You are on page 1of 20

DAHILAN NG PAGBABA NG GRADO

Isang Pamanahong Papel na Iniharap sa Kagawaran ng

Filipino Kolehiyo ng Sining at Agham

ICCT COLLEGES FOUNDATION

Cainta, Rizal

Bilang Bahagi ng Pangangailangan sa Pagbasa at Pagsulat

Tungo sa Pananaliksik

Ipinasa nina:

Sanibeth Garcia

Jay-ar Cruzado

Kathleen Gracielle Deloso

Raquel Balingit

Cristina Fernandez

Patricia Montana

Ipinasa Kay:

Bb. Josie Tugbo

Agosto, 2017
DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang isang bahagi ng mga gawaing kailangan sa pagkumpleto ng mga kailangan para

sa asignaturang FILIPINO II, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang

proyektong ito ay pinamagatang “Dahilan ng Pagbaba ng Grado” ng mga estudyante sa

ICCT COLLEGES ay inihanda at iniharap nina

Pinagtuunang pansin ni:

Bb. Josie Tugbo

Guro
DAHON NG PASASALAMAT

Kami po ay lubusang nagpapasalamat sa mga nagging bahagi ng aming pag-

aaral na ito. Nang dahil sa kanila mas lumawak pa an gaming kaalaman at naging

posible na magkaroon ng magandang resulta ang pag-aaral na ito.

Kay Bb. Josie Tugbo,na aming mahal na guro sa asignaturang Fil-02 Pagbasa at

Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, kami po ay lubusang nagpapasalamat dahil sa

kanyang walang sawang pagsuporta at pag-unawa sa amin sa pag gawa ng aming

pamanahong papel sa pamamagitan ng pagtama at pag gabay habang kami ay nag

gagawa ng aming pananaliksik

Sa ICCT COLLEGES FOUNDATION INC. Cainta, Rizal na hinayaan kaming

matuto sa pag gawa ng pamanahong papel.

Sa mga respondent na masigasig na nakilahok sa pagsagot ng tapat sa aming

kwestyuner, maraming salamat po.

Sa aming magulang na tumulong at umintindi samin dahil sa pagiging abala

namin sa pag gawa nito at sa kanilang tulong pinansyal kahit gaano kalaki ang

nagastos namin, kami din po ay nagpapasalamat sa inyo.

At higit sa lahat, kami po ay ay nagpapasalamat sa Poong Maykapal dahil kahit

gaano kahirap ang aming dinanas ay nandiyan pa din siya para palakasin ang aming

loob na matapos ng maayos ang pananaliksik na ito.


TALAAN NG NILALAMAN

Kabanata I:
A. Panimula
B. Layunin ng Pag-aaral
C. Paglalahad ng Suliranin
D. Mga suliranin
E. Kahalagahan ng Pag-aaral
F. Saklaw at Limitasyon
G. Depenisyon ng mga Terminolohiya
KabanataII:
A. Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura
Kabanata III:
A. Disenyo ng Pananaliksik
B. Metodolohiya
C. Instrumento ng Pananaliksik
D. Tritment ng mga Datos
Kabanata IV:
Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos
Kabanata V:
A. Lagom
B. Konklusyon
C. Rekomendasyon
Listahan ng Sanggunian
KABANATA I

A. Introduksyon

Ang kaalaman tungkol sa ibat-ibang bagay, personalidad, at kaganapan sa ating

kapaligiran ay mahalaga. Kahit na ang impormasyon ay tumatalakay sa isang simpleng

bagay, ito pa rin ay binibigyang pansin.

Kadalasan ang mga nakakalap nating impormasyon ay nag-mumula sa mga

libro, dyaryo, telebisyon, radio, at mga sulating pananaliksik tulad na lamang nito.

Ang sulating pananaliksik, ay isinasagawa upang bigyang patunay at palawakin

ang isang napiling paksa. Sa ganitong paraan ay mas naliliwanangan ang kaisipan ng

isang mambabasa at natututo sa nasabing paksa. Makakatulong din ito upang bigyan

linaw at itama ang ilang paksa kung saan ang nalalaman lamang ng mga tao tungkol

dito ay mga maling sabi-sabi lamang.

Ang sulating pananaliksik na ginawa ay may layuning bigyan ng kaalaman ang

mga mag-aaral tungkol sa mga suliranin ng isang estudyante sa kanyang pag-aaral.

Nakasaad sa loob ng pananaliksik na ito ang mga kaalaman tungkol sa isang suliranin

ng mga estudyante.

Ang pokus ng sulating pananaliksik na ito ay ang pinamagatang “Dahilan ng

Pagbaba ng Grado.” Ito ay may mga dahilang kadalasang nagagawa ng mga mag-aaral

kapag sila’y nasa loob at labas ng eskwelahan.


Ang mga impormasyong mababasa sa loob ay base sa mga impormasyong

nakalap namin sa internet at sarbey na aming ginawa.

B. Layunin ng Pag-aaral

Ang mga pangkalahatang layunin ng pag aaral na ito ay:

1. Mahikayat ang mga mag-aaral na gumawa ng mga bagay na nakakabuti sa

kanila sa pag-aaral sa loob man o labas ng paaralan.

2. Maging mapili sa lipunang papasukan dahil maaring makaimpluwensiya ito ng

masama sa mga kabataan na nag-aaral

C. Paglalahad ng Suliranin.

Isa sa mga posibleng maging kahalagahan nito ay ang mahikayat ang mga

estudyante na mag-aral ng mabuti. Mahalagang malaman din nila ang ilang mga

kasagutan nila sa mga tanong katulad ng

 Ano nga ba ang kahalagahan ng pag-aaral?

 Bakit ako nakakuha ng mababang marka?

 Paano ko masisimulan muli ang mabuting pag-aaral?

 Paano ko mapapataas ang aking marka

 Ano-ano ang mga dapat kong gawin o iwasan upang hindi na ako makakuha

pa ng mababang grado?

 Paano ko mababago sarili ko?


Ilan lamang yan sa mga posibleng masagot ng pananaliksik na ito.

D. Mga Suliranin

Ito ang mga nakalap naming mananaliksik na suliranin sa pag baba ng grado.

 Kawalan ng disiplina sa sariliI

Iilan lamang sa mga mag-aaral ang merong disiplina sa sarili o nagseseryoso sa

pag-aaral. Ilan sa mga dahilan nito ay tinatamad, maraming humahadlang, hindi nila

alam kung ano ang kanilang prayoridad sa buhay at kung ano-ano pa.

 Hindi makasabay sa talakayan

Karamihan sa estudyanteng nasa kolehiyo ay hindi na makasabay sa talakayan

marahil sila ay tumigil ng matagal sa pag-aaral, pagod na galling trabaho, kung ano-

anong laman ng isip habang nagtuturo ang guro at marami pa.

 Maagang pakikipagrelasyon

Marami din na mag-aaral ang nawawala ang kanilang pokus sap ag-aaral at

dahil sa kanilang kalaguyo o kasintahan dahil kadalasan mas pinipili nilang makipag

usap sa kanilang kasintahan kesa mag-aral. Imbis na maging inspirasiyon, kadalasan

ito pa ang nagiging sanhi ng pagbabang kanilang marka


 Nagtatrabaho habang nag-aaral

Ilan din sa mga estudyanteng nasa kolehiyo ay pinag sasabay ang kanilang pag

aaral habang sila’y nagtatrabaho kaya naman kadalasan ay hindi na nila mapagtuunan

ng pansin ang kanilang pag-aaral dahil sa pagod at kapos sa oras.

 Nalulong sa bisyo

Maraming estudyante ang sabik makatikim ng kalayaan lalo na pag sila ay

tumuntong na ng kolehiyo. May mga ilang estudyante na nwawalan na ng control sa

kanilang sarili at hindi na nila malaman ang limitasyon nila kayat nauuwi ito sa hindi

magandang resulta ng kanilang pag-aaral.

 Labis na Pag gamit ng gadyet

Karamihan sa mga estudyante ngayon ay mas pinipiling magbabad sa kanilang

telepeno kesa mag-aral kaya’t napapabayaan na nila ang kanilang pag-aaral dahil sa

mas nabibigyan nila ng oras ito.

 Problema sa pamilya

Ang problema sa pamilya ay may malaking epekto sa ating mga kabataan.

Maraming posibleng maging problema ng isang pamilya na nagdududlot sa mga

estudyante ng kawalan ng gana sa pag-aaral at naghahanap ng atensyon sa ibang

bagay.
 Maagang nagkapamilya

Ang maagang pagpapamilya ay kadalasang nakakasagabal sa pag-aaral nating

mga estudyante sapagkat nahahati ang oras nito. May mga ilan na nagagawang

makatapos at ginawa nilang inspirasyon ang kanilang pamilya at may ilan namang

tumitigil at nawawalan na ng ganang mag-aral dahil mas prayoridad na nila ang

kanilang pamilya.

 Naimpluwensiyahan ng barkada

Ang kaibigan ay may malaking parte sa ating mga kabataan dahil isa sila sa

humuhubog sa ating pakatao kaya kapag mali ang iyong kaibigang napili at

naimpluwensiyahan ka ng di maganda, ito ay humahantong sa pag papabaya sa ating

pag-aaral.

 Labis na pag gamit ng kompyuter

Maraming estudyante ang lumiliban sa klase upang maglaro ng “computer

games” dahil sa mahina ang kanilang kontrol sa sarili at labis na pag ka adik dahil

nagdudulot ito sakanila ng labis kasiyahan. Mas nabibigyan na nila ng oras ito kesa

aralin ang kanilang mga aralin.


E. Kahalagahan ng Pag-aaral

Naniniwala kaming mga mananaliksik na mahalaga ang pag-aaral na ito sa mga

mag aaral upang magsilbing gabay ang mga kinalalabasan ng pananaliksik na ito at

makapagbigay kaalaman sa mga estudyante na maunawaan ang kahalagahan ng pag-

aaral at pagkakaroon ng magandang marka.

Nais din naming maipaalam sa bawat estudyante na hindi dapata nila bale

walain ang pag-aaral dahil para sa amin, bilang isang mag-aaral, na ang edukasyon ay

ang pundasyon ng ating buhay.kaya tayo nakakapag-isip at nakakagawa ng kung ano

mang kaya nating gawin.

F. Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa mga estudyanteng nakakuha ng

mababang marka sa ICCT COLLEGES FOUNDATION INC. Cainta, Rizal at ang mga

dahilan nila kung bakit sila nakakuha ng mababang marka sa taong 2016-2017.
Kabanata II
Kabanata III

A. Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng deskriptong metodolohiya ng pananaliksik.

Napili naming mga mananaliksik na gamitin ang Survey Research Design o Survey

Queationnaire na gumagamit ng talatanungan para makakuha ng mga datos.

Naniniwala kaming nag-aaral ng pananaliksik na ito na angkop ang disenyong ito dahil

mas mapapadali ang pagkuha ng datos mula sa mga nagging respondent o sa mga

sumagot ng sarbey na isinagawa namin

B. Metodolohiya

. Sa ginawa naming sarbey nagbigay kami ng mga Survey Form sa mga

estudyante ng ICCT COLLEGES Cainta, Rizal na nasa kolehiyo na. Gumawa kami ng

sampung (10) tanong sa Survey Form at at binigay namin ito sa benteng (20)

estudyante. Ang talatanungan ay nag pokus sa dahilan ng pagbaba ng marka ng mga

estudyante. Ang mga respondent na napili namin ay nanggaling sa ibat-ibang kurso at

edad na 17 hangang 25 taong gulang dahil nais naming mga mananaliksik na malaman

ang ibat-ibang dahilan ng pagbaba ng grado ng kanilang grado kung manggagaling ito

sa ibat-ibang edad at kurso.


C. Instrumento ng Pananaliksik

Ang paggamit ng isang talatanungan o sarbey ay ang paraan ng mananaliksik

upang kumalap ng mga datos mula sa mga iginagalang na respondent. Ang

talatanungang ito ay naglalaman ng mga tanong na nakabatay sa layunin at suliranin ng

aming napiling paksa kung saan ang mga respondent ay nakatakdang sagutan ang

mga tanong gamit ang paglagay ng tsek sa mga kahon katabi ng mga pagpipiliang

sagot o nasa paraang clos ended. Mayroon rin tanong kung saan ang sagot ay wala

nang pag pipilian sa halip ay nasa sariling salita na ng mga respondent o tinatawag na

open ended.

D. Tritment ng mga Datos


Kabanata IV

A.Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos

Lahat ng respondent na napagtanungan naming ay nakakuha ng mababang

marka.

Dahilan ng Pagbaba ng Grado

Nagtatrabaho Kawalan ng Disiplina sa Sarili Labis na pag gamit ng Gadyet


Hindi makasabay sa talakayan
Sa benteng estudyante na nabigyan at sumagot ng sarbey, karamihan sa kanila ang

dahilan ng kanilang pag baba ng marka ay ang kanilang trabaho. Hirap silang hatiin ang

kanilang oras sa pag-aaral at pagtatrabaho.

Pumapangalawa ang kawalan ng disiplina sa sarili dahil mas inuuna nila ang

ibang bagay na hindi naman makakatulong sa kanilang pag-aaral kaya’t kadalasan

hindi sila nakakapasok at nakakapag pasa ng kanilang proyekto sa tamang oras.

Mga Asignaturang Nagkaroon ng Mababang Marka

Matematika Kompyuter Filipino PHYS001 BLAW MNMGT203

Makikita dito na sa asignaturang matematika kadalasan nahihirapan ang mga

estudyante. Ang karamihan ay di makasabay dahil sa pagod sa pagtatrabaho at ang iba

naman ay hindi daw hilig ang matematika.


Pumapangalawa ang asignaturang kompyuter dahil alam naman natin lahat na

hindi lahat ng estudyante ay may kakahayahang makagamit ng makabagong

teknolohiya kaya’t kadalasan sila ay napag iiwanan sa talakayan.

Kabanata V

Lagom

Ang Pag aaral na ito ay dahilan na ito ay tungkol sa kaalaman sa dahilan ng

pagbaba ng grado ng mga mag aaral ng ICCT Colleges Foundation. Napili ang

paksang ito ng mananaliksik upang mapalawig ang kaalaman ng mga estudyante

sa mga dahilan ng pagbaba ng grado sa kadahilanan mabigyan pansin ang ukol

dito.

Konklusyon

Ipinapakita lang dito sa pag aaral na ito

You might also like