You are on page 1of 28

Ang mga Kumedya o

Moro-Moro

;
Kumedya

 ay
isang matandang dulang Kastila na naglalarawan ng
pakikipaglaban ng Espanya sa mga Moslem (Moro) noong
unang panahon nang ang huli ay lumusob at nanakop sa
bahaging timog ng Espanya.
Kumedya

Nang manakop ang mga kastila sa Pilipinas, ang dulang


"kumedya" ay lipas na sa Espanya, ngunit nakatunggali nila
ang Malay na Mahometano sa Holo at Mindanaw,; dahil sa
relihiyon ng mga Mahometanong ito, sila ay tinawag na
"moro" ng mga Kastila, gaya ng pagkatawag nila sa mga
Moslem na Arabe sa Espanya, noong araw.
Kumedya

Noong 1637, bilang pagdiriwang sa pagiging Kristiyano ng


hilagang Mindanaw, si Fr. Jeronimo Perez ay sumulat ng
isang "kumedya" na ang pamagat ay "Guerras Piraticas De
Filipinas.".
Ang "kumedya" ay nakalugdang libangan ng mga Pilipino at
naging palasak sa tawag na "moro-moro"
Ikalawang komedya

 Isinulatng ibang pari noong 1750, bilang pagdiriwang sa


pagiging kristiyano ni Ali Mudin, sultan ng Holo.
 Pagkatapos nito’y lumaganap na ang "moro-(moro" at
ipinalagay na walang pista o pagdiriwang ang buo kung
walang "moro-moro" sa plasa.
 Ang mga dulang ito ay mahahaba, mula sa maghapong
pagtatanghal hanggang sa apat o limang araw.
Banghay ng dulang “moro-moro”

 Isangprinsesang Kristiyano o anak ng isang maginoo ay


nabibihag ng mga Moro.

 Ang karamihang sumulat ng mga "moro-moro" ay pari, ngunit


sa bayan-bayan ay may mga manunulat na di gaanong kilala.

 Huseng Sisiw at Francisco Baltazar ay napatanyag dahil sa


isang "moro-moro" na kanilang sinulat.
Ang “Urbana at Feliza”
 Ang mga Pilipino noong panahon ng Kastila ay may

apat na kinagiliwan, sa panig ng panitikan:


(a) ang mga "moro-moro",
(b) ang "Pasyon",
(c) ang "Urbana at Feliza" at
(d) ang “Florante at Laura”
Ang “Urbana at Feliza”
 Ang sumulat nito ay si Presbitero D. Modesto
de Castro.
 Ipinanganak sa Binyang, Laguna noong
unang hati ng ika-19 na dantaon.
 Nag-aral siya sa Colegio Real de San Jose,
naging Kura sa Catedral ng Maynila at
pagkatapos ay sa Naik, Kabite.
 Sa pamamagitan ng “Urbana at Feliza” ay
natagurian siyang “Ama ng Tuluyang
Klasika sa Tagalog”
Ang “Urbana at Feliza”
 Ang buong pamagat nito ay “Pagsusulatan
nang Dalawang Binibini na si Urbana at si
Feliza”.
 Urbana

- Nakakatandang kapatid
- nag-aaral sa Kolehiyo ng mga babae sa
Maynila.
 Feliza

- nakatira sa lalawigan.
Ang “Urbana at Feliza”
 Urbana

-Ang mga liham ni Urbana ay puno ng


pangaral sa kanyang kapatid hinggil sa kung
ano ang dapat ugaliin sa iba't ibang
pagkakataon.
-Binabanggit niya ang mga
tukso at panganib sa landas ng kabataan at
sinasabi kung papaano mailagan ang mga
ito.
Ang “Urbana at Feliza”
-Ang mga pangalan ng mga tauhan sa "Urbana at Feliza" ni P.
Modesto de Castro ay sagisag ng mga aral na nais maparating ng
sumulat sa mga mambabasa.

-Ang pangalang "Urbana" ay sagisag ng Urbanidad o kabutihang


asal (good manners).

-Ang pangalang "Feliza" ay galing sa Kastilang "feliz" (maligaya)


at ang sinasagisag ay ang kaligayahang natatamo dahil sa
pagpapakabuti at pagkamasunurin.

-Ang pangalang "Honesto" ay sagisag ng kalinisang-budhi at


karangalan.
 Sinabini P. Modesto de Castro sa aklat na kung ang mga aral ng kanyang
"Urbana at Feliza" ay pakikinabangan ng mga tao:
"Ang uiuicain co,i, pinapalad aco at ang cahalimbaua co, i, nagsabog nang
binhi, ay ang tinamaan co ay mabuting lupa.
"At sa quinacamtang cong toua ang nacacaparis co,i, isang magsasacang
cumita nang alio, uupo sa isang pilapil, nanonood ng kaniyang halaman at
sa kaniyang palayan na parang inaalon sa hihip nang hangin, at sa bungang
hinog na anaqui butil na guintong nagbitin sa uhay, ay cumita nangsaya.
“Munti ang pagod co, munti ang puyat co; at palibhasa, i, capus na sa
lakas na sucat pagcunan, nguni ang paquinabang, co sa pagod at puyat ay
na ibayuhan”
Ang mga Dalit kay Maria

Sa mga lalawigan ng Bulakan, Bagong Esiha, Rizal, Laguna, Kabite, Batangas,


Quezon, Marinduke at Mindoro, ay ugali hanggang ngayon kung buwan ng
Mayo, ang mag-alay ng bulaklak sa Mahal na Birhen at sabayan ang pag-aalay
na to ay pag-awit ng mga dalit na handog sa Birheng Maria. Ang mga daliti na
ito ay Binulat ni P. Mariano Sevilla na sumilang sa Tondo noong Nobyembre 12,
1832, at nabuhay nang mahabang panahon hanggang sa panahon ng mga
Amerikano.
Ang mga Dalit kay Maria
Noong 1865 ay humalaw siya sa mga awit na Italyano n Muzzarelli, "I Mese de
Maggio" (Ang Buwan ng Mayo). Ang mga halaw ni P. Sevilla ay pinamagatang
"Flores de Mayo” at siyang naging gamitin ng maraming tao kung buwan ng
Mayo. Ang mga sumusunod ay ilang bahaging naisaulo ng maraming tao:

Mula sa unang imno:

Matamis na Virgeng pinaghahandugan,


cami nangangaco naman pong mag-alay
nang isang guirnalda bawa't isang arao
at ang magdudulot yaring murang camay.
Ang mga Dalit kay Maria
Coro:
Tuhog na bulaklak sadyang salit-salit
sa mahal mong noo'y aming icacapit,
lubos ang pag-asa't sa iyo'y pananalig
na tatangapin mo handog na pagibig.

Mula sa ikalawang imno:


Halina at magsidulog
cay Mariang Ina ni Jesus
at ina ng tanang tinubos
nitong poong Mananacop;
sintahin nati't igalang
yamang siya'y ating Ina,
Ang mga Dalit kay Maria

Coro:
Halina't tayo'y mag-alay
nang bulaclac cay Maria,

Mula sa "Dalit".
O Mariang sacdal dilag!
dalagang lubhang mapalad,
tanging pinili sa lahat
nang Dios Haring mataas,
Ang mga Dalit kay Maria

Coro

Itong bulaclac na alay nang aming pagaintang tunay palitan mo Virgeng mahal,
nang toua sa calangitan.
Mga Unang Tulang Tagalog
 Bago dumating ang mga Kastila ay mayroon nang iba't ibang
pamamaraan ng pagtula sa iba't ibang wika sa Kapu-luan, ngunit
ang pagkakasakop ng mga Kastila at ang pagyakap ng mga tao sa
relihiyong Kristiyano ay nakapagpatigil sa diwang pampanitikan
hanggang sa tong 1610. Sa taong ito ay nilimbag na kasama sa
"Librong pag-aaralan nang manga Tagalog ng wicang Castila" ni
Tomas Pinpin ang isa niyang tulang may kahalong Kastila, sa
hangad a maituro ang wikang ito.
Mga Unang Tulang Tagalog
“O ama con Dios nang mangyari ito
O gran Dios mi padre porque estose ecabe
Tolongan mo aco at icao ang purihin
quered ayudarme; y a vos os alaben
amponin mo aco
sedme favorable;
 Kasabay ni Tomas Pinpin si Fernando Bagongbanta. Ang dalawa ay
ipinalalagay na kauna-unahang mga makata sa Panahon ng mga Kastila. Ang
sumusunod ay sinulat ni Bagongbanta. Pansining mayroon ding mga taludtod
na Kastila.

"Salamat nang ualang hanga macapagpanao nang dilim


gracias se den sempiternus, que desterro las tinieblas
na nagpasilang nang tala sa lahat nang bayan natin
al que hizo salir la estrella; de toda nuestra tierra
 Ang isa pang maipalalagay na unang makata sa panahong yaon ay si Pedro
Suarez Ossorio, na taga-Ermita, Maynila. Ang kanyang tulang binabanggit
dito ay inilimbag na kasama ng "Doctrina Christiana" ni Fr. Alonzo de Sta.
Ana noong 1617.

"Salamat nang ualang hoyang “Icao paraluman namin


Sa iyo Dios con maalam Ang sucat nga naming sundin
Nitong iyong auang mahal Hanggang di cami dumating
Sa aming catagalogan. sa lalauigang mahimbing.
 Sinasabing ang kahulugan ng "walang hoyang" ay "walang maliw".
"walang katapusan". Ang dating kahulugan ng "paraluman" ay "Diyos" o
"espiritu". Ang "alawigang mahimbing" ay "libingan" o "Kabilang
buhay“.
Mga Unang “Tunay” na Makata
 Ang karangalan ng pagka-unang “tunay na makata", ayon sa mga
mananaliksik, ay ibinibigay kay Phelipe de Jesus na taga-San
Miguel, Bulakan. Ang kanyang tulang ipinalalagay na may
katangian ng tunay na tula ay inilathala noong 1708.
"Ybong camunti sa pugad “Loob ninyong masilacbo
sa inang inaalagad parang ningas alipato
ay dili macalipad hangan sa alapaap ang tongo
sa di magcapacpac. ay bago hamac na abo.”
Ang "Arte Poetico Tagalo"
Si Fr. Erancisco Bencuchillo (Agustino, 1710-1776) ay sumulat ng isang
pag-aaral at pagsusuri sa panulaang Tagalog noong panahong siya'y
nanirahan sa Pilipinas sa kumbento ng San Agustin sa Intramuros.
Ang akda niya ay sulat-kamay na walang petsa at nilimbag sa Madrid,
Espanya, ni W. Retana noong taong 1895. Sa aklat na ito ay ipinakilala
ni Fr. Bencuchillo ang pantigan at tugmaan sa tulang Tagalog.
Ang mga tulang panghalimbawa niya ay di natin masabi kung kanyang
sinulat o kinuha sa mga makatang Tagalog.
Gayun-man, bilang larawan ng tulang Tagalog noong panahong yaon ay
inuulit dito ang ilan upang mapag-aralan. Pansining ang pananagalog
ay kakaiba.
Ang “Dung-aw”
 Sa saliksik ni E. Arsenio Manuel, ang mga Ilokano a mga Igurot sa
silangang Benguet ay may tulang kung tawagin ay "Dung-aw" na
katulad ng "Taghoy" o "Panambitan" ng mga Tagalog.
 Ang "Dung-aw" ay binibigkas na paawit ng isang nauulila sa piling
ng bangkay ng yumaong asawa, magulang, o anak at ang
nilalaman ay nahihinggil sa dusa ng naulila, sa buhay ng namatay
at sa paghingi ng paumanhin sa mga pagkakamali.
 Walang tiyak na tula, sapagkat ang bawat isag bumibigkas nang
ayon sa kasalukuyang damdamin at kaisipan, ngunit si P.
Alphonse Claerhoudt ay nag-inot magsa - Ingles ng isang narinig
niya sa Benguet, na ang diwa at hilig ng haraya at damdamin.
Mga Kantahing Bayan
 Ang mga kantahing bayan (folk songs) ng mga Pilipino ay karaniwang mga
tuluy-tining (survival) ng dating kalinangan sa pamamagitan ng saling-dila
(oral tradition).
 Ang mga nilalaman ay nagpapakilala ng iba't ibang pamumuhay at pag-uugali
ng mga tao at ng mga kaisipan at damdamin ng bayan. Karaniwang
mababaw ang kahulugan at payak ang taludturan, ngunit ang musikang
pinagsasakyan ng awit ay katutubong pahayag ng mga katangian at
kasiglahan sa buhay ng ating mga ninuno. Ang mga kantahing bayan natin ay
madamdamin at malugod, bagamat pamatay-pag-asa kung minsan.
 Tatlo, samakatuwid, ang maipalalagay na kahalagahan ng mga kantahing
bayang Pilipino sa pag-aaral ng ating panitikan.
Mga Kantahing Bayan
a. Ang mga kantahing bayan natin ay nagpapakila-lang ang diwang-makata ay
katutubo sa ating lupain.

b. Ang mga kantahing bayan natin ay nagpapahayag ng tunay na kalinangan ng


Pilipino.

c. Ang mga kantahing bayan natin ay mga bunga at bulaklak ng matulaing


damdaming galing sa puso at kaluluwa ng bayan.
Mga Kantahing Bayan
Ang mga sumusunod ay ilang halimbawa ng ating mga kantahing bayan. Ang
pananagalog ng mga kantahing di-Tagalog ay halaw lamang at di ayon sa
musika.

a. Cariñosa (Bisaya)
b. Bahay Kubo (Tagalog)
c. Ako kini si Anggi (Bisaya)
d. Tinikling (Bisaya)
e. Balitaw sa Capiz (Bisaya)

You might also like