungong langit?

Lumiliyag ako, at ang nililiyag


Ay hindi ang yamang pagkarilag-rilag
Pagka’t kundi totoong perlas lang ang hangad
Di ba’t masisisid ang pusod ng dagat?

Umiibig ako’t sumisintang tunay,


Di sa ganda’t hindi sa ginto ni yaman…
Ako’y umiibig, sapagkat may buhay
Na di nagtitikim ng kaligayahan…

Ang kaligayahan ay wala sa langit


Wala rin sa dagat ng hiwang tubig…
Ang kaligayaha’y nasa iyong dibdib
Na inaawitan ng aking pag-ibig…

Sanggunian: Pag-ibig Tula ni Teodoro Gener | Philippines: KapitBisig.com

Kayumanggi ni Ruben Vega


Ang “Kayumanggi” ay isang tula na isinulat ni Ruben Vega kung saan isa itong
halimbawa ng isa sa mga uri ng panitikang lumaganap sa panahon ng Hapon kung saan
umunlad ang panulaang Pilipino. Ang mga karaniwang paksa sa pagsusulat ng karaniwang
anyo ng tula sa panahong ito ay tungkol sa pagpapahalaga sa kalikasan, buhay sa lalawigan o

101
nayon, relihiyon at sining. Samantala, ang pinapaksa ng tulang isinulat ni Ruben Vega ay may
kinalaman sa pagmamahal sa bayan.

KAYUMANGGI
ni Ruben Vega

Ako’y kayumangging katulad ng ibang


May kinamihasna’t sariling panata;
Dangal ang puhunang sa baya’y pamana

Dugo ang pangwilig kung Baya’y may dusa:


O ang kinagisnan, sa Baya’y umasa
Bago ang sarili ay ang Bayan muna!

Sanggunian: Ang Tula Noong Panahon Ng Hapon - PDFCOFFEE.COM

Ako Ang Daigdig ni Alejandro Abadilla


Ang tulang “Ako ang Daigdig” ay isinulat ni
Alejandro Abadilla na kilala bilang isang Ama ng
Modernistang Panulaang Filipino. Siya ay gumamit ng
malayang taludturan at makabagong idyoma at salita upang
ipahayag ang kanyang mga ideya at karanasan. Naniniwala
ang may akda na ang balangkas o pamamaraan sa tula ay
hindi mahalaga. Sa halip, ang laman nito na tinutukoy sa damdaming matulain, yaong
damdaming may hubog, may kulay at may tinig.

102
AKO ANG DAIGDIG
ni Alejandro Abadilla

Ako
ang daigdig

ako
ang tula

ako
ang daigdig
ng tula
ang tula
ng daigdig

ako
ang walang maliw na ako
ang walang kamatayang ako
ang tula ng daigdig

ako
ang daigdig ng tula
ako
ang tula ng daigdig

ako
ang daigdig
ng tula
ako

103
ako
ang damdaming malaya

ako
ang larawang
buhay

ako
ang buhay
na walang hanggan

ako
ang damdamin
ang larawan
ang buhay

damdamin
larawan
buhay
tula
ako

ako
ang daigdig
sa tula

ako
ang tula
sa daigdig

104
ako
ang daigdig

ako
ang tula

daigdig
tula
ako

Sanggunian: Ako ang Daigdig - HARAYA (tumblr.com)

Ang Awit sa Panahon ng Hapon


Sa panahong ito ay higit na ipinagbawal ang paggamit ng wikang Ingles sa lahat ng
sulatin maging sa edukasyon at sa mga palimbagan. Naging mahigpit din sa pagpapahayag ng
damdamin sa pamamagitan ng mga pahayagan. Hindi naging malaya sa pagpapahayag ang
mga Pilipino noon. Ang tanging nakapagsulat nang may Kalayaan ay yaong mga Pilipinong
naninirahan sa Esrados Unidos.

Mga Halimbawa ng Awit sa Panahon ng Hapon

Martsa ng Bagong Pilipinas nina Ismael Blanco at Lucio D. San Pedro

Ang “Martsang Bagong Pilipinas” at “Martsa ng Pangulong Laurel” ay dumaloy sa


panulat ni Lucio D. San Pedro. Ang naunang martsa ay sagot sa panawagan ng mananakop na
maghatid ng masiglang musikang kakatawan sa GEACPS.

105
MARTSANG BAGONG PILIPINAS
ni Ismael Blanco at Lucio D. San Pedro

Ang layunin ng Bayan kong mahal


Ay lumaya nang lubusan
At ang Silangan ay sa taga Silangan
Lupalop ng Kasaganaan—

BAGONG BUHAY sa Silangan


Ang naidulot sa atin ng Digmaan,
Saan mang dako’y may kasiyahan
Pagkat mithi ay nakamtan.

At salamat—ARAW AY SUMIKAT,
Ang dilim ay dagling nagliwanag,
Iyan ang tanging pag-asa BUKAS
Ng ating BAGONG PILIPINAS.

Sanggunian: http://www.plarideljournal.org/wp-content/uploads/2017/12/2017-02-
Navarro_layout-file.pdf

Dai-atiw ng Kalibapi (Official March of the Kalibapi) ni


F. P. de Leon
Negatibo man o positibo, nag-iwan din ng mga awit ang ilan sa mga
samahang binanggit sa itaas. Pangunahin na rito ang pambansang
samahan ng Kalibapi o ang Kapisanan sa paglilingkod sa Bagong
Pilipinas ang nag-iisang organisasyong Pangkomunidad, nang lumaon
ay politikal, na inendorso ng pamunuang Hapones upang maging
kaagapay sa pagkakamit ng adhikain ng GEACPS—ang Niponisasyon ng lipunang Filipino—
at maging tagapagmatyag sa lipunang mahigpit na pinasusunod

106
DAI-ATIW NG KABIBAPI
ni F. P. de Leon

Nang mayanig ang Silangan


At palisin ang kaaway
Ang sa Pilipinas na buhay
Nagkamit ng kaningningan.
Narito ang bansang Hapon
Na sa ati’y tumutulong
Upang tayo ay masulong
Mapaanyo at yumabong.
II
Kalibapi, Kapisanan
Ng lahat ng mamamayan,
Walang tangi at lapian,
Isang Lahi, isang Bayan. Buong pagkakapatiran
Tulong-tulong, damay-damay

Magpaunlad, magpalakas,
Limutin ang nakalipas,
Lisanin ang pankat-pankat
Ang ligaya’y panlahat.

Pilipinas, paunlarin
Isip nati’y pakislapin,
Ilog, bundok at bukirin,
Lahat ating pagyamanin.

Sanggunian:
https://journals.upd.edu.ph/index.php/humanitiesdiliman/article/download/7110/6205

Awit sa Paglikha ng Bagong Pilipinas nina:


Catalino Dionisio at F. P. de Leon
Halos tumayong pambansang awit ng Filipinas ang “Awit sa Paglikha ng Bagong
Pilipinas.” Patagong inilakip ni de Leon ang ilang piling ritmo, interval, at tono ng “Himno
Nacional.” Makikita (sa ibaba, kopya ng musika) ang mga interval at tono ng “Himno
Nacional” sa mga parte ng titik na “Lakad at Harapin,” at “Hirap, sakit ay Tiisin” na parehong

107
nasa tono ng linyang “Lupang Mapalad” mula sa “Pambansang Awit ng Pilipinas.” Pinahaba
ni de Leon ang orihinal na value ng mga nota (tratong Augmentation) ng linyang “lupang
mapalad” sa binanggit na dalawang linya mula sa ikatlong saknong ng awit. Epektibo para sa
administrayong militar ng Hapon ang tula at musikang inilapat dito (dahil hindi malay sa
paglalakip ng tono ng “Himno”), dahil para sa kanila ay kinakatawan nito ang pakay at mithiin
ng Greater East Asia Co- Prosperity Sphere para sa lipunang Filipino. Ito ay isang uri ng
protestang musikal sa pananakop ng Hapon.

AWIT SA PAGLIKHA NG BAGONG PILIPINAS


Titik: Catalino Dionisio
Musika: F. P. de Leon

Tindig aking Inang bayan


Lahing pili sa Silangan
Iwaksi natin ang nakaraan
Yakapin ang bagong buhay.

Hawakan ang watawat


Ng pagpapakasipag
Ibandila, iwaksi
Ang pagbabagong tatag.

Lakad at harapin
Pagtatanggol sa layunin,
Hirap sakit ay tiisin
Upang makamit ang mithiin

Gumawa, bumuo at magbata


Itatag ang Silangang Asya
Lupalop na maginhaw
Kasaganaang sama-sama.Sanggunian:

https://journals.upd.edu.ph/index.php/humanitiesdiliman/article/download/7110/6205

108
Pambansang Awit ng Pilipinas ni Julian Felipe
Ang ipinagbawal na “Pambansang Awit ng Pilipinas” (na kilala rin sa pamagat na
“Lupang Mapalad” mula sa mga unang titik ng salin sa Filipino) ay pinayagan nang awitin at
tugtugin matapos ideklara ang “kalayaan” ng Filipinas noong 1943. Ang orihinal na mga titik
ni Jose Palma sa wikang Espanyol ay isinalin sa wikang Filipino ng Surian ng Wikang
Pambansa.

PAMBANSANG AWIT NG PILIPINAS


ni Julian Felipe

Lupang mapalad na mutya ng Silangan,


Bayang kasuyo ng sangkalikasan,
Buhay at yaman ng kapilipinuhan,
Kuha’t bawi na sa banyagang kamay.

Sa iyong langit, bundok, batis, dagat na pinaglupig,


Nalibing na ang karimlan ng kahapong pagtitiis,
Sakit at luha, hirap, dusa, at sumpa ng pag-amis,
Ay wala nang lahat at naligtas sa ibig maglupit.

Hayo’t magdiwang lahi kong minamahal


Iyong watawat ang s’yang tanglaw,
At kung sakaling ikaw ay muling pagbantaan
Aming bangkay ang s’yang hahadlang

Sanggunian: http://www.plarideljournal.org/wp-content/uploads/2017/12/2017-02-
Navarro_layout-file.pdf

Hitoo Hakengun No Uta nina T. Korehi at K.


Hinomizu
Ang mga unang buwan ng pananakop ay nakatala sa awit
na “Hitoo Hakengun No Uta” o “Ang Awit ng mga Hukbong

109
Hapon sa Filipinas.” Ang awit ay isang uri ng gunka. Narito ang unang tatlong saknong nito
mula sa Music Book Series, No. 1 (n.d.):

HITOO HAKEGUN NO UTA


Titik: T. Korehi
Musika: K. Hinomizu

O’er the vast expanse of southern skies,


With silver wings in bright array,
Flew the warbirds of Nippon.
On Nielson, Nichols, Clark they swooped,
Crushed in flash those “flying forts”
And those P-40 fighter planes.
Oh! Glorious victory.

Hundreds of ships, majestic fleet,


Plough through rough seas toward Luzon Isle.
Came down and then on palm-lined shores,
‘Spite rain of bullets, hail and steel,
Sprang forth our well-trained landing force.
Relentless, swift, and on we pass’d.
Oh! Glorious drive on Manila!

In virgin jungles untouch’d by man


Vales and chasms, through night and day,
Resounded to loud cannon-bursts
And clutter of machine-gun fire.
The foe gave way and on we rush’d
The Mariveles which fell so soon.
Oh! Glorious battle of Bataan!

Sanggunian: http://www.plarideljournal.org/wp-content/uploads/2017/12/2017-02-
Navarro_layout-file.pdf

110
Ang Dula sa Panahon ng Hapon
May dalawang uri ng dula ang nadebelop sa panahong ito, ang legitimate at illegitimate.
Ngunit ito ay batay sa pagtataya ng mga tradisyunal. Ang legitimate plays ay binubuo ng mga
dulang sumusunod sa kumbensyon ng pagsulat at pagtatanghal nito samantala sa illegitimate
plays naman pumabilang ang mga stage shows.
Ang lahat ng mga pagtatanghal sa panahong ito ay nasa ilalim ng sensura ng Japanese
Propaganda Corps gaya ng radyo at ng mga publikasyon. Ang mga iskrip ay kinakailangang
ipasa muna sa mga kinauukulan at tsaka lamang makakapagsimulang mag-rehearse kapag
napahiintulutan na ito. At hindi lamang iyon sapagkat isang araw bago ang pagtatanghal ay
pinapanood pa ito ng mga censors.

Halimbawa ng mga Dula sa Panahon ng Hapon

Sa Pula, Sa Puti ni Francisco Soc Rodrigo


Ang dulang “Sa Pula, Sa Puti” ay isang yugtong dula sa
panulat ni Francisco Soc Rodrigo sa Tagalog na orihinal sa
Ingles. Sa panahon ng Hapon, ito ay itinanghal sa direksyon ni
Narciso Pimentel Jr. ng Dramatic Philippines.

SA PULA, SA PUTI
ni Francisco Soc Rodrigo

Mga Tauhan
a. Kulas – Mahilig magsabong. Pangunahing tauhan sa kwento.
b. Celing – Asawa ni Kulas na pumipigil sakanya sa Pagsasabong.
Sikretong pumupusta sa kalaban upang kahit matalo si Kulas
ay may pera parin sila.
c. Sioning – Kaibigan ni Celing

111
d. Castor – ang nagiimplusensya kay Kulas sa pagsasabong nito.
e. Teban – Ang inuutusan ni Celing sa pagpusta sa kalaban ni Kulas.

Buod
Si Kulas at Celing ay ang magasawang hindi masyadong mayaman o mahirap,
katamtaman lang ang katayuan nila sa buhay. Kaya lamang ang asawa nitong si Kulas ay
nalululong sa bisyo ng pagsasabong ng manok. Namomroblema itong si Celing sa asawa
sapagkat lagi nalang talo kung umuwi ang asawang si kulas galing sa sabong. Kung kaya ay
umisip siya ng paraan para hindi sila tuluyang mabaon sa kahirapan.
Palihim niyang pinapupusta ang engot na kasambahay na si Teban sa manok ng kalaban upang
kahit manalo man o matalo si kulas sa sabong ay wala pa ring talo.
Nagpatuloy ang ganoong Gawain hanggang sa isang araw ay para yatang nawawalan
nang pag-asa itong si Kulas sapagakat hindi naman daw pabor sa kanya ang suwerte kung kaya
ay nakapagdesisyon siyang iwan na ang pagsasabong. Ngunit nagbago na lamang ang kanyang
isip ng siya ay mapagpayuhan ni Castor, kasamahan rin niya sa sabongan, sa mga sandaling
iyon ay tinuruan ni Castor si Kulas sa mga nararapat nitong gawin na mga estratehiya upang
manalo si kulas. Sa katagalan ng kanilang pag-uusap, hangga ng sa muli nanamang nabuhayan
itong si Kulas a mananalo siya sa sabong sa pagkakataong ito. Muli ay nanghingi siya perang
pamusta sa sabong kay
Celing sabay nangakong kung matatalo pa siya sa pagkakataong iyon ay malaya na si
Celing na ihawin ang lahat ng kanyang Tinali at nangako rin siyang kakalimutan na niya ang
sabong. Sumapit na nga ang oras ng pagsasabong at pumunta ng palihim si Kulas na pumusta
sa manok ng Kalaban gaya ng itinuro ni Castor sa kanya. Pinapusta rin ni Aling Celing si Teban
sa manok ng kalaban. Ngunit sa di inaasahang pangyayari ang manok ni Kulas na sadyang
tinusok ng karayom ang paa upang sadyang humina at tuluyang matalo ay siya palang
mananalo sa labanan ng mga tinali. Sa pagkakataong
iyon ay kapwa natalo sa sugal ang mag-asawang Kulas at Castor at wala man lang silang
nakuha kahit ni katiting na kusing. At natupad ang kasunduan ng mag-asawa na iihawin ang
lahat ng tinali at magbabago na si Kulas sa kanyang bisyo ng pagsusugal.

Sanggunian: https://pdfcoffee.com/sa-pula-sa-puti-8-pdf-free.html

112
Dahil Sa Anak ni Julian Cruz Balmaceda

Ang akdang “Dahil sa Anak” na isinulat ni Julian Cruz


Balmaceda ay tungkol sa isang lalaking nagngangalang Manuel.
Si Manuel ay nagmahal ng anak ng isang labandera na si Rita.
Ang pagmamahalan nila Manuel at Rita ay nagbunga ngunit ito
ay tinutulan ni Don Arkimedes. Hindi siya sang-ayon na
magpakasal and dalawa. Si Manuel ay nagpanggap na magpapari na lamang. Nang malaman
ito ni Don Arkimedes, siya ay nagalit sapagkat mapuputol ang kaniyang pangalan at lahi kung
si Manuel ay magpapari at ang kaniyang magiging apo ay magiging anak na ligaw. Sa bandang
huli ay sumang-ayon na rin siya na magpakasal sina Manuel at Rita.

DAHIL SA ANAK
ni Julian Cruz Balmaceda

Mga Tauhan
1. Arkimedes
2. Cristobal
3. Manuel
4. Rita
5. Sidora

Ang ayos ng tanghalan ay loob ng isang bahay-mayaman. Mapagkikilalang ito’y isang


bahay sa una dahil sa mga kasangkapang gamit. Ipalalagay din na ang namamahay ay may
ugaling kakahapunin, at mapaniwalain sa mga utos ng pananampalataya.Sa dakong kaliwa
ng nanonood ay naroon ang silid ng maybahay. Sa dakong kanan ay may mga bintana, At sa
dulong kanan ay isang pintong patungong labas. Sa dulong kaliwa ay may isa ring pintong
patungo sa isang panig ng looban ng bahay. Pagkaangat ng tabing ay makikitang nangakaupo
at nag-uusap ang magpinsang si Don Arkimedes at Don Cristobal.

113
Unang Tagpo

Si Don Arkimedes ( suot pambahay) at Si Don Cristobal ( suot panlakad).

CRISTOBAL- Liwanagin mo ang ating pinag-uusapan, primo, at kung makukuro mo ang


magiging hangga’y maaaring magbago ka ng isipin at palagay.

ARKIMEDES- Ang lagay ba’y naparito ka upang ipagtanggol ang walang-hiyang iyan…?

CRISTOBAL- Isipin mo, primo, na ang tinatawag mong walang-hiya ay tunay mong anak
…. Ang bugtong mong anak na iniwan sa iyo ng nasira ….

ARKIMEDES- (Titindig at magpapahalata ng kapootan) ….Primo….iya’y hindi ko na anak


, mula sa mga sandaling iya’y maka-isip na gumawa ng napakalaking kasalanang gaya ng
kanyang ginawa… siya’y hindi ko na anak… Siya’y hindi karapat-dapat na magtaglay ng
aking apelyido… Kahiya-hiya…! Karima-rimarim…! Isang malaking batik iyan sa lahi ng
mga Lakambayan… Oo, walang patawad ang kanyang ginawa…

CRISTOBAL- Huwag mong ipasupil sa iyong puso ang iyong isip…Ang nangyari sa inyong
mag-ama’y nangyayari sa lahat…

ARKIMEDES- Nagkakamali ka, primo…hindi nangyari, kailanman sa aming lahi ang bagay
na iyan … Oo talagang walang-hiya, walangturing….walang….

CRISTOBAL- Dahan- dahan…

ARKIMEDES- Hindi, hindi ako makapagdahan-dahan, kapag naglalagablab ang aking isip sa
galit …Oo… walang pinag-aralan, bastus…

CRISTOBAL- Baka ipalagay tuloy ng mga kapitbahay na ako’y siya mong minumura at
tinutungayaw…

ARKIMEDES- Ano ang mawawala sa akin …? Pintasan ako ng buong bayan … pulaan ako
ng lahat… pagtawanan ako ng kahit sino… walang kailangan …Hindi ba’t ngayo’y
pinagtatawanan na ako, pinupulaan at pinipintasan ng bala ng nakakikilala sa akin…?

114
CRISTOBAL- Natatalastas ko ang iyong ikinagagalit . Oo, hindi kita sinisisi … sa palagay
ko’y may matwid ka, datapwat lahat ay may kanyang hangganan …Ang ginawa ng iyong
anak ay isang bagay na di kataka-takang gawin ng kabataan ngayon … dahil sa kakapusan ng
pagkukuro sa mararating…

ARKIMEDES- Primo… alam mo na kung gaano ang pagtatangi ko sa iyo, kaya kung
pinahahalagahan mo ang ating parang magkapatid na pagsasama ay hinihiling kong huwag na
nating pag-usapan ang bagay na iyan… (palipas.) Sapagka’t makakain mo bang gawin sa iyo
ng itinuturing mong bugtong na anak pa naman na ikaw ay dalhan ng isang apong ni di man
lamang nagdaan sa simbahan ? kung sa bagay ,tayong lahat ay naging ama… ang aking ama
ay naging ama rin … ang ama ng aking ninuno ay naging ama rin …ang ama ng…

CRISTOBAL- Oo, ang ama ng iyong ninuno …ay naging ama rin.

ARKIMEDES-Ngunit ni isa ma’y di nagkaroon ng kapangahasang gaya ng kapangahasang


ginawa ng aking’mabait’ na anak…Sayang , sayang ang pagkakapagpaaral ko sa hayop na
iyan…Oo, sayang…! Walang education…

CRISTOBAL- Ikaw rin ang masisisi sa nangyaring iyan at hindi ang anak mo lamang …
Pinalaki mo sa malabis na layaw ang iyong anak . Nalimutan mo ang sabi ni Florante na---

Ang laki sa layaw ,

karaniway hubad

Sa hatol at mun’t sa

aral ay salat…

ARKIMEDES- Nakita mo na? Sa bibig mo na rin nagmumula ang pagbibigay-sisi sa


magulang, dahil sa kagagawan ng anak… saka ngayon ay ikaw ang mamamagitan upang
huwag kong pansinin at alintanain ang kanyang kaalibughaan…?

CRISTOBAL-Dapat mong malaman, Primo, na ako man ay nagdadamdam din sa nangyari,


kaya’t kinausap ko si Manoling at sinabi ko sa kaniya na ang kanyang ginawa ay pangit…
napakapangit…!

115
ARKIMEDES-Kapangit-pangitan…!ang sabihin mo.

CRISTOBAL-Oo, Pangit pa sa dilang pangit…ngunit ano ang sinabi niya sa akin? “Tito
Cristobal”, ang sabi niya… “Ang nangyari ay nangyari na at hindi na natin maiuuli pa sa
rati. Hindi ko maaaring itapon sa lansangan ang aking anak …” At kung ang ginawa ng iyong
anak, ay gaya ng ginagawa ng iba na ayaw kumilala sa laman ng kanyang laman, at sa dugo
ng kanyang dugo…ano ang sasabihin mo?

ARKIMEDES-Lalo ko siyang mapapatay… Kung may pitong buhay man siya’y uutasin
kong lahat…

CRISTOBAL- Mangyari pa… kaya ngayon, si Manoling ay wala ng paraang magagawa


kundi ang magpasan ng tungkulin ng isang ama… at ang sabi nga niya: “ ang nangyari’y
nangyari na” At saka’t sa ibig mo, primo… agwelo ka na … isang bagong Arkimedes ang
sumilang sa iyong angkan na siyang magpapakilos ng daigdig ….

ARKIMEDES- Agwelo?

CRISTOBAL-Mangyari, may apo ka na … at di apo sa pakinabang kundi apong tunay…


isang apong magdadala ng iyong pangalan… Arkimedes Lakambayan. Junior …

ARKIMEDES- Iyan ang hindi maaari.

CRISTOBAL- Kung ayaw ka ng ‘Junior ‘ ay tatawagin nating Arkimedes Lakambayan, II ,


nalalaman mo bang ipinanganak ang iyong apo ng mismong araw ng iyong ika-50
kumpleanyos?

ARKIMEDES-Basta kung ayaw kong ipamana sa kaniya ang aking ngalan at apelyido , ay
ano ang kanyang magagawa? Maiaalis baga sa aking ipagkait ko ang aking pangalan sa iba?

CRISTOBAL-Diyan ka nagkakamali. Isang katutubong karapatan ng iyong apo na


gamitin ang pangalang sa kaniya’y ukol. Iyan ang kayamanan mong maaaring kunin sa iyo
ng iba sa harap-harapan, at ikaw ay di makakikibo. At saka isa pa: Kasalanan ba ng iyong apo
na ang maging ama niya’y si Manuel, at ikaw ang maging nuno?

ARKIMEDES- Matanong kita : sino ang kamukha ng bata?

116
CRISTOBAL-Ikaw sa isang dako…

ARKIMEDES- Ano ang ibig mong sabihin?

CRISTOBAL- Kamukha mo sapagkat kung makasigaw ay abot sa kapitbahay.

ARKIMEDES-Demonyo…!

CRISTOBAL- At kung tumawa..walang iniwan sa kanyang agwela sa ina.

ARKIMEDES- Sa ina? Sa ina ni Rita? Ang labandera?…Isang butil na lamang upang kalusin
ang salop… Oo….Iyan pa nga ang hindi ko malunok-lunok. Papasok sa silong ng bubong ng
aking tahanan ang isang anak lamang ng labandera…! Pasasaan ka, oo pasasaan ka?

CRISTOBAL- Diyan ka nagkamali ng panukat, primo. Kilala ko ang ina ni Rita. Oo,
labandera nga, ngunit ikaw ma’y hahanga sa babaeng iyon noong nabubuhay….Sa kaniyang
sariling pagsisikap at sa likod ng di kakaunting pagtitiis, kahit gapang , iginapang ang
pagpapaaral sa kaniyang bugtong na anak, si Rita nga, at una ang Diyos, si Rita’y nakatapos
sa Normal School at nakapagturo sa paaralang bayan… Datapwat diyan siya nakilala ng
iyong anak…Namatay ang kaniyang ina, at si Rita’y naiwan sa piling ng kaniyang tia, na
halos sunod-sunod na parang organo ang mga anak. Si Rita’y naalis sa pagtuturo, mula sa
sandaling makilala ng mga pinuno ng paaralang bayan ang kaniyang kalagayan… at ngayo’y
mag-ina silang sasagutin ng iyong anak…

ARKIMEDES- Samakatuwid, ang Ritang iyang anak ng labandera’y….

CRISTOBAL- Isang babaeng malinis , maypuri, maydangal…at maliban sa munting batik na


nilikha ng kalikutan at kagandahang lalaki ng iyong anak…ay walang maisusurot sa kaniya
ang makasalanang lipunan ng mga tao.

ARKIMEDES- Di kung gayon ay mag-iisang buwan na ang anak?

CRISTOBAL- Oo, isang buwan at labintatlong araw…

ARKIMEDES At hindi pa nabibinyagan?

117
CRISTOBAL-Hindi pa, sapagkat ang ibig nila’y magpakasal muna bago pabinyagan ang
iyong apo…

ARKIMEDES-O, ay ano ang kanilang ginagawa? Bakit di pakasal kung pakakasal, at


pabinyagan ang bata, upang lumaking moro at simaron…

CRISTOBAL- Kung sa bagay kapwa nangasagulang maging si Manuel , maging si


Rita…ngunit palibhasa’y ibig ni Manuel na mahugasan ang kaniyang pagkakasala , kaya ang
hinihintay ay ang iyong pahintulot…

ARKIMEDES- Pahintulot? Aanhin pa ang pahintulot? Nang siya ba’y magtayo ng ‘templo’
ay nangailangan ng aking pahintulot ? Komporme na akong siya’y mag-asawa , kung ibig
niya, upang mailigtas sa kasalanan ang kaniyang walang malay na anak… ngunit kung ako pa
ang magiging alkagwete na magbibigay ng pahintulot… ay iyan ang hindi maaari.Sinabi
mong sila’y maylayang pakasal…. Aber… pakasal sila,at tapos ang kwento. /Palipas/ Hind
ko sinisisi ang bata … ang sinisisi ko ko’y ang ama’t ina … kaya kung ibig nila’y
pakasal sila, kahit makasanlibo at ako’y di kikibo , sapagkat sinabi ko sa iyo na malaon nang
nayari ang aking pasiya: ako’y walang anak. Ako’y nagkaroon ng isang anak na suwail, at
ang suwail na yao’y malaon ko nang ipinagtulos ng kandila.

CRISTOBAL- Bueno…. Kung mag-uulit tayo ng salitaan ay hindi na kita sasagutin.


Naganap ko na ang aking tungkulin : “ Ang paalaala’y gamut sa taong nakalilimot….” anang
kasabihan. Napaalaalahanan na kita, ngunit kung ikaw ang nagkukusang lumimot sa iyong
tungkulin, ay wala akong magagawa.

ARKIMEDES- Pinasasalamatan kita , pinsan… ngunit bago ka umalis , ay utang na loob sa


iyo, kung makikita mo si Manoling, sabihin mo lamang na ibig ko siyang makausap. Kapag
sa unang tanungan namin ay di sumagot sa akin ng tama … o nasirang Manoling siya o ako’y
hindi na si Arkimedes…

CRISTOBAL- Oo, nariyan lamang si Manolo …. Tatawagin ko. (tutungo sa may pinto at
babalik) Ngunit ang paalaala ko lamang sa iyo … Huwag mong kalilimutang si Manoling ay
iyong anak.

ARKIMEDES- Nalalaman ko. Oo… hindi ko kalilimutan na siya’y aking anak…

118
CRISTOBAL- At hindi mo dapat pagbuhatan ng kamay…

ARKIMEDES- Bakit ko pagbubuhatan ng kamay?

CRISTOBAL- Nakikilala kita … kapag nagdidilim ang iyong isip ay gumagawa ka ng di mo


nalalaman….

ARKIMEDES- Oo, nalalaman ko….

CRISTOBAL- At isaisip mo na ikaw man, at ako man , ay nagdaan din tayo sa kabataan….

ARKIMEDES- Pero, tatawagin mo ba, o ako ang tatawag…..?

CRISTOBAL- Oo, ako ang tatawag… Ay, Arkimedes…. Arkimedes!

(Papasok sa pintong kanan , samantala’y yao’t dito sa buong bahay si Arkimedes na


bulong ng bulong at kumpas ng kumpas.)

Ika-II Tagpo

Si Arkimedes at si Manuel

MANOLO- Papa! (Magalang na tutungo ang ulo)

ARKIMEDES (Anyong dadaluhungin ni ARKIMEDES. Si Man., ngunit


mapapaurong.) Kaunting lamig , Arkimedes … Hindi mo dapat ulilahin ang isang walang
malay na sanggol.

MANUEL- Sabi sa akin ni Tio Cristobal na tinatawag daw ninyo ako.

ARKIMEDES-Oo, tinatawag kitang walanghiya… iyon, hindi ba sinabi sa iyo ng Tio


Cristobal mo?

MANUEL- Mahigpit pa sa roon ang napansin ko sa kaniyang mga sinabi.

ARKIMEDES- At inuulit ko sa iyong mukha… walang ….(Akmang pagbubuhatan ng


kamay, ngunit muling magpipigil , samantalang ikinakanlong ni Manuel ang kanyang mukha

119
sa dalawang bisig) Huwag kang magulat . Hindi kita sasaktan….

MANUEL- At bakit ako magugulat…. Saktan man ba ninyo ako ay ano’t ako’y magugulat.
Kung kayo sana’y hindi ko kilala….

ARKIMEDES- O, ngayon ay ano ang iyong gagawin ? Ano ang lagay ng bata ? May ngipin
na ba? Tumatawag na ba ng lo…ng Papa?

MANUEL- Hindi pa, walang malay pa ang bata… sasambuwan pa…

ARKIMEDES- Sa akala mo ba’y mabuti na ang iyong ginawa na ako’y handugan mo ng


isang apo sa gulang kong ito? Hindi ka ba nakukutyang tawag-tawagin ako ng ‘lolo’ ng
balana?

MANUEL- Hindi ba’t balang araw ay tatawagin ding kayong lolo ng inyong apo,gaya ng
pagtawag ko ng ‘lolo’ sa inyong ama?

ARKIMEDES- Oo, ngunit naghintay ako ng tatlumpong taon bago ko hinandugan ng isang
apo ang aking ama…. At isang apong isinunod ko sa lahat ng hinihingi ng simbahan at ng
katutubong ugali ng lahi ng mga Lakambayan…. Ngunit ikaw …. Sa gulang mong iyan….
Dadalawampu’t dalawang taon ka pa… sukat mong magawang dulutan ako ng isang apong
galing sa tabing bakod….?

MANUEL- Papa ang aking anak ay….

ARKIMEDES- Oo, walang kasalanan….

MANUEL- At di anak sa tabing bakod.

ARKIMEDES- Gayon nga ang tawag sa mga anak sa labas ng matrimonyo.

MANUEL-Mali ang ganyang tawag…. Tumututol ako!

ARKIMEDES- Marunong ka nang tumutol…. Padre de familia ka na nga…. May


independencia ka na … at kaya pala nagdaan ang singkad na siyam na buwan ng di mo man
lamang naipagtapat sa akin. Ang templo lamang ni Solomon ang niyari sa loob ng pitong taon
nang walang katog….Akala ko pa naman ay napakabait kang bata…. Ipinagmamalaki kita sa

120
iba… Sinasabi kong madalas : Tingnan ninyo si Manuel dalawampu’t dalawang taon na’y
wala pa sa loob ang pag-aasawa, at sabi ko pa nama’y ‘magmamana sa ama’ .Ngayon , gaano
karami ang taong napagsabihan kong ikaw ay sa akin magmamana? Hindi mo ba ikinahihiya
iyang matala sa pardon ng simbahan na ang anak mo’y sumilang sa labas ng bakuran ng
Iglesia?

MANUEL_ Papa… (Akmang sasagot)

ARKIMEDES- Hintay ka , huwag kang sumagot … Bayaan mong akong matapos . Ano ang
sasabihin ng tao na kung kayo’y ikasal ay namumulot na ng pera ang iyong anak sa lansangan
…. O kaya’y may dala ng singsing at aras na pangkasal?

MANUEL- Pakinggan ninyo ako sandali…

ARKIMEDES- Sinabi ko nang huwag kang sasagot. Ako’y nakikilala mo na. Iisa akong
magsalita. Sa loob ng tahanang ito ay walang kaloobang masusunod kundi ang kalooban ko
lamang, at ngayon, yayamang di mo nagunita na ikaw ay may isang amang dapat sanggunian
at pagtanungan , mula ngayo’y wala kang ama…. Mula sa mga sandaling ito ay sarili mo na
ang dapat mong sundin …. (Palipas. Mauupo sa isang silya si ARKIMEDES. At
mapapansing nagpupuyos sa galit at habag ng loob . Si Man. Ay di makakibo.) Ngayon,bakit
di ka magsalita?

MANUEL- Ngayon, narinig kong lahat ang inyong sinabi. Hindi ko maiaalis sa inyo na
tayo’y magkaiba ng palagay. Mapapanaingahan ba ninyo akong ilang saglit?

ARKIMEDES- Magsalita ka… Magsalita ka…

MANUEL-Ipinagtatapat ko sa inyo na ang pag-iibigan namin ni Rita ay dalisay, wagas at….

ARKIMEDES- Pag-iibigang labag sa mabuting kaugalian…

MANUEL- Labag man o hindi sa ipinapalagay ninyong ‘mabuting kaugalian’ ngunit ang
katotohanan ay minamahal ko siya at ako’y kaniyang minamahal din naman. At tawagin man
ng daigdig na ang aking anak ay anak sa ligaw, anak sa tabing bakod, datapwat sa harap ng
Diyos,siya’y aking anak…. Dugo ng aking dugo, at laman ng aking laman…. Nalalaman
kong ako’y may malaking utang na dapat kilalanin sa inyo, alang-alang sa inyong

121
pagkakapagsakit na ako’y mapalaki, mapag-aral at matutong makakilala ng aking mga
pananagutan sa buhay…. Dahil sa mga halimbawang iyang ipinakita ninyo sa akin, kaya
naman natatakal ko kung gaano ang bigat ng aking sagutin sa aking
anak….at…. (Makailang hahadlang sa pagsasalita si ARKIMEDES. Ngunit di
bibigyang panahon ni Man. na makasagot.) sapagkat si Rita’y nakikilala kong hindi ko
ikahihiyang tawaging asawa sa harap ng tao’t sa harap ni Bathala, at di ko ikabababa na ang
aking abang pangalan ay ipamana sa aking anak; at yayamang natupad ko na ang aking
tungkulin sa inyo at kayo’y nagpakilala sa akin ng inyong di na mababawing pasiya….. ay
ako ang nagsasabi sa inyo ngayon , na upang huwag ninyong masabing kayo’y magkaroon ng
isang apong ‘ anak’ sa ligaw ‘ , o sa tabing bakod…. O kung sa ano man ninyo ibig ihawig
…. Ay ako na ngayon ang nagsasabi sa inyo na mula sa mga sandaling ito’y lilisanin ko ang
tahanang ito,…. Ang tahanang itong kinakitaan ko ng unang liwanag, ang tahanang itong
kinatanggapan ko ng unang halik ng aking ina…. At…. Sa tulong ng aking sariling lakas ay
mabubuhay ko rin ang aking mag-ina, at madulutan ko balang araw ng isang tahanang dakila
at marangal……

ARKIMEDES- Manuel…! Hindi ka makaaalis sa bahay na ito….ngunit hindi sa anak


labandera lamang….Matitiis ko ang lahat,ngunit di ko mapapayagang ikaw ay pakasal sa
babaeng iyan…. Oo, magdadaan ka sa aking bangkay, bago makitang ikaw ay dumulog sa
dambana na hatid ang anak ng isang labandera….

MANUEL- Iyan ang hindi maaari…. Pakakasalan ko si Rita sa ayaw man kayo at sa ibig…

ARKIMEDES- Ano ang sinabi mo?

MANUEL- ang inyong narining … Ipinangako kong siya’y pakakasalan ko, at ako’y isang
lalaking marunong tumupad sa kaniyang salita….(Matigas ang salita)

ARKIMEDES- Tingnan mo Manuel …. Ang kaharap mo ay ang iyong tunay na ama , at


hindi ka dapat maglakas ng tinig….Gunitain mong ikaw ay aking anak….

MANUEL- Opo, at ang ipinagtatanggol ko ay ang karapatan ng aking anak….

ARKIMEDES- Dito’y walang ama kundi ako lamang … ako lamang ang masusunod .

122
MANUEL- Papa … Ipagpatawad ninyo sa akin na ito ang kauna-unahang pagsuway ko sa
inyo….

ARKIMEDES- Tingnan mo Manuel …. Ako’y di katandaan , ang mga bisig ko’y magagamit
ko pa , kung kailangan … Huwag mong piliting pagbuhatan kita ng kamay…

MANUEL- Ano man ang gawin ninyo sa akin ay hindi ko hahadlangan …. Hindi ako
magtatanggol sa sarili sapagkat ako’y inyong anak… ngunit kung ako’y titirhan ninyo ng
buhay …. Ay pakakasal din ako sa babaeng aking minamahal….

ARKIMEDES- Manuel….! (Galit na galit)

MANUEL- Papa……

(Akmang susunggaban ni ARKIMEDES si Man at siyang pagsungaw sa pinto ni


Cristobal.)

Ika-III Tagpo

Sila rin at si Cristobal

CRISTOBAL- Pero….nangawawalan na ba kayo ng isip, at ibig ninyong malaman ng


sambayanan ang nangyayari sa loob ng tahanang ito?

MANUEL- Ako ay wala ng sinasabing kahi’t ano …Nasabi ko na ang lahat ng dapat kong
sabihin.

(Mauupo sa isang sulok)

ARKIMEDES- Oo, wala ka nang masabi…. Ngunit ako’y marami pa, datapwat ako ay di na
magsasalita … Ako’y nagpapasalamat sa Diyos at ako’y binigyan niya ng isang anak na
suwail at walang turing … Pakasal ka , mag-asawa ka,yayamang ito ang iyong hinahangad …
datapwat inuulit ko sa iyo na para sa akin ay wala na kong anak at ikaw ay wala nang ama….
Ako’y iisang mangusap… Paalam! (Walang kibong aalis upang huwag ipahalata ang
kaniyang pagdaramdam)

123
Ika-IV na tagpo

Si Cristobal at si Manuel

MANUEL- Tio Cristobal….

CRISTOBAL- Ano, Manuel….

MANUEL- Nakita ba ninyo?

CRISTOBAL- Oo, pinagmamasdan ko kayo mula roon sa labas.

MANUEL- Narinig ba ninyo ang aming salitaan?

CRISTOBAL- Oo, ang lahat.

MANUEL – Tinupad ko ang inyong bilin, ngunit walang nangyari…

CRISTOBAL –Talagang ang iyong ama’y masyadong matigas… Nasaan sina Rita?

MANUEL- Nariyan po sa kabilang bahay. Sinabi kong ako’y hintayin , at siya’y tatawagin
ko, matapos kong makausap ang aking ama. Malaki ang aking pag-asang mapapalambot ko
rin ang bakal na puso ng aking ama, ngunit ako’y nabigo…. Nasayang ang lahat ng aking
pagmamatigas. Walang mangyayari kundi ang kaming mag-ama’y magkatikisan din sa
wakas.

CRISTOBAL- Hindi pa rin … Ako’y may pag-asa pang totoo yung kasabihang …. “ Walang
hindi matutupad pag taos ang paghahangad.”

MANUEL- Ngunit hindi sa aking ama. Para sa kaniya, ay yaong kaniyang kalooban lamang
ang dapat masunod. Siya’y namihasa na sa ganiyan , at ako’y tanak na sa kaniyang
ugali. Kayo man, lahat ng diplomasya ninyo’y hindi tumalab.

CRISTOBAL- Hindi ko pa itinutustos ang aking pisi, Manuel. Tawagin mo si Rita.

MANUEL- Tawagin ko si Rita? Baka kayo nabibigla….! Hindi ba ninyo kilala ang aking
ama? Ibig ba ninyong maghalo ang balat sa tinalupan? Kung saka-sakaling alipustain at

124
murahin sa aking harap si Rita, masusukat baga ninyo kung hanggang saan matatapos ang
aking pagtitiis? Iyan po ang hindi maaari , Tio Cristobal.

CRISTOBAL- Kung hindi mo susundin ang sinasabi ko … ay hindi na ako manghihimasok


sa iyong asunto. Sa palagay mo ba’y hindi ko nalalaman ang aking ginagawa?

CRISTOBAL-Tawagin mo ….

MANUEL-At kung….?

CRISTOBAL- Ako ang bahala.

MANUEL- (Tutungo sa dakong kaliwa…. Ngunit mapapatigil) Tio Cristobal … naalaala ko


pala, na kasama ni Rita ang kaniyang tia . Kilala ninyo siya. Alam ninyo ang kaniyang ugali.
Sa kaniyang pagtitinda ng gulay sa palenke , di ba ninyo nalalamang pati pulis at alkabalero’y
nilalabanan? Kung iyan ay kaharap at saka lait-laitin ng aking ama si Rita , makukuro kaya
ninyo kung gaano kalaking gulo ang ibubunga?

CRISTOBAL- Bueno, ako ‘y nakaisip ng isang paraan upang maayos ang gusot na ito ,at
nalalaman ko kung saan ako lalabas .Hindi ako papasok nang di ko nalalaman ang aking
lalabasan. Basta tawagin mo si Rita , pati ang kaniyang tia, at ako ang bahala …. Nalimutan
mo na ba yaong kasabihang …” Ang simulan sa maigi’y natatapos sa mabuti.”…. Manuel …
bata ka pa nga … alalahanin mo yaong kasabihang “Magpakadunong ng bata, magtatanong
sa matanda…?"

MANUEL- Pero (atubili)

CRISTOBAL- Tawagin mo, o ako ang tatawag?

MANUEL- (Hindi sasagot, tutungo sa bintana, bubuksan at may susutsutan , pagkatapos ay


kakawayan) Sabihin ninyo kay Rita na parito na siya…. (Makikitang kasama si Aling
Sidora) Naku po … kasama ang tia… Tio Cristobal… simula na ng malaking eskandalo!

CRISTOBAL- “ Hindi natututong lumangoy ang sa tubig ay di lulusong …”

MANUEL- Pero ano ang inyong gagawin?

125
CRISTOBAL- Bayaan mong kausapin nila ang iyong ama.

MANUEL- Bathala…. Ibig ba ninyong bukas na bukas din ay malathala sa mga pahayagan
na dito’y nagkaroon ng isang malaking alingasngas?

CRISTOBAL- Ang ibig ko ay ang tumahimik ka at bayaan mong ako ang magtapos ng
salitang ito.

MANUEL- Pero….

CRISTOBAL- Ikaw bay’ walang tiwala sa akin?

MANUEL- Kung sa bagay po ….. ngunit…..

CRISTOBAL- Anong ngunit….

MANUEL- Kilala ko po ang henyo ng aking ama….

CRISTOBAL- Bago mo makilala ang ama mo , ay nakilala ko na muna.

MANUEL- Narito na sila….

Ika –V tagpo

Si Cristobal, si Manuel , at si Rita na halos itulak na sa pinto upang pumasok si Sidora, at


tatlong batang lalaki na sunod sunod ang laki. ( Ito’y mga anak ni Sidora na pawang
marurumi ang damit , magugulo na gaya ng ugali ng mga batang lalaki sa lansangan.

SIDORA- (Sa loob) Pumasok ka… ano ang ikatatakot mo? Hindi mo ba nalalaman at
kasama mo ako ? Akin na ang bata…..! (Kukunin ang bata.)

RITA- Magandang araw po….

SIDORA- Bigyan kayong lahat ng magandang araw. Narito pala kayo mang Tobal?

CRISTOBAL- Opo, opo aling Sidora…. Naririto ako (Kay Rita) Ano Rita? Ano ang nasa
loob mo?

126
RITA- Ano po ang ibig ninyong isaloob ko ? Hanggang doon sa bahay nina Aling Tasya ay
dinig na dinig ko ang pagmamatigas ng nuno ng aking anak. Dinig na dinig ko ang kaniyang
salitang “sa loob ng tahanang ito’y di niya mapapayagang tumuntong ang anak ng isang
labandera.” Kasalanan po ba ng aking ina ang siya’y matutong kumita ng ikabubuhay namin
sa pamamagitan ng paglalabada? Sa palagay marahil ay ako’y isang babaeng
lansangan….! (iiyak)

CRISTOBAL- Huwag kang umiyak. Wala ka pang dapat itangis.

MANUEL- Rita….!. (Lalapitan)

SIDORA- Ano ang iniiyak mo? Hindi mo nalalaman at ako’y naririto? Ano…? At sa akin
baga’y maaari iyang kahambugan ng kahit sinong ulo ng yaman sa lupa? Ako’y isang
maggugulay lamang, ngunit ipagbabababa ko ng pasan ang sabihing ang gulay ko’y lanta at
walang katas…. Maaari ba sa akin ang kaululan ng mga mayaman? Ipagpatawad ninyo,
Mang Tobal, hindi kayo ang tinutukoy ko…. Nagsususulak lamang ang dugo ko kung
marinig kong sa ami’y may inaapi.

CRISTOBAL- Nalalaman ko , aling Sidora.

SIDORA- Salamat po Mang Tobal (Magkakagulo ang bata at sisigawan ni Sidora) Huwag
kayong magugulo…..Pagbabalian ko kayo ng buto…. Nakita ninyo…. Mga hampaslupa!

CRISTOBAL- Huwag ninyong pansinin , aling Sidora . Talagang ganyan ang mga bata. Tayo
man nama’y naging bata rin.

SIDORA-Ngayon ano ang ating gagawin ? Bakit tayo naparito? Tayo ba’y
pahuhula? A…a… sa akin ay hindi maaari iyan . Akoy sumama rito upang lutasin ang isang
matandang salitaan. Hindi ko mapapayagan na si Rita’y mamalaging walang asawa, at ang
anghelitong ito’y mawalan ng ama …. Iyan ang hindi ko mapapayagan…..

MANUEL- Tia Sidora….

SIDORA- Tse….! Hala ako’y hindi mo pa tia….. ayoko ng tiang hilaw…. Hanggang hindi ko
nakikitang kayo’y nakaluhod sa harap ng pari, nalagyan kayo ng belong gaya ng inilagay sa
akin noong ihatid ko sa altar ang nasirang si Turadyo…. Hindi kita kinikilalang manugang….

127
Oo, tandaan mo. Kapag ang iyong amang si Don Kimedes ay umasta- astang gawin sa akin
ang gaya ng ginawa niya sa iba…. Ay nasirang Kimedes siya…. Oo, itaga mo sa bato!
Hahawakan ko siya sa petserang ganito….(Ang hahawakan ay si CRISTOBAL) at pag sa
isang tanong ko’t nagkamali siya ng sagot… Makapagtitirik ka na ng kandila kay
Sambastiyan at makapagpaparasal ka na ng siyam na gabi….

MANUEL- (kay CRISTOBAL) Nakita na ninyo?

CRISTOBAL- Ngunit hindi tayo darating sa bahaging kakailanganin pa ninyong lukutin ang
damit ni Arkimedes.

SIDORA- May swerte pa rin siya kapag nagkataon, sapagkat pag siya’y nagkamali ng
deklarasyon …. Ay, San Arkelaw….

CRISTOBAL- Huwag kayong mag-alala …. Malulutas natin sa mahusayan ang salitaang


ito. Nang walang ingay, walang alingasngas, at walang gulo.

SIDORA- Para sa kin …. Pareho ang ito’y matapos sa masamaan o sa mabutihan … Kung
ibig niya ang masamaan… sang-ayon ako. Naghahanap lamang ako ng damay ah…. Dapat
nyong malaman na sasambagol na lamang ang hindi ko pa napapasukian… Nalalaman ba
ninyo ang nangyari sa akin isang araw doon sa palengke…? Iyong pulis na numero 13 ay
lumapit sa akin at ako raw ay wala sa akin lugar … hinawakan ko sa baluta at saka ko
binasahan ng ordenanza numero uno at… ano ang nangyari? Pues ang pulis na yaon ay hindi
nakilala ng kaniyang asawa.

RITA- Tia …. Tumahimik kayo, at kahiya-hiya ….

SIDORA- At bakit ako tatahimik ? Binigyan ba ako ng Diyos ng bibig upang itikom ko sa
habang panahon? Kung iyong nasira kong asawa,na hayop pa sa lalong hayop, hindi niya
nagawang isara ang aking bibig kung ayaw ako… Ah, kung ibig nilang mapasaing sa hindi
oras ay subukin nila si Sidora…. Ipagtanong ninyo sa buong bayan, sa palengke, sa sabungan
, sa simbaham …. May makapagsasabi sa inyong si Sidora’y nangupete sa kaharap….?

CRISTOBAL- Pero, Aling Sidora …. Kailangan nating tapusin ang salitaang ito.

128
SIDORA- At akala ba ninyo’y naparito ako upang makinig lamang ng kwento? Hindi ako
aalis sa bahay na ito nang hindi maliwanag ang salitaan …. O ito’y may ama … o nasirang
Kimedes siya….

CRISTOBAL- Ngunit nalalaman ba ninyo yaong kasabihang: “Marunong man daw ang
matsing ay napaglalangan din”?

SIDORA- At sino ang Matsing?

CRISTOBAL-Yao’y kasabihan lamang … Huwag kayong magagalit, Aling Sidora: ako po’y
may naiisip na paraan na inaasahan kong magtatagumpay, kung ang tulong ninyo’y hindi
ninyo ipagkakait.

SIDORA-Tulong? Mangyari pa! Ngunit bagay-bagay….

CRISTOBAL- Kayo po ba Aling Sidora , ay nakalabas na sa komedya noong araw?

SIDORA- Ho…? Komedya ang sinabi ninyo?

CRISTOBAL- Opo , Komedya… Tayo’y magtatanghal ng isang komedya, at tayong lahat


ang gaganap….

SIDORA- Malabo iyan…. Anong komedya ang pinagsasabi ninyo ….

CRISTOBAL- Ang Ibig kong sabihin, yayamang ang pinsan kong si Arkimedes ay hindi
natin mapasukan ng katwiran sa ulo ay dadaanin natin sa ibang paraan….

SIDORA- Kung sa akin …. Kung di pumasok sa kaniyang ulo ang katwiran,ay…. Sa


bunganga niya ay doon ko isusungalngal….

CRISTOBAL- Iyan ang ibig kong sabihin,ngunit sa isang paraang hindi niya mapapansin….

SIDORA- Ah…. Salamangka ang inyong gagawin…

CRISTOBAL- Sa salamangka man o sa ano man …. Ay hinihingi ko ang tulong ninyo… at


saka ni Rita.

RITA- Kayo po ang bahala, ako’y susunod sa inyong maiibigan.

129
SIDORA- Kung gayon ay … manonood ako sa inyong komedya o salamangka…. Hala,
magsalita kayo, kung ano iyang nasa butse ninyo….

CRISTOBAL- Ganito po; ikaw Manuel ay manaog muna. Huwag kang paabot dito sa
pagbabalik ng iyong ama…. At kayo, kung narito na siya … ay matigas ninyong sabihin sa
kaniya, na ayaw na kayong si Rita’y pakasal pa kay Manuel.

RITA- Ano ang sinabi ninyo?

MANUEL- Tio Cristobal….!

SIDORA- Aha… gayon? Ha? Gayon pala ang gagawin ninyong komedya o
salamangka…. Baka kayo’y hindi ko matantiya Mang Cristobal….!

CRISTOBAL- Huwag kayong mabibigla…. Nalalaman ko ang aking gagawin. Basta ikaw
Manuel, ay sumunod sa aking sinasabi. At pagkatapos ng mga ilang minuto, kung inaakala
mong nakapag-palitan na ng mga ilang salita rito, ay pumanhik ka o magbalik ka,at sabihin
mo sa iyong ama na matapos mong mapag-isip ang lahat, ay nakuro mong ikaw ay di nga
dapat pakasal kay Rita….

SIDORA- Demonyo! …. Anong klase bang pag-aayos ang nalalapa? Nasisira ang aking isip.

MANUEL- At hindi ko masasabi ang gayon sa aking ama. Hindi pa nasisira ang aking isip.

RITA- Don Cristobal….

SIDORA- Itaga ninyo sa bato , Mang Tobal …. Iyan ang hindi maaari …. Ako ang nagsasabi
… Tandaan ninyo…. (parang nagbabala)

CRISTOBAL- Huwag sana kayong mangagulat sa aking gagawin. Lahat tayo’y nakakakilala
sa ugali ni Arkimedes. Matigas ang ulo at walang katwiran. Kapag inyong kinontra ay hindi
kayo magkakasundo. Sang-ayunan ninyo nang sang-ayunan at kaipala’y mapapaniwala ninyo
sa kabaligtaran ng kanyang kinukuro. Pag sinabi niyang puti, sabihin ninyong puti nga, kahit
itim at magkakasundo kayo.

SIDORA- Magkakasundo nga, ngunit sino ang agrabyado?

130
CRISTOBAL- Sino pa kundi siya rin…

MANUEL- At kung….?

CRISTOBAL- Manaog ka na Manuel …. Hala sumunod ka sa akin.

MANUEL-Nauunawaan ko na ang ibig ninyong sabihin, Tio Cristobal

SIDORA- Hala, sige manaog ka na …. At pag ang salamangkang ito’y pumaltos … dalawang
kabaong ang ipakuha mo….

CRISTOBAL- Hindi ninyo kakailanganin ang kabaong aling Sidora…

MANUEL- At yaon ba lamang ang aking sasabihin?

CRISTOBAL- Oo, yaon lamang ay labis pa.

MANUEL- Kung gayon ay susunod ako. (Hahagkan ang kaniyang anak) Toto… anak
ko…. Maniwala ka sa Lolo Tobal. (Alis)

Ika-VI na Tagpo

Sila rin, maliban lamang kay Manuel

SIDORA- Ngayon, ano naman ang aming gagawin, Ginoong Direktor ng komedya….?

CRISTOBAL- Kayo’y walang dapat gawin. Ikaw, Rita ay huwag magpapahalata ng


kalungkutan. Ipakilala mong ikaw ay hindi nalulungkot sa kaniyang pagtanggi, bagkus
ipamukha mo sa kaniya na ang klase lamang niyang iyon ay hindi mo ibig maging biyanan….

SIDORA- At sasabihin ko sa kaniya na kung ang pagmumukha lamang niyang iyon ay hindi
ko babalaihin … hindi ba?

CRISTOBAL- Tama, tamang tama…. Iyan ang ibig ko sa babae!

SIDORA- At sasabihin ko pa, na kung ang pag-ayaw niya ay sampu, ako’y sampong
makasampo…..

131
CRISTOBAL- Ito ang sinasabi kong komedya… Lahat kayo’y lalabas sa komedyang iyan…
kayo, Aling Sidora ang Kontrabida…

SIDORA- Magaling akong kontrabida sa drama noong aking kabataan…

RITA- Ngunit… aywan ko po kung matutupad ko nang maayos ang aking papel, Don
Cristobal.

CRISTOBAL- Alang-alang sa iyong anak, ay liliwanagan ng Diyos ang iyong pagiisip at


matututo kang gumanap nang maayos ng iyong papel. Hala, buhayin mo ang iyong loob, Iha
itago mo muna ang iyang mga luha mo, Anak…..

SIDORA-A kapag dumarag-darag sa iyo, ay daragan mo rin….. Hitsura niyang mga taong
iyan ang hindi mo madaragan….

RITA- Bahala na……! Bathala, Patnubayan mo po ako, Alang-alang sa aking anak…

CRISTOBAL- (lalapit sa may pinto). Lakas-loob Rita…. Alisto, aling Sidora… Nalalaman
na ba ninyo ang inyong gagawin?

RITA- opo.

SIDORA-Saulado ko na.

CRISTOBAL-At ako… ang inyong publiko. (Patikad na lalabas. Pagkaraan ng ilang saglit,
ay darating si Arkimedes.)

Ika-VII Tagpo

Si Rita, si Sidora at si Arkimedes

ARKIMEDES- (Pagkakita sa dalawa.) Aba Rita…. Aling Sidora, Narito kayo?

RITA- Opo, kami nga’y naririto….

SIDORA- At ito man….(Ipakikita ang batang kaniyang kalong , pagkakita sa kaniyang mga
anak na nagtutulungan sa mga silyon , ay pagsisipain at palalayasin.) Hala mga hampaslupa
… panaog…! (Ang mga bata’y nagsisi-alis)

132
ARKIMEDES- Ano ba iyan…. Lalaki o babae?

SIDORA- Lalaki, ngunit hindi magmamana sa kaniyang nuno…pagkat walang nunong


pagmamanahan…

ARKIMEDES- At bakit po naman kayo napadako rito?

RITA- Upang makipag-usap sa inyo….

SIDORA- At…. Ito ay upang makilala ang kaniyang…. Ang ibig kong sabihin ay makilala
ang hindi niya nuno.

ARKIMEDES- At tila po, kung di ako namamali , ay may hinahanap kayo sa bahay na ito…
Maaari ko po bang malaman kung ano … at kung sino?

SIDORA- Ito…(Si Rita) ay naghahanap ng isang asawa…. At ito… (ang bata) ay


naghahanap ng isang ama…Nalalaman ba ninyo?

ARKIMEDES- Pwes,ang asawang sinasabi ninyo, at ang amang inyong binabanggit ay hindi
dito nakatira. Hindi ko siya nakikilala…. Kung ang ibig ninyong sabihin ay ang aking anak…
Pwes, ako’y walang anak…. Kamamatay lamang….

RITA- Kami po’y….

ARKIMEDES- (Hahadlangan) Sinabi ko nang namatay na. Wala akong anak. Tapos….

SIDORA- Napapansin ko na talo pa pala ninyo ang babae. Ibig ninyo’y pakyawing lahat ang
pagsasalita. Pwes iyan ang hindi maaari, habang narito si Sidora…. Ako ang magsasalita, at
sa aki’y walang makapag-papaalis…

ARKIMEDES- Baka nalilimutan ninyong kayo’y naririto sa aking bahay?

SIDORA- Baka nalilimutan ninyong ang bibig ko’y nasa aking mukha….Pwes, maupo kayo ,
at kayo’y mapapagod sa pakikinig. Maupo kayo…. Sinasabi kong kayo’y maupo….

(Anyong lalapitan)

133
ARKIMEDES-Pwes, mauupo ako, ngunit ako’y maraming gagawin . Hindi ako
makapagtatagal.

SIDORA- Makatatagal kayo, at makatatagal kayo …. Ikaw Rita ay maupo rin… (Mauupo si
Rita)

ARKIMEDES- Hala… hindi ba ninyo nalalamang may halaga sa akin ang aking panahon?

SIDORA- At ano sa palagay ninyo…. Sa amin ay walang halaga ang panahon? Aba… baka
kayo’y nadidiliman ng pag-iisip ay iaamuki ko sa inyo na kayo’y magbaon ng malaking
pagtitiis sa pagdinig sa akin. Hangga ngayo’y di pa ako nagsisimula.

SIDORA- Pues, Don Kimedes…. Marahil ay nasa-isip ninyo na ang mga hampaslupang
ito,ako at saka ito…. (Si Rita) …at ito… (ang bata) … ay naparito upang maglumuhod sa
inyo at umiyak-iyak…Pues, nagkakamali kayo…kami’y mahirap… ngunit kami’y di
makapagpapalimos ng asawa at ng ama … kayo ay nakikilala namin … para sa inyo, ang
mahihirap na gaya namin ay di mga tao, kundi mga yagit lamang na titisud-tisurin sa daan …
Pues … hindi, ang yagit ay sumasama sa alikabok , at pag-ihip ng hangin ay siyang
makakapuwing sa inyo…. Nalalaman ba ninyo?

ARKIMEDES- Pero …. (Anyong sasagot)

SIDORA- Hintay muna kayo … hindi pa ako nagsisimula. Pues Don Kimedes …Bakit ninyo
sinapantaha kailanman, at bakit pumasok sa isip ninyo ang paniniwalang si Rita… ang
ulilang anak lamang ng isang labandera…. ay mag-aasawa sa anak ng dambuhala sa yamang
si Don Kimedes? Sinong tulig ang nagpasok sa inyong isipan ng bagay na iyan?

ARKIMEDES- (Akmang titindig at sasagot)

SIDORA- Huwag kayong kikilos … sinasabi ko sa inyo. Maupo kayo at kayo’y walang dapat
gawin kundi ang makinig. Ako’y hindi pa nagsisimula hanggang ngayon. Ngunit sinasabi ko
sa inyo, at ito’y hindi balitang kutsero, Don Kimedes…. na nang malaman naming ayaw na
ayaw kayong maging balae ng isang nasirang labandera at ng isang maggugulay lamang sa
palengke…. Ay isinumpa na namin ,na kahit ninyo ipagduruhan ang inyong anak na si
Manuel …. Ay hindi namin tatanggapin . Inyo na ang inyong anak… at kayo’y walang
manugang na aalalahanin.

134
ARKIMEDES-Ngunit….(itututro ang bata)

SIDORA- Ito, ito’y huwag ninyong alalahanin . Palalakihin ko. Tuturuan ko ng edukasyong
bagay sa kaniya. Ito’y isang batang walang ama… at sa akala ba ninyo ay kasalanan ng
batang ito ang siya’y magkaroon ng isang nunong sa halip na lagyan sa dibdib ng isang puso,
ang napalagay ay isang tipak ng batong Maykawayan?

ARKIMEDES-(Hindi na makatiis) , Pues, aling Sidora… ako naman ang magsasalita….

SIDORA- Hindi pa ako tapos.

ARKIMEDES- (Parang hindi pansin ang sagot sa kanya) at dapat ninyong malaman, na di
kakaunting pagtitimpi at pagbibigay-loob ang aking ginawa mula pa kangina…at…

SIDORA- Pues, nahuli na kayo… Basta nabalitaan naming ayaw kayong maging asawa ni
Manuel si Rita… pues ayoko rin…

ARKIMEDES- (kay Rita) Tunay nga bang ayaw kang maging asawa ni Manuel?

SIDORA- Sumagot ka (kay Rita)

RITA- Tunay po.

ARKIMEDES- Bakit? Maaari ko bang malaman ang sanhi?

SIDORA- Sapagkat…. Ayaw siya.. ano pang sanhi ang ibig ninyong malaman. Kaya itago na
ninyo ang inyong anak… isilid sa baul … lagyan ninyo ng apog, asinan ninyo at nang hindi
mabulok…

ARKIMEDES- Ano bang apog ang sinasabi ninyo… Kung di lamang kayo babae aling
Sidora… (May pagbabala)

SIDORA- At kung kayo lamang ay… (May pagbabala rin)

RITA- Tia Sidora… /May pagsamo/

ARKIMEDES- Pues, hindi mangyayari ang sinasabi ninyo… Sa aming lahi ay ang padre de
familia ang sinusunod… hindi maaari ang kagustuhan ng aking anak … Ano ang palagay

135
ninyo? Matitiis ko bang magkaroon ako ng isang anak na binatang ama , at ng isang apong
walang nuno….? Ano ang palagay ninyo sa akin? At ito? (Si Rita)

SIDORA- Sa maliwanag na sabi , ay dalagang ina… ano pa?

ARKIMEDES- Iyan ay sa inyong palgay lamang.

SIDORA- Pues, sa lahi naman namin ay ang kaibigan ko lamang ang masusunod. Ipakasal
ninyo ang inyong anak kahit sa anak ng tupa… at mabuti pa. Pero kay Rita hindi maaari,
hindi…

ARKIMEDES- Maaari…

SIDORA- Hindi maaari…

ARKIMEDES- Ako ang nagsasabing maaari….

SIDORA- Ako ang nagsasabing hindi maaari….

ARKIMEDES- Aling Sidora… kung kayo lamang ay may-salawal…

SIDORA- At ano ang palagay ninyo… wala akong salawal? At ano at?--- (Ipakikita ang
salawal. Dapat malaman na ang salawal na gamit ni Aling Sidora ay mahaba, salawal
lalaki) Hindi ba ito salawal? Ngayon , ano ang gusto ninyo?

ARKIMEDES- Pasalamat kayo’y hindi naging lalaki….

SIDORA- At kung ako’y naging lalaki …. Tarantado din ang labas kong gaya ng maraming
lalaki riyan…

ARKIMEDES- Ang pakakasal ay hindi kayo, Aling Sidora, Siya ang makasasagot. (kay Rita)

RITA- Sinabi ko na po… (Matigas) Hindi ako makapagpapalimos ng asawa….

SIDORA- Nakita na ninyo? Pues, ito ay aking pamangkin. At kayo, kayo… (Lalapit na
parang dadakmain si ARKIMEDES. Ibibigay ang bata kay Rita, at tila naglililis pa ng
manggas.)

136
RITA-Tia Sidora… (May pagsamo)

ARKIMEDES- Makapananaog na kayo sa aking bahay….

SIDORA- Ako, manaog ako? O eto ang iyo…. (Lalapitan at susunggaban si


ARKIMEDES,Ngunit parang may sumumpong na sakit at biglang mapapaupo sa isang
silya… at magpapapadyak.)

RITA- Tia Sidora…. (Lalapit) kaunting tubig….

Ika VIII Tagpo

Sila rin at si Cristobal na may dalang tubig sa isang bote.

CRISTOBAL- Ano ang nangyari?

ARKIMEDES- Kami ay nagkakaroon ng isang mainitang pag-uusap. Samantala


kinukumbinsi kong pumayag silang si Manuel at si Rita’y makasal ay nagpakatanggi-
tanggi… Sa akala mo ba Cristobal, ay maaatim kong magkaroon ng isang manugang sa labas
at isang apong hindi nabasbasan ng Simbahan?

RITA- Tia Sidora…

SIDORA- (Pasigaw) Walang hiya… oo walang hiyaaaa!

ARKIMEDES- Mabuti pa’y dalhin mo sandali roon sa kwarto at nang maginha-


ginhawahan…. Paamuyin ng eter… (Lalapitan ang bata at kukunin kay Rita, at ibibigay
naman nito upang maalalayan si Sidora. Si Sidora’y ititindig ni Rita at Don Cristobal,
upang ipasok sa silid.)

Ika IX na tagpo

Si Arkimedes na hawak ang bata

ARKIMEDES- Sasabihin ni Cristobal na hindi ko raw ito kamukha… (Lalapit sa isang


salamin) Pues, walang iniwan…. Ang mata, ang ilong, ang bibig… ang tainga…pues, isang
totohanang Arkimedes… Pues… hindi maipagkakaila …. Paglaki nito at makikita sa daan
lahat na’y magpihong may malaking taling sa batok … gaya ng lahat ng Lakambayang

137
lalaki… Titingnan ko… (Itataob ang bata sa kaniyang mga hita at titingnan ang batok.
Darating si Manuel)

Ika-X Tagpo

Si Arkimedes at si Manuel at maya-maya’y sina Rita, Sidora at Cristobal

MANUEL- Papa…

ARKIMEDES- Ang ama…

MANUEL- Ano ang inyong ginagawa?

ARKIMEDES- Wala, iniimbestiga ko lamang kung ito’y may nunal sa batok.

MANUEL- Mangyari pa …. Kasinglaki ng lalabing animin

ARKIMEDES- A… Ang marka ng pabrika…

MANUEL- Narito ba ang ina niyan?

ARKIMEDES- At ano ang palagay mo… Makakalakad ba ito nang nag-iisa?

MANUEL- Nakausap ba ninyo?

ARKIMEDES- At pati ang kanyang simarong tia … si Sidora.

MANUEL- At ano ang sinabi ninyo, at ano naman ang sinabi nila sa inyo?

ARKIMEDES- Pues,gaya ng dapat kong sabihin, datapwat ang iyong magiging tiyang-
biyenan ay walang ginawa kundi gusutin ang salitaan ,at ani mo’y isang artilyerang di
mahapayang-gatang.

MANUEL- Pues, Papa … wala na kayong dapat alalahanin. Matapos kong matakal sa aking
isip ang inyong mga sinabi kangina, ay niyari ko sa loob ko na ako’y huwag nang pakasal kay
Rita… Para sa akin ay lalong mahalaga ang isang ama kaysa ilan mang asawa… Ang ilan
mang asawa at anak ay madaling makita, ngunit ang isang ama ay hindi na.

ARKIMEDES- (Buong pagtataka) Ano ang sinabi mo?

138
MANUEL- Ang narinig ninyo, papa. Buhat ngayo’y hindi na kayo tatanggap sa akin ng sama
ng loob…. Sa tahanang ito’y walang masusunod kundi ang inyong kalooban, habang kayo’y
buhay… ako’y nakakaisip na magpari.

ARKIMEDES- Magpapari ka? Lalagutin mo ang tanikala ng magmamana sa pangalang


Lakambayan? Nauulol ka ba?

MANUEL- Kangina po, ay oo, nauulol ako papa… ngunit ngayon ay maliwanag na ang
aking isip.

ARKIMEDES-Na hindi mo na pakakasalan si Rita? Na ikaw ay magpapari? Ano,nawawala


na ba ang iyong huwisyo? Magagawa mo bang iwan sa lansangan ang isang sawing palad na
babae at ang isang walang malay na anak? Iyan ba ang mga halimbawang nakita mo at
natutuhan sa tahanang ito? Sa iyo ba’y ginawa ko ang bagay na iyan? Mag-isip ka … Kung
ikaw ay pinabayaan kong walang ama… ano ang sasabihin sa iyo ng tao?

MANUEL-Pues, anak sa ligaw…

ARKIMEDES- Oo, iyan… anak sa ligaw…pues, sa akin ay hindi maaari iyan. Sa loob ng
tahanang ito ay walang masusunod kundi ang aking kalooban. Pakakasal ka kay Rita,
bibinyagan ito ng Arkimedes din, at ito’y hindi na mananaog sa bahay na ito. Nalalaman mo
ba?

MANUEL- Iyan po ang hindi maaari…

ARKIMEDES- Maaari, at…. Maaari… ako ang may sabi…

MANUEL- Papa… (kunwariy nagmamakaamo)

ARKIMEDES- Tse… (Titingnan ang bata) Arkimedito….! (Susungaw sa pinto si Sidora)

SIDORA- Isidorito….!

ARKIMEDES- Sinasabi ko nang ang pangalan nito ay Arkimedito at sa loob ng tahanang ito
ay ang kalooban ko lamang ang masusunod…

SIDORA- Isid….

139
ARKIMEDES- Ah…a… ang nerbiyos, kumare … baka umatake na naman… Arkimedito …
Pues, kumare… kailangan kong sabihin sa inyo na si Manuel at si Rita ay ipakakasal ko sa
loob ng madaling panahon, sa ayaw kayo’t sa ibig… at dito…dito…opo dito… nalalaman ba
ninyo… At ito’y hindi na mananaog sa bahay na ito… Ito ang eredero unibersal ng lahat ng
aking kayamanang dumating na, dumarating at darating pa…

SIDORA- At ako….?

ARKIMEDES- Kayo ay kailangang-kailangan ko… sa bahay na ito ay walang babae… isang


babaeng …

SIDORA- Isang babaeng…. may salawal, hindi po ba? (Lalabas na parang akay ni Don
Cristobal si Rita)

CRISTOBAL- Primo, ano ang iyong pasya…

ARKIMEDES- Tapos na. Ang kailangan na lamang ay ang pagsang-ayon ni Rita….

CRISTOBAL-Naayos ko na rin. Napapayag ko siyang alang-alang sa iyo’y sumang-ayon na


siyang pakasal kay Manuel…. Dahil sa Anak….

ARKIMEDES- Siyanga ba? Dahil sa Anak?

RITA- Opo…

ARKIMEDES- Mabait kang bata… karapatdapat kang ina…

CRISTOBAL- Pues, ako ang inaama sa kasal…

SIDORA- At ako ang madrina…

ARKIMEDES- O …. (Kay Rita) Narito ang iyong anak…. Ang pangalang niya ay
Arkimedes…

SIDORA- Isidoro…

ARKIMEDES- Arkimedes…

140
SIDORA- Bueno,porke ito ay lalaki ay magpaparaya na ako ngunit ang unang babaeng
lumitaw …ay ako naman ang bahala … pangangalanan ko ng Sidora, at tuturuan kong….

ARKIMEDES- Magsuot ng salawal….

CRISTOBAL- Nakita na ninyo ang bias ng komedya… (kay Sidora)

SIDORA- At ano naman ang masasabi ninyo sa pagkakaganap ko sa aking papel… may
himatay pa… ano ha?

CRISTOBAL- Superior….!

ARKIMEDES- (Kay Manuel) Hoy ikaw…ano ang ginagawa mo? (Imumustrang lapitan
siRita)

MANUEL-Rita…

RITA- Manuel… (Magyayakap)

ARKIMEDES- Sinasabi ko nang sa bahay na ito … ay walang masusunod kundi ang aking
kalooban. (Darating na naghahagaran ang mga anak ni Sidora at sumisigaw ng “Nanay,
nanay…” at hahagarin ng hampas ni Sidora.)

SIDORA- Mga kalabaw … na ito ah…. (Sa paghahagaray ibababa ang pambungad na ---

Wakas

Sanggunian: https://upreplib.tripod.com/dahil_sa_anak.htm

Sino Ba Kayo? ni Julian Cruz Balmaceda

Ang akdang “Sino Ba Kayo” ni Julian Cruz


Balmaceda ay isang yugtong dula sa Ingles at isinalin sa
Tagalog ni Francisco Soc Rodrigo sa direksyon ni Narciso
Pimentel Jr

141
SINO BA KAYO?

ni Julian Cruz Balmaceda

142
143
144
145
146
147
148
149
150
151
152
153
154
155
156
157
158
159
160
161
162
163
164
165
166
167
168
169
170
171
Sanggunian: https://kupdf.net/download/sino-ba-kayo-julian-cruz-balmaceda_pdf

172
Uhaw ang Tigang na Lupa ni Liwayway Arceo

Ang akdang “Uhaw ang Tigang na Lupa” sa panulat ni


Liwayway Arceo ay tungkol sa uhaw na pagmamahal ng isang anak
sa kaniyang magulang at uhaw na pagmamahal din ng ina sa
kaniyang asawa na inihahambing sa pagkauhaw ng tigang na lupa sa tubig at hamog

UHAW ANG TIGANG NA LUPA


ni Liwayway Arceo

Mga Tauhan
Dalagita, Ina, at Ama

Buod:

Naging kapansin-pansin sa dalagita ang ilang bagay sa kaniyang ina nang hindi ito
makatulog, palaging malungkot kung tumitig, malalim ang paghinga at paminsan-minsan ay
may impit na hikbi. Ang kanyang ina ay hindi palakibo at matipid kung makipag-usap. Bihira
lamang siyang magalit. Parang patak ng ulan kung tag-araw ang kanyang mga ngiti. Ang
batang puso ng anak ay maitutulad sa lupang tigang na uhaw na uhaw.

Palagi niyang namamalas ang pagsasalita ng ama habang nagmamakinilya, ang


pagbabasa nito, pinagmamasdan niya ang pagbuga ng usok ng sigarilyo, ang pag-iisip at ang
pagpatuloy sa pagsulat. Ilang taon ang nakalipas ay may isinauling maliit na talaarawan ang
kanilang labandera sa kaniyang ina at kinabukasan ay may mga bakas pa ng mga luha sa mga
mata ng kaniyang ina. Lalo itong naging malungkot at tahimik.

Isang gabi’y umuwing lasing ang kaniyang ama at dumaing na masakit ang dibdib at
ulo. Naratay ng ilang araw ang ama at hindi ito hiniwalayan ng kaniyang ina. Hindi
ipinagtapat sa anak ang tunay na karamdaman ng ama. Nakita ng anak sa hapag ng ama ang
isang kahitang pelus ng ipaayos sa kaniya ng ama ang hapag nito. Ang larawan sa kahita ay
hindi ang kaniyang ina. Walang lagda ang larawan at ang tanging nakasaad ay “Sapagkat
ako’y nakalimot”. May nakita rin ang anak na isang salansan ng liham. Nakasulat sa mga
sobre ang pangalan ng kaniyang ama at tanggapan nito.

173
Hiningi ng ama ang mga sulat ngunit tumutol ang anak. Sinabi ng kaniyang ama na
nasa kalamigan ng lupa ang kaniyang kaluwalhatian. Ayon sa ama ang unang tibok ng puso
ay hindi pag-ibig tuwina. Lumubha ang kalagayan ng ama at malimit na mawalan ng malay
samantalang ang ina ay patuloy sa pagbabantay, walang imik, hindi kumakain, hindi
umiidlip, at patuloy na lumuluha kung walang makakita sa kaniya.

Nagsalita ang maysakit at sinabing magaling ma siya at sila ng kaniyang mahal ay


maaari nang magtungo…na nag moog na kinabibilangguan niya ay kaniyang wawasakin sa
anumang paraan. Napaluha ang ina at pumatak ito sa bibig ng asawa. Nagmulat ng mga mata
ang maysakit at nagkatitigan sila ng ina. Hawak ng ina ang kamay ng ama nang muli itong
nagsalita at ang sabi ay “sabihin mo, mahal ko na maangkin ko na ang kaligayahan ko”.
Mariing kinagat ng kaniyang ina ang labi at sinabing maaangkin na iyon ng kaniyang mahal.
Hinagkan ng ina ang asawa at kasabay noon ay lumisan ang kaniyang kaluluwa. Wala nang
mga luhang dumaloy sa mga mata ng ina. Tiyak na liligaya ang kaluluwa ng lumisan

Sanggunian: http://kadipanvalsci.blogspot.com/2010/12/uhaw-ang-tigang-na-lupa-ni-
liwayway.html?m=1

Ulilang Tahanan ni Wilfredo Ma. Guerrero


Ang dulang “Ulilang Tahanan” orihinal na isinulat sa
Ingles ni Wilfredo Ma. Guerrero noong 1940 at isinalin sa
Pilipino ni Juan C. Laya. Itinanghal ito sa Metropolitan Theater
noong Enero 1944 sa Tagalog.

ULILANG TAHANAN
ni Wilfredo Ma. Guerrero

Buod:

Wala nanamang pagkain!'


'Ate gutom na ako'
'Wala kang pakinabang'
'Malas kayo sa buhay ko'

Sari-saring maririnig mula sa isang munting tahanan.

174
Tinuturuan ni Lita ang nakababatang kapatid na si Totoy na may karamdaman na
epilepsi nang dumating angikalawang panganay na lalaki sa kanilang magkakapatid na si Kiko,
kasama ang dalawang barkada niya na sina Niloat Raul. Naghanap ito ng pagkain sa kanilang
hapagkain subalit wala siyang nadatnan kaya't humingi siya ng perakay Lita na wala namang
maibibigay. Umalis si Kiko na naiinis sa kaganapan sa kanilang tahanan. Pagkaalis ni Kikoay
dumating naman ang kanilang panganay na kapatid na si Bino, isang kargador sa palengke.
May dala itong pagkain para sa kaniyang mga kapatid. Habang kumakain si Lita at Totoy ay
awang awa naman si Bino na pagmasdan ang kanyang kapatid. Napasapo na lamang sya sa
kaniyang muka at ipinatong ang siko sa tuhod.

"Bakit mukang biyernes santo nanaman iyang mga mukha ninyo? Naniningil na naman
ba ng upa atkuryente si Mang Tasyo?" entrada ng kanilang kapatid na si Elena na ang suot ay
maliit na blusa na halos iluwa naang kanyang dibdib at maiksing palda. Muka nya'y
nababalutan ng makapal na postura at katawan nya'y puno ngmga burloloy. Sinita ito ni Bino
dahil sa hindi pag-uwi sa gabi ngunit isinawalang bahala lamang ito ni Elena. Ilangsandali
lamang may narinig silang kaguluhan. "Kuya Bino! Sina Aling Sonia at Mang Kanor ay nag-
aawaynanaman" ani ni Nene, ang anak ng kanilang pinagkaka-utangan. Kinaladkad ni Mang
Kanor si Aling Sonia patungosa kanilang bahay at doon itinuloy ang pagtatalo at pagsasakitan.
Pinaghihinalaan ni Mang Kanor ang kanyangasawa na humaharot sa ibang lalaki ngunit hindi
nagpatinag si aling Sonia kaya't nakatanggap sya ng malakas nasampal mula sa kanyang asawa.

Umalis na ang kanilang ama kaya't natigil ang kaguluhan sa kanilang bahay. Sunod
naman na dumating angkanilang bunsong kapatid na si Carlito na lalaking lalaki bumati sa
kanyang pamilya. Nang malaman nyang wala angkanyang ama ay pinalaya nito ang sarili na
ipakita ang tunay nyang pagkatao. Ipinagmalaki nya sa kanyang ina atmga kapatid ang kanyang
tropeyo at isang libong napanalunan sa isang patimpalak. Sila'y masayang nag-uusap nang
biglang pumasok si Kiko. "Uy ang saya nyo ha! Anong meron? Nay, nandyan ka na pala
pahingi naman dyan." aniKiko. Napansin ni Kiko ang sobreng hawak ng kapatid kaya't inagaw
nya ito. Nagmamakaawa ang kapatid na ibaliknya ito sa kanya ngunit hindi nagpatinag si Kiko
at umalis ng kanilang bahay. Hinabol naman sya ng kanyang ina. SiCarlito naman ay natauhan
na at dinala ang mga labada ng kaniyang ina kela aling Delia. Magpapahinga na si Elenanang
may kumatok sa kanilang pinto na pinagbuksan naman ni Lita na nakasaklay at hirap maglakad.
Si AlingChayong, sinisingil na sila sa utang nila sa loob ng halos tatlong buwan. "Gabi-gabi
pumopokpok ang kapatid mongunit wala man lang kayo maibayad sa akin ni singko" pahayag

175
nito kay Lita Pinagtanggol naman ni Lita angkanyang kapatid sa mga sinabi ni Aling Chayong.
Lumapit si Elena kay Aling Chayong at sinabuyan ito ng salapi samukha na syang nahulog
naman sa sahig. Nagalit ito ngunit dinampot din ang mga salapi at sila'y pinaalis na
ngmagkapatid. Nagtataka si Lita sa perang ipinambayad ng kapatid kaya't kinausap nya ito at
doon nya nalaman natotoo nga ang balita na ang kanyang kapatid ay nagbebenta ng katawan
para sa salapi. Nagkasagutan ang magkapatidat nagkasakitan, ipinamukha ni Elena na walang
silbi at lumpo ang kapatid na si Lita. Inabutan sila ng ina at inawatsi Elena ngunit pati siya ay
pabalang na sinagot at sinumbatan ni Elena kaya't sinampal nya ito. Nagdamdam si Elenaat
umalis. Dumating si Bino na nalilito dahil sa nadatnan nyang pag-iyak ni Elena. Siya ay
nagtanong sa kanyangkapatid at nagalit ito sa kanyang nalaman ngunit wala syang magagawa.
Humingi ng pasensya ang kanilang ina dahilsa mga kaguluhang nangyayari. Dumating ang
kanilang ama na aligagang naghahalungkat sa kanilang bahay. Napansin nito si Bino at
naalalang kakasahod lamang nito kaya't pinwersa nya itong ibigay sa kanya ang sinahodnitong
pera ngunit hindi nagpatinag si Bino dahil pangkain ito ng kanilang pamilya para sa hapunan.
Nadatnan ni Carlito ang ganong kalagayan at tila nadala ito ng emosyon at tumili. Nabaling sa
kanya ang atensyon ng ama atsinabihan syang malas at sumpa sa pamilya sapagka't totoo daw
pala ang usap-usapan na bakla ang kanyang bunsonganak. Ang buong pamilya ay
pinoprotektahan si Carlito lalo na si Bino, niyakap nya ito at sya ang sumangga ng lahatng
pananakit ng ama. Ibinigay na lamang ni Bino ang kanyang sinahod upang umalis na ang ama
buti na lamang aynakuha ni Carlito ang komisyon ng kanyang ina para sa labada. Namalengke
sina Aling Sonia at Carlito para sakanilang hapunan. Si Bino naman ay tumungo na sa palengke
para sa kanyang trabaho. Dumating sa bahay si kiko na wala sa wisyo. "Kiko, bayaran mo ang
drogang hinithit mo" ani ni Raul. Pumasok ito sa kanilang bahay at sinisingil ang wala sa isip
na si kiko. Nakita nito si Lita at naalalang ito angkabayaran ni kiko para sa nilantakang droga.
Minolestya nito si Lita sa sarali nitong tahanan nang biglang dumatingsi Bino kaya hindi nito
natuloy ang masamang balak. Kinompronta ni Bino si Kiko ngunit wala pa din itong imik,
siLita naman ay patuloy na umiiyak. Pumasok si Elena kasunod si Aling Sonia at Carlito.
Nakapagsalita na si Kikongunit tila ito'y nababaliw, si Elena naman ay sinabing nagagawa lang
nila ang mga bagay na hindi dapat dahilnaitatakas sila nito sa problema. Habang nagtatalo sila,
si Totoy naman ay nagsasalita mag-isa binablikan angnakaraan at nangangarap para sa kanyang
pamilya nng bigla itong mangisay. Ito na pala ang kanyang pamamaalam. Dumating ang
kanilang ama na lasing at nagwawala, agad na pinigilan ito ni Bino at naalala nito ang dahilan
ng pagihirap nila ngayon, at nalaman na nga ni Mang Kanor na wala na ang kayang anak na si
Totoy. Tila natauhanang ama at nagsisi sa lahat ng nangyari. Sa kabila ng lahat ng ito ang

176
kanilang pamilya ay may natitira pa ring pag-asa upang magsimulang muli at magmahalan
katulad na lamang ng pangarap ni Totoy.

Sanggunian: https://www.scribd.com

Mga Maikling Kwento sa Panahon ng Hapon

Sumibol nang lubos ang panitikan ng bansa sa panahong ito dahil ipinagbawal ng
namumunong Hapon ang paggamit ng wikang Ingles at itinaguyod ang pagpapayaman sa
panitikan gamit ang mga katutubong wika sa bansa.

Mga Halimbawa ng Maikling Kwento sa Panahon ng Hapon

Lupang Tinubuan ni Narciso Reyes


Ang pakay ng kwentong ito ay ipakita ang karanasan ng isang
grupo ng tao na siyang nagsasalarawan sa kasaysayan at bahagi ng
kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay
bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.

LUPANG TINUBUAN

ni Narciso Reyes

Mga Tauhan

Ang mga tauhan ng kwento ay ating makikilala bilang sina Danding, ang pangunahing
tauhan, Juana at Tiyo Gorio.

Buod:

Si Danding ay isa sa mga kasama ni kanyang Tiya Juana at Tiyo Gorio. Sila ay may
balak na uuwi sa lalawigan upang makipaglibing sa kanyang Tata Inong, ang pinsan kanyang

177
ama. Pero, sa kanyang pag-uwi ay marami pala siyang mga kamag-anak sa Malawig. Doon
niya nalaman na na marami pala siyang mga di-kilalang kapamilya.

Isa nga sa mga kamag-anak niya ay si Lolo Tasyo. Nagkuwento ang matanda kay
Danding tugkol sa knayang Ama. ’ Doon siya malimit magpalipad ng saranggola noong bata
pa siyang munti. Isinalaysay ni Lolo Tasyo ang kwento ng kanyang ama at dito niya rin
binalikan ang mga karanasan niya kasama ang kanyang namayapang ama. Habang pinag-
iisipan nito ang kanyang mga karanasan, na intindihan niya na siya pala ay mayroong
pagmamahal sa kanyang lupang tinubuan. Ito’y dahil marami siya magagandang karanasan at
mga pagsubok na nalampasan. Dito niya nakasama ang kanyang mga pamilya, mga kaibigan,
at ang mga ginagawa niya dati noong siya’y bata pa lamang. Ang paglilipad ng sarangola at
pagkahulog sa kalabaw, ito ay mga simpleng bahagi ng buhay lamang para sa kanya pero ito’y
naging malaking parte ng kanyang paglaki.

Naipakikita rin dito kung paano ang mga tauhan sumugpo sa suliranin kagaya ni
Danding at nabigyan ng linaw ang kanyang mga tanong tungko sa kanyang ama. Sa sandaling
iyon ay tila hawak ni Danding sa palad ang lihim ng tinatawag na pag-ibig sa lupang tinubuan.

Sanggunian: https://philnews.ph/2021/02/10/lupang-tinubuan-aral-at-mensahe-
maikling-kwento/

Lunsod, Nayon, at Dagat-dagatan ni N. V. M. Gonzales

Ang kwento ay nagsimula sa paglalarawan ng pangunahing


tauhan sa nayon na kanyang natatanaw. Ito ay may ilang puno ng
niyog at ang kampanaryo ng lumang simbahang bato. Sa gawing
kanan ay naroon ang dagat-dagatan na kinasasalaminan ng araw na
papalubog. Ang murang bughaw na kulay ng tubig ay napalitan ng
maningning na pilak. Ang paniniwala ni Antonio ay sa lunsod
lamang may kabuhayan. Ngunit sa paglalakbay niya papunta sa
nayon ay kakaiba ang kanyang nakita. Ito ay ang kagandahan nito.

178
LUNSOD, NAYON, AT DAGAT-DAGATAN

ni N. V. M. Gonzales

Mula sa malayo, ang tangi kong natatanaw sa nayon ay ilang punong niyog at ang
kampanaryo sa lumang simbahang bato. Sa gawing kanan ay naroon ang dagat-dagatan na
kinasasalaminan ng araw ng papalubog. Ang murang bughaw na kulay ng tubig ay napalitan
ng maningning na pilak; yaon ay napakarikit sa pangmalas, kaya’t biglang-biglang aking
nadamang ako’y hindio handa upang magmasid sa gayong lalang ang kalikasan. Ako’y laging
nasa lunsod at ang aking paniniwala’y doon lamang may pintig ang buhay at kaipala’y doon
lamang mananatili sa mga panahong ito ng digmaan; ngunit kakaiba ang nakita ko ngayon sa
nayon: namumulaklak na mga punong manga sa tabing-daan, matatabang kalabaw nag
nagsisipanginain sa mga bukiring hindi pa inaararo, at mga lalaki at babaing nagsisigawa sa
kanilang mga itikan. Saan man ako tumingin ay pulit-pulit iyon: sa mga batang namimingwit,
at lalong malapit sa akin, sa pawisan at payat na kabayong humihila sa karitela. Mandi’y
kaayusan, at ako’y nakaramdam ng pagkahiya dahil sa paniniwala sa isang uri ng buhay na
salat sa katotohanan at kaipala’y lisya.

Sa wakas ay nalalapit na kami sa nayon. Naraanan naming ang isang kiskisan, sumunod
ay isang bahay-paaralan na tinitirahan ng ilang pag-anakang nagsilikas sa pook na iyon; at
isang bahay na nababakurang mabuti ng kaipala’y sa isang manggagamot sapagkat may mga
guhit na krus sa pula sa tabing ng durungawan. Dumating kami sa tulay na kawayan; kami’y
nagsibabang lahat. Ang mga kaangkas ko, anim silang lahat, ay nagdaan sa may bambang at
sila’y lumusong sa tubig. Ayokong magbasa ng paa, kaya sa tawiran ako nagdaan kahit
magbayad ng isang pera sa pagtawid.

Ilan pang saglit at naglalakad na ako sa pangunang lansangan nmg nayon:


nilampasanko ang isang karihan at isang butika, at pagkatapos ay isang bahay na yari sa table
at kawayan at pinagmumulang ng mga tinig ng nagsisipaglaro ng mahjong. Naririnig ang isang
mainam na awitin buhat sa isang bahay na malapit ngunit hindi ko matiyak kung saan, at tatlo
o apat na karitela ang yao’t ditto sa lansangan, naghahanap ng pasahero. Sa malayo ay
nagtatago sa kabila ng hanay ng mga dampa ng mga mangingisda ang isang bahagi ng dagat-
dagatan. Ang tubig ay muling nag-iba ng kulay; ngayon ay mangitim-ngitim na ang dating
pinilakan.

179
Takipsilim na noo at sa kabutihang-palad ay hindi ako nahirapan sa paghahanap ng nais
kong patunguhan. Sa simula ay inaakala kong yaon ay ang bahay na nasa dulo ng napasukan
kong isang makipot at mabatong daan na kinaroroonan ng isang poso artesyano;
subali,nagkamali ako sapagkat hindi pa ako nakalalayo ay narinig kong may tumatawag sa
aking pangalan, at natalos ko agad kung sino iyon. Sumugod na sumalubong sa akin si Nena.

Sanggunian: https://jrp91.blogspot.com/2011/05/daluyong.html?m=1

Daluyong ni Lazaro Francisco

Ang akdang “Daluyong” ay karugtong ng nobelang


Maganda Pa Ang Daigdig at ito rin ang naging huling nobela na
naisulat ni Lazaro Francisco na tumatalakay sa tenancy system.
Iminungkahi ni Francisco sa pamamagitan ng kanyang tauhan,
ang pagbuwag sa malalaking asyenda, reporma sa lupa at paghati
nito sa mga kasama na gagawing namumuwisan.

DALUYONG

ni Lazaro Francisco

Nang umagang iyon ng Mayo 21,1955 habang nakaupo sa isang kareta sa ilalim ng
punong kawayan ay pinagmamasdan ni Lino ang kanyang bukid, bukid na hinuhulugan niya
taun-taon. Balo na siya at naisip na ipamana niya ito sa kanyang anak na si Ernesto. Batid niya
na napakalaki ng utang na loob sa mga taong tumulong sa kanya (Padre Amando, Ms. Sachez
at Koronel Roda). Naisip niya na anyong siya ay nakabayad tulungan si Koronel Roda na
paibigin si Ms. Sachez kahit batid niyang huli ay may pagtingin sa kanya.

Malapit sa bukid ni Lino ang bahay nina Huli, mayuming dalaga na nililigawan ni
Bidong. Ayaw ng mga magulang nito sa huli sa kadahilanang ito ay mahirap at sa masamang
pagkakakilala rito.

Samantala, si Padre Amamdo ay pinangunahan ang pagbuwag sa sistema ng


pakikisama sa sakahan o tenancy system. Maraming mga negosyate ang tumutol ditto at isa na

180
rito si Don Tito. Isang umagang patungo siya sa bahay ni Ms. Sachez ay kanyang nasalubong
ang kanyang kaibigan si Albino, na katiwala ni Don Tito sa bakahan. Sinabi ni Albino na nais
ni Don Tito na gawin siyang katiwala ng kanyang asyenda. Maruhat at pinuno ng mga
bodyguard ni Dr. Benigo Sityar, na anak nito. Tinutulan ito ni Lino dahil sa nalaman niyang
isa si Don Tito sa mga tumututol sa mga balak ni Padre Amando.

Sa kanyang pagdadalaw-dalaw sa anak na si Ernesto ay kanyang nahalata na may


pagtingin din it okay Ms. Sachez. Naisip niya na limutin na lamang ang pag-ibig niya rito dahil
sa alangan siya rito. Humanap siya ng ibang mapag-uukulan at ito ay kanyang natamo kay
Didang isang dayo sa Maruhat. Sa mismong araw ng kaarawan ni Ms. Sachez, natamo ni Lino
ang kasagutan ni Didang.
Pagkatapos nito, ay dumalas ang dalaw ni Lino rito. At sa bawat pagdalaw ng una ay unti-unti
naming naipagtatapat ang kanyang nakaraan. Tinanggap naman ito ni Lino ngunit ang babae
na rin ang nagsabing binibigyan niya ito ng hanggang Agosto 20 upang magbago ito ng pasya.
Samantala, parang nagpipiyesta ang mga tao sa pnyahan nang palagdain sila ni Padre Amando
sa kasunduan sa Pamumuwisan na simula ng pagbuwag ng tenancy system. Ang bagay na ito
ay lubos na nakaligalig kay Don Tito.

Sa minsang pagdalaw ni Lin okay Didang ay iniwanan niya si Bidong ng baril at


sinabing maging handa. Pagbalik niya ay hindi niya ito dinatnan dahil ito pala ay nangharang
ng bus ang nakuhang salapi ay ipinamigay sa mga dukha ng Maruhat. Hinangad ni Lino na ito
ay pagtakpan.
Sa kabilang dako, sa hangad na mapaglubag ang loob ni Don Tito at ang anak nito ay ibinigay
niya si Bidong bilang kapalit nbiya sa pagiging bodyguard. Nalalapit na noon ang Linggo ng
Wika at naghahanda ng palatuntunan si Ms. Sachez. Pinadalhan ni Ms. Sanchez ng
paanyayahan si Lino sapagkat mananalumpati ang kanyang anak na si Ernesto. Ngunit
nakatanggap ito ng balita sa kanyang kaibigang si Albino na nanganganib ang buhay ni Bidong.
Hindi nakadalo si Lino sa palatuntunan. Sa halip hinanap niya si Bidong na tumakas sa asyenda
ni Don Tito.

At nakita buya ang pagtugis at pagpatay rito. Ang bangkay ni Bidong ay dinala ni Lino
sa simbahan at pinagpayuhan siya ni Padre Amando na huwag maghiganti.
Pagkatapos ng libing ni Bidong ay umuwi si Lino kasama si Albino sa kanyang bukid. At
Kanilang nakita ang panununog na ginawa ng di kilalang mga tao. Kanilang tinugis ang mga
ito.

181
Samantala, dahil sa pagpunta ni Lino sa usapan nila at nagp[asya si Didang na lumisan na
lamang. Nang malaman ito ni Lino, ito ay kanyang sinundan ngunit hindi niya ito nakita. Si
Ms. Sanchez naman ay palubha ng palubha dahil sa hindi niya pagkita kay Lino. Dahil ditto,
hiniling ni Padre Amando na hanapin si Lino at bago mamatay si Ms. Sachez ay kanyang
nasilayan si Lino.

Sanggunian: https://proudpinoy.ph/nobela/mga-ibong-mandaragit-buod-buod-ng-mga-
ibong-mandaragit/

Uhaw ang Tigang na Lupa ni Liwayway Arceo

Ang akdang “Uhaw ang Tigang na Lupa” sa panulat


ni Liwayway Arceo ay tungkol sa uhaw na pagmamahal ng
isang anak sa kaniyang magulang at uhaw na pagmamahal
din ng ina sa kaniyang asawa na inihahambing sa pagkauhaw
ng tigang na lupa sa tubig at hamog

UHAW ANG TIGANG NA LUPA


ni Liwayway Arceo

Mga Tauhan
Dalagita, Ina, at Ama

Buod:

Naging kapansin-pansin sa dalagita ang ilang bagay sa kaniyang ina nang hindi ito
makatulog, palaging malungkot kung tumitig, malalim ang paghinga at paminsan-minsan ay
may impit na hikbi. Ang kanyang ina ay hindi palakibo at matipid kung makipag-usap. Bihira
lamang siyang magalit. Parang patak ng ulan kung tag-araw ang kanyang mga ngiti. Ang
batang puso ng anak ay maitutulad sa lupang tigang na uhaw na uhaw.

Palagi niyang namamalas ang pagsasalita ng ama habang nagmamakinilya, ang


pagbabasa nito, pinagmamasdan niya ang pagbuga ng usok ng sigarilyo, ang pag-iisip at ang

182
pagpatuloy sa pagsulat. Ilang taon ang nakalipas ay may isinauling maliit na talaarawan ang
kanilang labandera sa kaniyang ina at kinabukasan ay may mga bakas pa ng mga luha sa mga
mata ng kaniyang ina. Lalo itong naging malungkot at tahimik.

Isang gabi’y umuwing lasing ang kaniyang ama at dumaing na masakit ang dibdib at
ulo. Naratay ng ilang araw ang ama at hindi ito hiniwalayan ng kaniyang ina. Hindi ipinagtapat
sa anak ang tunay na karamdaman ng ama. Nakita ng anak sa hapag ng ama ang isang kahitang
pelus ng ipaayos sa kaniya ng ama ang hapag nito. Ang larawan sa kahita ay hindi ang kaniyang
ina. Walang lagda ang larawan at ang tanging nakasaad ay “Sapagkat ako’y nakalimot”. May
nakita rin ang anak na isang salansan ng liham. Nakasulat sa mga sobre ang pangalan ng
kaniyang ama at tanggapan nito.

Hiningi ng ama ang mga sulat ngunit tumutol ang anak. Sinabi ng kaniyang ama na
nasa kalamigan ng lupa ang kaniyang kaluwalhatian. Ayon sa ama ang unang tibok ng puso ay
hindi pag-ibig tuwina. Lumubha ang kalagayan ng ama at malimit na mawalan ng malay
samantalang ang ina ay patuloy sa pagbabantay, walang imik, hindi kumakain, hindi umiidlip,
at patuloy na lumuluha kung walang makakita sa kaniya.

Nagsalita ang maysakit at sinabing magaling ma siya at sila ng kaniyang mahal ay


maaari nang magtungo…na nag moog na kinabibilangguan niya ay kaniyang wawasakin sa
anumang paraan. Napaluha ang ina at pumatak ito sa bibig ng asawa. Nagmulat ng mga mata
ang maysakit at nagkatitigan sila ng ina. Hawak ng ina ang kamay ng ama nang muli itong
nagsalita at ang sabi ay “sabihin mo, mahal ko na maangkin ko na ang kaligayahan ko”. Mariing
kinagat ng kaniyang ina ang labi at sinabing maaangkin na iyon ng kaniyang mahal. Hinagkan
ng ina ang asawa at kasabay noon ay lumisan ang kaniyang kaluluwa. Wala nang mga luhang
dumaloy sa mga mata ng ina. Tiyak na liligaya ang kaluluwa ng lumisan.

Sanggunian: http://kadipanvalsci.blogspot.com/2010/12/uhaw-ang-tigang-na-lupa-ni-
liwayway.html?m=1

183
Mga Nobela sa Panahon ng Hapon

Walang gaanong nobelang naisulat sa panahon ng Hapon. Marahil ang naging dahilan
ay ang kakuntian ng nobelang nailathala ng panahong yaon ay ang kakapusan ng papel. Ang
ilan sa mga nobelang nabanggit ay kapirasong inilathala sa Liwayway na ginamitan ng
napakaliit na titik o tipo, isang malinaw na tanda ng paghahangad habaan ang mailalagay na
bawat labas ng magasin.

Mga Halimbawa ng Nobela sa Panahon ng Hapon

Ang Igorota sa Baguio ni Dr. Faustino J. Galauran

Ang nobelang "Ang Igorota sa Baguio" ay isinulat ni Dr.


Fausto J. Galauran. Si Fausto J. Galauran ay ama ng Nobela at
Maikling Kaathang Tagalog ng Liwayway, isinilang noong 13 ng
Oktubre 1904, isa sa mga Pilipinong manunulat na may
pinakamaraming nasulat na nobela, bagama’t tapos sa kursong panggagamot, nahilig siya sa
gawaing pagsusulat, Naging kasapi siyang Samahan ng mga manunulat na Ilaw at Panitik at
Akademya ng Wikang Pilipino.

IGOROTA SA BAGUIO

ni Dr. Faustino J. Galauran

BUOD:

Si Serafin ay kailangang maging doktor dahil sa gusto ito ng kanyang ama.


Habangsiya’y naglalakbay, biglang tumirik ang kanyang sasakyan, binagyo at lumubog. Dinala
siya kay Apo Lakay. Sabi naman ni Maan-Sip-Ok na siya ay masamang espirito. Sinabi ni Imay
na iyon ay hindi totoo. Naniwala naman si Apo-Lakay. Isang arawnagkasakit ang kapatid ni
Imay na si Ulufa. Sinubukan itong pagalingin ni Serafin ngunit hindi siya nagtagumpay.
Isinigaw na lang ni Imay na magaling na si Ulufa. Tinuruan si Serafin kung paano mamahay

184
sa tribo. Isang araw may nakita sila Serafinna taong pugot ang ulo at napagusapan nilang
gantihan si Apo Dagni. Sa pagsugod niya nakakita si Serafin ng isang igorot. Sa takot ng igorot
sinabi ng Diyos. Nagulat at nagpasama si Serafin sa pari. Si Imay ay ipapakasal sa lalaki.
Tuluyan ng nagkalayoang loob nina Serafin at Imay. Isang araw balak silang bitayin ngunit
sila ay nakatakassa tulong ni Ulufa. Nagkaroon ng lindol at namatay ang mga taong tribo. Kahit
nanamatay na ang pari kanyang binigyan ng pangalan si Imay bilang Maria Trinidad atValle
Trinidad naman sa kanyang tinirahan.

Sanggunian: https://studocu.com/ph/document/tarlar-state-university/elementary-
education/ang-igorota-sa-baguio-maikling-kwento/20215473

Tatlong Maria ni Jose Esperanza


Ang pelikulang Tatlong Maria ay batay sa iskrip na
buhat sa nobela ni Jose Esperanza Cruz. Ang akdang ito ni
Cruz ay may pamagat na Tatlong Maria. Inilimbag ang
naturang nobela bilang serye sa Liwayway simula Enero 23
hanggang Hunyo 26, 1943. Isinadula ang nobelang ito ni
Tsutomo Sawamura at idinirihe naman ng batiking Pilipinong direktor na si Gerardo de Leon.
Kabilang sa mga artistang nagsiganap ay sina Fernando Poe, Jose Padilla, Jr. Carmen Rosales,
Norma Blancaflor at Liwayway Arceo.

Ipinagmalaki ng mga Hapones ang pelikulang Tatlong Maria ay bilang kauna-unahang


pelikulang gawa sa Pilipinas na nakatakdang ipalabas sa buong Silangang Asya. Nagkaroon ng
preview ang naturang pelikula noong Oktubre 10, 1944 sa Metropolitan Theater. Samantala,
ang regular na pagpapalabas ay nagsimula noong Oktubre 12 hanggang 26 sa sinehang Ideal,
State, Times at Capitol (Wada, 1992, p. 226).

185
TATLONG MARIA

ni Jose Esperanza Cruz

BUOD:

May tatlong pangunahing tauhan: ang magkakapatid na sina Maria Fe, MariaEsperanza
at Maria Caridad na may magkakaiba ring ugali na taglay. Sila aymagkakapatid sa ama—ang
unang dalawa ay yumao na ang ina samantalang angbunso ay anak ng kanilang ama sa
ikalawang asawa, si Donya Pilar. Gayunpaman, maging sina Fe at Esperanza ay malapit din sa
kanilang madrasta na si Donya Pilar. Yumao na ang kanilang ama at hindi naglaon, nakapag-
asawa sina Fe at Esperanza. Pinili nilang lisanin ang lalawigan na kanilang kinagisnan at
manirahan sa Maynila. Samantala, ang bunso na si Caridad ay nanatili sa lalawigan upang
alagaan angmahina na niyang ina at pangasiwaan ang kanilang bukid. Nang sumiklab ang
giyera,walang nagawa ang dalawang magkapatid kung hindi ang bumalik sa lalawigan dahilsa
kahirapan ng buhay. Buong puso naman silang tinanggap ni Caridad at pinatigilsa bahay nilang
mag-asawa. Nagkataon din na sa araw ng pagtatag ng (Ikalawang)Republika, si Caridad ay
nagsilang ng isang malusog na sanggol na lalaki.

Sanggunian: https://www.coursehero.com/file/p6j1smq/MGA-HALIMBAWANG-NOBELA-
SA-PANAHON-NG-HAPON-BUOD-NG-TATLONG-MARIA-ni-Jose/

Luha ng Buwaya ni Amado V. Hernandez

Ang “Luha ng Buwaya” ay nobelang katha ng isang


Pambansang Alagad ng Sining o National Artist (sa
kategoryang Literatura) ng Pilipinas na si Amando V.
Hernandez. Isa siyang tanyag na makata, manunulat at
pinuno’t aktibista para sa mga manggagawa. Ang kwento ay umiikot sa pang-aapi ng isang
mayamang pamilya sa mga maralitang mamamayan ng isang bayan sa probinsiya, at kung
papaano magkaisa’t nagsama-sama ang mga nasabing mahihirap upang lumaban at malutas
ang kanilang mga problema.

186
LUHA NG BUWAYA
ni Amado V. Hernandez
BUOD

Umiikot ang kwento ng “Luha ng Buwaya” sa tunggalian ng mayayamang may-ari ng


lupa at ng kanilang mga inaaping magsasaka sa bayan ng Sampilong ilang taon matapos ang
pananakop ng mga Hapones. Nagsimula ang kwento sap ag-uwi ni Maestro Bandong Cruz sa
Sampilong upang humalili sa dating punong-guro na nagbakasyon muna dahil sa karamdaman.
Nagkataon naman na magkakaroon ng malaking handaan sina Don Severo at Dona Leona
Grande, ang mga pinakamayaman sa Sampilong, bilang pagsalubong sa kanilang dalawang
anak na sina Jun at Ninet. Ang magkapatid ay umuwi sa Sampilong mula sa kanilang
pagtatapos sa Maynila. Ang pamilya Grande ay lubhang mapang-api sa kanilang magsasaka,
at hindi lamang ngayong malapit na ang piging ngunit kahit noon pa man. Sila’y laging walang
awang sumisingil ng mga nagkakapatong-patong na utang ng mga mahihirap na magsasaka.
Isang halimbawa ng kanilang kalupitan ay, ilang araw matapos ang handaan, namatay ang
asawa ng isang magsasaka dahil hindi pinagbigyan ng mag-asawa ang hiling ng lalaki na
huwag munang kunin ang kanilang pera upang mayroon siyang pambili ng gamot para sa
kanyang may sakit na asawa.

Dumating ang mga panyayari sa puntong napuno na ang mga mahihirap na magsasaka
at naisip nilang magtayo ng isang unyon para mapangalagan ang kanilang mga karapatan. Sila
ay tinulungan ng butihing punong-guro na si Bandong. Sa tulong nito ay namulat ang isipan
ng mga tao sa Sampilong at gumanda ang kalagayan ng mga mamamayan. Ngunit patuloy na
umiral ang kasakiman ng mga Grande at tinangka nilang kamkaminang lupaing kung tawagin
ay ‘Tambakan’ o ‘Bagong Nayon’ at hinabla ang mga mahihirap upang mapigilan ang kanilang
mga plano. Di nagtagal at nakarating ang mga balitang ito sa mga Grande sa pamamagitan ng
kanilang katiwala na si Dislaw, ang karibal ni Bandong sa panliligaw sa magandang dalagang
si Pina, at sila’y gumawa ng paraan upang matanggal si Bandong sa pagkapunong-guro sa
paaralan. Nalaman ni Bandong kung sino ang may mga galit at tahasa na siyang nakiisa sa mga
plano at hinanaing ng mga maralitang tao ng Sampilong. Sinubukan nilang dalhin ang
problema sa korte at ayusin ito sa harap ng hukuman ngunit nagkaproblema sila dahil sadyang
maimpluwensiya ang mga Grande, at sa halip ay pagmamay-ari ito ng isa nilang kasamahan na
si Andres. Sa huli ay napawalang sala rin ang mga inosenteng mahihirap at nabigyan ng
hustisya.

187
Pinagkunan: Gabay ng Mag aaral: Luha Ng Buwaya (teksbok.blogspot.com)

Mga Panitikan Sa Panahon Ng Aktibismo

I. Introduksyon

Nagsimula dito sa pilipinas ang aktibismo ng magsimulang mamulat ang isipang


Pilipino sa mga pang-aaliping ginagawa sa atin ng mga mananakop. Unti-unting nagpakita ng
paglihis sa paksang relihiyon ang mga manunulat sa panahong iyon, relihiyon na itinakda ng
mga may kapangyarihang kastila sa kanilang pananakop. Nagsikap an gating mga manunulat
na sumulat ng mga akdang nagpapaalab sa damdaming makabayan ng mga Pilipino. Sa mga
panahon na sinakop ang Pilipinas ng mga amerikano ay naranasan na rin ang aktibismo ng
maramdaman ng mga matatalinong Pilipino na lahat ng ginagawa na pagtulong ng mga
Amerikano sa Pilipinas ay may kapalit para sa kanilang pansariling kapakanan. Ang mga
akdang naisulat sa panahong ito ay nagtataglay ng mga katangian ng diwang nasyonalismo o
pag-ibig sa bayan. Ang diwa ng mga akda ay may himig ng pag laban sa kolonyalismo. Mga
manunulat na aktibista sa panahong ito na nagsulat ng mga akdang mapaghimagsik:

May tatlong katangian ang mga tulang naisulat sa panahong ito: Una, ang pagmamasid
at pagsusuri sa kalagayan ng bayan; Pangalawa, ang pagsisiwalat ng mga katiwalian at
dayukdok na pagpapasasa ng mga nanunungkulan ; at ang Ikatlo, ay ang tahasang masasabing
labag sa kagandang-asal na panunungayaw at karahasan sa pananalita.

Mga katipunan ng tulang naisa aklat sa panahon ng aktibismo:

1. “Mga A! Ng Panahon” (1970)- ni Alejandro Q. Perez

2. “Kalikasan” (1970)- ni Aniceto Silvestre

3. “Peregrinasyon at Iba pang Tula”(1970)- ni Rio Alma

4. “Sitsit sa Kuliglig(1972)- ni Rolando S. Tinio

5. “Mga gintong Kaisipan”(1972)- ni Segundo Esguerra

Labis na naging mapangahas ang mga manunulat ng dula, maikling kwento o maging
nobela sa panhong ito, hindi lamang sa paksa kundi maging sa usapan at salitaan ng kanilang

188
mga tauhan sa akda. Naging palasak din ang panghihiram ng mga salitang Ingles, Kastila at
iba pang likhang salita sa kanto at pabalbal.

Maging ang mga awiting tagalog sa karaniwang naririnig sa mga radio, telebisyon, o sa
panahon ng demonstrasyon ya ngapapahiwatig ng di-pagkakaroon ng kasiyahan sa takbo ng
pamahalaan sa bayan natin noon. Ang mga awiting: Inang Laya, Pagpupuyos, Babae ka, Wala
ng Tao sa Santa Felomina, Base Militar, Walang Lagay at Titser ay buhat sa Isipan ng mga
nangungunang kabataang nagtatanong at nagpapahiwatig ng mga kalituhan na naghahanap ng
lunas.

Sa panahon ding ito ay nagsimulang mapanood ang mga pelikulang malalaswa na


tinatawag ding Pelikulang “Bomba” at mga akdang tungkol sa kahalayan .

Iba pang akda sa Panahon ng Aktibismo:

Mga tula:

1. Mga Duguang Plakard– mahabang tulang alay sa mga demonstrador napinatay sa


Mendiola ni Rogelio Mangahas.

2. Ang Burgis sa Kanyang Almusal– pagtuligsa sa kawalang pakialamng mga middle


class sa karukhaan ng taumbayan Ni Rolando S. Tinio

3. Tata Selo– iba pa sa maikling kwento ni Romulo Sandoval

4. Ang Mga Kagila-gilalas na Pakikipagsapalaran ni Juan de la Cruz– ni Jose “Pete”


Lacaba

5. May Bango Ang Awit ng Rebolusyon ni P.T. Martin

6. Elehiya sa Isang Rebelde ni Virgilio Almario

Mga Nobela

1. Daluyong ni Lazaro Francisco

2. Luha ng Buwaya ni Amado V. Hernandez

3. Dugo sa Bukang-Liwayway ni Rogelio Sicat

4. Sa Mga Kuko ng Liwanag ni Edgardo ReyesMga Maikling Kuwento

189
5. Banyaga ni Liwayway Arceo

6. Impeng Negro ni Rogelio Sicat

7. Tata Selo ni Rogelio Sicat

8. Ang Kamatayan ni Tiyo Samuel ni Efren Abueg

9. Servando Magdamag ni Ricky Lee

10. Isang Araw sa Buhay ni Lazaro ni Jose Rey Munsayac

Ang mga Sumusunod ay ang mga Halimbawa:

Tula sa Panahon ng Aktibismo

Sa panahong ito Nagwagi ng Gantimpalang Palanca sa Tula (1970-71) 1. Mga Duguang


Plakard at Iba pang mga Tula (Rogelio Mangahas) Tatlong Awit ng Pagpuksa (Lamberto
Antonio) Dalawang Tula (Cirilo F. Bautista).

Ang Burgis sa Kanyang Almusal (1970)

Ang akdang ito ay patungkol sa pag tuligsa sa walang


pakialam ng middle class sa karukhaan ng taumbayan ni
Rolando S. Tinio. Ang tulang ito ay sumasalamin sa
pagkakaiba ng antas ng mahirap at mayaman. Hindi natin
maipagkakaila na sa isang lipunan ay mayroong nakakaangat
at salat sa buhay. langing mayayaman lamang ang
nagkakaroon ng kapangyarinang pamunuan ang komunidad,
gaya alang sa nangyayare sa tuwing eleksyon, na Kung saan mapapansin natin ang kaliwat
kanang bilihan ng mga boto. Subalit kapag mahirap ang gustng mamuno ng marangal at
totoong nagmamalasakit sa ating bansa ay hindi mapalad na Manalo sa oras ng halalan. Hindi
lamang sa pampulitikang isyu, kahit sa pagkamit ng hustiya ay para lang sa mayayaman at
makapangyarihan

190
Ang Burgis sa Kanyang Almusal (1970)
Rolando S. Tinio
Nakadambana sa kumedor na Luis Katorse,
Nakapanatag doon sa silyang may pasemano't
Pahabang likod na pumulpol marahil sa pait
Ng lumilok sa mga kumpol ng ubas, mirasol
Al dahon yala ng ng dila ng dimonyong kamagong
Sapo ng sutlang pelus na kutsong kulay klarele,
Kulay ng buhay na dugo. atsuwete, at rubi.
Ang kabilugan niyang hinango sa mga frayle
Ng kasaysayan at ng pambalanang guniguni,
Di aakalaing nasa kapangyarihan niyang
Papugutan ang mga alipures ng karsada
1patuhog sa punglo ang sinumang sumanggi
Sa kanyang berlina paghagibis sa alas dose
Palibhasa'y kay-lamlam ng ginawang pagtunghay
Sa platon ng gisantes at tinortilyang kabute.
Maliming hinahalo ng tationg dantaon nang
Kutsarita ang tsokolateng olandes sa munting
Puswelong asul, losang manipis pa sa orkidya,
Masining pati pagkunot ng noong wari'y ubog8
Na dinaramdam ang duradong silaw sa umaga.
Ayaw pa mang bukiatin ang peryodikong masinop
Na nakatiklop sa antigong pilak na bandeha,
Sinasagi ng inukit na trebol at milplores
Ang mag-ina ng San Nikolas na sinasagasaan
Ng bunso ng kongresista, ang binatang nag-uban
Sa karsel nang di mawawaan ang pagkakasala,
Ang mga hinayok ng baha at sunog. sinaksak
Sa leeg at balakang ng hustisyang natapilok-

191
Ano't kay dumal-dumal ng daigdig ng anino
Sa kabila ng kanyang paglihis sa peryodikong
Nakahara sa bandehang may sapin pang panyitong
De ilo't puntas na habi sa Alpes at Ehipto,
Bumabalisa sa paboreal at sisneng burda
lyang kababalaghang may kapuspalad pa pala
Sa balat upang ano't di nila nakılala?

Ang Baul ni Ingkong

Ang tulangAng Baul ni Ingkohga inialay ni RiO Ama para sa kanyang Ingkong Arello
de Rueda Almario, ang salitang Ingkong ay nagpapakita na malaki ang impluwensiya ng mga
taga-slangan sa kulturang Plipino sa pagsusurl ng Romualdez () bago pa man sakupin ng mga
dayuhan ang Plipinas ay nakikipag-ugnayan na ang ating mga ninuno sa mga Tsino sa
pakikipagkalakalan nito hindi lamang produkto nila ang namana natin mapasahanggang
ngayon maging ang lan sa kanilang salita gaya na lamang ng "Ingkong" na ginamltni Virglio
Almario sa kanyang tula. Ayon pa kay Romualdez sa kanyang pagsusuri patungkol sa buhay
at kultura ng mga Pillplno. Ang pagsaaka ang pangunahing hanap-buhay ng mga Pillpino ang
pagsasaka. Noon bago pa man dumating ang mga dayuhan ay may lupang sinasaka na ang mga
Pillpino noon, malakl ang tulong nito sa kanila upang8 mabunay sa pang araw-araw.
NEmpagdating ng mga Kastila ang lupang dati'y kanilang sinasaka ay kinamkam ng mga ito.
Nagkabaliktad ang sitwasyon ang dating sinasaka para sa kanilang ikinabubuhay ay sinasaka
na nila para sa mga kastila. Isa sa halimbawa nito ay ang tulang isinulat ni Virgillo Almario na
"Narito ang Palad Ko kasalukuyang panahon aminin man natin sa hindi makikita pa rin ang
bakas ng kolonyallsasyong idinulot sa atin ng mga dayuhang ito. Samakatuwid, ang mga tulang
ito na bahgmigmentaili Almario ay Isa lamang sa patunay na hanggang ngayon ay mayroong
mga kulturang dapat na pinapahalagahan at isinasabuhay.

192
Ang Baul ni Ingkong (Sa Alaala ni Aurelio de
Rueda Almario) (oktubre 22, 1982)

Tulad niya, nagisnan ko nang bahagl


Ng aming dating bahay ang lumang baul:
Isang parihabang kahong kahoy
Na natutulog sa isang sulok ng silid-bihisan.
Alam kong ito ang nag-lingat ng damit
At iba pang mahalagang gamit ni Ingkong.

Nabubuksan ito't lumalabas sa rayadilyo


Pag may parade ang mga beterano't Legionarios.
Lumalabas naman ang naninilaw nang dais
Pag pista't humihilera sya sa Hetto't ripa.
Nasa loob din ang nakar na labahang
Para niyang ipinagnonobena kapag inihahasa,

Ang paldo-paldong pambilot ng sigarlyo,


Barahang-kastila, perang Hapon, papeles
At kung ano-anong abubot na naipon
Sa kaniyang mahigit pitumpung taong
paglalakad,

Pagtulog.pagkain at pakikipagkapuwa-tao.
Sabi nga ni Inay, ang baul ang buhay ni Ingkong
Kaya't kahit walang susi,
Nakamulatan naming igalang at huwag
paklalaman.

193
Natutulog sa isang sulok,
Ako lamang yata ang nasasabik sumilip sa silid
Tuwing ingit ang bisagrat takip ng baul
Sa marahang pagbukáspagsasara ni Ingkong

Ako lamang din naman sa kaniyang limang ap


Ang nakatatagal sa kaniyang mahahabang
kuwento,

Gaya noong salakayin nila ang Paktorya


At noong director siya ng moro-moro sa baryo.
Nakatago pa sa baul, bida niya, ang pistoling
Naagaw niya sa isang oplsyal a Kastila
Gayundin ang manuskrito ng huling dula

Na itinanghal sa pista ng Santa Barbara.


Walang tuminag sa baul pagkamatay ni Ingkong;
Ginamit na patungan ng kumot at unan
At kung minsan, patungan ng birhen
pagrorosaryo.

Nang magpatayo kami ng bagong bahay


Saka naging problema kung saan ito ipupwesto
Kaya binuksan at sinunog
Dahil pinamahyan dawng ipis, bubuwit at anay.

May natukso daw magtago ng dais at pistol


Bagama't wala nang makaalala kung sino.
May kumuha naman ng labaha at nagkabung-
bungi nang gamiting pangkalis ng kawayang
lapatin.

194
Ang natira sa salawal at uniporme
Ay matagal ding nakapagsilbi
Bilang matibay na basahan at sapin sa lansangan.
Wala nang makaalala ng ibang laman ng baul.
Wala ring umaalala sa bau
Maliban kung minsang may manghihinayang
Dahll antigong kahoy at pwedeng maibenta
Sa mga tagasiyudad na komersiyente't kolektor

Ng santo, lumang muwebles at pilak na kubyertos


Napag-uusapan pa rin sa pamilya si Ingkong
Ngunit marami nang kulang at di-matandaan
Sa kaniyang mahaba't alam kong makulay
Na hubay_

Mga Dugaang Plakard

Ang akdang ito ay isang mahabang tulang alay sa


mga demonstrator na pinatay sa Mendiola ni Rogelio
Mangahas. Panahon ng Duguang Plakard Panahong minsan
pang pinatunayan ng kabataang Pilipino na hindi laging
pagyuyuko ng ulo at pag-ilag sa hangin ang bumubuo ng
kanyang pagkalahi at pagkabansa. Panciano Pineda.
DUGO? Ano ang dugo ng isang tao kung ihahambing sa
Dugong ibinuo upang ikulay sa pula ang ating bandila? BUHAY? Ano ang buhay kung itatapat
sa habang panahong hintutrong nakatundos sa mukha ng isang duwag at di magkaroon ng
paninindigan para sa sarili at gayun din sa kasunduan na sanlahi? Ang Kalagayan ng Panitikan
Ang mga kabataan ay nagpahayag ng damdaming punong-puno ng paghihimagsik. Maliban sa
makinilya ay gumamit din sila ng pisel at isinulat sa PLAKARD, sa PULANG pintura ang mga
kaugnay na salitang nagpapahayag ng karaingan at pikikibaka. Humangga ang panitikang ito
ng mga aktibista sa pagsasaad ng dapat gawin upang lutasin ang suliranin.

195
Mga Dugaang Plakard
Rogelio G. Mangahas

I.
Bawat plakard ng dugo’y isang kasaysayan.

Isang kasaysayan sa loob ng mga kasaysayan.

Mga kasaysayan sa loob ng isang kasaysayan.

Kangina pa namimigat, kangina pa kumikinig

ang ating mga palad, wari’y mga

munting bungong may kutsilyong nakatarak.

Sa look ng kurdon,

tayo’y tila mga tupang halos katnig-katnig,

magkahiramang-hininga, magkapalitang-pawis.

Bawat ngiti’s duguang balahibo

ng isang martines na walang mahapunan.

May dilang namimigat sa pangil ng tigre,

may dilang kumikisig sa abo ng dahon,

may dilang tusuk-tusok ng tinik ng suha,

ay, kampilang bungi-bungi sa lalamunan

ng isang lalaking sumusuntok sa ulap

sa tanghaway ng unat na bato!

II.

Sa labas: isang lura, isang pukol ang layo,

mata sa mata,

196
ano’t tila kumikisay ang mga bituing

nakatusok sa mga balikat? Mga ngiti’y

nakatahing paruparo sa pawisang mga manggas.

Kaytikas ng ating mga pastol.

Namimigat ang berdeng mga ulo,

ang huberong mga ulo, ang kuping mga ulo.

Nagsisipagningning ang mga batuta, baril,

kalasag, holster. Bakit mangangambang

maluray ng hangin? Mga leong

walang buntot naman ang ating mga pastol.

III.

Hagupit ng hangin sa sanga,

hagupit ng sanga sa hangin!

Kumakalapak sa mga duguang plakard,

bumabarimbaw sa mga ulo natin.

Kumakalatik sa hubero, kuping, at berdeng

mga ulo — O, kumpas ng hinaing, ng pagtutol,

ng pagsumpa, habang yaong mga daho’y

sabay-sabay, sunod-sunod sa pagbagsak.

Ang hangi’y tumitiling papalayo,

Ang sangang nalagasa’y waring di na nakayuko.

197
IV.

Itaas ang mga plakard, ang pulang watawat, ang mga kartelon. Sa loob ng kurdon, sa loob.
Hayaan na munang humingalay ang Dayaming-

Bayani sa ilalim ng baog na puno. Hintayin na munang matigib ng dighay ang tiyan ng
Kuweba. Hindi magtatagal, sa paglabas ng Buwayang Maharlika kasunod ang mga klerigong
bangaw, mga banal na uwak at buwitre: gisingin ang Dayaming-Bayani, gisingin at hayaang
sabihing “Amigo no lo comas todo, dejame algo.”

At siya, sa gayon, ay ating paligiran, ngitian, pagpugayan, sindihan! Mga kababayan, kung
pagtitig sa atin ng Buwayang Maharlika ay kumikislap-kislap sa luha ang kanyang

mga mata, habang nakanganga, sinuman sa ati’y malayang mangarap,

mangarap ng muling paghimlay

sa sinapupunan ng ating ina; sinuman sa ati’y malayang mag-alay, mag-alay ng sarili,


kapatid, magulang; o magnasang makakita ng bungangang walang dila, walang tonsil, walang
pangil.

Kusutin ang diwa, mga kababayan, kusutin, kusutin.

Bagay

Nang magpasya ang “Heights”, ang magasing


pampanitikan ng Ateneo, na ilathala ang mga tulang Tagalog ng
mga mga estudyanteng manunulat sa nasabing pamantasan
noong 1960s, pinangalanan ang seksiyong ito na naglalaman ng
mga kalipunan ng mga tulang Tagalog bilang “Bagay Poets”. Si
Tinio, kasama ang mga manunulat na kababanggit lamang sa
itaas, ay kinilalang kabilang sa grupo ng mga makatang tinawag
na “Bagay poets”. Sa ganito nagsimula ang kasalukuyang tinatawag na Kilusang Bagay sa
panulaang Pilipino. Bagamat tinawag na Kilusang Bagay, hindi ito isang pormal na kilusan, sa
halip ay isa lamang konseptong tumutukoy sa nais mangyari ng mga makatang kabilang sa
grupong Bagay poets sa tulang Tagalog: “Hindi sistema, hindi pormula, hindi rin kilusan. Ang
Bagay ay isa lamang konsepto, isang panukala, kung baga, kung ano ang gusto naming
mangyari sa tulang Tagalog. Una, gusto naming humulagpos ito sa “luma.” Gusto naming

198
hubarin nito ang gasgas na pananaludtod, ang mga paksaing ibinabad sa emosyonalismo, at
ang astang orador na itinatak rito ng tradisyong pabigkas. At ikalawa, gusto rin naming
makatakas ito sa “bago.” Gusto naming iwasan nito ang modernistang pagtula ng mga
makatang kasali sa grupo na pawang sa Ingles nasanay tumula. Iyon ang pagtulang halos
walang pakialam sa mambabasa dahil masalimuot ang paglalaro sa mga salita at sa sintaks ng
wikang Ingles, bukod pa sa halos mapaglihim na pagyayaman sa tema. Sa maikling sabi, ang
gusto naming ay tulang Tagalog na hinubaran ng nanlilimahid na mga tradisyonal na saplot
pero umaayaw naming damitan ng kasuuotang hiniram sa tulang Ingles.Sa dekada 70, sapagkat
tampok na si Tinio bilang isang mahusay na makata, kasama niyang naitala sa kasaysayan ng
panitikan ang Bagay. Ang kanyang apat na kalipunan ng tula – Sitsit sa Kuliglig (1972),
Dunong-Dunungan (1975), Kristal na Uniberso (1989), at a Trick of Mirrors (1993) – ay
pawang nagpapahiwatig ng kanyang pagiging kabilang sa grupong ito. Sa kanyang Sitsit sa
Kuliglig, ang kauna-unahang tulang matatagpuan sa libro ay pinamagatang “Bagay”.

Bagay

Sa harapan mo, nakatirik ang bagay

Sa gitna ng hanging halos gumagalaw.

Nagtitimpi. Sa pagkakahalukipkip

Lalo naming sumisidhi.

Nakatirik parang matang kamamatay.

Nakamulagat ma’y walang natatanaw.

Sinisipat ka nang buong kamangmangan.

Kay hina mong makiramdam!

Walang imik. Ano pa ang masasabi

Sa hanging bingi sa sariling paghuni?

Parang kimi. Bukas ang loob sa hubog

Ng araw na sumsaklob.

199
At sa iyo (wala nang biruan ito)

Tigas pa ring naghihintay.

Baka raw sakaling kung magkasubuan,

Sukat sinuhin, tuntunin,

Bigyan ng panglan kung maari rin lang

Valediction Sa Hillcrest

Sa kanyang pananatili sa lowa, kinilala si Tinio bilang isang mahusay na manunulat sa


wikang Ingles. Dito, naisulat niya ang kanyang koleksyon ng mga tula, ang Rage and Ritual,
na nanalo ng gawad mula sa Pamantasan ng Pilipinas. Sa panahong ito, naniwala si Tinio na
tanging ang wikang Ingles lamang ang makapagpapahiwatig ng mga mensaheng nais niyangg
maiparating sa kanyang mga gawa. Minsang isang manunulat ang nagpahayag ng kanyang
paniniwala sa kahalagahan ng paggamit ng wikang Tagalog sa Malikhaing Pagsulat, tumugon
si Tinio sa pamamagitan ng isang artikulong inilathala sa pahayagang pang-iskolar ng Araling
Pilipino. Ang artikulong ito ay naglalaman ng mga halimbawang tula na isinalin niya mula sa
Ingles, sa layong patunayan na hindi kaya ng wikang Tagalog na tapatan ng salin ang orihinal
na Ingles. Nagbalik ng Pilipinas si Tinio pagkaraang makatapos ng Pantas ng Pinong Sining sa
Malikhaing Pagsulat Nagbalik ng Pilipinas si Tinio pagkaraang makatapos ng Pantas ng Pinong
Sining sa Malikhaing Pagsulat sa lowa noong 1958. Sa parehong taon, isinulat ni Tinio ang
kanyang "Valediction sa Hillcrest" isang tulang isinulat gamit ang Taglish. Sa tulang ito,
makikita ang pagkaipit ng persona sa pagitan ng pagnanais na manatili sa lowa at sa
pangangailangang bumalik sa sariling bayan. Matatagpuan ang marahil ay simbolo ng "identity
crisis" na naranasan ng makata.

VALEDICTION SA HILLCREST
(lowa City. 1958)
Pagkacollect ng Railway Express sa aking things
(Deretso na iyon sa barko while I take the plane),
Inakyar kong muli ang N-311, at dahil dead of winter,

200
Nakatopcoat at galoshes akong
Nagright turn sa N wing ng mahabang dilim
(Tunnel yatang aabor hanggang Tundo).
Kinapa ko ang switch sa hall.
Sa isang pitik, nagshrink ang imaginary tunnel,
Nagparang ataol.

Or catacomb.
Strangely absolute ang impression
Ng hilera ng mga pintong nagpuprusisyon:
Individual identihcation, parang mummy cases,
De-nameplate, de-numero, de-hometown address.
Antiseptic ang atmosphere, streamlined yet.
Kung hindi catacomb, at least
E filing cabinet.

Filing, hindi naman deaths, ha.


Remembrances, oo. Yung medyo malapor
Dahil, alam mo na, I'm quitting the place
After two and a half years. After rwo and a half years,

Di man nagkatiyempong mag-ugat, ika nga,


Siyemprey naging attached, parang morning glory'ng
Mahirap mapaknit sa alambreng trellis.

Mga Sanggunian:
https://buglas-writers.medium.com/mga-duguang-plakard-ff882e32f710
"Ang Burgis Sa Kanyang Almusal Ni Rolando Tinio | PDF"
https://www.scribd.com/doc/240537881/Ang-Burgis-Sa-Kanyang-Almusal-ni-Rolando-Tinio
"Ang Bungi Ni Ani | PDF" https://www.scribd.com/document/451828738/ang-bungi-ni-ani

201
Isagani Cruz. “Rolando Tinio’s Valediction sa Hillcrest.”
http://isaganicruz.wordpress.com/2009/03/07/rolando-tinios-valediction-sa-hillcrest/
[2] Lumbera, Bienvenido. “Ang Pagtulang Bagay: Paghulagpos sa “Luma,” Pagtakas sa
“Bago”.
"Pag-uulat sa Panitikang Pilipino 202: Rolando Tinio | *Piyesa*"
https://piyesanimayeth.wordpress.com/2015/02/13/pag-uulat-sa-panitikang-pilipino-202-
rolando-tinio/
Almario, V. (200entimental: Mga Tula ng Pag-ibig, Lungkot at Pogisig city, Phillppines. Anvil
Publishing, Inc.
https://wwW.upd.edu.ph/updinfolactnavdec08/articles/almaiokhtra noong Setyembre 26,
2017. 2:30 n.h.
https://www.scribd.com/dor/25007821/dekada.-70-pagialuhá noong Setyembre 25, 2017.
11:00 n.g.
https://wW.merriam-webster.com/dictionary/sentiMabobtia no0ong Setyembre 25, 2017.
11:00
1-8-
http://kuf-govph/wp-content/uploads/2016/04/RomualNakytuti noong Oktubre 04, 2017.
09:02

Kwento sa Panahon ng Aktibismo


Ang karaniwang paksain at laman ng mga pahayagan at panitikan noong panahong ito
ay punong-puno ng damdaming mapa ng himagsik. Naging labis na mapangahas ang mga
manunulat sa panahong ito, hindi lamang sa paksa, kundi maging sa usapan at salitaan ng
kanilang mga tauhan sa akda

Ang panahon ng aktibismo ay uminit noong 1970-1972. Maraming kabataan ang mga
naging aktibista upang humingi ng pagbabago sa pamahalaan. Karamihan sa mga kabataang
ito ay mga mag-aaral ng Unibersidad Ng Pilipinas. May tatlong salita na kadalasang isinisigaw
ng mga estudyante sa bawat pagmimiting o rally. Ito ay ang imperyalismo, feudalismo, at
facismo.

Ang imperyalismo ay ang pagpapalawak ng lakas o impluwensya; ang feudalismo ay mga


suliranin sa pagmamay-ari ng mga lupang sakahan; at ang facismo ay ang pagiging diktador o
paggamit ng kamay na bakal at hindi paggalang sa karapatan ng kapwa.

202
May tatlong katangian ang mga tulang naisulat sa panahong ito: Una, ang pagmamasid
at pagsusuri sa kalagayan ng bayan; Pangalawa, ang pagsisiwalat ng mga katiwalian at
dayukdok na pagpapasasa ng mga nanunungkulan ; at ang Ikatlo, ay ang tahasang masasabing
labag sa kagandang-asal na panunungayaw at karahasan sa pananalita.

Tata Selo ni Rogelio Sicat

Ang kwentong Tata Selo ay patungkol sa isang matanda


na hinangad lamang na makapagsaka sa kanilang lupa
nanaibenta dahil sa nagkasakit ang kanyang asawa. Nais ni Tata
Selo na mapabalik ang lupa nila sa kanila pero dahil sakawalan
ng pera hindi na ito napabalik sa kanila kaya nakiusap na lang
sya kay Kabesa Tano na sya na lang angmagsaka sa kanyang
lupa. Hanggang isang araw na habang nagsasaka si Tata Selo
kinausap sya ni Kabesa Tano naumalis na sa sinasaka nyang lupa dahil may iba ng magsasaka
noon. Nakiusap si Tata Selo ngunit hindi syapinakinggan ni Kabesa Tano kaya nagawang
tagain ni Tata Selo si Kabesa Tano na syang ikinamatay nito. Kayanakulong si Tata Selo.
Nagsimula ang kwento sa Istaked na kung saan pinagkakaguluhan ng mga tao si Tata Selo
sakadahilanang napatay nito ang Kabesang Tano na nagmamay-ari ng lupang sinasakahan ni
Tata Selo, na ayon sakanya ay pag-aari niya noon subalit naisanla niya at naembargo. Nataga
at napatay ni Tata Selo ang Kabesa sakadahilanang pinaalis ito sa kanyang lupang sinasakahan
subalit tumanggi at pinagpilitan ni Tata Selo na malakas pasiya at kaya pa niyang magsaka,
subalit tinungkod ito ng tinungkod ng Kabesa sa noo paliwanag ni Tata Selo sabinatang anak
ng pinakamayamang propitaryo, sa Alkalde at maging sa Hepe na nagmalupit sa kanya sa loob
ngistaked na pawang mga kilala ng Kabesa. Nang makalawang araw, dumalaw ang anak niyang
si Saling na dati'ynakatira at nanilbihan sa Kabesa, subalit umuwi ito sa kadahilanang
nagkasakit ito makalawang araw bago anginsindente, Nakakahabag si Tata Selo nang maisipan
nalang nitong pauwiin si Saling sa kadahilang wala na silangmagagawa, pinatawag si Saling
nang Alkalde sa kaniyang tanggapan at pinuntahan niya iyon at hindi nakinig sa amanito,
dumating muli ang bata na dumalaw sa kanya at inutusan upang pumunta sa tanggapan ng
alkalde subalit hindiito papasukin pahayag ng bata, Hindi ito inalintana ni Tata Selo at sinabi
nalang nito na "inagaw sa kanya ang lahat".

203
Ang panitikan ay salamin ng buhay. Ito’y isang representasyon ng mga karanasan sa buhay ng
tao sa tulong ng mga salita. Sa kuwentong ito, alamin kung anong mga pangyayari sa mga tao
sa lipunan ang malinaw na pinapaksa ng may akda.

" Tata Selo "

ni Rogelio Sicat

Ang panitikan ay salamin ng buhay. Ito’y isang representasyon ng mga karanasan sa buhay ng
tao sa tulong ng mga salita. Sa kuwentong ito, alamin kung anong mga pangyayari sa mga tao
sa lipunan ang malinaw na pinapaksa ng may akda. Matagumpay ba itong nailahad ng may
akda? Anong paraan ang ginamit niya?

Maliit lamang sa simula ang kalumpon ng taong nasa bakuran ng munisipyo, ngunit ng tumaas
ang araw, at kumalat na ang balitang tinaga at napatay si Kabesang Tano, ay napuno na ang
bakuran ng bahay-pamahalaan.

Naggitgitan ang mga tao, nagsiksikan, nagtutulakan, bawat isa’y naghahangan makalapit sa
istaked. “Totoo ba, Tata Selo?” “Binawi niya ang aking saka kaya tinaga ko siya.”

Nasa loob ng istaked si Tata Selo. Mahigpit na nakahawak sa rehas. May nakaalsang putok sa
noo. Nakasungaw ang luha sa malabo at tila lagi nang may inaaninaw na mata. Kupas ang gris
niyang suot, may mga tagpi na ang siko at paypay. Ang kutod niyang yari sa matibay na supot
ng asin ay may bahid ng natuyong putik. Nasa harap niya at kausap ang isang magbubukid ang
kanyang kahangga, na isa sa nakalusot sa mga pulis na sumasawata sa nagkakagulong tao.

“Hindi ko ho mapaniwalaan, Tata Selo,” umiiling na wika ng kanyang kahangga, “talagang


hindi ko ho mapaniwalaan.”

Hinaplus-haplos ni tata Selo ang ga-daliri at natuyuan na ng dugong putok sa noo. Sa kanyang
harapan, di kalayuan sa istaked, ipinagtitilakan ng mga pulis ang mga taong ibig makakita sa
kanya. Mainit ang Sikat ng araw na tumatama sa mga ito, walang humihihip na hangin at sa
kanilang ulunan ay nakalutang ang nagsasalisod na alikabok.

“Bakit niya babawiin ang saka?” tanong ng Tata Selo. “Dinaya ko na ba siya sa partihan?
Tinuso ko na ba siya? Siya ang may-ari ng lupa at kasama lang niya ako. Hindi ba’t kaya
maraming nagagalit sa akin ay dahil sa ayaw kong magpamigay ng kahit isang pinangko kung
anihan?”

204
Hndi pa rin umalis sa harap ng istaked si Tata Selo. Nakahawak pa rin siya sa rehas. Nakatingin
siya sa labas ngunit wala siyang sino mang tinitingnan.

Hindi mo na sana tinaga ang Kabesa,” anang binatang anak ng pinakamayamang propitaryo sa
San Roque, na tila isang magilas na pinunong bayan nakalalahad sa pagitan ng maraming tao
sa istaked. Mataas ito, maputi, nakasalaming may kulay, at nakapamaywang habang
naninigarilyo.

“Binabawi po niya ang aking saka,” sumbong ni Tata Selo. “Saan pa po ako pupunta kung wala
na akong saka?”

Kumumpas ang binatang mayaman. “Hindi katwiran iyan para tagain mo ang Kabesa. Ari niya
ang lupang sinasaka mo. Kung gusto ka niyang paalisin, mapapaalis ka niya anumang oras.”
Halos lumabas ang mukha ni Tata Selo sa rehas.

“Ako po’y hindi ninyo nauunawaan,” nakatingala at nagpipilit ngumiting wika niya sa binatang
nagtapon ng sigarilyo at mariing tinapakan pagkatapos. “alam po ba ninyong dating amin ang
lupang iyon? Naisangla lamang po nang magkasakit ang aking asawa, naembargo lamang po
ng Kabesa. Pangarap ko pong bawiin ang lupang iyon kaya nga po ako hindi nagbibigay ng
kahit isang pinangko kung anihan. Kung hindi ko na naman po mababawi, masasaka man
lamang po.nakikiusap po ako sa Kabesa kangina. ‘kung maaari po sana, ‘Besa’’, wika ko po,
‘kung maaari po sana, huwag naman po ninyo akong paalisin. Kaya ko pa pong magsaka,
‘Besa. Totoo pong ako’y matanda na, ngunit ako pa nama’y malakas pa.’ Ngunit…Ay!
Tinungkod po niya ako nang tinungkod, Tingnan po n’yong putok sa aking noo, tingnan po
‘nyo. ”Dumukot ng sigarilyo ang binata. Nagsindi ito at pagkaraa’y tinalikuran si Tata Selo at
lumapit sa isang pulis. “Pa’no po ba’ng nangyari, Tata Selo?” Sa pagkakahawak sa rehas,
napabaling si Tata Selo. Nakita niya ang isang batang magbubukid na nakalapit sa istaked.
Nangiti si Tata Selo. Narito ang isang magbubukid, anak-magbubukid na naniniwala sa kanya.
Nakataas ang malapad na sumbrerong balanggot ng bata. Nangungulintab ito, ang mga bisig at
binti ay may halas. May sukbit itong lilik.

“Pinuntahan niya ako sa aking saka, amang,” paliwanag ni Tata Selo. “Doon ba sa may sangka.
Pinaalis ako sa aking saka, ang wika’y iba na raw ang magsasaka. Nang makiusap ako’y
tinungkod ako. Ay! Tinungkod ako, amang, nakikiusap ako sapagkat kung mawawalan ako ng
saka ay saan pa ako pupunta?”

205
“Wala na nga kayong mapupuntahan, Tata Selo.” Gumapang ang luha sa pisngi ni Tata Selo.
Tahimik na nakatingin sa kanya ang bata.

“Patay po ba?” Namuti ang mga kamao ni Tata Selo sa pagkakahawak sa rehas. Napadukmo
siya sa balikat.

“Pa’no po niyan si Saling?” muling tanong ng bata. Tinutukoy nito ang maglalabimpitong anak
ni Tata Selo na ulila na sa ina. Katulong ito kina Kabesang Tano at kamakalawa lamang umuwi
kay Tata Selo. “Pa’no po niyan si Saling?” Lalong humigpit ang pagkakahawak ni Tata Selo
sa rehas. Hindi pa nakakausap ng alkalde si Tata Selo. Mag-aalas-onse na nang dumating ito,
kasama ang hepe ng pulis. Galing sila sa bahay ng kabesa. Abut-abot ang busina ng dyip na
kinasaksakyan ng dalawang upang mahawi ang hanggang noo’y di pa nag-aalisang tao.Tumigil
ang dyip sa di-kalayuan sa istaked.“Patay po ba? Saan po ang taga?”

Naggitgitan at nagsiksikan ang mga pinagpawisang tao. Itinaas ng may-katabaang alkalde ang
dalawang kamay upang payapain ang pagkakaingay. Nanulak ang malaking lalaking hepe.

“Saan po tinamaan?” “Sa bibig.” Ipinasok ng alkalde ang kanang palad sa bibig, hinugot iyon
at mariing ihinagod hanggang sa kanang punog tainga. “Lagas ang ngipin.” Nagkagulo ang
mga tao. Nagsigawan, nagsiksikan, naggitgitan, nagtulakan. Nanghataw ng batuta ang mga
pulis. Ipinasya ng alkalde na ipalabas ng istaked si Tata Selo at dalhin sa kanyang tanggapan.
Dalawang pulis ang kumuha kay Tata Selo sa istaked. “Mabibilanggo ka niyan, Tata Selo,”
anang alkalde pagkapasok ni Tata Selo. Umupo si Tata Selo sa silyang nasa harap ng mesa.
Nanginginig ang kamay ni Tata Selo nang ipatong niya iyon sa nasasalaminang mesa. “Pa’no
nga ba’ng nangyari?” kunot at galit na tanong ng alkalde. Matagal bago nakasagot si Tata Selo.
“Binawi po niya ang aking saka, Presidente,” wika ni Tata Selo. “Ayaw ko pong umalis doon.
Dati pong amin ang lupang iyon, amin, po, Naisangla lamang po at naembargo—“Alam ko na
iyan,” kumukupas at umiiling na putol ng nabubugnot na alkalde. Lumunok si Tata Selo. Nang
muli siyang tumingin sa presidente, may nakasungaw nang luha sa kanyang malalabo at tila
lagi nang may inaaninaw na mata. “Ako po naman, Presidente, ay malakas pa,” wika ni Tata
Selo. “Kaya ko pa pong magsaka. Makatuwiran po bang paalisin ako? Malakas pa po naman
ako, Presidente, malakas pa po.” “Saan mo tinaga ang Kabesa?” Matagal bago nakasagot si
Tata Selo. “Nasa may sangka po ako nang dumating ang Kabesa. Nagtatapal po ako ng pitas
na pilapil. Alam ko pong pinanonood ako ng kabesa, kung kaya po naman pinagbuti ko ang
paggawa, para malaman niyang ako po’y talagang malakas pa, kaya ko pa pong magsaka.
Walang anu-ano po, tinawag niya ako at nang ako po’y lumapit, sinabi niyang makakaalis na

206
ako sa aking saka sapagkat iba na ang magsasaka. ‘Bakit po naman, ‘Besa?’ tanong ko po. Ang
wika’y umalis na lang daw po ako. ‘Bakit po naman, ‘Besa?’ Tanong ko po uli, ‘malakas pa
po naman ako, a’ Nilapitan po niya ako. Nakiusap pa po ako sa kanya, ngunit ako po’y… Ay!
Tinungkod po niya ako ng tinungkod nang tinungkod.” “Tinaga mo na no’n,” anag nakamatyag
na hepe. Tahimik sa tanggapan ng alkalde. Lahat ng tingin—may mga eskribante pang
nakapasok doon—ay nakatuon kay Tata Selo. Nakayuko si Tata Selo at gagalaw-galaw ang
tila mamad na daliri sa ibabaw ng maruming kutod. Sa pagkakatapak sa makintab na sahig,
hindi mapalagay ang kanyang may putik, maalikabok at luyang paa.

“Ang iyong anak, na kina Kabesa raw?” usisa ng alkalde. Hindi sumagot si Tata Selo.

“Tinatanong ka anang hepe.”Lumunok si Tata Selo. “Umuwi na po si Saling, Presidente.”

“Kailan?” “Kamakalawa po ng umaga.” “Di ba’t kinakatulong siya ro’n?” “Tatlong buwan na
po.” “Bakit siya umuwi?” Dahan-dahang umangat ang mukha ni Tata Selo. Naiiyak na
napayuko siya. “May sakit po siya.” Nang sumapit ang alas-dose—inihudyat iyon ng sunod-
sunod na pagtugtog ng kampana sa simbahan na katapat lamang ng munisipyo—ay umalis ang
alkalde upang mananghalian. Naiwan si Tata Selo, kasama ang hepe at dalawang pulis.

“Napatay mo pala ang kabesa,” anang malaking lalaking hepe. Lumapit ito kay Tata Selo na

Nakayuko at di pa natitinag sa upuan. “Binabawi po niya ang aking saka.” Katwiran ni Tata
Selo. Sinapo ng hepe si Tata Selo. Sa lapag halos mangudngod si Tata Selo.

“Tinungkod po niya ako ng tinungkod,” nakatingala, umiiyak at kumikinig ang labing katwiran
ni Tata Selo. Itinayo ng hepe si Tata Selo. Kinadyot ng hepe si Tata Selo sa sikmura. Sa sahig
napaluhod si Tata Selo, nakakapit sa uniporment kaki ng hepe.

“Tinungkod po niya ako ng tinungkod… Ay! Tinungkod po niya ako ng tinungkod ng


tinungkod…” Sa may pinto ng tanggapan, naaawang nakatingin ang dalawang pulis.

“Si Kabesa kasi ang nagrekomenda kay Tsip, e,” sinabi ng isa nang si Tata Selo ay tila damit
na nalaglag sa pagkakasabit nang muling pagmalupitan ng hepe. Mapula ang sumikat na araw
kinabukasan. Sa bakuran ng munisipyo nagkalat ang papel na naiwan nang nagdaang araw.
Hindi pa namamatay ang alikabok, gayong sa pagdating ng buwang iyo’y dapat nang nag-
uuulan. Kung may humihihip na hangin, may mumunting ipu-ipong nagkakalat ng mga papel
sa itaas. “Dadalhin ka siguro sa kabesera, Selo,” anang bagong paligo at bagong bihis na alkalde
sa matandang nasa loob ng istaked. “Don ka suguro ikukulong.” Wala ni papag sa loob ng

207
istaked at sa maruming sementadong lapag nakasalampak si Tata Selo. Sa paligid niya’y
natutuyong tamak-tamak na tubig. Naka-unat ang kanyang maiitim at hinahalas na paa at
nakatukod ang kanyang tila walang butong mga kamay. Nakakiling, naka-sandal siya sa steel
matting na siyang panlikurang dingding ng istaked. Sa malapit sa kanyang kamay, hindi na
gagalaw ang sartin ng maiitim na kape at isang losang kanin. Nilalangaw iyon. “Habang-buhay
siguro ang ibibigay sa iyo,” patuloy ng alkalde. Nagsindi ito ng tabako at lumapit sa istaked.
Makintab ang sapatos ng alkalde. “Patayin na rin ninyo ako, Presidente.” Paos at bahagya nang
narinig si Tata Selo. Napatay ko po ang Kabesa. Patayin na rin ninyo po ako.” Takot humipo
sa maalikabok na rehas ang alkalde. Hindi niya nahipo ang rehas ngunit pinagkiskis niya ng
mga palad at tiningnan niya kung may alikabok iyon. Nang tingnan niya si Tata Selo, nakita
niyang lalo nang nakiling ito.

May mga tao namang dumarating sa munisipyo. Kakaunti lang iyon kaysa kahapon. Nakapasok
ang mga iyon sa bakuran ng munisipyo, ngunit may kasunod na pulis. Kakaunti ang
magbubukid sa bagong langkay na dumating at titingin kay Tata Selo. Karamihan ay taga-
Poblacion. Hanggang noon, bawat isa’y nagtataka, hindi makapaniwala, gayong kalat na ang
balitang ililibing kinahapunan ang Kabesa. Nagtataka at hindi makapaniwalang nakatingin sila
kay Tata Selo na tila isang di pangkaraniwang hayop na itatanghal.

Ang araw, katulad kahapon, ay mainit na naman. Nang magdadakong alas-dos, dumating ang
anak ni Tata Selo. Pagkakita sa lugmok na ama, mahigpit itong napahawak sa rehas at malakas
na humagulgol. Nalaman ng alkalde na dumating si Saling at ito’y ipinatawag sa kanyang
tanggapan. Di-nagtagal at si Tata Selo naman ang ipinakaon. Dalawang pulis ang umalalay kay
Tata Selo. Halos buhatan siyang dalawang pulis. Pagdating sa bungad ng tanggapan ay tila
saglit na nagkaroon ng lakad si Tata Selo. Nakita niya ang babaing nakaupo sa harap ng mesa
ng presidente. Nagyakap ang mag-ama pagkakita. “Hindi ka na sana naparito Saling,” wika ni
Tata Selo na napaluhod. “May sakit ka, Saling, may sakit ka!”

Tila tulala ang anak ni Tata Selo habang kalong ang ama. Nakalugay ang walang kintab niyang
buhok, ang damit na suot ay tila yaong suot pa nang nagdaang araw. Matigas ang kanyang
namumulang mukha. Pinalipat-lipat niya ang tingin mula sa nakaupong alkalde hanggang sa
mga nakatinging pulis. “Umuwi ka na, Saling” hiling ni Tata Selo. “Bayaan mo na…bayaan
mo na. Umuwi ka na, anak. Huwag, huwag ka nang magsasabi…”

208
Tuluyan nang nalungayngay si Tata Selo. Ipinabalik siya ng alkalde sa istaked. Pagkabalik niya
sa istaked, pinanood na naman siya ng mga tao. “Kinabog kagabi,” wika ng isang magbubukid.
“Binalutan ng basang sako, hindi ng halata.”

“Ang anak, dumating daw?” “Naki-mayor.” Sa isang sulok ng istaked iniupo ng dalawang pulis
si Tata Selo. Napasubsob si Tata Selo pagkaraang siya’y maiupo. Ngunit nang marinig niyang
muling ipinanakaw ang pintong bakal ng istaked, humihilahod na ginapang niya ang rehas.
Mahigpit na humawak doon at habang nakadapa’y ilang sandali ring iyo’y tila huhutukin.
Tinawag siya ng mga pulis ngunit paos siya at malayo na ang mga pulis. Nakalabas ang kanang
kamay sa rehas, bumagsak ang kanyang mukha sa sementadong lapag. Matagal siyang
nakadapa bago niya narinig na may tila gumigising sa kanya.

“Tata Selo…Tata Selo…” Umangat ang mukha ni Tata Selo. Inaninaw ng mga luha niyang
mata ang tumatawag sa kanya. yon ang batang dumalaw sa kanya kahapon. Hinawakan ng bata
ang kamay ni Tata Selo na umabot sa kanya. “Nando’n amang si Saling sa Presidente,” wika
ni Tata Selo. “Yayain mo nang umuwi, umuwi na kayo.” Muling bumagsak ang kanyang
mukha sa lapag. Ang bata’y saglit na nag-paulik-ulik, pagkaraa’y takot at bantulot nang
sumunod… Mag-iikaapat na ng hapon. Padahilig na ang sikat ng araw, ngunit mainit pa rin
iyon. May kapiraso nang lihin sa istaked, sa may dingding na steel matting, ngunit si Tata
Selo’y wala roon. Nasa init siya, nakakapit sa rehas sa dakong harapan ng istaked. Nakatingin
siya sa labas, sa kanyang malalabo at tila lagi nang nag-aaninaw na mata’y tumatama ang
mapulang sikat ng araw. Sa labas ng istaked, nakasandig sa rehas ang batang Inutusan niya
kanina. Sinabi ng bata na ayaw siyang papasukin sa tanggapan ng alkalde ngunit hindi siya
pinakinggan ni Tata Selo, na ngayo’y hindi pagbawi ng saka ang sinasabi. Habang nakakapit
sa rehas at nakatingin sa labas, sinasabi niyang lahat ay kinuha na sa kanila, lahat, ay! Ang
lahat ay kinuha na sa kanila…

Sanggunian: https://www.tagalogshortstories.net/rogelio-sikat---tata-selo.html

Impeng Negro ni Rogelio Sicat

Ang kwentong Impeng Negro ni Rogelio Sicat ay isang akdang maihahalintulad sa


ginagalawan nating lipunan sa kasalukuyan. Sa pamamagitan ng paghimaymay sa iba't ibang
bahagi nito naipakita niya ang iba't ibang kaganapan na maaring dinaranas ngayon ng
maraming Pilipino. Napaikot niya ang mga tauhan nang may masining na pagpapaunawa sa

209
mambabasa. Ang pagiging mahusay na manunulat ni Sicat ay maituturing na kaiba sa mga
manunulat dahil hindi lang nito naapektuhan ang isang tao kundi maging ang kabuuan ng
lipunan, sa damdamin at isipan. SI impen ay mahirap ngunit kahit mahirap ay mabait siya ay
binubully ni ogor dahil siya ay kulot, pango, at negro ngunit may mabuti siyang kalooban.

" IMPENG NEGRO "

ni Rogelio Sikat

"BAKA MAKIKIPAG - AWAY ka na naman, Impen." Tinig iyon ng kanyang ina.


Nangangaral na naman. Mula sa kinatatalungkuang giray na batalan, saglit siyang napatigil sa
paghuhugas ng mumo sa kamay. "Hindi ho," paungol niyang tugon."Hindi ho...," ginagad siya
ng ina. "Bayaan mo na nga sila. Kung papansinin mo'y lagi ka ngang mababasag-ulo." May iba
pang sinasabi ang kanyang ina ngunit hindi na niya pinakinggan. Alam na niya ang mga iyon.
Paulit-ulit na niyang naririnig. Nakukulili na ang kanyang tainga. Isinaboy niya ang tubig na
nasa harap. Muli siyang tumabo. Isinawak niya ang kamay, pinagkiskis ang mga palad at
pagkaraa'y naghilamos. "Dumaan ka kay Taba mamayang pag-uwi mo," narinig niyang bilin
ng ina. "Wala nang gatas si Boy. Eto ang pambili."Tumindig na siya. Nanghihinamad at
naghihikab na iniunat ang mahahabang kamay. Inaantok pa siya. Gusto pa niyang magbalik sa
sulok na kanyang higaan. Ngunit kailangang lumakad na siya. Tatanghaliin na naman bago
siya makasahod. At naroon na naman marahil si Ogor. Kahit siya ang nauna ay lagi siyang
inuunahan ni Ogor sa pagsahod. Umiingit ang sahig ng kanilang barungbarong nang siya'y
pumasok. "Nariyan sa kahon ang kamiseta mo." Sa sulok ng kanyang kaliwang mata'y
nasulyapan niya ang ina. Nakaupo ito, taas ang kaliwang paa, sa dulo ng halos dumapa nang
bangko. Nakasandig ang ulo sa tagpiang dingding. Nakalugay ang buhok. Bukas ang kupasing
damit na giris, nakahantad ang laylay at tuyot na dibdib. Kalong nito ang kanyang kapatid na
bunso. Pinasususo. "Mamaya,aka umuwi ka namang...basag ang mukha." Bahagya na niyang
maulinigan ang ina. Nakatitig siya sa tatlo pa niyang kapatid. Sunud-sunod na nakatalungko
ang mga ito sa isa pang bangkong nas atagiliran ng nanggigimalmal na mesang
kainan.nagsisikain pa. Matagal na napako ang kanyang tingin kay Kano, ang sumunod sa
kanya. Maputi si Kano, kaya ganito ang tawag dito sa kanilang pook. Kakutis ni Kano ang iba
pa niyang kapatid. Marurusing ngunit mapuputi. May pitong taon na si Kano. Siya nama'y
maglalabing-anim na. Payat siya ngunit mahahaba ang kanyang biyas.

210
Hinalungkat na niya ang kahong karton na itinuro ng ina. Magkakasama ang mga damit nila
nina Kano, Boyet at Diding. Sa may ilalim, nakuha niya ang kulay-lumot niyang kamiseta.
Hinawakan niya iyon sa magkabilang tirante. Itinaas. Sinipat. "Iyan ang isuot mo." Parang
nahulaan ng kanyang ina ang kanyang iniisip. Isinuot niya ang kamiseta. Lapat na lapat sa
kanya ang kamisetang iyon noong bagong bili ngunit ngayo'y maluwag na. Nagmumukha
siyang Intsik-beho kapag suot iyon ngunit wala naman siyang maraming kamisetang
maisusuot. Mahina ang kita ng kanyang ina a paglalabada; mahina rin ang kanyang kita sa pag-
aagwador. Nagbalik siya sa batalan. Nang siya'y lumabas, pasan na niya ang kargahan. Tuluy-
tuloy niyang tinungo ang hagdan. "Si Ogor, Impen," pahabol na bilin ng kanyang ina. "Huwag
mo nang papansinin."Naulinigan niya ang biling iyon at aywan kung dahil sa inaantok pa siya,
muntik na siyang madapa nang matalisod sa nakausling bato sa may paanan ng kanilang
hagdan. Tuwing umagang mananaog siya upang umigib, pinagpapaalalahanan siya ng ina.
Huwag daw siyang makikipagbabag. Huwag daw niyang papansinin si Ogor. Talaga raw gayon
ito: basagulero. Lagi niyang isinasaisip ang mga biling ito ngunit sadya yatang hindi siya
makapagtitimpi kapag naririnig niya ang masasakit na panunuksyo sa kanya sa gripo, lalung-
lalo na mula kay Ogor. Si Ogor, na kamakailan lamang ay bumabag sa kanya, ang malimit
magsisimula ng panunukso: "Ang itim mo, Impen!" itutukso nito. "Kapatid mo ba si Kano?"
isasabad ng isa sa mga nasa gripo. "Sino ba talaga ang tatay mo?" "Sino pa," isisingit ni Ogor,
"di si Dikyam!" Sasambulat na ang nakabibinging tawanan. Pinakamatunog ang tawa ni Ogor.
Si Ogor ang kinikilalang hari sa gripo. Noong una, sinasagot niya ang mga panunuksong ito:
"E ano kung maitim?" isasagot niya. Nanunuri ang mga mata at nakangising iikutan siya ni
Ogor. Pagkuwa'y bigla na lamang nitong kakayurin ng hintuturo ang balat sa kanyang batok.

"Negrung-negro ka nga, Negro," tila nandidiring sasabihin ni Ogor. Magsusunuran nang


manukso ang iba pang agwador. Pati ang mga batang naroon: Tingnan mo ang buhok. Kulot
na kulot! Tingnan mo ang ilong. Sarat na sarat! Naku po, ang nguso...Namamalirong! Sa
katagalan, natanggap na niya ang panunuksong ito. Iyon ang totoo, sinasabi niya sa sarili.
Negro nga siya. Ano kung Negro? Ngunit napapikit siya. Ang tatay niya'y isang sundalong
Negro na nang maging anak siya'y biglang nawala sa Pilipinas. Ang panunuksong hindi niya
matanggap, at siya ngang pinagmulan ng nakaraan nilang pagbababag ni Ogor, ay ang sinabi
nito tungkol sa kanyang ina. (Gayon nga kaya kasama ang kanyang ina?) "Sarisari ang
magiging kapatid ni Negro," sinabi ni Ogor. "Baka makatatlo pa ang kanyang nanay ngayon!"

211
Noong kabuntisan ng kanyang ina sa kapatid niyang bunso ay iniwan ito ng asawa. Hindi
malaman kung saan nagsuot. At noon, higit kailanman, naging hamak sila sa pagtingin ng lahat.
Matagal-tagal ding hindi naglabada ang kanyang ina, nahihiyang lumabas sa kanilang
barungbarong. Siya ang nagpatuloy sa pag-aagwador. At siya ang napagtuunan ng sarisaring
panunukso. Natandaan niya ang mga panunuksong iyon. At mulanoon, nagsimula nang
umalimpuyo sa kanyang dibdib ang dati'y binhi lamang ng isang paghihimagsik:
nagsusumigaw na paghihimagsik sa pook na iyong ayaw magbigay sa kanila ng pagkakataong
makagitaw at mabuhay nang payapa.Sariwa pa ang nangyaring pakikipagbabag niya kay Ogor,
naiisip ni Impen habang tinatalunton niya ang mabatong daan patungo sa gripo. Mula sa bintana
ng mga barungbarong, nakikita niyang nagsusulputan ang ulo ng mga bata. Itinuturo siya ng
mga iyon. Sa kanya rin napapatingin ang matatanda. Walang sinasabi ang mga ito, ngunit sa
mga mata, sa galaw ng mga labi nababasa nya ang isinisigaw ng mga paslit: Negro!

Napapatungo na lamang siya. Natatanaw na niya ngayon ang gripo. Sa malamig ngunit
maliwanag nang sikat ng araw, nakikita na niya ang langkay ng mga agwador. Nagkakatipun-
tipon ang mga ito. Nagkakatuwaan. Naghaharutan. Sa langkay na iyon ay kilalang-kilala niya
ang anyo ni Ogor. Paano niya malilimutan si Ogor? Sa mula't mula pa, itinuring na siya nitong
kaaway, di kailanman binigyan ng pagkakataong maging kaibigan. Halos kassingulang niya si
Ogor, ngunit higit na matipuno ang katawan nito. Malakas si Ogor. Tuwid ang tindig nito at
halos hindi yumuyuko kahit may pasang balde ng tubig; tila sino mang masasalubong sa daan
ay kayang-kayang sagasaan. Nang marating niya ang gripo ay tungo ang ulog tinungo niya ang
hulihan ng pila. Marahan niyang inalis sa pagkakakawit ang mga balde. Sa sarili, nausal niyang
sana'y huwag siya ang maging paksa ng paghaharutan at pagkakatuwaan ng mga agwador.
Nakakaanim na karga na si Impen. May sisenta sentimos nang kumakalansing sa bulsa ng kutod
niyang maong. May isa pang nagpapaigib sa kanya.Diyes sentimos na naman. Kapag tag-araw
ay malaki-laki rin ang kinikita ng mga agwador. Mahina ang tulo ng tubig sa kanilang pook.
At bihira ang may poso. Tanghali na akong makauuwi nito, nausal niya habang binibilang sa
mata ang mga nakapilang balde. Maluwag ang parisukat na sementong kinatitirikan ng gripo
at ang dulo ng pila'y nasa labas pa niyon. Di-kalayuan sa gripo ay may isang tindahan. Sa
kalawanging medya-agwa niyon ay nakasilong ang iba pang agwador. May naghubad na ng
damit at isinampay na lamang sa balikat. May nagpapaypay May kumakain ng halu-halo.

Sa pangkat na iyon ay kay Ogor agad natutok ang kanyang tingin. Pnilit niyang supilin ang
hangaring makasilong. Naroon sa tindahan si Ogor. Hubad-baro at ngumingisi. Mauupo na
lamang siya sa kanyang balde. Mabuti pa roon, kahit nakabilad sa init. Pasasaan ba't di iikli

212
ang pila? naisip niya. Makasasahod din ako. Kasalukuyan siyang nagtitiis sa init nang may
maulinigan siyang siga mula sa tindahan: "Hoy, Negro, sumilong ka. Baka ka pumuti!" Si Ogor
iyon. Kahit hindi siya lumingon, para na niyang nakita si Ogor. Nakangisi at nanunukso na
naman. "Negro," muli niyang narinig, "sumilong ka sabi, e. Baka ka masunog!" Malakas ang
narinig niyang tawanan. Hindi pa rin siya lumilingon. Tila wala siyang naririnig. Nakatingin
siya sa nakasahod na balde ngunit ang naiisip niya'y ang bilin ng ina, na huwag na niyang
papansinin si Ogor. Bakit nga ba niya papansinin si Ogor?

Tinigilan naman ni Ogor ang panunukso. Hindi pa rin siya umaalis sa kinauupuang balde. At
habang umiisod ang pila, nararamdaman niyang lalong umiinit ang sikat ng araw. Sa paligid
ng balde, nakikia niya ang kanyang anino. Tumingala siya ngunit siya'y nasilaw. Nanghahapdi
at waring nasusunog ang kanyang balat. Tila ibig nang matuklap ang balat sa kanyang batok,
likod at balikat. Namumuo ang pawis sa kanyang anit at sa ibabaw ng kanyang nguso. maybutil
na rin ng pawis sa kanyang ilong. Itinaas niya ang tirante ng kamiseta. Hinipan-hipan niya ang
manipis na dibdib. Di natagalan, isinawak niya ang kamay sa nalalabing tubig sa balde. Una
niyang binasa ang batok---kaylamig at kaysarap ng tubig sa kanyang batok. Malamig. Binasa
niya ang ulo. Kinuskos niya ang kanyang buhok at nabasa pati ang kanyang anit. Binasa niya
ang balikat, ang mga bisig. May nadama siyang ginhawa ngunit pansamantala lamang iyon. Di
nagtagal, muli niyang naramdaman na tila nangangalirang na naman ang kanyang balat. Kay
hapdi ng kanyang batok at balikat. "Negro!" Napauwid siya sa pagkakaupo nang marinig iyon.
Nasa likuran lamang niya ang nagsalita. Si Ogor. "Huwag ka nanag magbibilad. Doon ka sa
lamig." Pagkakataon na ni Ogor upang sumahod. At habang itinatapat nito ang balde sa gripo,
muli niyang Nakita na nginingisihan siya nito. Napakatagal sa kanya ang pagkapuno ng mga
balde ni ogor. Napabuntong-hininga siya nang makitang kinakawitan na ni Ogor ang mga
balde. Sa wakas, aalis na si Ogor, naisip niya. Aalis na si Ogor. Huwag na sana siyang bumalik.
May galak na sumusuno sa kanyang dibdib habang pinagmamasdan ang pagkapuno ng
sinundang balde. Susunod na siya. Makaka sahod na siya. Makakasahod na rin ako, sabi niya
sa sarili.pagkaraan ng kargang iyon ay uuwi na siya. Daraan pa nga pala siya kay Taba. Bibili
ng gatas. Datapwa, pagkaalis ng hinihintay niyang mapunong balde, at isasahod na lamang ang
sa kanya, ay isang mabigat at makapangyarihang kamay ang biglang pumatong sa kanyang
balikat. Si Ogor ang kanyang natingala. Malapit lamang pala ang pinaghatidan nito ng tubig.
"Gutom na ako, Negro," sabi ni Ogor. "Ako muna." Pautos iyon. Iginitgit ni Ogor ang bitbit na
balde at kumalantog ng kanilang mga balde. Iginitgit din niya ang sa kanya, bahagya nga
lamang at takot na paggitgit. "Kadarating mo pa lamang, Ogor, nais niyang itutol. Kangina

213
pa ako nakapila rito, a. Ako muna sabi, e," giit ni Ogor. Bantulot niyang binawi ang balde,
nakatingin pa rin kay Ogor. Itinaob niya ang kaunting nasahod na balde at ang tubig ay
gumapang sa semento at umabog sa kanilang mga paa ni Ogor. Uuwi na ako, bulong niya sa
sarili. Uuwi na ako. Mamaya na lang ako igib uli. Nakatingin sa araw, humakbang siya upang
kunin ang pingga ngunit sa paghakbang na iyon, bigla siyang pinatid ni Ogor.

"Ano pa ba ang ibinubulong mo?" Hindi n a niya narinig iyon. Nabuwal siya. Tumama ang
kanan niyang pisngi sa labi ng nabiawang balde. Napasigaw siya. Malakas. Napaluhod siya sa
madulas na semento. Kagyat na bumaha ang nakaliliyong dilim sa kanyang utak. Habang
nakaluhod, dalawang kamay niyang tinutop ang pisngi. Takot, nanginginig ang kanyang mga
daliri. Dahan-dahan niyang iniangat iyon. Basa...Mapula...Dugo! Nanghilakbot siya. Sa loob
ng isang saglit, hindi niya maulit na salatin ang biyak na pisngi. Mangiyak-ngiyak siya. "O-
ogor...O-ogor..." Nakatingala siya kay Ogor, mahigpit na kinukuyom ang mga palad.
Kumikinig ang kanyang ulo at nangangalit ang kanyang ngipin. "Ogor!" sa wakas ay naisigaw
niya. Hindi minabuti ni Ogor ang kanyang pagsigaw. Sinipa siya nito. Gumulong siya. Buwal
ang lahat ng baldeng nalalabi sa pila. Nagkalugkugan. Nakarinig siya ng tawanan. At
samantalang nakadapa, unti-unting nabuo sa walang malamang sulingan niyang mga mata ang
mga pang alikabukin. Paparami iyon at pumapaligid sa kanya.

Bigla siyang bumaligtad. nakita niya ang naghuhumindig na anyo ni Ogor. Nakaakma ang mga
bisig. "O-ogor..." Tumawa nang malakas si Ogor. Humihingal at nakangangang napapikit siya.
Pumuslit ang luha sa sulok ng kanyang mga mata. Nasa ganito siyang kalagayan nang bigla
niyang maramdaman ang isang ubos-lakas na sipa sa kanyang pigi. Napasigaw iya. Umiiyak
siyang gumuglong sa basa at madulas na semento. Namimilipit siya. Tangan ang sinipang pigi,
ang buong anyo ng nakaangat niyang mukha'y larawan ng matinding sakit.

Matagal din bago napawi ang paninigas ng kanyang pigi. Humihingal siya. Malikot ang
kanyang mga mata nang siya'y bumangon at itukod ang mga kamay sa semento. Si Ogor...Sa
mula't mula pa'y itinuring na siya nitong kaaway...Bakit siya ginaganoon ni Ogor? Kumikinig
ang kanyang katawan. Sa poot. Sa naglalatang na poot. At nang makita niyang muling aangat
ang kanang paa ni Ogor upang sipain siyang muli ay tila nauulol na asong sinunggaban niya
iyon at niyakap at kinagat. Bumagsak ang nawalan ng panimbang na si Ogor.nagyakap sila.
Pagulung-gulong. Hindi siya bumibitiw. Nang siya'y mapaibabaw, sinunud-ssunod niya:
dagok, dagok, dagok... pahalipaw... papaluka...papatay.

214
Sa pook na iyon, sa nakaririmarim na pook na iyon, aba ang pagtingin sa kanila. Marumi ng
babae ang kanyang ina. Sarisari ang anak. At siya isang maitim, hamak na Negro! Papatayin
niya si Ogor. papatayin. Papatayinnn! Dagok, dagok, dagok...Nag-uumigting ang kanyang mga
ugat. Tila asong nagpipilit makapaibabaw si Ogor. Tila bakal na kumakapit ang mga kamay.
Sa isang iglap siya naman ang napailalim. Dagok, dagok. Nagpipihit siya. Tatagilid. Naiiri.
Muling matitihaya. Hindi niya naiilagan ang dagok ni Ogor. Nasisilaw siya sa araw. Napipikit
siya. Mangungudngod siya, mahahalik sa lupa. Ngunit wala siyang nararamdaman sakit. Wala
siyang nararamdamang sakit! Kakatatlo ng asawa si Inay. Si Kano...si Boyet...si Diding...At
siya...Negro. Negro. Negro! Sa mga dagok ni ogor, tila nasasalinan pa siya ng lakas. Bigla,
ubos-lakas at nag-uumiri siyang umigtad.napailalim si Ogor. Nahantad ang mukha ni Ogor.
Dagok, bayo, dagok, bayo, dagok, bayo, dagok...Kahit saan. Sa dibdib. Sa mukha. Dagok,
bayo, dagok, bayo, dagok, dagok, dagok.. Mahina na si ogor. Lupaypay na. Nalalaglag na ang
nagsasanggang kamay. Humihingal na rin siya, humahagok. Ngunit nagliliyab pa rin ang poot
sa kanyang mga mata. Dagok. Papaluka. Dagok, bayo, dagok, bayo, dagok... Gumagalaw-
galaw ang sabog na labi ni Ogor. "Impen..."Muli niyang itinaas ang kamay. "I-Impen..." Halos
hindi niya narinig ang halingling ni Ogor. "I-Impen...s-suko n-na...a-ako...s-suko...n-na...a-
ako!" Naibaba niya ang nakataas na kamay. Napasuko niya si Ogor! Napatingala siya Abut-
abot ang pahingal. makaraan ang ilang sandali, dahan-dahan at nanlalambot siyang tumindig,
nakatuon ang mga mata kay Ogor. Wasak ang kanyang kamiseta at duguan ang kanyang likod.
May basa ng dugo't lupa ang kanyang nguso. Maraming sandaling walang nangahas magsalita.
Walang makakibo sa mga agwador. Hindi makapaniwala ang lahat. Lahat ay nakatingin sa
kanya. Isa-isa niyang tiningnan ang mga nakapaligid sa kanya. Walang pagtutol sa mga mata
ng mga ito. Ang nababakas niya'y paghanga. Ang nakita niya'y pangingimi. Pinangingimian
siya! May luha siya sa mata ngunit may galak siyang nadama. Luwalhati. Hinagud-hagod niya
ang mga kamao. nadama niya ang bagong tuklas na lakas niyon. Ang tibay. Ang tatag. Ang
kapangyarihan. Muli niyang tiningnan ang nakabulagtang si Ogor. Pagkaraa'y nakapikit at
buka ang labing nag-angat siya ng mukha. Sa matinding sikat ng araw, tila sya isang
mandirigmang sugatan, ngunit matatag na nakatindig sa pinagwagiang larangan.

Sanggunian: https://www.tagalogshortstories.net/rogelio-sikat---tata-selo.html

215
Ang Kamatayan ni Tiyo Samuel

Ang mga pangyayari sa akdang ito’y naganap


sa panahon ng mga demonstrasyon ng mga kabataang
namulat sa katotohan ng kanilang abang kalagayan na
binusog sa “kaunlarang” hatid ng isang bansang
paniniil.

ANG KAMATAYAN NI TIYO SAMUEL

ni Efren R. Abueg

SA kanyang balisang magdamag ay isa-isang sumulpot sa silid na iyon ang daan-daang


lalaki at babae, mga kabataang may hawak na kartelon at mga aklat at may mumuting bag na
nakasakbat sa balikat sa paglakad at nagsisiawit ng kantahing pambayan, nakatigil ang trapiko,
ang ulo ng tsuper ay nangagusli sa mga durungawan, nakanganga o nakangisi o nakaismid,
ngunit hindi sila nababalino, patuloy sila sa pagmamartsa, patungo sa gusaling iyon sa pagitan
ng malalaking puno akasya. Duyan ka ng magiting Sa manlulupig Di ka pasisiil Mataas ang
tuno ng kanilang awit, walang pagpipiigil sa pagbubuhos ng kanilang damdamin, binibigyang-
diin ang kanilang layon at habang nalalapit sa gusaling iyon, nagmamadali ang kanilang
hakbang, waring minamadali ang pagkuha sa isang bagay na kanilang kailangan. …Aming
ligaya na pag may mang-aapi Ang mamatay nang dahil sa yo … Pilit siyang dumilat, nguit
parang bakal ang bigat ng talukap ng kanyang mga mata at ang kapaligiran ay hindi nagbago
sa kanyang isip. Nagmamartsa pa rin ang mga kabataang lalalki at babae, nagniningas ang mga
sulong hawak ng nagunguna at nangahuhuli at patuloy ang pag-awit, paulit-ulit, hanggang sa
makubkob ang binalantok na harapan ng gusali at sa isang sigaw ng lider ay tumahimik ang
lahat.Bigla, ang mga ningas ng sulo ay hinipan sa harapan ng gusali, ang naningkad ay ang
maputing liwanag. Mga kapatid, bakit kayo naririto? Bakit tayo umaawit? Bakit hawak natin
ang mga kartelon? Parang isang dambuhalang bibig ang sagot. Umuugong. Parang isang
dalampasigang binabayo ng nagdurumambang mga alon. Ibagsak ang imperyalismo! Wasa
akin ang kanilang mga interes! Mula sa malayo, unti-unting narinig ang matamis na ugong ng
mga sirena. Gumuguhit, nag-aapura. Sa binalantok na harapan ng gusali, ang mga kabataang
lalaki at babae ay nangapatigil sa pagsigaw, at nakiramdam at sa ilang sandali, parang tubig na
umasanib sa kanila ang lalaking, nakauniporme, may taklob ang mga ulo, may hawak na

216
mahahabang batuta ay may mga mukhang kinasinagan ng pagbabanta. Muli, pinilit niyang
dumilat. Parang may naamoy siyang kung ano. Malansa. Sa karimlan ng kanyang isip, kumapa
siya - kailangang kumapit siya sa isang bagay, kailangang makabangon siya, mapuntahan ang
mga batang lalaki at babaing nasa harap ng gusaling iyon at bigyan ng babala: May panganib!
May panganib! Ngunit wari’y kalawakang walang hanggan ang lahat, pawang hangin, pawang
mga bagay na hindi mahipo ngunit nadarama at pati siya’y nakalutang, nakalutang at hindi niya
mapigil ang kanyang pagkatangay. Sa pagkaunawa ng panganib sa pagkatangay, napasigaw na
lamang siya: Huwag! Huwag! subalit waring yaon ay huli na sapagkat hindi pa napipinid ang
kanyang bibig ay sumambulat sa kanyang pandinig ang isang umuugong na daluyong, tulad ng
pagbayo ng mga marahas na alon sa isang lugaming dalampasigan. Umikot siya, umikot ng
umikot, habang ang kanyang dalawang bisig nanghahalihaw, humahanap ng isang bagay na
mahahawakan. Hanggang sa ang kanyang balintataw ay sumilay ang liwanag. Itinaas niya ang
kanyang mga kamay, pantay sa kanyang dilat na dilat na mga mata sa buong pagkagimbal niya,
nakita niyang may dugo sa kanyang mga daliri, malapotna dugo, kulay-granateng dugo!
Nangatal siya. Bakit may dugo ang aking mga kamay? Bakit? Muli pumikit siya. Sinikap
niyang makabalik sa pook ng mga kabataang lalaki at babae sa binalantok na harapan ng gusali
at hanapin ang kanyang anyo at tingnan kung ano ang nangyari at mmabatid kung bakit may
dugo ang kanyang mga kamay. Subalit payapa na ang binalantok na harapan ng gusali at ang
naroon ay ilang laglag na dahong niyapakan ng mga lalaking mapuputi ang balat at gintoo ang
mga balahibo’t buhok. Hindi lamang balisa siya sa kanyang magdamag. Ngayon, gimbal na
siya sa kanyang karimlan. Humahagok siya sa pagkakapikit at aywan kung bakit sa tuwing
hahagok siya nakararamdam siya ng gaan sa talukap ng kanyang mata. Parang nalulusaw ang
pagkabakal niyon, parang nagiging papel, manipis na papel . Natuwa siya. Mababatid niya ang
lahat-lahat. Malalaman niya kung panaginip lamang ang lahat ng iyon. Dumilat siya.
Sumambulat sa kanyang mukha ang liwanag ng silid. Nakatayo siya sa gitnang-gitna, nangatal
ang mga kamay at sa kanyang paanan, may isang katawang nakatagilid sa pagkakatimbuwang
at ang mga ulo’y nakakiling at ang isang bahagyang nakadilat na mata ay nakasulyap sa kanya.

Sino ito? Sino? Dahan-dahan, tumiklop ang isang paa niya, ang kanan at pumantay ang
kanyang tuhod sa handusay na katawan at sa lumilinaw nang paningin ay binulaga siya ng
mukhang iyong kilang-kila niya, mula sa pagkabata, mula pa sa pagkakaisip, ang mukhang
iyong hindi niya malilimot, a, ang mukhang iyon ng kanyang Tiyo Samuel.

Bakit patay ang kanyang Tiyo Samuel? Bakit may dugo ang kanyang mga kamay? Ano ang
nangyari? Bakit may dugo ang kanyang mga kamay? Ano ang nangyari?

217
Tumindig siya, umurong at sa kanyang bibig ay ibig tumalilis ang sigaw ng paghihilakbot.
Bakit may dugo ang kanyang mga kamay? Siya ba ang pumatay sa kanyang Tiyo Samuel?
Umurong siya ng umurong, papatakas, papalayo, ngunit sa pagkakatitig sa duguang mga
kamay, sa mga daliring nangangatal ay nasalabid sa kung saan ang kanyang mga paa at siya’y
nabuwal at binawi man niya ang katawan ay kumalabog din siya sa lapag at pumalo ang
kanyang ulo sa isang matigas na bagay at muli, kinandong siya ng dilim.

Naroon naman ang maraming kabataang lalaki at babae. Nagsisigawan. Sa di kalayuan sa


binalantok na harapan ng gusali ay umaatungal ang mga sirena at sa may hagdanan ng gusali
ay may mga puting lalaking sumisigaw, nakasuntok ang mga kamay at nagmumura, samantala,
ang sumasanib na malaki’t matitipunong lalaking nakauniporme, may taklob ang mga ulo at
may hawak na mahahabang batuta, ay nakahawak sa puluhan ng mga kartelon at ang mga
mata’y tinatalsikan ng matinding poot. At sa isang iglap na pangitaing iyoon ay nahagip niya
ang kanyang anyo, ipinagtutulakan ng dalawang lalaking malalaki’t matitipuno at siya’y
nanlalaban, manghahalihaw at maya-maya pa’y nakita niyang tumaas ang mahabang batuta ng
isang nakauniporme at sinangga niya iyon at sinikmuraan niya ang mga hawak at siya’y sinipa
nito at aywan kung bakit bigla na lamang nagkaroon ng patalim ang kanyang kamay at
nanaksak siya, nanaksak nang walang patumangga hanggang sa ang mga daliri niya ay
manlagkit sa kulay-granateng dugo. Makirot ang kanang likod ng kanyang ulo. Sinapo niya
iyon, may dugo. Mabigat ang talukap ng kanyang mga mata, ngunit sinikap niyang dumilat.
Tinakasan ng lakas ang kanyang mga bisig ngunit nakagagap pa rin siya. Subalit hindi nagtagal,
may mga kamay na sumaklit sa kanya, pabaltak siyang itinindig at isang mukhang mabalasik
ang bumulaga sa unti-unting nabuksan niyang paningin. Bakit mo siya pinatay? Bakit? Natulala
siya. Sino ang kanyang pinatay? Bakit siya pumatay? Bakit? Hindi siya sumagot. Parang
tangang tumingin siya sa mabalasik na mukha at ang bibig nito ay bumuka at sumara at siya’y
narindi lamang sa mga tanong nito at siya ay yumuko at sa pagyuko ay nahagip ng kanyang
paningin ang katawang nakahandusay sa sahig at naliligo sa natuyo nang granateng dugo. Ang
kanyang Tiyo Samuel? At itinaas ang kanyang mga kamay sa pagkagimbal at nakita niyang
ang mga daliri niya ay may dugo at iya’y nanghihilakbot at napasigaw at siya’y niyugyog ng
mga humahawak sa kanya at muli’t muli siyang tinanong: Bakit mo siya pinatay? Bakit? At sa
pagdilat – pagpikit niya ay nakita niyang ipinarada sa kanyang mukha ang isang balisong, ang
pagkapilak niyon ay kakapiraso sa may dakong puno ng talim, sapagkat may bahid ng dugo.

NASA paltok sila ni Ligaya, sa likod ng kabit-kabit na gusali ng pamantasan. Nakahiga siya sa
damuhan at si Ligaya ay nakalupasay sa kanyang tabi at nakatanaw sa ilaya. Tinangnan mo !

218
Hayan, tingnan mo! Hindi siya kumilos. Ang tiningnan niya ay mga bagay kay Ligaya na
kinagigiliwan niyang tingnan, tulad ng taynga, ng batok na may itim na nunal, at ang buhok
nitong kay-haba, ngunit ngayon ay ipinaputol na, at ang punggos ng balikat na tulad sa hindi
pa nalilini na gintto ang pagkakayumanggi. Bumangon ka nga, Felipe. Tingnan mo! At binatak
ang isa niyang bisig at napilitan siyang bumangon at tumanaw sa ilaya. O? Hayun! Nakikita
mo ba’ng usok na ‘yon? Ano’ng usok ang sinasabi mo? Wala naman, a! Felipe, tinutudyo mo
ba ako? Nakabaling sa kanya si Ligaya at naglulunoy siya sa mga matang iyon at dagli, nagnasa
siyang halikan iyon at simsimin ang tubig na nagpapakislap sa kaitimang naroroon. Di ba ‘yon
ang factory ng tiyo mo? O? Ang yaman ng tiyo mo. Sabi ng aking Itay, ang Papa mo lang ang
mayaman… hindi ang tiyo mo. Pero nang mamatay ang Papa mo, yumamang mabuti ang tiyo
mo. Nakatanaw si Ligaya sa mga gusaling may labasan ng usok na naghahamon wari sa langit.
Isang malawak na lupa ang kinatitindigan, nanakukubkob ng matataas na pader. Kumislap ang
mga bubong sa tama ng sikat ng araw. Baka balang araw, mayaman pa ‘yo ang tiyo mo!
Nalusaw sa paningin niya ang mga gusali, ang malawak na lupang kubkob ng matataas na
pader. Nasa isang bundok-bundukang niyugan sila ng kanyang Tiyo Samuel at nakatunghay
sila a maraming bunduk-bundukan ng mga niyog nawawaiwas ang mga dahoon, ngunit
paglilisan na ang malakas na hihip ng hangin, ang malalabay na dahon ay yuyuko, na wari
bagang isinusuko ang katayugan sa nakatingalang lupa!Nakabota ang kanyang Tiyo Samuel,
nakabastipol, may hawak na baston at itinuturo sa kanya ang lawak ng ari-arian ng kanyang
ama. Mula rito hanggang … iyong lahat ‘yan! Ang doon ay waring walang katapusan … isang
kahabaan ng kaluntiang hindi maabot ng kanyang paningin. Pagsapit mo ng beinte-dos … iyo
na ‘yan at kailangang paghandaan mo. Kaya gusto ko’y agrikultura ang kunin mo... dahil
malupa ang iyong Papa. Pinipilit niyang abutin ng tingin ang malayong doon ng lupain ng
kanyang yumaong ama at marahan, parang isang munting dasal ang inusal niyang mayaman
ako!.mayamang-mayaman! At kasunod niyan ang badya ng tuwa. Nalusaw a kanyang paningin
ang mga bundok – bundukang iyon at ngayon, nasa himpapawid sila ng kanyang Tiyo Samuel,
sakay ng isang helicopter at nakatunghay sa kanila sila sa makapal na kaluntian ng punong
abakada. Masdan mo… iyong lahat ‘yan! Libu-libong punong abakada, malalapad na dahong
susun-suson, waring nakatunghay sa mamula-mulang lupang kinatamnan at sa pagbaling niya
sa kanyang tiyo ay naroon ang liwanag ng isang mukhang tiwalang-tiwala sa hawak nitong
kapangyarihan. Pagpalain mo ang abakadang ito, tulad ng pagpapala ng iyong Papa. Mula sa
lupang iyan, ang walang katapusang biyaya ay mapapasaiyo.Ngunit binawi niya ang tingin sa
kanyang Tiyo Samuel. Nalusaw anf mukhang iyon at ang pumalit ay isang mukhang putting-
puti , matangos na ilong, ginintuang buhok at nakatabako, at nagtatawa at wari’y may inililihim

219
sa kanya. Sa mukhang iyon ay sumanib ang nagtataasang mga gusali, ang dambulang mga
makina, ang libu-libong taong bahagi ng mga makinang iyon at ang mga tela , at ang mga pako
at ang papel at ang mga sapatos at ang mga plastik na kagamitan, umaagos ang mga iyon,
patungo sa kinaroroonan ng kay-raming mga kayumangging nakaabang nangakataas ang
kamay sa pagkakatuwa, sumasalubong upang sa isang iglap, ang agos ng mga kagamitang ito
ay kanilang dumugin nang dumugin at sila’y nagkakagitgitan, nagkadagildilan, nagkayakapan,
nagkasikuhan at sila’y parang mga hayop na bigla na lamang naging mga balik sa pag-aagawan
sa pira-pirasong mga buto! Sumigaw siya. Tigil! Huwag! Nguni’t hindi magkamayaw ang
lahat. Sigawan pagbabanta. Halakhak ng malakas. Daing ng mahihina. Ang karimlan ay
manipis at pinagmadan niya si Ligaya. Isang katawang kayumangging pagkaraang mahubaran
ay pinatitingkad ng manipis na karimlan at hnipo niya iyon at nadamang mainit at, dahan-
dahan, ikinulong niya iyon sa kanyang mga bisig at dinama ng katawan at pagkaraang sumayad
ang kanilang katawan sa malambot na hihigan ay inusal niya, isang usal ng isang magsasakang
maghahasik pa lamang ng palay sa bagong sinuyod na linang: ano m,an ang manggyari, alagan
mo ang iiwan ko sa’yo. Hindi siya sinagot ni Ligaya. Dumaing itong parang nasugatan at inabot
ng kanyang kamay ang kanyang ulo at hinila at siniil ng halik ang kanyang bibig. Sa karimlang
iyon, sa kapayapaan ng kanilang katawan ay parang puting aninong sumulpot ang kanyang
Tiyo Samuel at siya’y binatak sa bisig at siya’y pinagmasdan at saka binalingan Ligaya at sila’y
kapwa kinaladkad a harap ng salamin at sa isang iglap, sa sumambulat na liwanag, ay natanghal
ang hubad nilang katawan. Tingnan mo ang iyong kulay! Tingnan mo ang sa kanya!
Nagtatangis ang mga ngipin ng kanyang Tiyo Samuel. Naroon ang poot. Sa kanya;
pagkasuklam; kay Ligaya, pandidiri. Nakikita mo? Nakikita mo? Ang sigaw na iyon ay sinagot
ng mga hikbi ni Ligaya. Ng pagtutukop ng dalawang kamay sa maselang bahagi ng katawan,
ng pangangatal ng mga bisig nito, sa pagbuka ng bibig na waring ibig paghimagsikan.
Naramdaman niya ang pagbatak sa kanya ng kanyang Tiyo Samuel. Inilalayo siya kay Ligaya,
inilalayo. Nagpupumiglas siya. Bitiwan mon ako! Bitiwan mo ako! Lumayo si Ligaya, lumayo
at maya-maya, bigla na lamang itong nawala. Nagpupumiglas siya. Nangagat at naniko att
umigaw at siya’y nakahulagpos at sa kahubdan niya ay hinanap niya si Ligaya. Ligaya! Ligaya!
Nakita niya ang sarili sa isang pangit na pook: sa mga datig-datig na dampa, sa mga
nagpupusaling eskinita, sa mga tulay na nangangapal sa kapit ng putik. Tumatakbo siya,
hinahabol ang aninong naanyuan niya mula sa malayo, mabilis sa pagtakbong walang
inaalagatang katitisuran-kahahantungan – ang mahalaga’y abutan ang aninong naanyuan niya
at pigilin at yakapin at muli, dalhin sa silid niyang iyon at aluin at muli, pagpunlaan ng
kasiyahang aalagaan nito ano man ang mangyari sa kanya.

220
ISANG araw ay may dumaong na bapor mula sa Europa. Isang higanteng bapor na
nagtatanghal ng mabibigat na kasangkapang Europeo at niyakag niya roon si Ligaya. Tumuon
ang kanyang tingin sa mga makinang iyon. Makikintab na gayong nakahinto at hindi umaandar
ay waring naghahatid sa kanya ng ugong. Naririnig mo ba si Ligaya. Nakatitig sa kanya si
Ligaya at parang maiiyak ito sa pagkaunawa kaipala sa kanyang iniisip. Umuugong, Ligaya.
Umuugong! At hinaplos niya ang makina at ang lamig ay nanulay sa kanyang mga ugat at
sinabi niya kay Ligaya na balang araw, ibig niyang lumikha na gayong makina, at makita ng
libu-libong makinang umuugong sa kanyang kapaligiran, umuugong walang hinto, parang
mahiwagang awit ng Ibong Adarna, magpapabangon sa mga tisikong mga katawan sa lugar
nina Ligaya, at magpapadaloy ng dugo sa mga tabaing katawan at magpapaumbok ng masel sa
mga bisig na walang magawa. Nakikita niya ang libu-libong mukhang iyon, pumapasok
lumalabas sa mga higanteng pabrika, hindi yuko ang ulo, hindi pagal, hindi nakatiim-sa-poot
ang mga bagang, kundi nangakatawa, nangabibiruan at nagsisipamadali, na wari bagang may
naghihintay sa kanila, sa kani-kanilang destinasyon. Muli, hinaplos niya ang mga makinang
iyon, at pinihit niya ang isang ikiran at umikot ng bahagya ang makina at hindi na iyon tumigil
at nagsimulang umugong, kinain ang mga katawan ng abakang bagong kabubuwal at niligis
ang laman ng mga niyog na biyak sa gitna, umuugong na parang awit ng Ibong Adarna,
pumailanglang sa papawirin at ssa mga tahanang hindi na pawid, kundi mga konkreto at
nangagdungawan ang mga mukhang walang hapis, ang mga mukhang sumasalubong sa tamis
ng awiting iyon. Naiintindihan mo ba ako, Ligaya? Nguni’t muli, hindi siya siinagot ni Ligaya,
kundi pinakatitigan siya nitong kaipala’y nakaunawa sa kanya at parang nahigop itong kanyang
katawan sa isang iglap at numipis ang liwanag at nakita na naman niyang hubad si Ligaya, ang
buong pagkababae ay isang dipang kayumangging lupa at niyakap niya ang katawang iyon at
inual ang dati niyang inuusal at dumating si Ligaya at sa kanyang isip ay nabuo ang isang
kasiyahang balangaraw ay aalagaan ni Ligaya ano man ang mangyari sa kanya. Felipe! Felipe!

Hinabol siya ng kanyang Tiyo Samuel. Tumalilis siya. Nagpasikut-sikot siya sa mga
nakahambalang na karton na pagsisidlan ng mga pulbos na iniluluwa ng mga mumunting bibig
sa pabrika ng kanyang Tiyo Samuel. Hindi siya lumingon. Natatakot siyang sa kanyang
paglingon ay pamatigil siya sa paghakbang at hindi siya makalayo. Felipe! Felipe! Binilisan
niya ang paglakad, halos takbo na, subalit dumalas at lumakas ang bagsak ng mga yabag sa
kanyang likuran at bago siya makaiwas ay nahawakan siya ng matigas na kamayng kanyang
Tiyo Samuel. Wala kang utang na loob! Parang sinampal siya. Napaharap siya sa kanyang Tiyo
Samuel. Sinusurot siya ng mga paningin nitong parang dalawang daliring isinusundot sa

221
kanyang mukha. Matapos siyang mapalaki. Gaan’ong edad mo nang mamatay ang iyong Papa?
Nakarinig siya ng malakas na tili. Naghihimagsik na tili. Ayoko! Ayoko! Lumalakas pa.
Namumuno sa kanyang pandinig. Hindi ko hinihinging bayaran mo ako. Aanhin ko’ng
kabayaran mo? Huwag mo lamang akong hiyain sa mga kaibigan ko. Mga pilantropo ‘yan na
maggnenegosyo sa Pilipinas para tulungan ang ating matatalino na walang salaping magagamit
sa pag-aaral. Kailangan nilang puhunanin ang kanilang salapi, upang magpatuloy ang kanilang
pagbibigay ng tulong sa matatalino natin. Bakit tututulan ang pagpeprenda ng kalahati ng ari-
arian mo? Makatutulong ka sa dahilang layunin nila. At walang anumang panganib na malustay
ang salapi mo. Bakit? Nang gamitin ko ba sa mga negosyo ko ang pera mo, ang kabuhayan mo
ba’y nabawassan kahit isang kusing? Hindi. Kabit-kabit ang aking mga pabrika, at ni isa bang
pirasong lote ay naiawas sa iyong lupain. Lumalakas pa ang tili. Sinisiil ang kanyang taynga.
At muli, tinalikuran niya ang kanyang Tiyo Samuel. Patakbo siyang lumayo. Tumakbo ng
buong bilis. Ngunit patuloy na lumalakas ang tili, humahabol. Ayoko! Ayoko! at sa pagtakbo
niya ay parang may isang batang lalaking labindalawahing taong gulang na nakita niya sa
malayo, isinasakay ng isang lalaki sa isang matangkad na kabayo at ayaw sumakay ang bata at
nagsisipa at nagtatadyak, ngunit tinatampal ng lalaki. Papalapit siya. Nakaririndi na ang tili.
Ibig na niyang bumalik, nguni’t hinahabol siya ng kanyang Tiyo Samuel. Sasalungahin na rin
niya ang tili. Tatakpan na lamang niya ang kanyang taynga. At papalapit na nga siya at
lumilinaw ang anyo ng bata at ng lalaki hanggang sa nang mapaharap siya sa mga iyon ay
namangha siya: ang batay siya! ang lalaki ay ang kanyang Tiyo Samuel! Napahinto siyang
bigla,parang tuod na isinaksak sa lupa at sa pagkakitang ang bata ay naisakay na sa kabayo at
ang latigo ng lalaki ay nakaamba sa katawan ng hayop, sumigaw siya, malakass na sigaw at
ang kabayo ay biglang umigtad at sumibad ng takbo at ang batang nagtitili ay nangakataass
ang kamay sa ma matinding pagkatakot. Pagkaraan ng ilang saglit, ang tili ay naging bulong
na lamang ng lumipas na mga sandali. Matagal bago bumalik ang kabayo. Wala na ang tili;
hindi na niya narinig. Ang bata’y nakadapa sa ibabaw ng hayop, nakalaylay ang mga bisig.
Ang kabay ay lumapit sa lalaki at inungkad-ungkad ang mukha nito, na wari bang sinasabi:
Panginoon, natupad ko na po ang ipinag-uutos n’y at tinapik-tapik ng lalaki ang umuungol na
kabayo na wari bagang isinagot: Magaling! Magaling! Sa pagkakatigalgal inabot siya ng
kanyang Tiyo Samuel at hinawakan nito ang kanyang malalatang bisig at siya’y inakay na
pabalik at muli, nagdaan sila sa naghambalang na mga karton na paglalagyan ng mga pulbos
na iniluluwa nmumunting bibig ng mga makina sa pabrika at sa loob ng silid na tinakasan niya
ay nakangaupo ang tatlong dayuhang lalaki, ginintuan ang mga buhok, mapupula ang mga
mukha at matatangos ang mga ilong. Nakangiti ang kanyang Tiyo Samuel na nagsalita at

222
nagttaguan ang mga lalaking dayuhan at ang isa sa mga ito ay naglalakad ng mga papeles sa
mesa at tinabihan iyon ng isang pluma. Muli hinawakan niya ang kanyang Tiyo Samuel sa
bisig at inakay sa luklukang katapat ng mga papeles at iniupo siya roon at inabot sa kanya ang
pluma at hinawakan niya iyoon at lumagda siya sa mag papeles. Pumikit siya. Ang umalit na
manipis na karimlan sa kanyang isip ay nagluwa ng isang hubad na katawan, Kayumangging
katawan na kilala niya sa tingin, langhap at dama. Parang matigas ang mukha, parang naninisi
at nagyuko siya ng ulo at matagal, naroon siya’t naghihintay wari ng parusa, ngunit ang
kayumangging katawan sa kanyang harap ay parang bato, walang kilos, walang tinig, walang
init! Hindi ko kasalanan, Ligaya! Napiilitan lamang ako ! At siya’y umiyak. Ang
kayumangging katawan ay biglang nagkabuhay, lumapit sa kanya at inabt siya ng saklaw ng
init ng dugo nito at siya’y tumingala at nakita niyang ang mga matang iyon ay may luha.
Nakikkiramay sa kanya si Ligaya! YAON ay kagubatan ng mga kartelon. Nagsisigawan ang
maraming kabataang lalaki at babae, nagtutungayaw, nagmumura. Sa malapad na hagdanang
may maraming baitang, ilang pulis ang nakataliba, pinangangalagaan ang tatlong malalaki ang
tiyang lalaki na naka-amerikana. Ito’y para sa kabutihan natin. Kung ang kasunduang parity ay
hindi palulugitan, saan tayo magbibili ng ating produkto sa mataas na halaga? Nagsigawan na
naman. Booo! Boooo! Itinaas niya ang kanyang dalawang kamay. Nangangatal na mga kamay
na waring may hawak na granadang handang pasabugin sa ibaba ng hagdanang iyon, upang
ang gusaling iyong tagapagtanggol ng dayuhang interes ay gumuho. Ibagak ang mga
imperyalista! Nagsunuran ang mga kabataang lalaki nagtungayaw. Booo! Booo! May
kaguluhan na sa dakong kaliwa ng hagdanan. Ilang kabataang lalaki at babae na may dalang
kartelon ang nagtangkang pumanhik sa hagdanan, hinadlangan ng mga pulis, itinulak,
hanggang sa isang babae ang nangudngod nang saklolohan ng mga nasa ibaba ay nanunggaang
mga pulis at nagkaroon ng paghahamok. Ibagsak ang mga imperyalista! Parang mababanat ang
mga litid sa leeg niya. Parang hinahatak na kung anong mga kamay mula sa itaas ang kanyang
mga bisig. Nagpatuloy siya sa pag-sigaw, hanggang sa maramdaman niya na may dumaklot sa
kanyang likod. Napalingon siya. Tiyo Samuel! Hindi siya binitiwan ng mga kamay na parang
agila. Binatak siya, papalayo sa karamihan, palabas sa kagubatan ng mga kartelon, patungo sa
isang makintab na limosinang nakaparada sa ibayo ng lansangan. Isinalya ssiya sa loob ng
sasakyan. Bumangga sa katangan ng kamay ang kanyang baywang at nakadama siya ng kirot.
Ang balisong na nakasukbit doon ay waring umukab sa kanyang laman. sa bahay! Sumibad
ang limosina, iniwan ang kagubatan ng mga kartelon, ang gusaling sa pagkakatunghay sa mga
kabataang lalaki at babae ay parang isang matandang bingi sa mga sigaw. Sa bahay, dinatnan
niiya roon si Ligaya. Bakit ka narito, Ligaya?Tumingin lamang si Ligaya sa kanyang Tiyo

223
Samuel. Waring takot ang mga mata ni Ligaya. Bakit? Ipinakaon ko siya. Bumaling siya sa
kanyang Tiyo Samuel. Nag-uusig ang kanyang mga mata. Tinagos ang nakikita niyang
kabuktutan sa kalooban nit, nilulutas ang hiwaga ng pagkakataon kay Ligaya. May problema
ka. Ang problema? Nagdadalangtao siya! Napatigalgal siya, pagkatigalgal ng isang naalala, at
sumibatang kanyang tingin kay Ligaya at sinagad ang dakng puson at nang makitang may
umbok ay napalapit dito. Totoo?Muli, Tumingin! Ligaya sa kanyang Tiyo Samuel. Saglit na
tinging humantong sa pagyuko, sa paghikbi, sa pagkaligalig ng balikat. Huwag kang matakot…
pakakasalan kita! Nilapitan siya ng kanyang Tiyo Samuel. Hinawakan siya sa bisig at inilayo
siya kay Ligaya. Hindi? Bakit? May pananagutan ako sa kanya! Sapagkat siya’y hindi para sa
iyo. Tingnan mo’ng balat mo… mestiso ka … tingnan mo’ng balat niya …kayumanggi! Ano
ang sasabihin ng Papa mong namatay? Pananagutan ko’ng nangyari sa kanya? Wala kang
pananagutan, Felipe. Aalisin natin ang sanggol na ‘yan. Madaling alisin Nakarinig siya ng
kaingayan, ng sigawan, ng takbuhan. Nakarinig siya ng sipol ng mga sirena, nakarining siya
ng putok ng mga rebolber. Umikot ang kanyang paningin. Nasa liblib siya ng kagubatan ng
mga kartelon, nagigitgit ng dalawang pangkkat ng mga lalaking nakauniporme, na may hawak
na mahahabang batuta at nakaamba at papatayin siya. Hindi! Hindi! Hindi na ang tinig niya
ang kanyang narinig. Libu-libong tinig ng mga kabataang lalaki at babae, tumututol,
naghihimagsik. Parang ang isang santinakpan ay biglang nagising, parang mga hinaing sa
dibdib ay biglang bumulwak at kumalat sa buong daigdig. Ligaya, umalis ka na! Ligaya, umalis
ka na! Sumigaw siya ng paulit-ulit na sigaw na bumatak sa kanyang mga litid sa leeg at si
Ligaya ay nanlabo sa kanyang paningin at ang lahat ay umikot at siya ay tinangay at sa
pagtangka niyang pigilin ang pag-ikot na iyon ay napahawak siya sa kanyang baywang at
nagapgap niya ang balisong at napahigpit ang paghawak niya roon hanggang sa iyon ay
mahugot at sa pag-ikot niya, ipinaghalihaw niya ang balisong na iyon, sapagkat may
nakabibinging halakhak na sumusunod sa kanya sa pag-ikot at pagdilat niya ay nababanaagan
niya ang kanyang Tiyo Samuel, ang maluwang na bibig ay waring isang hayok na bunganga
ng dambuhalang sa ilang sandali pa ay lalagom sa kanya. Mahigpit ang pagkakaapol, itinaas
niya ang balisong at sa isang kisap- mata ay lumabas siya sa nag-uumikot niyang paningin at
ang patalim ay ibinaon niya sa dibdib ng humahalakhak niyang Tiyo Samuel.

Sanggunian: https://www.tagalogshortstories.net/efren-abueg--ang-kamatayan-ni-tiyo-
samuel.html

224
Banyaga ni Liwayway Arceo

Ang “Banyaga” ni Liwayway Arceo na nagkamit ng


Unang Gantimpala noong taong 1961-1962. Tinalakay sa
kwentong ito ang naging damdamin ng isang tagalalawigan. Sa
muli niyang pagbabalik sa kanilang pook ay nadama niya ang
kahungkagan sa kanyang sarili. Tila hindi na siya nakikilala ng
sinuman maging ng mga pinakamalapit niyang kamag-anak at
mga kaibigan. Ito’y dala ng mga pagbabagong naganap sa
kanyang sarili sa panahong inilagi niya sa Maynila at sa Amerika. Tunay na maraming Pilipino
ngayon ang maituturing na banyaga sa sariling bayan. Nanirahan lang ng ilang taon sa ibang
bansa ay kakikitaan na ng transformasyon sa pisikal, sosyolohikal at intelektwal na kalagayan
at maging sa saykolohikal na aspeto

" Banyaga "

ni Liwayway A. Arceo

Mukhang artista! Artista nga ba? Artista? Mula nang dumating si Fely kangina ay hindi
miminsang narinig niya ang tanong na iyon na tila ngayon lamang siya nakita. Gayong umuuwi
siya dalawang ulit isang taon; kung Araw ng mga Patay at kung Pasko. O, napakadalang nga
iyon, bulong niya sa sarili. At maging sa mga sandaling ito na wala nang kumikibo at tumitingin
sa kanya ay iyon din ang katunayang (wala nang kumikibo) wari ay nababasa niya sa bawat
matimping ngiting may lakip na lihim na sulyap. At mula sa salamin sa kanyang harapan ay
nakita niya si Nana Ibang sa kanyang likuran. Hinahagod ng tingin ang kanyang kaanyuan.
Matagal na pinagmasdan ang kanyang buhok. Hindi ito makapaniwala nang sabihin niyang
serbesa ang ipinambasa sa buhok niya. - Serbesa ba ‘kamo bata ka, ha? Ngumiti siya, kasabay
ang mahinang tango. At nang makita niyang nangunot ang noo nito, idinugtong niya ang
paliwanag, hindi naman masama ang amoy, Nana. Ngayon sa kanyang pagtindig ay hindi
maikaila sa kanya ang pagtugon ng tingin nito sa kanyang suot. Sa leeg ng kanyang terno na
halos ay nakasabit lamang sa gilid ng kanyang balikat at tila nanunuksong pinipigil ang
pagsungaw ng kanyang malusog na dibdib. Sa kanyang baywang na lalong pinalantik ng lapat
na lapat na saya. Sa laylayan nito na may gilit upang makahakbang siya. - Ibang-iba na ngayon

225
ang…lahat!… at naulinigan niya ang buntung-hininga na kumawala sa dibdib ng matanda
niyang lola. Napangiti siya. Alam niyang iyon din ang sasabihin ng kanyang ama na sa
pagkakaalam niya ay hindi naging maligoy minsan man sa pagsasalita. Iyon din ang narinig
niyang sabi ng kanyang Ate Sedes. At ng kanyang Insong Edong, ang balo ng kanyang Kuya
Mente. At ang kanyang apat na pamangkin ay halos hindi nakahuma nang makita siya
kanginang nakatoreador ng itim at kamisadentrong rosas. Pinagmasdan siya ng kanyang mga
kanayon, mula sa ulong may taling bandana, sa kanyang salaming may kulay, hanggang sa
kanyang mga kukong mapula sa paa, na nakasungaw sa step-in na bukas ang nguso. - Sino
kaya’ng magmamana sa pamangkin mo… matalino. - Sinabi ko naman sa Inso…Ibigay na sa
akin…papag-aralin ko sa Maynila. Nag-iisa naman ako. Ang hirap sa kanila…ayaw nilang
maghiwa-hiwalay. Kung sinunod ko ang gusto ni Inang…noon… kung natakot ako sa
iyakan…Tumigil siya sa pagsasalita. Alam niyang hindi maikukubli ng kanyang tinig ang
kapaitang naghihimagsik sa kanyang dibdib. - E..oo nga… Walang anu-ano’y ayon ni Nana
Ibang - Tigas nga namang iyakan nang lumuwas ka… - Noon pa man, alam kong nasa Maynila
ang aking pagkakataon. Sasali ba ‘ko sa timpalak na ‘yon kung hindi ako nakakasigurong kaya
ko ang eksamen? Hindi sumagot si Nana Ibang. Naramdaman niyang may dumamping
panyolito sa kanyang batok. - Pinagpapawisan ka na, a. Ano bang oras ang sabi ni Duardo na
susunduin ka? Alas tres daw. Hanggang ngayon ba’y ganoon dito? At napangiti siya. Alas tres
o alas singko. Alas kwatro na, ah! Kung hindi lang ako magsasaya, di dinala ko na rito ang
kotse ko. Ako na ang magmamaneho. Sa Amerika… - Naiinip ka na ba? agaw ni Nana Ibang
sa kanyang sinasabi. - Hindi sa naiinip, e. Dapat ay nasa oras ang salitaan. Bakit ay gusto kong
makabalik ngayon sa Maynila. - Ano? K-kahit gabi? Napatawa si Fely. –Kung sa Amerika…
nakapunta ako at nakabalik nang mag-isa, sa Maynila pa? Ilang taon ba ‘kong wala sa Pilipinas?
Ang totoo… Biglang nauntol ang kanyang sasabihin nang marinig niya ang mahinang tatat ni
Nana Ibang. At nang tumingin siya rito ay nakita niya ang kulimlim na mukha nito. At biglang-
bigla, dumaan sa kanyang gunita ang naging anyo nito nang makita siya kangina. Ang pinipigil
na paghanga at pagtataka sa kanyang anyo. Ang walang malamang gawing pagsalubong sa
kanya. At nang siya ay ipaghain ay hindi siya isinabay sa kanyang pamangkin. Ibinukod siya
ng hain, matapos mailabas ang isang maputi at malinis na kumot na ginawang mantel. Hindi
siya pinalabas sa batalan nang sabihin niyang maghuhugas siya ng kamay. Ipinagpasok siya ng
palanggana ng tubig, kasunod ang isa niyang pamangkin na sa pangalan at larawan lalo niyang
kilala sapagkat patuloy ang kanyang kaharap nang sabihin niyang magkakamay siya. - Ayan
naman ang kubyertos…pilak ‘yan… -hiyang-hiya na sabi ng kanyang hipag. –Yan ang uwi
mo…noon…hindi nga namin ginagamit… Napatawa siya. – Kinukutsara ba naman ang

226
alimasag? Nagsisi siya pagkatapos sa kanyang sinabi. Napansin niyang lalong nahapis ang
mukha ng kanyang Nana Ibang. Abot ang paghingi nito ng paumanhin. Kung hindi ka ba
nagbagong-loob, di sana’y nalitson ang biik sa silong. Kasi…sabi…hindi ka raw darating…
Wala nga siyang balak na dumalo sa parangal. Ngunit naisip niyang ngayon lamang gagawin
ang gayon sa kanilang nayon. Sa ikalimampung taon ng Plaridel High School. Waring hindi
niya matatanggihan ang karangalang iniuukol sa kanya ng Samahan ng mga Nagsipagtapos sa
kanilang paaralan. Waring naglalaro sa kanyang isipan ang mga titik ng liham ng pangulo ng
samahan. Parangal sa unang babaing hukom na nagtapos sa kanila. Napakislot pa si Fely nang
marinig ang busina ng isang tumigil na sasakyan sa harap ng bahay. Alam na niya ang
kahulugan niyon. Dumating na ang sundo upang ihatid siya sa bayan, sa gusali ng paaralan.

Hindi muna niya isinuot ang kanyang sapatos na mataas at payat ang takong. - Sa kotse na, ang
sabi niya kay Nana Ibang. Ang hindi niya sinabi: Baka ako masilat… Baka ako hindi
makapanaog sa hagdang kawayan. Ngunit sa kanyang pagyuko upang damputin ang kanyang
sapatos ay naunahan siya ng matanda. Kasunod niya ito na bitbit ang kanyang sapatos. Sa
paligid ng kotse ay maraming mukhang nakatingin sa kanya. Ang pinto ng kotse ay hawak ng
isang lalaking nang mapagsino niya ay bahagya siyang napatigil. Napakunot ang noo niya. -
Ako nga si Duardo! Pinigil niya ang buntunghiningang ibig kumawala sa kanyang dibdib. Nang
makaupo na siya ay iniabot ni Nana Ibang ang kanyang sapatos. Yumuko ito at dinampot
naman ang tsinelas na hinubad niya. Isinara ni Duardo ang pinto ng kotse at sa tabi ng tsuper
ito naupo. - Bakit hindi ka rito? tanong niya? Masasal ang kaba ng kanyang dibdib. May
presidente ba ng samahan na ganyan? A…e…-Hindi kinakailangang makita niyang nakaharap
si Duardo. Napansin niya sa pagsasalita nito ang panginginig ng labi. A… Alangan na ‘ata…
Tumigas ang mukha ni Fely. Nagtiim ang kanyang kalooban. Si Duardo ang tanging lalaking
naging malapit sa kanya. Noon. Ngayon, nalaman niyang guro ito sa paaralang kanilang
pinagtapusan. At ito rin ang pangulo ng Samahan ng mga Nagsisipagtapos. - Natutuwa kami
at nagpaunlak ka… Walang anu-ano’y sabi ni Duardo. Dalawampu’t dalawang taon na… -
Huwag mo nang sabihin ang taon!- nagtatawang sabi ni Fely. Tumatanda ako… - Hindi ka
nagbabago, sabi ni Duardo. Parang mas…mas…bata ka ngayon. Sayang… hindi ka makikita
ni Monang… - Monang? napaangat ang likod ni Fely. - Kaklase natin… sa apat na grado.
paliwanag ni Duardo. Kami ang… at napahagikhik ito. –Kamakalawa lang niya isinilang ang
aming pang-anim… - “Congratulations!” pilit na pilit ang kanyang pagngiti. Tila siya biglang
naalinsanganan. Tila siya inip na inip sa pagtakbo ng sasakyan. - Magugulat ka sa eskuwela
natin ngayon. Patuloy ni Duardo nang hindi siya kumibo. Ibang-iba kaysa…noon. - Piho nga,

227
patianod niya. Hindi naman kasi ‘ko nagagawi sa bayan tuwing uuwi ako. Lagi pa ‘kong
nagmamadali… Bagung-bago sa kanyang paningin ang gusali. At nang isungaw niya ang
kanyang mukha sa bintana ng sasakyan ay nakita ang mga matang nakamasid sa kanya. Isinuot
niya ang salaming may kulay. Tila hindi na niya matatagalan ang nakalarawan sa mukha ng
mga sumasalubong sa kanya. At nang buksan ni Duardo ang pinto ng kotse upang makaibis
siya ay lalong nagtumining ang kahungkagang nadarama niya kangina pa. At may sumungaw
na luha sa kanyang mga mata. Tila hindi na niya nakikilala at hindi na siya makikilala pa ng
pook na binalikan niya.

Sanggunian: http://leeannkiaespina.blogspot.com/2013/11/banyaga-ni-liwayway-
arceo.html?m=1

Dugo sa Bukang Liwayway ni Rogelio Sicat

Pinaanak si Rogelio Sicat noong Hunyo 26, 1940, sa San Isidro, Nueva Ecija. Yung
San Isidro daw yung basihan ng San Roque, yung nayon sa kwento. Makulay niyang
isinalarawan yung nayon, na parang nandoon ka rin.

" Dugo sa bukang Liwayway "

ni Rogelio Sicat

Unang Bahagi: BUOD

Sa simula, ang nobela ay tungkol sa isang magsasaka, si Tano, at kanyang buntis na


asawa na si Melang, na namatay nung nasilang yung anak nila na si Simon, dahil hindi
pinahiram ni Paterno Borja yung sasakyan niya.¹ Pagkatapos ng onting oras para sa sarili niya,
kinuha ni Tano si Simon para ipalaki ng magisa niya sa labas ng nayon, pero paglaki na ni
Simon ng onti, pinaaral ni Tano ito sa may nayon, kung saan nakilala niya si Duardo at Ador.?
Isang gabi, may dumating na bagyo at lumabas sina Simon at Tano para may masagip sila na
palay. Nagkasakit si Tano, at bumalik yung mag-ama sa nayon, na nag-aaral parin si Simon, at
nagsasaka pa rin si Tano. Isang araw, sumuka si Tano ng dugo, at kahit sinubukan niya itago
kay Simon, nahalata parin niya; ito yung ikinamatay ni Tano, Pagkatapos mamatay si Tano,
umalis si Simon para maghanap ng trabaho at mag-aral, dahil ipinamigay yung lupa kung saan
sila nagtrabaho. Pumunta siya sa Maynila sa tulong ni Duardo at Ardo, pero nung bumalik siya

228
sa San Roque at sinubukan niya puntahan yung puntod ng kanyang magulang, hindi nyia
mahanap dahil binili ni Borja yung lupa kung saan sila nakabaon." Umalis si Simon at
pinangako niya hindi siya babalik hanggang kaya niyang humiganti." Bumalik si Simon
pagkalipas ng 16 na tao, at ginawa niya yung pinangako niyang paghihiganti sa pagtutulong sa
San Roque, at sa paglalaban niya sa mga Borja. At dahil alam niya gumagana yung plano ni
Simon na tanggalin yung pamilya niya sa kapangyarihan, binaril ni Alejandro Borja si Simon
sa harap ng mga taong nayon.

Sanggunian: https://www.scribd.com/doc/258025864/Pagsusuri-Dugo-Sa-Bukang-Liwayway

Mga Awit sa Panahon ng Aktibismo

Ang panahon ng aktibismo ay uminit noong 1970-1972. Maraming kabataan ang mga
naging aktibista upang humingi ng pagbabago sa pamahalaan. Karamihan sa mga kabataang
ito ay mga mag-aaral ng Unibersidad Ng Pilipinas. May tatlong salita na kadalasang isinisigaw
ng mga estudyante sa bawat pagmimiting o rally. Ito ay ang imperyalismo, feudalismo, at
facismo.

Ang imperyalismo ay ang pagpapalawak ng lakas o impluwensya; ang feudalismo ay


mga suliranin sa pagmamay-ari ng mga lupang sakahan; at ang facismo ay ang pagiging
diktador o paggamit ng kamay na bakal at hindi paggalang sa karapatan ng kapwa.

Ang mga awiting tagalog sa karaniwang naririnig sa mga radio, telebisyon, o sa


panahon ng demonstrasyon ya ngapapahiwatig ng di-pagkakaroon ng kasiyahan sa takbo ng
pamahalaan sa bayan natin noon. Ang mga awiting sumikat sa panahong ito ay buhat sa Isipan
ng mga nangungunang kabataang nagtatanong at nagpapahiwatig ng mga kalituhan na
naghahanap ng lunas.

Wala ng Tao sa Santa Filomena ni joey Ayala

Ang awiting "Wala nang Tao sa Sta.filomena” ay


naglalarawan sa isang rural na nayon na ang mga tangkay
ng palay ay nakabaluktot, kung saan ang langay-

229
langayan (Asiatic swallow) ay umaawit habang lumilipad ito nang walang sinumang
nakakakita o nakarinig nito, dahil ang mga taganayon ay tumakas lahat sa isang lugar. Ang
kanta ay isang hindi-direkta ngunit gayunpaman nakakaantig na paglalarawan ng epekto ng
militarisasyon: mga taong tumatakas sa kanilang mga tahanan at kabuhayan upang iligtas ang
kanilang mga sarili mula sa mga kalupitan ng militar..

Wala ng Tao sa Santa Filomena

ni Joey Ayala

Nag-iisang lumilipad ang langay-langayan

Anino niya'y tumatawid sa nanunuyong palayan

Tanging sagot sa sigaw niya ay katahimikan

At kaluskos ng hangin sa dahon

'Sang ikot pa, huling sulyap mula sa ibabaw ng bayan

Mga kubong pinatatag ng lupa at kawayan

Paalam na, paalam na ang awit ng langay-langayan

Nguni't walang nakasaksi sa palayo niyang lutang

Pagka't wala nang tao sa Sta. Filomena

Walang aani sa alay ng lupa

Nakayuko ang palay, tila bang nalulumbay

Tila bang naghihintay ng karit at ng kamay

Nahihinog ang bunga ng mangga't bayabas

Pinipitas ng hangin at sa lupa'y hinahampas

Sinisipsip ng araw ang tamis at katas

Iniiwan ang binhing umaasa

At pagdating ng tag-ulan sa pinaghasikan

230
Upang hugutin ang buhay mula sa kamatayan

Muling dadaloy ang dugo sa ugat ng parang

Subali't ang lahat na 'to'y masasayang

Pagka’t wala nang tao sa Sta. Filomena

Walang aani sa alay ng lupa

Ang palay ay nakayuko, tila bang sumusuko

Naghahandog ng buhay sa karit at kamao

Lumilipad, sumisigaw ang langay-langayan

Nasaan ka at bakit ka nagtatago taumbayan

Panahon na, panahon nang balikan ang iniwan

Dinggin natin ang tangis ng abang langay-langayan

Dinggin natin ang tangis ng abang langay-langayan

Sanggunian: https://m.youtube.com/watch?v=5ETkum-TunI

Babae Ka ni Inang Laya

Tuwing Marso 8, ang Pandaigdigang Araw ng


Kababaihan, ay pinatutugtog at inaawit ang kantang
“Babae” ng grupong Inang Laya. Ang pagkanta sa
“Babae” ay isang historikal, kultural at sosyo-politikal
na akto. Historikal dahil ipinapaalala nito ang
mahalagang papel ng kababaihan sa pagpapalaya ng bansa mula sa mga dayuhang mananakop
at lokal na naghaharing uri. Kultural dahil ipinamamalas nito ang talim ng awit bilang
instrumento sa pagmumulat ng kamalayan ng mamamayan. At sosyo-politikal dahil itinuturo
nito na iwaksi ang kaisipan na ang babae’y mahina, sunud-sunuran at perenyal na biktima, at
sa halip ay hinihimok ang kababaihan na sumapi sa kilusang magpapalaya ng kababaihan at ng
bayan

231
Babae Ka

ni Inang Laya

Kayo ba ang mga Maria Clara

Mga Hule at mga Sisa

Na di marunong na lumaban?

Kaapiha'y bakit iniluluha?

Mga babae, kayo ba'y sadyang mahina?

Kayo ba ang mga Cinderella

Na lalake, ang tanging pag-asa?

Kayo nga ba ang mga Nena

Na hanapbuhay ay pagpapuputa?

Mga babae, kayo ba'y sadyang pang-kama?

Ang ating isip ay buksan

At lipuna'y pag-aralan

Paano nahubog ating isipan

At tanggaping kayo'y mga libangan

Mga babae, ito nga ba'y kapalaran?

Bakit ba mayroong mga Gabriela

Mga Teresa at Tandang Sora

Na di umasa sa luha't awa?

Sila'y nagsipaghawak ng sandata

Nakilaban, ang mithiin ay lumaya

Bakit ba mayrong mga Lisa

Mga Liliosa at mga Lorena

232
Na di natakot makibaka

At ngayo'y marami nang kasama?

Mga babae, ang mithiin ay lumaya.

Sanggunian: https://m.youtube.com/watch?v=GuMD89Kq-kI

Base Militar

Ang kantang Base Militar ay nagpapakita ng masamang epekto nito sa ating bayan. At
ang pagnanais ng mga tao na ito ay hadlangan. Ito ay patunay lamang na tayo ay hindi pa
lubusang malaya.

Base Militar

Base militar, armas na nukleyar,

Ito’y kahibangan na dapat hadlangan.

Base militar, armas na nukleyar,

Ito’y kahibangan na dapat hadlangan.

Animnapu’t limang libong hektarya

Binakuran at inangkin ng banyaga-

Sa Angeles at sa Gapo,

Base militar ng mga Kano

Mga base militar ay tiyak na tambakan

Ng armas nukleyar na walang pakinabang-

Ito ay daungan ng armadong sasakyan

Dumarating nang lingid sa ating kaalaman!

Base militar, armas na nukleyar,

Ito’y kahibangan na dapat hadlangan.

Base militar, armas na nukleyar,

233
Ito’y kahibangan na dapat hadlangan.

Pampalipas-libog ng mga sundalo,

Pagbibigay-hilig sa kanilang mga bisyo,

Manikang buhay na nilalaro,

Libangan lamang ng mga Kano

Sa base militar ay walang katarungan:

Banyaga’y hari sa ating bayan

Baboy-damo ang trato sa tao,

At walang karapatan ang mga Pilipino!

Base militar, armas na nukleyar,

Ito’y kahibangan na dapat hadlangan.

Base militar, armas na nukleyar,

Ito’y kahibangan na dapat hadlangan.

Aksidenteng nukleyar, o digmaan ng Kano,

Tiyak na kasangkot ang Pilipino.

Pinsala’t dusa’t kapahamakan

Mga base militar ang pagmumulan

Mga base militar ay lantarang katibayan

Ng ating huwad na kalayaan,

Ng kawalaan ng tunay na kapangyarihan,

At paglapastangan ng ating kasarinlan!

Base militar, armas na nukleyar,

Ito’y kahibangan na dapat hadlangan.

Base militar, armas na nukleyar,

234
Ito’y kahibangan na dapat hadlangan…

Hadlangan!

Hadlangan!

Hadlangan!

Sanggunian: https://m.youtube.com/watch?v=GuMD89Kq-kI

Titser ni Inang Laya

Ang kantang ito ay nagpapakita ng sakripisyo ng isang guro. Ang pagiging guro ay
hindi isang biro, madami silang ginagawa ngunit ang sweldo ay kakarampot. Sila ang
humuhubog na magiging lider kaya naman masasabi natin na isa sila sa ating inaasahan upang
magkaroon ng pagbabago sa ating lipunan. Ang mga titser ay ating pahalagahan, napakarami
nilang sakripisyo kaya dapat lamang na taasan ang kanilang sahod at ibigay ang benepisyo na
dapat sa kanila.

Titser

ni Inang Laya

Titser genius ka kaya?

Bukod sa lesson plan may tesis pang ginagawa.

Lagari sa tahanan, kayod sa eskwela;

Wonder Woman ka ngunit wala namang laya.

Titser ito bay himala?

Sa kay raming campus lagi kang nakikita;

nalilibot ang u-belt sa buong umaga;

235
Itoy di hiwaga nagmo-moonlight ka lang pala.

Titser, iyan nga bay tama?

Kakaunti ang kita at may take-home work ka pa.

Sa hirap ng buhay, ikay part-time na tindera

ng mga PX goods, panty, bra, longganisa.

Titser gumising na tayo.

Tayoy ginawang tagabura ng boto.

Tagabenta ng ticket, tagahalo ng kalburo,

Nagsayaw pa sa airport ng wala namang sweldo.

Titser, kumilos na tayo

Ang edukasyon ay hindi gawang biro

Huwag nang magpaloko at magsawalang-kibo

Tayoy kalahok sa pambansang pagbabago.

Bagong Lipunan

May bagong silang

May bago nang buhay

Bagong bansa, bagong galaw

Sa bagong lipunan

Nagbabago ang lahat, tungo sa pag-unlad

At ating itanghal, bagong lipunan!

May bagong silang

May bago nang buhay

236
Bagong bansa, bagong galaw

Sa bagong lipunan

Nagbabago ang lahat, tungo sa pag-unlad

At ating itanghal, bagong lipunan!

Ang gabi'y nagmaliw nang ganap

At lumipas na ang magdamag.14

Madaling araw ay nagdiriwang

May umagang namasdan

Ngumiti na ang pag-asa

Sa umagang anong ganda

May bagong silang

May bago nang buhay

Bagong bansa, bagong galaw

Sa bagong lipunan

Nagbabago ang lahat, tungo sa pag-unlad

At ating itanghal, bagong lipunan

Sanggunian: https://m.youtube.com/watch?v=0mop3uM_u6I

237
Tayo’y Mga Pinoy ni Herber Bartolome

Wag natin ikahiya ang ating lahi. Matuto tayong


tanggapin kung ano tayo. Mahalin muna natin ang sarili
natin bago ang iba. Walang masama sa pagtangkilik sa
makadayuhang kultura pero wag natin balewalain amg
sariling atin. Para saan pa at tinawag tayong Pilipino
kung ayaw natin gamitin, halbawa ang ating lenggwahe.

Tayo'y Mga Pinoy

ni Heber Bartolome

Tayo’y mga Pinoy, tayo’y hindi Kano

‘Wag kang mahihiya kung ang ilong mo ay pango

Dito sa Silangan ako isinilang

Kung saan nagmumula ang sikat ng araw

Ako ay may sariling kulay: kayumanggi

Ngunit hindi ko maipakita tunay na sarili

Kung ating hahanapin ay matatagpuan

Tayo ay may kakanyahang dapat na hangaan

Subalit nasaan ang sikat ng araw

Ba’t tayo ang humahanga doon sa Kanluran

Bakit kaya tayo ay ganito?

Bakit nanggagaya, mayro’n naman tayo

Tayo’y mga Pinoy, tayo’y hindi Kano

‘Wag kang mahihiya kung ang ilong mo ay pango

Dito sa Silangan, tayo’y isinilang

238
Kung saan nagmumula ang sikat ng araw

Subalit nasaan ang sikat ng araw

Ba’t tayo ang humahanga doon sa Kanluran

Bakit kaya tayo ay ganito?

Bakit nanggagaya, mayro’n naman tayo

Tayo’y mga Pinoy, tayo’y hindi Kano

‘Wag kang mahihiya kung ang ilong mo ay pango

Mayro’ng isang aso, daig pa ang ulol

Siya’y ngumingiyaw, hindi tumatahol

Katulad ng iba, painglis-inglis pa

Na kung pakikinggan, mali-mali naman

‘Wag na lang

Mayro’ng isang aso, daig pa ang ulol

Siya’y ngumingiyaw, hindi tumatahol

Katulad ng iba, painglis-inglis pa

Na kung pakikinggan, mali-mali naman

‘Wag na, oy oy Oy, ika’y Pinoy

Oy, oy, ika’y Pinoy

Sanggunian: https://m.youtube.com/watch?v=0mop3uM_u6I

Dula sa Panahon ng Aktibismo

Sa Panahong ito Labis na naging mapangahas ang mga manunulat ng dula, maikling
kwento o maging nobela sa panhong ito, hindi lamang sa paksa kundi maging sa usapan at
salitaan ng kanilang mga tauhan sa akda. Naging palasak din ang panghihiram ng mga salitang
Ingles, Kastila at iba pang likhang salita sa kanto at pabalbal.

239
Mga Halimbawa ng Dula sa Panahon ng Aktibismo

Halaw sa sikat na dula ni Nick Joaquin, A Portrait of the


Artist as Filipino, ay umiikot sa buhay ng pamilya Marasigan-
-- Don Lorenzo (Pianing Vidal) at ang kanyang walang
asawang mga anak na sina Candida (Daisy H. Avellana) at
Paula (Naty- Crame Rogers). Nakatuon ang tema sa tunggalian
ng pamilya at pagsasama-sama ng lumang pagkakakilanlan ng
Pilipino at kultural na karakter sa pagdating ng kontemporaryo
at Kanluraning mga ideyal.

"A Portrait of the Artist”


Producer and Director Lamberto Avellana
Sinisisi ng magkapatid ang kanilang sikat na pintor-ama sa kanilang mga problema sa
pananalapi. Pinipigilan ni Don Lorenzo ang kanyang sarili at ang kanyang hindi mabibili na
mga likha na nakatago sa kanyang studio. Dahil sa sama ng loob ng kanyang mga anak na
babae, gumawa siya ng self-portrait, na sumasalamin sa isang eksena sa Aeniad ni Virgil.
Itinakda laban sa isang nasusunog na lungsod, ang larawan ay nagpapakita ng dalawang
bersyon ng Don Lorenzo--- isa bilang isang binata na puno ng sigla at isa pa bilang isang
matanda sa kanyang paghina. Ang pagpipinta ay isang pagpapahayag ng dalamhati ng isang
pintor sa komersyalisasyon ng kanyang sarili, na kinakatawan ng lungsod na sinira ng apoy.
Isang nalulungkot na si Don Lorenzo ang sumubok na magpakamatay ngunit nabigo. Ang
makinang na pagpipinta na ito ay nagiging pokus ng pagtatalo. Itinuturing ito ni Tony Javier
(Conrad Parham), ang boarder ng Marasigan at ang manliligaw ni Paula, bilang tiket niya sa
kayamanan. Ang mga anak na babae ay lumalaban sa tukso na ibenta ang sariling larawan ng
ama, na maaaring makakuha ng isang maliit na kapalaran, at huwag pansinin ang pamimilit ng
kanilang mga kapatid na itapon ang bahay ng pamilya. Sa huli, isang galit na galit na si Paula
ang nagbunyag ng pakana ni Tony at sinira ang pagpipinta. Ang ginawa ni Paula ay nagsilbing
catharsis--- na nagpapagaling sa pagiging makasarili at sakit sa pamilya. Nagsimula ng bagong
buhay ang mga Marasigan, na magkakasama bilang isang pamilya. Ipinagdiriwang nila ang
kapistahan ng La Naval bilang parangal sa Birhen ng Rosaryo na may isang nostalgic mood,
hindi alam ang nalalapit na banta ng was na magpakailanman na magbabago sa mundo gaya
ng alam nila. Narito ang nakakaaliw na eksena nang si Paula, pagkatapos na tumakas kasama

240
si Tony, ay umuwi matapos mapagtanto ang kanyang mga pagkakamali, sinira ang pagpipinta,
ang bagay ng kasakiman na halos bumalot sa pamilya. Isang alitan ang nangyari sa sandaling
malaman ni Tony na wala na ang painting

Sanggunian: https://www.spot.ph/entertainment/movies-music-tv/77640/iflix-a-portrait-of-
the- artist-as-filipino-citizen-jake-a1174-20190420

Halik sa Kampilan ni Leonardo Ilagan

Ang lakas ng Halik sa Kampilan ay ang pusong isinusuot nito, at tumitibok nang
malakas sa bawat pagtatanghal kapag ang entablado ay binasa ng mapupulang kulay ng mga
nawalang buhay sa Cotabato, Jolo at Lanao. Ang mga tibok ng puso ng mga madla ay
sumasabay sa tunog ng mga agong, kulintang, maindayog na mga dasal, at nakakatakot na mga
panaghoy.Ang pagiging simple nito ay nagbibigay-daan sa mga auteur nito na ilabas ang puso
ng Mindanao mula sa gulo ng mga kalupitan ng gobyerno/militar at mga siglong salungatan.
ang pagtatalo ng Maranao para sa pagkakakilanlan at kalayaan. Ang mga tula, na pangunahing
isinulat sa musika, ay pawang bahagi ng mga musikal na bahagi ng Dulang Kambayoka, Halik
sa Kampilan ng parehong may-akda. Nailagay sa dramatikong tagpuan ng dula, ang mga tulang
ito ay sumasalamin sa kamalayan ng Maranao at ng kanilang pakikibaka para sa isang
nagkakaisa, malayang pamayanan.

HALIK SA KAMPILAN

Leonardo Ilagan

Ang unang tula/awit ang nagsisilbing prologue ng dula. Sa katunayan, ito ang unang
eksenang makakatagpo ng mga manonood sa pagsaksi ng Halik sa Kampilan.

Unang Bilang na Musikal:

“NOONG UNANG PANAHON, MAY ISANG KASAYSAYAN”

241
Noong unang panahon, katuland ng ngayon–

Laganap na laganap ang pag-aapi

Sa mga mahihirap ng mga imbi.

Noong unang panahon, katulad ng ngayon–

Kalayaa’y nasa dibdib lamang ng mga tao

Ni hindi maisagawa pagkat sila’y litung-lito

Ni hindi malaman kung ano ang susundin

Kung gawaing masama o ang sariling damdamin.

Noon unang panahon, katulad ng ngayon…

May isang kasaysayang isinulat sa dugo

Ito’y nangyari na noon, at nangyari ngayon

Sa mga maliliit na baryo’t mga nayon

Sa malayong lupain ng mga Muslim

Kahit may sikat ng araw

Laganap pa ang dilim

May isang kasaysayang isinulat sa dug

“Mga Paang Walang Sapin,

Mga Brasong Bigkis-Bigkis”

“Mga Paang Walang Sapin, Mga Brasong Bigkis-Bigkis” is the fifth musical segment
of Halik sa Kampilan. This poem is written at the beginning of the Act II, Scene I, where the
Maranaos are seen working in the rice fields.

242
Ikalimang Bilang na Musikal:

“MGA PAANG WALANG SAPIN,

MGA BRASONG BIGKIS-BIGKIS”

Mga Lalaki:

Mga paang walang sapin, buong giting na itapak

Sa kabukiran, sa kabundukan,

Sa likas na kayamanan.

Mga Babae:

Mga brasong bigkis-bigkis, taas-noong iwagayway

At ipagdiwang ang kasipagan

Iwaksi ang walang saysay.

Mga Lalaki:

Bayan mo…

Mga Babae:

Bayan ko…

Dalawang Koro:

Lalaya kung magkakaisa…!

243
Ang tulang ito ay mabigat na nakaangkla sa simpleng buhay ng mga Maranao. Ito ay
nagpapakita na sila ay karaniwang kumikita sa pamamagitan ng agrikultural na paraan tulad
ng pagtatanim ng palay. Maaaring ito ang dahilan kung bakit sila masugid at nagseselos sa
kanilang pag-aari ng lupa. Ang likas na yaman ay pinagmumulan ng kayamanan ng mga tao;
at ito ay sa kanilang sariling mga katawan na sila ay masigasig na gumagawa upang
makinabang mula rito.

Ang larawan ng pagtatanim o pag-aani ng palay na ipinahiwatig ng mga imahe ng tula ay


nagmumungkahi din ng mga halaga at mithiin na itinataguyod sa proseso. Ang pagkakaisa,
sipag, at tiyaga ay kailangan upang ang mga magsasaka ay dumaan sa buong proseso ng
pagtatanim ng palay, pag-aalaga sa mga pananim at lupa, at pag-aani ng hinog na ani. Ang
lahat ng mga prosesong ito ay nangangailangan ng kooperasyon at ang pagpayag na
magtrabaho nang maraming oras sa ilalim ng tropikal na araw. Ito, gaya ng isiniwalat ng tula,
ay isang alegorya sa paghahangad ng kalayaan. Ang parehong paraan na ang isang magsasaka
ay gumagawa sa pag-asam para sa kanyang ani, gayundin ang liberty-seeker labor sa pag-asam
para sa kalayaan ng kanyang lupain.

BIGAS

Ang "Bigas" ay matatagpuan sa Act II, Scene II ng dula. Isinasagawa ang musical number
pagkatapos ng eksena kung saan gumagala ang isang bata sa kasal nina Jamail at Fatima na
humihingi ng bigas. Ang mabait na si Bai Subaidah, ang ina ni Jamail, ay dininig ang
kahilingan ng bata at umalis upang kumuha ng kanin para sa bata habang ang lalaking ikakasal
na si Jamail ay tumingin sa pagkakasala habang iniisip niya na habang ang kanyang engrandeng
kasal ay umaapaw sa pagkain, ang kanyang mga tao ay nagugutom.

Ikaanim na Bilang Musikal:

“BIGAS”

Jamail:

Butil ng bigas ay buhay,

Isang munting butil lamang

244
Katumbas namay ay luha at pawis

At dugo ng may puhunan.

Fatima:

Bigas ay biyayang handog

Sa buhay, panulay ng Diyos

May hatid na tuwa’t may dalang galak

Pag-asa ng kinakapos

Jamail/Fatima:

Sa umaga, ang binhi ay itatanim.

Sa tanghali, ang palay ay aanihin.

At sa hapon, ang bigas ay lulutuin

Nang sa gabi, and pamilya’y may makain…

Mga Taumbayan:

Butil ng bigas ay buhay

Isang munting butil lamang

Katumbas naman ay luha at pawis

At dugo ng may puhunan.

Ipinakikita ng tula ang kahalagahan ng bigas sa pang-araw-araw na buhay ng mga


Maranao. Sa katotohanan, ang bigas ay talagang pangunahing produkto ng Pilipinas. Walang
Pilipino, maliban kung siya ay pinipigilan na gawin ito para sa mga medikal na dahilan, ang
magdamag na hindi nakakain ng isang tasang kanin. Ang mga butil ng palay na napakadali,

245
maginhawa, at saganang kainin ng mga tao ay kinuha ang lahat ng pagod, sakit, at pagsisikap
ng mga magsasaka na nagtanim at umani nito.

Ngunit ang pagsusuri sa tula nang mas malalim ay nagtutulak sa isa na matuklasan na
ito ay hindi lamang isang tula tungkol sa bigas. Ang mga butil ng palay ay napakahusay na
sumasagisag sa mga butil ng kalayaan—ang maliliit na pagtatangka, ang mga minutong
paghahangad, ang maliliit na laban na dapat ipaglaban para sa sukdulang kalayaan na makamit.
Upang ito ay makamit, ang mga tao sa bawat henerasyon ay dapat gawin ang kanilang bahagi
sa paghahanap: ang mga sa umaga ay dapat magtanim ng palay (ito ay nauukol sa mga ama na
nagtanim ng mga binhi ng kalayaan), ang mga sa tanghali ay dapat mag-ani ng palay, (ito ay
tumutukoy sa ang mga anak na naglilinang sa katuparan ng mga mithiin ng kalayaan na itinuro
sa kanila), ang mga nasa takipsilim ay kailangang magluto ng kanin (ito ay nauukol sa mga apo
na dapat lumaban, na kailangang subukan ang kanilang sarili at ang mga bunga ng kanilang
ama sa pamamagitan ng apoy ng kapighatian at pag-uusig) at sa wakas, ang mga nasa gabi, ay
kakain ng kanin (ito ay nauukol sa mga apo sa tuhod na makikinabang sa mga digmaang
isinagawa ng kanilang mga ninuno upang makamit ang kalayaan. gutom, ngunit ang mga
kumakain nito ay hindi nakikibahagi sa pagtatanim, pag-aani, at pagluluto.

Ang pagkakatulad na ito ay nagpapakita ng katotohanan ng kalayaan: ito ay hindi isang


magdamag na proseso. Maaaring tumagal ng mga henerasyon at ang mga nagsusumikap para
dito ay mayroon lamang aliw na patuloy na lumaban hindi para sa kanilang sariling kapakanan,
ngunit para sa kapakanan ng mga anak ng kanilang mga anak.

Ang Bayan

Ang pangwalong musical number ng Halik sa Kampilan ay isang tula na itinakda sa


musika na may pamagat na, “Ang Bayan.” Lumilitaw ang tulang ito sa Act III, at ang unang
musical number ng Act. Ito ay isinulat pagkatapos ng kamatayan ni Datu Sabdullah at
nagpapakita ng desperasyon ng mga tao, at ang di-napapatay na espiritu at apoy ni Jamail.

246
Ikawalong Bilang na Musikal

“ANG BAYAN”

Jamail:

Ang bayan ay mananatili sa pagka-alipin

Sa hirap at pagkaapi’t mga suliranin.

Kundi agad masusupil ang gahama’t sukab

Pati magagandang asal, laging nilalabag…

Huwag nating pababayaang tayo ay map

Ng ganid at imbi at kamay na makati…!

Fatima:

Magsama-sama tayo sa pakikibaka

Upang makaahon na tayo sa hirap at dusa.

Jamail/Fatima:

Huwag nating pababayaang tayo ay maapi

Ng ganid at imbi at kamay na Makati.

Mga Taumbayan:

Magsama-sama tayo sa pakikibaka

Upang makaahon na tayo sa hirap at dusa.

Huwag nating pabayaang tayo ay maapi

Ng ganid at imbi at kamay na Makati.

Magsama-sama tayo sa pakikibaka

Upang makaahon na tayo sa hirap at dusa…

247
Sa tulang ito, naudyukan si Jamail matapos ang brutal na pagkamatay ng kanyang ama sa
kamay ng mga sakim na dayuhang negosyante. Nang tumanggi si Datu Sabdullah na ibenta
ang kanyang lupa sa kabila ng mga panawagan at alok ng mga mayayamang tao, gumawa sila
ng mapaminsalang pakana upang makuha ang lupain. Ang dugo ay ang katuparan ng
foreshadowing na binanggit sa unang tula ng dula.

Ang mga aksyon ni Jamail ay nagpapahiwatig ng konsepto ng maratabat ng Maranao.


Ang Maratabat, isang salitang Arabic na pinanggalingan ay nangangahulugan ng pagmamalaki,
ranggo/katayuan o ang paggalang dahil sa ranggo at ito ay “isang napakahalagang salik sa
panlipunang kontrol sa mga Muslim. Sa lahat ng grupong Muslim, ang mga Maranao ay mas
sensitibo sa maratabat. Ipinagpalagay nito ang konotasyon ng “mukha,” pagpapahalaga sa
sarili, pagmamalaki at karangalan” (Darangen, 33). Kapag nalampasan na ang maratabat,
hinihingi ang kabayaran na kadalasang nasa anyo ng karahasan.

ANG HAWLA

Sa wakas, ang huling tula na sinuri para sa pag-aaral na ito ay "Ang Hawla." Natagpuan sa
Scene IV ng Act III, ang tula ay isinulat kasunod ng pagbisita ni Fatima sa silid ng kulungan
ng kanyang asawang si Jamail. Patuloy na tinatanggihan ni Jamail ang mga alok ng
mayayamang lalaki at nasentensiyahan ng pagkakulong para sa mga maling akusasyon ng
pagrerebelde. Siya gayunpaman, ay nananatiling hindi natatakot at ang tula ay isang
paghahayag ng kanyang hindi nakakabit na espiritu.

Ikasiyam na Bilang Musikal:

“ANG HAWLA”

Jamail:

Lahat ng tao ay nakakulon sa isang hawlang

Hindi makikita, tulad mo, tulad ko…

Nang isilang ka, pusod moy’ nakakabit

248
Sa sinapupunan ng iyong ina.

Pusod na siyang tali sa iyong mga pakpak

Lumipad ka man sa malayung-malayo…

Jamail/Fatima:

Nang umibig, ka puso mo’y nakipag-isa

Sa puso ng iyong mahal

Yakap at halik ang silang naging tali

Sa iyong mga pakpak

Lumipad ka man sa malayung-malayo

Dalawang Koro:

Lahat ng tao ay nakakulong sa isang hawlang

Hindi nakikita tulad mo, tulad ko…

Ang ating buhay, hindi natin sarili

Mga nais natin ay hind man lang masabi.

Kawangis natin ay pilay, bukag at pipi.

Hawla mo’t hawla ko’y iisa…

Lahat ng tao ay makakulong sa isang hawlang

Hindi nakikita tulad mo, tulad ko…

Ngunit bakit ba may mga taong

Mas Malaya kaysa sa iba?

Ewan ko…

249
Jamail:

Ngunit bakit nga may mga taong

Mas Malaya kaysa sa iba?

Ang tula ay nagpapakita ng maraming pagpigil o tanikala na maaaring pumigil sa isang


tao, partikular na sa isang Maranao na humawak sa armas. Ang mga kadena na ito ay
ipinahayag na hindi pisikal at Jamail, sa tula ay umaalingawngaw ang mga ugnayan at
koneksyon ng tao na siyang pumipigil sa kanya mula sa kanyang pagkilos ng paghihiganti.

Ang kanyang ina ay isang pagkakatali na humahadlang sa kanya. Sa unang saknong,


inihahalintulad niya ang umbilical chord bilang simbolo ng kanyang koneksyon sa kanyang
ina. Ang isa pang pagkakatali ay kasama ang kanyang asawang si Fatima, sa ikatlong saknong
kung saan inihahalintulad ng persona ang pag-uugnay at pagkakaisa ng mga puso bilang
simbolo ng pagkakatali/pag-uugnay. Dahil sa mga ugnayang ito, pinalalabas ng persona na ang
lahat ng tao ay may kaugnayan sa kanilang mga mahal sa buhay na pumipigil sa kanilang
paghahanap para sa sukdulang kalayaan ngunit ang persona ay naiiwan na magtaka kung bakit
ang ilang mga tao ay tila mas malaya kaysa sa iba.

Ito ay maaaring mangahulugan ng pamamanhid na nakikita sa ilang mga tao sa mga


tuntunin ng paghihiganti o digmaan. Sa pamamagitan ng paghihiganti, inilalagay ng isa ang
mga miyembro ng pamilya at mga mahal sa buhay sa taya. Pangunahin ang mga numerong ito
sa Maranao maratabat bilang ang pinakadramatikong anyo ng paghihiganti na kailangan nito
ay may kinalaman sa karangalan ng pamilya at maaaring magpatuloy sa mga henerasyon
hanggang sa "maalis ang mantsa" (Darangen, 100).

Sanggunian: https://thefourthwallreviewblog.wordpress.com/2017/03/16/the-story-of-the-
maranao-as-told-in-the-poems-of-frank-g-riveras-halik-sa-kampilan-a-cultural-literary-
criticism/

250
Nobela sa Panahon ng Aktibismo

Sa Panahong Ito Naging labis na mapangahas ang mga manunulat sa panahong ito,
hindi lamang sa paksa, kundi maging sa usapan at salitaan ng kanilang mga tauhan sa akda.

Luha ng Buwaya ni Amado V. Hernandez

Luha ng Buwaya o, “Crocodile’s Tear” ito ay nobela


isinulat ni Gawad Palanca at Pilipinong nobelista na si Amado V.
Hernandez. Ito ay binubuo ng 53 kabanata. Ang kwento ay
tungkol sa mga mahihirap na magsasaka na nagkakaisa laban sa
mga sakim na pagnanasa ng kilalang pamilya ng mga Grande. Sa
mga idyoma ng Filipino, ginamit ang “crocodiles” para sagisag
sa mga taong corrupt. Ang “buwaya” (buwaya) sa titulo ay tumutukoy sa pamilya Grandes, na
sakim sa pera. Ang nobela ay tungkol sa mga magsasaka mula sa isang baryo at kanilang
pinuno, sa katauhan ng isang guro sa paaralan, na lumalaban sa pang-aapi at kasakiman. Sa
pamamagitan ng kanilang pagkilos, nasusumpungan ng mga tao ang panibagong paniniwala sa
kanilang mga kakayahan.[3] Sa mas malaking pananaw, ang Luha ng Buwaya ay ang
makatotohanang sagisag ni Hernandez ng sosyo-politikal na krisis na nangyayari sa Pilipinas
noong 1930s hanggang 1950

Luha Ng Buwaya

ni Amado V. Hernandez

Kagagaling ni Bandong, guro sa Sampilong, sa opisina ng Superintendente sa kabisera


ng lalawigan sapagkat tinagubilinan siyang manuparang pansamantalang prinsipal sa kanilang
nayon samantalang nagbabakasyon ang talagang prinsipal, si Maestrong Putin. Dinalaw ni
Bandong si Pina, ang pinakamagandang dalaga sa nayon at anak ni Mang Pablo na pangulo ng
PTA at sinusuyo ni Bandong, upang makipagbalitaan at magpalipad-hangin ukol sa kanyang
pag-ibig. Nalaman ni Bandong na may pabatares sa pagapas kinabukasan sina Mang Pablo. Sa
gapasan, nagin masaya ang mga manggagapas kahit na lumabas si donya Leona Grande, ang
may ari ng pinakamalawak na lupang sakahin sa Sampilong. Napakahigpit na kasama si donya
Leona.

251
Nang ipaghanda sa bahay-asyenda ang dalawang anak ni donya Leona, si Jun na
nagtapos ng medisina at si Ninet na nagtapos naman ng Parmasya, ang mga kasamang babae
at lalaki ay hugos din sa bahay na bato sa pagtulong sa mga gawain at sa pagsisilbi sa mga
panauhin. Naganap sa kasayahang ito ang kaguluhang kinasangkutan ni Andres, isang
eskuwater na nakatira sa pook na tinaguriang Tambakan. Nagawi sa Sampilong si Andres mula
sa Maynila noong panahon ng Hapones sa pagkat natandaang sinabi ng yumaong ina na may
kamag-anakan sila sa Sampilong. Nang matapos ang digmaan, si Andres at ang kanyang mag-
iina ay hindi na nagbalik pa sa Maynila.

Nakilala nang lubusan ni Bandong si Andres nang ipinapasok nito sa grade one ang
anak na sampung taon. Inamuki ni Bandong si Andres na magtayo ng cottage industries sa
kanilang pook ng mga eskuwater ngunit pagkatapos lamang na ayusin at linisin nila ang
kanilang pook. Pumayag si Andres at ang mga eskuwater sa mungkahi ni Bandong. Bumuo ng
isang samahan ang mga magsasaka at si Bandong ang tagapayo nito. Isinumbong ni Dislaw,
ang engkargado at badigard ni don Severo Grande, ang unyon ng mga magsasaka.

Ikinagalit iyon ni donya Leona lalo na nang tanggapin nito ang manipesto ng mga
kahilingan ng mga magsasaka. Tumanggi si donya Leona sa mga kahingian ng mga magsasaka
at ang mga ito naman at tumangging gumawa sa kanilang mga saka. Samantala’y nalinis at
naayos nina Andres ang pook ng mga eskuwater at tinawag nilang Bagong Nayon. Sa tulong
ni Bandong, lumapit sila ni Andres sa Social Welfare Adminitration. Nakailak sila ng pondo
mulsa sa mga kanayon at sinimulan nilang itayo ang kooperatiba ukol sa industriyang
pantahanan.

Ngunit ang Bagong Nayon ay sinimulang kamkamin ni donya Leona. Pagkatapos


kausapin ang huwes ng bayan, isinampa ng mga Grande ang habla at ang ginamit na tanging
ebidensya ay isang lumang dokumento ng pagmamay-ari. Kinasapakat din ni donya Leona ang
alakalde na pinsan ni don Severo at ang hepe ng pulisya na inaanak naman sa kasal ng mag-
asawang Grande.

Lumaban ang mga eskuwater sa pamumuno ni Andres. Ang samahan ng mga


magsasaka at ang kooperatiba ng mga eskuwater ay nagsanib at sa tulong ni Bandong, sila ay
nakakuha sa Maynila ng isang abogadong naging kaibigan ni Bandong noong nag-aaral pa siya
sa Maynila.

Sa isang pagkakataon, nakatagpo ni Andres si Ba Inten na pinakamatandang tao sa


nayon. Sa Pagtatanong ni Andres sa matanda, natiyak ni Ba Inten na si Andres ay apo sa tuhod

252
ng yumaong mabait na Kabisang Resong ng Sampilong. Mayaman sa Sampilong ang nuno ni
Andres ngunit nang mamatay ito ay napasalin sa mga magulang ni donya Leona ang mga aring
lupa nito. Nagawa ng mga Grande na palitawing ibinenta sa kanila ni Kabisang Resong ang
lupa nito bago namatay. Sa pagtatanong ni Andres sa kanilang abogado, nalaman niyang maaari
pa niyang habulin ang lupa at papagbayarin ng pinsala ang mga Grande.

Sa utos ni donya Leona, naigawa ng kasong administratibo si Bandong. Si Dislaw na


karibal ni Bandong kay Pina at si Hepe Hugo ng pulisya ang nakalagda sa sumbong. Nang
dumating ang pasukan, isang bagong prinsipal, si Mr. Danyos, ang dumating sa Sampilong.

Noon sinagot ni Pina si Bandong. Pinagtangkaang halayin ni Dislaw si Pina. Mabuti na


lamang at dumalaw si Bandong na kung hindi naawat ng mga dumalo ay baka napatay si
Dislaw. Sa nangyari, pinaluwas ni donya Leona sa Maynila si Dislaw.

Isang gabi, lihim na ipinahakot ni donya Leona sa mga trak ang mga palay niya sa
kamalig at ipinaluwas sa Maynila upang ipagbili sa intsik doon. Isang umaga nagisnan na
lamang ng Sampilong na nasusunong ang kamalig ng mga Grande. Ibinintang ang pagkasunog
ng kamalig sa mga pinuno ng unyon ng mga magsasaka at sa mga pinuno ng koopertiba ng
mga eskuwater. Salamat na lamang at ang mayordoma sa bahay ng mga Grande, si Iska, ay
nagalit kay Kosme na mangingibig niya at siyang inutusan ng donya na sumunog sa kamalig,
dahil sa hindi siya ang isinama ni Kosme sa Maynila kundi si Cely na kapatid ni Dislaw.
Ipinagtapat ni Iska kay Sedes na asawa ni Andres ang lihim at ipinagtapat naman ni sedes kay
Bandong. Nahuli si Kosme at umamin sa kasalanan. Isinugod pa ni Andres ang paghahabol sa
hukuman sa lupa niyang kinamkam ng mga Grande. Dahilan sa kahihiyang tinamo, hinakot ng
mga grande sa Maynila ang mga kasangkapan at doon na nagpirmi. Sa Maynila , si Donya
Leona ay nagkasakit ng alta presyon at nagging paralisado nang maatake. Si don Severo naman
ay nagkasakit ng matinding insomya. Samantala, napawalang saysay ang hablang
administratibo laban kay Bandong at tiniyak ng Superintendente na siya ang ilalagay na
prinsipal sa Sampilong sapagkat aalisin doon si Danyos dahil sa hindi makasundo ng mga guro
at ng mga magulang ng mga bata. Namanhikan si Bandong kay Pina at may hiwatig na siya ay
ikakandidato sa pagka-alkalde ng kanyang mga kanayon sa susunod na halalan.

Sanggunian: http://www.talkqueen.com/buod-ng-quotluha-ng-buwaya-quot-ni-amado-v-
hernandez-nobela-q104345

253
Tata Selo ni Rogelio Sicat

Ang kwentong Tata Selo Ni Rogelio Sikat ay patungkol sa isang matanda na hinangad
lamang na makapagsaka sa kanilang lupa na naibenta dahil sa nagkasakit ang kanyang asawa.
Nais ni Tata Selo na mapabalik ang lupa nila sa kanila pero dahil sa kawalan ng pera hindi na
ito napabalik sa kanila kaya nakiusap na lang sya kay Kabesa Tano na sya na lang ang magsaka
sa kanyang lupa. Hanggang isang araw na habang nagsasaka si Tata Selo kinausap sya ni
Kabesa Tano na umalis na sa sinasaka nyang lupa dahil may iba ng magsasaka noon. Nakiusap
si Tata Selo ngunit hindi sya pinakinggan ni Kabesa Tano kaya nagawang tagain ni Tata Selo
si Kabesa Tano na syang ikinamatay nito. Kaya nakulong si Tata Selo. Ang maaring maging
layunin ng awtor dito ay ang paglalathala ng isang karanasan na sumasalamin sa buhay ng
isang tao.. Isang karanasan na base sa totoong buhay ngunit sa kaso ni Tata Selo ay mas
pinaniig pa ang akda upang mas maging mahirap at madamdamin sa mambabasa.

Tata Selo

ni Rogelio Sicat

Maliit lamang sa simula ang kulumpon ng taong nasa bakuran ng munisipyo, ngunit nang
tumaas ang araw, at kumalat na ang balitang tinaga at napatay si Kabesang Tano, ay nap no na
ang bakuran ng bahay-pamahalaan. Naggitgitan ang mga tao, nagsiksikan, nagtutulak, bawat
isa’y naghahangad na makalapit sa istaked. “Totoo ba, Tata Selo?” “Binabawi niya ang aking
saka kaya tinaga ko siya.” Nasa loob ng istaked si Tata Selo. Mahigpit na nakahawak sa rehas.
May nakaalsang putok sa noo. Nakasungaw ang luha sa malabo at tila lagi nang may inaaninaw
na mata. Kupas ang gris niyang suot, may mga tagpi na ang siko at tagapayo. Ang kutod niyang
yari sa matibay na supot ng asin ay may bahid ng natuyong putik. Nasa harap niya at kausap
ang isang magbubukid, ang kanyang kahangga, na isa sa nakalusot sa mga pulis na sumasawata
sa nagkakagulong tao. “Hindi ko ho mapaniwalaan, Tata Selo,” umiling na wika ng kanyang
kahangga, “talagang hindi ko mapaniwalaan.” Hinaplus-haplos ni Tata Selo ang ga-dali at
natuyuan na ng dugong putok sa noo. Sa kanyang harapan, di-kalayuan sa istaked,
ipinagtutulakan ng mga pulis ang mga taong gustong makakita sa kanya. Mainit ang sikat ng
araw na tumatama sa mga ito, walang humihihip na hangin at sa kanilang ulunan ay nakalutang
ang nasasalisod na alikabok. “Bakit niya babawiin ang aking saka?” tanong ni Tata Selo.
“Dinaya ko na ba siya sa partihan? Tinuso ko na ba siya? Siya ang may-ari ng lupa at kasama

254
lang niya ako. Hindi ba’t kaya maraming nagagalit sa akin ay dahil ayaw kong magpamigay
kahit isang pinangko kung ano?” Hindi pa rin umaalis sa harap ng istaked si Tata Selo.
Nakahawak pa rin siya sa rehas. Nakatingin siya sa labas pero wala siyang sino mang
tinitingnan. “Hindi mo na sana tinaga si kabesa,” anang binatang anak ng pinakamayamang
propitaryo sa San Roque, na tila isang magilas na pinunong-bayang malayang nakalalakad sa
pagitan ng maraming tao at ng istaked. Mataas ito, maputi, nakasalaming may kulay at
nakapamaywang habang naninigarilyo. “Binabawi po niya ang aking saka,” sumbong ni Tata
Selo. “Saan pa po ako pupunta kung wala na akong saka?” Kumumpas ang binatang mayaman.
“Hindi katwiran iyan para tawagin mo ang kabesa. Ari niya ang lupang sinasaka mo. Kung
gusto mong paalisin, mapaalis ka sa anumang oras.” Halos lumabas ang mukha ni Tata Selo sa
rehas. “Ako po’y hindi ninyo nauunawaan,” nakatingala at nagpipilit ngumiti ng wika niya sa
binatang nagtapon ng sigarilyo at mariing tinakpan pagkatapos. “Alam po ba ninyo dating amin
ang lupang iyon? Naisangla lamang po nang magkasakit ang aking asawa, naembargo lamang
po ng kabesa. Pangarap ko pong bawiin ang lupang iyon, kaya nga hindi po nagbibigay ng
kahit isang pinangko kung anihan. Kung hindi ko na naman po mababawi, masasaktan ko man
lang po. Nakikiusap po ako sa kabesa kangina, “Kung maari akong paalisin. Kaya ko pa pong
magsaka, ‘Besa. Totoo pong ako’y matanda na, ngunit ako po nama’y malakas pa.’ Ngunit...
Ay! tinungkod po niya ako nang tinungkod, tingnan po n’yong putok sa aking noo, tingnan po
n’yo.” Dumukot ng sigarilyo ang binata. Nagsindi ito at pagkaraa’y tinalikuran si Tata Selo at
lumapit sa isang pulis.“Pa’no po ba’ng nangyari, Tata Selo?” Sa pagkakahawak sa rehas,
napabaling si Tata Selo. Nakita niya ang isang batang magbubukid na nakalapit sa istaked.
Nangiti si Tata Selo. Narito ang isang magbubukid, o anak-magbubukid, na naniniwala sa
kanya. Nakataas ang malapad na sumbrerong balanggot ng bata. Nangungulintab ito, ang mga
bisig at binti ay may halas. May sukbit itong lilik. “Pinutahan niya ako sa aking saka, amang,”
paliwanag ni Tata Selo. “Doon ba sa may sangka. Pinaalis sa aking saka, ang wika’y tinungkod
ako, amang. Nakikiusap ako, sapagkat kung mawawalan ako ng saka ay saan pa ako pupunta?”
“Wala na nga kayong mapupuntahan, Tata Selo.” Gumapang ang luha sa pisngi ni Tata Selo.
Tahimik na nakatingin sa kanya ang bata. “Patay po ba?” Namuti ang mga kamao ni Tata Selo
sa pagkakahawak sa rehas. Napadukmo siya sa balikat.

“Pa’no pa niyan si Saling?” muling tanong ng bata. Tinutukoy nito ang maglalabimpitong
taong anak ni Tata Selo na ulila na sa ina. Katulong ito kina Kabesang Tano at kamakalawa
lamang umuwi kay Tata Selo. Ginagawang reyna sa pista ng mga magbubukid si Saling nang
nakaraang taon, hindi lamang pumayag si Tata Selo. “Pa’no po niyan si Saling?” Lalong

255
humigpit ang pagkakahawak ni Tata Selo sa rehas. Hindi pa nakakausap ng alkalde si Tata
Selo. Mag-aalas-onse na nang dumating ito, kasama ang hepe ng mga pulis. Galing sila sa
bahay ng kabesa. Abut-abot ang busina ng diyip na kinasasakyan ng dalawa upang mahawi ang
hanggang noo’y di pa nag-aalisang tao. Tumigil ang diyip sa di-kalayaun sa istaked. “Patay po
ba? Saan po ang taga?” Naggitgitan at nagsiksikan ang mga pinagpapawisang tao. Itinaas ng
may-katabang alkalde ang dalawang kamay upang payapain ang pagkakaingay. Nanulak ang
malaking hepe. “Saan po tinamaan?” “Sa bibig.” Ipinasok ng alkalde ang kanang palad sa bibig,
hinugot iyon at mariing inihagod hanggang sa kanang punong tainga. “Lagas ang ngipin.”

“Lintik na matanda!” Nagkagulo ang mga tao. Nagsigawan, nagsiksikan, naggitgitan,


nagtulakan. Nanghataw na ng batuta ang mga pulis. Ipinasiya ng alkalde na ipalabas ng istaked
si Tata Selo at dalhin sa kanyang tanggapan. Dalawang pulis ang kumuha kay Tata Selo sa
istaked. “Mabibilanggo ka niyan,” anang alkalde pagpasok ni Tata Selo sa kanyang tanggapan.

Pinaupo ng alkalde ang namumutlang si Tata Selo. Umupo si Tata Selo sa silyang nasa harap
ng mesa. Nanginginig ang kamay ni Tata Selo nang ipatong niya iyon sa nasasalaminang mesa.

“Pa’no nga ba’ng nangyari?” kunot-noo at galit na tanong ng alkalde. Matagal bago nakasagot
si Tata Selo. “Binabawi po niya ang aking saka, Presidente,” wika ni Tata Selo. “Ayaw ko pong
umalis doon. Dati pong amin ang lupang iyon, amin po, naisangla lamang po at naembargo.”
“Alam ko na iyan,” kumukumpas at umiiling na putol ng nagbubugnot na alkalde. Lumunok si
Tata Selo. Nang muli siyang tumingin sa presidente, may nakasungaw na luha sa kanyang
malalabo at tila lagi nang may inaaninaw na mata. “Ako po naman, Presidente, ay malakas pa,”
wika ni Tata Selo. “Kaya ko pa pong magsaka. Makatwiran po bang paalisin ako? Malakas pa
po naman ako, Presidente, malakas pa po.” “Saan mo tinaga ang kabesa?” Matagal bago
nakasagot si Tata Selo. “Nasa may sangka po ako nang dumating ang kabesa. Nagtatapal po
ako ng pitas sa pilapil. Alam ko pong pinanood ako ng kabesa, kung kaya po naman pinagbuti
ko ang paggawa, para malaman niyang ako po’y talagang malakas pa, na kaya ko pa pong
magsaka. Walang anu-ano po, tinawag niya ako at ako po’y lumapit, sinabi niyang makaalis
na ako sa aking saka sapagkat iba na ang magsasaka.” “Bakit po naman, “Besa?” tanong ko po.
Ang wika’y umalis na lang daw po ako. ‘Bakit po naman, ‘Besa?’ tanong ko po uli, ‘malakas
pa po naman ako, a.’ Nilapitan po niya ako nang tinungkod.” “Tinaga mo na n’on,” anang
nakamatyag na hepe. Tahimik sa tanggapan ng alkalde. Lahat ng tingin – may mga eskribiyente
pang nakapasok doon – ay nakatuon kay Tata Selo. Nakauyko si Tata Selo at gagalaw-galaw
ang tila mamad na daliri sa ibabaw ng maruming kutod. Sa pagkakatapak sa makintab na sahig,

256
hindi mapalagay ang kanyang may putik, maalikabok at luyang paa. “Ang inyong anak, na kina
Kasesa raw?” usisa ng alkalde. Hindi sumagot si Tata Selo. “Tinatanong ka,” anang hepe.
Lumunok si Tata Selo. “Umuwi na po si Saling, Presidente.” “Kailan?” “Kamakalawa po ng
umaga.” “Di ba’t kinatatulong siya ro’n?” “Tatlong buwan na po.” “Bakit siya umuwi?”
Dahan-dahang umangat ang mukha ni Tata Selo. Naiyak na napayuko siya. “May sakit po
siya?” Nang sumapit ang alas-dose – inihudyat iyon ng sunud-sunod na pagtugtog ng kampana
sa simbahan na katapat lamang ng munisipyo – ay umalis ang alkalde upang manghalian.
Naiwan si Tata Selo, kasama ang hepe at dalawang pulis. “Napatay mo pala ang kabesa,” anang
malaking lalaking hepe. Lumapit ito kay Tata Selo na nakayuko at din pa tumitinag sa upuan.
“Binabawi po niya ang aking saka,” katwiran ni Tata Selo. Sinapok ng hepe si Tata Selo. Sa
lapag, halos mangudngod si Tata Selo. “Tinungkod po niya ako nang tinungkod,” nakatingala,
umiiyak at kumikinig ang labing katwiran ni Tata Selo. Itinayo ng hepe si Tata Selo. Kinadyot
ng hepe si Tata Selo sa sikmura. Sa sahig, napaluhod si Tata Selo, nakakapit sa umipormeng
kaki ng hepe. “Tinungkod po niya ako nang tinungkod...Ay! tinungkod po niya ako nang
tinungkod...” Sa may pinto ng tanggapan, naaawang nakatingin ang dalawang pulis. “Si Kabesa
kasi ang nagrekomenda kat Tsip, e,” sinasabi ng isa nang si Tata Selo ay tila damit na nalaglag
sa pagkakasabit nang muling pagmalupitan ng hepe. Mapula ang sumikat na araw kinabukasan.
Sa bakuran ng munisipyo, nagkalat ang papel na naiwan nang nagdaang araw. Hindi pa
namamatay ang alikabok, gayong sa pagdating ng uwang iyo’y dapat nang nag-uulan. Kung
may humihihip na hangin, may mumunting ipu-ipong nagkakalat ng mga papel sa itaas.
“Dadalhin ka siguro sa kabesera,” anang bagong paligo at bagong bihis na alkalde sa
matandang nasa loob ng istaked. “Doon ka siguro ikukulong.” Wala ni papag sa loob ng istaked
at sa maruing sementadong lapag nakasalampak si Tata Selo. Sa paligid niya’y may natutuyong
tamak-tamak na tubig. Nakaunat ang kanyang maiitim at hinahalas na paa at nakatukod ang
kanyang tila walang butong mga kamay. Nakakiling, nakasandal siya sa steel matting na siyang
panlikurang dingding ng istaked. Sa malapit sa kanyang kamay, hindi nagagalaw ang sartin ng
maiitim na kape at isang losang kanin. Nilalangaw iyon. “Habang-buhay siguro ang ibibigay
sa iyo,” patuloy ng alkalde. Nagsindi ng tabako at lumapit sa istaked. Makintab ang sapatos ng
alkalde.

“Patayon na rin ninyo ako, Presidente.” Paos at bahagya nang marinig ang rehas nguni’t
pinagkiskis niya ang mga palad at tiningnan kung may alikabok iyon. Nang tingnan niya si
Tata Selo, nakita niyang lalo nang nakiling ito. May mga tao na namang dumarating sa
munisipyo. Kakaunti iyon kaysa kahapon. Nakapasok ang mga iyon sa bakuran ng munisipyo,

257
ngunit may kasunod na pulis. Kakaunti ang magbubukid sabagong langkay na dumating at
titingin kay Tata Selo. Karamihan ay mga taga-poblacion. Hanggang noon, bawat isa’y
nagtataka, hindi makapaniwala, gayong kalat na ang balitang ililibing kinahapunan ang kabesa.
Nagtataka at hindi nakapaniwalang nakatingin sila kay Tata Selo na tila isang di
pangkaraniwang hayop na itinatanghal. Ang araw, katulad kahapon, ay mainit na naman. Nang
magdakong alas-dos, dumating ang anak ni Tata Selo. Pagkakita sa lugmok na ama, mahigpit
itong napahawak sa rehas at malakas na humagulgol. Nalaman ng alkalde na dumating si Saling
at ito’y ipinatawag sa kanyang tanggapan. Di nagtagal at si Tata Selo naman ang ipinakaon.
Dalawang pulis ang umaalalay kay Tata Selo. Nabubuwal sa paglakad si Tata Selo. Nakita niya
ang babaing nakaupo sa harap ng mesa ng presidente. Nagyakap ang mag-ama pagkakita.

“Hindi ka na sana naparito, Saling” wika ni Tata Selo na napaluhod. “May sakit ka Saling, may
sakit ka!? Tila tulala ang anak ni Tata Selo habang kalong ang ama. Nakalugay ang walang
kintab niyang buhok, ang damit na suot ay tila yaong suot pa nang nagdaang dalawang araw.
Matigas ang kanyang namumutlang mukha. Pinaglilipat-lipat niya ang tingin mula sa
nakaupong alkalde hanggang sa mga nakatinging pulis. “Umuwi ka na, Saling,” hiling ni Tata
Selo. “Bayaan mo na...bayaan mo na. Umuwi ka na, anak. Huwag ka nang magsasabi...”

“Kinabog kagabi,” wika ng isang magbubukid. “Binalutan ng basang sako, hindi nga halata.”
“Ang anak, dumating daw?” “Naki-mayor.” Sa isang sulok ng istaked iniupo ng dalawang pulis
si Tata Selo. Napasubsob si Tata Selo pagakaraang siya’y maiupo. Ngunit nang marinig niyang
muling ipinapakaw ang pintong bakal ng istaked, humihilahod na ginapang niya ang rehas,
mahigpit na humawak doon at habang nakadapa’y ilang sandali ring iyo’y tila huhutukin.
Tinawag niya ang mga pulis ngunit paos siya at malayo na ang mga pulis. Nakalabas ang
kanang kamay sa rehas, bumagsak ang kanyang mukha sa sementadong lapah. Matagal siyang
nakadapa bago niya narinig na may tila gumigisang sa kanya. “Tata Selo...Tata Selo...”
Umangat ang mukha ni Tata Selo. Inaninaw ng may luha niyang mata ang tumatawag sa kanya.
Iyon ang batang dumalaw sa kanya kahapon. Hinawakan ng bata ang kamay ni Tata Selo na
umaabot sa kanya. “Nando’n, amang, si Saling sa Presidente,” wika ni Tata Selo. “Yayain mo
nang umuwi, umuwi na kayo. Puntahan mo siya, amang. Umuwi na kayo.” Muling bumagsak
ang kanyang mukha sa lapag. Ang bata’y saglit na nagpaulik-ulik, pagkaraa’y takot na bantulot
na sumunod... Mag-iikapat na ng hapon. Padahilig na ang sikat ng araw, ngunit mainit pa rin
iyon. May kapiraso nang lilim sa istaked, sa may dingding sa steel matting, ngunit si Tata
Selo’y wala roon. Nasa init siya, nakakapit sa rehas sa dakong harapan ng istaked. Nakatingin
sitya sa labas, sa kanyang malalabo at tila lagi nang nag-aaninaw na mata’y tumatama ang

258
mapulang sikat ng araw. Sa labas ng istaked, nakasandig sa rehas ang batang inutusan niya
kangina. Sinasabi ng bata na ayaw siyang papasukin sa tanggapan ng alkalde ngunit hindi siya
pinakikinggan ni Tata Selo, na ngayo’y hindi na pagbawi ng saka ang sinasabi. Habang
nakakapit sa rehas at nakatingin sa labas, sinasabi niyang lahat ay kinuha na sa kanila, lahat,
ay! ang lahat ay kihuan na sa kanila.

Sanggunian: http://kingedrah.blogspot.com/2009/03/tata-selo.html

Daluyong ni Lazaro Francisco

Isinulat ni Lazaro Francisco III noong taong 1962 ang


nobelang Daluyong. Tinatalakay din sa nobela ang daluyong ng
mga pagbabagong naganap dulot ng mga reporma sa lupa at ng
pag-asang magkaroon ng maganda at maginhawang
pamumuhay at kinabukasan para sa mga maliliit at mahihirap
na hinahadlangan ng mga mayayaman.Ipinapakita rin sa nobela
ang daluyong ng mga pwersa at kapangyarihan na
humahadlang sa mga pagbabago’t pag-asang ito.Higit sa lahat, ipapakita sa nobela kung ano
ang magiging epekto ng kanilang mga pagpapasya.Kung magdudulot ba ito ng kabutihan o
kaguluhan.

DALUYONG

ni Lazaro Francisco

Nang umagang iyon ng Mayo 21,1955 habang nakaupo sa isang kareta sa ilalim ng
punong kawayan ay pinagmamasdan ni Lino ang kanyang bukid, bukid na hinuhulugan niya
taun-taon. Balo na siya at naisip na ipamana niya ito sa kanyang anak na si Ernesto. Batid niya
na napakalaki ng utang na loob sa mga taong tumulong sa kanya (Padre Amando, Ms. Sachez
at Koronel Roda). Naisip niya na anyong siya ay nakabayad tulungan si Koronel Roda na
paibigin si Ms. Sachez kahit batid niyang huli ay may pagtingin sa kanya. Malapit sa bukid ni
Lino ang bahay nina Huli, mayuming dalaga na nililigawan ni Bidong. Ayaw ng mga magulang
nito sa huli sa kadahilanang ito ay mahirap at sa masamang pagkakakilala rito. Samantala, si
Padre Amamdo ay pinangunahan ang pagbuwag sa sistema ng pakikisama sa sakahan o tenancy

259
system. Maraming mga negosyate ang tumutol ditto at isa na rito si Don Tito. Isang umagang
patungo siya sa bahay ni Ms. Sachez ay kanyang nasalubong ang kanyang kaibigan si Albino,
na katiwala ni Don Tito sa bakahan. Sinabi ni Albino na nais ni Don Tito na gawin siyang
katiwala ng kanyang asyenda. Maruhat at pinuno ng mga bodyguard ni Dr. Benigo Sityar, na
anak nito. Tinutulan ito ni Lino dahil sa nalaman niyang isa si Don Tito sa mga tumututol sa
mga balak ni Padre Amando. Ms. Sanchez ng paanyayahan si Lino sapagkat mananalumpati
ang kanyang anak na si Ernesto. Ngunit nakatanggap ito ng balita sa kanyang kaibigang si
Albino na nanganganib ang buhay ni Bidong. Hindi nakadalo si Lino sa palatuntunan. Sa halip
hinanap niya si Bidong na tumakas sa asyenda ni Don Tito. At nakita buya ang pagtugis at
pagpatay rito. Ang bangkay ni Bidong ay dinala ni Lino sa simbahan at pinagpayuhan siya ni
Padre Amando na huwag maghiganti. Pagkatapos ng libing ni Bidong ay umuwi si Lino kasama
si Albino sa kanyang bukid. At kanilang nakita ang panununog na ginawa ng di kilalang mga
tao. Kanilang tinugis ang mga ito. Samantala, dahil sa pagpunta ni Lino sa usapan nila at
nagpasya si Didang na lumisan na lamang. Nang malaman ito ni Lino, ito ay kanyang sinundan
ngunit hindi niya ito nakita. Si Ms. Sanchez naman ay palubha ng palubha dahil sa hindi niya
pagkita kay Lino. Dahil ditto, hiniling ni Padre Amando na hanapin si Lino at bago mamatay
si Ms. Sachez ay kanyang nasilayan si Lino. VII. Pagsusuri sa Nobela A. Kalagayang Sosyal
at Pangkabuhayan Ang pangunahing tauhan na si Lino ay masasabing nakaaangat sa ibang mga
mamamayan sa Maruhat sa kadahilanang siya’y nagmamay-ari ng lupa na kaloob sa kaniya ni
Pari Amando.Hinuhulugan niya ito sa paraang makakaya niya.Ang mga mamamayan naman
ng Maruhat ay nakararanas ng kahirapan dahil sa panggigipit ng mga mayayamamg may-ari
ng lupa.Samantala sina Pari Amando naman ay masasabing may maalwang buhay dahil
nagmamay-ari siya ng lupain sa Pinyahan.Nagbigay din siya ng lupa kay Lino bilang tulong.
Si Don Tito naman at ang kaniyang pamilya ang maituturing na isa sa mga
pinakamakapangyarihan at pinakamayaman sa kanilang lugar dahil sa malalawak nilang lupain
na galing sa kanilang kabi-kabilang pang-iilit ng mga lupang hindi kayang upahan ng mga
magsasaka.Bukod pa rito,ang kaniyang anak na si Benigno ay nakapag-aral sa
Amerika.Tumakbo rin ito sa pagkagobernador.

Sanggunian: https://pdfcoffee.com/daluyong-5-pdf-free.html

260
Impeng Negro

Isa sa mga pinakasikat na manunulat ng bansa ay si Rogelio Sikat o Rogelio Sicat sa


totoong buhay. At ang kanyang storya na may titulong Impeng Negro ay na-publish moong
1962 at ito ay isang Carlos Palanca awardee. Ang maikling kwento din na ito ay nanalo ng first
prize sa Short Feature Film Category ng 12th Gawad CCP.

IMPENG NEGRO

ni Rogelio Sicat

Si Impen ay madalas na tuksuhin sa kanilang pook dahil sa kanyang panlabas na anyo.


Siya ay anak ng isang Negrong Amerikano at siya ay may mga kapatid na anak ng kanyang ina
sa isang Amerikanong puti, mapuputi ang kanyang mga kapatid kaya ganoon na lamang ang
panunukso ng mga tao sakanya. 

Tuwing aalis si Impen sa kanilang tahanan bilang isang
Agwmador ay madalas siyang pinangangaralan ng kanyang ina na huwag makipag away kay
Ogor. Si Ogor ay kinikilalang hari ng gripo, siya ang nangunguna sa pagtukso kay
Impen. 

Isang araw, habang siya ay nakapila upang mag-igib ay sinubukan nanaman siya
ni Ogor. Pilit na sinisingit ni Ogor ang kanyang balde gayong si Impen na ang sasahod.
Nakiusap si Impen kay Ogor na hayaan na lamang siya matapos ngunit hindi ito pumayag kaya
naisip na lamang niyang umuwi. 

Subalit sa kanyang pag-alis ay pinatid siya ni Ogor kaya
tumama ang kanyang pisngi sa nabitawang balde na nagsanhi ng pagdudugo nito, agad
tumingala si Impen sa kanyang kaaway at tinawag ang pangalan nito. Tumawa lang ng malakas
si Ogor at sinipa pa siya. 

Nagulat si Ogor nang mabilis siyang sipain ni Impen.
Nagpambuno ang dalawa, subalit bigla ang paglakas ni Impen kaya natalo at napasuko niya si
Ogor. Hindi makapaniwala ang ibang Agwador, bakas ang paghanga sa kanilang mga mata. Sa
pagkakataong iyon, pangingilagan na siyang tuksuhin ng mga tao

Sanggunian: https://philnews.ph/2022/04/26/impeng-negro-story-ni-rogelio-sicat-ito-
ang-buod-ng-kwento/

261
Banyaga ni Liwayway Arceo

Banyaga” ni Liwayway Arceo na nagkamit ng Unang Gantimpala noong taong 1961-


1962. Ito ay nakakuha ng 1st Premyo sa taong 1962, sa Carlos Palanca Memorial Awards.
Tinanghal din itong isa sa pinaka-magandang nagawa na maikling kwento sa taong 1962.
Binansagan din itong TEORYANG FEMINISMO ukol narin sa kwnto ng may akda. Tinalakay
sa kwentong ito ang naging damdamin ng isang tagalalawigan. Sa muli niyang pagbabalik sa
kanilang pook ay nadama niya ang kahungkagan sa kanyang sarili. Tila hindi na siya nakikilala
ng sinuman maging ng mga pinakamalapit niyang kamag-anak at mga kaibigan. Ito’y dala ng
mga pagbabagong naganap sa kanyang sarili sa panahong inilagi niya sa maynila ay amerika.

BANYAGA

Liwayway Arceo

"Ka-nayon: Mukhang artista!”, “artista nga ba?”, “artista!!!!!” Mula nang dumating si
Fely kanina ay hindi miminsang narinig ang tanong na iyon na tila ngayon lamang siya nakita.
Gayong umuuwi siya dalawang uli isang taon: kung Araw ng mga Patay at kung Pasko. O,
napakadalang nga iyon, bulong niya sa sarili. At maging sa mga sandaling ito na wala nang
kumikibo at tumitingin sa kanya ay iyon din ang katunayang wari ay nababasa niya sa bawat
matimping ngiting may lakip na lihim na sulyap. Nana ibang: “Serbesa ba kamo, bata ka?”,
Fely: “Hindi naman masama ang amoy nana” At mula sa salamin sa kanyang harapan ay nakita
niya si Nana Ibang sa kanyang likuran. Hinahagod ng tingin ang kanyang kaanyuan. Matagal
na pinagmasdan ang kanyang buhok. Hindi ito makapaniwala nang sabihin niyang serbesa ang
ipinambasa sa buhok niya bago iyon sinuklay. Nandilat si nana ibang ng ulitin niya ng tanong.
Nana ibang: Ibang-iba na nga ang...Lahat!”. Fely: “alam kong iyon din ang sasabihin ni nanay
at tatay kung buhay pa sila”. Nana ibang: “Sino kaya’ng magmamana sa mga pamangkin mo…
matalino”. Fely: “Sinabi ko naman sa Inso… Ibigay na sa akin… papag-aralin ko sa Maynila.
Nag-iisa naman ako. Ang hirap sa kanila… ayaw nilang maghiwa-hiwalay. Kung sinunod ko
ang gusto ni Inang… noon… kung natakot ako sa iyakan…, Noon pa man, alam kong nasa
Maynila ang aking pagkakataon. Sasali ba’ko sa timpalak na ‘yon kung hindi ako
nakkasigurong kaya ko”. Nana ibang: “Pinagpapawisan ka na, a. Ano bang oras sabi ni Duardo
na susunduin ka?”, Fely: “Alas tres daw. Hanggang ngayon ba’y ganoon dito Alas 4 na, Nana
Ibang:“Naiinip ka naba?”. Fely: “Hindi sa naiinip, e. Dapat ay nasa oras ng salitaan. Bakit ay

262
gusto kong makabalik ngayon sa Maynila”. Nana Ibang:“Ano? K-kahit gabi?”, Fely: “Kung sa
Amerika, nakapunta ako at nakabalik nang mag-isa, sa Maynilap a? Ilang taon ba ‘kong wala
sa Pilipinas? Ang totoo…” Biglang nauntol ang kanyang sasabihin nang marinig niya ang
mahinang tatat ni Nana Ibang. At nang tumingin siya dito ay nakita niya ang kulimlim na
mukha nito. At biglang-biglang, dumaan sa kanyang gunita ang naging anyo. Ang walang
malamang gawing pagsalubong sa kanya. At nang siya ay ipaghain ay hindi siya isinabay sa
kanyang pamangkin. Ibinukod siya ng hain, matapos mailabas ang isang maputi at malinis na
kumot na ginawang mantel. Hindi siya pinalabas sa batalan nang sabihin niyang maghuhugas
siya ng kamay, Ipinagpasok siya ng palanggana ng tubig, kasunod ang isa niyang pamangkin
na sa pangalan at larawan lalo niyang kilala sapagka’t patuloy ang kanyang sustento rito
buwan-buwan. Ito ang may dalang platitong kinalalagyan ng isang sabong mabangong alam
niyang ngayon lamang binili. Nakasampay sa isang bisig nito ang isang tuwalyang amoy
moras. At napansin niyang nagkatinginan ang kanyang mga kaharap nang sabihin niyang
magkakamay siya. Wala na siyang balak dumalo sa parangal. Nguni’t naisip niyang ngayon
lamang gagawin ang ganyon sa kanilang nayon. Sa ikalimampung taon ng Plaridel High
School. Parangal sa unang babaing hukom na nagtapos sa kanila. Napakislot pa si Fely nang
marinig ang busina ng isang tumigil na sasakyan sa harap ng bahay. Sa paligid ng kotse ay
maraming mukhang nakatingin sa kanya. Ang pinto ng kotse ay hawak ng isang lalaking nang
mapagsino niya ay Bahagya siyang napatigil ng Makita niya si duardo. Duardo:”Ako nga si
duardo” Nang pagsakay sa kutse ay napatanong si fely bakit hndi siya sumakay sa likod katabi
sa tabi nya. Duardo: “Alangan na a’ata...., Hindi ka ata nagbago, arang mas bata kappa nga
nayon saying d... hndi ka makikita ni monang..”, Fely:”Monang?”., Duardo:”Kaklase natin
nung ika-4 na grado, Kami ang..., bago lang pinanganak pang-anim naming na anak”. Fely: “
Congratulation!” Isinuot niya ang salaaming may kulay. Tila hindi na niya matagalan ang
nakalarawan sa mukha ng mga sumalubong sa kanya. Pagtataka, paghanga. Iwan niya kung
alin. At ng buksan ni duardo ang pinto ng kotse upang makalabas siya ay lalong mas nagtining
ang kawalan ng damdamin kanina pa. At may sumusungaw na luha sa kanyang mga mata. Tila
hndi na niya makilala pa ang pook na binalikan niya.

Sanggunian: https://www.slideshare.net/emeraimahdimaarig/banyaga-akda-ni-liwayway-
arceo-81017087

263
Mga sanggunian:

Sanggunian: geocitiessites/sinupan/BbantaF.htm

dokumen.tips/documents/mga-makata-sa-panulaang-kastila

dokumen.tips/documents/mga-makata-sa-panulaang-kastila

www.kapitbisig.com/philippines/poems-written-during-the spanish-regime-katapusang-hibik-
ng-pilipinas-ni-andres-bonifacio-original text-in-tagalog 939.html

dokumen.tips/documents/mga-makata-sa-panulaang-kastila

Santa Romana-Cruz, Neni (Pebrero 16, 2015). "In Focus: Door to the World of Reading Must
Be Unlocked for All Children". National Commission for Culture and Arts. Kinuha noong
Oktubre 4, 2015.

1 Rodell, Paul A. (2002). Culture and customs of the Philippines. Westport, CT [u.a.):
Greenwood Press. pa. 61. ISBN 0313304157. Kinuha noong Oktubre 4, 2015...the story of
"The Tortoise and the Monkey," a pedagogical story, popularized by Jose Rizal.

1 Stockinger, Johann. "The Tortoise and the Monkey" Universität Wien. Kinuhanoong Oktubre
4, 2015.

↑ "Komiks and Editorial Cartoon" CCP Encyclopedia of Philippine Art. Cultural Center of the
Philippines. Tinago mula orihinal hanggang 2016-03-04. Kinuha noong Oktubre 4, 2015.

"Rizal in France". Jose Rizal website. Jose Rizal University. 2004. Kinuhanoong Oktubre 4,
2015.

Sangunian: http://www.spraguephoto.com/stock-photos/06km437-Day-in-the life-of-a-boy,-


14-year-old-Kun-Nob-collecting-water-from-well.-Kampot Province. Note:-use-in-Scotland-
embargoed-until-March-2009, Cambodia.|14812.jpg

https://www.pinoyedition.com/mga-alamat/alamat-ng-makopa-1st -version/#google_vignette

https://dokumen.tips/embed/v1/ang-alamat-ng-lansones.html

Translated from Rene Alba's "Mga Alamat Pilipino (Para sa Mag aaral)", published 1914 by
Century Publications

https://florante atlaurastory.blogspot.com/2012/05/kabanata-7-ang panganib-sa-


gubat.html?m=1

264
https://docs.google.com/presentation/d/1tVr2IR4SktYic3s989csEDA

9gLVmwRDPeB0HzAaR_JE/htmlpresent

https://en.wikipilipinas.org/view/Salita_at_Buhay ni Mariang Alimango

https://philippineculturaleducation.com.ph/bernardo-carpio/

https://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-legends-mga-alamat -ang-alamat-
ni-bernardo-carpio 329.html/page/0/1u

https://pdfcoffee.com/dula-sa-panahon-ng-kastila-pdf-free.html

https://slidetodoc.com/mga-dula-sa-panahon-ng-kastila-ni-francis/
https://philnews.ph/2020/02/18/walang-sugat-buod-ang-buod-ng-walang sugat-ni-severino-
reyes/ https://pilipinas.bid/2019/09/la-india-elegante-y-el-negrito-amante.html

https://noypi.com.ph/el-filibusterismo-buod-ng-buong-kwento/

https://www.panitikan.com.ph/urbana-at-felisa-buod

Pinagmulan: Rizal, José, 1861-1896. Noli Me Tangere. Maynila: Pambansang Suriang


Pangkasaysayan, 1990.

https://www.scribd.com/doc/283051160/Pagsusuri-ng-Barlaan-at Josaphat-na-iisinalin-ni-
Padre-Antonio-de-Borja

http://booktrek.blogspot.com/2016/07/unforeseen-shadows-ninay -by-pedro.html

https://persigaslicah.blogspot.com/2017/03/si-lopek.html?m=1ni-jose-corazon.html?m=1

https://docs.google.com>htmlpresentsantos.html?m=1

https://www.kapitbisig.com/philippines/poems-written-at-different times-by-various-authors-
ang-magsasaka-tula-ni-julian-cruz balmaceda 1106.html

http://darlyndelasoledad.blogspot.com/2013/06/kinulong-ang bayan.html?m=1

http://cdgonzales.blogspot.com/2011/07/sampaguita-dolores-paterno 1879.html?m=1

https://www.musixmatch.com/lyrics/Himig Heswita/No-Mas Amor-Que-el-Tuyo-Spanish-


Version/amp

265
https://www.lyricswrld.com/2021/10/lupang hinirang-lyrics philippine.html?m=1 "Lupang
Hinirang | Shortpedia"

http://shortpedia.net/view_html.php?sq=1972_in_India&lang=t&q=Lupang Hinirang

santiago-lyrics-ang-site-na-nagbibigay-ng-pinaka-kumpletong-mga-chords

ng-musika/

https://www.academia.edu/37445509/Maikling kwento sa panahon ng amerikano

www.google.com/pirang-panday

https://www.scribd.com/document/KAHAPON--NGAYON-AT BUKAS

https://www.philnews.ph/walang-sugat

https://www.scribd.com/document/TANIKALANG-GINTO

https://teksbok.blogspot.com/2013/02/maganda-pa-ang daigdig.html

https://www.goodreads.com/en/book/show/1674667.Dugo sa Bukang Liwayway

https://www.academia.edu/25389066/Pagsusuri ng nobelang Nena at Neneng

https://www.slideshare.net/Davis 1304/pinaglahuan-45528215

Tutubi (Haiku / Mailkling Tula) (tagaloglang.com)

Kabibi ano ka ba May perlas maganda ka Kung idiit sa taynga Nagbubuntung hininga | Course
Hero

Pag-ibig Tula ni Teodoro Gener | Philippines: KapitBisig.com

Ang Tula Noong Panahon Ng Hapon - PDFCOFFEE.COM

Ako ang Daigdig - HARAYA (tumblr.com)

http://www.plarideljournal.org/wp-content/uploads/2017/12/2017-02 -Navarro_layout-
file.pdf

https://journals.upd.edu.ph/index.php/humanitiesdiliman/article/download/7110/6205

http://www.plarideljournal.org/wp-content/uploads/2017/12/2017-02 -Navarro layout-file.pdf

266
http://www.plarideljournal.org/wp-content/uploads/2017/12/2017-02 -Navarro_layout-
file.pdf

https://pdfcoffee.com/sa-pula-sa-puti-8-pdf-free.html

https://upreplib.tripod.com/dahil sa anak.htm

https://kupdf.net/download/sino-ba-kayo-julian-cruz-balmaceda pdf

https://upreplib.tripod.com/dail_sa_anak.htm

https://kupdf.net/download/sino-ba-kayo-julian-cruz-balmaceda_pdf

http://kadipanvalsci.blogspot.com/2010/12/uhaw-ang-tigang-na-lupa-ni-liwayway.html?m=1

https://www.scribd.com

https://philnews.ph/2021/02/10/lupang-tinubuan-aral-at-mensahe-maikling-kwento/

https://jrp91.blogspot.com/2011/05/daluyong.html?m=1

https://proudpinoy.ph/nobela/mga-ibong-mandaragit-buod-buod-ng-mga-ibong-mandaragit/

http://kadipanvalsci.blogspot.com/2010/12/uhaw-ang-tigang-na-lupa-ni-liwayway.html?m=1

https://studocu.com/ph/document/tarlar-state-university/elementary-education/ang-igorota-sa-
baguio-maikling-kwento/20215473

https://www.coursehero.com/file/p6j1smq/MGA-HALIMBAWANG-NOBELA-SA-
PANAHON-NG-HAPON-BUOD-NG-TATLONG-MARIA-ni-Jose/

Gabay ng Mag aaral: Luha Ng Buwaya (teksbok.blogspot.com)

https://buglas-writers.medium.com/mga-duguang-plakard-ff882e32f710

"Ang Burgis Sa Kanyang Almusal Ni Rolando Tinio | PDF"


https://www.scribd.com/doc/240537881/Ang-Burgis-Sa-Kanyang-Almusal-ni-Rolando-Tinio

"Ang Bungi Ni Ani | PDF" https://www.scribd.com/document/451828738/ang-bungi-ni-ani

Isagani Cruz. “Rolando Tinio’s Valediction sa Hillcrest.”


http://isaganicruz.wordpress.com/2009/03/07/rolando-tinios-valediction-sa-hillcrest/

267
[2] Lumbera, Bienvenido. “Ang Pagtulang Bagay: Paghulagpos sa “Luma,” Pagtakas sa
“Bago”.

"Pag-uulat sa Panitikang Pilipino 202: Rolando Tinio | *Piyesa*"


https://piyesanimayeth.wordpress.com/2015/02/13/pag-uulat-sa-panitikang-pilipino-202-
rolando-tinio/

Almario, V. (200entimental: Mga Tula ng Pag-ibig, Lungkot at Pogisig city, Phillppines. Anvil

Publishing, Inc.

https://wwW.upd.edu.ph/updinfolactnavdec08/articles/almaiokhtra noong Setyembre 26,

2017. 2:30 n.h.

https://www.scribd.com/dor/25007821/dekada.-70-pagialuhá noong Setyembre 25, 2017.

11:00 n.g.

https://wW.merriam-webster.com/dictionary/sentiMabobtia no0ong Setyembre 25, 2017.


11:00

http://kuf-govph/wp-content/uploads/2016/04/RomualNakytuti noong Oktubre 04, 2017.


09:02

https://www.tagalogshortstories.net/rogelio-sikat---tata-selo.html

https://www.tagalogshortstories.net/rogelio-sikat---tata-selo.html

https://www.tagalogshortstories.net/efren-abueg--ang-kamatayan-ni-tiyo-samuel.

htmlhttp://leeannkiaespina.blogspot.com/2013/11/banyaganiliwaywayarceo.

html?m=1https://www.scribd.com/doc/258025864/Pagsusuri-Dugo-Sa-Bukang-Liwayway

https://m.youtube.com/watch?v=5ETkum-TunI

https://m.youtube.com/watch?v=GuMD89Kq-kI

https://m.youtube.com/watch?v=GuMD89Kq-kI

https://m.youtube.com/watch?v=0mop3uM_u6I

https://m.youtube.com/watch?v=0mop3uM_u6I

https://www.spot.ph/entertainment/movies-music-tv/77640/iflix-a-portrait-of-the-

268
https://thefourthwallreviewblog.wordpress.com/2017/03/16/the-story-of-the-maranao-as-told-
in-the-poems-of-frank-g-riveras-halik-sa-kampilan-a-cultural-literary-criticism/

http://www.talkqueen.com/buod-ng-quotluha-ng-buwaya-quot-ni-amado-v-hernandez-
nobela-q104345

http://kingedrah.blogspot.com/2009/03/tata-selo.html

https://pdfcoffee.com/daluyong-5-pdf-free.html

https://philnews.ph/2022/04/26/impeng-negro-story-ni-rogelio-sicat-ito-ang-buod-ng-kwento/

https://www.slideshare.net/emeraimahdimaarig/banyaga-akda-ni-liwayway-arceo-81017087

269
Pangkat 1

Barias, Joshua Miguel M.


Melcio, Leo D.
Ocmer, Dave Eric B,
Anzano, Iris M.
Enciso, Janine M.
Frejas, Jeany Mel N.
Grageda, Dave Vian N.
Legaspi, Irish Mae
Magdaong, Nelly L.
Manjares, Chedi Ann B.
Mendoza, Noemi A.
Navarro, Eden Marie R.
Orande, Angela
Oriel, Erica Mae C.
Orlain, Mary Anne N.
Paloyo, Aivie M.

270

You might also like