You are on page 1of 44

7

Filipino
Ikatlong Markahan
Filipino – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Una hanggang Ikawalong Linggo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: MA. EDNALYN C. REJANO, TII, POLO NHS; ENROSE LINDAYAG, TII, BAGBAGUIN NHS;
LORENZ IRAH J. AGUSTIN, T 1, Paso de Blas NHS; RACHEL T. GALOSO, T1, Justice Eliezer DS NHS;
CAMILLE JOY C. VALIMENTO, TII -Valenzuela NHS; GILSANNE I. MEMPIN, T1, Malanday NHS.
Editor: GRACE IMPERIAL-YUMUL, HT 3, VALENZUELA NHS
Tagasuri: ROSARIE R. CARLOS, Education Program Supervisor
Tagaguhit: Team Grade 7 Illustrator
Tagalapat: Team Grade 7 Illustrator
Tagapamahala:
Meliton P. Zurbano, Assistant Schools Division Superintendent, OIC-OSDS
Filmore R. Caballero, CID, Chief
Jean A. Tropel, Division EPS In-Charge of LRMS & ADM Coordinator
Rosarie R. Carlos, EPS-Filipino

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Division of City Schools - Valenzuela
Office Address: Pio Valenzuela St., Valenzuela City
Telefax: (02) 8294 0658
E-mail Address: sdovalenzuela2015@gmail.com
Aralin

1 Ponemang Suprasegmental

Alamin

Magandang araw sa iyo!


Sa pakikipagtalastasan at paglalahad ng damdamin mahalagang
maipabatid natin nang may kalinawan at kaayusan ang ating mga ipinahahayag
upang sa gayon ay magkaroon nang maayos na daloy ng komunikasyon sa pagitan
ng dalawa o higit pang taong nag-uusap. Sa modyul na ito ay matututuhan mo ang
kahalagahan at tulong sa paggamit ng ponemang suprasegmental (tono, diin,
antala) sa isang mabisang pakikipagtalastasan at sa pagpapahayag ng damdamin.
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
Naipaliliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng suprasegmental (tono, diin,
antala), at mga di-berbal na palatandaan (kumpas, galaw ng mata/ katawan, at
iba pa) sa tekstong napakinggan. (F7PN-IIIa-c-13).

Subukin
A. Panuto: Isulat ang T kung ang pahayag ay tama at kung mali ay isulat ang
wastong salita/sagot sa patlang.
_________1. Ang ponemang suprasegmental ay wastong pagbigkas ng mga salita o
pahayag upang higit na maunawaan ang iyong inilalahad.
_________2. Ang diin ay saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging
malinaw ang mensaheng ipinahahayag.
_________3. Upang mapakita ang hinto o antala sa isang pahayag ay maaaring
gumamit ng kuwit, tuldok, semi-kolon, at kolon.
_________4. Ang salitang /tu.boh/ ay katumbas ng “pipe” sa Ingles.
_________5. Ang haba sa ponemang suprasegmental ay tumutukoy sa lakas ng
bigkas sa pantig ng salita.
_________6. Ang tono ay tumutukoy sa tindi ng damdaming ipinahahayag.
_________7. Ang pagkumpas ng kamay, paggalaw ng katawan at mata ay mga
halimbawa ng di-berbal na palatandaan.
_________ 8. Higit na nakatutulong ang paggamit ng mga di-berbal na palatandaan
sa mabisang pagpapahayag ng damdamin.
_________9. Ang haba sa ponemang suprasegmental ay tumutukoy sa haba ng
bigkas na iniuukol ng nagsasalita sa patinig ng pantig ng salita.
_________10. Ang maling pagbigkas ng mga salita at pahayag ay nagreresulta ng
maayos na pakikipagtalastasan.
B. Piliin ang wastong salita na nasa loob ng panaklong upang mabuo ang diwa ng
pangungusap.
1. Ang __________ (/tu.boh/, / tuboh/) ay natanggal sa pagkakakabit kaya naglawa
sa buong kusina ni Aling Rita.

3
2. Pinatunog ng pulis ang kanyang _________ (/pitoh/, /pi.toh/) upang patigilin ang
magnanakaw.
3. Hinika si Marie nang malanghap ang _________ (/asoh/, /a.soh/) na nagmula sa
siga ng mga tuyong dahon.
4. Isang ligaw na _______ (/balah/, /bala/) ang tumama sa bubong ng tahanan ni
Aling Lisa kaya ito ay nabutas.
5. (/bukas/, /bu.kas/) _______ na lamang tayo aalis sapagkat hindi maganda ang
pakiramdam ng iyong ama

Balikan
Panuto: Ibigay ang uri, katangian at kahulugan ng mga karunungang-
bayang makikita sa talahanayan.

Uri Kahulugan at
katangian
Si Maria Kong Dende
Nagtinda sa gabi
Nang hindi mabili
Umupo sa tabi.
Ang di magbayad walang problema,
sa karma pa lang, bayad ka na.
Bumili ako ng alipin, mas mataas pa sa
akin

Tuklasin
Panuto: Basahin nang wasto ang mga sumusunod na pahayag batay sa bantas na
ginamit at isulat ang paliwanag nito.
A 1. Kinahuhumalingan niya ang mga halaman?
2. Kinahuhumalingan niya ang mga halaman.
B. 1. May bagyo ngayon?
2. May bagyo ngayon.
C. 1. May sunog?
2. May sunog!
D. 1. Ang paso ay nilagyan ng lupa ni Mang Ramon upang taniman ng
halaman.
2. Malaking paso sa kamay ang tinamo ng bata nang matapunan ng
kumukulong tubig.
E. 1. Hindi puti.
2. Hindi, puti.
Gabay na tanong:
1. Ano-ano ang mga naging dahilan ng pagbabago ng kahulugan sa bawat
pahayag?
2. Bakit mahalaga ang wastong pagbigkas ng mga salita sa pagpapahayag ng
damdamin o saloobin? Ipaliwanag.

Suriin
Ponemang Suprasegmental

4
Ang mga ponemang suprasegmental ay mahalaga para sa mabisang
pakikipagtalastasan. Nakatutulong ito upang maging mas maliwanag at
maiparating ang tamang damdamin sa pagpapahayag.
1. Intonasyon, Tono, at Punto- Ang intonasyon ay tumutukoy sa pagtaas at pagbaba
na iniuukol sa pagbigkas ng pantig sa salita na maaaring makapag-iba sa kahulugan
ng mga salita maging ang mga ito man ay magkapareho ng baybay. Ang tono ng
pagsasalita ay nagpapahayag ng tindi ng damdamin samantalang ang punto ay
ang rehiyonal na tunog o accent.
Halimbawa:
Ang ganda ng tula? (Nagtatanong/ Nagdududa)
Ang ganda ng tula. (Nagsasalaysay)
Ang ganda ng tula! (Nagpapahayag ng kasiyahan)
2. Diin at haba- Ang haba ay tumutukoy sa haba ng bigkas na inuukol ng nagsasalita
sa patinig ng pantig ng salita. Ang diin naman at tumutukoy sa lakas ng bigkas sa
pantig ng salita.
Halimbawa:
/balah/ (bullet) /bala/ (threat)
/tu.boh/ (pipe) /tuboh/ (sugar cane)
3. Hinto o Antala- Ito ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging
malinaw ang mensaheng ipinahahayag. Ginagamit ang kuwit, tuldok, semi-kolon, at
kolon sa pagsulat upang maipakita ito.
Halimbawa:
Hindi maganda. (sinasabing hindi maganda ang isang bagay)
Hindi, maganda. (pinasusubalian ang isang bagay at sinasabing maganda ito)
Sanggunian: Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma 7

Pagyamanin
Ang Gawain sa pagyamanin ay makikita sa FB Group Page.

Isaisip
Ibigay ang kahalagahan ng paggamit ng wastong intonasyon, diin at antala sa
mabisang pakikipagtalasatasan o sa pagpapahayag ng damdamin.
A. Intonasyon, Tono, at Punto
___________________________________________________________________________
B. Diin at haba
___________________________________________________________________________
C. Hinto o Antala
___________________________________________________________________________
Isagawa

Magbigay ng iyong karanasan sa pakikipag-usap sa iyong kapwa ngunit tila


hindi naunawaan ng iyong kausap ang nais mong ipabatid o iba ang kanyang
interpretasyon. Ipakita ito sa paraan ng dayalogo at isulat sa ibaba kung ano ang

5
iyong naging pagkakamali kaya nagkaroon ng maling pagkaunawa o
interpretasyon.

Tayahin
Panuto: Piliin ang letrang angkop sa iyong kasagutan. Isulat sa patlang ang iyong
sagot.
1. Isang _________ na hayop ang nahuli sa ginawang pain ni Raul sa kagubatan.
Anong salita ang angkop sa pangungusap?
A. /LI.gaw/ B. /ligaw/ C. /li:GAW
2. Bukod sa ponemang suprasegmental ito ay isa ring ginagamit upang mas
mailahad nang epektibo ang damdamin na ginagamitan ng pagkilos ng katawan.
A. berbal B. di-berbal C. Palatandaang aksyon
3. Tumutukoy sa pagtaas at pagbaba na iniuukol sa pagbigkas ng pantig sa salita.
A. Intonasyon B. Punto C. Tono
4. Alin sa mga pahayag ang nangangahulugan na kulay puti ang tinutukoy na
kulay.
A. Hindi puti. B. Hindi, puti. C. Hindi puti,
5. Maaari bang makahingi ng inumin. (batayan: katumbas na 1 para sa mababa, 2
sa katamtaman; 3 sa mataas) Anong intonasyon ang angkop sa pahayag?
A. 231 B. 234 C. 321
6. Ponemang suprasegmental na tumutukoy sa lakas ng bigkas sa pantig ng salita.
A. antala B. diin C. punto
7. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng di-berbal na palatandaan maliban sa isa.
A. Kumpas ng kamay B. Galaw ng katawan C. Takbo ng isipan
8. Saan ka pupunta? (batayan: katumbas na 1 para sa mababa, 2 sa katamtaman;
3 sa mataas) Anong intonasyon ang angkop sa pahayag?
A. 231 B.123 C. 213
9. _______ na ng nakauwi ng tahanan si Mang Rico dahil sa bigat ng trapikong
kanyang naranasan sa daan. Anong salita ang angkop sa pangungusap?
A. / gabi/ B. /ga.bi/ C. /ga.bi? /
10. Alin sa mga sumusunod na bantas ang dapat gamitin upang maipakita ang
saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng
ipinahahayag?
A. panaklong B. kuwit C. tandang pananong
11. Alin sa mga pahayag ang nangangahulugang iba ang kaniyang pangalan at
hindi Mang Kanor?
A. Hindi, siya si Mang Kanor.
B. Hindi siya, si Mang Kanor.
C. Hindi siya si Mang Kanor.
12. Ito ay tumutukoy sa lakas ng bigkas sa pantig ng salita.
A. diin B. haba C. tono
13. May sunog! (batayan: katumbas na 1 para sa mababa, 2 sa katamtaman; 3
sa mataas) Anong intonasyon ang angkop sa pahayag?
A. 213 B. 231 C. 234
14. Ito ay saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang
mensaheng ipinahahayag.
A. tono B. kumpas C. antala
15. Ito ay tumutukoy sa rehiyunal na tunog o accent sa Ingles.

6
A. intonasyon B. punto C. tono
Karagdagang Gawain
Ang Gawain sa bahaging ito ay makikita sa FB Group Page.

Aralin
Katangian ng mga Uri ng
2 Karunungang-bayan

Alamin
Sa modyul na ito ay matututuhan ang mga katangian ng bawat
karunungang-bayan at ang halaga nito sa bawat isa. Inaasahan din sa pagtatapos
ng araling ito ikaw ay makabubuo ng isang sariling likhang tula o awiting panudyo,
tugmang de gulong, bugtong at palaisipan.
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
Naihahambing ang mga katangian ng tula/awiting panudyo, tugmang de
gulong at palaisipan. (F7PB-IIIa-c-14)

Subukin
A. Isulat sa patlang ang TG kung ang katangiang inilalarawan sa pahayag ay
Tugmang de-gulong, TP kung Tula/awiting Panudyo, B kung Bugtong at P kung
Palaisipan.
_______1. Ito ay isang uri ng akdang patula na kadalasan, ang layunin ay manlibak,
manukso, o mang-uyam.
_______2. Isang pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan patungkol sa isang
bagay at katangiang taglay nito.
_______3. Ito ay nasa anyong tuluyan na layuning hasain at pasiglahin ang kaisipan.
_______4. Ito ay kilala rin sa tawag na Pagbibirong Patula dahil sa may himig na
pagbibiro.
______5. Ito ay maaaring paalala o babala na kalimitang makikita sa mga
pampublikong sasakyan.
______6. Ang karunungang-bayang ito ay maaaring naisusulat sa anyong salawikain,
kasabihan o sa maikling tula.
______7. Ito ay naisusulat sa parang patula na kadalasan ay may apat na taludtod sa
bawat saknong.
______8. Ito ay karunungang-bayan na karaniwang nilalaro sa isang lamayan upang
magbigay-aliw sa mga naulila.
______9. Ito ay maaaring pahulaan kung saan maaaring magpakita ng isang senaryo
o sitwasyon na sa huli’y kailangan mong sagutin.
______10. Ang karunungang-bayang ito ay maaaring patungkol sa drayber, pasahero
at sa kadalasang karanasan sa loob ng isang sasakyan.
B. Ibigay ang hinihinging kasagutan sa bawat bugtong. Isulat sa patlang ang
kasagutan.
______________1. Hinila ko ang tadyang, Lumapad ang tiyan.
______________2. Tinuktok ko ang Bangka, Naglapitan ang mga isda.
______________3. May puno walang bunga, May dahon walang sanga.

7
______________4. Bumili ako ng alipin, mataas pa sa akin.
______________5. Dalawang pipit, Nagtitimbangan sa isang siit.

Balikan
Panuto: Sa tulong ng mga scrabble dice ibigay ang salitang hinihingi sa bawat bilang
at ibigay ang mga kahulugan nito.

Letra (12) ______________________


Kahulugan: _______________________________
_________________________________________
Letra (5) ________________________
Kahulugan: _______________________________

Letra (7) _______________________


Kahulugan: _______________________________
________________________________________
Letra (9) ________________________
Kahulugan: _______________________________
________________________________________
Letra (5) ________________________
Kahulugan: _______________________________
________________________________________
_
Tuklasin
Panuto: Iguhit sa mga plato ang karne at gulay na sa palagay mong kinabibilangan
ng mga karunungan-bayang makikita sa mga ito.

TULA/ AWITING TUGMANG DE GULONG

PALAISIPAN BUGTONG
Batay sa iyong pinangkat na mga karunungang-bayan, isulat ang mga
katangian ng bawat isa.
Tula o awiting panudyo: ________________________________________________

8
Tugmang de gulong: ____________________________________________________
Bugtong: ____________________________________________________________
Palaisipan: ___________________________________________________________

Suriin
Ang pagkakaroon ng diwang makata ay likas sa ating mga ninuno.
Ayon kay Alejandro Abadilla, “bawat kibot ng kanilang bibig ay may ibig
sabihin at katuturan. Ito ang ipinalalagay na pangunahing dahilan kung bakit nabuo
ang iba pang mga akdang patula tulad ng tulang panudyo, tugmang de-gulong,
bugtong, palaisipan, at iba pang karunungang-bayan.”
Mga Karunungang-bayan
1. Tulang/Awiting Panudyo
Ito ay isang uri ng akdang patula na kadalasan, ang layunin ay manlibak, manukso,
o mang-uyam. Ito ay kalimitang may himig nagbibiro kaya ito ay kilala rin sa tawag
na Pagbibirong patula.
Halimbawa:
Ako ay isang lalaking matapang, Huni ng tuko ay kinatatakutan.
Nang ayaw maligo, kinuskos ng gugo, Pedro Panduko, matakaw sa tuyo.
2. Tugmang de-gulong
Ito ay mga paalala o babalang kalimitang makikita sa mga pampublikong sasakyan.
Sa pamamagitan nito ay malayang naipararating ang mensaheng may kinalaman
sa pagbibiyahe o paglalakbay ng mga pasahero. Maaaring ito ay nasa anyong
salawikain, kasabihan, o maikling tula. Karamihan ng mga uri ng tugmang ito ay
tinitipon ni Dr. Paquito Badayos.
Halimbawa:
a. Ang di magbayad mula sa kanyang pinanggalingan ay di makabababa sa
paroroonan.
b. Aanhin pa ang gasolina kung jeep ko ay sira na.
Sanggunian: Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma 7

Pagyamanin
Ang Gawain sa pagyamanin ay makikita sa FB Group Page.
Isaisip

Panuto: Dugtungan ang pahayag na naglalahad ng mga magandang dulot ng


Karunungang-bayan sa mga Pilipino.
Ang kagandahan ng Tula/ awiting Panudyo ay: __________________________________
Ang kagandahan ng Tugmang de Gulong ay: ____________________________________
Ang kagandahan ng Bugtong ay:_________________________________________________
Ang kagandahan ng Palaisipan ay:_______________________________________________
Isagawa

Gawain 1: Bumuo ng sariling likhang tula/ awiting panudyo at tugmang de


gulong na binubuo ng isang saknong.
Tula/ awiting Panudyo Tugmang de Gulong

9
Gawain 2: Bumuo ng sariling likhang bugtong batay sa mga sumusunod.
1. Makabagong gamit o bagay
1.1 ____________________________________________________________
1.2 ____________________________________________________________
2. Mga nauusong pagkain o inumin
2.1 ____________________________________________________________
2.2 __________________________________________________________
Tayahin
A. Isulat ang salitang KATOTOHANAN kung ang pahayag ay nagpapakita ng
katotohanan patungkol sa mga karunungang-bayan at DI- KATOTOHANAN kung
hindi.

_____________1. Ang karunungang-bayan gaya ng palaisipan ay nakatutulong sa


paghahasa ng kaisipan ng isang indibidwal.
_____________2. Ang tugmang de gulong ay nagbibigay ng paalala o babala sa
mga pasahero ng isang pampublikong sasakyan.
_____________3. Ang bugtong ay isang pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan
ng isang bagay.
_____________4. Ang karunungang-bayan ay isang pag-aaksayang libangan ng
mga Pilipino noon.
_____________5. Ang mga karunungang-bayan ay dinala ng mga dayuhan sa bansa
nang sakupin nila ang Pilipinas.
B. Tukuyin kung anong uri ng karunungang-bayan ang inilalarawan sa sumusunod
na pahayag.

_____________1. Naisusulat sa paraang patula na kalimitang may himig pagbibiro.


_____________2. Nasa anyong tuluyan na naglalayong pukawin at pasiglahin ang
kaisipan ng mga taong nagkakatipon-tipon sa isang lugar.
_____________3. Ito ay nasa anyong salawikain, kasabihan, o maikling tula na
patungkol sa kaganapang nagaganap sa isang pampasaherong sasakyan.
_____________4. Ito ay kinagigiliwang laruin kapag may mga handaan o pista.
_____________5. Ito ay karunungang-bayan maaaring bigkasin ng paawit.
C. Piliin ang letra ng tamang sagot.
1. “Huwag dumikuwatro sapagkat dyip ko’y di kuwarto.” Ang damdaming
ipinapakita sa pahayag ay ____.
A. Pagkabahala B. Pagpapaalala C. Pagkagalit
2. Sa pagtaas ng gasolina, kaming mga drayber naghahabol ng hininga. Ano ang
nais ipakahulugan ng Tugmang de gulong na ito?
A. Ang mga drayber ay hinihingal sa pagmamaneho ng
pampasaherong sasakyan.
B. Labis ang pagtaas ng gasolina kaya ang mga drayber ay
tumatakbo ng mabilis.
C. Labis na kumakayod sa pagmamaneho ang mga drayber dahil sa
pagtaas ng gasolina.
3. Batang makulit, Palaging sumisitsit, sa kamay mapipitpit.
Ang bata sa tulang Panudyo ay maaaring nagpapakita na siya ay ________.
A. makulit B. malambing C. masama
4. Gumagapang pa ang ina, Umuupo na ang anak.
Ito ay halimbawa ng karunungang-bayan na ___.

10
A. bugtong B. palaisipan C. tugmang de gulong
5. Ako ay nasa gitna ng dagat, Nasa huli ng daigdig,
Nasa unahan ng globo. Ano ako?
A. Tubig B. letrang G C. Guhit
Karagdagang Gawain
Ang Gawain sa Karagdagang Gawain ay makikita sa FB Group Page.

Aralin

3 Pagbibigay Kahulugan ng mga Salita

Alamin
Magandang Araw!
Ating tuklasin at pag-aralan ang mga araling nakapaloob sa modyul na ito.
Ang modyul na ito ay patungkol sa pagbibigay kahulugan ng mga salita.
Sa modyul na ito ay mayroong mga inihandang gawain at pagsasanay
na kinakailangan mong sagutan. Ito ay daan upang mas lalo mong matukoy
ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pagpapangkat batay sa
konteksto ng pangungusap, denotasyon at konotasyon at batay sa
kasingkahulugan at kasalungat nito.
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaaasahang:
 Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng
pagpapangkat, batay sa konteksto ng pangungusap, denotasyon at
konotasyon, batay sa kasingkahulugan at kasalungat nito.
(F7PT-IIIa-c-13) (F7PT-IIIh-i-16) (F7PT-III-11)

Subukin
A. Panuto: Pagsunod- sunurin ang mga salitang nasa loob ng kahon ayon sa
intensidad o lalim ng kahulugan nito. Lagyan ng 1 ang pinakamababaw at ng
3 ang may pinakamatinding kahulugan.

1. ___ nasira 2. ___ nilapa 3. ___ pinalo


___ nawasak ___ tumikim ___ binugbog
___ napunit ___ kinain ___ tinapik

4. ___ mainis 5. ___ inasar


___ maasar ___ niloko
___ magalit ___ biniro

B. Panuto: Lagyan ng tsek (✔) ang pares ng mga salita na


magkasingkahulugan at ekis (❌) naman kung magkasalungat.

11
___ 1. mapanlinlang ➠ tuso
___ 2. magarbo ➠ simple
___ 3. solusyon ➠ kalutasan
___ 4. magkadikit ➠ magkahiwalay
___ 5. inaruga ➠ inalagaan
C. Panuto: Tukuyin ang kasingkahulugan ng mga salitang nakasulat ng
madiin sa pangungusap.
___ 1. Iwasang maggunam-gunam ng mga negatibong bagay tungkol sa
mga mahal mo sa buhay.
A. mag-isip B. magpagawa C. maglaro D. makadama
___ 2. Huwag hayaang mapatid ng mga alitan at tampuhan ang mabuting
pagtitinginan ninyong magkakaibigan.
A. mapaaway B. mapahamak C. maputol D. makalimutan
___ 3. Maituturing na isang kariktan ang pagkakaroon ng mabuting
kalooban
A. katangian B. karangalan C. kayamanan D. kagandahan
___ 4. Tunay na busilak ang puso ng taong marunong umunawa at
magpatawad.
A. dalisay C. mapagkumbaba
B. kahanga-hanga D. maawain
___ 5. Unti- unti nang nagbabawa ang matinding galit sa kanyang kalooban
nang taos- pusong humingi ng tawad ang taong nagkasala sa kanya.
A. gumagaling B. nawawala C. lumalamig D. gumagaan

Balikan

Panuto: Suriin ang mga pahayag sa ibaba at ibigay ang hinihinging sagot o
kaisipan nito. Tukuyin kung ito ay tugmang de gulong, awiting panudyo,
bugtong o palaisipan.
________ 1. Mama, mama, namamangka,
Pasakayin yaring bata
Pagdating sa Maynila
Ipagpalit ng manika.
Kaisipan: ______________________________________
________ 2. Hindi tao, hindi hayop, sa katawan ko’y yumayapos.
Sagot: _____________________________________
________ 3. May isang prinsesa na sa tore nakatira. Balita sa kaharian,
pambihirang ganda. Bawal tumingala upang siya ay makita. Ano ang
gagawin ng binatang sumisinta?
Sagot: _____________________________________
________ 4. Huwag kang magdekwatro, ang dyip ko’y hindi mo kwarto.
Kaisipan: ___________________________________
________ 5. Si Juan ay may dalawang kamay, binigyan ko siya ng 50
mansanas sa kaliwa niyang kamay at 50 naman sa kanyang kanang kamay.
Ano ang meron kayJuan?
Sagot: ______________________________________

12
Tuklasin
Panuto: Hanapin sa puzzle ang kasingkahulugan ng sumusunod na mga salita.
a s u l i r a n i n k
1. matulin m a b a g a l u e p u
2. problema
m b a g o y o s e v l
3. nagtanong
4. papunta p a t u n g o i w s a
5. mabisa g m a b i l i s e l n
6. pampalipas- a n x x f g a a n g g
oras
l i b a n g a n i n n
7. marahan
8. kapos w e p e k t i b o g p

Suriin
Pagbibigay kahulugan ng Salita
Dahil sa mayaman ang ating wika, marami tayong mga salitang
maaaring makakaugnay na nagtataglay ng parehong mga kahulugan.
Sinasabing sa pagbibigay- kahulugan sa isang salita, mayroong iba’t ibang
kaparaanan ayon sa ipinapakita ng dayagram.

Pagbibigay- kahulugan
sa Salita

Pagpapangkat Denotasyon at
Konotasyon

Batay sa konteksto Batay sa


Isang proseso sa pangungusap kasingkahulugan at
Ang
ng pagpili sa kasalungat
konotasyon ay
mga salitang ang
magkakaugn kahulugang
ay ang Ang pag-unawa maaaring Magkasingkahulugan
kahulugan sa sa diwang taglay iugnay sa isang ang tawag sa pares
ng isang salita ng mga salitang
pangungusap ay samantalang magkapareho ng
makatutulong ang kahulugan.
upang denotasyon ay
maunawaan ang literal na Magkasalungat
kahulugang kahulugan o ang tawag sa pares
taglay ng isang kahulugang ng mga salitang
salita. nagmumula sa magkabaliktaran
diksiyonaryo. ang kahulugan.

13
Pagyamanin

Ang Gawain sa Pagyamanin ay makikita sa FB Group Page.

Isaisip

Panuto: Punan ang tsart ng iba’t ibang paraan ng pagpapakahulugan sa isang salita.
Ipaliwanag ang nilalaman ng tsart.

Paraan ng
pagbibigay-
kahulugan sa Salita

Isagawa
Panuto: Bilang isang kabataang nakaranas ng pandemya, magbigay ng
walong salitang maiuugnay sa Covid- 19.

Salitang
maiuugnay sa
Covid-19

Tayahin

A. Panuto: Isulat sa patlang ang dalawang salitang magkasalungat na


makikita sa bawat pangungusap.
1. Mabilis niyang natanggap ang masasaklap na pangyayari sa kanyang buhay
kaya’t dahan- dahan siyang kumilos upang ayusin ito.
__________________________ ➠ ____________________________
2. Humihina ang loob ng marami sa panahon ng kagipitan subalit muli itong
lumalakas kapag nakakukuha ng suporta mula sa mga mahal sa buhay.
__________________________ ➠ ____________________________
3. Ipinakita ng nagmamalaking magulang ang mga karangalang natanggap ng
mahiyaing anak.
__________________________ ➠ ____________________________
4. Madilim man ang kanyang paningin ay maliwanag pa sa sikat ng araw ang
naramdaman niyang emosyon.
__________________________ ➠ ____________________________
5. Ang kanyang magandang mukha’y natatakpan ng pangit niyang pag-uugali.
__________________________ ➠ ____________________________

14
B. Panuto: Tukuyin at isulat ang salita o mga salita sa pangungusap na
kasalungat ng salitang nasa loob ng kahon.

marahas 1. Malumanay siyang kinausap ng kanyang guro sa


kasalanang kanyang nagawa.
maparangal 2. Tinuruan niya ang mga anak sapagkat ayaw niyang
an makutya kung sakali’t hindi sila lumaking mabubuti.
mayaman 3. Ang ating pangulo ay maraming magagandang proyekto
para sa mga dukha nating kababayan.
nagahis 4. Nagwagi pa rin ang pagnanais niyang makatulong sa
kanyang mga kababayan noong panahon ng pandemya.
magtuloy 5. Huwag sanang mapugto ang kaligayahan at kapayapaan
sa puso ng bawat isa ngayong darating na bagong taon.

C. Panuto: Piliin sa kahon sa ibaba ang pinakaangkop na salita upang mabuo


ang diwa ng pangungusap.
matitimyas napagwawari maghihilom
magkakait dumatal

1. Sa buhay ay hindi maiiwasang __________ ang mga problemang susubok sa


ating kalakasan at pananalig sa Diyos.
2. Kapag may mga pagsubok tayo sa buhay, madalas ay hindi natin __________
ang gagawin.
3. Ang anumang lungkot at pait ay __________ din sa paglipas ng panahon.
4. Humingi ka ng tulong kung kinakailangan sapagkat maraming tao pa rin ang
hindi ___________ ng kanilang tulong sa kanilang kapwa.
5. Sa kabila ng ating mga problema sa buhay ay huwag nating kalimutan ang
pagpapanatili ng __________ na ngiti sa ating mga labi.

Karagdagang Gawain
Ang Gawain sa Karagdagang Gawain ay makikita sa FB Group Page.

Aralin
Tulang Panudyo, Tugmang
4 De Gulong at Palaisipan

Alamin
Sa modyul na ito ay mayroong mga inihandang gawain o pagsasanay
na kinakailangan mong sagutan. Ito ay may malaking gampanin upang mas
mapalawak pa ang iyong pag-unawa tungkol sa paksang ito.
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaaasahang:

15
 Naisusulat ang sariling tulang/awiting panudyo, tugmaang de gulong at
palaisipan batay sa itinakdang pamantayan. F7PU-IIIa-c-13

Subukin
Panuto: Basahin ang bawat tanong at pag-isipang mabuti kung ano ang
wastong sagot. Isulat ang letra ng tamang sagot.
1. Ito ay mga simpleng paalala sa mga pasahero na maaari nating matagpuan sa
mga pampaseherong sasakyan tulad ng dyip, bus, at traysikel.
A. Bugtong B. Palaisipan C. Tugmaang de Gulong D. Tulang Panudyo
2. Isang uri ng karunungang bayan na ang layunin ay mambuska o manudyo.
A. Bugtong B. Palaisipan C. Tugmaang de Gulong D. Tulang Panudyo
3. Isang uri ng bugtong na sinusubok ang katalinuhan ng lumulutas nito.
A. Bugtong B. Palaisipan C. Tugmaang de Gulong D. Tulang Panudyo
4. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng palaisipan maliban sa:
A. Ito ay isang isdang lumalaki pa.
B. Bakit binubuksan ang bintana tuwing umaga?
C. Andiyan na si Kaka, bubuka-bukaka.
D. Ano ang tinapay na hindi kinakain ang gitna?
5. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng Tugmang de gulong maliban sa:
A. Miss na sexy kung gusto mo ng libre, sa drayber ka tumabi.
B. Aanhin pa ang gasolina kung ang dyip ko ay sira na.
C. Bata batuta, may sampung muta.
D. Barya lang po sa umaga para walang abala.

Panuto: Basahin at tukuyin ang nasa palaisipan.


_________6. Dalawang kuwebang naglalabas ng tubig pagkaraan nama’y agad
binabali.
_________7. Hindi hayop, hindi rin tao ngunit tinatawag niya ako.
_________8. Anong mayroon sa jeep, tricycle, at bus, pero wala sa eroplano?
_________9. Sa maling kalabit, may buhay na kapalit.
_________10. Maliit na bahay, puno ng mga patay.
Panuto: Tukuyin kung ang pahayag ay Tugmang de Gulong o Tulang Panudyo.

11. Ang ‘di magbayad walang problema, tanggapin naman ang karma.
12. May dumi sa ulo, Ikakasal sa Linggo. Inalis, inalis, Ikakasal sa Lunes.
13. Si Anna ay napakaganda pero kung tumayo ay parang nakaupo.
14. Mga pare, please lang kayo’y tumabi ‘pagkat dala ko’y sandatang walang
kinikilala – Ang aking manibela.
15. Huwag kang mag de-kwatro, ang dyip ko’y hindi mo kuwarto.

Balikan
Panuto: Magtala ng mga susing salitang may kaugnayan sa salitang nasa gitna.

16
3.

2. 4.

1. PANUDYO 5.

Tuklasin
Panuto: Isaayos ang mga nakagulong letra sa loob ng kahon upang matukoy
ang salitang tinutukoy sa mga sumusunod na palaisipan.

A Y A N N R Z P E P I

1. Kaano-ano mo ang biyenan ng asawa 2. Bumili ako ng alipin, mataas


ng iyong kapatid? pa sa akin.

K S A D N O S S N E T I L A

3. May puno walang bunga, 4. Dala-dala ko siya,


ngunit may dahon walang sanga. ako rin ay dala niya.
A S I L P O T N G I L U

5. Kapag tumalon ka sa ikatlong 6. Bibilhin mo ng kulay itim, gagamitin


palapag saan ang bagsak mo? mo ng apula,at itatapon mo na puti.

Suriin

TUGMANG DE GULONG
Mga paalala sa mga pasahero na maaari nating matagpuan sa mga
pampublikong sasakyan tulad ng dyip, bus, at traysikel.
Nilalaman din nito ang mga uri ng pasahero, katangian ng drayber at ang
mga pang – araw –araw na sitwasyon sa pagbibiyahe, pamamasada tulad
ng ‘di nagbabayad ng pasahe.
Halimbawa:
Magandang binibini, ikaw ay bulaklak sa mata ko, diyosa ng puso ko,
sakit ng bulsa ko.
TULA/AWITING PANUDYO
Ito ay isang uri ng karunungang bayan na ang kayarian ay patula (may
sukat at tugma). - layunin nito ay ang mambuska o manudyo, karaniwang
ginagamit bilang panukso sa bata.

17
Halimbawa:
Tutubi, tutubi! Huwag kang pahuhuli Sa batang mapanghi!
PALAISIPAN
Ito ay isang suliranin o enigma na sinusubok ang katalinuhan ng lumulutas nito.
Karaniwang humahamon sa mambabasa na mag – isip upang malutas ang
suliraning inilahad.
Halimbawa:
May isang tulay na walang sinumang makadaan sapagkat may
nagbabantay na mahiwagang tinig, at sinumang makarinig nito ay
tiyak na mamamatay, subalit may isang binata na nakatawid sa tulay.
Tanong: Bakit hindi namatay ang binata?
Sagot: Bingi ang binata.
Pagyamanin
Ang Gawain sa Pagyamanin ay makikita sa FB Group Page.
Isaisip

Panuto: Magtala ng 5 kahalagahan ng pag-aaral ng tugmang de gulong, tulang


panudyo at palaisipan.
1.
2.
3.

Isagawa

Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan.


1. Paano nakatutulong sa pag-unlad ng kritikal na pagsusuri ang pag-aaral ng mga
palaisipan?________________________________________________________.
2. Bakit naging epektibo ang paggamit ng mga tugmang de gulong sa mga
pampasaherong sasakyan? __________________________________________.
3. Nakaaaliw ba ang mga tulang panudyo? Paano ito nakapupukaw ng interes ng
mga mambabasa tulad mo?______________________________________________.
Tayahin
Panuto: Isulat sa patlang ang TP kung ang pahayag ay isang halimbawa ng
Tulang Panudyo, TG naman kung Tugmang de Gulong, at P kung palaisipan.
______1. Barya lang po sa umaga para hindi makaabala.
______2. Tutubi, tutubi, huwag kang pahuhuli sa batang mapanghi.
______3. Magandang dilag nais kitang makilala ngunit ako’y abala sa aking
manibela.
______4. Pedro Penduko matakaw sa tuyo, nang ayaw maligo pinukpok ng tabo.
______5. Ang ‘di magbayad sa pinanggalingan, ‘di makararating sa paroroonan.
______6. Anong mayroon sa aso na mayroon din sa pusa, na wala sa ibon ngunit
dalawa sa buwaya, at tatlo sa palaka?
______7. Damit ni lolo, taon-taon kung magbago.
______8. Putak, putak, batang duwag, matapang ka’t nasa pugad.
______9. God knows Hudas not pay.
______10. Ano ang mas mabigat, isang kilong pako o isang kilong bulak?

18
Panuto: Piliin sa kahon ang angkop na pariralang bubuo sa bawat pahayag.

 Sweet lover * Nagtinda sa gabi


 Ang may magandang ngiti * Barya lang sa umaga
 Magkaka-powers ka

11. Sumigaw ng Darna, __________________________________________.


12. ______________________________________________, maraming sukli.
13. Basta drayber, ________________________________________________.
14. ____________________________________________, kaya walang bumili.
15. ____________________________________________ para walang abala.

Karagdagang Gawain
Panuto: Bumuo ng tatlong sariling likhang tugmang de Gulong, Tulang Panudyo at
Palaisipan ayon sa itinakdang pamantayan na ibibigay ng inyong guro. Isulat ito sa
bawat hanay.
Tugmang de Gulong Tulang Panudyo Palaisipan
1. 1. 1.
2. 2. 2.
3. 3. 3.

Aralin Elemento at Katangian ng mga Alamat,

5 Mito, Maikling Kuwento,


at Kuwentong-Bayan

Alamin

Sa modyul na ito ay mayroong mga inihandang gawain o pagsasanay


na kinakailangan mong sagutan. Ito ay may malaking gampanin upang mas
mapalawak pa ang iyong pag-unawa tungkol sa paksang ito.
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaaasahang:
 Nasusuri ang mga katangian at elemento ng mito, alamat, kuwentong-
bayan, maikling kuwento mula sa Mindanao, Kabisayaan at Luzon
batay sa paksa, mga tauhan, tagpuan, kaisipan, at mga aspetong
pangkultura (Hal: Heograpiya, uri ng pamumuhay, at iba pa)
(F7PB-IIId-e-15/ F7PB-IIId-e-16)

Subukin
Panuto: Basahin ang bawat tanong at pag-isipang mabuti ang wastong sagot. Letra
lamang ang isulat.
1. Ito ay akdang pampanitikan na tumutukoy sa mga kuwento na nagmula sa isang
partikular na pook o lugar.

19
A. Mito B. Kuwentong-bayan C. Alamat D. Maikling Kuwento
2. Akdang pampanitikan na tumutukoy sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay.
A. Mito B. Kuwentong-bayan C. Alamat D. Maikling Kuwento
3. Ito ay akdang pampanitikan na karaniwang ang tema ay kababalaghan at ang
mga tauha’y Diyos at Diyosa o Diwata.
A. Mito B. Kuwentong-bayan C. Alamat D. Maikling Kuwento
4. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng mito maliban sa:
A. Kung bakit mataas ang langit B. Si Pagong at Matsing
C. Mariang Sinukuan D. Si Maria Makiling
5. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng Alamat maliban sa:
A. Daragang Magayon
B. Isang Matandang Kuba sa gabi ng Canao
C. Alamat ng Bundok Kanlaon
D. Alamat ng Saging
6. Alin sa mga sumusunod ang HINDI tumutukoy sa katangian ng mito?
A. kathang-isip B. Diyos C. makapangyarihan D. makatotohanan
7. Alin sa mga sumusunod ang HINDI tumutukoy sa katangian ng kuwentong-bayan?
A. pinagmulan ng lugar B. kababalaghan
C. mahiwaga D. makatotohanan
8. Alin sa mga sumusunod ang HINDI tumutukoy sa katangian ng Alamat?
A. pinagmulan ng lugar B. kababalaghan
C. mahiwaga D. makatotohanan
9. Kilala ang mga nasa Luzon sa iba’t ibang kuwento. Alin sa mga sumusunod ang
kabilang sa mga maikling kuwentong nagmula sa Luzon?
A. Ang Batik ng Buwan B. Ang Kataksilan ni Sinogo
C. Ang Diwata ng Karagatan D. Si Pingkaw
10. Alin sa mga sumusunod ang kasali sa mga mito ng Luzon?
A. Alunsina at Tungkung-langit B. Ang Kataksilan ni Sinogo
C. Ang Duwende D. Puting Usa
11. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasali sa mga pangunahing paraan ng
pamumuhay ng mga taga-Luzon?
A. pagsasaka B. pangangaso C. opisina D. pangingisda
12. Alin sa mga sumusunod ang hindi kayamanan ng Luzon?
A. karagatan B. kabundukan C. yungib D. himpapawid
13. Ang mga sumusunod ay kilalang mga Alamat na umusbong sa Luzon maliban sa
isa.
A. Alamat ng Saging C. Alamat ni Maria Makiling
B. Alamat ng Bundok Kanlaon D. Alamat ng Pinya
14. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng Maikling Kuwento ng Luzon maliban sa:
A. Sandosenang Sapatos C. Si Pingkaw
B. Sandaang Damit D. Ang mga Munting Hiling ni Kiko sa Pasko
15. Sentro ng kalakalan ang Luzon dahil dito matatagpuan ang iba’t ibang produkto
mula sa iba’t ibang panig ng bansa at buong mundo. Alin sa mga sumusunod ang
HINDI kabilang dito?
A. Pinya B. Abaka C. Buko D. Tsokolate

Balikan
Panuto: Kulayan ng DILAW ang salitang may kaugnayan sa alamat, ASUL sa mito,
BERDE sa kuwentong-bayan, PULA sa maikling kuwento at KAHEL kung ito’y
sumasaklaw sa lahat.

20
DIYOS/DIYOSA PANINIWALA KABABALAGHAN
ARAL KAPANGYARIHAN PAMAHIIN
PINAGMULAN PASALINDILA KATANGIAN
Basahin ang akdang “Isang Matandang Kuba sa Gabi ng Cañao” at suriin ang
nilalaman at katangian ng akdang ito.

Tuklasin
Panuto: Isaayos ang mga ginulong letra sa loob ng bilog upang matukoy ang
kasingkahulugan ng mga sumusunod na salitang may kaugnayan sa akdang binasa.

W A R T I 1. CAŇAO
KAHULUGAN: __________________________
L

A A A B 2. KABUNIAN
KAHULUGAN: __________________________
T H L

T N I I A 3. AY-EYENG
KAHULUGAN: __________________________
W

A T M N D 4. AM-AMA
KAHULUGAN: __________________________
A A

O D I S Y 5. ANITO
KAHULUGAN: __________________________

Suriin
ANG MGA MITO, ALAMAT, MAIKLING KUWENTO, AT KUWENTONG-BAYAN
Mahalagang bahagi ng kasaysayan ng ating bansa ang mga Mito, Alamat,
Maikling Kuwento at Kuwentong-bayan dahil ito ay lumaganap sa pamamagitan ng
pasalindila o pagkukuwento ng pasalita bago pa man dumating ang mga dayuhang
mananakop sa ating bansa.
Kadalasan, ang mga pinuno ng mga barangay o ang mga pari ng mga
relihiyon ang nagkukuwento ng mga ito.
PAGKAKATULAD NG MITO, ALAMAT, MAIKLING KUWENTO AT KUWENTONG-BAYAN
Halos pareho lamang ng mga paksang tinatalakay ang apat na uri ng
panitikang ito na karaniwang tumatalakay sa kalikasan, pamahiin, relihiyon,
paniniwala, kultura maging ang heograpiya, uri ng hanapbuhay at katangian ng
mga mamamayan sa isang partikular na lugar o pangkat na pinagmulan ng mga ito.
Karaniwang ikinukuwento ang mga ito upang makapagbigay ng gintong aral
na magagamit sa tunay na buhay.
PAGKAKAIBA NG MITO, ALAMAT, MAIKLING KUWENTO AT KUWENTONG-BAYAN

21
MITO – karaniwang tumatalakay sa mga Diyos, Diyosa, Bathala, Diwata at mga
kakaibang nilalang na may kapangyarihan.
ALAMAT – isang kuwentong nagsasaad kung saan nanggaling o nagmula ang mga
bagay-bagay.
KUWENTONG-BAYAN – isang maikling kuwento tungkol sa isang tauhang naninirahan
o paniniwalang litaw na litaw sa isang partikular na lugar o pangkat.
MAIKLING KUWENTO- isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at bungang-isip
na hango sa isang tunay na pangyayari sa buhay.

Pagyamanin
Ang Gawain sa Pagyamanin ay makikita sa FB Group Page.
Isaisip

Panuto: Tukuyin ang uri ng akdang pampanitikang kinabibilangan ng mga


sumusunod na akda. Salungguhitan ang mga salitang naghuhudyat ng elemento
at katangian kung anong uri ng akdang ito.
Salungguhitan ang mga panandang salita na nagpapakilala sa elemento at
katangian nito.
Noong unang panahon sa isang malayong nayon, ay may isang dalaga na
nagngangalang Rosa na kilala dahil sa natatangi nitong ganda at dahil na rin sa
kanyang mapupulang mga pisngi, kung kaya’t pinagkakaguluhan si Rosa ng
mga kalalakihan.
Uri ng Akda: ________________

Pagkalipas ng tatlong araw ng hindi pag-uwi ni Santiago, nagtaka na ang


kanyang pamilya at nagsimulang mangamba. Sa pag-aalala ay pinatawag ng
kanyang mga magulang ang ibang mga mangigisda para hanapin ang
kanilang anak.

Uri ng Akda: ________________

Isagawa
Panuto: Basahing mabuti ang akdang “Bakit Kulang ang Liwanag ng Buwan” at
pagkatapos ay sagutin ang mga tanong ukol sa nilalaman ng akdang binasa.

MGA TANONG:
1. Tukuyin kung ang akdang binasa ay isang mito, alamat, maikling kuwento o
kuwentong-bayan. Ipaliwanag ang iyong sagot.
2. Ano ang mga kaugalian, kultura at paniniwala ang nasalamin sa mga tauhan,
tagpuan at pangyayari sa akdang binasa?
3. Ilahad ang aral na ibinabahagi ng akdang “Bakit kulang ang Liwanag ng Buwan”.
Tayahin
Panuto: Basahin ang akdang SI MARIANG SINUKUAN at sagutin ang mga
sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa patlang bago ang bawat
bilang.

22
______1. Anong katangian ang nangibabaw sa pangunahing tauhan?
A. Maawain B. Makapangyarihan C. Matulungin
______2. Paano masasabing isang kuwentong-bayan ang nabasang akda?
A. Nasasalamin ang kaugalian ng mga naninirahan sa Pampanga
B. Tumutukoy ito sa pinagmulan ng diwatang si Mariang Sinukuan
C. Nagtataglay ng kapangyarihan ang pangunahing tauhan
______3. Ano ang lumitaw na katangian ng alamat ang nasalamin sa akdang binasa?
A. Nasasalamin ang kaugalian ng mga naninirahan sa Pampanga
B. Tumutukoy ito sa pinagmulan ng diwatang si Mariang Sinukuan
C. Nagtataglay ng kapangyarihan ang pangunahing tauhan
______4. Ang akdang binasa ay masasabing isang mito sapagkat _________.
A. Nasasalamin ang kaugalian ng mga naninirahan sa Pampanga
B. Tumutukoy ito sa pinagmulan ng diwatang si Mariang Sinukuan
C. Nagtataglay ng kapangyarihan ang pangunahing tauhan
_____5. Ano ang aral na nais ipabatid ng akdang binasa?
A. Matutong sumunod sa kasunduan at huwag maging taksil
B. Ang pagiging sakim ay isang malaking pagkakasala
C. Hindi lahat ng naisin ay makukuha at makakamtan natin

Panuto: Isulat ang letrang M kung ang bahagi ng akda ay tumutukoy sa katangian
ng mito, A kung alamat, MK kung Maikling kuwento, KB kung kuwentong-bayan, at
LAHAT kung sakop nito ang apat na akda.
________6. Sapagka’t may angking kabaitan, lagi at laging tumutulong si Maria sa
mga tao sa paligid ng kabundukan.
________7. Nang bababa na ang mga mapagsamantala ay nagtataka sila.
________8. Sa Bundok ng Arayat sa Pampanga nakatira ang isang engkantada. Kilala
siya doon bilang Mariang Sinukuan.
_______9. Iyan ang pinagmulan ng nagtampong Engkantada sa Bundok Sinukuan.
_______10. Ayon sa sabi-sabi, kahit sumuko na ang mga pangahas ay hindi na rin
bumaba ng kabundukan si Mariang Sinukuan.

Panuto: Pagtapat-tapatin ang angkop na sagot mula sa pahayag na nasa Hanay A


at Hanay B. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
HANAY A HANAY B
____11. Tumutukoy sa maikling kuwento. A. Kuwentong-bayan
____12. Tumatalakay sa kuwento ng isang lugar. B. Pinagmulan
____13. Ito ang karaniwang paksa ng mga alamat. C. Pasalindila
____14. Ito ang katangian ng isang Mito. D. hango sa buhay
____15. Paraan ng pagpapalaganap ng akda E.Mahiwaga
noong unang panahon.

Karagdagang Gawain
Panuto: Ikaw ay isang manunulat ng inyong lungsod, bumuo ng isang kuwento
tungkol sa pinagmulan, kultura at pamumuhay ng inyong lungsod. Kinakailangan na
ito ay may mga tauhan, tiyak na tagpuan na sumasalamin sa paniniwala at
heograpikal na aspeto ng iyong lungsod, at kapupulutan ng aral. Ang pamantayan
sa pagsulat ay ibibigay ng iyong guro. Gawin mo ito sa iyong sagutang papel.
_______________________________________________
Pamagat

23
Aralin
Angkop na Pahayag sa Panimula,
6 Gitna, at Wakas

Alamin
Ang modyul na ito ay dinisenyo at inihanda para sa iyo upang maging
kaagapay, mapadali ang iyong pag-aaral, at upang matulungan kang magamit
ng wasto ang mga Angkop na Pahayag sa Panimula, Gitna, at Wakas. Makakatulong
ito upang malinang pa ang iyong kasanayang komunikatibo at pagsulat.
Pagkatapos na mapag-aralan at gawin ang mga gawaing nilalaman ng modyul,
inaasahang magagawa mo ang:
Wika at Gramatika (F7WG-IIId-e-14)
Nagagamit nang wasto ang angkop na mga pahayag sa panimula, gitna at wakas
ng isang akda.
Pag-unawa sa Binasa (F7PB-IIIf-g-17)
Naibubuod ang tekstong binasa sa tulong ng pangunahin at mga pantulong
kaisipan.

Subukin
Panuto: Isulat ang letra ng tamang kasagutan sa iyong sagutang papel.
Para sa Aytem 1-3
Noong unang panahon sa isang nayon ay may magkasintahan. Sila ay si Juana at si
Aging.Sila`y labis nanagmamahalan ngunit tutol ang mga magulang ni Juana sa
kanilang pag-iibigan. Gayunpaman di ito alintana ni Juana.Patuloy pa rin siyang
nakikipagkita kay Aging. (Mula sa Alamat ng Saging)

1. Ano ang salitang naghuhudyat ng simula ng akda?


A. gayunpaman B. noong unang panahon
C. patuloy pa rin D. ngunit tutol
2. Mula sa binasang akda, ano ang mahihinuhang katangian nina Juana at Aging?
A. Handang ipaglaban ang kanilang pag-iibigan.
B. Walang utang na loob sa magulang.
C. Masunurin sa minamahal.
D. Suwail na anak.
3. Kung ikaw si Juana, ipagpapatuloy mo pa rin ba ang pag-ibig kay Aging sa
kabila ng pagtutol ng iyong magulang?
A. Oo, dahil sobra ko siyang mahal.
B. Hindi, dahil mali ang pagsuway sa magulang.
C. Oo, dahil natatakot akong siya ay mawala.
D. Hindi, dahil bata pa ako.
4. Anong anyo ng panitikan ang binasang akda?
A. Pabula B. Alamat C. Kuwentong-bayan D.Epiko
5. Ang mga akdang nasusulat sa anyong tuluyan ay binubuo ng mga pangungusap
at talata. Alin ang hindi nasa anyong tuluyan?
A. Mitolohiya B. Sanaysay C. Alamat D. Epiko

24
6. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na
mga tao at pook, at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan.
A. Mitolohiya B. Alamat C. Kuwentong-bayan D. Pabula
7. Bilang paglalahat, masasabing mahusay nga ang mga Pilipino sa ipinakita nilang
halimbawa. Ang salitang ginamit sa pangungusap bilang hudyat na wakas ay ____.
A. bilang B. masasabi C. Bilang paglalahat D. ipinakita
8. Sa madaling salita,mahuhusay talaga sila at patunay nito ang Hagdang-
hagdang Palayang binuo sa Banaue. Ang may salungguhit sa pangungusap ay
ginamit bilang ______.
A. Panimula B. Gitna C. Wakas D.Pagpapatuloy
9. _________ napatunayan na ang bisa ng malunggay bilang halamang gamot. Alin
ang angkop na pananda ang dapat ipuno sa patlang?
A. Sa huli B. Pagkatapos C. kasunod D. Sa simula pa lamang
10. _______ unang panahon, wala pang nilalang kundi langit at dagat. Ano ang
tamang hudyat sa pangungusap na ito?
A.Sa huli B. sumunod C. subalit D. noon

Panuto: Punan ng angkop na pahayag kaugnay ng wastong panimula, gitna at


wakas upang mabuo ang talata tungkol sa “Alamat ng Lakay-Lakay”.
A. Noong B. Sumunod C. Subalit D. Sa huli E. Maya-maya

1. __________ unang panahon, may mag-anak na naninirahan sa tabing dagat.


Namuhay sila ng maginhawa. 2. _______________ na araw, maraming nahuli ang
lalaki. 3. __________ may nakasalubong siyang matandang pulubi na humingi ng
tulong.4. __________ kaniyang pinagtabuyan lamang. Humingi ng tulong ang pulubi
sa asawang babae ngunit siya’y pinagtabuyan rin nito. 5. __________ pinarusahan
ang mag-asawa at naging taong bato ito.

Balikan
Panuto: Paghambingin ang katangian ng alamat, kuwentong bayan at
mitolohiya batay sa paksa at aspektong pangkultura nito gamit ang graphic
organizer sa ibaba.

Tuklasin
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Sagutin ang mga
katanungan sa ibaba.
1. Noong unang panahon, wala pang mundo, wala pang araw at buwan, wala
pang oras at wala pang buhay at kamatayan.
2. Sumunod, tumindig siya nang matikas, huminga nang malalim at sumigaw nang
pagkalakas-lakas sa kawalan.
3. Isang araw, patagong sinundan ni Alunsina si Tungkung Langit.
4. Mayamaya, lumiwanag at dumagundong sa buong kalangitan dahil sa kulog at
kidlat.
5. Lumipas ang mahabang panahon, at nagsawa rin sa paglikha si Tungkung Langit.

25
Patnubay na Tanong:
Mula sa mga pangungusap sa itaas. Sagutin ang mga sumusunod na
katanungan sa iyong sagutang papel.
1. Pansinin ang mga salitang may salungguhit. Paano ginamit ang mga ito?
2. Magkatulad ba ang pagkakagamit ng bawat isa?

Suriin
Angkop na mga Pahayag sa Panimula, Gitna, at Wakas
Simula- Ang mahusay na simula ay mabuti para makuha ang interes ng tagapakinig
o ng mambabasa. Dito nabubuo ang larawan at nakikita ang aksiyong
magaganap sa isinasalaysay.Maaaring simulan ito sa: Noong unang ____, sa simula
pa lamang, at iba pang pananda sa pagsisimula.Pagkatapos nito ay maaaring
isunod ang:

1. Pang-uri gaya halimbawa ng :


 Napakadilim at napakalamig ng pag-ibig …
 Nananabik sa mangyayari …
2. Pandiwa gaya ng:
 Nagtatakbuhan ang kalalakihan at naghahanda ang kababaihan nang …
 Nagmamasid ang matanda at misteryosong kuba habang …
3. Pang-abay
 Maagang gumising ang tribo …
 Nananabik na masaksihan ang pagdiriwang …..

Gitna- Sa bahaging ito, mabuting mapanatili ang kawing-kawing na pangyayaring


at paglalarawang nasimulan.Aabangan kung paano magtatagumpay o
magwawagi, ang pangunahing tauhan, maiwawasto ang mali o matututo ang
katunggaling tauhan habang tumataas ang pangyayari. Maaaring gamitin ang:
kasunod, pagakatapos, walang ano-ano’y, at iba pa na maghuhudyat ng kasunod
na pangyayari. Patuloy na gumamit ng mga panlarawang salita upang mapanitili
ang interes ng mga mag-aaral sa larawan at aksiyong isinasalaysay.

Wakas- Napakahalaga rin ng huling pangyayaring maiiwan sa isipan ng


tagapakinig o mambabasa. Dito nakapaloob ang mensaheng magpapabuti o
magpapabago sa kalooban at isipan ng lahat—na ang kabutihan ang nagwawagi
at may kaparusahan ang gumagawa ng masama. Maaaring gumamit ng: sa huli,
sa wakas, o iba pang panandang maghuhudyat ng makahulugang pagtatapos.
Pangunahin at Pantulong na Kaisipan
1. Pangunahing kaisipan
Ito ang tumutukoy sa nais sabihin at ipaunawa ng sumulat tungkol sa paksa.
Karaniwang matatagpuan ito sa unahan o hulihan ng talata.
2. Pantulong na kaisipan
Nagtataglay ito ng mahahalagang impormasyon na tumutulong sa mambabasa
upang lubusang maunawaan ang pangunahing ideya o kaisipan ng isang teksto
tulad ng petsa, pangalan, lugar, paglalarawan, datos,istatistika at iba pang
mahahalagang impormasyon na nagbibigay-suporta sa pangunahing kaisipan.
Madali mong mauunawaan ang tekstong iyong binabasa kung susundin mo ang
dayagram na nasa ibaba.

26
Pagyamanin

Ang Gawain sa pagyamanin ay makikita sa FB Group Page.

Isaisip
Panuto: Dugtungan ang parirala.

Natutunan ko na ang pantulong na kaisipan ay __________________________________.


Nalaman ko na para matukoy ang mga pantulong na Kaisipan ay_________________.

Isagawa

Panuto: Panoorin ang dokumentaryo na may pamagat na “Walang Maiiwan”


sa Youtube (https://www.youtube.com/watch?v=TZ73dKG_REo&t=5s). Ilahad
ang pangunahing ideya at pansuportang detalye mula sa napanood sa
pamamagitang ng grapikong pantulong (graphic organizer).

Tayahin
Panuto: Suriin kung saang bahagi matatagpuan ang sumusunod (Panimula, Gitna
at Wakas).
1. Ito ang maiiwan sa isip ng tagapakinig o mambabasa.
2. Gumagamit ng pandiwa, pang-uri at pang-abay pagkatapos banggitin ang
hudyat sa pagsisimula.
3. Dito pinananatili ang kawing-kawing na pangyayari.
4. Matutunghayan ang katunggaling tauhan at iba pang pangyayari.
5. Ito ay nakakapukaw sa interes ng tagapakinig o mambabasa upang makinig o
magbasa.
6. Pinapakilala ang tauhan, tagpuan at suliraning kakaharapin.
7. Dito inaabangan kung paano magtatagumpay o magwawagi ang pangunahing
tauhan.
8. Nakapaloob ang mensaheng magpapabuti o magpapabago sa kalooban at
isipan ng lahat.
Para sa bilang 9-15
Panuto: Hanap-Salita

27
Hanapin ang mga salita na naghuhudyat at nagpapakita ng Panimula, Gitna at
Wakas ng pangyayari.

Nag-umpisa ang aming laro sa madugong palitan ng kuro-kuro. Halos isang


oras na nang matapos ang aming napagkaisahang tuntunin sa paglalaro. Maayos
naman ang umpisa ng laro dahil sa nagpapakiramdaman pa ng estilo. Saka
lamang nagkaroon ng mainitang palitan ng maaanghang na pananalita nang
lumalamang na ng puntos ang isa. Nang biga-bigla ay may kumatok sa pinto.
Agad-agad namang binuksan ni ate ito. Tuloy, hindi na nito nakitang nandaraya
pala si kuya dahil sa pagtatago ng piyesa. Kung kaya’t nalamangan siya nito sa
iskor na sampu. Sa huli, umayaw na lang ako sa laro dahil hindi na ako nasisiyahan
sa ginagawa ni kuya.

Karagdagang Gawain

Panuto: 1. Pumili ng isang bagay at mula sa napili ay bumuo ng isang


alamat. Salungguhitan ang mga salitang ginamit bilang hudyat ng simula,
gitna at wakas.

2. Basahin ang sanaysay na “Nang maging Mendiola ko ang Internet


dahil kay Mama”.Matapos basahin ang akda, Tukuyin ang
pangunahing at pantulong na kaisipan.

Aralin Mga Uri at Elemento ng Dula at

7 Mga Panandang Anaporik at Kataporik


ng Pangngalan

Alamin

Mapagpalang araw sa iyo!


Ako’y nagagalak na ipaalam sa iyo na sa araling ito ay higit pang pagyayabungin
ang iyong kaalaman. Dahil ang pinakamahalagang kasanayan na iyong matutunan
ay:
F7PD-IIIf-g-15
Nasusuri ang mga elemento at sosyo-historikal na konteksto ng napanood na
dulang pantelebisyon.
F7WG-IIIh-i-16
Nagagamit ang wastong mga panandang anaporik at kataporik ng
pangngalan

Subukin
Halina’t subukin natin ang iyong kaalaman sa gawaing ito. Inaasahan ang iyong
kahusayan sa pagsagot sa bawat gawaing ibinigay.

28
Panuto: Piliin mula sa kahon at isulat sa sagutang papel ang tamang salitang
inilalarawan sa bawat bilang.

Kasukdulan Kalutasan Tunggalian


Tagpuan Tauhan Manonood

_____1. Maaaring magpakilala ng panibagong mga suliranin at tunggalian sa panig


ng mga manonood.
_____2. Maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban sa kanyang
paligid, at tauhan laban sa kanyang sarili.
______3. Sa sangkap na ito ng dula tunay na pinakamatindi o
pinakamabugso ang damdamin
_______4. Ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama sa dula.
_______5. Ang sumasaksi sa pagtatanghal ng mga aktor.
_______6. Panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayari.
_______7. Dito nalulutasat natatapos ang mga tunggalian sa dula
_______8. Sa kanila inilalaan ang isang dula.
_______9. Ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula
_______10. Tinatawag itong climax sa Ingles at dito nasusubok ang katatagan
ng tauhan.
Panuto: Isulat ang letra ng tamang sagot.
__11. Sa pagiging tahimik ng batang babae ay ipinalagay ng kaniyang mga
kaklase na siya ay kanilang talu-talunan kaya lalong sumidhi ang kanilang pang-
aasar. Ang ginamit na reperensiya sa pangungusap ay __________.
A. tahimik B. batang babae C. mga kaklase D. pang-aasar
___ 12. Ang panghalip na nasa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangngalang
binanggit sa unahan ay tinatawag na ______________.
A. katapora B. pangngalan C. panghalip D. anapora
____ 13. Sila ay nasiyahan kapag umiiyak ang kanilang kaklase kaya ipinagpatuloy
ng mga kamag-aral niya ang panunukso sa kaniya. Ang tinutukoy na sila sa
pangungusap ay ____________.
A. kamag-aral B. panunukso C. mga kaklase D. umiiyak
____ 14. Ang reperensiya na bumabanggit at tumutukoy sa mga bagay na nasa
hulihan ng pangungusap ay tinatawag na __________.
A. katapora B. pangngalan C. panghalip D. anapora
_____15. Tinatawag na ________ kapag nagpapatungkol sa mga salitang nagsisilbing
pananda upang hindi maging paulit-ulit ang mga salita.
A. pangngalan B. panghalip C. kohesyong gramatikal D. pang-uri

Balikan
Panuto: Bumuo ng sariling paliwanag mula sa sanaysay na “Ang Ningning at
ang Liwanag”, mula sa mga piling pahayag.

1. Ating hanapin ang liwanag, tayo’y huwag mabighani sa ningning.


a. Huwag magpadala sa mga kinang at ganda ng mga bagay na panlabas
sa halip ang ating pahalagahan ay ang kadalisayan ng hangarin ng isang tao.
b. Mamuhay tayo sa liwanag upang ang pagkahumaling sa kinang ng
sanlibutan ay mapagtagumpayan.

29
c. Sikaping mamuhay sa liwanag at ilantad ang mga gawa ng
kasinungalingan at kapalaluan.
Paliwanag: ____________________________________________________________
2. Tayo’y mapagsampalataya sa ningning; huwag nating pagtakhan na ang ibig
mabuhay sa dugo ng ating ugat ay magbalatkayo na maningning.
a. Ang pagiging madaling mabighani ng mga Pilipino sa mga bagay na
kumikinang na kadalasan ay bunga ng pagbabalatkayo ay nananalaytay na sa
dugong dumadaloy sa ating ugat.
b. Huwag tayong magtakang darating ang araw na ang mga taong nais
sumakop sa ating bansa ay magbabalatkayong mabuting mga kaibigan lalo pa’t
nakikita nila tayong mga Pilipino ay madaling humanga sa galing ng mga dayuhan.
c. Ang mga Pilipino ay madaling maniwala sa mga bagay na panlabas kaya
di malayong mangyari na ang mga taong nais magsamantala sa atin ay
magpapanggap na dalisay ang kanilang hangarin.
Paliwanag: ____________________________________________________________

Tuklasin
Panuto: Tukuyin at isulat sa patlang ang P kung ito ay pelikula o palabas na
napapanood sa telebisyon at X naman kung hindi.
________ 1. Ang Probinsyano
________ 2. Si Mangita at Larina
________ 3. Ang Ningning at ang Liwanag
________ 4. Kapag May Katwiran, Ipaglaban Mo!
________ 5. Encantadia

Panuto: Manood at pumili ng paboritong aktor na gumaganap sa isang


palabas na iyong sinusubaybayan sa telebisyon. Suriin ang kanyang
pagsasadula gamit ang pyramid diagram.

Tunay na Pangalan ng Aktor:


Pamagat ng Dulang Pantelebisyon:
Katangian ng tauhang isinasabuhay.

Mga naging suliranin niya sa Dulang Pantelebisyon.

Mga aral na nakuha mula sa kanyang buhay at pagkatao sa Dulang


Pantelebisyon.

Suriin
Ngayon naman sabay-sabay nating basahin at unawain ang aralin ng modyul
na ito, at ating alamin kung ano ang kaugnayan nito sa mga unang gawaing iyong
sinagutan.
ELEMENTO NG DULA
Ang dula ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa
tanghalan. Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang ukol sa
isang dula sa pamamagitan ng panonood.

30
Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay
hango sa totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at
malayang kaisipan.
1. Iskrip o nakasulat na dula/Banghay (Plot) – ito ang pinakakaluluwa ng isang dula;
lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip;
walang dula kapag walang iskrip. Sa iskrip nakikita ang banghay ng isang
dula.
Ito ay ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari at sitwasyon sa
pamamagitan ng mga karakter (aktor) na gumagalaw sa tanghalan.
2. Gumaganap o aktor/ Karakter – ang mga aktor o gumaganap ang
nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip; sila ang nagbibigkas ng dayalogo;
sila ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin; sila ang pinanonood na tauhan sa
dula. Ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang mga
pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama sa
dula.
3. Dayalogo – ang mga bitaw na linya ng mga aktor na siyang sandata upang
maipakita at maipadama ang mga emosyon. Nagiging mas maganda at
makapangyarihan ang dula kung may mga malalakas at nakatatagos na mga
linyang binibitiwan ng mga aktor.
4. Tanghalan – anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay
tinatawag na tanghalan; tanghalan ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng
isang dula, tanghalan ang silid na pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang
klase.
5. Tagadirehe o direktor – ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya
ang nag-i-interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng
mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay
dumidipende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip
6. Manonood – hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung
hindi ito napanood ng ibang tao; hindi ito maituturing na dula sapagkat ang layunin
ng dula’y maitanghal; at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong
makasaksi o makanood.
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7

Pagyamanin
Gawain 1: Sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa napanood na dulang
pantelebisyon na pinamagatang “Ilustrado”.
https://www.youtube.com/watch?v=2O1dOKwrA50
1. Sino ang mahalagang tauhan na ipinakita sa dulang pantelebisyon? Ibigay ang
naging kontribusyon nito sa ating lipunan.
2. Naging epektibo ba ang gumanap na aktor sa napanood na dulang
pantelebisyon? Ipaliwanag.
3. Kailan naganap ang napanood na dulang pantelebisyon? Magbigay ng
patunay.
Gawain 2: Magtala ng ilang pangungusap mula sa napanood na dulang
pantelebison na nagtataglay ng mga panandang anaporik at kataporik ng
pangngalan. Salungguhitan ang panghalip na ginamit na pananda at tukuyin ang
gamit nito sa pangungusap sa pamamagitang ng paglalagay ng tsek sa kolum
kung anaporik o kataporik ito.

31
Pangungusap Anaporik Kataporik

Gawain 3: Piliin ang wastong pangngalang akma sa bawat bilang.


senadora pamahalaan anak
uban ako at ang buong pamilya
1. Si Miriam Defensor Santiago ay nagsusulong ng bagong batas para sa mga
senior citizen. Ang ___________ ay may malaking malasakit sa matatanda.
Suportahan natin siya.
2. Ang ______________ ay handang mangalaga sa matatanda sa bansa. Ito ang
gagawa ng tungkulin ng pamilyang hindi nila magagampanan.
3. Mapalad ang mga ____________ na nag-aalaga ng kanilang magulang.
4. Ang kanilang __________ ay nagpapakita ng talino. Ito ang ebidensya ng
maraming taon ng karanasan sa buhay.
5. Huwag nating pabayaan ang matatanda sa pamilya, ___________ang
mangangalaga sa kanila.
Gawain 4: Salungguhitan ang mga panandang anaporik at kataporik ng
pangngalan na ginamit sa mga pangungusap. Itiman ang A sa tapat ng bilang
kung ito ay anapora at K kung ito ay katapora.

A K 1. Si Donya Aurora Aragon-Quezon ang nagtatag ng Krus na Pula. Ikinasal


siya kay Pangulong Manuel L. Quezon na isa nang pulitiko noon.
A K 2. Katulong si Donya Aurora ni Pangulong Quezon sa pagpapatupad ng
Katarungang Panlipunan. Puspusan ang pagkalinga niya sa mga
A K
nangangailangan at kapuspalad.
3. Nang bumagsak ang Bataan at Corregidor, ang pamilya Quezon ay
pumunta sa Amerika. Doon ay tumulong siya sa American Red Cross at
patuloy na nakipag-ugnayan sa mga pinunong bayan.
A K 4. Tapos na ang digmaan nang siya ay bumalik sa Pilipinas. Gayunpaman,
tumulong si Donya Aurora sa Pangulong Manuel A. Roxas na mapagtibay
ang Kalayaan ng Pambansang Krus na Pula.
5. Ang pagmamahal niya sa bayan ay di mapapasubalian. Ito ay taglay niya
A K
hanggang kamatayan.
Isaisip
Panuto: Ilahad ang iyong natutunan sa araling ito at isulat ang sagot sa nakalaang
kahon.

Paano
nakatutulong ang
dulang
pantelebisyon sa
mga manonood?

32
Isagawa

Panuto: Panoorin ang dulang pantelebisyon na: “ Bayani, Gabriela Silang : Ang
Alap”
https://www.youtube.com/watch?v=I4r9M8WNK9s&list=PLev9EnBbOjpFf7graXDA7bu
4Lwv5m6CdZ&index=9
Suriin ang dula sa pamamagitan ng mga patnubay na nasa gawing ibaba at
bumuo ng mga pangungusap gamit ang mga panandang anaporik at kataporik
ng pangngalan.
1. Kung ikaw ang nasa katayuan ng pangunahing tauhan sa dula, paano mo
maitataguyod ang pinamumunuan mong organisasyon?
2. Sa iyong panonood, ano-ano ang mga makatotohanang pangyayaring
inilahad sa buhay ng pangunahing tauhan sa dulang pantelebisyon?
Tayahin
Panuto: Lagyan ito ng tsek kung ang pahayag ay naggapapkita ng katangian
ng isang dula at at kung hindi.
1. Ang direktor ang siyang nag-iinterpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura
ng tagpuan, damit, mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at
kanilang pagbigkas.
2. Tanghalan ang tawag sa mga binitiwang linya ng mga aktor na siyang
sandata upang maipakita at maipadama ang mga emosyon.
3. Aktor ang nagsisilbing tauhan ng dula at nagsasabuhay ng mga tauhan
sa iskrip.
4. Ang dulang pantelebisyon ay tinawag din ng iba na de kahong libangan.
5. Tema ang tawag sa anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan
ng isang dula.
6. Lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip.
7. Nagiging mas maganda at makapangyarihan ang dula kung may mga
malalakas at nakatatagos na mga linyang binibitiwan ng mga aktor.
8. Ang disenyong pamproduksyon ang nagpapatingkad ng atmospera at
damdamin sa bawat eksena.
9. Musika ang masining na pagpoposisyon ng anggulo at mga puwesto ng
larawan na mapapanood sa isang pelikula o dulang pantelebisyon.
10. Hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung hindi
ito napanood ng ibang tao.

Panuto: Itala at ihanay ang mga panandang anaporik at kataporik ng pangngalan


sa mga sumusunod na pangungusap. Lagyan ng tsek ang kolum kung anaporik
o kataporik ito.

Pangungusap Panandang Anaporik Anaporik Kataporik


at Kataporik ng
Pangngalan
1. Sina Raha Sulayman at Andres
Bonifacio ang mga bayaning
Pilipino. Sila ay mga dakilang
Manileňo.

33
2. Ito ay isang maunlad na lungsod
kung kaya’t ang Valenzuela ay
hindi pahuhuli sa pagsugpo ng
pandemyang COVID19.
3. Si Jessica ang bunso sa
magkakapatid. Siya ay ang
natatanging babae sa
magkakapatid.
4. Lubos ang kanilang pasasalamat
dahil na rin sa patuloy na
pagsuporta hindi lamang ng mga
taga-Naga gayundin ang
sambayanang Pilipino sa pamilya
Robredo.
5. Ang pamilya nila Krystal ang
nagmamay-ari ng maraming gusali
sa Maynila. Kanila ang
condominium na tinitirhan natin
ngayon.

Karagdagang Gawain

Panuto: Pumili ng isang dulang pantelebisyong napanood mo. Suriin ang mga
elemento gayundin ang sosyo-historikal na konteksto nito. Sa pagbuo ng iyong
suring pantelebisyon ay Isaalang-alang ang gamit ng mga panandang anaporik at
kataporik ng pangngalan.

Elemento Mga Pagsusuri


Pamagat 1.
Tema 2.
Mga Tauhan 3. – 6.

Disenyong 6.
Pamproduksyon
Tunog o Musika 7.
Sinematograpiya 8.
Direksyon 9.
Sosyo-historikal na 10.
konteksto

Aralin
Komprehensibong Pagbabalita o
8 Newscast

34
Alamin

Maraming uri ng komprehensibong pagbabalita o newscast. Maaaring ito ay


pantelebisyon o sa makabagong paraan tulad ng internet streaming. Isa sa mga
paraan ng paghahatid ng komprehensibong pagbabalita ay ang radio
broadcasting, o ang paghahatid ng balita sa pamamagitan ng radyo. Ang mga
mag-aaral ay inaasahang makasusuri ng mga salitang ginamit sa pagsulat ng balita.
Sa modyul na ito ay mayroong mga inihandang gawain o pagsasanay na
kinakailangan mong sagutan. Ito ay may malaking gampanin upang mas
mapalawak pa ang iyong pag-unawa tungkol sa paksang ito.
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaaasahang:
F7PN-IIIj-17
Nasusuri ang mga salitang ginamit sa pagsulat ng balita ayon sa napakinggang
halimbawa.
F7PB-IIIj- 19
Natutukoy ang mga datos na kailangan sa paglikha ng sariling ulat-balita batay sa
materyal na nabasa.
Halika, simulan mo na!

Subukin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang letra ng
tamang sagot batay sa hinihingi ng bawat bilang.

____ 1.Ito ay isang paraang ng paghahatid ng impormasyon o balita sa


pamamagitan ng telebisyon. Ang mga impormasyon ay maaaring tungkol sa mga
pangyayari sa loob at labas ng bansa.
A. pagkukuwento B. pagbabalita C. pagsasalaysay D. pagtatalumpati
_____2. Ang newscasting ay isang programa sa radyo, telebisyon o internet na
naghahatid ng balita at ________ sa mga manonood. Ginagawa ito sa isang lokal na
lugar o di kaya ay sa isang estasyon ng telebisyon o radyo.
A. impormasyon B. tula C. talata D. awit
_____3. Ang newscasting ay isang programa na naghahatid ng balita at
impormasyon sa mga manonood. Ano sa mga sumusunod ang walang kaugnayan
sa pagbabalita?
A. Ginagawa ito sa isang lokal na lugar o di kaya ay sa isang estasyon ng telebisyon
o radyo.
B.Ibinabalita dito ang pinakabagong mga pangyayari na karaniwang tungkol sa
politika, ekonomiya, palakasan, taya ng panahon, trapiko at mga balita sa ibang
bansa.
C. Ito ay mga komentaryo sa iba’t ibang isyu at iba pang mga bagay na nasa interes
ng manonood.
D. May kaugnayan ito sa pagreregalo ng damit, pagkain, pabahay at sasakyan.
_____4. Ano ang balita? Ito ay napapanahon at makatotohanang ulat ng mga
pangyayaring ________.
A. naganap na C.nagaganap
B. magaganap pa lamang D.lahat ng nabanggit
_____5. Maituturing na katangian ng balita ang mga sumusunod maliban sa isa:
A. wasto C. timbang
B. maraming detalye D. walang kinikilingan

35
_____ 6. Ito ay ang pagbabalita gamit ang one-way wireless transmission mula sa mga
estasyon ng radyo papunta sa ating mga radyo.
A. radio broadcasting C. Sinema
B. TV broadcasting D. Teatro
_____ 7. Siya ang lumilikha ng iskrip na ginagamit sa pagbabalita sa radyo.
A. News presenter C. Scriptwriter
B. News anchor D. Lahat ng nabanggit
_____8. Sa pagsulat ng mga talata ng balita, siguraduhin ang:
A. Kaayusan nito sa paglalahad.
B. Paglalagay ng mahahalagang datos sa unahan ng talata.
C. Lahat ng nabanggit.
D. Wala sa mga nabanggit.
_____9. Ito ang mga kinakailangan sa Newscasting o pagbabalita maliban sa isa.
A. Maaaring gawin ito sa pamamagitan ng pasalita o pasulat.
B. Kawili-wiling pakinggan o basahin.
C. Nagtataglay ito ng mahahalagang impormasyon mula sa pang-araw-araw
na pangyayari.
D. Ito ay mahirap maunawaan ng mga mambabasa o nakikinig.
______10. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa katangian ng isang
newscaster.
A. Pagkakaroon ng kasanayan sa wikang Ingles at Filipino.
B. Walang tiwala sa sarili
C. Marunong magdala ng isang diskusyon.
D. May nalalaman tungkol sa kaniyang ibinabalita.
______11. Ito ay diretsahan ang pagkahanay ng mga datos at ginagamitan ng
kombensyonal o kabuuang pamatnubay.
A. Tuwirang Balita C. Lokal na balita
B. Pabalitang lathalain D. Balitang pang-ibang bansa
______12. Ito ay hindi diretsahan ang paglalahad ng datos at ginagamitan ng
makabagong pamatnubay.
A. Pabalitang Lathalain C. Lokal na balita
B. Tuwirang Balita D. Balitang pang-ibang bansa
______13. Ito ang mga katangian ng isang manunulat ng balita maliban sa isa.
A. Matalas ang pang-amoy sa balita.
B. Makatarungan at walang kinikilingan
C. Laging naghahanap ng gulo na kasasangkutan
D. Palabasa
______14. Sila ay tinatawag ding field reporter na tagapagbalita at tagapanayam
dahil sila ay kadalasang nasa field upang mangalap ng pinakabagong balita.
A.News presenter C. Scriptwriter
B. News anchor D. Lahat ng nabanggit
______15. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng mga katangian ng balita?
A. Kawastuhan, katimbangan,makatotohanan, kaiklian
B. Katimbangan, pasulat, realidad, mahaba
C. Naglalahad ng impormasyon, kawastuhan, kaiklian
D. Mahaba, katimbangan, makatotohanan, wasto

Balikan
Panuto: Suriin ang mga napapanahong larawan sa ibaba. Ipahayag ang iyong
kaisipan, saloobin at damdamin na ginamitan ng mga reperensiyang anaporik at
kataporik.

36
Anaporik:
__________________________________________________________________________________
Kataporik:
__________________________________________________________________________________

Tuklasin
Panuto: Sumulat ng isang talata sa bawat larawan na inihanda na may kaugnayan
sa Newscasting o Pagbabalita at kung paano ito nagagamit sa pagkalap ng
impormasyon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. telebisyon 3. pahayagan

2. radyo 4. internet

Suriin
Newscasting (Pagbabalita)
Ito ay isang paraan ng paghahatid ng impormasyon o balita sa pamamagitan
ng telebisyon. Ang mga impormasyon ay maaaring tungkol sa mga pangyayari sa
loob at labas ng bansa. Ito rin ay isang pagsasahimpapawid ng mga pang-araw-
araw na pangyayari sa lipunan, pamahalaan, sa mga sakuna, sa industriya, sa
agham at iba pang mga paksa sa buong bansa at ibayong dagat. May layuning
maghatid sa madla ng mahahalagang impormasyon sa pamamagitan ng
pinakamadaling paraan ng pakikipagtalastasan. Ito ay ang radyo, telebisyon, at
pahayagan.
Ang newscasting ay isang programa sa radyo, telebisyon o internet na
naghahatid ng balita at impormasyon sa mga manonood. Ginagawa ito sa isang
lokal na lugar o di kaya ay sa isang estasyon ng telebisyon o radyo. Ibinabalita dito
ang pinakabagong mga pangyayari na karaniwang tungkol sa politika, ekonomiya
at mga balita sa ibang bansa, at maaaring isama
rin ang iba pang uri ng balita gaya ng palakasan, taya ng panahon, kalagayan ng
trapiko sa mga lansangan, mga komentaryo sa iba’t ibang isyu at iba pang mga
bagay na nasa interes ng manonood. Isa sa halimbawa ng komprehensibong
pagbabalita ang radio broadcasting. Narito ang ilang impormasyon tungkol sa
larangang ito.
Ang radio broadcasting ay ang pagbabalita gamit ang one-way wireless
transmission mula sa mga estasyon ng radyo papunta sa ating mga radyo. Inimbento

37
ito upang ipaabot sa malalayong lugar at sa mas maraming tao ang mga
napapanahong balita at impormasyon.
Maraming uri ng mga balita. Ito ay maaaring panlokal, pambansa, at
pandaigdigan. Sa paksa, ang balita ay maaaring pang-edukasyon,
pangkabuhayan, pantahanan, panlibangan, pampalakasan, at pampulitika. Isa-
isahin natin ang pagkakakilanlan ng bawat isa.
Mga Kailangan sa Newscasting
1. Nagtataglay ito ng mahahalagang impormasyon mula sa pang-araw-araw na
pangyayari.
2. Maaaring gawin ito sa pamamagitan ng pasalita o pasulat.
3. Kawili-wiling pakinggan o basahin.
4. Ang mga nilalaman nito ay maaaring mula sa talumpati, seminar, pulong,
panayam, sakuna, agham, kaguluhan, paligsahan o iba pang pangyayaring
magiging kawili-wili sa mambabasa o nakikinig.
5. Ito ay madaling mauunawaan ng mga mambabasa o nakikinig.
Sanggunian: Panitikang Rehiyunal 7, ph. 263-264; Pluma 7, ph.378-391

Pagyamanin
Gawain 1: Gamit ang arrow ikonekta ang mga pahayag na nasa loob ng kahon na
may kaugnayan sa larawang nasa gitna.
Maaaring gawin ito sa
Anumang pangyayari na Naghahatid ng
pamamagitan ng pasalita o
kagaganap lamang, naiiba sa napapanahong balita pasulat. Kawili-wiling
karaniwan, may katotohanan,
pakinggan o basahin.
at walang kinikilingan.

Nagtataglayng Nagpapalabas ng variety


mahahalagang
show
impormasyon mula sa pang-
araw-araw na pangyayari.

Gawain 2: Tukuyin ang sagot sa bawat pangungusap sa pamamagitan ng pagbuo


ng mga letra sa kahon.
1. Ito ay balitang tumatalakay sa mahahalagang pangyayari sa isang tiyak na
bahagi ng bansa (munisipyo, lungsod at lalawigan)
P N K
2. Ito ay balitang tumatalakay sa mahahalagang pangyayari sa buong bansa.
P B A

3. Ito ay balitang tumatalakay sa mahahalagang pangyayari sa iba’t ibang bansa


sa daigdig.
P N D G G
4. Ito ay balitang tumatalakay sa mga pangyayaring may kinalaman sa
edukasyon.
P A E D K S N
5. Ito ay balitang tumatalakay sa mga pangyayaring may kinalaman sa pulitika.
P M L I A

38
Gawain 3: Suriin ang mga bahagi ng balita at tukuyin kung anong uri ng balita ang
mga sumusunod. Ang mga pagpipilian ay nakapaloob sa kahon.

Balitang Pandaigdig Balitang Pampalakasan Balitang pampulitika


Balitang Pambansa Balitang Pang-edukasyon Balitang Pangkabuhayan

1. Heat naka-isa sa Lakers sa NBA Finals, 2-1 na!


Binuhat ni Jimmy Butler ang Miami Heat para kunin ang Game 3 ng NBA
Finals, 115-104. Nagtala si Butler ng 40 points, 10 rebounds, at 13 assists para
selyuhan ang panalo at patunayan ang una nitong sinabi na hindi sila basta
titiklop sa Los Angeles Lakers. Maliban kay Butler malaking tulong din ang ibinigay
nila Tyler Herro at Kelly Olynic na kapwa nagtala ng 17-points. Mula umpisa ay
Miami na ang nagdikta ng rempo ng laban at laging may sagot sa bawat
pagtatangka ng Lakers. Humakot ng 25 points, 10 rebounds, 9 assists si Lebron
James habang may 15 points naman si Anthony Davis na apektado ang laro dahil
maagang nalagay sa foul trouble. Gaganapin naman ang Game 4 sa Miyerkules,
9:00 ng umaga oras sa Pilipinas. _______

2. Tulong pangkabuhayan para sa OFW, itinaas


ITINAAS ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang halaga
ng tulong pangkabuhayan na ibinibigay para sa mga napauwing overseas
Filipino workers (OFWs), Inaprubahan na ng OWWA board na itaas mula sa
P10,000 hanggang P20,000 ang mas pinalawak na livelihood assistance o mas
kilala bilang “Balik Pinas, Balik Hanapbuhay” na programa para sa mga OFW na
napauwi sa bansa. Si Bello ang tumatayong chairman ng OWWA board. Ang
programang ito ay tumutulong sa ating mga bagong bayani upang maibalik sa
normal ang kanilang pamumuhay dito sa bansa . _____

3. Velasco pormal na kinilala bilang House Speaker; Cayetano 'nag-resign'


Nasa 186 mambabatas ang bumoto pabor sa ratipikasyon ng nangyaring
paghalal kay Velasco bilang House Speaker noong Lunes, na kinuwestiyon dahil
ginawa ito sa Celebrity Sports Plaza at hindi sa Batasang Pambansa. Sabi ni 1-
Pacman Partylist Rep. Mikee Romero, kung susumahin ay 208 mambabatas daw
ang nagpahayag ng suporta para sa liderato ni Velasco. Tinatapos nito ang
agawan sa puwesto na naganap nang tumanggi si Taguig Rep. Alan Peter
Cayetano na sundin ang term-sharing agreement niya kay Velasco alang-alang
umano sa 2021 national budget. Sa kaniyang unang speech sa loob ng Kamara
bilang House Speaker, pinaalala ni Velasco ang kahalagahan ng "dangal" at
pagkakaroon ng isang salita. ______

Gawain 4: Suriin ang mga salitang ginamit sa balita. Gamitin ang checklist sa ibaba
sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek (/) o ekis (x) at ipaliwanag.
Coronavirus, ang Iniinom na Tubig at Wastewater

Walang mas mangunguna pa sa priyoridad ng EPA (Environmental Protection


Agency), bukod sa pagpoprotekta sa kalusugan at kaligtasan ng mga American.
Ang EPA ay nagkakaloob ng mahalagang impormasyon tungkol sa COVID-19 at ang
kaugnayan nito sa iniinom na tubig at wastewater para makapagkaloob ng
kalinawan sa publiko. Ang COVID-19 virus ay di natuklasan sa mga supply ng iniinom
na tubig. Batay sa kasalukuyang mga katibayan, ang panganib sa mga supply ng

39
tubig ay mababa. Maaaring magpatuloy ang mga American na gumamit at
uminom ng tubig mula sa kanilang gripo tulad nang nakagawian. Hinihikayat rin ng
EPA ang publiko na panatilihing ang plumbing ng sambahayan at para sa maayos
na paggana ng ating imprastraktura ng tubig ng bansa sa pamamagitan ng pag-
flush lang ng toilet paper. Ang mga disinfecting wipes at iba pang mga item ay dapat
itapon sa basurahan, hindi sa toilet.
Noong Marso 27, 2020, ang Administrator ng EPA na si Andrew Wheeler ay
nagpadala ng sulat sa mga Gobernador ng lahat ng 50 estado, mga territory, at
Washington, DC, na hinihiling na ang mga manggagawa sa tubig at wastewater, at
pati na rin ang mga manufacturer at supplier na nagkakaloob ng mahahalagang
serbisyo at materyales sa sektor ng patubig, na makonsidera ang ilang mga
mahahagalang manggagawa at negosyo ng mga awtoridad ng estado kapag
ipinapatupad ang mga limitasyon sa pagpapatatag ng pagkalat ng COVID-19. Ang
aming kritikal na imprastraktura ng tubig at ang mga operator nito ay nagtitiyak ng
ligtas na supply ng tubig sa ating mga tahanan at ospital, at depende sa mga
panggamot na mga kemikal, mga laboratory na suppy at mga may kaugnayan
goods at materyales.

Pinaghanguan:https://www.epa.gov/lep/coronavirus-ang-iniinom-na-tubig-
wastewater

Katangian ng mga Salitang Ginamit Tsek (/) o Ekis (X) Paliwanag

 Simple ang mga salita

 Naiintindihan ito ng lahat

 Akma ang pagkakagamit ng salita

Isaisip
Panuto: Iguhit ang  nakangiting mukha kung kaya mo nang gawin at 
malungkot na mukha kung hindi pa kaya ang pagsasagawa ng ulat-balita.

1. Nakagagamit ng mabisang salita o pahayag upang maging


malinaw ang mensaheng nais iparating.
2. Natutukoy ang datos na kailangan sa paglikha ng sariling ulat
batay sa binasa o napakinggan.
3. Nakasusulat ng isang balitang maghahatid ng mahahalagang
impormasyon batay sa kayarian o tamang pagsusunod-sunod ng
impormasyon.
4. May sapat nang tiwala sa sarili upang mailahad ang mga
impormasyong nais ipabatid.
5. Nakasusuri at nakagagamit ng tamang mga paraan upang
makakalap ng datos sa paghahatid ng mensaheng dapat
malaman ng tagapakinig, mambabasa o manonood.

Isagawa
Panuto: Bilang paghahanda sa pagsulat mo ng balita at pagbabalita ay kukuha ka
ng isang artikulo sa pahayagan na may kinalaman sa iyong lugar. Gupitin at idikit ito

40
sa iyong sagutang papel. Suriin at tukuyin ang mga kailangang datos at isulat ang
mga salitang ginamit sa loob ng talahanayan sa ibaba.

Katangian ng mga Salitang Ginamit Salitang ginamit Paliwanag


 Simple ang mga salita
 Naiintindihan ito ng lahat
 Akma ang pagkakagamit ng salita

Tayahin
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot batay sa hinihingi ng bawat bilang. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang katangian ng mga salitang ginagamit sa pagsulat ng isang balita?
A. Simple ang mga salita, naiintindihan ng lahat, akma ang pagkakagamit ng
mga salita.
B. Naiintindihan ito ng lahat ng mambabasa at hindi akma ang mga pahayag.
C. Tuwiran ang pagkakagamit ng mga salita sa paraang nakakasakit.
D. Malalalim ang mga salitang ginagamit upang hindi maintindihan ng
bumabasa.
2. Ito ay isang paraang ng paghahatid ng impormasyon o balita sa pamamagitan
ng telebisyon. Ang mga impormasyon ay maaaring tungkol sa mga pangyayari
sa loob at labas ng bansa.
A. Pagbabalita B.Pagbabasa C. Pagsusulat D. Pakikinig
3. Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng pagbabalita?
A. Ito rin ay isang pagsasahimpapawid ng mga pang-araw-araw na pangyayari
sa lipunan, pamahalaan, sakuna, industriya, a agham at iba pang mga paksa
sa buong bansa at ibayong dagat.
B. May layuning maghatid sa madla ng mahahalagang impormasyon sa
pamamagitan ng pinakamadaling paraan ng pakikipagtalastasan.
C. Ang newscasting ay isang programa sa radyo, telebisyon o internet na
naghahatid ng balita at impormasyon sa mga manonood.
D. Ginagawa ito sa isang liblib na lugar o di kaya ay sa isang estasyon ng tren.
4. Sa pamamahayag, Ibinabalita dito ang pinakabagong mga pangyayari na
karaniwang tungkol sa _____.
A. Pulitika, ekonomiya, mga balita sa ibang bansa, at maaaring isama rin ang iba
pang uri ng balita gaya ng palakasan, taya ng panahon, kalagayan ng
trapiko sa mga lansangan, mga komentaryo sa iba’t ibang isyu.
B. Mga bagay na wala sa interes ng manonood.
C. Mga buwis na kinokolekta sa bangko.
D. Lahat ng nabanggit.
5. Ito ay isa sa halimbawa ng komprehensibong pagbabalita ang radio
broadcasting. Narito ang ilang impormasyon tungkol sa larangang ito.
A. Ang radio broadcasting ay pagkakalat ng mga maling impormasyon sa
paligid.
B. Ang radio broadcasting ay ang pagbabalita gamit ang one-way wireless
transmission mula sa mga estasyon ng radyo papunta sa ating mga radyo.
C. Inimbento ito upang hindi makarating sa malalayong lugar at sa mas
maraming tao ang mga napapanahong kaganapan sa bansa.
D. Wala sa nabanggit.

41
6. Ang balita ay anumang pangyayari na kagaganap lamang, naiiba sa karaniwan,
may katotohanan, at walang kinikilingan. Ito ay maaaring makuha sa
pamamagitan ng pagbabasa maliban sa isa.
A. Pahayagan C. Panonood ng telebisyon.
B. Pakikinig sa radio D. Pagtatanong sa kapitbahay
7. Maraming uri ng mga balita. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang?
A. Panlokal C. Pangtransportasyon
B. Pambansa D. Pandaigdigan
8. Ito ay tumatalakay sa mahahalagang pangyayari sa isang tiyak na bahagi ng
bansa (munisipyo, lungsod at lalawigan).
A. Balitang Panlokal C. Balitang pang-edukasyon
B. Balitang Pambansa D. Balitang pampulitika
9. Tumatalakay sa mahahalagang pangyayari sa buong bansa.
A. Balitang pantahanan C. Balitang Pambansa
B. Balitang pangkabuhayan D. Balitang Pandaigdig
10. Tumatalakay sa mga pangyayaring may kinalaman sa pulitika.
A. Balitang Pangkabuhayan C. Balitang Panlibangan
B. Balitang Pampulitika D. Balitang Pantahanan
11. Ito ay mga kailangan sa Newscasting maliban sa isa.
A. Nagtataglay ito ng mahahalagang impormasyon mula sa pang-araw-araw na
pangyayari.
B. Maaaring gawin ito sa pamamagitan ng pasalita o pasulat.
C. Kawili-wiling pakinggan o basahin.
D. Ito ay matagal mauunawaan ng mga mambabasa o nakikinig.
12. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng Isang manunulat ng balita?
A. Matalas ang pang-amoy sa balita C.Makatarungan at walang Kinikilingan
B. Mapagtanong D. Lahat ng nabanggit
13. Basahin ang bahagi ng balita at tukuyin kung anong uri ito.
Reno liver spread pwede na uli bilhin, kainin; rehistrado na sa FDA
(Philstar.com) - October 16, 2020 - 1:30pm
MANILA, Philippines — Eksakto isang buwan matapos ibalita ang pagharang
dito ng gobyerno, makababalik na sa pamilihan ang paboritong palaman at
rekado ng marami na Reno liver spread. Setyembre kasi nang ipaalam sa publiko
ng Food and Drug Administration na wala pa palang certificate of product
registration (CPA) ang nasabing produkto — bagay na ngayon-ngayon lang
nakuha ng kumpanya simula pa noong 1958.
"Yes, they [Reno liver spread] have a CPR (certificate of product registration)," ani
FDA director general Eric Domingo sa panayam ng GMA News, Biyernes. Oras na
makakuha kasi ng CPR ang naturang produkto ay makababalik na ito sa mga
pamilihan. Una nang sinabi ng FDA na hindi matitiyak ang kalidad at kaligtasan nito
kung hindi dadaan sa mga evaluation process ng FDA.
A. Balitang Pangkabuhayan C. Balitang Pambansa
B. Balitang Pampulitika D. Balitang Pandaigdig
14. Mula sa nabasang balita na nasa blg.#13, ano ang paksa ng balita?
A. Balita tungkol sa rehistrasyon ng produktong reno
B. Balita tungkol sa pagnenegosyo
C. Balita tungkol sa seguridad ng mga tao pagdating sa pagkain.
D. Lahat ng nabanggit.
15. Mula sa nabasang balita na nasa blg.#13, alin sa mga sumusunod na katangian
ng salita ang hindi kabilang?
A. Simple ang mga salita

42
B. Mahirap basahin
C. Naiintindihan ng lahat
D. Akma ang pagkakagamit ng mga salita.

Karagdagang Gawain
Panuto: Pagkatapos mong pag-aralan at matutuhan ang tungkol sa
Komprehensibong Pagbabalita. Suriin mo kung ang sumusunod na ideya mula sa
napag-aralan ay sumasang-ayon ka o hindi. Isulat ang tsek sa kolum (/) kung sang-
ayon at (X) kung hindi. Isulat sa sagutang papel.

Pahayag Sang- Di sang-


ayon ayon
1. Ang pagbabalita ay isang paraang ng paghahatid ng
impormasyon o balita sa pamamagitan ng telebisyon.
2. Ang pagbabalita rin ay isang pagsasahimpapawid ng
mga pang araw-araw na pangyayari sa lipunan,
pamahalaan, sakuna, industriya, agham at iba pang
mga paksa sa buong bansa at ibayong dagat.
3. Scriptwriter ang lumilikha ng iskrip na ginagamit sa
pagbabalita sa radyo.
4. Ang radio broadcasting ay ang pagbabalita gamit ang
one-way wireless transmission mula sa mga estasyon ng
radyo papunta sa ating mga radyo.
5. Ang kailangan sa Newscasting ay nagtataglay ng
mahahalagang impormasyon mula sa pang-araw-araw
na pangyayari.
6. Ang balita ay anumang pangyayari na kagaganap
lamang, naiiba sa karaniwan, may katotohanan, at
walang kinikilingan.
7. Ito ay maaaring makuha sa pamamagitan ng
pagbabasa ng pahayagan, pakikinig sa radyo, at
panonood ng telebisyon.
8. Maraming uri ng mga balita. Ito ay maaaring panlokal,
pambansa, at pandaigdigan. Sa paksa, ang balita ay
maaaring pang-edukasyon, pangkabuhayan,
pantahanan, panlibangan, pampalakasan, at
pampulitika.
9. Ang isa sa katangian ng isang manunulat ng balita
ay matalas ang pang-amoy sa balita. Alam kung saan
makapangalap ng datos.
10. Pabalitang Lathalain, hindi diretsahan ang paglalahad
ng datos at ginagamitan ng makabagong pamatnubay.

43
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

44

You might also like