You are on page 1of 24

GNED 11

IKAANIM NA LINGGO

MGA GAWING
PANGKOMUNIKASYON
NG MGA PILIPINO

JOSEPH R. DULATAS, LPT


TAGAPAGTURO
 Tsismisan
 Umpukan
 Talakayan
 Pagbabahay- bahay
 Pulong bayan
TSISMIS
TSISMIS

 Batay sa etimolohiya, mula ito sa salitang chismes ng mga


Espanyol na tumutukoy sa isang kumbersasyon tungkol sa buhay
ng ibang tao na impormasyon sa maaring totoo o madalas na hindi
 Maaaring ang mga kalahok ay isang nagkukuwento at mga
tagapakinig lamang, o maaaring lahat ay dalang kanya- kanyang
tsismis
 Naisasagawa ito ng mga taong walang trabaho o may maluwag na
panahon para paglaanan ito
TSISMIS

 Ayon kina Regala at Castronuevo (2015), ang tsismis ay may


kakayahang magbigay ng impormasyon sa mga tao sa kapwa sa
negatibo at positibong paraan
 Dahil sa katangiang impormal kaya sanga- sanga ang paksa ng mga
usapan
 Isa sa mga negatibong epekto ng tsismis ay palaging may isang
biktima nito
TSISMIS

 Ayon sa artikulong The Psychology of Gossip ni Dr. Frank


McAndrew (2008), may positibo rin itong dulot
 Ito ay dahil ang tsismis ay isang kakayahan upang makihalubilo at
hindi isang kakulangan o diperensya
 Nagsisilbi din itong instrument upang malaman ang katotohanan at
mga gawaing tiwali ng isang indibidwal
 Mayroon na din tayong Online Tsismis
UMPUKAN
UMPUKAN

 Dito nagaganap ang kumustahan ng mga Pilipino ukol sa buhay-


buhay
 Gaya ng tsismis ay walang iisang pinag- uusapan
 Madalas itong nagaganap sa mga magkakamag- anakan,
magkaibigan at magkapit- bahay na palagay ang loob sa isa’t isa
UMPUKAN

 Makikita dito ang pagiging dinamiko ng komunikasyon at buhay na


buhay ang interaksyon ng bawat kalahok na walang may iisang
hawak na proseso
TALAKAYAN
TALAKAYAN

 Tumutukoy sa pagpapalitan ng mga kuro- kuro ng mga kalahok sa


nasabing usapan na binunuo ng tatlo at higit pa
 Kalimitang tinatalakay ang mga problema na layuning bigyan ng
solusyon o patakarang nais ipatupad
 Nahahasa ang kakayahan sa pangangatwiran ng mga taong kalahok
dito
TALAKAYAN

 Maaaring maging pormal o ‘di pormal ang takbo ng talakayan


 Sa pormal, may malinaw na patakaran na sinusunod ang mga
kalahok, sa ‘ di pormal naman ay malaya ang bawat isa na
magpahayag ng kanilang opinyon o saloobin hinggil sa paksa
 Mga halimbawa ng talakayan ay panel discussion, lecture forum,
at simposyum
 Maaari itong personal o birtwal
na talakayan
 Pinangungunahan ng
tagapagpadaloy na nagsisilbing
gabay kapwa ng mga panellist
at tagapakinig sa talakayan

PANEL DISCUSSION
 Ang kaibahan nito sa panel
discussion ay malaya ang
bawat kalahok at magbahagi
ng kaalaman o opinion ukol sa
paksang tinatalakay ng ispiker

LECTURE FORUM
 Uri ng pormal na akademikong
pagtitipon kung saan ang mga
kalahok ay pawang mga
eksperto sa kani- kanilang
larangan
 Kalimitang nagsisimula ang
programa sa isang talumpati at
susundan na ng talakayan

SIMPOSIUM/ SIMPOSYUM
PAGBABAHAY- BAHAY
PAGBABAHAY- BAHAY

 Kalimitang isinasagawa ito sa mga sitwasyong nangangailangan ng


ipormasyon ang isang indibidwal o organisasyon ukol sa kalagayan
o sitwasyon ng komunidad gamit ang pagtatanong bilang metodo
PULONG- BAYAN
PULONG- BAYAN

 Pampublikong komunikasyon na isinasagawa ng publiko at mga


kinauukulan
 Sa pulong bayan ay malayang nagpapalitan ng mga kuro- kuro ang
mga kinauukulan at mamamayan ukol sa mga usapin tungkol sa
bayan gaya ng kalagayan ng mamamayan, kalikasan, trabaho at
seguridad
MGA EKSPRESYONG LOKAL
Ekspresyong Lokal Pinagmulan

Susmaryosep Hesus, Maria, Hosep

Naku/ Naku po Ina ko po

Bahala na Bathala na
IKALAWANG GAWAIN SA
GNED 11
PANUTO

 Magtala ng hindi bababa sa 20 ekspresyong lokal sa inyong


pamayanan.
 Matapos ay alamin ang pinagmulan ng mga sumusunod na
ekspresyon at magsaad ng mga halimbawang pangungusap na
nagpapakita kung paano ito ginagamit ng mga tao sa inyong
komunidad
 Ipasa ang inyong Gawain sa Google Classroom

You might also like