You are on page 1of 15

FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT ED FIL 1 /2020-2021

I. MGA KASANAYAN:
Sa katapusan ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nauunawaan ang iba’t ibang paraan ng pagpapayaman ng
talasalitaan;
2. Napahahalagahan ang mga pamamaraan sa pagpapayaman ng
talasalitaan sa pagtuturo ng wika;
3. Nakasusulat ng isang acrostic poem na nagpapakita ng
pagpapahalaga sa pagpapayaman ng talasalitaan.

II. NILALAMAN

ANO BA ANG TALASALITAAN:


Ito ang itinuturing na pinakdiwa ng isang salita. Ayon sa mga
Anglo-Saxon ang talasalitaan ay isang imbakan ng mga salita na dapat
ingatan at pahalagahan. Ginagamit ito bilang paraan upang mas lalo pang
magkaroon ng mabisang pakikipagtalastasan.

Gumamit tayo ng mga salita sa pagpapahayag ng ating naiisip at


nadarama. At dapat isaisip na mahalaga ang wastong paggamit ng mga salita sa
ating pang-araw-araw na pakikipagtalastasan. Ngunit dapat din nating mabatid na
ang ganap na kawastuhan at kaliwanagan ng isang mensahe ay nakabatay sa mga
salitang ating pinipili. Ang mga salita bilang pinakamahalagang sangkap ng wika
ay mauuri natin sa dalawang pangkat: mga salitang pangnilalaman (content
words) at mga salitang pangkayarian (function words).

1|
FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT ED FIL 1 /2020-2021

Mga Salitang Pangnilalaman. Ito ay mga


salitang may isang tiyak na kahulugan at nagsisilbing
mahahalagang salita sa loob ng pangungusap. Ang mga salitang
ito’y maaaring tumukoy sa isang tao, halimbawa, titser; isang
bagay- lapis; kilos o galaw- tumayo, lumundag, katangian-
maganda o dikaya’y isang kalagayan- matiwasay. Ang mga
salitang ito’y may taglay nang sariling kahulugan kahit hindi pa
isama sa ibang salita. Kabilang sa mga salitang pangnilalaman ay
ang mga pangngalan, pandiwa, pang-uri at pang-abay.

Mga Salitang Pangkayarian. Ito ay mga salita o kataga na nagkakaroon


lamang ng tiyak na kahulugan kapag nasa pangungusap at tungkulin nito na
mapagsama-sama at mapag-ugnay-ugnay ang mga salitang pangnilalaman, upang
makabuo ng pangungusap. Kabilang sa mga salitang pangnilalaman ang mga
pangatnig, pang-angkop, pang-ukol, pantukoy at pangawing.

Ang Paglinang ng Talasalitaan


Ang pagtatamo ng mga salita ay maaring bunga ng isang paglinang ng
talasalitaan. Ayon kay Channell (1988), ang isang bagong talasalitaan ay
maaangkin lamang ng mag-aaral kung maibibigay niya ang kahulugan alinsunod
sa gamit nito sa loob at labas ng isang konteksto at magagamit din niya ito nang
buong husay sa pakikipagtalastasan.

Ano ang ibig sabihin ng pag-alam sa kahulugan ng isang salita?


Kailangang may sapat na kamalayan sa iba’t ibang katangian ng isang
salita ang mag-aaral bago lubusang sabihin na alam niya ang salitang ito. Dapat
may kabatiran ang mag-aaral sa kahulugan nito sa kasalukuyang konteksto; ang
pagkakatulad at pagkakaiba nito sa ibang salita na may kahulugan; ang ibang
kahulugan na maaari itong taglayin; ang ibang anyo nitong panggramatika; paano
ginamit ang salita at mga sitwasyong pinaggagamitan nito.

Halimbawa: Pansinin ang iba;t ibang kahulugan ng mga salitang iisa ang baybay
ngunit magkakaiba ng bigkas.
tubo
maaaring kahulugan:
• tubó - isang uri ng pananim
• tubo - bakal na pandaluyan ng tubig
2|
FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT ED FIL 1 /2020-2021

• tubò - pakinabang sa isang negosyo


• tubô - sumibol na
paso
• maaaring kahulugan:
• pasó - lipas na
• pasò - nalapnos dahil sa init
• pasô - taniman ng halaman
Mga Salik na Nakakaimpluwensya sa Paglinang ng Talasalitaan

May ilang salik na nakaaapekto sa paglinang ng talasalitaan ng mga mag-


aaral. May mga pag-aaral na nagpapatunay na ang mga salitang natutuhan sa
pamamagitan ng aktibong paggamit nito ay higit na natatandaan kaysa sa mga
salitang naririnig lamang o nababasa kaya. Ang pag-uulit at malimit na paggamit
ng mga salita ay mahalaga para sa pagtatamo nito. Ang sampung minutong
pagsasanay sa paglinang ng talasalitaan araw-araw ay mas mabisa kaysa sa
minsanang limampung minutong pagkaklase.

Mga Talasalitaang Aktib at Pasib

• Aktibo at pasibong nagagamit ng isang taal na tagapagsalita ng wika ang


mga salita o talasalitaan.
• Aktibong ginagamit ng isang tao ang mga salita kapag siya’y
nagtatalumpati o di kaya’y nagsusulat.
• Pasibong nagagamit ang mga salita sa pakikinig at pagbasa. Ito’y
tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na maunawaan ang mga salitang
ginamit sa pagsasalita at pagsulat ng ibang tao.

Ang Aktibo at Pasibong Gamit ng mga Salita


Tinatayang maraming salita ang nauunawaan ng isang tao kaysa sa mga
salitang aktibo niyang ginagamit. Ayon kina Richards et.al (1985), ang isang taal
na tagapagsalita ng wika ay maaaring magtaglay ng mahigit sa 100,000 pasibong
talasalitaan ngunit ang taglay niyang aktibong talasalitaan ay maaaring nasa
pagitan lamang ng 10,000 hanggang 20,000 salita.

Sa pagtuturo at pagkatuto ng wika, dapat pagpasiyahan ng guro ang mga


salitang sa palagay niya’y karapat-dapat na ituro para sa aktibong gamit at aling
salita ang mahalagang nakikilala o natutukoy ng mga mag-aaral kapg sila’y
3|
FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT ED FIL 1 /2020-2021

nakikinig o nagbabasa. Kaya sa pagtuturo ng talasalitaan, hindi kailangang


bigyan ng magkakaparehong diin ang mga salitang nililinang. Upang lubusang
malinang ang aktibong talasalitaan ng mga mag-aaral, kailangang maglaan ang
guro ng mahaba-habang panahon para sa pagbibigay ng mga halimbawa,
pagbibigay ng mga tanong at paglikha ng mga pagsasanay kung saan magagamit
ng mga mag-aaral ang natutuhang mga bagong salita.
Madaling maituro ang mga pasibong talasalitaan. Halimbawa, maaaring
himukin ang mga mag-aaral na hulaan ang kahulugan ng isang salita ayon sa
pagkakamit nito sa pangungusap. Dapat ding ipabatid sa mga mag-aaral na hindi
nila kailangang alaming lahat ang kahulugan ng mga salitang makakaharap nila
sa araw-araw. Sa halip, kinakailangang marunong silang pumili ng mga salitang
sa palagat nila’y kapaki-panibang. Higit pa sa rito, malamang na makatagpo ang
mga mag-aaral ng mga salitang sa palagay nila’y mahalaga para sa kanilang
personal na pangangailangan, ituro man ito o hindi ng guro.

Ang mga Salita at Pagpapakahulugan Nito

Maraming dapat alamin ang guro tungkol sa kalikasan at katangian


ng mga salita kung nais niyang maituto nang mahusay ang talasalitaan.

Denotasyon
Kung pinag-uusapan ang mga pagpapakahulugan sa isang salita,
karaniwan nang tinutukoy ay ang kahulugan nitong konseptwal, iyong
kahulugang nag-uugnay dito sa isang bagay, tao, lugar o pangyayri. Ito ang
tinatawag nating kahulugang denotatib. Halimbawa, ang denotasyon ng salitang
bahay ay isang tirahan- isang gusali na itinayo para tirahan ng tao. Nananatili ang
kahulugang ito kahit na sa ibat-ibang konteksto. Ang denotatibong kahulugan ay
ipinalalagay na sentral o pangunahing kahulugan ng isang talasalitaan.
Konotasyon
Bukod sa kahulugang denotibo, ang isang salita ay maaaring magtaglay ng
pahiwatig na emosyunal o pansaloobin. May mga salitang nagtaglay ng posibo
o negatibong konotasyon . samantalang ang iba’y maaaring neutral ang
kahulugan. Suriin natin ang mga salitang panukala at pakana na parehong
nangangahulugan ng isang proyekto o proposisyon. Kung ang panukala ay may
positibong konotasyon, negatib naman ang pahiwatig ng salitang pakana.

4|
FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT ED FIL 1 /2020-2021

Ang pagpapakahulugang konotibo ay maaaring mag-iba-iba ayon sa


saloobin, karanasan at sitwasyon ng isang tao. Halimbawa, ang salitang dagat ay
maaaring magkaroon ng iba-ibang pakahulugan tulad ng malawak, tahimik,
masungit, mapanganib, atbp.

Mayroon ding pagpapakahulugang kontibo na kaugnay sa sosyo-kultural


na kaligiran na ikinakapait ng isang pangkat ng tao sa isang aytem na leksikal.
Ang kulay pula, halimbawa, ay may konotasyon na kasaganaan at magandang
kapalaran para sa mga Instsik, samantalang sa ibang tao, ito’y maaring maghudyat
ng panganib o di kaya’y pagsalakay.

Salita na maraming kahulugan (Polysemy)


May mga salita na iisa ang anyo subalit nagtataglay ng dalaw o mahigit
pang kahulugan. Polysemous ang tawag sa mga salitang ito. Kung babasahin o di
kaya’y maririnig natin ang salitang kamay, agad na pumapasok sa ating isipan na
ito’y bahagi ng katawan. Ngunit maari rin itong magtaglay ng iba’t ibang
kahulgan gaya ng mga sumusunod na halimbawa: kamay na bakal, mahabang
kamay, malikot na kamay atbp. Samakatuwid, hindi sapat na masabi ng mag-aaral
ang kahulugan ng salita ayon sa pagkakagamit sa pangugusap. Dapat ding
talakayin ang lawak ng gamit nito na magpapakita ng isang dimensiyon ng
kakayahang komunikatibo ng mag-aaral.

Mga Istratehiya sa Paglinang ng Talasalitaan

Pagsusuring Pangkayarian (Structural Analysis)


• Mauunawaan ng isang mag-aaral ang isang salita sa pamamagitan ng
pagsusuri ng kayarian nito sa salitang-ugat, mga panlapi, paraan ng
pagkakabuo ng salita tulad ng payak, maylapi, inuulit at tambalan.

Paggamit ng mga Palatandaang Nagbibigay-kahulugan (Context Clues)


• Ang mga palatandaan o pahiwatig na makikita sa pamamagitan ng
pagsusuri at pag-uugnay ng mga salitang sinusundan o sumusunod sa di-
kilalang salita. Nasa ibaba ang iba’t ibang paraan ng pagpapakahulugan
ng mga salita sa tulong ng mga pahiwatig.
 Sa pamamagitan ng kasingkahulugan ng salita na napapaloob sa
pangungusap.
 Sa pamamagitan ng kasalungat na kahulugan ng mga salita.
5|
FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT ED FIL 1 /2020-2021

 Sa pamamagitan ng ng katuturan o kahulugan ng salita.


 Pag-uugnay sa sariling karanasan
 Ayon sa sitwasyong pinaggagamitan ng salita
 Sa pamamagitan ng ng buod o lagom ng binasa
 Sa pamamagitan ng ng pagbibigay ng halimbawa
 Sa pamamagitan ng pormal na depinisyon ng salita
 Sa pamamagitan ng paglalarawan
 Sa pamamagitan ng pahiwatig na tono o damdamin

MGA PAMAMARAAN SA PAGPAPAUNLAD NG TALASALITAAN


1. Kolokasyon
Higit na mapapalitaw ang kahulugan ng isang salita kung ito’y kasama ng
iba pang salita. May mga salitang nagsasama-samang palagi sa isang
konstruksyon at mayroon namang nagsasama-sama paminsan-minsan.

Halimbawa:
buwig ng saging
pumpon ng bulaklak
kawan ng ibon
ligaya at lumbay
trono ng hari
marangyang piging
magarang damit
maaliwalas na mukha
2. Klayn (Cline)
Ang pagkiklino ay ang pagsasaayos ng mga salita ayon sa antas o tindi ng
kahulugan ng salita.Hindi lahat ng mga salitang magkasingkahulugan ay pareho
na rin ang ibig sabihin Hindi maaring pagpalitin ang gamit ng mga ito bagaman
iisa ang malawak na kahulugan,ngunit magkaiba naman ang tindi ng
ipinapahayag nito. Magkaiba ang digri o tindi ng nais iparating nito lalo na kung
ito ay gagamitin sa pangungusap.
Ito ang antas-antas na pagkakasunod-sunod ng pagkakaiba-iba sa loob ng
isang uri.
6|
FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT ED FIL 1 /2020-2021

Halimbawa A.
Panahon
mainit

malamig
Sa loob ng klayn ay maaring ipasok ang mga salitang
maalinsangan, mabanas, at mahalumigmig.

Halimbawa B:
Pormal
talumpati
pahayag
usapan
daldalan
satsatan
Impormal

Dito naman ay ginagamit ang klayn sa pagtuturo ng pag-uuri-uri sa aksis na


pormal at impormal ang mga salita.

Halimbawa C. Hindi maaaring sabihin na ikaw ay humahagulgol kung humihikbi


ka lamang.

Kung iaantas natin ang mga sumusunod na salitang magkakatulad sa kahulugan


na magkaiba naman sa tindi o digri ng nais ipahayag, ganito ang magiging ayos
nila.

Hikbi → nguyngoy → iyak → hagulgol

3. Cloze
Sa uring ito, hindi ginagalaw ang titulo at ang unang pangungusap ng
isang sipi. Pumapasok ang pagpapayaman ng talasalitaan sa pamamagitan ng
paghula kung anong tamang salita ng angkop gamitin o ipuno sa puwang na
matatagpuan sa tuwing ikasiyam na salita maliban kung ito’y pantanging ngalan o
bilang kaya.
7|
FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT ED FIL 1 /2020-2021

Pinapaboran ang dayad sa pagsasagot sa cloze. Pinagpapareha ang mga


estudyante para pag-usapan ang angkop na salitang marapat gamitin. Pinag-
uusapan pagkatapos sa tulong ng guro ang mga sagot na tinatanggap at di
tinatanggap.

Halimbawa:

Damang-dama ng lahat na naroroon ang ________ na naghahari sa


kapaligiran habang isinasagawa ang ________ ng mga barungbarong na matagal
nang ________ roon simula pa nang ang mga kapatid na Muslim ay ________ sa
Mindanao bunga ng hidwaan ng gobyerno at ng MNLF.
Ang mga posibleng sagot ay:

a. kaguluhan b. paggiba
mabuti demolisyon
kalituhan pagwasak
karahasan paglilipat

c. nakatayo d. lumayo
nakatirik lumikas
nakapwesto lumayas
nakaiskwat tumalilis

4. Klaster

Ito ang pagsama-sama ng magkakatulad na bagay sa iisang grupo. Mga salita ito
na magkakaugnay-ugnay sa iisang ideya.

pagkainis pagkabugnot
pagkayamot pagkasuklam

pagkapikon GALIT pagngingitngit

pagkamuhi pagkapoot
5. Konteks

8|
FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT ED FIL 1 /2020-2021

May iba’t ibang uri ng palatandaan kontekstwal na maaring mapagbasehan


ng kahulugan.

A. Depinisyon
Ang kahulugan o depinisyon ng bagong salitang pag-aaralan ay
nakapaloob sa binabasa.

Halimbawa:
Sa butas ng nitso ay dahan-dahang inilagak ang bangkay.

B. Paghihinuha
Ang estudyante ay inaasahang makagawa o makabuo ng isang palagay/
opinion/ konklusyon mula sa mga katotohanan o katwiran.

Halimbawa:
Ang paligid ay kakikitaan ng paghihikahos ng mga tao. Nakabilanggo sa
daigdig ang barungbarong, lusak na estero, nanlilimahid na babae’t lalaki.

Mahihinuha rito ang kahulugan ng paghihikahos sa tulong ng mga salitang lusak


at nanlilimahid.

C. Paghahambing/ Kontras
Ito ang pagbibigay-halaga sa mga salitang naghuhudyat ng pagkakaiba
tulad ng pangatnig na subalit, pero, at ngunit, na nagpapahiwatig ng kaibahan ng
kahulugan ng isang salita sa isa pang salita.

Halimbawa:
Kapurit nga ang natirang pagkain ngunit nagkasya pa rin sa maraming nakasahod
na kamay.

D. Pagsusuri
Ang pagsusuri sa pagkakabuo ng mga salitang-ugat at panlapi, nahuhulaan ng
mag-aaral ang kahulugan ng salitang pinag-aaralan.

Halimbawa:
tao-tauhan, panalag-sinalag, digma-mandirigma

9|
FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT ED FIL 1 /2020-2021

6. Konsultasyon
Para matiyak na wasto ang kahulugang ibinatay sa konteksto, mahalagang
konsultahin ang sangguniang aklat, diksyunaryo at iba pang sanggunian na
angkop sa gulang ng mag-aaral.

7. Mga Kard
Paggawa ng maliliit na kard sa bawat salitang inaakala ng mag-aaral na mahirap
abuti. Mahalagang isulat sa kard and salita, ang kahulugan nito, ang paggamit sa
pangungusap at ilang kolokasyon.

8. Pagkamalikhain

Sapagkat ang wika ay kinapapalooban ng personal at malikhaing kaisipan,


inaasahang makakaisip ang guro ng pamaraan upang matulungan ang mag-aaral
na maging malikhain.

Halimbawa:
Maaaring magpakita ang guro ng iba’t ibang larawan at hayaan ang mga batang
pumili ng isang larawang nais nilang talakayin. Bigyan ang mga bata ng ilang
abuti, tawagin sa harapan, at ipatalakay ang larawang napili. Sa ganito, iba’t ibang
talasalitaan ang maririnig at matutuhan ng mga mag-aaral.

I. MGA KASANAYAN:
a. Nakikilala ang iba’t ibang layunin ng edukasyon ayon sa
konstitusiyon, sa elementarya, at sekundarya;
b. Nakapagpapaliwanag ng pagkakahalintulad at pagkakaiba ng mga
layunin edukasyon sa elementarya at sekundarya at ang nakasaad sa
Konstitusyon; at
c. Napapahalagahan ang mga layuning ng edukasyon sa mga sitwasyong
naayon sa kasalukuyang kalagayan ng edukasyon sa bansa.

II. NILALAMAN:
10 |
FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT ED FIL 1 /2020-2021

MGA LAYUNIN NG EDUKASYON

A. Layunin ng Edukasyon ayon sa Konstitusyon


Ang pangunahing basihan ng mga nilalaman ng kurikulum at mga
layunin ng pagtuturo ay ang mga probisyong pang-edukasyon sa Bagong
Konstitusyon 1987 na matatagpuan sa Artikulo XIV, Seksiyon 3, Bilang 2.
Nakasaad dito na:

Ang lahat ng institusyong edukasyonal ay dapat na:


1. ikintal ang patriyotismo at nasyunalismo;
2. ihasik ang pag-ibig na pangkatauhan, paggalang sa karapatang
pantao, at pagpapahalaga sa mga ginampanan ng mga pambansang
bayani sa makasaysayang pagbuo ng ating bansa;
3. ituro ang mga karapatan at tungkuling pagkamamamayan;
4. patatagin ang mga pagpapahalagang etikal at espirituwal;
5. linangin ang karakter na moral at disiplina sa sarili;
6. pasiglahin ang mapanuri at malikhaing pag-iisip;
7. palawakin ang kaalamang pansiyensiya at panteknolohiya; at
8. itaguyod ang kakayahang bokasyunal.

B. Mga Layunin ng Edukasyong Elementarya


1. Pagkikintal ng mga pagpapahalagang espiritwal at sibiko at paglinang
ng isang mabuting mamamayang Pilipino na may pananalig sa Diyos
at may pagmamahal sa kapwa tao.
2. Pagsasanay sa mga kabataan sa kanilang mga karapatan, tungkulin at
pananagutan sa isang lipunanang demokratiko para sa isang aktibong
pakikilahok sa isang maunlad at kapaki-pakinabang na buhay
pantahanan at pampamayanan.
3. Paglinang ng pangunahing pang-unawa sa kulturang Pilipino, mga
kanais-nais na tradisyon at gawi ng ating mga ninuno at kabutihan ng
mga mamamayan na pangunahing kailangan sa pagkamit ng
pambansang kamalayan at kaisahan.
4. Pagtuturo ng mga batayang kaalamang pangkalusugan at paglinang ng
mga kanais-nais na gawi at ugaling pangkalusugan.
5. Paglinang ng karunungan sa bernakular, Filipino, at Ingles upang
maging kasangkapan sa patuloy na pagkatuto.
11 |
FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT ED FIL 1 /2020-2021

6. Pagkakaroon ng mga batayang kaalaman, saloobin, kasanayan at


kakayahan sa siyensiya, araling panlipunan, matematika, sining at
edukasyong panggawain at ang matalinong paggamit ng mga ito sa
angkop na sitwasyon ng buhay.

C. Mga Layunin ng Edukasyong Sekundarya


1. Sanayin ang mga mamamayan sa pakikilahok sa mga gawain ng isang
nagsasariling pamahalaan.
2. Maghandog ng kailangang saligan upang magkaroon ng mga
mamamayang handing manirahan bilang indibidwal at bilang
mabuting kasapi ng kinaaanibang pangkat sa ilalim ng isang
demokrasya.

Para sa ikatutupad ng mga nasabing layunin, ang edukasyong sekundarya


ay magdudulot ng mga kaalaman, kasanayan at kakayahan, at wastong saloobin at
pananaw sa pitong aspeto ng pamumuhay na lalong kilala sa tawag na “Pitong
Kardinal na Layunin ng Edukasyon.” Ang mga ito ay ang mga sumusunod:
1. Kalusugan
2. Kakayahan sa mga silagang pamamaraan
3. Bokasyon o hanapbuhay
4. Kapaki-pakinabang na kasapi sa angkan o pamilya
5. Pagkamamamayan
6. Kapaki-pakinabang na paggamit ng labing panahon
7. Kabutihang asal

III. MGA GAWAIN:

A. Unawaing mabuti ang mga pahayag sa ibaba. Gamit ang pagkiklino, iayos ang
pagkakasunod-sunod ng mga salita ayon sa tindi ng kahulugan nito. Pagkatapos,
gumawa ng tig-iisang pangungusap sa bawat salitang inayos. (Paalala: Huwag
komopya sa internet ng sagot.) (36 puntos)
1. galit, poot, muhi, ngitngit
2. kinupkop, inalagaan, tinangkilik, kinalinga
3. hapis, lungkot, pighati, lumbay

12 |
FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT ED FIL 1 /2020-2021

B. Magkakaroon kayo ng isang Online Quiz. Ang link ay ipapasa sa Microsoft


Teams.

C. Alamin ang kahulugan ng mga sumusunod na talasalitaan:


1. patriyotismo
2. nasyonalismo
3. pag-ibig na pangkatauhan
4. pagpapahalagang etikal
5. pambansang kamalayan

IV. Learning Insights

A. Gamit ang isang acrostic poem, ilahad mo kung gaano kahalaga ang pag-
alam sa mga paraan ng pagpapayaman ng talasalitaan bilang mga guro sa
hinaharap. Sundin ang pormat sa ibaba:

S -
A -
L -
I -
T -
A -

Pagkatapos gawin ang acrostic poem, magbigay ng kaunting paliwanag


hinggil sa iyong ginawang tula. Hindi bababa sa 5 pangungusap ang iyong
paliwanang.

B. Mula sa nabasang mga layunin ng edukasyon sa iba’t ibang antas, sagutan


ang mga sumusunod na katanungan:
1. Ano sa palagay ninyo ang nagbunsod sa mga kagawad ng
Kumbensiyon ng Konstitusyonal upang gawing layunin bilang 1 ang
patriyotismo at nasyunalismo?

2. Ihambing ang layunin ng elementarya at sekundaryang edukasyon sa


mga layunin ng edukasyon ayon sa Konstitusyon. Ano ang kanilang
pagkakatulad, pagkakaiba? Ipaliwanag ang iyong sagot.

13 |
FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT ED FIL 1 /2020-2021

MGA SANGGUNIAN:

 Dolores R. Taylan, Jayson D. Petras, Jonathan V. Geronimo. 2016.


“Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino”.
Sampaloc, Manila: REX Book Store, Inc.
 Abad, Marietta A. at Ruedas, Priscilla C. 2001. “Filipino Bilang
Tanging Gamit sa Pagtuturo: Binagong Edisyon”. 56 Tendido St.,
Brgy. San Jose, Q.C: New Galaxie Lithographic Arts and Printing
Press.
 http://angbagongfilipino-ferndale.blogspot.com/2010/07/
pagpapaunlad-ng-talasalitaan.html
 https://prezi.com/_nrgnyoaokpo/mga-pamamaraan-sa-pagpapaunlad-
ng-talasalitaan/
 https://vdocuments.mx/54118486-pagtuturo-ng-filipino.html
 https://vdocuments.mx/pagtuturo-ng-talasalitaan.html

___________________________ __________________________
Date accomplished Pre-service Teacher’s
Signature Over Printed Name

14 |
FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT ED FIL 1 /2020-2021

________________________________
Date Submitted

KAWIKAAN 16:3
"Ipagkatiwala mo sa Panginoon ang lahat ng inyung gagawin at magtatagumpay
ang lahat ng iyong balakin.”

15 |

You might also like