You are on page 1of 26

Kahulugan,

Proseso at
Kalikasan ng
Pakikinig
Ang pakikinig (listening) ay aktibong
proseso ng pag-unawa sa kahulugan
ng mga tunog samantala ang
naunang pagtanggap ng tunog ay
tinatawag na pagdinig (hearing).
Masasabing bahagi ng kabuuang
proseso ng pakikinig ang pagdinig.
Nagsimula ang proseso sa pagdinig (hearing)
o pagtanggap ng tunog mula sa pinanggalingan.
Tinatanggap ito ng tainga. Susundan ito ng
bahaging atensyon (selective attention) sa
pagkilala, pagsusuri at pag-uugnay. Ang kaninang
mga tunog ay ipinoproseso upang piliin at
pagkatapos ay kilalanin bilang ganap na mga wika,
suriin ang katotohanan at iugnay sa iba pang tunog
na narinig. Ang huling hakbang ay pag-unawa
(comprehension). Sa bahaging iyon, ang mga
kinilalang tunog ay binibigyan ng kahulugan,
isinasaayos ayon sa kahalagahan at
pinahahalagahan.
Ang proseso ng pakikinig ay
dumadaan sa mga hakbang na pagdinig,
atensyon at pag-unawa.

Susi sa pagiging matagumpay ng


kasanayang ito ang mahusay na pagkilala
at pag-unawa sa kahulugan ng tunog/
wika/ sinasabi na may pagsasaalang-alang
sa mga sumusunod:
1. Sino ang nagsabi?
2. Saan nagmula ang tunog?
3. Saan at kailan naganap ang
pagbitiw ng mga salita at
tunog?
4. Ano ang sinabi at sinasabi?
5. Paano at bakit binanggit o
sinabi?
Kaswal ang pakikinig na walang
tiyak na layunin. May iilang mag-aaral
ang nakapagbabasa o nakapagsusulat
habang nakikinig ng musika sa radio/I-
pod/MP3. Kaswal ang ganitong uri
sapagkat ang pokus naman niya ay ang
ginagawa at ang musika ay gumaganap
lamang bilang panggganyak sa awit
bilang pampalipas oras at panlibang.
Kapag may mababaw na layunin ay
tinatawag na di formal na pakikinig. Ang
nagsasakatuparan nito ay may layunin
makakuha o makakalap lamang ng
impormasyon. Ang tagapakinig ay aktibong
tagatanggap lamang ng mga iyon
(impormasyon) na kailangan sa kaniyang
gawain. Nakikinig upang gumawa ng buod
at ulat, isakatuparan ang panuto at
makakuha ng mga mahahalagang
konsepto na magagamit niya sa pag-aaral
at pamumuhay.
Kritikal na pakikinig ang
tawag sa pakikinig na may
panunuri. Malalim ang
layunin ng tagapakinig kayat
nakapokus ang kanyang isip
sa pagsusuri ng mga
ideyang naririnig.
Katangian ng
Kritikal na
Pakikinig
Ang kritikal na pakikinig ay may
pagkiling o pagpili. Ang mga mahahalaga
at makatotohanang impormasyon lamang
ang pinipili upang maktulong sa pakikinig
na may pagsusuri. Sa panonood at
pakikinig ng balita, malaya ang tao na
kilalanin ang katotohanan ng mga sinasabi
ng mga taong kasangkot sa balita. Sa
ganon, malaya rin niyang napipili ang
paniniwalaan.
Ito ay may paghuhusga o ebalwasyon. Ang
tagapakinig ay nakagagawa ng tugon sa kanyang
napakinggan matapos na iproseso ng isip ang
mga mensahe at ideyang tinanggap. Sa kaso pa
rin ng panonood at pakikinig ng balita, hinding-
hindi napalalampas ng tagatanggap ang
magbigay ng reaksyon at bumanat ng mga mala-
editoryal niyang pananaw. Dagdag pa, tuwing
nakikinig ng suliranin ng kaibigan (emphatic
listening), hindi rin nakaliligtas sa pagpuna at
pagbibigay-payo ng tagapakinig ang tinuran ng
kaibigan nagbukas-puso.
Ito rin ay may pagpapahalaga. Ang
tagapakinig ay nagpapahalaga sa pagiging
masinig at mabisa ng pahayag. Masinig at mabisa
iyon kapag ang tumanggap ay lubos na
naapektubo at nakaramdam ng angkop na
emosyon (nabigla, nagalit, nagulat, natakot,
nalungkot, natawa, natuwa at iba pa) sa
napakinggan. Nagpapahalaga ang tagapakinig sa
kaayusan ng pagbanggit at pagbuo ng mensahe
ng awit, tula, talumpati, dula at iba pang genre ng
panitikan(appreciative listening).
Mga Salik na
Nakaiimpluwensya
sa Pakikinig
Ibinuod sa susunod na
talahanayan ang mga salik na
nakaiimpluwensya, kung
minsan ay nagiging hadlang sa
matagumpay pakikinig sa
panig ng tagapakinig at sa
panig nga tagapagsalita.
Mga Salik Sa Panig Sa Panig
na Naka- ng ng
iimpluwensya Tagapakinig Tagapagsalita

1. Pisikal Malaki ang epekto Ang pagkapagod at


ng pagod, kawalang-gana na
na pagkagutom at
maaaring makita sa
tagapagsalita ay
aspekto kapansanan sa maaaring
pandinig. makaiimpluwensya sa
tagapanig. Gayundin
ang kasuotan ay hindi
rin makaliligtas sa
pagpuna kayat
nakalilikha ng ingay at
kawalan ng interes ang
sinasabi.
Isaalang-alang ang Ang tagapagsalitang
2. Lugar lugar palaging nakatayo
na malayo sa lubhang lamang sa isang
ingay, malinis, angkop bahagi ng lugar ay
na temperatura at kinababagutang
sapat na espasyo na pakinggan.
padadaluyan ng
tunog.

Ang mga oras ng Ang pagsasaalang


3. Oras at pagkalam ng sikmura alang ng
at pagkaantok ay tagapagsalita
nakakaepekto upang sa ikli o haba ng oras
Panahon hindi maging
tagumpay ang
na gugugulin sa
pagsasalita ay
pakikinig. kailangan upang hindi
mabagot ang mga
tagapakinig.
4. Daluyan Sa karaniwang Ang
talakayan, hangin
at ang daluyan ng pagsasaalang
kagamitan komunikasyon. -alang ng
Marapat lamang tagapagsalita
na hikayatin ng
tagapakinig ang sa kaayusan
tagapagsalita na ng mga
isagawa ang pag- kagamitan
uusap sa lugar na
malayang tulad ng
makadadaloy ang mikropono,
sound waves hindi speaker at
sa mga lugar na
maraming kurba radyo ay
ang dingding. kailangan.
5.Distansya Ang layo o lapit Tayahin ng
kapwa ng tagapagsalita ang
at tinig tagapakinig at lugar at dami ng
tagapagsalita sa tagapakinig upang
isa’t isa ay maiangkop niya
nakaiimpluwensya ang lakas ng tinig
sa pakikinig. sa pagsasalita.

6. edad Ang mga bata Ang mga


at kabataan ay tagapasalitang
mahirap na lubhang may
hulihin ang edad na ay
atensyon para asahang may
makinig. mahinang tinig.
7. Kasarian Mas madaling Ang mga
malagot ang tagapagsalitang
pasensya ng mga
lalaki ay may
lalaki sa pakikinig
na kaiba sa mga buong tinig at
babae na hindi kinahihiligang
madaling pakinggan.
mabagot.
8. Kultura Kapag napakinggan ng
tagatanggap ng
Isaalang-alang ng
tagapagsalita ang

at mensahe na kaiba sa
kanyang paniniwala at
pagiging politically
correct ng sinasabi

konsepto kinagisnang pamumuhay


ang nabanggit ng ispiker,
upang walang masaktan
at masaling na lahi,

sa sarili siya ay nawawalan ng


antas ng gana at
paniniwala o pangkat.
Ang pagkakaroon ng
interest na makinig. personalidad na maere
at pagbubuhat ng sariling
bangko ay asahang
nakababawas ng
tagapakini.
Buod sa mga nabanggit na mga salik sa itaas, magiging
matagumpay pa ang pakikinig kung isasaalang-alang ng tagapakinig
ang mga sumusunod:
1. Magkaroon ng konsentrasyon. Ituon ang sarili at atensyon
sa mga mensahe upang tamang maiproseso at makilala ang
kahulugan ng mga iyon.
2. Iwasan ang maagang pagbuo ng konklusyon at paghatol.
Hayaang buuin ng tagapagsalita ang kompletong laman ng
kanyang nais na ipabatid.
3. Lagumin sa isip ang mensaheng inihatid ng tagapagsalita sa
sandaling matapos niyang bitiwan ang mensahe.
4. Makinig nang aktibo. Gamitin ang tainga gayundin ang mata
sa pagtingin ng mga di berbal na uri ng komunikasyon ng
tagapagsalita. Makatutulong iyon sa mas lalong pag-unawa sa
kahulugan ng sinasabi.
5. Matapos mapakinggan ang tinuran ng tagapagsalita,
magbahagi ng reaksyon at ebalwasyon sa narinig upang malaman
ng kausap na naihatid niya ang nais na sabihin. Huwag mahiyang
magtanong upang linawin ang mga bahagi ng mensaheng malabo
sa pag-unawa at sa hindi gaanong napakinig.
Mga Kasanayan sa
Pakikinig
Ang gawaing pagtatala ng mga
mahahalagang impormasyon ay mahalaga
upang mapanatili ang ilang konseptong
mahirap na unawain nang biglaan. Sa
ilang sitwasyon sa mga unibersidad at
kolehiyo, may mga propesor na
pinahihintulutan ang kanilang mga mag-
aaral na itala ang mga mahahalagang
konsepto sa maga lektyur. Sa ilang
pagkakataon din, malaking tulong ang
nagagawan ng pagtatala sa pagbuo ng
ulat at saliksik.
Makatutulong din sa pag-unawa ng
napakinggan, ang pagbuo ng lagom at
balangkas. Ang pagbubuod at pagbabalangkas
ay maaaring bunga rin pagtatala. Matapos ang
pagtatala ay maaaring gawan ng buod (pasalita
man o pasulat) o balangkas ang mga iyo. Sa
paglalagom, maihahatid sa maikling paraan ang
kabuuan ng napakinggan samantala maihahatid
naman ang mga pangunahin at pantulong na
ideya sa gawaing pagbabalangkas. Ang mga ito
ay sukatan kung hanggang saan ang
nauanawaan ng nakinig.
Isa ring maituturing na
sukatan na nalinang ang wastong
pakikinig ay sa pagsunod nang wasto
sa direksyon o panuto. Matagumpay
ang kasanayang ito kung tamang
naisakatuparan ang hinihinging
pagkilos at pagsunod.
Paano Magiging Epektibong
Tagapakinig
1. Pakinggan huwag lamang ang mga
salita kundi maging ang mga
kahulugan.
2. Tulungan ang kausap na linawin
ang kanyang mensahe.
3. Ipagpaliban hanggat maaari ang
iyong mga paghuhusga.
4. Kontrolin ang mga tugong
emosyunal sa naririnig.
5. Pagtuunan ang mensahe.
6. Pagtuunan din ng pansin ang
istraktura ng mensahe.
7. Patapusin ang kausap.

You might also like