You are on page 1of 20

PAGLILIBAN SA KLASE NG MGA MAG-AARAL MULA SA KURSONG ICT,

IKA-11 BAITANG SA NORTHERN SAMAR COLLEGES

Isang Pananaliksik na isusumiti


sa Filipino

Mga mananaliksik:

Atencio, Jasper
Bernabe, Aira Joy
Catigan, Ervin John
Flores, Denver Wyn
Lipata, Mike Elmar
Palacio, Emily
Grade 11 ICT – C

Northern Samar Colleges


Catarman, Northern Samar
Ikalawang Semester
S.Y 2017-2018

1
UNANG KABANATA
INTRODUKSIYON

Panimula

Ang edukasyon ay isang kayamanan na walang sinuman ang

makapagnanakaw. Ito ay itinuturing napakahalagang bagay para sa

lahat dahil marami kang magagawa kapag ikaw ay edukado.

Ang pag-aaral bilang isang napakalaking yugto ng isang buhay

sa bawat isa, ito ay dapat nating pinapahalagahan at pinayayaman.

Ang pag-aaral ay susi sa tagumpay, ito ang magbubukas ng pintuan

tungo sa ginintuang ulap ng tagumpay. Ngunit papaano ito makakamtan

kung sa proseso pa lamang ng pag-aabot nito ay hinahadlangan na ng

iba’t-ibang dahilan.

Sa panahon ngayon, marami-rami na ring mga estudyante ang

binabalewala nalang ang pagpasok sa klase. Minsan ang kadahilanan

nito’y ang masasamang impluwensya ng barkada o kung minsan naman

ay may sapat at katanggap-tanggap na dahilan ang mga mag-aaral.

Sinabi ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal na “Ang

kabataan ang pag-asa ng bayan.” Ngunit, paano magiging pag-asa ng

bayan ang mga kabataan kung sila mismo ay tumutungo sa maling

landas at mas pinipili pa ang kanilang kagustuhan kaysa sa kanilang

kinabukasan.

Alam natin na ang madalas na pagliban sa klase ay nakakaapekto

sa ating kinabukasan. Marami silang nalilibanang mga paksa sa klase,

2
at dahil dito, makakaapekto ito sa kanilang mga grado at maari rin

itong maging dahilan upang bumagsak sila at umulit nanaman sa

asignaturang iyon.

Ang presensiya ng isang studyante sa isang silid ay

napakalaking tulong sa lesson plan na ginawa ng guro, ang

pagliliban sa klase ay maaring magdulot nang pagkaudlot sa mga

organisadong plano na naayon sa lesson plan. Maaring umulit ang

isang guro sa pagturo ng paksa dahil sa kawalan ng napakaraming

bilang ng studyanteng lumiban sa nakaraan diskusyon.

Kaya ito ang napili ng mga mananaliksik na paksa upang

saliksikin dahil ang mga mananaliksik ay napaisip at nabahala sa

mga batang masasayang ang kinabukasan kung sila ay madalas na

liliban sa klase. Halos lahat ng tao ay naranasan nang lumiban sa

klase dahil sila ay may kanya kanyang dahilan kaya't ating mas

aalamin para mas maintindihan natin kung bakit nila ito nagagawa.

Nais rin ng mga mananaliksik na maglahad at magbigay nang mga

posibleng solusyon upang maiwasan ang pagliban sa klase.

3
Kaligirang Kasaysayan ng Pag-aaral
Gusto nating lahat na makakuha ang lahat na mag-aaral ng isang

mahusay na edukasyon dahil iyon ang inaasahan ng ating gobyerno,

at ang mga pundasyon para sa isang mahusay na edukasyon ay

nagsisimula sa mga mag-aaral na pumapasok sa paaralan bawat araw.

Nagkakaroon ng mabuting gawi ang mga magaaral sa pamamagitan ng

pagpasok sa paaralan araw-araw - mga gawi na kinakailangan upang

magtagumpay pagkatapos ng paaralan. Ang pagliban sa paaralan ay

may malaking epekto sa pag-aaral at pakikisalamuha ng mga mag-

aaaral. Maaapektuhan nito ang mga resulta ng kanilang pagsusulit

at ang kanilang mga relasyon sa ibang mga mag-aaral maging sa

kanilang guro, at maaaring humantong sa hindi pakikisalamuha o

bullying. Walang tamang bilang ng mga araw para sa pagliban sa

paaralan - ang bawat araw na napalampas ng isang mag-aaral ay

maglalagay sa kanya sa hulihan ng klase, at maaaring makaapekto,

sa mga kalalabasan ng kanyang edukasyon. Bawat napalampas na mga

araw ay nauugnay sa lalong bumababang antas ng pagkatuto sa

pagbilang, pagsulat at pagbasa. Hindi na kagulat-gulat na ang mga

estudyante na may mataas na bilang ng pagliban sa klase ay mas

mababang mga marka ang nakukuha sa klase lalo na’t naiba

ang .Karamihan ngayon sa mga kabataan ay mga tinatamad nang pumasok

dahil sa kanikanilang mga dahilan. Dapat tulungan silang maging

masigasig ulit sa pagaaral para maipagpatuloy ang nasimulang

4
gawain. Natagpuan na ang hindi pagdalo sa klase ay maaaring

nauugnay sa lokasyon ng paaralan. Minsan masyadong maingay sa ibang

paaralan dahil narin sa kapaligiran nito. Dapat maayos at malinis

din ang kapaligirang paaralan dahil malaki ang pwedeng maging

apekto nito sa mga mag-aaral. Pinananatili ang katahimikan at

kaayusan sa paligid ng paaralan para maayos na makapakinig at

matuto ang bawat estudyante ditto. Kinilala rin ng Kagawaran ng

Edukasyon na ang pakikipagtutulungan ng mga estudyante at kanilang

pamilya ay siyang pinakamabuting paraan upang suportahan ang

regular na pagpasok ng mga estudyante sa paaralan. Para mas

magkaroon ng gana ang mga estudyante ay dapat nabibigyan din ng

pansin kung paano magturo ang mga guro sa paaralan.

Layunin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na malalaman kung anu-ano

ang epekto ng pagliliban sa klase ng mga mag-aaral mula sa kursong

ICT, ika-11 baitang sa Northern Samar Colleges.

Ang pag-aaral ring ito ay naglalayong makamit ang mga susunod:

1. Matuklasan ang mga dahilan ng pagliliban sa klase ng mga mag-

aaral mula sa kursong ICT, ika-11 baitang.

2. Maglahad ng solusyon kung papaano ang naturang suliranin ay

maiiwasan.

5
Kahalagahan ng Pag-aaral

Makakatulong ang pag-aaral na ito sa mga sumusunod na mga tao

o organisasyon:

Sa mga mag-aaral. Ang pananaliksik na ito magdudulot sa kanila

ng pagpukaw at pagpapaintindi na maraming masamang maidudulot ang

pagliliban sa klase. Ang pananaliksik na ito ay magsi-silbing gabay

sa kanilang pag-bago ng mga nakasanayang pagliban sa klase.

Sa mga magulang. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga

magulang kung paano nila dapat itrato ang kanilang mga anak na

nagliliban sa klase. Sa hypothesis ng pag-aaral na ito (pang-4 na

bilang) na maaring sila ang dahilan ng pagliliban sa klase ng

kanilang mga anak.

Sa mga guro. Makatutulong ang pananaliksik na ito sa mga guro

kung paano sila makakaisip nang mas epektibong pamamaraan ng

pagtuturo upang mas maging interesado sa diskusyon ang mga mag-

aaral lalo na ang mahihilig lumiban sa klase.

Kagawaran ng Edukasyon (DepEd). Ito ay mahalagang malaman ng

mga tauhan ng Kagawaran ng Edukasyon upang magkaroon sila ng mga

gawain sa mga paaralan upang makatulong sila sa pagsasaayos ng mga

problema ukol sa pagbaba ng antas ng mga batang mahilig lumiban sa

klase. Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing gabay sa mga tauhan ng

Kagawaran ng Edukasyon sa pagsasagawa ng mga pang-paaralang

6
polisiya upang masugpo ang patuloy na pagbaba ng grado ng mga mag-

aaral.

Sa mga susunod pang mananaliksik. Makatutulong ito para mas

malawakan ang isip nila at mas mabigyan ang mga susunod pang

mananaliksik ng ideya para sa gagawin nilang saliksik patungkol sa

suliranin na pagliliban ng mga mag-aaral sa klase.

Balangkas Konseptwal

Ang balangkas konseptwal ay bahagi kung saan ipapakita ang

daloy ng pag-aaral na ito. Ang pigurag na magpapakita sa daloy ng

pag-aaral ay ang sumusunod:

INPUT

 Mga Suliranin
 Mga Teorya

OUTPUT
 Mga dahilan at epekto
ng pagliliban sa
klase ng mga mag- PROCESS
aaral mula sa
kursong ICT, ika-11  Paggawa ng mga
baitang. talatanungan.
 Pangangalap ng mga survey
questionnaire sa mga mag-
aaral mula sa kursong
ICT, ika-11 baitang.

7
Nagdesisyon ang mga mananaliksik na gamitin ang Input-

Process-Output para maipakita ang magiging daloy ng kanilang

pananaliksik. Sa unang kahon, tinala muna ang magiging suliranin

na kanilang sasaliksikin at nagkalap ng mga gagamiting teorya

patungkol sa pagliban sa klase. Nagkalap ng mga kapakipakinanabang

na impormasyon na mas lalong makakatulong sa kanilang pananaliksik.

Sa ikalawang kahon makikita na para malaman ang sagot sa suliraning

pagliban sa klase ng mga mag-aaral mula sa kursong ICT, ika-11

baitang ay gumamit ang mga mananaliksik ng survey questionnaire.

Ang mga mananaliksik ay gumawa ng survey questionnaire upang matamo

ang magiging resulta ng pag-aaral at upang para mas maintindihan

pa ang pananaliksik. Sa ikatlong kahon naman, doon ay malalaman na

ang mga dahilan at epekto ng pagliliban sa klase ng mga mag-aaral

mula sa kursong ICT, ika-11 baitang sa Northern Samar Colleges.

Saklaw at Hangganan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay sumasaklaw lamang sa mga dahilan

at epekto ng pagliliban sa klase ng mga mag-aaral mula sa kursong

ICT, ika-11 baitang sa Northern Samar Colleges. Hindi ito lalampas

sa ibang paksa upang maging tumpak at matamo ang inaasahang resulta

ng pag-aaral na ito.

8
Batayang Teoritikal
Ecological Systems Theory

"Ayon sa teoryang "Ecological Systems Theory" ni

Bronfenbrenner, ang isang mag aaral ay nasa pinakasentro ng

lipunang kanyang kinabibilangan kung saan malaki ang posibilidad

na maimpluwensyahan siya ng mga indibiduwal na nasa kanyang

kapaligiran. Ang mga kagawian o kaugalian na makukuha nya rito ay

maaring magdulot sa kaniya ng mga tuwiran o mga di tuwirang epekto.

Sinasabi rito na maaaring ang nakapaligid o ang mga umiimpluwensya

sa mga batang ito kaya lumiliban sila sa klase.

Dominance Theory

Ayon sa "Social Dominance Theory" ni Sidanius and Pratto, ang

bullying ay isang agresibong pamamaraan na may layuning makakuha

at mapanatili ang "dominance" ng taong nambu-bully (Pellegrini and

Bartini, 2001).ayon narin sa nakasaad sa teorya na ito ay isa pa

marahil na rason kug bakit lumiliban ang mga batang ito sa kanilang

klase ay marahil narin sa pambu-“bully” ng kanilang mga kaklase.

9
Hypothesis

Ang sumusunod ay ang mga inisyal at kuro-kuro ng mga

mananaliksik na naayon sa suliranin at paksa:

1. Hindi financially stable ang mga magulang ng mga mag-aaral

mula sa kursong ICT, ika-11 baitang. Ito ay maaring isa sa

dahilan kung bakit pala-absent mag-aaral mula sa kursong ICT,

ika-11 baitang. Marahil ay kulang ang pangtustos at binibigay

na baon ng mga magulang nang nasabing mag-aaral. Hindi dahil

sa nag-enroll ang mga mag-aaral na ito sa isang pribadong

paaralan ay masasabi nang ayos ang kani-kanilang pamumuhay.

2. Maaring ma-bully ang mag-aaral na mahilig magliban sa klase.

Maaring humatong sa puntong magkaroon ng problema sa

pakikisalamuha ang nasabing mag-aaral at huminto sa pag-

aaral.

3. Pagkadismaya ng mga magulang at kamag-anak ng mag-aaral na

naglliliban sa klase.

4. Pamilya ang posibleng dahilan sa pagliban ng mga mag-aaral.

Marahil sa pamilyang kinabibilangan ng mag-aaral ay

komplikado, palaging nag-aaway o nagkakagulo. Marahil sa sama

ng loob na dulot ng kanyang pamilya ay lumiliban sa klase ang

mga mag-aaral.

10
Katuturan ng mga Katawagan

Upang maintindihan ng mga mambabasa ang mga katawagang

nagamit, itinala ng mga mananaliksik ang mga terminolohiyang

mahahalaga at tutumbasan ayon sa pang-kahalatang ibig-sabihin nito

at kung paano ito ginamit sa pananaliksik na ito.

Barkada. Sa pag-aaral na ito, tumutukoy ang salitang barkada

sa mga kaibigang malapit sa tutugon sa talatanugang ng pag-aaral

na ito. Ayon sa mananaliksik ng pag-aaral na ito, isa sa dahilan

ng pagliban sa klase ay ang impluwensiya ng barkada.

Edukasyon. Tumutukoy ito sa kaalaman, kakayahan at karungan

na nakuha ng mga mag-aaral mula pagpasok sa paaralan, kolehiyo o

unibersidad. Ayon Merriam-Webster, ang edukasyon bilang

pangkahalatang kahulugan, ito ay tumutukoy sa proseso ng pagtuturo

sa isang tao, lalo na sa paaralan, kolehiyo at unibersidad.

Information Communication Technology. Sa pag-aaral na ito,

ang Information Communication Technology o ICT ay tumutukoy sa

kursong kinuha ng mga mag-aaral na siyang magiging tutugon sa mga

talatanungan. Ayon sa Google, ang ICT ay tumutukoy sa paghasa sa

kakayahan ng mga mag-aaral na gustong matuto tungkol sa teknolohiya.

Pagliban sa klase. Tumutukoy ito sa kasanayan sa pagkawala sa

silid at lumiban upang makaiwas sa mga gawaing may kinalaman sa

11
paaralan. Ang kahulugan ding ito ay ginamit ng mga mananaliksik sa

pag-aaral na ito.

Pang-aapi. Ayon sa Merriam-Webster, ito ay tumutukoy sa

pagbabanta, pananakit, at pagtakot sa isang mas mahinang tao. Ang

salitang bully, ay ginamit sa pananaliksik na ito bilang isang

dahilan kung bakit lumiliban ang mga mag-aaral sa klase.

12
IKALAWANG KABANATA

MGA KAUGNAY NA LITERATURA

Ang pagliliban sa klase ay indikasyon ng mababang moral bilang

tao o studyante. Responsibilidad mo bilang isang mag-aaral ang

pumasok at matutuhan ang bawat paksa at araling intinuturo ng guro.

Maraming masasamang epekto ang nakikita ko sa suliraning ito. Una

sa lahat, pag madalas na ang pagliban ng mag-aaral sa klase ay

maaaring ibagsak ito ng kanyang guro. Sumunod dito ang tuluyan ng

paghinto nito sa kanyang nasimulang pag-aaral. Liliit ang

pagkakataon nitong magkaroon ng maayos at marangal na pamumuhay sa

hinaharap. Maaari pa silang maging tambay lang sa tabi-tabi at

malulong sa mga krimen. Dahil naniniwala ang mga mananaliksik ng

pag-aaral na ito, na ang pagkakaroon ng edukasyon pa rin ang ating

magiging gabay sa pag-unlad at ito lamang ang pamanang mananatiling

taglay natin sa pagtahak natin sa panibagong yugto ng ating buhay.

Sa isang pananaliksik na isinagawa ni Jovis Malansan,

pinamagatang “Bakit Karamihan sa mga Estudyante ay Mayroong Mababa

at Bagsak na Marka sa Eskwelahan”. Sa nasabing pananaliksik

naglahad si Malansan J. ng mga posibleng sanhi ng pagkakaroon ng

mababa at bagsak na marka ng mga mag-aaral sa paaralan: Di

13
pagseseryoso ng estudyante sa kanyang pag-aaral; katamaran sa Pag-

aaral. 1

Sa parehong pananaliksik, ang mananaliksik na ay naglahad ng

kaniyang konklusiyon tungkol sa kanyang paksang pinag-aaralan.

Kung saan sinabi niyang, Ang estudyantena mismo ang gumagawa ng

dahilan kung bakit bagsak o mababa ang kanilang mga marka. Kung

gayoon ay hindi lamang ang dapat sisihin ang paaralang pinapasukan

at ang mga guro na naglalayong matuto ang bawat mag-aaral kundi

ang mga mag-aaral mismo ang isa sa dahilan kung bakit nagkakakuha

sila ng mababa at bagsak na grado.

Sa sanaysay na isinulat ni Paul Aries A. Estrella, na may

pamagat na “Pagliban: Isang Suliranin ng Kabtaaan.” Sa nasabing

sanaysay naglahad siya nang kaniyang mga sariling dahilan kung

bakit nakakagawa ng pagliliban ang mga mag-aaral. Isa sa mga

nalalaman niyang dahilan nito ay ang kahirapan. Marami sa mga

kabataan ngayon ang nakakaranas ng ganitong sitwasyon, gustuhin

man nilang makapasok sa paaralan ay wala silang sapat na pambaon

upang makapasok. Ikalawang ibinahagi ng manunulat ay ang problema

sa pamilya. Ito rin ang dahilan kung bakit marami sa mga mag-aaral

ay nakakaisip ng mag-cutting classes dahil sa sama ng loob sa mga

magulang. Ayon sa kanya, away siguro ng away ang mga magulang ng

1
Jovis Malasan (2011), Bakit Karamihan sa mga Estudyante ay Mayroong Mababa at Bagsak na Marka sa
Eskwelahan, nabawi mula sa https://www.scribd.com/doc/45995136/Bakit-Karamihan-sa-mga-Estudyante-ay-
Mayroong-Mababa-at-Bagsak-na-Marka-sa-Eskwelahan-Pananaliksik

14
mag-aaral kaya naisip nitong magbulakbol na lamang. At ang panghuli

ay ang impluwensiya ng masasamang barkada, ang masamang dulot ng

modernong kabataan na isa ring suliranin ng bayan. Minsan ay

humahantong pa ito sa malalang pagka-lulong sa iba’t-ibang bisyo

tulad ng computer games, sigarilyo, inom o maging drogang

ipagbabawal at marami pang iba.2

Kung impluwensiya ang ating pagbabasehan kung bakit lumiliban

sa klase ang mga mag-aaral, ang mananaliksik ng pag-aaral na ito

ay magbibigay ng mga sanhi ng problemang ito. Impluwensiya ng

social media at Internet. Sa kadahilanang lumalago at lumalaki ang

sakop ng teknolohiya, ang pagkabahagi ng social media at Internet

sa buhay ng mag-aaral ay maaring maging sanhi ito nang pagka-

cutting class ng mag-aaral at pagkawala ng kanilang pokus sa pag-

aaral. Maaring maging pangunahing prioridad ng mga mag-aaral ang

paggamit ng ito at isantabi na lamang ang pag-aaral, maari ring

ibase na lamang ang kaniyang mga takdang aralin at mga pagsusulit

sa mga nasabing dahilan. Pangalawa, ang impluwensiya ng kaibigan,

katulad ng panghuling dahilang inilahad sa sanaysay na isinulat ni

Estrella P., maaring ang pagliban sa klase ng mga mag-aaral ay

impluwensiya, hinayaang ng mag-aaral na manipulahin ang kanyang

prinsipyo, at magliban sa klase.

2
Estrella P. (2008), Pagliban, isang suliranin ng Kabataan, nabawi mula sa
http://thegiantroof.tripod.com/HTMLobj-1129/TGRFwinner_2008.pdf

15
Bilang isang mag-aaral, dapat siguro na ipagbigay-alam sa mga

magulang kung ano ang dahilan ng pagliban ng anak sa klase.

Nararapat din na intindihin ng guro ang kalagayan ng mag-aaral

kung may kinakaharap man itong problema. Dapat din nating kausapin

ito ng maayos upang mailantad ng mga mag-aaral ang mga problemang

kinakaharap nito. Nararapat siguro na magbigay ng mga scholarships

ang pamahalaan para sa mga tinatawag na deserving students. Sa

ganitong paraan, maiiwasan na ang pagliban ng mga mag-aaral sa

klase kung pinansiyal ang pag-uusapan. Ang pagmamahal at

paggagabay pa rin ng mga magulang ang mabisang paraan upang

malunasan ito. Dahil kung pupunan ng mga magulang ng pagmamahal

ang kanilang mga anak ay hindi na nila maiisip na magbulakbol sa

pag-aaral, sa halip ay pagbutihin pa ito.

16
IKATLONG KABANATA

METODOLOHIYA

Lugar ng Pag-aaral

Isinagawa ng mananaliksik ang kanilang pag-aaral sa Northern

Samar College, isa ito sa mga pribadong paaralan sa Catarman.

Matatagpuan ang Northern Samar Colleges sa Annuciation street

kanto Roxas Street, barangay J. P. Rizal, bayan ng Catarman,

probinsiya ng Northern Samar. Ang Northern Samar Colleges ay

itinayo noong 1949 at naging isang korporasyon noong 1950 upang

matugunan ang edukasyon na hinihiling ng komunidad.

Upang matugunan ang pangangailan ng alternatibong paaralan na

mas abot-kaya at malapit sa bayan, ipinatayo ang Northern Samar

Colleges, Inc. Kung saan naghandog ang paaralan ng sekondaryang

edukasyon at kolehiyo, ang Northern Samar Colleges (NSC) sa patuloy

na paglago, naghandog ng pangunahing edukasyon kasali na ang

Preschool at baitang mula 1 hanggang 6.

Sa kalalukuyan, mayroong isang libo at isang daang pitongput

pito na kabuaang populasyon ang Northern Samar Colleges mula Senior

High School at Junior High School, sa taong 2017-2018.

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa loob ng nasabing paaralan

dahil sa limitadong distansiya. Ang mga mananaliksik ay

nagdesisyong na dapat bago nila isagawa ang naturang pananaliksik

sa loob ng Northern Samar Colleges, ay dapat munang isa-isahin ang

17
mga suliranin ng paaralan, isa na dito ang pagliliban sa klase ng

mga mag-aaral mula sa kursong ICT, ika-11 baitang sa Northern Samar

Colleges.

Ang pigurang inilahad ay nagpapakita ng mapa kung saan matatagpuan

ang lugar kung saan isasagawa ang pananaliksik.

18
Mga Tutugon

Ang mga sasagot o tutugon sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-

aaral sa paaralan ng Northern Samar Colleges, napagdesisyunan ng

mga mananaliksik na piliin ang mga mag-aaral mula sa ika-11 baitang,

partikular mula sa Information Communication Technology. Ang ika-

11 baitang ng ICT ay nahahati sa tatlong seksyon, seksyon A,

seksyon B, seksyon C. Kung saan ang mga nabanggit na seksyon ay

mayroong bilang mula tatlumpo (30) hanggang tatlumpong-siyam (39).

Lahat-lahat, ang ika-11 baitang ng ICT ay mayroong isang daan at

anim (106) na populasyon.

Pagkalap ng Datos

Isang liham na linagdaan ng tagapayo ang ipamimigay sa mga

tutugon upang maayos na magpaalam na ang mga mananaliksik ng pag-

aaral na ito ay kakalap ng datos mula sa kanila. Pagbibigyan ng

tamang oras ang mga tutugon sa pagsagot ng talatanungan upang

maging tumpak at matamo ang layunin ng pananaliksik na ito.

19
Sukat ng Populasyon

Ang ika-11 baitang ng ICT ang tutugon sa talatanungan ng pag-

aaral na ito. Ang ika-11 baitang ng ICT ay nahahati sa tatlong

seksyon, seksyon A, seksyon B, seksyon C. Kung saan ang seksyon A

ay mayroong kabuang populasyon na tatlumpo (30), ang seksyon B

naman ay mayroong tatlumpong pito na populasyon, samantalang ang

panghuling seksyon, seksyon C ay mayroong tatlumpong siyam na

populasyon. Ang kabuuang populasyon ng tatlong nasabing seksyon ay

mayroong isang daan at anim (106). Ang sukat ng populasyong tutugon

sa pananaliksik na ito ay tanging pili lamang ng mga mananaliksik.

Pagsusuri ng datos

Ang mga matitipong datos at impormasyon ng mananaliksik ng

pag-aaral na ito ay itatala sa pang-statistical na susuriin. Na

kung saan gagamit ang mga mananaliksik ng porsiyento at antas.

20

You might also like