You are on page 1of 29

Mga Makata at

Akda
sa Panahon ng
Kastila
Fernando
Bagongbanta

Siya ang tumulong kay Padre Blancas de San


Jose sa pagpalilimbag ng Artes y Reglas. Ang
tula niyang natuklasan ng mga mananaliksik
ay ang "Salamat nang Walang Hanggan". Isa
rin sa kaniyang tula ay ang parangal kay Padre
Blancas de San Jose.
Salamat nang walang hanggan
gracias se den sempiternas
sa nagpasilang ng tala
al que hizo salir la Estrella
nacapagpanao nang dilim
que destierre la tinieblas
sa lahat na bayan natin
de todo esta nuestra tierra
Cecilio Apostol

Siya ay isang pangunahing makata,


mananaysay, tagasalin, at editor sa wikang
Espanyol. Noong 1899, sumama siya sa La
Independencia na itinatag ni Antonio Luna.
Nakasulat siya ng pahayagang nasyonalistiko
tulad ng La Patria, La Fraternidad, La
Democracia, El Renacimiento, at La Union.
Padre Francisco
de Buencochillo

Siya ay isang paring Agustino at siya ang


unang paring nag-aral mg panulaang Tagalog.
Ang kanyang akdang "Ang Arte Poetico
Tagala ay natagpuan ni Wenceslao Retana at
ipinalimbag sa Madrid noong 1896. Sa akdang
ito'y inilahad ng padre ang sininng ng pantigan
at aliw-iw ng tulang Tagalog.
Pedro Suarez Osorio

Isang Filipino na nagmula sa Ermita Maynila.


Siya ay isa sa mga makatang ladino na
nagsulat at naglathala ng tula. Ang kanyang
tulang "Salamat Nang Ualang Hoyang" ay
nalathala sa aklat na "Explicacion de la
doctrina christiana en lengua tagala" ni Padre
Alonzo de Santa Ana. Ginamitan niya ito ng
dalit, o may sukat na wawaluhin at ng
panawagan bilang estratehiyang panretorika.
Ngunit bilang isang tulang papuri sa libro ng isang
misyonero, taglay ng pagtula ni Ossorio ang kalatas at paraan
ng pahayag na inumpisahan ni Fernando Bagongbanta. Tigib
ito ng lantarang paghanga sa ginawa ni Alonzo de Santa Ana
at ng adhikang ipabása ito sa mga Tagalog upangmaging
mabuting Kristiyano.
Tomas Pinpin
Itinuturing na "Ama ng Paglilimbag" dahil
siya ang unang nakilala na manlilimbag
noong ipinasok ng mga Espanyol sa
Pilipinas ang imprenta. Siya ay isang
makatang ladino at makikita ito sa kanyang
libro na pinamagatang, "Librong
pagaaralan nang manga Tagalog nang
uicangCastila" (1610). Ito ang unang aklat
na inilimbag at isinulat ng isang Filipino.
Bukod dito, ipinangalan din sa kaniya ang paglilimbag sa
Vocabulario Tagalog (1613) ni Fray Pedro de San
Buenaventura, Relacion Verdadero del Insigne y excelente
Martyrio(1623) ni Fray Melchor de Manzano, Virgen San
Mariano (1623) ni Fray Juan de los Angeles, Relacion de
Martirio (1625) di-kilala ang awtor, Relacion Verdadero y
Breve de la Persecucion ymartyrios(1625) ni Fray Diego de
San Francisco, at marami pang iba.
Fernando Marie Guerrero
Siya ay kilala rin sa mga sagisag-panulat na Artistipo,
Augusto,Belisario, Rosas, Bellik- en, Efrain, Erasmo,
Ferdy, Flavio Graco, Florestain, Flo risel, FluvioGil, Gil
Rosas, Hector, Isagani, Kiko Kuku, Lakan-Dula,
Luciano, O’Fredann, Oscar, Othello, Ra- dames, Romeo,
Tristan, at Virgilio. Siyá ay isang makata, mananaysay,
abogado at poliglotona naging mahalagang bahagi ng
ginintuang panahon ng panitikang Español sa Filipinas
mula 1890 hanggang 1940.Tinagurian siyang Prince of
Philippine Lyric Poetry
Siyá ang El Maestro sa henerasyong iyon ng mga makatang
Filipino na tumugon sa kolonyalismong Americano sa pagsulat
ng mganasyonalistiko ng tula sa wikang Español. Kahit
dalubhasa sa wikang Español, naniniwala siyána ang panitikang
Filipino ay maisusulat lámang sa wikang pambansa. Ang
kaniyang mga tulaay inilathala sa dalawang koleksiyon:
Crisalidas noong 1914 at ang postumong Aves y flores noong
1971.
Jesus Balmori
Itinuturing na isa sa pangunahing makata ng
Filipinas sa wikang Español, halos buong búhay
ni Jesus Balmori ay nagugol sa pagsusulat.
Kilala din siyá sa alyas na “Batikuling”
naginamit sa pagsulat ng kolum na “Vida
Manileña” sa La Vanguardia na nagtatanghal sa
buhayFilipino sa nakatatawang paraan bago
magkadigma.
Sumulat din siyá ng mga nobela, ang Bancarrota de Almas,
Se Deshojo la Flor, at Pajarosde Fuego. Natapos ang
ikatlong nabanggit sa panahon ng pananakop na Hapones.
Sa panahon ding ito itinanghal ang ilang dula niya sa Es-
pañol.
Mga Uri ng Tulang
nalimbag sa
Panahon ng Kastila
Dung-aw
Ang Dung-aw ay isang makalumang tula ng mga Ilokano at mga Igorot. Ito’y isang
paawit na inaawit nilang panaghoy ng isang namatayan. Ito ay katumbas ng
panambitan ng mgaTagalog. Inaawit ito samantalang nakaburol ang patay. Sa awit
ay binabanggit ang mga kabutihan ng taong pumanaw. Ang “Dungaw-aw” ay may
malayang taludturan
Kantahing Bayan
Ito ay totoong laganap sa Pilipinas. Bago pa lamang dumating ang mga Kastila’y
mayroon nang mga awiting bayan ang mga Pilipino at ang mga ito’y isinalin nilasa
mga sumusunod na salin ng lahi. Nang dumating ang mga Kastila’y lalo pang
nadagdagan ang mga kantahing bayan ng mga Pilipino. Ang mga ito ay nagpapahayag
ng mga damdamin,kaugalian, hanap-buhay at paniniwala ng mga Pilipino. Ang mga
kantahing bayan ay bunga ng kulturang Silangan at Kanluran. Ilan sa mga halimbawa
nito’y ang mga sumusunod:
1. Kundiman - Awit ng pag-ibig; Nasaan ka Irog
2. Panghehele ng Bata -(Pangasinan) “Oh, Santo Tomas Hapalaska”
3. Balitaw - Awit sa panghaharana (Bisaya)4. Panghahanapbuhay -
(Tagalog) “Magtanim Hindi Biro”
5. Paninitsit -(Pampango) “O Kaka O Kaka”
6. Colado - (Tagalog) Awit sa mga taong hindi inaanyayahan sa
kainan
7. Panunukso - (Tagalog) Awit ng mga bata kung nagtutuksuhan
8. Pangangaluluwa - (Tagalog) Awit sa araw ng mga patay
9. Panunuligsa - (Tagalog) Awit laban sa mga babaeng masasagwa
10. Pananapatan - (Tagalog) Panghaharana sa Tagalog. Awit ng mga
binata sa dalang pinipintuho.
metrical romance-tulasinta

Ito ay tulang pasalaysay na mahirap makilala ang kaibahan sa epiko. Ang uri ng
tulangito ay lumaganap sa Europa sa pagitan ng ika-11 at ika-14 na dantaon. Ito ay
dinala sa ating bansa ng mga Espanyol. Ito ay tula ng kasaysayang walang gaanong
banghay at binubuo ng mgakabanatang tumutukoy sa pakikipagsapalarang puno ng
mga hiwaga at kababalaghan. Ang mga pangunahing tauhan dito ay karaniwang
nabibilang sa lipi ng mga maharlika at nagiging isang bayani.
ang corrido

Ayon kay Trinidad P. H. Tavera, ang salitang “corrido” ay nanggaling sa


salitang“currido” ng Mchiko na nanggaling naman sa Kastila. Ang salitang
“currido” aynangangahulugan ng kasalukuyang mga balita sa Mchiko. Dito sa
Pilipinas ang “currido” ang nangangahulugan ng tulang tuluyan tungkol sa
katapangan, kabayanihan, kababalaghan, at pananampalataya ng mga tauhan.
Ang mga paksa ng “currido” ay walang nakasulat ng may akda.
Ang mga manunulat ng corrido ay sina Jose de la Cruz, (Joseng Sisiw), Ananias
Zorilla,at Francisco Baltazar. Ang mga sinulat nilang “corrido” ay ang mga
sumusunod:
1. Ibong Adarna
2. Don Juan Tinoso
3. Doce Pares de Francia
4. Rodrigo de Villa (ni Jose dela Cruz
5. Bernardo del Carpio (ni Jose dela Cruz)
6. Dona Ines ni Ananias Zorilla
7. Ang Haring Patay
8. Principe Orentis
Ang corrido ay naging popular na awitin noong ika-19 na
raang taon ayon sa mga sumusunod na kadahilanan.
1. Ang mga tao’y kulang sa mga babasahin, libangan, at
panoorin. Walang nakapagbibigay ng
interes sa kanila.
2. Ang kumite de Censura noon ay walang pinapayagang
babasahin kung hindi tungkol lamangsa pananampalataya.
3. Ang mga ibang panoorin gaya ng Comedia ay kung pista
lamang ng bayan pinalalabas.
4. Sapagka’t ang mga “corrido” ay tungkol din sa
pananampalataya, ang simabahan at mgakawani sa
pamahalaan ay tumutulong nang lubusan mapalaganap ang
mga ito.
ang awit

Ang “corrido” at ang awit ay magkatulad ng paksa. Ang pagkakaiba lamang ay


ang awit ay binubuo ng 12 pantig bawat taludtod samantalang ang “corrido”
ay 8 pantig lamang.Parehong batay sa mga “metric tales” ng Europa, ang mga
buod ay naaayon sa kakayahan, pananaw, at panlasa ng mga sumulat, kapwa
nagsisimula sa panalangin. Kung awitin ang “corrido” ay mabilis samantalang
ang awit ay madalang.
Ang mga sumusunod ay mga popular na awit:
1. Florante at Laura
2. Donce Pares sa Kaharian ng Pransiya
3. Salita at Buhay ni Segismundo
4. Bernardo Carpio
5. Principe Florino ni Ananias Zorilla
6. Si Don Juan Tenorio
7. Principe Igminio
dalit

Ang dalit ay isang uri ng tulang liriko na karaniwan ay


pangrelihiyon. Isinusulat ito parasa layunin ng papuri, pagsamba o
panalangin, at karaniwang ipinaparating sa Diyos, sa isangkilalang
tao o maliwanag na ehemplo. Ito rin ay may kahalong pilosopiya
sa buhay.
epiko

Ito ay isang uri ng tulang pasalaysay na kung saan


ikinukwento ang isang seryosong paksa na mayroong mga
detalye ng kabayanihang gawa at mga makabuluhang
kaganapan saisang kultura o bansa.
balagtasan

Sa isang pulong na dinaluhan ng mga makata sa Instituto de Mujeres sumilang ang uringito
ng panulaang Tagalog. Ang kauna-unahang balagtasan ay pinaglabanan ng mga makatang
sina Jose Corazon de Jesus at Florante T. Collantes na may paksang “Paruparo at
Bubuyong.” Ang naging lakandiwa sa pagtatalong ito ay si Lope K. Santos. Si Jose Corazon
de Jesus ang tumayong Paruparo at si Collantes naman ang bubuyog. Si Sofia Enriquez
naman ang siyangnaging Kampupot o Bulaklak ng Kalinisang pinag-aagawan ng dalawa. Si
Jose Corazon de Jesusang kinilalang unang naging Hari ng Balagtasan
MARAMING SALAMAT

You might also like