You are on page 1of 24

Anong kakaibang

katangian ang taglay ng


mga tauhang nasa
narawan? Bakit sila
hinahangaan?
Maituturing ba
natin silang mga
bayani?
Bakit?
INDARAPATRA at
SULAYMAN
TALASALITAAN
Bigyan ng sariling pagpapakahulugan ang ginamit
na simbolo sa akda at ipaliwanag ang kahulugan.
SIMBOLO KAHULUGAN PALIWANAG
1. singsing
2. espada
3. halaman
4. mga halimaw
5. tubig na lunas
1. singsing
2. espada
3. halaman
4. halimaw
5. tubig na lunas
Magtala ng Mahahalagang
Impormasyon ayon sa sumusunod:

Tauhan at Katangian
Tagpuan
Mahahalagang pangyayari
Aral na nakapaloob
PANOORIN ANG
VIDEO NG
EPIKONG
INDARAPATRA AT
SULAYMAN
TANDAAN:
EPIKO = mula sa salitang Griyego na EPOS na
nangangahulugang “awit o salawikain ngunit sa
paglipas ng panahon ay tinawag na “tula ng
kabayanihan”
EPIC = katumbas sa Tagalog ng epiko na mula
sa wikang kastila
TANDAAN:
EPIKO = tulang pasalaysay na tumatalakay
sa pakikipagsapalaran, katapangan, at
kabayanihan ng pangunahing tauhan
Mga Tauhan = nagtataglay ng kakaibang
lakas at nagpapamalas ng kabayanihan at
kapangyarihan sa pagharap sa mga di
kapani-paniwalang pangyayari
TANDAAN:
KATANGIAN NG EPIKO
1. Ang mga pangunahing tauhan ay nagtataglay
ng kakaibang lakas o anting-anting.
2. Umaalis ang pangunahing tauhan sa tahanan at
matagumpay na babalik.
3. Ipinapakita ang pakikipaglaban ng pangunahing
tauhan, ang pagkamatay at muling
pagkabuhay, at ang pagkakatagpo ng pag-ibig.
TANDAAN:
KATANGIAN NG EPIKO
4. Halos magkakatulad ang mga paksa at tema
ng epiko sa Pilipinas.
5. Sumasalamin ito ng kultura sa bawat rehiyon
sa bansa.
6. Inaawit o binibigkas ang mga berso nito na
nagpasalin-salin sa bawat henerasyon.
PANGKAT 1: TALASIK (pahina 28)
Bigyan ng sariling kahulugan ang mga ginamit na
simbolo sa akda. Ipaliwanag ang ibinigay na
kahulugan.

SIMBOLO KAHULUGAN PALIWANAG


1. singsing
2. espada
3. halaman
4. mga halimaw
5. tubig na lunas
PANGKAT 2: MULING PAG-ISIPAN (pahina 28)
Sagutin ang mga tanong.
1. Ano-anong katangian ang taglay nina Indarapatra at
Sulayman bilang pinuno?
2. Bakit nawala ang saya at katahimikan sa kanilang
kabundukan? Ipaliwanag ang sagot.
3. Sino ang inutusan ni Haring Indarapatra upang lutasin
ang suliranin ng pulong Mindanaw? Nagtagumpay
ba siya?
4. Paano ipinakita ni Indarapatra ang kaniyang
pagmamahal sa kapatid?
5. May Indarapatra at Sulayman bang maituturing sa
ating lipinan sa kasalukuyan? Patunayan.
PANGKAT 3: MASUSING GAMPANAN A (pahina 28-29)
A. Tukuyin ang katangian ng bawat tauhan ayon sa
tono at paraan ng kanilang pananalita.
Pahayag Katangian ng Tauhan
1. “Prinsipe Sulayman, ako’y sumasamo
na iyong iligtas ang maraming taong
nangangailangan ng tulong mo’t habag.”
2. “O mahal na hari na aking kapatid,
ngayon di’y lilipad at maghihiganti sa mga
halimaw ang talim ng tabak.”
3. “Ang takdang oras mo
Ngayo’y dumating na.”
4. “Ang kamatayan mo’y ipaghihiganti
buhay ma’y masawi.”
PANGKAT 4: MASUSING GAMPANAN B (pahina 29)

Manood ng isang pelikula na may


temang katulad ng sa akdang
tinalakay. Suriin at ibigay ang
sariling pakahulugan sa
kahalagahan ng mga pangunahing
tauhan sa pelikulang napanood.
Ibahagi ito sa klase.
PANGKAT 5: MASUSING GAMPANAN C (pahina 29)

Magsagawa ng panayam sa
matatanda sa inyong lugartungkol
sa kanilang kaalaman sa mga
epiko sa kanilang bayan.
Pagkatapos ay ihambing ang
natutuhang epiko mula sa
matatanda sa epikong Indarapatra
at Sulayman.
PAMANTAYAN SA
PAGMAMARKA
Nilalaman (25) =
Pagpapaliwanag (15) =
Tindig (10) =________
KABUUAN (50) =
TAKDANG ARALIN: Alamin ang iyong kalakasan
gamit ang website na ito. I-print ang lumabas na
resulta at gawan ng 5 pangungusap na
repleksyon.

https://www.literacynet.org/mi/
assessment/
findyourstrengths.html

You might also like