You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

7
Zest for Progress
Z P eal of artnership

Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 6
Pag-uugnay ng Sariling Karanasan Batay sa
Akdang Ibong Adarna

Name of Learner: ___________________________


Grade & Section: ___________________________
Name of School: ___________________________
1
Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Lasy Love B. Obnimaga

Editor: Perla E. Galon

Tagasuri: Juilius A. Enguito

Tagapamahala:

Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI


OIC, Schools Division Superintendent

Visminda Q. Valde, EdD


OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Raymond M. Salvador, EdD, CESE


OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Juliet A. Magallanes, EdD


CID Chief

Florencio R. Caballero, DTE


EPS - LRMDS

Josephine L. Tomboc, EdD


EPS – Filipino

2
A Alamin

Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap


Naipamamalas ng mga mag-aaral Naisusulat ang sariling tula sa
ang pag-unawa sa mga akdang alinmang anyo tinalakay tungkol sa
pampanitikang lumaganap sa Panahon pag-ibig sa tao, bayan o kalikasan.
ng Amerikano, Komonwelt at sa
Kasalukuyan.

Gamit ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


• Naiuugnay sa sariling karanasan ang karanasang nabanggit sa binasa.
( F7PD-IVc-d-22)

Handa ka na ba? Halina’t simulan na natin.Kumusta ka na


kaibigan? Binabati kita at natapos mo na ang mga modyul sa Unang Markahan.
Tiyak kong ang dami mo nang natutuhan. Panibagong aralin na naman ang ating
tatalakayin sa loob ng modyul na ito. Tiyak na mawiwili ka sa pagsagot sa mga
gawaing inihanda ko para sa iyo.

Ang araling ito ay sadyang inihanda upang matulungan ka para sa


ibayong paglinang ng iyong kasanayan sa pang-unawa sa tekstong iyong binabasa.
Inilalahad sa araling ito ang ilang tiyak na teknik para sa mabisang pagtukoy sa
pangunahing kaisipan at pansuportang detalye ng isang talata, babasahin o sa
alinmang akda.

PAALALA: HUWAG SULATAN ANG MODYUL NA ITO. MAGHANDA NG SARILING


SAGUTANG PAPEL.

3
Aralin Pag-uugnay ng sriling karanasan batay
6 sa akdang Ibong Adarna

Balikan

Ang Panalangin ng Prinsipe

Nasa gitna ng kagubatan si Don Juan at tila papanawan ng bait sa hirap ng


dinaranas. Maga ang buong katawan nya, may pilay sa tadyang, at matindi ang
nararamdamang gutom at pagkauhaw. Wala siyang makitang kaligtasan o maaring
makatulong kaya anumang oras ay maari siyang mamatay. Tanging panalangin ang
huli niyang pag-asa. Nagdasal siya sa Mahal na Birhen upang humaba pa ang buhay at
iligtas ang amang may karamdaman. Hindi nya mapaniwalaan ang ginawa sa kanya nina
Don Pedro at Don Diego sapagkat para sa kanya ang karangalan nilang tatlo ay iisa. Kaya
niyang ipagkaloob ang Ibong Adarna sa dalawang kapatid kung iyon ang hangad ng mga
ito at hindi na siyang pagtaklisan pa. Naalala nya nga magulang lalo na ang kalagayan ng
ama sa gitna ng pagnanaknak ng kanyang mga sugat. Naalala niya sa gitna ng
paghihirap ang bayang kanyang sinilangan, ang palasyong kanyang kinalakhan at ang
pag-aaruga ng mahal na ina na malabis na niyang pinanabikan.

Mga tanong:

1. Sino ang tauhan na tinutukoy na pinilayan at may bali sa tadyang?


_______________________________________________

2. Kanino dumulog si Don Juan upang palakasin ang pananalig na humaba pa ang
kanyang buhay? ______________________________
3. Ano ang naramdaman ni Don Juan sa ginawang pagtataksil ng kanyang dalawang
kapatid? ______________________________________
4. Naging positibo parin ba si Don Juan sa kanyang buhay sa kabila ng kanyang
naranasan? ___________________________________
5. Bakit hindi nawalan ng pag-asa si Don Juan sa kabila ng kanyang pinagdaanang
hirap? ________________________________________

4
Tuklasin

Gawain A: Alamin Mo Na!


Paano ba natin ihahalintulad ang sarili natin sa mga karanasan ng mga pangunahing
tauhan sa binasa? Tama! Kung ang pangunahing tauhan ay may kinakaharap na pagsubok
na may pagkakahalintulad ng sa atin.

Paano ito makakatulong sa pagbuo ng mabuting hakbang? Malalaman natin ang


hakbang na ginawa ng isang tauhan ay tama dahil nagkakaroon ito ng resulta. Kung ito ay
maganda o masama para sa kanila.

A. Basahing mabuti ang mga piling talata na kinuha sa akda ng Ibong Adarna.

Kinuha mula sa https://www.google.com/search?q=ibong+adarna

Halos mawalan na ng pag-asa si Don Juan sa kanyang dinanas sa kamay ng


kanyang kapatid ngunit hindi parin siya bumitaw at nanalangin sa Mahal na Birhen.
Nakita si Don Juan ng Ermitanyo na kulang nalang ay datnan ng kamatayan sa pook
na iyon. Ginamot nito ang kanyang mga sugat at sa isang iglap ay gumaling ito. Labis
ang pasasalamat ni Don Juan sa ginawa ng Ermitanyo.

Bumalik si Don Juan sa kaharian ng Berbanya at doon nalaman ng hari ang


nangyari sa kanya bunsong anak dahil isinalaysay ito ng Ibong Adarna sa
pamamagitan ng pagkanta.

Lumuhod si Don Juan sa amang hari upang humingi ng patawad sa ginawa ng


mga kapatid at lumambot naman ang puso ng hari sa ginawang kababaang loob ng
kanyang bunso. Pinatawad ng hari ang ginawa ng dalawang prisipe sa pangakong di na
mauulit.

Gabay na tanong:
1. Ano ang mga karanasan na binanggit sa piling talata?

2. Anu-ano namang mga detalye ng karanasan ang inilahad sa talata


na nagkakahalitulad sa iyong karanasan?

5
3. Sa paanong paraan mo ito nai-uugnay sa iyong sariling karanasan?

Ang pagtukoy ng mga karanasan sa binasa ay nagkakaroon ng malaking papel sa


gagawing desisyon dahil dito natin sinasalamin ang ating sarili at naiisip kung tama ba o
mali ang naging desisyon sa buhay.

Ang karanasan ay ang kaalaman ng isang tao na nakukuha sa pamamagitan ng paggawa


ng isang bagay o gawain. Isa itong pag-aaral o pagkatuto sa pamamagitan ng mga gawa,
galaw, o kilos. Ilang mga pangkat na panrelihiyon at mga paraan ng pagtuturo ang
nagpapahalaga sa pagkatuto sa pamamagitan ng karanasan.

Uri ng Karanasan:
• Pangkatawan- Isang pisikal na gawain.

Halimbawa: Naglakbay ng ilang buwan si Don Juan upang mahanap ang


engkantadong ibon na makapagpagaling ng karamdaman ng amang hari.

• Pang-isip- Isang pangkaisipang gawain.

Halimbawa: Naalala ni Don Juan ang mga masasayang panahon na magkasamang


buo ang kanyang pamilya.

• Pampuso- Natututunan mula sa pagharap sa mga sitwasyong pangdamdamin

Halimbawa: Sa kabila ng naranasan ng bunso sa kamay ng kanyang akakatandang


kapatid, pagmamahal parin ang damdaming nangingibabaw at hindi ang galit.

• Pangkaluluwa- Pagkatutong pang-espiritu sa pamamagitan ng pagdarasal

Halimbawa: Tinalikuran na siya ng lahat subalit hindi siya nakalimot at nawalan


ng pag-asa dumulog sa maykapal upang manalangin.

Ngayon ay balikan ang binasang talata at suriin kung wasto o di wasto batay sa akdang
binasa. Isulat ang sagot sa patlang.

_______1. Sa gitna ng pagdurusa, kapakanan parin ng mga kapatid ang nasaisip ni Don
Juan.

_______2. Dahil sa hirap na nadarama pinagsisihan ni Don Juan ang paghahanap sa


ibong Adarna.

________3. Ipinalangin ni Don Juan nah parusahan nawa ng diyos ang ginawa sa kanya ng
kapatid.

_______4. Hindi nagtanim ng sakit ng loob si Don Juan sa kabila ng ginawa sa kanya.

_______5. Napagtagumpayan ni Don Juan ang hirap at sakit ngkanyang niranas sa


pamamagitan ng kanyang sariling lakas.

6
Suriin

PANUTO: Basahin at suriing mabuti ang buod at sagutin ang hinihinging


impormasyon sa ibaba.

Ibong Adarna Buod Kabanata 16: Bagong Paraiso (Saknong 443 – 479)

Mala-paraiso ang kabundukan ng Armanya. Sagana sa lahat ng bagay ang


nasabing kabundukan at maraming hayop ang naninirahan dito.

Sa bundok na ito nanirahan at nagtago si Don Juan sa takot na


maparusahan ng kanyang amang hari dahil sa nagawang kasalanan.

Nahihiya nang humarap si Don Diego kay Don Juan dahil sa pagtataksil na
ginawa ng dalawa dito. Bagama’t di sumang-ayon si Don Diego nung una sa
plano ni Don Pedro na manirahan sa gubat kasama si Don Juan, nagtagumpay
parin ito sa pagsulsol na mapapayag si Don Diego sa plano.

Tinanggap naman ni Don Juan ang dalawang kapatid na makasamang


manirahan sa bundok dahil mahal niya ang mga ito.

Masayang namuhay ang tatlo sa Armenya habang nakatira sa isang magarang


bahay na gawa sa kahoy. Isang araw, napagkasunduan ng tatlo na tuklasin ang
hiwaga ng kabundukan ng Armenya

Gawain: Ihambing ang mga kaugalian ng mga magkapatid na nabanggit sa buod ng


kabanata sa kaugalian ng mga magkakapatid sa makabagong panahon. Isulat ito sa
diagram.

7
Magkapatid sa Buod ng Kabanata Magkapatid sa Panahon Ngayon

1. Sa kabila ng kataksilan na ginawa, 1.


si Don Juan ay nagpapatawad.

2. 2.

3. 3.

4. 4.

5. 5.

Pagyamanin
Ibong Adarna Buod Kabanata 22: Bagong Kataksilan (Saknong 659 – 731)

Biglang naalala ni Prinsesa Leonora na naiwan ang singsing na diyamante na bigay


pa ng kaniyang ina.

Hindi man sumang-ayon ang prinsesa, binalikan pa rin ni Don Juan ang singsing.
Habang bumababa ng balon ang prinsipe biglang pinutol ni Don Pedro ang pisi kung
kaya’t nahulog ito.

Labis na nanlumo ang prinsesa sa kataksilang ginawa ni Don Pedro. Nang


makabalik ang dalawa sa Berbanya itinanong ng Hari kung nasaan ang bunsong
anak ngunit pinabulaanan nila na hindi daw nila nahanap si Don Juan.

Sa halip ay nakapagligtas sila ng dalawang dilag mula sa higante at serpyente.

Hiniling ni Don Pedro na ikasal sila agad-agad ngunit sinabi ni Prinsesa Leonora na
hindi siya maaaring ipakasal pagkaraan ng pitong taon dahil siya ay may panata.

Kaya si Don Diego at Donya Juana nalang ang nagpakasal.

8
A. Balikan ang piling buod sa itaas at Ibigay ang sariling opinyon sa bawat
pangungusap. Isulat ang salitang nagawa at di-nagawa batay sa sariling karanasan.

Mga Sitwasyon sa akdang binasa Sariling karanasan


1. May kusang loob na tumulong sa
kapwa.

2. Handang magsakripisyo para sa


ikabubuti ng iba.

3. Tumulong sa paghahanap ng
nawawalang importanteng bagay.

4. Ipinagkanulo ang kapatid para sa


sariling interes.

5. Pagpapakumbaba sa lahat ng
panahon sa kabila ng naranasang
pangyayari.

B. Ano ang pangyayari sa iyong buhay na sinubok ang iyong pananampalataya?


Paano mo ito hinarap?

Ang pangyayari sa aking buhay na Hinarap ko ang pagsubok na ito na…


sinubok ang aking pananampalataya
ay…

9
Isaisip

Ang mahalagang tuntunin na dapat tandaan sa pag-uugnay ng sariling karanasan


batay sa akdang binasa ay:

• Nagagamit ang sariling kaalaman sa kinakaharap nah karanasan.


• Maging positibo at magpapakumbaba sa lahat ng bagay.
• Huwag kalimutang manalangin sa maykapal.

Tayahin

A. Piliin ang pinaka-angkop na pahayag na maaaring iugnay sa sariling


karanasan. Isulat ang litra sa sagutang papel.

1. Si Don Pedro ay may malaking lihim na inggit kay Don Juan. Kung ako si Don
Pedro, ang dapat kung gawin ay ________.

a. Magparaya para sa ikabubuti ng kapatid.


b. Gumawa ng lihim na hakbang para mawala sa landas si Don Juan.
c. Panindigan ang pagiging panganay at gagawin ang lahat kahit may
maapakang iba.
d. Kalimutan na ang kapatid.

2. Nalaman ni haring Fernando ang ginawa ng dalawang anak sa kanilang bunso.


Kung ako si haring Fernando, ano ang mararamdaman ko ay_________.

a. Kasiyahan ng muntikan ng mamatay ang bunsong anak.


b. Galit para sa dalawang anak at awa sa bunsong anak.
c. Kawalang interes sa nararamdaman ng mga anak.
d. Aliw sa pagdating ng ibong adarna sa kaharian.

3. Sinabi ng palihim ni Don Pedro kai Don Diego ang masamang balak kai Don
Juan. Kung ako si Don Juan ang hindi ko dapat ginawa ay_____________.

a. Pagtulong sa nakaka-awang pangyayari kapatid na si Don Juan.


b. Pagsang-ayon niya sa balak ni Don Pedro.
c. Pinoprotektahan ang kapatid laban sa masamang balak ni Don Pedro.
d. Pag-amin sa hari sa nagawang kasalanan pagkadating sa kaharian.

10
4. Si Don Juan ay nakahandusay at halos mawalan na ng malay sa ginawang
pagbugbog at pagtataksil ng mga kapatid. Kung ako si Don Juan ano ang aking
iisiping gagawin para sa mga kapatid ay_____________.

a. Maghihigante at ipaparanas sa mga kapatid ang naranasan niya.


b. Magpapatawad at Ipapasa-diyos nalang ang kanilang ginawa.
c. Magpapakagaling at hindi na magpapakita sa kahariang Berbanya.
d. Maghahasik ng kasamaan sa baying sinilangan.

5. Lubhang nasaktan ang reyna Valeriana sa nangyaring pananakit ng kanyang


mga anak sa bunsong kapatid nito. Kung ikaw si reyna Valeriana ang dapat
kung gawin bilang isang ina ay_____________.

a. Konsentehin ang masamang gawain ng mga anak.


b. Sulsulan ang mga anak na gumawa pa ng masama.
c. Pagalitan at palayasin ang dalawang anak.
d. Pagsabihan at ipapa-unawa sa dalawa anak na ang ginawa ay masama.

B. Suriin ang mga karanasan na nabanggit sa pangungusap at tukuyin kung


anong damdamin ang nanaig nito.

6. Nagkaroon ng malubhang karamdaman si Don Fernando buhat sa isang


bangungot.
a. Kasiyahan ang nararamdaman.
b. Labis na kalungkutan dahil sa sakit na nararamdaman.
c. Kasakiman ng kapangyarihan
d. Pag-alala sa posibleng mangyayari sa kanyang buhay.

7. Inabot ng tatlong buwan ang paglalakbay ni Don Pedro bago tuluyang


matunton ang daan paakyat sa Bundok ng Tabor.
a. Pagkapagod sa paglalakad.
b. Pagkalupaypay sa tindi ng gutom.
c. Pagkamuhi sa mga magulang dahil sa nangyari.
d. Kawalan ng Pag-asa

8. Naniniwala ang prinsipe na kusang dadating ang biyaya sa kanya kung mabuti
ang kaniyang hangarin.
a. Pananalig sa Maykapal
b. Pananalig sa Iba
c. Pananalig sa sariling lakas
d. Pananalig sa Kalikasan

9. Nagyakapan ang tatlong prinsipe at labis na nagalak dahil sa wakas ay


gagaling na ang kanilang ama dahil sa nahuli ni Don Juan ang Ibong Adarna.
a. Pasasalamat sa biyayang natanggap.
b. Pag-aalala dahil nakaligtas ang kanyang kapatid.
c. Kalungkutan dahil nahihinuha nito ang balak ng kapatid
d. Kasiyahan sa muling pagkikita ng ligtas.

11
10. Bumalik ng palasyo ang magkapatid na sina Don Pedro at Don Diego. Bagama’t
nakaratay parin ay pinilit ni Don Fernando na bumangon upang mayakap ang
dalawang anak na matagal nang nawalay sa kanya.

a. Pag-aalala para sa mga anak.


b. Pasasalamat para sa pagdating nito na dala ang Ibong adarna.
c. Mat(inding pananabik sa pagkawalay ng mga anak
d. Pagkamuhi at gusto nitong parusahan ang dalawang anak.

C. Basahin ang buod ng kabanata sa ibaba. Punan ng mga sagot ang patlang na
makikita sa loob ng kahon.

• GALIT
• LAMAN NG PUSO
• NAGDURUSA
• PAGHIHIRAP
• PAGLALAKBAY

Ibong Adarna Buod Kabanata 26: Pagtangis ng Prinsesa (Saknong 832 – 858)

Walang tigil ang pagtangis ni Prinsesa Leonora habang si Don Juan naman ay
naghahanap ng ibang kapalaran. Patuloy na (11) ____________ ang prinsesa at hindi
pinagbubuksan ang sinumang kumatok sa tuwing nalalaman niya na hindi iyon si
Don Juan.

Nagngingitngit sa (12) __________________ si Don Pedro dahil si Don Juan pa rin ang
(13) __________________ ni Prinsesa Leonora.

Nagdaan pa ang limang buwan na (14) ________________ at natapos na ang pitong


ulit na (15) ___________________ ni Don Juan bago tuluyang nakarating sa dampa
ng ermitanyo na sinasabi ng matanda.

12
Karagdagang Gawain

Tukuyin kung anong uri ng karanasan ang nabanggit sa pahayag kung ito ay
pangkatawan, pang-isip, pampuso o pangkaluluwa. Isulat ang sagot sa patlang.

__________ 1. Tanging panalangin ang huli niyang pag-asa.

__________ 2. Maga ang buong katawan nya, may pilay sa tadyang.

__________ 3. Humingi ng patawad si Don Juan sa ginawa ng mga kapatid.

__________4. Naalala niya sa gitna ng paghihirap ang bayang kanyang sinilangan.

__________ 5. Pinatawad ng hari ang ginawa ng dalawang prisipe.

13
14
TAYAHIN: Karagdagang
Gawain:
A.
1. Pangkaluluw
1. A
a
2. B
2. Pangkatawa
3. B
n
4. B
3. Pampuso
5. D
4. Pang-iisip
B.
5. Pampuso
6. B
7. A
PAGYAMANIN: 8
8. A
A.
9. D
1. nagawa
10. C 2. nawaga
C. 3. nagawa
11. PAGDURUSA 4. di-naga
12. GALIT wa
13. LAMAN NG PUSO 5. nagawa
14. PAGLALAKBAY B.
15. PAGHIHIRAP
BALIKAN:
1. Don Juan
TUKLASIN:
2. Mahal na
Birhen
B.
3. nasaktan
1. wasto
4. Oo
2. di-wasto
5. Dahil
3. di-wasto
meron
4. wasto
siyang
5. di-wasto
pananalig
sa
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

“Ibong Adarna buod kabanata 16: Bagong Paraiso (saknong 443-479).” Accessed December 2020.
https://pinoycollection.com/ibong-adarna-buod/#Kabanata-16.

“Ibong Adarna buod kabanata 2: Ang karadaman ni Don Fernando (saknong 30-45).” Accessed
December 2020. https://noypi.com.ph/ibong-adarna-buod/#Kabanata-2.

“Ibong Adarna buod kabanata 22: Bagong kataksilan (Saknong 659-731).” Accessed December
2020. https://pinoycollection.com/ibong-adarna-buod/#Kabanata-22.

“Ibong Adarna buod kabanata 26: Pagtagis ng Prinsesa (Saknong 832-858).” Accessed December
2020. https://pinoycollection.com/ibong-adarna-buod/#Kabanata-26.

Department of Education. Filipino 3 learners’ guide. Philippines: Department of Education, 2016.

Department of Education. Filipino teachers’ guide. Philippines: Department of Education, 2016.

Department of Education. Most Essential Learning Competencies. Philippines: Department of


Education, 2020.

Ibong Adarna Resource Website. “Kabanata 9: Buod.” Accessed December 2020.


https://ibongadarnap31h.wordpress.com/mga-kabanata/kabanata-9/kabanata-9-buod/.

Wikipedia. “Karanasan.” Accessed December 2020. https://tl.wikipedia.org/wiki/Karanasan.

15
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom Gallant men and Ladies fair

Here the breezes gently Blow, Linger with love and care

Here the birds sing Merrily, Golden beams of sunrise and sunset

The liberty forever Stays, Are visions you’ll never forget

Oh! That’s Region IX

Here the Badjaos roam the seas Hardworking people Abound,

Here the Samals live in peace Every valleys and Dale

Here the Tausogs thrive so free Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,

With the Yakans in unity Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos, Ilongos,

All of them are proud and true

Region IX our Eden Land

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer

One night I had a dream. I dreamed that I was Region IX that I shall never see
I think
walking along the beach with the LORD.
Our..
A poem lovely as a tree.

In the beach, there were two (2) sets of footprints Eden...


A tree whose hungry mouth is prest Against the
– one belong to me and the other to the LORD. earth’s sweet flowing breast;
Land...
Then, later, after a long walk, I noticed only one
set of footprints.
A tree that looks at God all day,
“And I ask the LORD. Why? Why? Why did you
And lifts her leafy arms to pray;
leave me when I am sad and helpless?”
A tree that may in Summer wear
And the LORD replied “My son, My son, I have
A nest of robins in her hair;
never left you. There was only one (1) set of
footprints in the sand, because it was then that I Upon whose bosom snow has lain; Who inti mately
CARRIED YOU! lives with rain.

Poems are made by fools like me,

But only God can make a tree.

16

You might also like