You are on page 1of 2

PANGALAN: _____Jeremias,Generose A.

_________ SEKSYON: _BSEd 3-Filipino_________


GURO: ______Binibining Soriano________________ PETSA: ___Mayo 25, 2018_________

GAWAIN SA PAGKATUTO: KOMPOSISYON


I. Kumpletuhin ang semantic mapping sa ibaba

Pagkakaroon
ng Kaibigan

Pagpapagal sa Pagkakaroon
Akademikong ng
Gawain Hinahangaan
buhay-
estudyante

Pagkatuto sa Pagaalitan o ‘di


Pagkakamali pagkakaunawaan

II. Sumulat ng isang maikling talata batay sa nakumpleto mong semantic mapping sa
itaas. Tiyaking may kaisahan at kohirens ang mga salita at pangungusap sa loob ng
talata. Salungguhitan ang iyong PAKSANG PANGUNGUSAP.

Ang buhay ng isang estudyante ay natatangi batay sa kani-kanilang karanasan.


Sa bawat pagusad ng taon, may naiiwang ala-ala na titimo sa kanilang mga puso at
dadahin hanggang sila’y lumaki. Mayroong nabuong pagkakaibigan na nagtagal,
mayroon namang panandalian lamang dahil nagkaroon ng ‘di-pagkakaunawaan sa isa’t-
isa. Mayroon din namang nagbibigay satin ng inspirasyon sa pagpasok sa bawat araw,
ang aking tinutukoy ay yaong ating mga hinahangaan. Maaring sa angkin nilang talino,
kakisigan, magandang paguugali at pagiging palabiro, mga katangiang bumibihag sa
ating mga mata na siyang nagbibigay ng motibasyon upang mas galingan pa sa gawaing
pang-akademiko. Dahil magiiwan ng magandang impresyon sa kaniya kung ikaw ay
binigyang pagkilala bunga ng kahusayan. Maaring ang iba sa atin ay umaasang
masuklian ang paghangang ito, mayroon namang takot umamin at nanatiling kaibigan
nalang. Gayunpaman, lahat ng ating mga pagpapagal at pagkatuto sa ating mga
karanasan sa paaralan ang magtuturo sa atin ng direksyon tungo sa ating pag-unlad. Ang
buhay na ating hinango sa malalalim na ugnayan at pakikipagkapwa ang magluluwal ng
isang marikit na kinabukasan batay sa nabuo nating bersyon ng ating sarili. Kung kaya’t
magpatuloy lamang tayo, ang ating mga pagsasakripisyo ay magbubunga ng matamis na
tagumpay kung tayo’y mananatiling matatag at maniniwala sa ating mga kakayahan.

You might also like