You are on page 1of 26

7

FILIPINO
IKAAPAT NA MARKAHAN
Una-Ikaapat na Linggo
Filipino – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Una-Ikaapat na Linggo
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: MA. EDNALYN C. REJANO, TII, POLO NHS; ZENAIDA M. ALOTA, Bagbaguin
NHS;
LORENZ IRAH J. AGUSTIN, T 1, Paso de Blas NHS; RACHEL T. GALOSO, T1, Justice Eliezer
DS NHS; CAMILLE JOY C. VALIMENTO, TII -Valenzuela NHS; GILSANNE I. MEMPIN, T1,
Malanday NHS.
Editor: GRACE IMPERIAL-YUMUL, HT 3, VALENZUELA NHS
Tagasuri: Rosarie R. Carlos., Education Program Supervisor
Tagaguhit: LR Illustrator
Tagalapat: LR Illustrator
Tagapamahala:
Meliton P. Zurbano, Assistant Schools Division Superintendent, OIC-OSDS
Filmore R. Caballero, CID, Chief
Jean A. Tropel, Division EPS In-Charge of LRMS & ADM Coordinator
Rosarie R. Carlos, EPS-Filipino

Division of City Schools - Valenzuela


Office Address: Pio Valenzuela St., Valenzuela City
Telefax: (02) 294 0658
E-mail Address: sdovalenzuela2015@gmail.com
Unang Linggo
Aralin Ibong Adarna
1 (Kaligirang Kasaysayan at Katangian ng
Korido/Awit)
Alamin
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
- Nailalahad ang sariling pananaw tungkol sa mga motibo ng may-akda sa bisa ng
binasang bahagi ng akda. (F7PB-IVa-b-20)
- Naibibigay ang kahulugan at mga katangian ng “korido” (F7PT-IVa-b-18)

Subukin
A. Panuto: Piliin sa hanay B ang wastong kasagutan sa mga pahayag na
nasa hanay A. Isulat ang letra ng tamang sagot.
Hanay A Hanay B
1. Ayon sa kasaysayan sa anong A. 1949
bansa sinasabing nagmula ang Ibong Adarna? B. Don Juan
2. Taon kung kalian sinasabing
nakarating ang akdang Ibong C. Katolismo
Adarna sa bansang Pilipinas.
3. Ang Ibong adarna ay tinatawag D. Europa
din ___________ng mga Pilipino.
4. Siya ang masusing nag-ayos ng Ibong
Adarna na kasalukuyang ginagamit sa paaralan. E. Leproso
5. Siya ang bunsong anak ni Haring Fernando F.Panitikang Pantakas
at Reyna Valeriana.
6. Ang taong humingi ng makakain
kay Don Juan sa bundok Tabor. G.1610
7. Ang prinsesang inaalagaan ng
isang serpiyenteng palamara. H. Tabor
8. Anong relihiyon ang ipinalaganap ng mga Kastila
sa bansa sa tulong ng akdang “Ibong Adarna”? I. Don Pedro
9. Bundok kung saan makikita ang Ibong Adarna J. Donya Leonora
10.Taon kung kalian inayos ni Marcelo P. Garcia
ang Akdang “Ibong Adarna” K. Marcelo P.
Garcia upang magamit sa mga paaralan.

B. Panuto: Isulat sa patlang ang K kung ang pahayag ay nagpapakita ng


katangian ng korido at A kung awit.
______11. Ang mga tauhan ay may kapangyarihang hindi nagagawa ng karaniwang tao.
______12. May walong pantig sa bawat taludtod.
______13. Ang mga pangyayari ay maaaring maganap sa tunay na buhay.
______14. May labindalawang pantig sa bawat taludtod.
______15. Inaawit sa paraang mabilis o allegro.

3
Balikan
Sa paraan ng Venn Diagram, ibigay ang pagkakatulad at pagkakaiba ng Korido at
Awit.

Korido Awit

Tuklasin
A. Panuto: Magbigay ng isang paboritong akdang iyong nabasa at mga dahilan
kung bakit mo ito naibigan.
Mga dahilan kung bakit ito naibigan:
• ______________________________________________________________
• ______________________________________________________________
• ______________________________________________________________
B. Panuto: Ibigay ang mga nawawalang salita sa pangungusap sa tulong ng mga
nakagulong letra.

Ang (TLANUG OMRAANS) _____________ ay tulang (AASPALYASY) ___________


sa pakikipagsapalaran at (BAAKYAHINNA) _______________ na karaniwang ginagalawan
ng mga (PINRSPIE) _______________’t (SPNIREAS) _____________ at mga (HMAAL)
________ na tao.

Suriin
Basahin at unawain ang Kasaysayan ng Ibong Adarna na nasa inyong
FB Group Page.

Pagyamanin
Gawain 1: Bilugan ang espada kung ang pahayag ay ayon sa kasaysayan ng IBONG
ADARNA at kalasag naman kung hindi.
1. Sinasabing ang Ibong Adarna ay nagmula sa bansang Europa.
2. Magpahanggang ngayon ay hindi pa rin kilala kung sino ang tunay na
may likha ng Koridong Ibong Adarna.
3. Ayon sa kasaysayan ang Ibong Adarna ay dinala ng mga Amerikano
upang palaganapin ang Kristyanismo.
4. Ang Ibong Adarna ay mas lalong lumaganap sa Pilipinas dahil ito ay
ipinagbibili sa mga perya. At ito ay itinatanghal sa mga entabladong tulad
ng Komedya at Moro-moro.

4
5. Noong 1950 masusing inayos at pinag-aralan ni Marcelo P. Garcia ang
Ibong Adarna na ito ngayon sa kasalukuyan ang ginagamit sa mga
paaralan.

Gawain 2: Ilahad ang kasaysayan ng Ibong Adarna sa paraang pa-timeline.

Gawain 3: Itiman ang bilog kung ang pahayag ay nagpapakita ng katangian at


kasaysayan ng tulang romansa.

1. Noong Edad Media naging palasak ang tulang romansa sa Europa.


2. Layunin ng tulang romansa ay magpalaganan ng diwang Kristiyano.
3. Nakarating sa Pilipinas ang tulang romansa mula sa Mexico noong 1610.
4. Isang akdang may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya.
5. Karaniwan ang mga tauhan ay prinsipe’t prinsesa.
Gawain 4: Isulat sa patlang ang letrang A kung ang pangyayari ay naglalarawan sa
katangian ng tulang romansa at letrang B kung hindi.
_____1. Isang halaman ang tumubo sa bakuran ni Aling Rosa at tinawag niya itong pinya.
_____2. Mag-isang kinalaban ni Prinsipe Juan ang serpyenteng may pitong ulo.
_____3. Sa tuwing nakadarama ng takot at pangamba si Don Juan ay sa Birheng Maria
siya humingin ng kalakasan.
_____4. Isang magiting at mabuting pinuno ang naghari sa kaharian ng Berbanya.
_____5. Sa pagbuhos ng tubig sa katawan ang lahat ng sugat ay biglang naglaho at
nanumbalik sa dating sigla ang kanyang katawan.
Gawain 5: Paglalahad ng sariling pananaw hinggil sa mga katangian ng Korido at Awit
sa pamamagitan ng mga pamantayang nasa talahanayan.
Pamantayan Korido Awit

Batay sa Anyo
Musika
Paksa

Gawain 6: Maglahad ng sariling pananaw/opinyon tungkol sa mga mahalagang


pangyayaring naganap sa akda at iugnay ito sa kasalukuyang panahon.

5
Batay sa akda Batay sa kasalukuyan
Paghahanap sa
gamot na
panglunas sa
karamdaman

Batay sa akda Batay sa kasalukuyan


Pagsasakripisyo ng
mga anak para sa
kanilang mga
magulang.

Isaisip
Panuto: Ibigay ang mga kulturang Pilipinong masasalamin sa ilang piling pangyayari
sa binasang sinopsis ng Ibong Adarna na may bisang pangdamdamin.
1. Nalungkot at tumamlay ang buong kaharian sa pagkakaroon ng malubhang
karamdaman ng kanilang pinunong si Haring Fernando.
Kulturang Pilipino: ___________________________________________________________
2. Unang inatasan sa paghahanap sa tangin lunas sa karamdaman ng Haring Fernando
ay ang panganay na anak na si Don Pedro.
Kulturang Pilipino: ___________________________________________________________
3. Pagnanais ng tatlong prinsipe na hanapin ang tanging lunas sa sakit ng amang
minamahal kahit ito pa ay kanilang ikapahamak.
Kulturang Pilipino: ___________________________________________________________
Isagawa

Panuto: Ayon sa kasaysayan at binasang sinopsis ng Ibong Adarna magbigay ng


tatlong (3) mahahalagang pangyayari sa Koridong “Ibong Adarna” at iugnay sa mga
pangyayaring nagaganap sa ating bansa at maglahad ng sariling opinyon hinggil dito.
Isulat ang iyong sagot sa loob ng bookmark.

6
Tayahin
A. Panuto: Kulayan ang larawan ng Ibong Adarna batay sa hinihinging kasagutan sa
bawat bilang. Sundin ang katumbas na kulay na nasa bawat letrang pagpipiliian.

KULAY PAGPIPILIIAN
PULA A. Valeriana
DILAW B. Korido
ASUL C. Peryahan
BERDE D.Don Diego
KAHEL E. E. Medieval o Middle Ages
LILA F. Berbanya
ROSAS G.Mexico
KAYUMANGGI H.Ermitanyo
ABO I. Pura Santillan-Castrence
ITIM J. Marcelo P. Garcia
Mga katanungan:
1. Ang akdang “Ibong Adarna” ay isang halimbawa ng akdang pampanitikan na ____.
2. Ito ang panahon kung kalian nakilala sa bansang Europa ang mga tulang romansa.
3. Siya ang nagsabi na ang “Ibong Adarna ay hango sa kwentong-bayan mula sa mga
bansa sa Europa tulad ng Romania, Denmark, Austria, Alemanya, at Finland.
4. Saan kadalasan ibinebenta ang mga sipi ng “Ibong Adarna” na naging dahilan din
upang lalong makilala ang akda ng mga Pilipino?
5. Ito ang kaharian na pinamumunuan ni Haring Fernando.
6. Siya ang nag-ayos ng sipi ng “Ibong Adarna upang higit na maunawaan ng mga
Pilipino at magamit sa mga paaralan.
7. Ang butihing Ina ng tatlong prinsipe at Reyna ng Berbanya.
8. Siya ay ang ikalawang anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana.
9. Noong 1610, mula sa anong bansa nagmula ang akdang “Ibong Adarna” bago
makarating sa bansang Pilipinas?
10. Siya ang mahiwagang matandang lalaking naninirahan sa bundok Tabor na tumulong
kay Don Juan upang mahuli ang Ibong Adarna.

B. Panuto: Basahin at suriin ang bawat pahayag. Bilugan ang salitang nagpamali sa
pahayag batay sa kahulugan at kasaysayan ng Tulang Romansa.
1. Ang tulang romansa ay ginamit upang palaganapin ng mga Amerikano ang diwang
Kristiyano.
2. Nakarating sa Pilipinas ang tulang romansa mula sa Mexico noong 1620.
3. Sa tulang romansa ay karaniwan nagtatapos sa isang panalangin.
4. Nakilala ang tulang romansa sa Asya taong Edad Media.
5. Ang tulang romansa ay isang kwentong pasalaysay na karaniwang ginagalawan ng
mga mahal na tao.

7
Karagdagang Gawain
Panuto: Ihambing sa isang kilalang personalidad ang mga sumusunod na tauhan sa
akdang “Ibong Adarna” at ipaliwanag kung saan at papaano sila nagkakatulad.
1. Haring Fernando: ___________________________________________
Paliwanag: ________________________________________________
2. Don Pedro: ________________________________________________
Paliwanag: ________________________________________________
3. Don Diego: ________________________________________________
Paliwanag: ________________________________________________
4. Don Juan: _________________________________________________
Paliwanag: ________________________________________________
5. Ibong Adarna: ______________________________________________
Paliwanag: ________________________________________________

Aralin Ikalawang Linggo


2 Ibong Adarna

Alamin
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaaasahang:
 Naibabahagi ang sariling ideya tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong
Adarna F7PS-IVa-b-18
 Naisusulat nang sistematiko ang mga nasaliksik na impormasyon kaugnay ng
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna F7PU-IVa-b-18

Subukin
A. Punan ang patlang sa bawat bilang. Piliin ang letra ng tamang sagot.
1. Ang Ibong Adarna ay lumaganap noong panahon ng mga _______.
A. Espanyol B. Amerikano C. Hapon D. Intsik
2. Ang Ibong Adarna ay maaaring hinango lamang sa mga _______ mula sa ilang bansa sa
Europa.
A. Pabula B. Kwentong-bayan C. Alamat D. Epiko
3. Isang ______ ang Ibong Adarna dahil ito ay binubuo ng walong pantig sa bawat taludtod at
apat na talutod sa bawat saknong.
A. Sanaysay B. Maikling Kwento C. Awit D. Korido
4. Tinatawag na _______ ang himig ng Ibong Adarna sapagkat ito ay mabilis bigkasin.
A. allegro B. andante C. soprano D. tenor
5. Ang mga tauhan ng Ibong Adarna ay mga _________.
A. mayayaman B. Maharlika C. pulitiko D. diyos
6. Naging behikulo ang panitikan gaya ng Ibong Adarna upang mapalaganap ang relihiyong
_______.
A. Pagano B. Katolisismo C. Islam D. Baptismo
7. Ang nangingibabaw na paksa sa Ibong Adarna ay _______.
A. Pangkapaligiran C. Panrelihiyon
B. Pangkalusugan D. Pampamayanan
8. Ang mga tauhan sa Ibong Adarna ay may _______ o kakayahang magsagawa ng mga
kababalaghan na hindi magagawa ng karaniwang tao.
A. malakas na isipan C. mahusay na sandata
B. kapangyarihang supernatural D. mayamang angkan

8
9. Ang Ibong Adarna ay isang anyo ng ___________.
A. Tulang Romansa C. Tulang Pasalaysay
B. Tulang Liriko D. Tulang Pantanghalan
10. Sinasabing ang Ibong Adarna ay itinuturing na ______________ sapagkat
pansalamantalang nalilibang ang kanilang mga isipan sa kanilang kinasasadlakang
kalagayan noong panahon ng mga Kastila.
A. panitikang pampamilya C. pan itikang pantakas
B. panitikang pangkalusugan D. panitikang pangkabuhayan
B. Hanapin sa loob ng kahon ang kaugnay ng mga pariralang nasa gawing ibaba upang
mabuo ang mga pangungusap. Isulat ang letra ng tamang sagot.
A. kung saan ang pangunahing tauhan ay nagtatagumpay dahil sa kanyang
pananampalataya.
B. ito rin ay itinatanghal sa mga entablado na tulad ng komedya o moro-moro.
C. sapagkat hiram lamang sa ibang bansa ang akdang ito.
D. ay isinaayos niya ang pagkakasulat ng kabuoan ng akda partikular ang mga sukat at
tugma ng bawat saknong.
E. tulad ng pagkakaroon ng matibay na pananampalataya sa Poong Maykapal at
mataas na pagpapahalaga at pagmamahal sa pamilya.
_____11. Maraming kritiko ang nagsasabing hindi ganap na maituturing na panitikang Pilipino
ang Ibong Adarna.
_____12. Masasalamin sa akda ang mga natatanging kaugalian at pagpapahalaga ng mga
Pilipino.
_____13. Kalimitang pumapatungkol sa pakikipagsapalaran at kabayanihang karaniwang
kinasasangkutan ng mga prinsipe at prinsesa at mga maharlikang tao.
_____14. Ang Ibong Adarna ang higit na naging tanyag sapagkat bukod sa ang mga sipi nito
ay ipinagbibili sa mga perya.
_____15. Noong 1949, sa pamamagitan ng matiyaga at masusing pag-aaral ni Marcelo P.
Garcia ng iba’t ibang sipi ng Ibong Adarna.

Balikan
A. Gamit ang dayagram sa ibaba, magbigay ng mga nalalaman mo ukol sa korido.
Isulat ang iyong kasagutan sa mga bahagi ng palasyo sa ibaba.

KORIDO
Tuklasin
Gawain 1. Ibigay ang pagkakasunod-sunod ng mga hakbang sa pagsulat ng
sistematikong pananaliksik gamit ang graphic organizer. Piliin sa kahon sa ibaba ang
iyong mga kasagutan at isulat ito sa bawat baitang.

5
4
3
2
1
9
A. Isulat ang pinal na kopya ng pananaliksik
B. Mangalap ng datos at bumuo ng konseptong papel
C. Magsagawa ng pansamantalang balangkas at Magtala ng sanggunian
D. Gumawa ng Dokumentasyon
E. Pumili at maglimita ng paksa

Suriin
Kahalagahan ng Pag-aaral ng Ibong Adarna
Kung uugatin ang kasaysayan, ang koridong Ibong Adarna ay maaaring halaw
o nagmula lamang sa ibang bansa. Ngunit sinasabi ng ibang kritiko na umaangkop naman sa
mga kalinangan at kultura ng mga Pilipino ang nilalaman nito.
Mahalagang mabasa ito lalong-lalo na ng mga mag-aaral sapagkat
masasalamin sa akda ang mga natatanging kaugalian at pagpapahalaga ng mga Pilipino at
mga aral na maaaring magamit sa pang-araw-araw na pamumuhay tulad ng mga sumusunod:
 matibay na pananampalataya sa Poong Maykapal
 mataas na pagpapahalaga sa kapakanan ng pamilya
 mataas na pagtingin o paggalang ng mga anak sa magulang
 paggalang sa mga nakatatanda
 pagtulong sa mga nangangailangan
 pagtanaw ng utang na loob
 mataas na pagpapahalaga sa puri at dangal ng kababaihan
 pagkakaroon ng tibay at lakas ng loob sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay
 atbp.
Sanggunian: Pluma 7

Mga Hakbang sa Sistematikong Pananaliksik


1. Pumili at maglimita ng paksa. Ang paksa ay dapat na alam mo, nakawiwili,
mapagkukunan ng datos, may sanggunian, may kabuluhan at magagawan ng kongklusyon.
2. Magsagawa ng pansamantalang balangkas. Ilahad sa isang pangungusap ang nais pag-
aralan sa paksa. Ilahad ang layunin. Itala o ilista ang mga tanong at pangatwiranan ang
kahalagahan ng paksa.
3. Magtala ng sanggunian. Huwag takdaan ang bilang ng maksimum na bilang ng
sanggunian ngunit gawin itong minimum sa pitong sanggunian.
4. Mangalap ng datos. Importante ang dating kaalaman sa mga nabasa na. Ideya lamang
ng nabasa ay sapat na. Makatutulong ang paggamit ng index card sa pagtatala ng mga
sanggunian
5. Bumuo ng konseptong papel. Ginagawa kapag sigurado ka na sa paksang sasaliksikin.
Kasama rito ang balangkas/framework ng daloy ng laman ng pananaliksik na magbibigay-
linaw sa isusulat.
6. Gumawa ng dokumentasyon. Sinupin ang mga datos, gumamit ng parentetikal na
paglalahad ng sanggunian at obserbahan ang paggamit ng wastong pagbabantas.
7. Isulat ang pinal na kopya ng pananaliksik
Pinaghanguan:
 https://philnews.ph/2020/12/01/hakbang-sa-sistematikong-pananaliksik-kahulugan-at-halimbawa/
https://www.slideshare.net/ReilourdMiranda/pananaliksik-17313402?next_slideshow=1

Pagyamanin

10
Gawain 1: Isulat ang salitang SANG-AYON kung ang mga sitwasyon o pahayag ay
naaayon sa kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong Adarna at DI-SANG-AYON naman kung
hindi.
___________1. Si Lota ay nagpapasalamat sa Diyos sa mga biyayang kanyang natatanggap.
___________2. Tinulungan ni Lirio ang matandang babae na makatawid sa kalsada.
___________3. Inutusan si Mina ng kanyang ina na maghugas ng mga pinagkainang pinggan
ngunit padabog siyang sumunod sa utos nito.
___________4. Kinagigiliwan ng mga tao si Ismael dahil sa kanyang pagiging magalang at
mabuting bata.
___________5. Sa kabila ng mga itinulong ni Ada kay Maya ay nagawan pa rin siya nito ng
hindi maganda.
Gawain 2: Lagyan ng tsek ang mga larawang nagpapakita ng kagandahang asal batay
sa mga kahalagahan ng pag-aaral ng akda. Magbigay ng maikling paliwanag tungkol sa
mga napiling larawan.

1 2 3 4 5
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
Gawain 3: Iguhit ang bituin ( ) kung sumasalamin ang mga pahayag tungkol sa
kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong Adarna at kidlat ( ) naman kung hindi.
_____1. Nahihikayat ang mga tao na gumawa ng mabuti sa kanilang kapwa.
_____2. Nakapagbibigay ng kalituhan at pangamba kung matutulungan ng Diyos sa mga
problema sa buhay.
_____3. Pagtulong sa mga nasalanta ng kalamidad o sakuna.
_____4. Kahit mahirap ang buhay ay nakangiti pa ring hinaharap ang mga pagsubok na
dumarating.
_____5. Pagsunod sa mga tagubilin at paalala ng mga magulang.
Gawain 4: Ibigay kung anong hakbang ng pananaliksik ang tinutukoy sa bawat
pangungusap.
___________________1. Ilahad sa pangungusap ang nais pag-aralan sa paksa. Kasunod
nito, ilagay ang mga layunin, itala o ilista ang mga tanong, at
pangatwiranan ang kahalagahan ng paksa.
___________________2. Ito’y nagagamit natin kapag sigurado ka na sa paksang
sasaliksikin. Bukod dito ang balangkas/framework ng daloy ng
laman ng pananaliksik na magbibigay-linaw sa isusulat.
___________________3. Ating tandaan na dapat hindi nating takdaan ang bilang ng
maksimum na bilang ng sanggunian ngunit gawin itong minimum
sa pitong sanggunian.
___________________4. Ang paksang ito ay dapat may kaaalaman ka na, nakawiwili,
mapagkukunan ng datos, may sanggunian, may kabuluhan at
magagawan ng kongklusyon.
___________________5. Tandaan na ang mga magkaparehas na paksa ay importante dahil
ang dating kaalaman sa mga nabasa ay mag bibigay ng ideya sa manunulat.
Gawain 5: Tukuyin kung anong hakbang ng pananaliksik ang ginamit sa mga
sumusunod na sitwasyon. Piliin ang iyong mga kasagutan sa loob ng kahon at isulat
sa iyong sagutang papel.

11
A. Pumili at maglimita ng paksa C. Magtala ng sanggunian
B. Magsagawa ng pansamantalang balangkas D. Mangalap ng datos
E. Bumuo ng konseptong papel

_________1. Si Ronan ay sigurado na sa kanyang paksang sasaliksikin kung kaya’t handa


na siya sa kanyang gagawing pag-aaral.
_________2. Pinag-iisipang mabuti ni Rosa ang mga layunin ng kanyang pagsasaliksik at
itinatala niya ang mga nais pag-aralan sa paksa.
_________3. Nasa silid-aklatan si Minda upang maghanap ng iba pang paksa na maaari
niyang gamitin sa kanyang pagsasaliksik.
_________4. Masinop na itinatala ni Rene ang mga pinagkunan niya ng datos.
_________5. Maingat na isinusulat ni Mira ang lahat ng mga datos na kanyang nakakalap sa
kanyang pagsasaliksik.
Gawain 6: Isulat ang salitang BERBANYA kung tama ang mga pangungusap na
kaugnay ng mga hakbang sa pananaliksik at CRISTALES naman kung hindi. Isulat ang
sagot sa iyong sagutang papel.
_________1. Marapat lamang na bago isagawa ang pananaliksik ay marami ka nang napiling
paksa.
_________2. Makabubuting magsagawa ng pansamantalang balangkas upang maging gabay
mo sa iyong isasagawang pananaliksik.
_________3. Maaari mong kopyahin ang mga impormasyon na hindi na kailangang isulat pa
ang mga pinagkunang sanggunian.
_________4. Mahalaga ang mga dating ideya o kaalaman sa isang paksa upang magkaroon
ng sapat na impormasyon sa ginagawang pananaliksik.
_________5. Mahalagang gumawa ng dokumentasyon upang masinop ang mga datos.
Isaisip
Panuto: Magbahagi ng sariling ideya tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong
Adarna na masasalamin batay sa iyong pansariling karanasan.

Sarili: _______________________________________________
Magulang: __________________________________________
Kapwa: _____________________________________________

Isagawa
Panuto: Magsaliksik sa Internet tungkol sa iba pang ideya tungkol sa kaligirang
pangkasaysayan ng Ibong Adarna. Isulat ang mga nasaliksik na impormasyon sa
sistematikong paraan. Gawing gabay ang mga susing salita sa ibaba sa gagawin mong
pananaliksik.
Mga Gabay na salita Nasaliksik na Kasagutan
Panahon na unang lumaganap
Manunulat/sinasabing nagmula
Mga bansang nakaimpluwensya
Mga mahahalagang impormasyong
nalaman

12
Tayahin
A. Panuto: Bilugan ang letra ng angkop na salita upang mabuo ang pangungusap.
1. Ang ______ na pipiliin sa pagsasaliksik ay dapat na nakawiwili at makabuluhan.
A. paksa B. konklusyon C. dokumentasyon D. balangkas
2. Itala ang mga layunin at mga impormasyong nais na makuha sa paksang iyong sasaliksikin
sa pamamagitan ng pagsasagawa ng pansamantalang _______.
A. sipi o kopya C. konklusyon
B. balangkas D. paksa
3. Ang kaligirang pangkasaysayan ng Ibong Adarna ay malawak kung mas palalalimin pa ang
pag-aaral tungkol dito ngunit sa pamamagitan ng _________ay mas mapadadali ito.
A. pangangalap ng datos C. Paggawa ng dokumentasyon
B. sistematikong pananaliksik D. Pagtatala ng sanggunian
4. Sa sistematikong paraan ng pagsasaliksik nararapat na itala ang mga ________ o
pinagkunan ng mga datos.
A. balangkas C. sanggunian
B. konklusyon D. paksa
5. Nararapat lamang na alam mo ang iyong __________ sasaliksikin upang maging kawili-wili
at may kabuluhan ito.
A. sipi o kopya C. konklusyon
B. balangkas D. paksa
6. Sa pangangalap ng mga datos, makatutulong ang __________ sa pagtatala ng mga
sanggunian.
A. gamit na papel C. kalendaryo
B. Index Card D. telepono
7. Kasama ang _____ na daloy ng laman ng pananaliksik sa magbibigay-linaw sa isusulat.
A. balangkas B. sanggunian C. paksa D. konklusyon
8. Gumamit ng mga _________ na paglalahad ng sanggunian at obserbahan ang paggamit
ng wastong pagbabantas.
A. balangkas B. sanggunian C. parentetikal D. konklusyon
9. Sa oras na matapos na ang lahat ng isang sistematikong pananaliksik ay maaari nang __.
A. Isulat ang pinal na kopya ng pananaliksik
B. Isulat ang balangkas ng pananaliksik
C. Isulat ang konklusyon ng pananaliksik
D. Isulat ang konseptong papel ng pananaliksik
10. Huwag takdaan ang bilang ng maksimum na bilang ng sanggunian, ngunit gawin itong
minimum sa ________ sanggunian.
A. anim B. pito C. walo D. Siyam
B. Panuto: Isulat ang salitang KORONA kung ang pangungusap ay naglalahad ng mga
pangyayari sa kasalukuyan na may kaugnayan sa kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong
Adarna at ESPADA kung hindi.
_______1. Pagiging isang makatarungan at mabuting pinuno sa mga mamamayang
nasasakupan.
_______2. Pagsunod ng mga anak sa tagubilin ng kanilang mga magulang.
_______3. Pagkalimot sa pagdadasal at paghingi ng gabay sa Diyos.
_______4. Pagkasilaw sa mga materyal na bagay gaya ng pera, alahas, luho at iba pang
nagdudulot sa tao upang gumawa ng hindi maganda.
_______5. Paggawa ng makakaya para sa mga mahal sa buhay.

Karagdagang Gawain

13
Panuto: Pagkatapos ng mga talakayan, ipaliwanag ang kahalagahan ng pagsunod sa mga
hakbang ng isang sistematikong pananaliksik.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Aralin IBONG ADARNA


3 (Pagmumungkahi ng mga Angkop na Solusyon )

Alamin

Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaaasahang:


 Nagmumungkahi ng angkop na solusyon sa mga suliraning narinig mula sa
akda. F7PN-IVc-d-19

Subukin
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot.
______1. Siya ang panganay na anak ni Haring Fernando at Reyna Valeriana na unang
naghanap ng lunas sa amang may sakit.
A. Don Diego B. Don Pedro C. Don Juan
______2. Ito ang tawag sa puno kung saan dumarapo ang ibong nagbibigay lunas.
A. Pedras Platas B. Pieras Plata C. Piedras Platas
______3. Ilang ulit nagpapalit bihis ang Ibong Adarna?
A. Pito B. Anim C. Lima
______4. Anak na napanaginipan ng Haring Fernando na naging sanhi ng kanyang
malubhang karamdaman.
A. Don Diego B. Don Pedro C. Don Juan
______5. Ito ang dahilan kung bakit nakakatulog ng mahimbing matapos makita ang Ibong
Adarna.
A. pagdumi ng ibon B. pag-awit ng ibon C. pagpapalit anyo ng ibon
______6. Tukuyin kung sino ang nakita ni Don Juan sa kanyang paglalakbay.
A. Matandang leproso B. Ermitanyo C. Mangangaso
______7. Ito ang bundok kung saan matatagpuan ang magandang puno na bahay ng Ibong
Adarna.
A. Sinay B. Tabor C. Platas
______8. Ito ang ibinigay ng Haring Fernando matapos mabatid na tatakas si Don Juan kung
hindi niya ito papayagan.
A. basbas B. parusa C. kondisyon
______9. Unang Prinsipeng nakatulog ng mahimbing matapos marinig ang awit ng Ibong
Adarna.
A. Don Diego B. Don Pedro C. Don Juan
______10. Bilang ng pag-awit ng Ibong Adarnang natatangi.
A. Pito B. Lima C. Tatlo

B. Panuto: Tukuyin ang mga tauhang maaaring hindi kasama sa unang bahagi ng
akdang tatalakayin. Piliin ang iyong mga kasagutan.

14
_____________________1. Ang Lobo Ang Higante
_____________________2. Matandang Leproso Arsobispo
_____________________3. Haring Salermo Reyna Valeriana
_____________________4. Donya Juana Ibong Adarna
_____________________5. Don Juan Haring Fernando

Balikan
Panuto: Tukuyin kung sinong tauhan ng akdang Ibong Adarna ang hinihingi sa
bawat aytem. Hanapin sa loob ng kahon ang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Ibong Adarna Donya Juana Arsobispo


Haring Fernando Don Juan Ang Ermitanyo
Haring Salermo Don Pedro Don Diego
Donya Maria

1. Siya ang hari ng Kahariang Berbanya na nagkaroon ng malubhang karamdaman.


2. Siya ang makisig na bunsong anak ni Haring Fernando at Reyna Valeriana.
3. Siya ang anak ni Haring Salermo na may taglay na kapangyarihan.
4. Siya ang hari ng Kahariang Reyno de los Cristales.
5. Siya ang humatol na dapat ikasal sina Don Juan at Donya Leonora.
6. Siya ang prinsesa ng Kaharian sa Armenya at kapatid ni Donya Leonora.
7. Siya ang matandang naninirahan sa Kabundukan ng Tabor.
8. Siya ang panganay na anak ni Haring Fernando at Reyna Valeriana.
9. Siya ang ikalawang anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana.
10. Ito ang makapangyarihang ibong naninirahan sa puno ng Piedras Platas.

Tuklasin
A. Panuto: Suriin ang mga sumusunod na larawan, ilahad ang mga suliranin at
magbigay ng mungkahing solusyon ang mga suliraning ipinakikita sa mga
larawan.

_____________________ _____________________ _____________________


_____________________ _____________________ _____________________
_____________________ _____________________ _____________________

_____________________ _____________________
_____________________ _____________________
_____________________ _____________________

15
Suriin

MGA BAHAGING DAPAT TANDAAN AT ILANG SULIRANIN NG AKDANG IBONG


ADARNA
SI HARING FERNANDO AT ANG TATLONG PRINSIPE (saknong 007-029)
 Pagpapakilala sa katangian ng Hari ng Berbanya na si Don Fernando na ito ay tinitignang
rin ng ibang mga reyno bilang maginoo.
 Pagpapapili sa tatlong prinsipe kung sila ba ay magpapari o magkokorona.
 Pagsasanay sa mga prinsipe sa paghawak ng patalim upang ang palasyong
mapaglingkuran.
PANAGINIP NG HARI (saknong 030-045)
 Nakababahalang panaginip ni Haring Fernando na ang kanyang bunsong anak ay pinatay
ng dalawang tampalasan.
 Pangangayayat ng hari na tila ay naghihintay ng huling oras.
 Pagtukoy sa dahilan ng pagkakasakit at ito ay bunga ng msamang panaginip.
SI DON PEDRO AT ANG PUNO NG PIEDRAS (saknong 046-080)
 Pagtalima ni Don Pedro s autos ng haring ama na hanapin ang Ibong magbibigay lunas.
 Matapos ang ikatlong buwan ay namatay ang kabayo nito dahilan upang ito’y maglakad sa
kabundukan.
 Narating ni Don Pedro ang bundo Tabor at bighaning-bighani ng makita ang punongkahoy
na bukod-tangi ang dahoon.
 Sa kanyang pagkabighani naisip nito marahil dito nakatira ang Ibong Adarna napansin din
nitong walang ibon ang sumusubok na dumapo rito.
SI DON DIEGO AT ANG AWIT NG IBONG ADARNA (saknong 081-109)
 Inutusan ng hari si Don Diego upang hanapin ang lunas at ang panganay na kapatid.
 Tinahak nito ng walang takot ang mga daan tungo sa Tabor.
 Tulad ni Don Pedro, namatay rin sa hapo ang kanyang kabayo.
 Nang makita na nito ang Piedras Platas, daho’t sangay kumikintab na parang ginto
hanggang sa ugat.
 Naisip nitong dito naninirahan ang Ibong hinahanap dahil sa ganda’y tila tala di makaakit
sa iba.
 Sa gabing malalim, dumating ang ibong hinihintay, prinsipen’y halos hindi makapaniwala
sa gandang taglay nito.
 Sa lambing ng awit ng Ibong Adarna, si Don Diego’y napapikit at tuluyan naring nahimbing
tapat sa pagdumi rin ng ibon. Tulad ng kanyang kapatid siya rin ay naging isang bato.
SI DON JUAN, ANG BUNSONG ANAK (saknong 110-161)
 Nainip ang Berbanya sa kahihintay at lumubha ang karamdaman ng haring Fernando dahil
sa labis ring pag-aalala.
 Kusa nang humingi ng pahintulot si Don Juan upang magpaalam at hanapin ang lunas at
mga kapatid na tatlong taon nang hindi bumabalik.
 Hindi gusting tulutan ng hari ang bunsong anak dahil lubos itong manghihina.
 Bagamat ayaw ng Hari dahil sa naging panaginip nito sa anak, sinabi nito na siyang tatakas
ng palihim kung hindi magagawang paglakbayain.
 Binigyan ng hari si Don Juan ng basbas at nagsimula nan gang maglakbay si Don Juan
baon sa haba ng paglalakbay.
 Lubos nan gang namanglaw ang kaharian sa kanyang pag-alis.
 Hindi tulad sa kanyang mga kapatid, hindi ito nagdala ng kabayo dahil alam nitong maaari
lamang itong mamatay sa pagod.
 Nang tanungin ng matanda ang pakay ni Prinsipe Juan ay sinabi nitong ‘’Malaki pang
kahirapan ang iyong pagdaraanan’’ at unti-unti nan gang ibinilin nito ang mga dapat gawin
sa pagsilay sa Kahoy na nakahahalina.
Sanggunian: Pluma 7

16
Pagyamanin
Gawain 1: Isulat ang tsek (/) kung ang pahayag ay nagpapakita ng mungkahing
solusyon sa akda at ekis (X) naman kung hindi.
_____1. Dapat sana ay hindi nagpalinlang sa ganda ng tinig ng Ibong Adarna si Don Diego.
_____2. Hindi dapat binigyan ni Don Juan ng tinapay ang matanda dahil sapat lamang ang
kanyang baon.
_____3. Si Don Juan ang nararapat na naunang naglakbay upang mahanap ang lunas.
_____4. Nagplano muna sanang mabuti sina Don Pedro at Don Diego sa mga haharaping
pagsubok bago tuluyang maglakbay.
_____5. Mas magiging mabuti ang kalagayan ng hari kung mananatili na lamang sa kanyang
tabi si Don Juan at hintaying ang naunang mga anak sa pagbabalik.

Gawain 2: Piliin ang letra sa ibaba na maaaring maging solusyon sa naging suliranin
sa akda. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
____1. Hindi pagtatagumpay ni Don Diego na mahanap ang Ibong Adarna at sa panganay
nitong kapatid.
A. Dapat ay hindi na tumuloy si Don Diego dahil alam niyang maaaring matulad siya
sa kanyang kapatid.
B. Dapat ay sabay nang naglakbay si Don Pedro at Don Diego upang mahanap ang
Ibong Adarna.
____2. Sa lambing ng awit ng Ibong Adarna ang mga nakikinig ay napapapikit at tuluyang
nakakatulog ng mahimbing.
A. Dapat ay iniisip ng nakaririnig nito na isa lamang patibong ang magagandang tinig
ng Ibon.
B. Dapat ay hinuli agad ang Ibong Adarna nang makita pa lamang ito.
____3. Pag-abot-abot ni Haring Fernando na halos buto’t balat na tila naghihintay ng huling
oras.
A. Dapat ay ang pinakamahusay ng mediko ang hinanap kaagad upang hindi umabot
sa mas malalang kondisyon ang hari.
B. Dapat ay hindi hinayaang maglakbay si Don Juan upang hindi na lumala pa ang
karamdaman ng hari.
____4. Si Don Diego ay hindi na nakabalik sa palasyo matapos maging bato.
A. Dapat ay inisip nito ang natatanging kakayahan ng Ibong Adarna at kung bakit
naiiba ito sa ibang pangkaraniwang ibon.
B. Dapat ay lumayo ito, nang ang Ibong Adarna ay umaawit at pinagmasdang mabuti
ang susunod pang gagawin nito.
____5. Matagal ang naging paglalakbay ng magkakapatid bago tuluyang makarating sa
bundok Tabor.
A. Dapat ay nagpasunod ng kawal ang hari upang may tutulong sa mga ito sakaling
hindi na kayanin ang paglalakbay.
B. Dapat ay inalam nila ang mabilis na daan patungo sa bundok Tabor.
Gawain 3: Isulat sa loob ng kahon ang angkop na mungkahing solusyon sa nabasang
suliranin sa akda.
Natakot si Don Juan nang sabihin ng
matandang leproso na ‘’Malaki pang ___________________________
kahirapan ang iyong pagdaraanan… Mag- ___________________________
ingat kang totoo at nang di ka maging ___________________________
bato’’. ___________________________
Kung ikaw si Don Juan ano ang iyong ___________________________
gagawin upang malagpasan ang pagsubok ___________________________
na kahaharapin?
17
Gawain 4: Isulat sa gilid na bahagi ng kahon ang negatibo at positibong dulot ng
maaaring maging solusyon sa suliranin sa akda.

Napansin ni Don Diego na walang


POSITIBO dumarapo sa puno ng Piedras Platas sa
NEGATIBO
___________ gitna ng kagandahan nito. Kinagabihan ay ___________
___________ nakita niya na ang tanging Ibong Adarna
___________
lang ang dumapo dito. Kung ikaw si Don
___________ Diego ano ang iyong gagawin upang ___________
___________ mahuli ang Ibong Adarna? ___________

Gawain 5: Isulat ang iyong mga maaaring maging mungkahi o paalala sa mga
magkakapatid na Don Pedro, Don Diego at Don Juan bago sila sana tuluyang
naglakbay.

DON PEDRO DON DIEGO DON JUAN

Gawain 6: Maglahad ng ilan sa mga suliranin sa akdang tinalakay at iugnay ang mga
ito sa mga suliraning kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan. Magmungkahi ng
angkop na solusyon batay dito sa pamamagitan ng talahanayan sa ibaba.

Suliranin sa akda Suliranin ng bansa Mungkahing Solusyon

Isaisip

Panuto: Buoin ang pahayag sa pamamagitan ng pagbibigay ng mungkahi o solusyon


sa bawat aytem na may kaugnayan sa sitwasyon sa akda.

Ipinakita sa akda ang tunay na pagmamahal ng mga anak sa kanilang pamilya. Hindi
inisip ng magkakapatid ang panganib na maaari nilang kaharapin sa paglalakbay
upang mahanap ang nag-iisang lunas. Sa paglalakbay ng naunang dalawang
magkapatid, ipinakita rito ang kanilang kabiguang tinamo at nang ito nga ay naging
mga bato. Maaaring hindi nila ito naranasan kung:
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

18
Isagawa
Panuto: Isulat sa kanang bahagi ang mga pangyayari sa akda na nagpapakita ng
suliranin na dapat bigyang solusyon. Isulat naman sa ulap ang iyong mungkahing
solusyon.

Suliranin o pangyayari sa akda


na kailangang bigyan ng Mungkahing solusyon
solusyon

Tayahin
A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang nakasaad sa bawat bilang. Isulat ang OO
kung matatagpuan ang suliranin sa akda at HINDI kung hindi matatagpuan sa akda.
________1. Malubha ang sakit ni Reyna Valeriana kung kaya’t alalang-alala ang kanyang
Hari at mga Prinsipe.
________2. Namatay ang sinasakyang kabayo ni Don Juan dahil sa pagod nito.
________3. Nabighani nang lubusan si Don Diego sa tinig ng ibong umaawit dahilan upang
ito’y mahimbing.
________4. Bagaman wala nang sapat na baon si Don Juan ay nagbigay pa rin ito ng tulong
sa matandang leproso.
________5. Nakita ni Don Pedro ang ibong Adarna at tuluyan itong naging bato.
________6. Nagising nang takot na takot si Haring Fernando dahil sa isang bangungot tungkol
sa kanyang anak.
________7. Batid ng hari na tatakas si Don Juan kung hindi niya ito papayagang hanapin ang
lunas at ang mga kapatid nito.
________8. Nang umalis si Don Diego sa kaharian ay lubhang nag-alala ang hari sapagkat si
Don Diego ang nasa kanyang panaginip.
________9. Lumubha ang karamdaman ng hari dahil sa paghihintay at pag-aalala sa kanyang
mga anak.
________10. Namahinga muna si Don Pedro sa ilalim ng puno dahilan upang hindi mapansin
ang Ibong Adarna.

B. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang mga mungkahing solusyon sa mga suliranin na
nakalahad sa sumusunod na mga pahayag kaugnay ng akdang tinalakay. Isulat ang
letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

19
A. Pagbibigay ng Pamahalaang Lokal at Nasyonal ng mga libreng pabahay at mga
trabaho.
B. Dagdag na mga seguridad at kapulisan na nagbabantay sa lansangan.
C. Pagbibigay ng mga libre at abot-kayang gamot sa mga kapos-palad.
D. Pagpapataw ng mga kaukulang kaparusahan sa mga mapang-abuso sa kanilang
posisyon.
E. Pagbibigay ng sapat na edukasyon sa mga kabataan at pagdaragdag ng mga
maaaring pagkakitaan ng bawat pamilyang Pilipino.
______1. Mga karamdamang hindi malunasan dahil sa kakulangan ng sapat na pantustos sa
mga mahal na gamot.
______2. Mga taong nasa lansangan na walang makain at nanlilimos na lamang.
______3. Tumataas na bilang ng krimen sa lipunan.
______4. Maagang pagtatrabaho ng mga kabataan upang kumita ng pera para sa kanilang
pamilya.
______5. Pang-aabuso sa kapangyarihan na nagreresulta ng masamang hangarin sa kapwa.

Karagdagang Gawain
Panuto: Sa kasalukuyang panahon, marami na ang nangyayari sa ating paligid na hindi natin
naiiwasan tulad ng pagdaranas ng hirap o ano pa mang suliranin ngunit sa bandang huli,
pamilya pa rin natin ang ating magiging sandigan. Bilang isang kabataan, magsulat ng isang
talata na maglalahad ng mungkahing solusyon upang mapanatili ang pagiging matatag ng
pamilya sa kabila ng mga kinakaharap na pagsubok at pagdating sa konsepto ng
pagmamahalan.
___________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Ikaapat na Linggo
Aralin Ibong Adarna
4 (Paglalahad ng Saloobin/ Damdamin na
Makapagbibigay ng Solusyon)
Alamin
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaaasahang:
 Nasusuri ang mga pangyayari sa akda na nagpapakita ng mga suliraning panlipunan
na dapat mabigyang solusyon F7PB-IVc-d-21
 Nailalahad ang sariling saloobin at damdamin sa napanood na bahagi ng telenobela o
serye na may pagkakatulad sa akdang tinalakay F7PD-IVc-d-18

Subukin

A. Panuto: Bilugan ang letra ng tamang sagot.


1. Ito ang tanging lunas sa sakit ng Haring Fernando.
A. Ang bunga ng puno ng Piedras Platas

20
B. Ang Hiwaga ng Bundok Tabor
C. Ang Awit ng Ibong Adarna
2. Paano inaksyunan ng magkakapatid na Don Pedro, Don Diego, at Don Juan ang
karamdaman ng kanilang amang si Haring Fernando?
A. Naglakbay sila patungong Kabundukan upang hanapin ang Ibong Adarna
B. Naghintay na lamang sila na mawala ang karamdaman ni Haring Fernando
C. Tumawag sila ng mediko upang gamutin ang kanilang ama
3. Anong pangyayari ang nagpatagal sa paghahanap ng Ibong Adarna?
A. Naligaw ang magkakapatid sa kabundukan
B. Matagal na panahon na naglakbay si Don Juan
C. Mailap ang Ibong Adarna at hindi ito nagpapakita kahit kanino
4. Ano ang naging mabisang paraan upang mahuli ang Ibong Adarna?
A. Nagdala ng lubid at hawla si Don Juan at dumiretso sa Piedras Platas
B. Hinintay ni Don Juan ang Adarna tulad ng ginawa nina Pedro at Diego
C. Sinunod ni Don Juan ang lahat ng bilin ng Ermitanyo
5. Ang mga sumusunod ay mga ARAL na namayani sa binasang akda maliban sa isa.
A. Ang pinakamalakas ng kakampi sa lahat ng pagsubok ay ang pananampalataya
B. Walang hihigit pa sa isang pamilyang nagmamahalan
C. Mahalaga ang pagtanaw ng utang na loob
6. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga naging kapuna-punang katangian ng
mga tauhan sa akda?
A. Don Juan B. Don Diego C. Don Pedro
7. Sa anong pangyayari sa akda mahihinuha ang suliranin sa kapangyarihan?
A. Pagkakaroon ng Hari at tagapagmana
B. Pagkainggit ni Don Pedro kay Don Juan sapagkat siya ang napupusuang maging
Hari ng Berbanya.
C. Hindi pantay na pagtingin sa magkakapatid na Prinsipe
8. Batay sa Ibong Adarna, ano ang nagiging resulta ng inggit at pagiging sakim?
A. Pagiging miserable sa buhay
B. Paggawa ng masama sa kapwa para sa sariling kapakinabangan
C. Pagdedesisyon ng hindi pinag-iisipang mabuti
9. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga suliraning isinasalamin ng Ibong Adarna sa
kasalukuyang panahon maliban sa isa.
A. Pag-aagawan sa Teritoryo B. Kasakiman C. Pantay na Karapatan
10. Alin sa mga sumusunod na suliranin sa akda ang maihahahlintulad sa mga suliraning
pampamilya?
A. Sa pag-aasam ni Don Pedro ng trono na maging Hari ng Berbanya
B. Sa pagtataksil ni Don Diego at Don Pedro kay Don Juan
C. Ang pagpapalaya ni Don Pedro sa Ibong Adarna
B. Panuto: Tukuyin mula sa Hanay B ang damdaming ipinapahiwatig sa mga
pangyayari sa Hanay A. Isulat ang titik ng wastong sagot sa patlang.
HANAY A HANAY B
_____11. Pagtawag ni Don Juan kay A. Kagalakan
Birheng Maria upang humingi ng tulong.
_____12. Pagpapalaya ni Don Pedro sa Ibong Adarna. B. Pag-ibig
_____13. Pagkahuli ni Don Juan sa Ibong Adarna. C. Pagmamakaawa
_____14. Ang paghingi ng tulong ng Ermitanyo kay Don Juan
_____15. Pagtatagpo ni Donya Juana at D. Pananampalataya
Don Juan sa balon. E. May masamang hangarin

Balikan

21
GAWAIN. Piliin sa Hanay A ang mga suliraning panlipunang masasalamin sa mga
telenobelang nasa Hanay B. Isulat ang letra ng wastong sagot sa patlang bago ang
bawat bilang.
Hanay A Hanay B
___1. Pamilya Roces A. Diskriminasyon
___2. Onanay B. Inggitan at Kasakiman
___3. Halik C. Magulong Pamilya
___4. Kadenang Ginto D. Pagsisinungaling
___5. Glamorosa E. Pagtingin sa pisikal

Tuklasin
GAWAIN. Gumuhit ng larawang sa patlang bago ang bilang kung ang pahayag
ay tumutukoy sa masayang pangyayari batay sa binasang buod ng Ibong Adarna, at
naman kung ito ay tumutukoy sa problema o suliraning nakapaloob sa binasa.
_______1. Dumalangin si Don Juan kay Birheng Maria upang gabayan siya sa paglalakbay
dahil nahihirapan na ito at nakadarama ng pagod.
_______2. Masagana at payapa ang kaharian ng Berbanya dahil na rin sa responsableng
hari na si Haring Fernando katuwang ang kaniyang asawang si Reyna Valeriana.
_______3. Nagkasakit ang Haring Fernando dahil sa isang masamang panaginip at walang
lunas dito kundi ang awit ng Ibong Adarna lamang.
_______4. Hindi na nakabalik si Don Pedro kung kaya’t sumunod na naglakbay ang
pangalawang anak na si Don Diego.
_______5. Parehong hindi handa ang magkapatid na Don Pedro at Don Diego sa
paglalakbay at paghuli sa Ibong Adarna kung kaya’t sila ay naging taong bato.

Suriin
Ano ang SULIRANING PANLIPUNAN?
 Ang suliraning panlipunan ay isang pampublikong usapin, nakaaapekto ito hindi
lamang sa isang tao sa lipunan kundi sa malaking bahagi mismo ng nasabing lipunan.
 Ang suliraning personal naman ang mga isyung sinasabing nagaganap sa pagitan ng
isang tao at ilang malalapit sa kanya at maituturing rin ang isyung ito na pribadong
bagay na nararapat solusyunan sa pribadong paraan.
 Ang akdang Ibong Adarna ay naglalaman ng mga suliraning panlipunan na hanggang
sa kasalukuyang panahon ay laganap pa rin at walang solusyon.

Ano ang TELENOBELA?


- isang uri ng seryeng-pantelebisyon na ang kuwento ay patungkol sa buhay ng
bida.
- Karaniwang umiikot ito sa mga pangyayaring nakaaapekto sa tadhana ng mga
tauhan.
 Ang telenobela ay isang melodramatic fiction na palabas na kadalasang ineere
sa Latino-Amerikano na mga bansa noong unang panahon.

 Ang mga palabas na ito ay ineere sa gabi, anim na araw sa isang linggo at
nakakaanyaya ng maraming manonood, iba't iba man ang edad at kasarian.
Ito ay tumatagal ng tatlo hanggang anim na buwan.
Sanggunian: https://philnews.ph, 2019

22
Pagyamanin
Gawain 1: Itala ang mga suliraning kinaharap nina Don Pedro, Don Diego, at Don Juan
sa nabasang mga kabanata at magmungkahi ng iyong solusyon sa mga suliraning ito.
DON PEDRO DON DIEGO DON JUAN

SULIRANIN: SULIRANIN: SULIRANIN:

_______________________ _______________________ ______________________


_ _ _

___________________ _______________________ ______________________

SOLUSYON: SOLUSYON: SOLUSYON:

_______________________ _______________________ ______________________


_ _ _

_______________________ _______________________ _____________________

Gawain 2: Isulat sa loob ng kahon ang mga pangyayari sa binasang bahagi ng Ibong
Adarna na sumasalamin sa mga isyung panlipunan na nakapaloob sa kahon.

ISYU: ISYU:
NAKABUBULAG ANG KASAKIMAN KASAMAAN AT KABUTIHAN
Pangyayari: Pangyayari:
_________________________________ _______________________________
_________________________________ _______________________________
_________________________________ _______________________________
_________________________________ _______________________________
_________________________________ _______________________________
_________________________________ _______________________________
____________ ________________________
ISYU: ANG PANANAKIT SA KAPWA/KADUGO DAHIL SA PANSARILING KAPAKANAN
Pangyayari:
_______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________

Gawain 3: Suriin ang bawat pahayag at tukuyin kung ito ay naglalahad ng suliranin o
solusyon.
__________1. Pananakit ng magkapatid na Don Diego at Don Pedro sa kanilang kapatid na
bunso.
__________2. Pagpapatawad ni Don Juan sa kaniyang mga kapatid.
__________3. Pagliligtas ni Don Juan kay Donya Juana sa Higante.
__________4. Pinutol ng magkapatid na Don Diego at Don Pedro ang lubid upang mahulog
si Don Juan sa balon.
__________5. Nagsinungaling ang magkapatid na Don Pedro at Don Diego sa kanilang
Ama na hindi nila natagpuan ang kanilang bunsong kapatid.

23
Gawain 4: Panoorin ang bahaging ito ng palabas na “Pamilya Ko”
(https://www.youtube.com/watch?v=zq-BIfmK8u8) at sagutin ang mga sumusunod na
tanong.
1. Alin sa mga mahahalagang tagpo/pangyayari ang nakaantig ng iyong damdamin? Bakit?
_________________________________________________________________________
________________________________________________________________________.
2. Ilahad ang suliraning kinahaharap ng mga tauhan sa napanood.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________.
3. Paano nagkakatulad at nagkakaiba ang pamilya sa napanood na telenobela at sa
binasang bahagi ng Ibong Adarna?
_________________________________________________________________________
________________________________________________________________________.
Gawain 5: Isulat sa loob ng kahon ang iyong saloobin sa mga pangyayaring
nakapaloob sa napanood na telenobela gayundin ang pagkakatulad at pagkakaiba
nito sa akdang Ibong Adarna.
Telenobela/Serye Ibong Adarna
Saloobin/Opinyon Pagkakatulad Pagkakaiba
1. Ang Pamilya Ko
PANGYAYARI:
PAGHINGI NG TAWAD
NI PEACHY AT PERCY
2. My Special Tatay
PANGYAYARI:
PAGTATABOY NI
AUBREY KAY BOYET
3. GLAMOROSA
PANGYAYARI:
PAG-AAWAY NG
MAGKAKAPATID NA
PAULINA AT NATALIA

Gawain 6: Lagyan ng bituin ( ) kung ang damdaming ipinapahayag ay may


positibong ipinararating batay sa nilalaman ng Ibong Adarna at buwan ( ) naman
kung nagsasaad ng negatibo.
_______1. Handang magpatawad ang mga taong mas nakauunawa.
_______2. Walang kasiyahan ang taong hindi marunong makuntento.
_______3. Mas makapangyarihan ang pagmamahal kaysa pagkamuhi.
_______4. Ang tunay na mabuti ang siyang pinagpapala.
_______5. Walang magandang patutunguhan ang kasakiman at kasamaan.

Isaisip
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pangyayari sa akda at iugnay ito sa mga
suliraning panlipunan sa kasalukuyan. Pagkatapos ay maglahad ng sariling saloobin
at damdamin hinggil dito.
1. Kasabay nang paggaling ng Hari ay natuklasan niya rin ang buong katotohanan. Walang
anu-ano’y biglang tumayo ang Hari at inutusan ang mga kawal na ipatapon ang dalawang
taksil na prinsipe, subalit nakiusap si Don Juan sa Hari na ‘wag na itong ipatapon.
SULIRANIN:_______________________________________________________________
_________________________________________________________________________
SALOOBIN:_______________________________________________________________

24
2. Nakabalik na si Don Pedro at Don Diego tangay ang ibong adarna. Labis ang kaligayahan
ng Haring may sakit at hinagkan ang dalawang taksil na prinsipe ngunit agad namang
napawi ang ngiti sa kanyang labi nang mapansin na wala si Don Juan.
SULIRANIN:_______________________________________________________________
_________________________________________________________________________
SALOOBIN:______________________________________________________________
3. Naiwang pagapang-gapang ang kahabag-habag na prinsipe. Namamaga ang kanyang
buong katawan, may pilay ang tadyang, at mamamatay na sa gutom at uhaw. Wala siyang
ibang magawa kundi ang manalangin sa mahal na birhen na nawa ay humaba pa ang buhay
at gumaling ang kanyang amang may sakit.
SULIRANIN:_______________________________________________________________
_________________________________________________________________________
SALOOBIN:_______________________________________________________________

Isagawa
Panuto: Mag-isip ng isang awiting nag-uugnay ng iyong saloobin tungkol sa paborito ninyong
telenobelang napanood at iugnay ang mga pangyayari sa binasang bahagi ng Ibong Adarna.
Ipaliwanag kung ano ang kaugnayan nito sa dalawa at bakit ito ang iyong napili.

Pamagat ng Awitin: ________________________________________________


Pangalan ng Mang-aawit: ____________________________________________
Kaugnayan sa dalawang paksang tinalakay: _____________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________.
Tayahin
Panuto: Isulat ang iyong sagot sa patlang bago ang bawat bilang.
______1. Ito ay tumutukoy sa isang pampublikong usapin, nakaaapekto ito hindi lamang sa
isang tao sa lipunan kundi sa malaking bahagi mismo ng nasabing lipunan.
A. Suliranin B. Suliraning Panlipunan C. Problema
______2. Paano binigyan ng solusyon ni Haring Fernando ang pagtataksil ng dalawa niyang
anak sa kanilang bunsong kapatid?
A. Pinatawan ng karampatang parusang pagpapatapon sa labas ng kaharian ang
dalawang prinsipe.
B. Pinatawad ito ng Hari at sinabing huwag nang uulitin.
C. Pinagalitan niya ang dalawang prinsipe at pinalayas sa kanilang kaharian.
______3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI saklaw ng mga isyung panlipunan sa binasang
bahagi ng Ibong Adarna?
A. Kasakiman at inggit sa kapwa
B. Bulag sa Kapangyarihan
C. Pantay na kalagayan sa lipunan
______4. Alin sa mga sumusunod ang HINDI maituturing na solusyon sa suliraning
panlipunan tungkol sa kasakiman?
A. Pantay na kapangyarihan at ari-arian
B. Pagtatakda ng mga krayterya sa kung sino ang karapat-dapat na tanghaling
makapangyarihan

25
C. Pananakit sa kapwa
_____5. Ano ang aral na nais iparating ng akdang binasa?
A. Iwasan ang inggit at pagiging makasarili
B. Ang tunay na kasiyahan ay mararamdaman sa iyong pamilya
C. Hindi lahat ng naisin ay makukuha at makakamtan natin

II. Panuto: Isulat ang letrang S kung ang mga pangyayari sa Ibong Adarna ay
sumasaklaw sa mga suliraning panlipunan sa kasalukuyan at SS naman kung hindi.
________6. Hindi pa rin siya makapaniwala na nagtaksil sa kanya ang dalawang prinsipe.
Handa naman niyang ibigay ang ibon sa kanila kung iyon ang kanilang ibig.
________7. Kinakausap ni Don Juan ang ibon upang hindi ito dalawin ng antok. Muling
nagbalak ng masama si Don Pedro at Don Diego laban kay Don Juan.
________8. Binalaan niya si Don Juan na mag-ingat dahil may mabagsik na bantay si
Prinsesa Leonora, walang iba kundi ang serpyenteng may pitong ulo. Mahirap
itong makalaban dahil kahit na tagpasin ang ulo nito ay muling tutubo at
mabubuhay.
________9. Hindi man sumang-ayon ang prinsesa, binalikan pa rin ni Don Juan ang singsing.
Habang bumababa ng balon ang prinsipe, biglang pinutol ni Don Pedro ang pisi
kung kaya’t nahulog ito.
_______10. Hiniling ni Don Pedro na ikasal sila agad-agad ngunit sinabi ni Prinsesa Leonora
na hindi siya maaaring ipakasal pagkaraan ng pitong taon dahil siya ay may
panata.

. Panuto: Tukuyin ang damdaming ipinahahayag sa bawat pangungusap batay sa


kaganapan sa napanood na bahagi ng mga teleseryeng tinalakay sa modyul na ito.
________6. “Mas mainam ang magpatawad dahil ito ang umpisa ng paghilom ng sakit na
nararamdaman natin”.
________7. “Paghingi ng tawad ang susi sa mas maayos na samahan”.
________8. “Dapat sesermunan ko pa kayo sa ginawa ninyo, pero nadaan ninyo ako diyan
sa iyak ninyo.”
________9. “Hindi lahat ay nakukuha sa masamang pag-aangkin, mas mainam ang sabihing
iyo ang bagay na pinaghirapan mo.”
_______10. “Walang batayan ang pagmamahal. Kusa itong nararamdaman, dumarating sa
panahong ‘di mo inaasahan.”

Karagdagang Gawain
Panuto: Bilang isang kabataan, maglahad ng isang serye o telenobela sa
kasalukuyan na nagpapakita ng mga isyung panlipunan na nais mong bigyang-pansin at
magtala ng ilang pangyayari na nagdulot ng epekto sa iyong buhay.

26

You might also like