You are on page 1of 11

FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT ED FIL 1 /2020-2021

Ayon sa mga lingguwista, may mahigit 5,000 wika na sinasalita sa buong mundo.
Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang biniyayaan ng maraming wika: di kukulangin sa 180
ang wikang sinasalita sa Pilipinas. Heterogenous ang sitwasyong pangwika sa Pilipinas
dahil sa maraming wikang umiiral dito at may mga diyalekto o varayti ang mga wikang
ito. Kung ang sitwasong pangwika naman ng isang bansa ay iisa ang wikang sinasalita,
ito’y tinatawag na Homogenous. Gayunman, hindi naiiwasan ang pagkakaroon ng mga
diyalekto kahit iisang wika lamang ang ginagamit sa isang bansa dahil likas lamang sa
mga tagapagsalita ng isang wika na magkaroon ng ilang pagbabago sa bigkas ng salita, at
sa pagbuo ng mga salita at mga pangungusap. Nagkakaintindihan pa rin ang taong
gumagamit ng iba’t ibang diyalekto ng isang wika.

I. MGA KASANAYAN:
Sa katapusan ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natatalakay ang iba’t ibang konseptong pangwika;
2. Nauunawaan ang nakapaloob sa patakarang bilingguwal at
multiligguwalismo;
3. Natatalakay ang iba’t ibang patakarang pangwika na ipinatupad sa
bansa;
4. Nasusuri ang konsepto ng bilingguwalismo at multilingguwalismo
mula sa mga pahayag na ibinigay.

II. NILALAMAN
Ang tao ay may kakayahang matuto ng higit pa sa isang wika. Sa ating
bansa, maraming mga Pilipino ang bihasa sa dalawa o higit pang wika dahil sa dami
ng mga wikang ginagamit sa buong bansa.

1|
FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT ED FIL 1 /2020-2021
Ang kaalaman at kasanayan ng mga Pilipino sa paggamit nang higit sa
kanilang sariling wika ay isang malaking bentahe sa kanila sa maraming bagay. Ang
mga bentaheng ito ay:
1. Nakapagbubukas ng mas maraming oportunidad sa trabaho.
2. Nakakapagpagana ng utak ng tao.
3. Nakapagpapatatag ng maraming koneksyon.
4. Nakatutulong para sa pagpapakilala ng kultura.
5. Nakatutulong sa pagkilala sa ibang tao.
6. Nakatutulong sa turismo.
7. Nakatutulong sa pagpapahalaga sa sarili.

Ang salitang bilinggwalismo ay galing sa salitang “bi” (dalawa),


“lingua” (wika), ismo (pag-aaral). Samakatuwid, ang bilinggwalismo ay
tumutukoy sa pag-aaral ng dalawang wika. Ito rin ay tumutukoy sa kakayahan
ng isang taong makapagsalita ng dalawang wika na may pantay na kahusayan.

Ayon kay Lowry (2011), isang Speech-Language Pathologist,


maraming kapakinabangan ang bilingguwalismo sa isang indibidwal.
Ipinapakita sa mga pananaliksik na ang mga bilingguwal na na bata ay
kadalasang mas malikhain at nagpapakita ng kahusayan sa pagpaplano at
paglutas ng mga kompleks na suliranin kaysa sa mga batang iisang wika
lamang ang nauunawaan.

Kahit na may iba’t ibang wikang sinasalita ang bawat pulo ng bansa, may mga
batas at patakarang pangwika ang inilabas na kailangang maging giya sa anumang
hakbanging nangangailangan nito.

 Ang 1987 na Konstitusyon ng Pilipinas, Artikulo XIV, Sec. 6


- nagbigay ng legal na batayan para sa iba’t ibang patakaran ng wika
na ipinapatupad sa bansa
- isinasaad sa Konstitusyon na ang Pambansang Wika sa Pilipinas ay
Filipino. Habang nililinang, dapat itong payabungin at pagyamanin
2| nang nakasalig sa mga katutubong salitang umiiral sa wikang
Filipino at iba pang wika.
FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT ED FIL 1 /2020-2021

 Pagpapatupad ng Bilingual Education Policy (BEP) sa Pilipinas sa


pamamagitan ng National Board of Education (NBE) Resolution No.
73-7, s. 1973.
- Noong 1974, ipinatupad ang polisiya sa pamamagitan ng paglalabas
ng DECS ng Department Order No. 25, s. 1974 na may titulong
Implementing Guidelines for the Policy on Bilingual Education.
- Naglalaman ito ng gabay kung paanong magkahiwalay na gagamitin
ang Filipino at Ingles bilang wikang panturo sa mga tiyak na larangan
ng pagkatuto sa mga paaralan.
- Sa polisiya, Pilipino (na kalaunan ay naging Filipino) ang gagamitin
bilang wikang panturo sa mga asignaturang may kinalaman sa Araling
Panlipunan/ Agham Panlipunan, Musika, Sining, Physical Education,
Home Economics. Ingles naman ang gagamitin sa Syensya,
Teknolohiya at Matematika.
- Ang paarehong alokasyon ng mga asignatura ay nakasaad sa 1987
Bilingual Policy on Education na naipamahagi sa pamamagitan ng
Department Order no. 52, s. 1987.

LAYUNIN NG EDUKASYONG BILINGGUWAL


Layunin ng edukasyong bilinggwal ang pagkamit ng parehong kakayahan na
makipagtalastasan sa wikang Ingles at Filipino sa pambansang antas. Mangyayari lamang
ito kung aang mga ito ay parehong gagamitin sa pagtuturo ng mga tiyak na asignatura sa
lahat ng antas ng pag-aaral.
a. mapahusay ang pagkatuto sa pamamagitan ng dalawang wika para sa pagkamit
ng kalidad ng edukasyon na hinihiling ng Konstitusyon ng 1987;
b. mapalaganap ang wikang Filipino bilang wika ng karunungan;
c. mapaunlad ang wikang Filipino bilang simbolo ng pambansang pagkakaisa at
pagkakakilanlan; at

3|
FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT ED FIL 1 /2020-2021
d. malinang at mapalago ang wikang Filipino bilang wika ng pananaliksik na
nangangailangan ng intelektuwalisasyon.

 Sa sektor ng pamahalaan, noon pang 1969 sa panahon ni Pangulong Marcos –


hinikayat na ang paggamit ng wikang pambansa sa mga opisyal na komunikasyon at
korespondensya. Sa katunayan, nuon paman ay nagkaroon na ng pagsasanay para
dito sa pamumuno ng dating Surian ng Wikang Pambansa na ngayon ay Komisyon
ng Wikang Filipino.
 E.O 335 noong 1988 – nag-aatas sa lahat ng ahensya ng pamahalaan na magsagawa
ng hakbang upang magamit ang Filipino sa mga opisyal na komunikasyon at
korespondensya.
 2003 – Nag-atas ang Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na ibalik ang English
bilang pangunahing wikang panturo, dahil sa pakikilahok ng bansa sa pandaigdigang
pamilihan na sa ngayon ay English ang dominating na wika ng pandaigdigang
ekonomiya at komersyo.
 Executive Order No. 210 o ang “Establishing the Policy to Strengthen the Use of
English Language as Medium of Instruction in the Educational System” noong
Mayo, 2003 – patakarang ipinalabas ng Malacañang na nagsasaad na ituturo ang
English simula unang baitang at gagamitin itong wikang panturo sa English,
Matematika, at Agham. English ang magiging pangunahing wika ng pagtuturo sa
lahat ng mga paaralang publiko at pribado sa mataas na paaralan at hindi bababa sa
70% ng kabuuang panahong inilaan sa pagtuturo ng lahat ng asignatura ang time
allotment para sa paggamit nito. Sa institusyong pantersarya man ay English ang
gagamiting pangunahing wikang panturo. Bunga nitong patakaran, nalimitahan ang
paggamit ng Filipino at itinakda na lamang ito bilang wikang panturo ng mga
asignaturang Filipino at Araling Panlipunan.
 Bilang patakarang pang-edukasyon sa Pilipinas, nangangahulugan lamang ito ng
paggamit ng Ingles at Filipino bilang panturo sa iba’t ibang magkahiwalay na
asignatura.
Ngayon, hindi na bilingguwalismo kundi multilingguwalismo ang pinapairal na
patakarang pangwika sa edukasyon.

4|
FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT ED FIL 1 /2020-2021

May iba’t ibang dimensyon ang multiligguwalismo at maari itong mabigyan ng


magkakaibang kahulugan.
1. Kakayahan ng isang indibidwal o grupo ng mga tao na makapagsalita gamit ang
tatlo o higit pang bilang ng mga wika.
2. Masining na pagbalanse sa paggamit ng pangangailangang pangkomunikatibo sa
mga kayamanang pangwika – Herdina at Jessner (2000), sa pagbanggit ni
Nordquist (2017).
3. Pagkakaroon ng kakayahang gumamit ng maraming wika nang may parehong
katatasan sa mga ito.
Ang multilingguwalismo ay tumutukoy sa kakayahang makapagsalita at
makaunawa ng isang indibidwal sa iba’t ibang wika. Ayon kay Stavenhagen (1990),
iilang bansa lamang ang monolingguwal, ibig sabihin, mas laganap ang mga lipunang
multilingguwal kung hindi man bilingguwal. Sa kabuuan, ipinapakita rin ng mga
pananaliksik na mas pleksibol at bukas sa pagbabago ang mga multilingguwal, gayundin
may mas malalim na pag-unawa at paggalang sa iba’t ibang kultura at paniniwala
(Cummins, 1981).
Kabutihang dulot ng MULTILINGGUWALISMO:
 kritikal na pag-iisip
 kahusayan sa paglutas ng suliranin
 mas mahusay na kasanayan sa pakikinig at matalas na memorya
 mas maunalad na kognitibong kakayahan
 mas mabilis na pagkatuto ng iba’t ibang wika bukod sa unang wika

Ayon sa UNESCO(2003), upang tugunan ang suliranin sa pagiging eksklusibo ng


edukasyon para sa iilan, kailangang buuin ang isang uri ng edukasyong mataas na kalidad
at may pagpapahalaga sa katutubong kultura at wika ng mga mag-aaral. Pinagtibay
naman ito ng makabagong inobasyon sa edukasyon na kumikilala sa pangangailangang
ng pagiging multilingguwal ng bansa.
Sa pagpapatupad ng RA 10533 o ang Enhanced Basic Education Act of 2013,
nabuo ang bagong kurikulum na ipinapatupad sa bansa, ang K to 12 Basic Education
Curriculum. Pinagtibay ng makabagong kurikulum na ito ang pangangailangan na
magamit ang iba’t ibang wika sa bansa para sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa
pamamagitan ng MTB-MLE.
 Mother Tongue-based Multilingual Education (MTB-MLE)
- paggamit ng unang wika ng mga estudyante sa isang partikular na lugar

5|
FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT ED FIL 1 /2020-2021
- ito ay itinuturo sa mga ag-aaral mula kindergarten hanggang ikatlong baitang
- Sa programang ito, inaasahan na matutuhan ng mga mag-aaral ang kanilang
unang wika bilang isang akademikong asignatura kagaya ng Wikang Filipino
at Ingles. Inaasahan din na gagamitin ng guro ang unang wika ng mga mag-
aaral para sa pag-unawa ng mga asignaturang katulad ng matematika,
siyensiya, atbp.
- ipinatupad ang multilingguwal na edukasyon sa pamamagitan ng
Department of Education Order 16, s. 2012 (Guidelines on the
Implemetation of the MTB-MLE na may layuning:
o Pagpapaunlad ng wika tungo sa matatag na edukasyon at
habambuhay na pagkatuto;
o Kognitibong pag-unlad na may pokus sa higher order thinking skills
(HOTS);
o Akademikong pag-unlad na maghahanda sa mga mag-aaral na
paghusayin ang kakayahan sa iba’t ibang larang ng pagkatuto;
o Pag-unlad ng kamalayang sosyo-kultural na magpapayabong sa
pagpapahalaga at pagmamalaki ng mag-aaral sa kanyang
pinagmulang kultura at wika.
- Ayon sa DepEd Order No. 28, s. 2013, ang MTB-MLE ay naglalayong
mapabuti ang wika ng ga mag-aaral at mapaunlad ang kanilang kakayahang
kognitibo at kamalayang sosyo-kultural. Nilalayon din nito na gawing
pangunahing wika ang wika ng mga bata para sa kanilang pagkatuto.

Filipino ang pambansang wika ng Pilipinas at mahaba ang kasaysayan ng pag-


unlad nito. May konstitusyonal na batayan ang pagiging pambansang wika ng Filipino.
Sa unang bahagi ng Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng Konstitusyon ng 1987, nakasaad na,
“Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat
payabungin at payamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga
wika.”
Bilang isang pambansang wika, Filipino ang sumisimbolo sa ating pambansang
pagkakakilanlan. Sinasalamin nito ang ang ating kalinangan at kultura, gayundin ang
ating damdamin bilang mga Pilipino. Bukas ang wikang Filipino sa pagpapayamang
matatamo mula sa iba pang mga wika ng rehiyon. Lalo pang mapapayaman ang
leksiyon ng Filipino sa pamamagitan ng paglalahok ng mga salita mula sa iba pang
katutubong wika sa Pilipinas.
Sa Pilipinas, Filipino ang de jure at de facto na pambansang wika sa bansa. De
6|
jure sapagkat legat ay naayon sa batas na Filipino ang pambansang wika. De facto
naman sapagkat aktuwal itong ginagamit at tinatanggap ng mayorya ng mamamayang
Pilipino. Ayon sa Philippine Census noong 2000, 65 milyong Pilipino o 85% ng
kabuuang populasyon ng Pilipinas na ang nakauunawa at nakapagsasalita ng wikang
Filipino.
FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT ED FIL 1 /2020-2021

Nakabatay sa pangkalahatang polisiya sa wika at programa sa edukasyon ng


isang bansa, ang wikang panturo ay ang gagamiting midyum o daluyan ng pagtuturo
sa sistema ng edukasyon. Sa pamamagitan ng wikang panturo, nauunawaan ng mga
mag-aaral ang iba’t ibang konsepto, teorya, pangkalahatang nilalaman at mga
kasanayan sa isang tiyak na asignatura o larangan.

Bukod sa pagiging pambansang wika ng Pilipinas, iniatas din ng


Konstitusyon ng 1987 ang paggamit ng Filipino bilang wikang panturo. Sa ikalawang
bahagi ng Artikulo XIV, Seksiyon 6, nakasaad na, “Alinsunod sa tadhana ng batas at
sang-ayon sa nararapat na maaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga
hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng
Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa
sistemang pang-edukasyon.

Ang wikang opisyal ay itinatadhana ng batas bilang wikang gagamitin/ginagamit


sa mga opisyal na komunikasyon ng gobyerno. Ito ang wikang kadalasang ginagamit sa
mga opisyal na dokumento na may kinalaman sa korte, lehislatura at pangkalahatang
pamamahala sa gobyerno, maging sa sistema ng edukasyon. Ayon sa Artikulo IV,
seksiyon 7, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hangga’t walang ibang
itinadhana ang batas, Ingles. Bilang mga opisyal na wika, may tiyak at magkahiwalay na
gamit ang Filipino at Ingles.

Wikang Filipino rin ang gagamitin sa mga talakay at diskurso sa loob ng bansa.
Mahalaga ang paggamit ng Filipino sa talumpati ng pangulo at sa mga talakay at diskurso
upang
7 | maunawaan ng mga mamamayan ang mahalagang usapin sa bansa. Gumaganap din
ang Filipino bilang lingua franca o tulay ng komunikasyong ng bansa. Samantala,
gagamitin naman
FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT ED FIL 1 /2020-2021

ang Ingles bilang isa pang opisyal na wika ng Pilipinas sa pakikipag-usap


sa mga banyagang nasa Pilipinas at sa pakikipagkomunikasyon sa iba’t ibang bansa sa
daigdig. Ingles ang itinuturing na ingua franca ng daigdig. Ito ang ginagamit ng mga tao
mula sa iba’t ibang bansa para mag-usap at magkaunawaan.

III. MGA GAWAIN:


GAWAIN 1: Mula sa binasang aralin, kilalanin ang konseptong pangwika na tinutukoy
sa bawat pahayag. Isulat ang inyong sagot sa patlang na inilaan.
__________________1. Ang ibig sabihin ng salitang “bi”.
__________________2. Pagtuturo ng unang wika mula kindergarten hanggang ikatong
baitang.
__________________3. Ang patakarang pangwika sa Pilipinas na nagtakda sa paggamit
ng wikang Ingles at Filipino bilang wikang panturo sa bisa ng
Dept. Order No 25, s. 1974.
__________________4. Bagong kurikulum na ipinatupad sa bansa ng maipasa ang RA
10533 o ang Enhanced Basic Education Act of 2013.
__________________5. Ang nagpatibay at naging legal na batayan para sa iba’t ibang
patakarang pangwika sa bansa.
__________________6. Ang dalawang wikang gagamitin sa pagtuturo
__________________7. alinsunod sa patakarang bilingguwal.
__________________8. Patakarang inilabas na naglalaman ng paggamit muli ng Ingles
sa pagtuturo mula unang baitang at gagamitin itong panturo sa
mga asignaturang English, Matematika at Agham.
__________________9. Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makapagsalita
gamit ang dalawang wika ng may pantay na kahusayan.
__________________10. Ang kakayahan ng isang indibidwal na makapagsalita at
makaunawa ng iba’t ibang wika.

GAWAIN 2. Tukuyin kung ang sumusunod na pahayag ay alinsunod sa kalagayang


bilingguwalismo o multilingguwalismo.
8|
FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT ED FIL 1 /2020-2021
__________________1. Sa kasalukuyan, ang iba’t ibang wika sa buong mundo ay
itinuturo na sa mga Pamantasan dahil sa pagkilala sa tinatawag
na ASEAN integration at Global Integration.
__________________2. Isinasalin ng guro ang isang salitang Filipino sa Ingles ng
maunawaan ito ng mga mag-aaral,
__________________3. Maraming mga mag-aaral sa Pilipinas ang natututo ng iba’t
ibang wika dahil sa paninirahan sa mga lungsod na iba-iba ang
wika ng tao.
__________________4. Ang wikang panturo sa mas mataas na antas ng pag-aaral sa
Pilipinas ay Ingles at Filipino.
__________________5. Ang isang Hapon ay natutong magsalita ng tuwiran sa Ingles sa
tulong ng isang online teacher.
__________________6. Ang isang Amerikanong natuto ng Tagalog ay nagbakasyon sa
Bohol at natuto ng iilang salita sa Bisaya.
GAWAIN 3. Ibigay kung ano ang nakapaloob sa mga patakarang nakasaad sa ibaba
tungkol sa patakarang pangwika ng bansa.

A. Dep. Ed. Order no. 28, s. 2013


B. Executive Order No. 210
C. Department Order No. 25, s. 1974

IV. Learning Insights


A. Sa inyong answer sheet, ibigay ang pagkakatulad at pagkakaiba ng
bilingguwalismo at multilingguwalismo gamit ang isang Venn Diagram.

Bilingguwalismo Multilingguwalismo

9|
FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT ED FIL 1 /2020-2021

Pagkakatulad Pagkakaiba Pagkakatulad

B. Ibigay ang inyong sariling opinyon hinggil sa mga pahayag o katanunangan sa


ibaba.
a. “Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay higit pa sa hayop at malansang
isda.”
b. Bakit mahalaga ang pagtuturo ng Filipino bilang bahagi ng kurikulum?
c. Sa iyong sariling opinyon, ano ang mga adbentahe ng pagiging
bilingguwal o multilingguwal? Magbigay ng hindi bababa sa 5 adbentahe
nito.

MGA SANGGUNIAN:

 Felina P. Espique, PhD. 2018. “Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino”. Quezon City: Lorimar Publishing, Inc.
 Dolores R. Taylan, Jayson D. Petras, Jonathan V. Geronimo. 2016.
“Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino”. Sampaloc,
Manila: REX Book Store, Inc.
 Rolando A. Bernales, Maria Esmeralda A. Pascual, Elimar A. Ravina. 2016.
“Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino”. Valenzuela
City: JO-ES Publishing House, Inc.

10 |
FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT ED FIL 1 /2020-2021

___________________________ __________________________
Date accomplished Pre-service
Teacher’s Signature Over
Printed Name

______________________________
Date Received

“Ngunit maraming nauuna ang nahuhuli, at maraming nahuhuli na mauuna.”


Mateo 19:30

11 |

You might also like