You are on page 1of 21

1

SALIK NG PAGLIBAN: EPEKTO SA ACADEMIC PERFORMANCE

ISANG PANANALIKSIK NA INIHARAP SA PRIBADONG PAARALAN

NG OUR LADY OF LA PORTERIA ACADEMY, BILANGBAHAGI

NG PINAL NA PANGANGAILANGAN SA KURSONG

PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA IBA’T

IBANG TEKSTO NG PANANLISKIK

AT STATISTIC AND

PROBABILITY

NICKO PEREZ

RACHEL CARDIEL

GIAN PAUL ICARO

EDDIE CEZAR BORJA

MARIAN MAE SA Ñ AREZ

11- ST. FRANCIS OF ASSISI

SCIENCE TECHNOLOGY ENGINEERING MATHEMATICS

PEBRERO 2019
2

KABANATA I

PANIMULA

Ang pagliban sa klase ay isa sa pinaka-mahirap na

suliranin na kinakaharap ng bawat paaralan dito sa ating

bansa, marami ng mga solusyon ang kanilang ipanapatupad

upang mabawasan na ito, ngunit imbis na bumaba ang porsyento

ng mga palaging lumiliban mas lumalaki ito sa paglipas ng

panahon. Gaya dito sa paaralan ng Our Lady of La Porteria

Academy hindi maiiwasan ang mga lumiliban sa klase lalo na

sa mga mag-aaral ng Senior High School sa Grade 11-STEM sa

nasabing paaralan. Kaya’t gusto itong solusyonan ng mga

mananaliksik upang mabawasan kahit kaunti ang mga palaging

lumiliban sa klase. Para narin maliwanagan ang mga mag-aaral

kung paano nakaapekto ang pagliban sa kanilang academic

performance.

Sa panahon ngayon, marami na ring mga mag-aaral ang

binabalewala nalang ang pagpasok sa klase. Minsan ang

kadahilanan nito ay ang masamang impluwensya ng barkada o

kung minsan naman ay may sapat at katanggap-tanggap na

dahilan ang mga mag-aaral.

Ang edukasyon ay isang kayamanan na walang sinuman ang

makapagnanakaw. Ito ay itinuturing na napakahalagang bagay

para sa lahat dahil marami kang magagawa kapag ika’y


3

edukado. Sinabi ng ating pambansang bayani nasi Dr. Jose P.

Rizal na “Ang kabataan ang pag-asa ng Bayan”. Ngunit paano

magiging pag-asa ng bayan ang mga kabataan kung sila mismo

ay tumutungo sa maling landas at mas pinipili pa ang

kanilang kagustuhan kaysa sa kanilang kinabukasan. Sa

henerasyon ngayon marami sa ating mga kabataan ang

bumabagsak sa klase dahil sa madalas silang lumiliban sa

klase. Ang ibang kabataan ay madalas kinukulang sa

pangtustos sa mga gatusin sa eskwelahan, walang pangbaon,

nabu-bully o naaapi sa kanilang mga klase, nawawalan ng

ganang mag-aral dahil sa problema. Naiimpluwensyahan ng

maling mga barkada o grupo ng kaibigan, at ang iba pa ay

maaaring dahilan kung bakit marami sa kanila ang lumiliban

sa klase.

Ang madalas na pagliban sa klase ay nakakaapekto sa

akademiklng performans ng mga mag-aaral at maging sa

kanilang kinabukasan. Marami silang nalalagpasang mga

paksain, asignatura at pagsusulit, dahilan upang maapektuhan

ang kanilang marka na maaring maging dahilan upang bumagsak

sila at umulit sa asignaturang iyon.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa Epekto ng Pagliban sa

Academic Performance ng mga mag-aaral sa Senior High School


4

ng Grade 11-STEM Our Lady of La Porteria Academy. Kaugnay

nito, ito ay naglalayong masagot ang mga sumusunod:

1. Ano ang mga salik ng pagliban sa klase ng mga mag-

aaral?

2. Ano ang epekto ng pagliban sa akademikong performans ng

mga mag-aaral?

3. Ano-anong mga pamaraan ang ginagawa ng mga mag-aaral sa

kanilang pagliban upang makaangkla sa akademikong

performans?

Saklaw at Delimitasyon

Sinasaklaw ng pananaliksik na ito, ang pagsusuri sa

kung ano ang magiging epekto ng pagliban sa klase sa

kanilang academic performance at kung paano ito

masusulusyunan. Isinagawa ang pag – aaral na ito sa mga mag-

aaral ng Senior High School sa Grade 11- STEM taong 2018 –

2019. Maghahanap ang mga mananaliksik ng impormasyon upang

malaman ang epekto ng madalas na pagliban sa klase at

kinakailangan nilang makakalap ang impormasyon sa itinakdang

oras ng mga mananaliksik. Hindi kasama sa pag – aaral na ito

ang kabuaang bilang ng mga mag-aaral sa Our Lady of La

Porteria Academy na may tala ng pagliban sa klase.

Kahalagahan ng Pag-aaral
5

Ang pag-aaral na ito ay may kahalagahang maidudulot sa

mga sumusunod:

Mag-aaral. Mahalaga ang pag-aaral na ito sa kanila

sapagkat mamumulat sila sa katotohanan na hindi maganda ang

madalas na pagliban sa klase lalo na ang epekto nito sa

Academic Performance.

Magulang. Mahalaga ang pag-aaral na ito sa mga magulang

dahil ito ang magsisilbing gabay sa kanila upang magabayan

nila ang kanilang mga anak at mapaalalahanan ito na huwag

lumiban sa klase.

Kaguruan. Mahalaga ang pag-aaral na ito sa mga guro

sapagkat maaari silang gumawa ng hakbang upang hikayatin ang

mga estudyante na dumalo sa klase.

Mananaliksik. Mahalaga ang pag-aaral na ito sa kanila

sapagkat maari pa nila itong palawakin at bigyan ng mas

malawak na solusyon ang mga naibigay na suliranin.

DepEd o Department of Education: Mahalaga ang pag-aaral

na ito upang malaman ng mga tauhan ng kagarawan ng edukasyon

upang magkaroon sila ng mga gawain sa mga paaralan upang

makatulong sila sa pagsasaayos ng mga problema ukol sa

pagbaba ng antas ng mga batang madalas lumiban sa klase.


6

AT
G
M EO
YA
R

ol
c
E gi
o al
c Soia
c l
Syte
s m mi
o
D ac
n e
Thor
e y Thor
e y

PIGURA 1. TEORITIKAL NA BALANGKAS


7

Teoryang Sanligan ng Pag-aaral

Ecological System Theory

Ayon sa teoryang “Ecological System Theory” ni

Bronfenbrenner, ang isang mag-aaral ay nasa pinakasentro ng

lipunang kanyang kinabibilangan kung saan malaki ang

posibilidad na maimpluwensyahan siya ng mga indibidwal na

nasa kanyang kapaligiran. Ang mga kagawian o kaugalian na

makukuha niya rito ay maaaring magdulot sa kanya ng tuwiran

o mga di-tuwirang epekto. Sinabi rito na maaaring ang

nakapaligid o ang mga umiimpluwensiya sa mga batang ito kaya

sila lumiliban sa klase.

Social Dominance Theory

Ayon sa “Social Dominance Theory” ni Sidanius and

Pratto, ang bullying ay isang agresibong paraan na may

layuning makuha at mapanatili ang “dominance” ng taong

nambu-bully (Pellegrini and Bartini,2001). Ayon na rin sa

nakasaad sa teoryang ito ay isa pa maipapamana sa kanilang

mga anak. Kung lahat ng bata magiging masipag at masigasig.

Sa kanilang pag-aaral, na mas magiging maganda ang buhay at

kinabukasan ng bawat isa.


8

Balangkas Konseptwal

Ang bahaging ito ay nagpapakita ng magiging daloy ng

pag-aaral na ito.

Gumamit ang mga mananaliksik ng Input-Process-Output

para maipakita ang magiging daloy ng pananliksik. Sa unang

kahon, tinala muna ang magiging suliranin na kanilang

sasaliksikin at nagkalap ng mga gagamiting teorya patungkol

sa Absenteeism o madalas na pagliban sa klase. Nagkalap ng

mga kapakipakinabang na impormasyon na mas lalong

makakatulong sa kanilang pananaliksik. Sa ikalawang kahon

makikita natin na para malaman ang sagot sa suliraning

epekto ng pagliban sa academic performance kaya nangalap ang

mga mananaliksik ng mga datos at impormasyon sa mga mag-

aaral ng senior high school ng Our Lady of La Porteria

Academy. Sa ikatlong kahon naman, doon ay malalaman na ang

mga dahilan kung bakit nakakaapekto ang madalas na pagliban

sa mga estudyante.
9

Mga suliranin
Mga ibat-ibang pag-aaral
INPUT

Pangangalap ng mga
impormasyon sa mga mag-aaral
ng Senior High School ng
Grade11-STEM ng Our Lady of a
PROCESS Porteria Academy

Mga Salik ng Pagliban: Epekto


sa Academic Performance

OUTPUT

Pigura 1. Ang Balangkas Konseptuwal ng Pag-aaral


10

Asampsyon

May malaking epekto ang pagliban sa Academic

Performance ng mag-aaral sa Senior High School ng Grade11-

STEM ng Our Lady of La Porteria Academy.

Hipotesis

Ayon sa pananaliksik ang mga posibleng dahilan ng

pagliban ng mga mag-aaral ay marahil sa kakulangan ng

pangtustos, kawalan ng baon sa eskwela, naghahanap buhay sa

murang edad, pagpigil sa anak na huwag ng pumasok sa

madaling salita kahirapan.

Marami sa mga kabataan ngayon ang nakakaranas ng

ganitong sitwasyon, gustuhin man nilang makapasaok sa

paaralan ay wala silang sapat na pambaon upang makapasok.

Marahil rin ito ay may problema sa pamilya, ito rin ang

dahilan kung bakit marami sa mag-aaral ay nakakaisip ng mag

“cutting classes” dahil sa sama ng loob sa mga magulang.

Away ng away ang kanyang magulang kaya naisip niya na

magbulakbol na lamang. Ito rin ay dahil takot sa guro,

tinatamad, walang ipapasang proyekto, walang takdang-aralin,

udyok ng barkada, tanghali ng magising, may ginawang kasalan


11

sa klase, nalulong sa pag kokompyuter, pagkakaroon ng sakit

o aksidente at marahil ang pinaka masidhing dahilan ay

biktima ng pambu-“bully”.

Katuturan ng Talakay

DepEd o Department of Education. Ang Kagawaran ng

Edukasyon ay ang departamentong tagapagpatupad ng Pamahalaan

ng Pilipinas na responsable sa pamamahala at pagpapanatiling

mataas ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas. Ito ay ang

pangunahing nag-iisip ng mga bagong polisiya, o mga

ipanapatupad sa mga paaralan upang matugunan ang edukasyong

ang edukasyong kailangan ng mga mag-aaral.

Senior High School. Ang Senior High School ay dalalwang

huling taon ng K to 12 Program. Sa ilalim ng Senior High

School, lahat ng mag-aaral ay nakikinabang sa isang Core

Curriculum, o mga paksang pangkalahatan at mga paksang

kapares sa pinili nilang track.

Pagliban o Absenteeism. Ito ay ang pagsasanay na hindi

pumasok sa paaralan ng walang maganda o tamang dahilan.


12

Mag-aaral. Ang mga mag-aaral na tinutukoy dito ay ang mga

estudyante sa Senior High School ng Our Lady of La Porteria

Academy.

Academic Performance. Ang academic performance ay ang

gawain na ibinigay ng iyong guro tulad ng pangkatang-gawain

o mga proyekto. Ito ay kapag ang guro ay tinatala ang mga

pagsusulit, takdang-aralin at marami pang-iba. Ang academic

performance ay ginaganap sa loob ng paaralan lamang. Ito rin

ay patungkol sa grado.
13

KABANATA II

KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Inilalahad sa kabanatang ito ang mga kuagnay na pag-

aaral at literatura na isinagawa ng ibang mananaliksik na

may malaking kapakinabangan sa pagbubuo ng pag-aaral na ito.

Kaugnay na Literatura

Ayon sa aklat ni Stephans, ang pangunahing dahilan ng

istress sa mga estudyante ay ang sobrang trabaho sa pag-

aaral, presyur, mga isyu sa lipunan, at time management. Ang

resulta ng istress ay hindi lamang sa akademiko ng isang

estudyante kung hindi pati rin sa kalusugan ng estudyante

(Stephans, J.,2010).

Nakasaad sa libro ni Jensen, ang pamilya na nakakaranas

ng kahirapan sa buhay ay mayroong mas malaking tyansa na

magkaroon ng tinedyer na ina, makararanas ng depression at

hindi sapat na pangangailangan sa kalusugan. Lahat ng ito ay

patungo sa mababang sensitibilidad tungo sa parte ng nanay

sa anak hanggang siya ay tumanda, hindi maayos nap ag-uugali

sa parte ng anak at mababang academic performance sa

eskwelahan (Jensen, E., 2009).


14

Sa pag-aaral ni Mustaq, gumamit siya ng apat na teorya

para malaman ang epekto ng independienting salik sa

dependienting salik. Gamit ang tamang estatistikal na

pamamaraan, maari ng malaman ang mga resulta. Ang lumabas na

resulta ay ang komunikasyon, mga kagamitan sap ag-aaral,

tamang patnubay, at istress sa pamilya ang mga salik na

nakakaapekto sa academic performance ng estudyante (Mustaq,

I., 2012).

Sa pag-aaral ni Hunter, ang sosyo-ekonomik at

indibidwal na personalidad ang ilan lamang sa mga

nakakaapekto sa academic performance ng mga estudyante. Ang

mga resulta sap ag-aaral na ito ay hindi maaring pagasihan

sa lahat ng paaraalan ng maaring magamit ang masagawang

metodolohiya(Hunter, R.C.A., 2010).

Kaugnay na Pag-aaral

Ayon sa mananaliksik na nagngangalang Kalamag, ang

kanyang pag-aaral ay nakapukos sa epekto ng gawi pag-aaral

sa academic performance ng mga estudyante ng Computer

Science. Ayon sa kanyang mga resulta, ang study habits ay

ang isa sa nakakaambang sa performance ng isang estudyante


15

dahil sa malawak na gamit ng internet, hypertext, at mga

multimedia (Kalamag, A., 2013).

Nakalagay sa pag-aaral ng mayroong kaukulang koneksyon

ang mga grado ng mga student assistant para malaman ang mga

salik na nakakaapekto sa kanila. Gamit ang mga istatistikal

na pamamaraan sa mga nalikom na datos, nalaman ng

mananaliksik na ang ilan sa mga salik na nakakaapekto sa

academic performance ng estudyante sa larangan ng Ingles ay

ang oras na ibinibigay nito sa pagiging student assistant

(Dagoc, J.L, et al. 2009).

Ayon sa pag-aaral, mayroong apat na teoryang ginamit

ang mananaliksik. Natuklsan ng mananaliksik na walang

makabuluhang relasyon ang nakaraang eskwelahan kung saan

nanggaling ang estudyante at ang academic performance nito

sa Polytechnic University of the Philippines. Nakita rin sa

resulta na walang epekto ang set-up ng classroom, personal

na pangganyak, at sosyo ekonomik istatus ng mga magulang sa

pag-aaral ng mga estudyante ( Argentera, M., 2012)

Ang pinakamalakas at panaka-karaniwan na determinant ay

ang trabaho sa pag-aaral habang ang iba naman ay ang


16

pamilya, mga kaibigan, study habits, kalusugan at persepsyon

bilang student assistant, katangian, pinanggalingang lugar,

at persepsyon ng student assistant sa mga guro. Ang mga

determinant na ito ay matinding nagpapahayag sa kanila at

ang mga ito ang mga salik na nakaambag sa pagiging masigasig

at sa academic performance sa eskwelahan (Almario, M.,

2009).

State of the Art

Sa aklat ni Stephens at sa pag-aaral ni Mustaq pareho

nilang tinalakay na ang istress ay isa sa mga salik na

nakakaapekto sa perfomans ng estudyante.

Nakasaad naman sa pag-aaral ni Jensen na kapag ang

pamilya ay nakararanas ng kahirapan sa buhay ang isang

estudyante ay magkakaroon ng mababang performans sa

eskwelahan.

Sa pag-aaral naman ni Hunter tinalakay niya na ang

sosyo-ekonomik at indibidwal na personalidad ang ilan lamang

sa mga nakakaapekto sa akademik performans ng mga

estudyante.
17

Ayon sa pananaliksik ni Kalama gang kang pag-aaral ay

naka-pukos sa epekto ng gawi ng pag-aaral sa akademik

performans ng mga estudyante sa Computer Science.

Nakalagay sa pag-aaral na mayroong kaukulang koneksyon

ang mga grado ng mga student assistant para malaman ang mga

salik na nakakaapekto sa kanilang akademik performans.

Ayon sa pag-aaral, mayroong apat na teoryang ginamit

ang mananaliksik. Natuklsan ng mananaliksik na walang

makabuluhang relasyon ang nakaraang eskwelahan kung saan

nanggaling ang estudyante at ang academic performance.


18

KABANATA III

DISENYO AT PAMAMARAAN NG PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay tumutukoy at naglalaman ng mga

pamamaraan ng pananaliksik sa pag-aaral na ito. Pinapakita

rin dito ang lugar ng pag-aaral, ang mga sampling na

ginamit, mga kasangkot at intrumentong ginamit na naging

batayan ng isinagawang pananaliksik at interpretasyon.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay kwalitatibong

pananaliksik. Ang kwalitatibong pananaliksik ay

kinapapalooban ng mga pagsisiyasat na ang layunin ay

malalimang unawain ang pag-uugali at ugnayan ng mga tao at

ang dahilan na gumagabay dito. Ginamitan ng mananaliksik ang

pananaliksik ng kwantitatibong pamamaraan upang malaman kung

ano-ano ang mga epekto ng pagliban sa Academic Performance

ng Senior High School ng Grade 11-STEM sa Our Lady of La

Porteria Academy.

Lokal ng Pag-aaral

Labing-anim na taon na nang mabuo ang Our Lady of

La Porteria. Mula sa isang pangarap na matugunan ang

pangangailangan ng lipunan sa isang kalidad na edukasyon sa


19

mga Calabangueños at kalapit na bayan, pormal nagsimula ang

Casa Isabelina Learning Center sa Brgy. Sta. Isabel noong

Hunyo 6, 2003 na may 83 opisyal na magaaral sa Nursery,

Kindergarten at Preparatory. Kasama ang apat na mga guro at

3 fakulti, naging matagumpay ang pagsisimula nito sa loob

ng isang taon. Noong 2004-2005, ang paaralang ito ay

nagpatuloy sa operasyon. Bilang tugon sa pagtugon sa

pagdami ng bilang ng populasyon ng mga mag-aaral, nagkaroon

ng karagdagang mga guro at fakulti kaalinsabay ng

pagbubukas ng paraalan ng Baitang 1 at 2. Sa taong 2005

din nang nailipat ang paaralan sa kaslukuyang kinatatayuan

nito. Binago ang pangalan ng paaralan sa Our Lady of La

Porteria Learning Center. Binuksan ang Baitang 3 at 4. Sa

loob ng limang taon, ang paarakang ito ay bukas na para sa

lebel ng Pre-school at Elementarya mula Baitang 1-6.

Binuksan ang Departamento ng Hayskul sa pagbubukas ng taong

panuruan 2007-2008. Noong 2010-2011, binigyan ng

pagpapatibay ng gobyerno ang paaralan para sa Departamento

ng Hayskul. Sa taong din na ito, ang paaraan ay

pinagalanang Our Lady of La Porteria Academy. Bilang tugon

sa programa ng Kagawaran ng Edukasyon sa pagbubukas ng K-12

Curriculum, nagbukas ang paaralan ng Senior High School na

may General Academic Strand (GAS) at Humanities and Social

Sciences (HUMMS) noong 2016-2017. Taong 2018-2019 binuksan


20

para sa mag-aaral ang Science, Technology, Engineering and

Mathematics (STEM) strand.

Populasyon

Ang mga naging bahagi ng pananaliksik na ito ay ang mga

mag-aaral ng Senior High School ng Grade 11- STEM sa Our

Lady of La Porteria Academy na binubuo ng 40 na mag-aaral.

Ang lahat ng mga kalahok ay nasa loob ng isang klase lamang.

BILANG BAHAGDAN
LALAKI 27 67.5%
BABAE 13 33.5%
KABUUAN 40 100%
Talahanayan 1. Ang mga Respondyente ng pag-aaral sa Baitang

11- STEM ng Our Lady of La Porteria Academy

Instrumentong Paglikha ng Datos

Ang mananaliksik ay gumamit ng data gathering bilang

pangunahing instrumento sa pagkalap ng mga datos na

magagamit sa pag-aaral. Ang mga mananaliksik ang mismong

kumalap ng mga impormasyon upang lubos na maunawaan ang mga

saklaw at mga posibilidad sa pag-aaral upang matiyak ang

kalidad ang ipepresentang datos

Administrasyon
21

Ang mga mananaliksik ay kumunsulta sa Prefect of

Discipline ng Our Lady of La Porteria Academy na siyang may

hawak ng mga impormasyon at mga talaan na kakailanganin

upang magawa ang pananaliksik.

You might also like