Ayon sa Merriam-Webster Dictionary, ang wikang pambansa ay tumutukoy sa isang wikang ginagamit nang pasalita at pasulat ng mga mamamayan ng isang bansa. Ito ang identidad at pagkakakilanlan ng grupo ng mga taong gumagamit nito. Wikang Pambansa Filipino ang de jure na pambansang wika ng Pilipinas sapagkat legal at naaayon sa batas. Matatagpuan sa Artikulo IV, Seksyon 6-9 ng Konstitusyong 1987 ang mga tiyak na probisyon kaugnay ng wika. Seksyon 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang wika. Wikang Pambansa Filipino ang de factong pambansang wika sapagkat aktuwal na itong ginagamit at tinatanggap ng mayorya ng mamamayang Pilipino. Ayon sa Philippine Census noong 2000, 65 milyong Pilipino o 85.5% ng kabuuang populasyon ng Pilipinas na ang nakakaunawa at nakapagsasalita ng wikang Filipino. Wikang Panturo Ang wikang panturo ay ang wikang ginagamit na midyum o daluyan ng pagtuturo at pagkatuto sa sistema ng edukasyon. Wikang panturo ang wikang ginagamit ng guro upang magturo sa mga mag-aaral. Tinukoy ng UNESCO noong 2003 ang pangunahing suliranin sa edukasyon ay ang wika. Sa Konstitusyong 1987 ng Pilipinas ipinatupad ang Bilingual Policy. Wikang Panturo Ipinatupad noong 2009 ang MTB MLE na nagbibigay-diin sa paggamit ng mga katutubong wika bilang unang wika ng mga mag-aaral na wikang panturo sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Wikang Opisyal Ang wikang opisyal ay ang wikang itinatadhana ng batas bilang wikang gagamitin /ginagamit sa mga opisyal na komunikasyon ng gonyerno. Itinatakda sa Konstitusyong 1987 ang Filipino at Ingles bilang mga opisyal na wika ng Pilipinas. Seksyon 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinatadhana ang batas, Ingles. Seksyon 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles ; at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila. Bilinggwalismo Ang bilinggwalismo ay tumutukoy sa kakayahan ng isang makapagsalita ng dalawang wika. Ayon kay Lowry ( 2011), may mga kapakinabangan ang bilinggwalismo sa isang indibidwal. 1. Ang mga bilinggwal na bata ay kadalasang mas malikhain at nagpapakita ng kahusayan sa pagpaplano at paglutas ng mga kompleks na suliranin kaysa sa mga batang iisang wikang lamang ang nauunawaan. Bilinggwalismo 2. Para naman sa mga matatandang bilingguwal, nababawasan ang pagkakasakit na may kinalaman sa pag-iisip dala ng pagtanda. 3. Ipinapakitang mas nagkakaroon ng access sa kapwa at kaparaanan ang mga bilinggwal. Hal. employment rate sa Canada. Bilinggwalismo Ang BEP sa Pilipinas ay gabay kung paanong magkahiwalay na gamitin ang Ingles at Filipino bilang wikang panturo. Nais ng BEP na: 1. Mapataas ang pagkatuto sa pamamagitan ng dalawang wika, 2. Maipalaganap ang wikang Filipino bilang wika ng literasi, 3. Mapaunlad ang Filipino bilang simbolo ng pambansang identidad at pagkakaisa, 4. Malinang ang elaborasyon at intelektwalisasyon ng Filipino bilang wika ng akademikong diskurso, 5. Mapanatili ang Ingles bilang internasyunal na wika sa Pilipinas at bilang wika ng siyensya at teknolohiya. Multilinggwalismo Ang multilinggwalismo ay tumutukoy sa kakayahan ng isang indibidwal na makapagsalita at makaunawa ng iba’t ibang wika. Sa antas ng lipunan, ito ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng iba’t ibang wika na sinasalita ng iba’t ibang grupo ng mga tao sa mga lalawigan at rehiyon. May mga kapakinabangan ang multiliggwal na indibidwal. Homogenous Ito ay tumutukoy sa pagkakaroon ng iisang anyo at katangian ng wika. Makikita ito sa mahigpit na pagtuturo ng mga gramatikal na estruktura na patakaran ng kung ano ang istandard na Ingles o Filipino sa paaralan. Heterogenous Ito ay ang pagkakaiba-iba ng uri at katangian ng isang wika. Halimbawa, maaaring magkaroon ng magkakaibang porma at uri ng wikang Ingles batay sa iba’t ibang grupo ng taong nagsasalita nito. Linggwistikong Komunidad Ito ay tumutukoy sa isang grupo ng mga taong gumagamit ng iisang uri ng barayti ng wika at nagkakaunawaan sa mga ispesipikong patakaran o mga alituntunin sa paggamit ng wika. Unang Wika Ang unang wika ay kadalasan ding katutubong wika o susong wika. Ito ay ang wikang natutuhan at ginamit ng isang tao simula pagkapanganak hanggang sa panahon kung kailan lubos nang nauunawaan at nagagamit ng tao ang isang wika. Tinutukoy din itong wika ng isang etnolinggwistikong grupo kung saan nabibilang ang isang indibidwal at hindi ang natutuhang wika Ikalawang Wika Ito ay ang wikang natutuhan at ginagamit ng isang tao bukod pa sa kanyang unang wika. Ang wikang ito ay hindi taal o katutubong wika para sa tagapagsalita ngunit isang wikang ginagamit din sa lokalidad ng nagsasalita.