You are on page 1of 10

Filipino 7

1
Filipino – Ikapitong Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 3: Si Haring Fernando at ang Tatlong Prinsipe
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Flerida A. Cruz at Melanie C. Reyes
Tagasuri: Flerida A. Cruz at Leda L. Tolentino
Editor: Leda L. Tolentino at Cindy Macaso

Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin


OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
Manuel A. Laguerta EdD
Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyo


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

2
Filipino 7
Ikaapat na Markahan
Modyul 3 Para sa Sariling Pagkatuto
Si Haring Fernando at ang Tatlong
Prinsipe (Saknong 1-161)
Manunulat: Flerida A. Cruz at Melanie C. Reyes
Tagasuri: Flerida A. Cruz at Leda L. Tolentino/ Editor: Leda L. Tolentino at Cindy Macaso

3
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino 7 Modyul 3 ukol sa Ibong Adarna: Si Haring
Fernando at ang Tatlong Prinsipe (Saknong 1- 161).

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN

Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong


matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN

Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang


pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY

Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay


na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA

Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang


pampagkatuto ay naiuugnay nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga..

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral

4
MGA INAASAHAN
Ang araling nakapaloob dito ang gagabay sa iyo upang lubusang
maunawaan ang mga pangyayari sa Ibong Adarna. Gayundin ang mga tagpo sa
akda na maaring maiugnay sa sariling karanasan.
Sa pagtatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang:
1. Nailalahad ang sariling pananaw tungkol sa mga motibo ng may-akda sa
bisa ng binasang bahagi ng akda.
2. Natutukoy ang mahahalagang detalye at mensahe ng akdang binasa.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Isulat sa patlang ang letra ng
tamang sagot.
_____1. Ang nangyayari sa taong napapatakan ng dumi ng mahiwagang ibon.
A. namamatay C. nakakatulog
B. nagkakasakit D. nagiging bato
_____2. Sakit ng matandang nasalubong ni Don Juan sa kanyang paglalakbay.
A. kanser C. ketong
B. hika D. lagnat
_____3. Ang bagay na hiningi ni Don Juan sa ama bago siya umalis sa kaharian.
A. salapi o yaman C. pagkain at tubig
B. bendisyon D. kabayo
______4. Ang bagay na ibinigay ni Don Juan sa matandang nasalubong.
A. tubig C. kanin
B. prutas D. tinapay
_____ 5. Ang bilang ng taon simula nang umalis at hindi na nakabalik ang mga
kapatid ni Don Juan.
A. isang taon C. dalawang taon
B. tatlong taon D. apat na taon

BALIK-ARAL
Panuto: Tukuyin kung sino ang isinasaad ng pahayag. Isulat sa patlang ang
tamang sagot.
IBONG ADARNA
_____________1. Makapangyarihang ibong nakatira sa puno ng Piedras Platas.
ARSOBISPO
_____________2. Humatol na dapat ikasal sina Don Juan at Donya Leonora.
_____________3.
TABOR Pangalan ng bundok kung saan mahahanap ang puno na tinitirhan
ng Ibong Adarna.
LOBO
_____________4. Alaga ni Donya Leonora na gumamot kay Don Juan sa Kaharian
ng Armenya.
SERPYENTE
_____________5. Malaking ahas na may pitong ulo.

5
ARALIN

Si Haring Fernando at ang Tatlong Prinsipe

Sa kaharian ng Berbanya ay may isang haring kilala dahil sa kanyang


kahusayan at katapatan sa pamumuno. Siya ay si Haring Fernando na may
ulirang kabiyak na nagngangalang Donya Valeriana. Sila ay biniyayaan ng
Maykapal ng tatlong Makikisig na anak na lalaki-sina Don Pedro, Don Diego at ang
bunsong anak na si Don Juan. Pawang mahuhusay at magagaling sila sa larangan
digmaan kaya ang kaharian ay lalong naging mapayapa, matatag at tahimik.
Ngunit isang araw ay biglang nagkasakit si Haring Fernando dahil sa isang
malagim na panaginip na pinaslang si Don Juan ng dalawang taksil. Labis itong
pinangambahan ng hari kung kaya’t siya ay dinapuan ng malubhang
karamdaman. Agad na nagpatawag ng manggagamot sa kaharian at dito
natuklasan na ang tanging makagagamot sa sakit ng hari ay ang awit ng Ibong
Adarna na nanahan sa isang punungkahoy na kung tawagin ay Piedras Platas.
Sa labis na pagmamahal ng mga prinsipe sa kanilang ama, sila ay
nagpasyang makipagsapalaran upang hulihin ang Ibong Adarna. Naunang
lumakad ang panganay na si Don Pedro kung saan tumagal ang kanyang
paglalakbay nang tatlong buwan. Hindi nagtagumpay sa misyon si Don Pedro at sa
kasawiang-palad ay naging bato pa siya nang mapatakan ng dumi ng Ibong
Adarna. Sumunod naman si Don Diego na naglakbay ng limang buwan. Katulad ng
kapatid na panganay, nabigo at naging bato rin si Don Diego at hindi na nakabalik
sa kaharian. Ito ang naging hudyat upang suungin ni Don Juan ang hamong
mahuli ang Ibong Adarna. Sa kabila ng pagtutol ng magulang ay lumakad pa rin
siya upang mahanap ang ibong magdudulot ng kagalingan sa ama at upang
mailigtas din ang kanyang dalawang kapatid sa kapahamakang kanilang
kinahantungan.
Nagsimulang maglakbay si Don Juan baon ang bendisyon ng kanyang mga
magulang at dala ang limang pirasong tinapay na kakainin sa paglalakbay.
Minabuti niyang maglakad lamang at hindi magdala ng kabayo sapagkat
naniniwala siyang hindi kakayanin ng kabayo ang mahabang paglalakbay at dahil
na rin sa kanyang busilak na layunin ay magtatagumpay siya. Sa kanyang
paglalakbay ay hindi niya nakalimutang tumawag sa Diyos na siyang naging
pangunahing sandata niya upang marating ang Bundok Tabor. Dahil sa busilak
niyang puso at pagiging maawain sa isang ermitanyong nakatagpo niya sa
kabundukantinulungan at ibinigay niya ang natitirang tinapay sa nagugutom na
matandang ketongin. Ang misteryosong matanda ang nagbigay-payo sa kanya
upang makaiwas sa panganib sa balak niyang paghuli sa mailap at mahiwagang
Ibong Adarna.

6
MGA PAGSASANAY

A. Panuto: Ayusin ang mga pantig na nakakahon upang mabuo ang kahulugan
ng mga salitang may salungguhit sa piling saknong sa akda. Isulat sa
patlang ang sagot.

1. … maginoo man at dukha MAHIRAP


hi ma rap
tumanggap ng wastong pala.
2. Bawat utos na balakin
kaya lamang pairalin, NAPAGMUNI
pag na ni mu
kung kanya nang napaglining
na sa bayan ay magaling.

3. Kapilas ng puso niya


ran hu wa HUWARAN
ay si Donya Valeriana,
ganda’y walang pangalawa’t
sa bait ay uliran pa.
NAGHANAP
4. Si Don Diego ay nasindak ha nag nap
sa mungkahing kahahayag,
matagal ding nag-apuhap
ng panagot na marapat.
5. Ako’y iyong kahabagan, ka wa a an
KAAWAAN
Birheng kalinis-linisan…

NN B. Panuto: Ipaliwanag ang iyong sariling pananaw tungkol sa motibo o dahilan


ng may-akda sa pagsasama nito sa bahagi ng akdang binasa.

1. Handang humarap sa pagsubok at ilagay sa panganib ng mga anak ang


sariling buhay para sa kanilang ama. Sa aking palagay, ang motibo ng may-
akda sa paglalagay ng bahaging ito ay _____________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Ikinalungkot ng buong kaharian ang pagkakasakit ng kanilang hari. Sa aking


palagay, ang motibo ng may-akda sa paglalagay ng bahaging ito ay
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

3. Pinaiiwas ng matanda si Don Juan na huwag masilaw o mahumaling sa


kinang ng mahiwagang puno upang makaiwas siya sa kapahamakan. Sa
aking palagay, ang motibo ng may-akda sa paglalagay ng bahaging ito ay
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

7
PAGLALAHAT

 Mag-ugnay ng ng mga pangyayari sa kasalukuyan (sa iyong pamilya, sa mga


kakilala, nabasa, napanood o narinig) batay sa mga nakalahad na
pangyayari sa akda.
Kaugnay na Pangyayari sa
Mga Pangyayari sa Ibong Adarna
Kasalukuyan
Si Haring Fernando ay isang
makatarungan at mahusay na pinunong
iginagalang at sinusunod ng kanyang
nasasakupan.
Ang hari ay dinapuan ng karamdamang
nagdulot ng labis na kalungkutan sa
kanyang pamilya at sa buong kaharian.
Sina Don Pedro at Don Diego ay naakit sa
kinang at ganda ng puno ng Piedras
Platas kaya’t sila ay nabiktima ng taglay
nitong ganda.

Nagdasal at humingi ng gabay si Don


Juan bago siya sumuong sa kanyang
misyon.

PAGPAPAHALAGA NN

 Punan ang hinihinging impormasyon sa character values profile. Ibigay ang


mga tauhan at mga katangian o pagpapahalagang ipinamalas nila sa aralin.

Pagpapahalagang ipinamalas
Ama

Pagpapahalagang ipinamalas
Ina

Pagpapahalagang ipinamalas Pagpapahalagang ipinamalas Pagpapahalagang ipinamalas


Anak 1 Anak 2 Anak 3

8
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari. Gamitin ang titik A-E.


D.
_______1. Sina Don Diego at Don Pedro ay naging bato.
E
______ 2. Huling naglakbay si Don Juan at nagbigay siya ng limos sa matandang
leproso.
B
______ 3. Nanaginip ang Haring Fernando na pinatay si Don Juan ng dalawang
lalaki kaya siya nagkasakit.
A
_______ 4. Ang kaharian ng Berbanya ay pinamumunuan nina Haring Fernando at
Reyna Valeriana.
C
______ 5. Ayon sa manggagamot ang tanging makagagamot sa sakit ng hari ay ang
awit ng Ibong Adarna

9
SUSI SA PAGWAWASTO
5. C 5. SERPYENTE
4. A 4. LOBO
3. B 3. TABOR
2. E 2. ARSOBISPO
1. D 1. IBONG ADARNA
PANAPOS NA PAGSUSULIT BALIK-ARAL
5. KAAWAAN 5. B
4. NAGHANAP 4. D
3. HUWARAN 3. B
2. NAPAGMUNI 2. C
A. 1. MAHIRAP 1. D
MGA PAGSASANAY PAUNANG PAGSUBOK

Sanggunian
Baisa, Ailene G., Lontoc, S. Nestor, Esguerra, Carmela H. Pinagyamang Pluma
(2014) Phoenix Publishing House, Inc. pp. 429-433

Habijan, E., Otangco, R., Iquin M., Carpio, L. Panitik Filipino sa Panahon ng
Pagbabago, Adriana Publishing Co., Inc. p. 22.

10

You might also like