You are on page 1of 8

Antas ng Wika

1. formal at di-formal – di-formal na wika ang wikang ginagamit ng tao sa ka-edad samantalang formal
naman ang wikang gingamit ng tao sa nakatataas o nakatatanda

2. lingua franca – wikang ginagamit ng karamihan sa isang bansa; sa Pilipinas ang Filipino ang lingua
franca ng mga tao

3. lalawiganin – mga wikang ginagamit ng mga tao sa lalawigan gaya ng Chavacano, Tausug, Cebuano,
Ilonggo, Visaya at iba pa. Hindi talamak ang paggamit sa isang bansa ng mga wikang lalawiganin ngunit
nagsasadya ito ng implikasyon ng kultura ng isang lalawigan

4. kolokyal - ito ay ang pakikibagay ng wika sa taong gumagamit nito. Kadalasan napaiikli ang mga salita
ngunit napagkakasunduan ang pagpapaikli nito. Halimbawa: /tena/ para sa 'tara na', /pre/ para sa 'pare'

5. balbal o pangkalye – wikang ginagamit ng tao na halos likha-likha lamang at may kanya-kanyang
kahulugan gaya ng wika ng mga tambay at bakla – halimbawa ang mga salitang ‘eklavush’, ‘erpat at
ermat’ at ‘cheverloo’.

6. edukado/malalim – wikang ginagamit sa panitikan, sa mga paaralan at pamantasan, sa gobyerno, sa


korte at iba pang venyung profesyunal

Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang katigorya sa antas na ginagamit ng tao batay sa kanyang pagkatao, sa
lipunang kanyang ginagalawan, lugar na tinitirhan, panahon, katayuan at okasyong dinadaluhan.

Pormal - Ito ay antas ng wika na istandard at kinikilala/ginagamit ng nakararami.

Pambansa. Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at pambalarila

para sa paaralan at pamahalaan

Halimbawa:

Asawa, Anak, Tahanan

Pampanitikan o panretorika. Ito ay ginagamit ng mga malikhain manunulat.

Ang mga salita ay karaniwang malalim, makulay at masining.

Halimbawa:

Kahati sa buhay

Bunga ng pag-ibig

Pusod ng pagmamahalan

Impormal. Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, pang araw-araw, madalas gamitin sa pakikipag-
usap at pakikipagtalastasan.

Lalawiganin. Ito ay gamitin ng mga tao sa particular na pook o lalawigan, makikilala ito sa kakaibang tono
o punto.

Halimbawa:
Papanaw ka na ? (Aalis ka na?)

Nakain ka na? (Kumain ka na?)

Buang! (Baliw!)

Kolokyal. Pang araw-araw na salita, maaring may kagaspangan nang kaunti,

maari rin itor refinado ayon sa kung sino ang nagsasalita. Ang pagpapaikli ng isa,

dalawa o higit pang titik sa salita.

Halimbawa:

Nasan, pa`no,sa’kin,kelan

Meron ka bang dala?

Balbal. Sa Ingles ito ay slang. Nagkakaroon ng sariling codes, mababa ang antas

na ito; ikalawa sa antas bulgar.

Halimbawa:

Chicks (dalagang bata pa)

Orange (beinte pesos)

Pinoy (Pilipino)

Karaniwang paraan ng pagbuo ng salitang balbal:

1. Paghango sa mga salitang katutubo

Halimbawa:

Gurang (matanda)

Bayot (bakla)

Barat (kuripot)

2. Panghihiram sa mga wikang banyaga

Halimbawa:

Epek (effect)

Futbol (naalis, natalsik)

Tong (wheels)

3. Pagbibigay ng kahulugan ng salitang tagalog

Halimbawa:

Buwaya (crocodiles – greedy)


Bata (child – girlfriend)

Durog (powdered – high in addiction)

Papa (father – lover)

4. Pagpapaikli

Halimbawa:

Pakialam – paki

Tiyak – tyak

5. Pagbabaliktad

Buong Salita

Halimbawa:

Etned – bente

Kita – atik

Papantig

Halimbawa:

Dehin – hindi

Ngetpa – Panget

Tipar – Parti

6. Paggamit ng Akronim

Halimbawa:

G – get, nauunawaan

US – under de saya

7. Pagpapalit ng Pantig

Halimbawa:

Lagpak – Palpak – Bigo

Torpe – Tyope – torpe, naduwag

8. Paghahalo ng salita

Halimbawa:

Bow na lang ng bow

Mag-jr (joy riding)


Mag-gimik

Mag-MU

9. Paggamit ng Bilang

Halimbawa:

45 – pumutok

1433 – I love you too

50-50 – naghihingalo

10. Pagdaragdag

Halimbawa:

Puti – isputing

Kulang – kulongbisi

11. Kumbinasyon

Pagbabaligtad at Pagdaragdag

Halimbawa:

Hiya – Yahi – Dyahi

Pagpapaikli at pag-Pilipino

Halimbawa:

Pino – Pinoy

Mestiso – Tiso, Tisoy

Pagpapaikli at Pagbabaligtad

Halimbawa:

Pantalon – Talon – Lonta

Sigarilyo – Siyo – Yosi

Panghihiram at Pagpapaikli

Halimbawa:

Security – Sikyo

Brain Damage – Brenda

Panghihiram at Pagdaragdag

Halimbawa:
Get – Gets/Getsing

Cry – Crayola

ANO - ANO ANG MGA HALIMBAWA NG PORMAL AT DI-PORMAL NA


SALITA SA ANTAS.NG WIKA
Sampong halimbawa ng pormal na salita wikang filipino.

1. Tatay
2. Nanay
3. Kotse
4. Pulis
5. Gutom
6. Nasaan
7. Saan ba?
8. Kapatid
9. Katulong
10. Malaki

Ang mga nakasulat sa ibaba ay mga halimbawa nga isang pormal na


salita. Ang mga ito ay tinatanggap sa paaralan at pakikipagtalastasan sa
Guro at mga ka klase. Ang Pormal na mga salita ay ginagamit din sa pag
susulat ng aklat at pagsusulat ng mga dalubwika. Ito ay araw araw na
ginagamit ng Guro sa paaralan bilang isang panturo ng mga mag aaral. Ang
Pormal na salita ay medyo kumplikado at ginagamitan ng bukabolaryo kay
sa ibang salita na ginagamit sa pang araw araw na pakikipagtalastasan o
pakipag-usap.
Para sa karagdagang halimbawa ng pormal na mga salita pindutin
lamang ang nakasaad na links sa ibaba:
brainly.ph/question/641372
brainly.ph/question/412277
May dalawang uri ng Pormal na salita ito ay:
 Pambansa - ito ay mga salitang ginagamit sa mga aklat na binabasa sa
lahat ng mga mag aaral. Ito ay mga salitang ginagamit sa ating
pamahalaan at sa ibat ibang paaralan ma pribado man o ma publiko.
halimbawa: Katulong

 Pampanitikan - Ito ay mga salitang malalim, makukulay at matataas ang


uri. halimbawa: katuwang

Sampong halimbawa ng hindi pormal na mga salita sa wikang filipino.

1. Erpat
2. Ermat
3. Sikyo
4. Tsikot
5. Lispu
6. Tom-guts
7. Ewan
8. Nasan
9. san ba?
10. yosi

Ang mga impormal na salita ay hindi tinatanggap ng mga matatanda noong


unang araw dahil hindi ito maganda pakinggan at hindi maganda gumamit nito
lalo na ang isang tao ay may mataas na pinag aralan. Ang impormal na mga
salita ay kinikilalang salitang kalye at hindi poedi gamitin sa ng mga Guro sa
pakikipagtalastasan ng studayante at hindi poedi gamitin sa pag tuturo.
Ang impormal na mga salita ay hindi din ito poedi gamitin sa pagsusulat ng
aklat o pagsusuri.
Para sa karagdagang halimbawa ng mga salitang di pormal pindutin
lamang ang nakasaad na links sa ibaba:
brainly.ph/question/177533
brainly.ph/question/83513
May tatlong uri ng di Pormal na salita ito ay ang mga sumusunod:
 Lalawiganin - Ito ay mga salitang kakaiba ang bigkas at tono. ito ay
kilala at saklaw lamang ng pook na ginagamitan nito. halimbawa:
pampanitakan ito ay malaki pero sa bikol ito ay dakula at sa bisaya
dako. magkaiba sila sa tono pero kaparihas lang ng meaning.

 Balbal - Ito ay tinatawag na salitang kanto, kadalasan gingamit sa mga


taong tumatambay sa kanto o kalye. halimbawa nosi balsi, yosi at iba
pa.

 Kolokyal - ito ay mga salitang ginagamit sa pang araw araw na


pakikipagtalastasan. ito ay meron kagaspangan at may pag ka bulgar
pakingagan bagamat malinis ayun sa kong sino ang nag sasalita.
halimbawa: Ewan, nasan, san ba?

ANTAS NG WIKANahahati ang antas ng wika sa dalawa: Pormal at Di-pormal


at saloob ng bawat isa ay may iba pang antas. Sa Pormal, nariyan ang
pambansa,pampanitikan at Teknikal. Samantala ang mga Di-pormal naman
aylalawiganin, kolokyal at balbal.Sa araling ito, nagbigay tuon ang
sumusunod: Ang Pormal, Di pormalat ang Balbal1. Pormal – Wikang
ginagamit sa mga seryosong publikasyon, tulad ng mgaaklat, mga panulat na
akademiko o teknikal, at mga sanaysay sa mgapaaralan. Ito ay impersonal,
obhetibo, eksakto, at tiyak. Ito ay gumagamitng bokabularyong mas
komplikado kaysa sa ginagamit sa pang-araw-araw nausapan. Gumagamit
din ito ng mga pangungusap na binubuo ayon sa mgapanuntunang
gramatikal.2. Di-Pormal – Wikang ginagamit ng karamihang tao araw-araw.
Simplelang ang bokabularyo nito at ang mga pangungusap nito ay maiigsi
lamang.Tinatanggap dito ang tonong kumberseysyonal at ang paggamit ng
mgapanghalip na “ako” at “mo.” Hindi ito mahigpit sa tamang paggamit ng din-
rin, daw-raw, kaunti-konti, atbp. Ang mga artikulo at kolum sa mga diyaryona
parang nakikipag-usap lamang sa mambabasa ay kadalasang gumagamitng
mga wikang di-pormal. Ito rin ang mga wikang ginagamit sa pagsulat samga
kaibigan.Halimbawa nito ay ang salitang balbal tumutukoy sa kataga
opariralang likha o hiram sa ibang wika na karaniwang ginagamit ng mga444
Background image

mababa ang katayuan sa buhay. Kung ito’y hiram, binabago ang anyo
nitoupang maiakma sa paggamit

You might also like