You are on page 1of 19

WEEK 2 – RETORIKA

Ang Gramatika at Estilo ng Retorika

ANG GRAMATIKA NG RETORIKA


Ang retorikal ay proseso ng maayos at maingat na pagpili ng, wasto, malinaw, mabisa at
kaaya-ayang pananalita sa pagpapahayag ng, mensahe upang higit na maunawaan ng mga
nakikinig o nagbabasa. Maayos sapagkat Ito ang nagbibiay ng katiyakan sa ibig iparating na
mensahe. Maingat dahil kapag ang napiling salita ay maaaring ikalungkot o katuwa ng nakikinig
o nagbabasa ng mensaheng nais iparating depende sa okasyon o pagkakataon.
Kaakibat ng pagpill ng mga salita ay ang gramatika upang maging wasto, malinaw ang
mensaheng nais ipaabot ng nagpapahayag. Ang gramatika ay may kinalaman sa tungkulin
(function) ng mga salita at any ugnayan (relation) sa loob ng pangungusap. Samakatuwid,
dalawa ang Isinasaalang-alang ng magbibigay ng, mensahe, ang retorika at gramatika.
Maging sistematiko sa paggamit ng salita kapag nagsusulat at nagsasalita. Ito ang
parating turo ng mga dalubhasa sa wika. Saanmang lugar sa Pilipinas mapadpad, lahat ng edad,
mapabata man o matanda, mayroong cellphon. Kaya nga itinuring ang Pilipinas bilang Text
Capital of the World dahil na rin sa katotohanang karamihan sa mga Pilipino’y gumagamit nito.
Nakatatawag-pansin ang ginagamit na text sa cellphone. Pansinin ang mga sumusunod na
halimbawa:

Asan nau?
D2 na me sa amin.
Punta u d2.

Sa halimbawang ibinigay, kung sa pasulat na aspekto, nilalabag nito ang estruktura ng


isang maayos na pangungusap, gayundin ang paraan ng panghihiram ng salita. Maling-mali ang
paggamit ng salita. Walang salitang "d2". Kung mapapansin din, wala sa listahan ng leksikon ng
Wikang Filipino maging ng Wikang Ingles ang "u". Subalit, bakit nangyayari ito? Una, dahil
limitado lamang ang bilang ng karakter kaya nagtitipid ang gumagamit nito. Pangalawa,
masyadong abala o aksaya sa oras kung ite-text pa nang buo o kompleto ang gustong sabihin.
Sa ganitong sitwasyon, bakit nagkakaintindihan pa rin ang mga taong nagpapahayag nito? Dito
Pumapasok ang pagiging malikhain ng wika, hanggat ang tao’y nagkakaunawaan sa kanilang
pagpapahayag, tatanggapin at tatanggapin nila ito.

Sa pag-uusap ng dalawang Mag-aaral sa kolehiyo, may kapansin-pansin sa kanilang


pagpapahayag. Tingnan natin ang usapan Sa ibaba:

Mag-aaral 1: Nasa’n ka no’ng Friday?


Mag-aaral 2: Nag-research para sa assignment natin sa English.
Mag-aaral 1: Sayang! Hindi mo napakinggan ang lecture ni Sir.

Sa halimbawang ito, kapansin-pansin ang mga salitang “Friday”, “assignment”,


“research”, “English” at “lecture” na mga salitang Ingles. Isinama ang mga Salitang ito sa mga
salitang Filipino. Ang ganitong Pagsasama-sama ng dalawang wika ay code switching. Ang
code pahayag. Madalas na nangyayari ito sa pasalitang. pagpapahayag. Tinatanggap ito sa
kasalukuyan lalo na’t nagkakaintindihan naman ang mga taong nagpapahayag nito. Pero kung
ang usapin ay pagsusulat, hindi maaari ang code switching. Subalit kapansin-pa insin ang-code
switching sa mga pahayagan sa kasalukuyan. Tunghayan natin ang ilang halimbawa:

1.Partikular na ina-address ng dagdag-pondo ang kulang na classrooms, teachers, upuan


at mga textbooks sa public schools.
2. Patay ang isang fourth year high school student na babae pagkatapos matamaan ng
kidlat.

Sa mga halimbawa sa itaas, nakatatawag-pansin ang kanilang pagsusulat. Kung


nagsusulat, sa pagbuo ng isang maayos na pangungusap, hindi mabuti na magkasama ang
magkaibang wika, walang wikang magkahalo’ gaya ng Ing-Fil o Ingles-Filipino o kahit. Fil-Ing o
Filipino-Ingles dahi parehong nasisira ang estruktura’hg pangungusap ng Wikang Filipino at
Ingles.
Ayon nga kay Galileo Zafra (2002), “Istrikto ang wika sa usapin ng codé switching. Kung
Filipino, Filipino ang dapat gamitin, kung wala sa_ leksikong Filipino ay saka Papasok ang
panghihiram. Kung nais naman ay Ingles, Ingles lang. Hindi Maaari ang 50-50 na hatian o 75-
25 kaya.” Sa sinabing ito ni Zatra, pagdating sa pagsulat mahigpit ang panuntunan sa gramatika.
Sa puntong ito, mapapansin natin na ang retorika ay magiging makabuluhan kung
isinasaalang-alang ang pagsunod sa panuntunan ng gramatika lalo na kung ito’y sa pasulat na
paraan. Ang maayos-na ‘pahayagay ay nakasalalay sa wastong pag-aaral ng pagbubuo ng
pangungusap kalakip ang organisadong ideya na nakapaloob dito.

Kaayusan ng mga Salita sa Pagbuo ng mga Pangungusap at Organisasyon ng mga Ideya

Upang maunawaan ng nakikinig o nagbabasa ang nais ipahayag, kallangang magtaglay


ng sapat na kaalaman sa tamang paghahanay ng mga salita, pagbuo ng mga pangungusap at
organisasyon ng mga ideya sa isang pahayag

Nagiging ganap ang paggamit ng mga salita kung maayos na nakabubuo ng


Pangungusap. Kapag hindi maayos, walang bisa ang pagpapahayag. Para magkaroon ng sapat
na kaalaman sa pagbuo ng maayos na pangungusap, kailangang alam ng naghahatid ng
mensahe ang sangkap at ayos ng pangungusap.

Dalawa ang sangkap ng pangungusap sa Filipino, ito ang Paksa at Panaguri. Ang Paksa
ang bahaging pinag-uusapan o binibigyang-tuon sa pangungusap. Nakikita ito sa huling bahagi
ng pangungusap kapag nasa karaniwang ayos ang pangungusap, sumusunod ito sa panandang
ang/ang mga, si/sina. Ang paksa ay maaaring panghalip gaya ng ako, ka, ikaw, siya, tayo, kami,
sila, ito, iyan, iyon.

Halimbawa:

Pogi si sir.
Malinamnam ang manok.
Naging matagumpay ang Palarong Pambansa.
Nagpunta si Kristine sa SM Manila para bumili ng gamit sa paaralan.
Ang Panaguri naman ay ang bahagi ng Pangungusap na nagbibigay-kaalaman o
impormasyon tungkol sa paksa. Karaniwang matatagpuan ito sa unahang bahagi ng
pangungusap.

Halimbawa:

Dito ang tambayan.


Kanais-nais ang kanyang kilos.
Maawain si Bosing.
Natulungan ng Kawanggawa Foundation ang mahihirap na bata sa Navotas.

Ang ayos ng pangungusap sa Filipino ay mahahati sa dalawa: karaniwan at hindi


karaniwang_ayos. Sa karaniwang ayos ng pangungusap, nauuna ang panaguri sa paksa. Ito ay
may balangkas na:

(ang) panaguri + (ang) paksa

Halimbawa:

Maging guro ang pangarap niya.


Malinaw ang kanyang talumpati.
Nanalangin nang taimtim si Jeslie bago kumuha ng
Licensure Examination for Teachers o LET.

Sa hindi karaniwang ayos ng pangungusap, nauuna ang paksa sa panaguri. Ang


panandang ay ang masusumpungan sa pangungusap. Ganito ang balangkas nito:

(ang) paksa + ay + (ang) panaguri

Halimbawa:

Ang pangarap niya ay maging guro.


Ang kaniyang talumpati ay malinaw.
si Jeslie ay nanalangin nang taimtim bago kumuha ng
Licensure Examination for Teachers o LET.

Upang ganap na maunawaan ang mensaheng nais ipahayag, kailangang magkaroon


nang sapat na kaalaman sa pag-oorganisa.ng mga ideya. Sa pag-oorganisa ng mga _ideva,
nararapat na magkaroan ng balangkas o gawin ang mensaheng nais ipaabot sa mga
tagapakinig. Napakahalaga ng balangkas bilang gabay sa maayos na paglalatag ng mga ideya.
Nakatutulong ang balangkas Sa tagahatid ng mensahe upangMapag-isipan nang mabuti ang
kanyang paksa at magkaroon ng direksyon ang kanyang sasabihin.

Sa_pagbuo ng balangkas, maibubukod ang mahahalagang kaisipan na magagamit.


Mababatid ang makatwirang pagkakasunod-sunod ng mga kaisipan at madaling makapipili ng
mga kaisipang walang kabuluhan na dapat alisin. Narito ang mga hakbang sa paggawa ng
balangkas:
Una, basahin nang pahapyaw ang paksa bago gawin ang balangkas. Bigyang-pansin sa
_pagbasa, ang pamagat, ang mga pangunahing kaisipan at pantulong na kaisipan.

Pangalawa, balangkasin ang mga pangunahing kaisipan. Piliin ang mga pantulong na
kaisipang bumubuo sa bawat pan ing kaisipan. Itala rin ang mga bahaging bumubuo sa mga
pantuléng na kaisipan.

Pangatlo, huwag isama ang mga impormasyong walang kaugnayan sa paksa.

Pang-apat, higit na mainam na gamitin ang mas sistematikong balangkas sa mga


paksang mahirap ipahayag.

Pagpili ng Mabisang Salita para sa Mabisang Pagpapahayag

Ang tagapagsalita ay kailangang may malawak na kaalaman sa wikang kanyang


gagamitin sa pagpapahayag. manesewa, kailangang alam niya ang kaantasan ng mga salita
batay na rin sa hinihtngi ng panahon at okasyon. Ang mga antas na ito ay pinagpapasyahang
mabuti. Dalawa ang kaantasan ng Salita: ang pormal at di pormal na mga Salita.

Ang pormal ay nahahati sa pambansa at pampanitikan. Pambansa kapag ginagamit sa


mga aklat at mga magasin o mga babasahing nababasa sa buong kapuluan. Ito rin ay gamit sa
mga opisina, paaralan at pamahalaan. Pampanitikan kapag ginagamit sa paglikha ng mga obra
gaya ng nobela, tula, kuwento at iba pa. Kadalasang ginagamit ito ng mga manunulat.

Ang di pormal o impormal na salita ay karaniwang ginagamit sa mga pang-araw-araw na


pamumuhay—sa palengke, sa tahanan, sa pasyalan at iba pang lugar. Ginagamit din ito sa mga
liham na pangkaibigan, talaarawan at iba pa. Nahahati sa tatlo ang di pormal na_ salita. Una
ang lalawiganin—mga salitang palasak sa rehiyon o lalawigan. Pangalawa, ang balbal -
tinatawag na slang sa Ingles. Para sa iba, masagwang pakinggan, subalit sa mga grupong
lumikha ng mga salitang balbal, hindi ito masagwa dahil nakasanayan na nila itong gamitin.
Pangatlo ay ang kolokyal mga pang-araw-araw na salita na may kagaspangan ‘bagamat
hinango rin ito sa pormal na salita. Halimbawa ay piyesta pista, aywan - ewan.

Ang wastong paggamit ng salita ay paglinang ng kakayahan kung paano nakikilala ang
bahagi ng ipinapahayag. Ito rin ay may kinalaman sa wastong paraan kung paano
makapagbabalangkas at makabubuo ng pangungusap ayon sa kayarian ng pagpapahayag.

Narito ang ilang gabay para mas lalong lumawak ang kaalaman sa paggamit ng salita:

• Pagpapayaman ng talasalitaan ng mga mag-aaral.


• Pagsasalita nang wasto tungkol sa iba’t ibang kalagayan sa buhay.
• Pakikilahok nang wasto sa mga usapan.
• Pag-uulat tungkol sa mga bagay-bagay sa paligid.
• Pagsasalaysay ng mga karanasan.
• Paglalalarawan ng tao, bagay, pook at pangyayari.
• Pakikipagtalo tungkol sa iba’t ibang paksa.
• Pagpapaliwanag tungkol-sa nakita, nabasa, narinig o naranasan.
• Pagsasadula ng mga kuwento at mga kalagayan tungkol sa kabutihang-asal.
• Pagmumungkahi tungkol sa ikabubuti ng tahanan, paaralan at bayan.
• Pagpapahalaga sa tula, maikling kuwento, nobela at dula.
• Pagbigkas ng tula at talumpati.
• Pagbibigay ng mga bugtone, salawikain at mga tanging kasabihan ng mga paham.
• Paglalahad ng anumang paksang nasa kakayahan.
• Pagpapahayag ng kuro-kuro at diwa.

Sinabi ng isang iskolar ng Wikang Filipino na si Paul Morrow (2003), may mga salita na
binubuo ng iba’t ibang wikang banyaga ngunit hindi naman kinikilala ang mga ItO Sdanman sa
daigdig. Mga salitang siyokoy ang tawag dito ng Pambansang Alagad ng Sining para sa
Panitikan na sl Virgilio S. Almario.

Tinipon ni Morrow ang ilang salitang siyokoy na nasa talahanayan:


Paggamit ng Rhetorical Devices

Ang paggamit ng rhetorical devices sa pagpapahayag ng mensahe ay nakatutulong


upang mas mag-isip ang tagapakinig o mambabasa. Kadalasang nagbibigay ito ng mas
malawak na kaalaman kung susuriing mabuti ang ginamit na. salita. Nakadaragdag ito ng
kalinawan at kagandahan Sa isang pahayag, pasalita man o pasulat. Ang mga halimbawa nito
ay ang mga tayutay at mga matatalinghagang pagpapahayag.

Mga Tayutay

Ang tayutay ayisang pahayag na ginagamit upang bigyang-diin ang isang kaisipan o
damdamin. Sinasadya ng pagpapayahag nito na gumamit ng talinghaga o di-karaniwang salita
sa pagpoapahayag upang bigyang-diin ang kanyang saloobin. Ang mga halimbawa ng tayutay
ay ang mga sumusunod:

Pagtutulad o Simile. Ito ay isang payak at lantad na paghahambing na karaniwang ginagamitan


ng mga salita’t pariralang katulad ng, tulad ng, parang, para ng, kapara ng, animo’y, anaki’y,
kawangis, kagaya ng, gaya ng, atbp

Halimbawa:

Ang buhay ng tao’y parang gulong. :


Animo’y matapang na leon kung siya’y humarap sa taong-bayan.

Pagwawangis o Metopora. Ito ay isang tuwirang paghahambing na hindi ginagamitan ng mga


salita’t pariralang katulad ng, tulad ng, parang, para ng, kapara ng, animoyy, anaki'y, kawangis,
kagaya ng, gaya ng, atbp.

Halimbawa:

Siya ay leon kung magalit.


Maamong tupa kung siya’y makiusap.

Pagmamalabis o Eksaherasyon. Ito ay isang pagpapahayag na lubhang pinalalabis o


pinakukulang ang tunay na kalagayan ng tao, bagay o pangyayari.

Halimbawa:

Gabundok ang kanyang huhugasang pinggan.


Bumaha ng luha sa kanyang kuwarto.

Pagsasatao o Personipikasyon. Ito ay nagsasalin ng katalinuhan at mga katangian ng tao sa


mga bagay o hayop na walang katalinuhan o katangian gaya ng sa tao. Pinakikilos ang mga ito
sa tulong ng pandiwa.

Halimbawa:
Kumakaway Sa akin ang dahon ng talahib.
Nakita kong kumikindat ang bituin.

Pag-uyam o Sarcasm. Ito ay paraan ng pagpapahayag na ang isang tao o bagay ay kinukutya
sa pamamagitan ng mga salitang parang pumupuri kung uunawaing mabuti.

Halimbawa: .

Nangunguna ang ating bansa, nangunguna sa katiwalian.


Ang ganda ng kanyang mga binti, sakang naman.

Paghahalintulad o Analohiya. Ito ay isang tambalan ng pagtutulad. lpinahahayag ng


paghahalintulad ang pagkapareho ng isang kaugnayan sa isa pang kaugnayan.

Halimbawa:

"Ang tingin ng paruparo sa bulaklak ay katulad ng damdamin ng binata sa dalaga."


“Ang paghahamok ng hari at ng kawal ay tulad ng paglalaban nina David at
Goliath.”

Alegorya o Allegory. Ang pagpapahiwatig na paglalahad, lalo na sa isang kuwento o salaysay


ng Isang kahulugang pawangis ngunit hindi tahasang sinasabi.

Halimbawa:

“Nag-aalma ang lunggati sa budhi ay sumisikad,


Kalayaan, kalayaan ang tuwi na’y hinahangad.
Dumadambana, dumadambana kapag renda’y hinahaltak
O, kay hirap na supilin! May latigo ka mang hawak.”

—Halaw sa tulang “’Erotique” ni Federico Licsi Espino, Jr.

Pagpapatindi o Hyperbole. Pagpapaalpas sa haraya sa pamamagitan ng bagay na higit na


dakila o di-gaano o pinakamasama, o kinapapalooban ng isang ibayong katindihan kaysa
katotohanan o lampas pa sa maaaring mangyari.

Halimbawa:

“Lupang itinambak ng kamay ng Diyos


Ano’t nang lumao’y nakitang umumbok!
Higante ba tilang sa pagkakatulog
Ay hindi mapansing ginubat ang likod;
Minsa’y nakatayong ... langit: inaabot,
Minsa’y nakadapang ... dagat: niyayapos!”

—Halaw sa tulang “Ang Bundok” ni Fidel M. Guilatco


Pagpapalit-saklaw o Synecdoche. Tayutay na inilalagay ang pangalan ng: (a) isang kabuuan
para sa isang bahagi; (b) isang angkan para sa isang supling; 0 (c) isang kagamitan para sa
isang likhang bagay.

Halimbawa:

“At ang balang bibig na binubukalan


ng sabing magaling at katotohanan,
Agad binibiyak at sinisikangan
Ng kalis ng lalong dustang kamatayan”

—Halaw sa “Florante at Laura” ni Francisco Balagtas

Balintuna o Irony. Ito ay pang-uuyam sa pamamagitan ng pagpapahayag ng laban sa


kahulugan ng ibig ipakahulugan.

Halimbawa:

“Walang kaparis ang pamamaraan niya ng pagtuturo;


nakikita nilang ang mga bunga nito ay mga taong
nakapagpapayaman sé sarili nang madalian.”

Pagpapalit-tawag o Metonymy. Ito ay pansamantalang pagpapalit ng mga pangalan ng mga


bagay na magkakaugnay. :

Halimbawa:

“Ang pananampalataya ay ating kaligtasan.”

Salantuna o Paradox. Ito ay pagpapahayag ng isang katotohanan sa pamamagitan ng


paggamit ng mga sangkap na animo’y hindi totoo sa biglang basa o dinig.

Halimbawa:

“Ang katamaran ng tao ay nagbibigay daan sa kaunlaran ng daigdig.”

Tanong Retorikal o Rhetorical Question. Ang sagot ay laging paayon o nasa loob mismo ng
pahayag.

“O, Pangarap |
Kailan ka matutupad?
O, Pag-ibig |
Kailan ka pamamasid?”
Mga Matalinghagang Pananalita

Ang salitang talinghaga ay mula sa mga salitang “talino” at “hiwaga” na ang ibig sabihin
ay isang pahayag na hindi tahasang ibinibigay ang kahulugan—nakatago o hindi lantad. Ang
mga piling matalinghagang pananalita na nasa ibaba ay ilan lamang sa napakaraming
matalinghagang pananalita na nagmula sa librong Matalinghagang Pananalita (with English
Equivalents) ng Surian ng Wikang Pambansa na ngayo’y Komisyon sa Wikang Filipino.

1. Parang pinag-awayan ng aso’t pusa

Kahulugan 1: sirang-sira ang bagay na pinag-awayan

Halimbawa: Parang pinag-awayan ng aso’t pusa ang blusang binili ng ina nang
pag-agawan ito ng kanyang dalawang anak.

Kahulugan 2: magulong-magulo

Halimbawa: Nagulat ang Mag-asawang buhat sa panonood ng sine nang makitang


parang pinag-awayan ng aso’t pusa ang kanilang Silid-tulugan.

Paliwanag: Likas sa aso at pusa ang laging nag-aaway. Kung may bagay silang pinag-
aawayan, kagat nila ito sa magkabilang dulo at kapuwa umaangil habang naghihilahan
sa bagay na kanilang pinag-aawayan. Dahil sa Matatalim ang kanilang mga ngipin,
nagkakasira-sira ang pinag-aawayan nila. Batay sa pangyayaring Ito, kapag may
dalawang batang nag-aaway at nagkakasira-sira ang pinag-aawayan, nakagawian nang
sabihin ang bagay ay parang pinag-awayan ng aso’t pusa.

2. Balat-sibuyas

Kahulugan: maramdamin; madaling magdamdam

Halimbawa: Umiiyak na naman ang kaibigan kong balat-sibuyas.

Paliwanag: Karaniwan nang ang mga bagay na maninipis ay madaling mapunit, masira
o mabutas tulad ng balat ng sibuyas. Dito inihahambing ang damdamin ng isang taong
maramdamin o madaling masaktan. Kaya naman, sinasabing balat-sibuyas ang isang
taong may ganitong pag-uugali.

3. Kulubot na ang balat

Kahulugan: matanda na.

Halimbawa: Kung kailan kulubot na ang balat ng tiyahin ko saka pa naisipang mag-
asawa.

Paliwanag: Ang gulang ng isang tao ay maaaring makita sa kanyang panlabas na anyo.
Ang tao kapag bata ay nag-aangkin ng ‘panat at pinong kutis o balat. Ang balat na ito ay
unti-unting nagbabago sa paglipas ng panahon na nagpapahiwatig lamang ng paggulang
niya. Mapapansing ang balat ng isang nagkakagulang ay unti-unting nangungulubot
habang siya ay patanda nang patanda at anumang pamahid na pampaganda ang dito’y
ilagay ay mababakas pa rin ang kulubot, Kaya sa matalinghagang pagtutulad ay ginamit
ng mga tao noon ang pariralang kulubot na ang balat sa Ppagtukoy sa isang matanda
na.

4. Magkibit-balikat

Kahulugan: ipagwalang-bahala

Halimbawa: Ipinagkibit-balikat lamang ni Andremel ang balitang lumayas ang


kanyang asawa.

Paliwanag: Hindi lamang Salita ang ginagamit ng tao upang ipahayag ang kanyang
damdamin at pag-iisip. Madalas na sa galaw ng kaniyang katawan ay naipapahayag niya
ang kanyang saloobin. Sa matamang pagmamasid ng mga tao noong unang Panahon
ay napuna nilang ang pag-ayaw ng tao sa isang tao, hayop, bagay, ideya o anuman ay
maaaring ipahayag sa pamamagitan ng iling ng ulo at kawalang interes dito o dili kaya’y
inilingos niya ang kanyang nguso’t labi. Sa pagwawalang-bahala naman, nakagawiang
kilos na ng tao ang kawalang ekspresyon ng | kanyang mukha kaalinsabay ng pagkikibit
ng kanyang balikat o bahagyang pagtataas nito. Bunga ng pagkamapagmasid nila, nabuo
ang kasabihang magkibit-balikat upang tukuyin ang pagwawalang-bahala ng tao.

5. Balimbing

Kahulugan 1: kung sino ang kaharap ay siyang kakampi

Halimbawa: Nilalayuan ng mga kaibigan ang isang taong balimbing.

Kahulugan 2: doble kara; dalawang mukha; hunyango

Paliwanag: Ang balimbing ay prutas na may limang anggulo at kahit saang anggulo
tingnan ay pareho ang Makikita. Dahil dito ang taong kung sino ang kaharap ay Siyang
Pinapanigan ay tinatawag na balimbing.

6. May pakpak ang balita

Kahulugan: mabilis kumalat ang balita

Halimbawa: Mag-ingat sa Pagsasalita sapagkat may pakpak ang balita.

Paliwanag: Ang May pakpak ay nakapaglalakbay nang mabilis. Itinutulad ang balita sa
bagay na may pakpak at sapagkat ugali ng taong sumagap ng balita na mabilis namang
nagpapasalin-salin sa bibig ng iba’t ibang tao, lumilitaw ang kasabihang may pakpak ang
balita.
7. Bantay-salakay

Kahulugan: nagnanakaw ng mga bagay na ipinagkatiwala sa kanya.

Halimbawa: Huli na nang malaman nilang ang kanilang katulong sa bahay ay


bantay-salakay pala.

Paliwanag: Ang talinghaga sa pahayag na ito ay nasa pagsasama ng dalawang salitang


may magkasalungat na kahulugan: bantay at salakay. Ang unang salita, bantay ay
nangangahulugan ng pag-aaruga o pag-aalaga, samantalang ang ikalawang salita,
Salakay ay nangangahulugan ng lusob o daluhong. Kapag pinagsama, ang ideyang
nabubuo ng dalawang salita ay maaaring isang taong hinirang na bantay ngunit siyang
sumalakay o nagnakaw sa binabantayan. Ginamit ng mga tao noon ang kawikaang
bantay-salakay upang tukuyin ang’ isang kasamang pinagkakatiwalaan ngunit nagtaksil
naman. Hanggang ngayon, ginagamit pa ang kasabihang Ito.

ANG ESTILO NG RETORIKA

Kahulugan at Kalikasan

Kung babalikan. natin ang pagbibigay ng kahulugan sa retorika, mababatid nating ito ay
bahagi ng edukasyon sa malayang sining nang panahon ng “medieval” at nakatuon sa paggamit
ng wika upang magbigay ng panuto at manghimok. Binigyan ito ng kahulugan ni Sister Miriam
Joseph bilang sining ng pagpapahayag ng naiisip mula sa isang tao patungo Sa iba, at ang pag-
aangkop ng wikang gamit sa pangyayari at panahon. Sinasabi ring ang retorika ay nakatuon sa
isang bagay sa panahong ipinahahayag ito. Malinaw na sa _ retorika, binibigyang-pansin ang
paraan at epekto ng pagpapahayag ng isang tao. Dito pumapasok ang estilo ng nagpapahayag.

Ano nga ba ang estilo? Ang estilo ay isa sa limang tradisyonal na kahingian ng retorikang
klasikal. Mula kay Richard Nordquist, “the most durable thing in writing is style”. lbig sabihin, ang
estilo ang pinakamatatag na bahagi sa pagsulat. Mula sa salitang Latin na stylus, isang bagay
na matulis na ginagamit na panulat, ang kahulugan ng estilo noong nakalipas na 2,000 taon.
Ngunit sa kasalukuyan, ang estilo ay nangangahulugang hindi ang gamit-panulat kundi ang
katangian ng pagsusulat mismo: ang paraan ng pagpapahayag, pagsasagawa 0 paglalahad sa
pasalita at pasulat na paraan. Kung pasisimplehin ang kahulugan nito, ito ay ang mga bagay na
pinapalamuti sa diskurso ng isang tao; na kung palalawakin ay manipestasyon ng taong
naghahayag o nagsusulat. Ito ang kahulugan ng salitang estilo na mula sa
salitang Latin na elocutio o salitang Griyego na lexis.

Sa puntong ito, ang estilo ay binigyang-kahulugan bilang Paraan kung paano sinasabi,
isinusulat o isinasagawa ang isang pahayag. Sa pinasimpleng pagpapakahulugan, ito ay
nakatuon sa paggamit ng salita, Pagsasaayos ng pangungusap at pageggamit ng tayutay. Sa
pinalawak na Pagpapakahulugan ito ay tinitingnan bilang manipestasyon ng taong nagsasalita
o nagsusulat.

Inuri ni Quintilian ang tatlong antas ng estilo sa mga sumusunod:

a. ang estilong payak — ginagamit sa pagbibigay panuto sa mga tagapakinig,


b. ang estilong midyal — ginagamit sa pagpapakilos ng mga tagapakinig; at,
c. ang estilong mataas — ginagamit upang mapaglubag o ma-please ang tagapakinig.

Ang mga kaantasang ito ng estilo ay maaaring magamit nang sabay-sabay. Wala ring
kinikilalang mas mataas o mas mababa sa mga ito.

Ngunit ano nga ba ang kahulugan ng pagpapahayag na may estilo? Ang estilo ba ay
katangiang maaaring idagdag 0 alisin ng naghahayag kung kanyang nanaisin? O maaaring ito
ay isang natatanging kakayahan ng ilang manunulat lamang? Nakasasama ba ito o nakabubuti
sa pahayag? Wasto ba ito o mali? O higit itong nakatuon lamang sa panlasa ng manunulat? Ang
estilo ba ay uri ng palamuti na idinadagdag sa isang akda; o tunay na mahalagang sangkap ng
panulat? -

Ayon sa paniniwala ni Baruch Spinoza, ang estilo ay karakter. Ito ay ang katangian ng
damdamin ng isang tao na inihahayag; at sa hindi inaasahang pag-uugnay, etika at pamahalaan
ang estilo.

Ayon naman kay Johann Wolfgang von Goethe, kinakailangang malinaw raw muna ang
pag-iisip ng isang manunulat upang magkaroon ng estilo ang kanyang isinusulat, at kung may
magsusulat sa kagalang-galang na estilo, dapat maging kagalang-galang muna ang kanyang
pagkatao.

Ang estilo ng manunulat ay nararapat sa kanyang larawang-diwa, subalit ang pili at


kapangyarihan ng wikang kanyang gamit ang bunga ng kanyang panulat. Ito ay ayon naman
kay Edward Gibbon.

Kay Lord Chesterfield, ang estilo ay kasuotan ng kanyang naiisip; samantala, kay Richard
Eberhart, ito ay pagpapatumpak ng punto de bista.

Sa aklat namang College Composition and Communication (1974) ni Richard Graves,


ang estilo ay hindi lamang palamuti ni katapusan ang paggamit nito sa isang panulat, ito ay
paraan ng paghahanap at pagpapaliwanag ng katotohanan. Ang layunin nito ay hindi
magmayabang kundi magpahayag.

At kay Gore Vidal, ang estilo ay pagkilala sa totoong pagkatao, Sa gustong ipahayag at
hindi nababahala sa kalalabasan,

Sa mga pahayag na ito, malinaw na ang estilo’ ay “buhay” ng isang panulat. Hindi lamang
ito palamuti kundi kahulugan ng mga pahayag ng isang manunulat. At ayon nga kay Vladimir
Nabokov, ito ang lahat ng mga kailangan

Kakanyahan at Kapangyarihan ng Wika

Sa mga nakaraang talakay, malinaw na binigyang-kahulugan ang wika bilang


masistemang balangkas ng sinasalitang tunog. At sapagkat ito ay may sistema at may
balangkas, may taglay rin itong mga kakanyahan.
Ang wika ay gamit sa pakikipagtalastasang pantao na may pinagkasunduang simbolo,
tinig at tono, kilos at kumpas. Sa pahayag na ito, may dalawang kakanyahan ng wika ang
mababasa: gamit sa pakikipagtalastasang pantao at may pinagkasunduang simbolo, tinig at
tono, kilos at kumpas.

Ayon kay Walt Whitman, ang wika ay hindi isang abstraktong nilikha ng mga nakapag-
aral o ng mga bumubuo ng diksyonaryo, kundi ito ay isang bagay na nalikha mula sa mga gawa,
pangangailangan, kaligayahan, pagmamahal, panlasa ng mahabang talaan ng henerasyon ng
lahi at nagtataglay ito ng malawak na batayang makamasa.

Sa kahulugang ito, mababasa na ang wika ay nabuo batay sa pangangailangan ng


gagamit nito. Ito ay kakanyahan pa rin ng wika.

Ang wika rin ay maaaring itulad sa isang pirasong papel na ang kabilang mukha ay ang
kaisipan at ang kabila ay ang tunog ayon kay Ferdinand de Saussure. Hindi maaaring sa
paggupit ng papel, mahahati ang kaisipan at ang tunog. Anumang bahagi ng putol, magtataglay
kapwa ang mga ito ng kaisipan at tunog. At ang pagtataglay 8g wika ng kaisipan at tunog ay
kakanyahan nito.

Sa mga kakanyahang ito, mabibigyan ng kapangyarihan ang wikang maging na ng


Karunungan ayon kay Krank Kruas. Gayundin, ang wika ay maaaring magtago ne naiisip sa
pakikipagtalastasan ayon kayAbraham Maslow. Ayon din kay Ludwig Wittgenstein, ang
limitasyon ng wika ng nagpapahayag ay nangangahulugang limitasyon sa kanyang mundo.

Kahulugang Konotatibo at Denotatibo

Ang karaniwang layunin ng pakikipag-usap sa kapwa ay upang magkaunawaan subalit


minsan, ang pakikipag-unawaan ay hindi natatamo sapagkat nabibigyan ng ibang kahulugan
ang mga salitang ginamit o ginagamit ng mga nag-uusap. May dalawang pagpapakahulugan
ang maaaring mailapat sa mga salitang ginagamit o ginamit sa mga pahayag:

Ang Kahulugang Konotatibo

Ang konotatibo ay pagpapakahulugan sa mga -salitang ginamit sa pagpapahayag na


nakabatay sa estilo ng nagpapahayag. Kadalasan, ang kahulugang ito ay nakasalalay sa
pagtanggap ng nakikinig na inaangkop sa paraan ng pagpapahayag ng nagsasalita. Nagbibigay
ito ng emosyonal at/o intelektuwal na dating sa tumatanggap ng kahulugan. Karaniwan sa
kahulugang ito ang pagiging subhetibo ng tumatanggap ng kahulugan.

Ang Kahulugang Denotatibo

Ang denotatibo ay pagpapakahulugan sa mga salitang ginamit sa pagpapahayag na


nakabatay sa kahulugang ibinibigay ng diksyonaryo. Ito ang kahulugang. literal ng salitang
ginamit sa pakikipagtalastasan. Inilalabas sa pagpapakahulugan ng salita ang pahiwatig-
emosyonal, politikal at etikal. Ang tuon ng kahulugang ito ay ang pagiging obhetibo ng
tumatanggap ng kahulugan.

Kahulugang Tekstuwal, Kontekstuwal, Subtekstuwal at Intertekstuwal


Sa bahaging ito, ang bibigyang-linaw ay ang kahulugang inilalapat sa mga pahayag.
Nakatutulong sa pakikipag-unawaan ang kaalaman sa pagkilala. Sa kahulugan ng mga pahayag
na karaniwan Nang NaBaganap sa ugnayan ng mga salita sa loob ng mga pahayag.

May apat na uri ng pagpapakahulugan sa mga pahayag na ginagamit sa pakikipagtalastasan:

Ang Kahulugang Tekstuwal

Ito ang literal na kahulugan ng pahayag batay sa ugnayan ng mga ‘Salitang ginamit.
Binibigyang-tuon sa kahulugang ito ang kaayusan ng mga Salita sa loob ng pangungusap, ang
kaayusan ng mga pangungusap sa loob ng talata, ang kaayusan ng mga talata sa loob ng
pahayag, at ang kaayusan ng mga pahayag Sa kabuuan ng diskurso. Ang kahulugang ito ay
nakasasalay rin sa kakipilan, kaisahan at empasis ng pahayag. Ang salitang tekstuwal ay mula
sa salitang-ugat na text o teksto na mula naman sa pandiwang Latin na texere na
nangangahulugang bumuo, humabi o maglatag.

Ang Kahulugan Kontekstuwal

Ito ang kahulugang nakabatay sa pahiwatig ng mga pahayag na ginamit sa pakikipagtalastasan.


Ayon kay Kenneth Noland, ito ang kabuuan ng diskurso. Isinasaalang-alang sa kahulugang ito
ang ugnayan ng mga elementong lingguwistikal at hindi lingguwistikal sa kakayahang
pangkomunikatibo ng nagpapahayag. Ang kahulugang ito ay nahuhulma sa ugnayan ng
pahayag at ng motibo ng nagpapahayag.

Binibigyang-pansin dito ang mga context clue o panandang konteksto. Maaaring ito ay mga
inuulit na salita o parirala o mga hindi tiyakang inihahaing mungkahi tungo sa nais na kahulugan
ng nagpapahayag.

Mga uri ang panandang kontektso:

a. kahulugan ng mga salitang nakapaloob sa teksto


b. singkahulugan o kasalungat na kahulugan ng salitang binibigyang-diin na nakapaloob sa
teksto
c. halimbawang nagpapaliwanag sa kahulugan ng pahayag
d. inuulit na salita o ideya

Ang Kahulugang Subtekstuwal

Ang kahulugang ito ay maaaring makita sa kabuuan ng isang aklat, dula, musika o
pelikula na hindi hayagang ipinababatid ng mga nagpapahayag ngunit ganap na nauunawaan
ng mga bumabasa, nakikinig o nanonood sa wakas ng aklat, dula, musika at pelikula. Ang
kahulugang ito ay nauukol sa ideya at motibo ng nagpapahayag na minsang tinatakpan ng
paggamit ng tayutay higit ng metapora upang makaiwas sa sigalot sa mga kilalang personalidad
na maaaring “tamaan” ng pahayag.

Ang kahulugang ito ay nakapaloob sa “ilalim” ng sinasalitang pahayag. Ang “ilalim” na ito
ay maaaring nagtatago ng galit, tunggalian, pagmamataas, o anumang hindi hayag na ideya at
emosyon. Ito ang kahulugang hindi tuwirang binabanggit o ipinadarama ng nagpapahayag, ni
hindi nag-iiwan ng pananda upang agad na maunawaan ng mga tagatanggap ng mensahe;
bagkus, kinakailangan ang maingat at seryosong pagtuon sa nagpapahayag at sa kanyang
inihahayag nang bago ito matapos ay ganap na maunawaan ang teksto.

Karaniwang ginagamit ang ganitong pagpapakahulugan sa mga pahayag na nauukol sa


mga usaping sosyal o politikal na hindi maihahayag , nang tuwiran. Ito rin.ang gamit kung ang
pahayag ay nilimita ng “censorship”. Ginagamit din ang ganitong pagpapakahulugan kung ang
layunin ng nagpapahayag ay makapagpaabot ng ideya sa kabuuan o masang publiko nang hindi
nakasasaling ng damdamin. Ang ganitong pagpapakahulugan ay ginagamit din sa mga pahayag
na nais ipaabot sa kabataan ngunit nararapat ding mabatid ng mga may gulang na.

Ang Kahulugang Intertekstuwal

Ito ay ang kahulugang makukuha sa ugnayan ng mga pahayag sa loob ng isang diskurso
na iniuugnay sa diskurso ng iba. Maaaring mahulma ang kahulugang ito sa pag-alam sa
kahulugan ng ibang tekstong may katulad na paksa. Mabibilang dito ang kahulugang ibinigay
ng iba’t ibang mambabasa sa lisang akda na bibigyang-kahulugan at lalagumin ng iba pang
mambabasa. Maaari ring mabilang dito ang pagbibigay-kahulugan sa isang akda na sinuri ang
kahulugan at paggamit ng mya Salita sa akda, ang pagkakabuo, paglalarawan at pagpapagalaw
sa me: karakter nito, ang mga tagpuan at panahong -sangkot, at ang layunin "8 May-akda sa
paglikha ng akda.

Binibigyang-pansin din dito ang Pagkakabaybay o pagkakabigkas ng mga salitang


ginamit sa pahayag. lSinasaalang-alang din dito ang kultura ng nagpapahayag.

Ang pagpapakahulugang ito ay ideya ni De Saussure noon pang ika-dalawampung siglo


sa disiplina ng lingguwistika. Binuo ni Julia Kristeva, isang Bulgarian-French na pilosopo at
psychoanalyst ang salita o terminong intertekstuwalidad.

Katangian, Linaw, Puwersa, Kagandahan at Dating

Ang paglalapat ng estilo sa retorika ay nakapagtitiyak sa kahulugang ibinibigay ng


nagpapahayag. Ang estilo ang nagbibigay-diin sa katangian, kalinawan, puwersa, kagandahan
at dating ng pahayag.

Sa klasikong retorika, upang mapaghusay ang pahayag, gumagamit ito ng estilong


naangkop sa paksa, sitwasyon, mananalita at makikinig o mambabasa. Ito ang tinatawag na
dekorum. Sa talakay ni Cicero, hindi nararapat na magkakatulad ang pagtrato sa iba’t ibang
paksa at iba’t ibang makikinig. Gayundin, nararapat na bigyang-pansin ang kaangkupan ng
pananalita ng mga mananalumpati. Nararapat na isinasaalang-alang ang mga katangian ng
pahayag: paksa, sitwasyon, mananalita at makikinig o mambabasa. Ayon nga kay Cicero:

"For the same style and the same thoughts must not be used in portraying every condition
in life, or every rank, position, or age, and in fact a similar distinction must bemade in
respect to place, time, and audience. The universal rule, in oratory as in life, is to consider
propriety. This depends on the’ Subject under discussion, and the character of both the
spegker and the audience.”
"This, indeed, is the form of wisdom that the orator must especially employ--to adapt
himself to occasions ang Persons. In my opinion, one must not speak in the same style
at all times nor before all people, nor against all opponents, not in defense of all clients,
not in partnership with aij. advocates. He therefore, will be eloquent whO can adapt his
speech to fit all conceivable circumstances."

Sa pahayag na ito, malinaw na binigyang-diin ni Cicero ang kakayahan ng


mananalumpating iangkop ang saril sa okasyon at mga tagapakinig. Sa kanyang Palagay, hindi
nararapat na Magsafitang may iisang estilo sa lahat ng pagkakataon, ni sa harap ng lahat ng
tao ni ng lahat ng katunggali, hindi bilang pagtatanggol sa mga kaibigan, hindi bilang kasosyo
sa lahat ng paniniwala. Kung gayon, Nararapat lamang na ang pananalita ng isang
mananalumpati ay makaaangkop Sa lahat ng pagkakataon.

Ang dekorum ay hindi Matatagpuan saanman. Ito ang katangiang taglay ng pinag-ugnay
na pananalita at ideya, bait at kilos, sining at moralidad, pagtataya at pagtitilad, at ng iba pang
elemento ng pagkilos. Ito ang pinataas na estilo ng pagbigkas na may tatlong pangunahing
gampanin: magpabatid, manlibang at manghimok, na sumakop sa malawak na gawaing pantao
(Robert Hariman, 2001).

Kaalinsabay ng pagtataglay ng dekorum ng mananalumpati, isinasaalang-alang din ang


elokusyon o ang kasiningan ng mabisang pagsasalita sa publiko.

Ito ay ang sining ng pagpapahayag ng nakasulat o sinasalitang wika sa pinakamahusay


na pagtataya ng paraan ng paghahayag ng damdamin, kagandahan o puwersa ng salitang
inilalapat ng mananalumpati.

Ang kahulugan ng salitang elokusyon ay iba sa kasalukuyan kung ihahambing sa klasikal


na retorika. Sa kasalukuyan, iniuugnay ang salitang ito sa paraan ng pagsasalita; na sa klasikal
na retorika ay nangangahulugang estilo.

Lahat ng konsiderasyong panretorika ng estilo ay nagsasangkot sa pili neg Salita na


kadalasan ay nasa ilalim ng paksang kawastuhan, kadalisayan, kasimplehan, kalinawan,
kaangkupan at kasiningan. Binibigyang-konsiderasyon din ang kaayusan ng mea Salita sa loob
ng parirala o sugnay. lsinasangkot sa konsiderasyong ito ang sintaks, balangkas ng mga
pangungusap, tamang gamit ng mga pangatnig at iba pang pang-ugnay sa loob at pagitan ng
mga pangungusap. Higit ding binibigyang-konsiderasyon ang paggamit ng tayutay at idyoma
(Edward Corbett at Robert Connors, 1999).

Ayon kay Richard Nordquist (2009), may mga kahinglan ang mahusay na paghahayag: |

• malinaw na pagbigkas ng mga salita,


• naaayong bigkas sa kahulugan at katuturan ng salita kaugnay ng diskurso,
• naaangkop na kilos at kumpas tungo sa katanggap-tanggap na animasyon at puwersa
ng pananalita. -

Bahagi pa rin ng mahusay na estilo sa pagpapahayag ang eloquence o elekwens. Ito ang
kalidad ng mapuwersa, elegante at mapanghimok na diskurso. Binigyan ito ng kahulugan ni
William Shakespeare bilang “words sweetly placed and modestly directed”. Ang elekwens ay
paglalapat ng mga salita nang may pag-iingat at respeto. Ayon naman kay William Cullen Bryant,
ito ang talinghaga ng mga akdang tuluyan; kay Ralph Waldo Emerson, naangkop na instrumento
ng taong may napakataas na lebel ng enerhiya; at kay John Dryden, ang sining ng pagdadamit
sa kaisipan ng matalino, makabuluhan at makatuturang mga salita.

Ang elekwens ay ang hangganan ng sining kaya’t ito ang kanyang kahalagahan. Lahat
ng sining ay may elekwens batay sa lebel ng kasiningan ng sining.

Ang elekwens, na naiiba sa retorika ay walang layunin. Laro lamang ito ng salita o iba
pang pahayag. Regalo itong nararapat na kawilihan, pinahahalagahan at sinasanay. Tulad ito
ng kagandahang nakaaakit sa kulturang nagpapahintulot dito.

Masining na Ekspresyon ng mga Ideya

May mga pagkakataong sa pagpipilit nating maunawaan ang isang nagpapahayag,


ipinagpapalagay natin na gumamit siya ng Masining na pahayag upang mabigyan ng kalayaang
mabigyan ng interpretasyon ang anumang tinanggap na impormasyon bagamat hindi tiniyak ng
nagpapahayag na gumamit nga siya ng.masining na pahayag. Ito ay upang maiwasan ang
puwang sa daloy ng unawaan sa pagitan ng nagpapahayag at ng tumatanggap ng pahayag.

Tatlong hakbangin ang dinadaanan ng ganitong gawain:

• Una, nilalapatan at sinusuri ng tagatanggap ang literal na kahulugan ng panayag;


• Ikalawa, tinatasa ng tagatanggap ang katotohanan at kaangkupan ng mga literal na
kahulugan kaugnay ng mga kahulugang kontekstuwal;
• Ikatlo, kung mapatutunayang bulaan at hindi angkop ang kahulugang literal, gagamitin
ng tagatanggap ang pagpapakahulugang subtekstuwal at intertekstuwal.

Sa pagtitiyak din ng kahulugan, binibigyang-pansin ang mga tayutay at idyoma na gamit


ng nagpapahayag. Ang mga ito ay nagbibigay-buhay at higit na linaw sa kahulugang isinasaad
ng nagpapahayag. Ayon nga kay Tony Robbins (2005), ginagamit ang tayutay at idyoma upang
higit na mapalalim ang pang-unawa ng mambabasa sa inilalahad na tauhan, tagpuan o bagay
sa pahayag.

Tinatawag ng mga Griyego ang tayutay bilang iskema sapagkat nagsisilbi naman ang
mga Salitang ito bilang paraan ng panghihikayat at tuntunin ng pagpapasang-ayon. Binabago
ng tayutay ang karaniwang wika pa pamamagitan ng pag-uulit, pagpapalit, pagpapatunog at
pagialaro ng salita. iniikot pinupudlungan, kinakaltasan at nililikhang tila kakaiba ang salita.

Ang likas na ugnayan ng tayutay at ideya ng pahayag ay madalas na namamali sa pang-


unawa. Karamihan ng mga retor ay itinuturing lamang na palamuti ang mga tayutay na
nagbibigay sa diskurso nang higit na kaaya-ayang dating na maaring gamitin o hindi sa
kagustuhan ng bumibigkas o nagsusulat. Ngunit kung susuriin daw ang mga sinaunang
pahayag, likas ang paggamit ng tayutay. Hindi ito palamuti na maaaring gamitin o hindi. Kinilala
pa ang mga masining na pahayag na karaniwang paglayo sa ordinaryong pahayag.

Ang Pananalita at Pahayag


Itinuturing na pinakamahalagang instrumento sa pagtatamo ng Sy an sa loob at sa labas
man ng isang institusyon ay ang kahusayan ng tao sa pagpapahayag. Malaki raw ang nagiging
papel ng tao sa loob ng ng lipunan kapag nagkaroon siya ng pagkakataong makuha ang
simpatya ng kanyang mga mamamayan sa pamamagitan ng kahusayan sa pagpapahayag at/o
pananalita. Higit itong angkop sa mga politiko na tuwina’y hinahangad na makuha ang boto ng
kanilang mega pinagsisilbihang mamamayan sa pamamagitan ng pakikipagdiskurso.

Dalawang pangunahing pamamaraan ng pagpapahayag ang maaaring bigyang tuon; ang


pagsasalita o pagsusulat.

Kaakibat ng mga pamamaraang ito ang mga kasanayan at kakayahang


pangkomunikatibong dapat na nililinang sa pagtatamo ng kahusayan sa pagpapahayag.
Mahalagang malinang ang kakayahang panlingguwistika na nakatuon sa kaalaman sa mga
aspektong pangwika (ponolohiya, morpolohiya, sintaksis), masusing pinag-aaralan ang
paggamit ng wika bilang instrumento ng pagpapahayag at kakayahan sa maingat, maayos at
magandang paggamit ng wika. Ikalawa rito ang kakayahang pangkomunikatibo na binibigyang
pagpapahalaga ang kakayahang magamit ang wika sa bawat sitwasyong kinalalagyan ng tao,
matalino, maguni-guni at malikhaing pagsasabuhay ng mga kaalamang pangwika.

Pangunahing konsiderasyon din sa mabisang pagpapahayag ang pormalidad o


impormalidad na gawi sa pagpapahayag, pasulat o pasalita man ang pamamaraan.

Sa pagiging pormal sa pagpapahayag pangunahing konsiderasyon ang pagkakaroon ng


dignidad. Layunin ng pagkakaroon ng dignidad sa pagpapahayag upang matiyak ang kapani-
paniwalang dating ng karakter ng nagpapahayag sa kanyang mga tagapakinig. Binigyang
kahulugan ang dignidad bilang tagapagpakilala ng isang matapang at fesponsableng pagkatao.
Kaugnay rin nito ang pangangailangan sa pagtataglay ng seryosong tono na lalong higit na
nagpapakita upang maramdaman ng mga tagapakinig ang kombiksyon at kabatiran ng mismong
nagpapahayag sa kanyang inihahantad sa kanyang mga tagapakinig.

Marapat din na sa usaping pormalidad ng pagpapahayag na maisaalang-alang ang


maayos at pagtugon sa usaping gramatikal. Kaakibat nito ang masinop na pagpoporma ng lahat
ng sangkap ng wika upang makabuo ng malinaw na kaisipan at maaayos na_ pagpili ng salita
na naaangkop sa paksang ipinahahayag.

Maihahanay naman ang pagpapahayag sa anyong di-pormal kung hindi ito


nagsasaalang-alang sa mga nabanggit sa pormal. Pasulat man o pasalita kakikitaan ito ng mga
katangiang personal, puno ng kolokyalismo, islang bulgar at eupemismo.

Tumutukoy ang personal sa mismong nilalaman ng paghayag, higit na dapat na


maisaalang-alang sa punto ng pagsasalita ang mga makatotohanang datos sa halip na personal
na pananaw lamang ng nagpapahayag. Hindi maaaring imanipula ng nagpapahayag ang
kanyang mga tagapakinig sa kanyang mga paniniwala sapagkat sa punto ng retorika nagiging
mabisa ito kung nakatutulong sa paglikha ng makabuluhang opinyon ang tagapakinig Sang-
ayon na rin sa inilalatag na mga impormasyon ng Nagpapahayag.
Sa usapin ng pagpili at paggamit ng mga salita, higit na kinakikitaan ng mga salitang
nabibilang sa kolokyalismo, islang, bulgar at eupemismo. Ang mga uri ng salitang nabanggit ay
hindi Nagsasaalang-alang sa usaping gramatikal na pangunahin namang tuon ng pormal. na
pagpapahayag.

Ikatlo sa paraan ng pagpapahayag na dapat mapagtuunan ay ang paggamit ng


matatalinghagang pahayag. Karaniwan itong nakikita sa mga literaturang akda. Sa
kontemporanyong Pagpapahayag hindi na ito matamang napagtutuunan bunsod ng
dominasyon makabagong antas ng wikain, subalit sa_klasikal na paggamit nito higit na nakikita
ang kagandahan ng pagpapahayag sa ganitong antas.

You might also like