You are on page 1of 11

Pananaliksik ukol sa Dahilan at Epekto ng Pagliban sa Klase

sa Indang Christian Academy

Isang pananaliksik na iniharap para kay


Gng. Vilma Matel

Bilang pagtupad sa Pambahaging Pangangailangan sa


Asignaturang Filipino X (Pluma)

Nina:
Richelle Anne G. Reyes
Aaron S. Penus
Eilwyn Lorenz P. Alimpolos
Hans Benedict C. Novero
Reign Christine B. Rosal
Roshelle C. Coronel
Dahon ng Pagtitibay

Ang pananaliksik na ito na pinamagatang

“Pag-aaral sa Dahilan at Epekto ng Pag liban sa Klase


sa Indang Christian Academy”

ay inihanda ng grupo mula sa ika-sampung baiting bilang bahagi ng katuparan sa


proyekto sa Asignaturang Filpino (Pluma)

Ang pananaliksik na ito ay tinatanggap bilang pagtupad sa isa sa mga


pangangailangan ng Asignaturang Filipino (Pluma)

_______________________ ______________________
Gng. Vilma Matel Dr. Daisy A. Pellos
(Guro) (Punong Guro)
Pasasalamat
Talaan ng Nilalaman

Nilalaman Pahina

 Pamagat…………………………………………………………………1
 Talaan ng Nilalaman……………………………………………..……..2
 Tsapter 1
I. Panimula
a. Rasyonal……………………………………………………………….…3
b. Layunin………………………………………………………………..…..6
c. Suliranin……………………………………………………………..…….6
d. Kahalagahan ng Pag
aaral…………………………………….…………………………….……6
e. Batayang
Koseptual…………………………...………………………………..……8
f. Batayang Teoritikal…………………………….…………………………9
g. Saklaw at
Limitasyon…………………………………………………..……………..9
h. Pagbibigay Kahulugan sa mga
Salita………………………………………………..................................10

 Tsapter 2
II. MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
a. Mga Kaugnay na
Literatura………………………………………………………….….…….11
b. Mga Kaugnay na Pag-
aaral………………………………………………………..……………….13

 Tsapter 3
III. METEDO
a. Disenyo ng Pag-
aaral……………………………………….…………………………………14
b. Lugar ng Pag-
aaral………………………………………………………………………….14
c. Pamamaraan ng Pag-
aaral…………………………………………………………………..………14

 Tsapter 4
IV. BUOD, KONKLUSYON, REKOMENDASYON
a. Buod………………………………………………..……………………..….14
b. Konklusyon…………………………………………………………………..15
c. Rekomendayon……………………………………………….……..……...16
 Tsapter 5
V. DISKUSYON
a. Talahanayan…………………………………………………………………18

 Tsapter 6
VI. APPENDIKS
a. Tanong sa
Pakikipanayam………………………………………………………………20
b. Kwestyoner…………………………..………………………….…………..21
c. Bilang ng nakuhang
Datos………………………………,,,,,,,,,,,,,,,……………………..……….24

Talaan…………………………………………………………………………..…....26

Referens……………………………………………………………….………………31
Kabanata 1

Introduksiyon ng Pananaliksik

Ang edukasyon ay kinabibilangan ng pagtuturo at pag-aaral ng isang kasanayan, at


ang pagbahagi ng kaalaman, mabuting paghusga at karunungan. Isa sa mga
pangunahing layunin ng edukasyon ang ipahayag ang kultura sa mga susunod na
salinlahi. Ito ay isang puhunan ng bawat mamamayan ng isang partikular na bansa
upang maging produktibo ang bawat isa sa pagpapataas ng ekonomiya

Sang-ayon sa ating pag iisip at sa pagsusuring ito. Ang pagpasok sa paaralan nang
regular ay mahalaga sa pananatili ng matibay na pundasyon ng pagkatuto.
Kadalasang napaloob sa panahong pang-elementarya ang simula ng ating pagkalap
na impormasyong pang-sosyal at pang-akademikong kasanayan na nagbubunga ng
pagbuo ng ating pagkatao maliban na lamang kung tayo mismo ang nagiging
hadlang sa ating sariling kapakanan. Sa panahon ngayon, marami-rami na ring mga
estudyante ang binabalewala na lang ang pagpasok sa klase. Minsan ang
kadahilanan nito’y ang masasamang impluwensya ng barkada o kung minsan
naman ay may sapat at katanggap-tanggap na dahilan ang mga mag-aaral. Sinabi
ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal na “Ang kabataan ang pag-asa
ng bayan.” Ngunit, paano magiging pag-asa ng bayan ang mga kabataan kung sila
mismo ay tumutungo sa maling landas at mas pinipili pa ang kanilang kagustuhan
kaysa sa kanilang kinabukasan. Alamnatin na ang madalas na pagliban sa klase ay
nakakaapekto sa ating kinabukasan.

Sa bawat paaralan may mga kanya-kanyang katangian ang bawat mag-aaral,may


matalino ngunit hindi naman ginagamit sa tamang pamamaraan,at may pinagkaitan
naman ng karunungan na kahit anong pilit ay hindi maunawaan ang mga gawain na
inaatas o tinuturo ng kani-kanilang guro,ngunit sila’y nagsisikap maunawaan at
magawa ang kanilang mga gampanin bilang isang mag-aaral,at dito rin pumapasok
ang mga estudyanteng may mga kanya-kanyang pinagkaka-abalahan na ang ninais
lamang ay mapansin at gumawa ng mga bagay-bagay na hindi kanais-nais at labag
sa pinag-uutos ng paaralan,sa madaling salita sila ay ang mga sakit sa ulo na
walang pakialam kung sila’y nakaka-perwisyo na nagdudulot ng problema sa iba
kahit pa sila’y nakakasakit na humahantong sa pambubully sa kani-kanilan mismong
kamag-aral,na kadalasang nauuwi sa pagliban sa klase.Maraming katanungan ang
iba,ano nga ba ang dahilan ng mga estudyante sa pagliban sa klase? hindi man lang
ba nila naisip ang resulta na kalalabasan nito o sa paanong paraan nakaka-apekto
ang pagliaban sa klase ng bawat mag-aaral.

Anong kinabukasan o buhay ang naghihintay sa mga mag-aaral na pilit bumabangon


ngunit napipigilan ng takot at mga katanungan na pilit iniintindi at masagot.

Ayon kay Edelyn S. Tan,sa panahon ngayon marami na rin ang mga estudyante ang
binabalewala,ito rin ang nagiging dahilan kaya tinatamad at mawawalan ng gana sa
pagpasok sa klase. Ayon kay Estrella(2017),na ang pagliban sa klase ay isang
malaking suliranin kinahaharap ng mga kabataang mag-aaral sa kasalukayan ito ay
maaaring dahil sa kahirapan,problema sa pamilya at impluwensya ng masasamang
barkada.

Malimit sa ating kaalaman ang pagliban sa klase naaapektuhan ang ating mga
kaniya-kaniyang kinabukasan o marka na matatanggap nila sa bawat kanilang
asignaturang,marami ang mga paksa sa kanilang mga nalibanan sa klase na
humahantong sa pagkakaroon ng mababang marka o pag-ulit sa mga asignaturang
hindi nila naipasa. Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa mga pagiging huli at
pagliban sa klase pangunahing problema ng mga estudyante sa ICA. Ang
pananaliksik na ito ay tungkol sa pag-aaral sa mga maaaring dahilan,epekto at
solusyon sa suliranin na tinutukoy dito habang tumatakbo ang oras mas lumalala
ang suliranin hinaharap ng mga estudyante sa pribadong pa-aralan sa ICA araw-
araw,maraming naging benipaktibo ang pananaliksik na ito hindi lamang sa mga
mananaliksik kundi sa mga mag-aaral,respondent,sa paaralan at sa mga
mambabasa. Makikita ng lahat kung gaano kahalaga ang pagdating sa paaralan
araw-araw.Para sa mga respondente,maibabahagi ang kanilang mga
saloobin,reaksyon,mungkahi,kaalaman,at mga kasagutan ukol samag-aaral para sa
pagiging huli sa klase.

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa mga dahilan at mga epekto sa mag-aaral ang
pagiging huli at pagliban sa klase. Nilalayon din ng pananaliksik na ito na kunin ang
mga saloobin,reaksyon,mungkahi,kaalaman ng respondent upang marisolba ang
suliranin.
LAYUNIN NG PAGAARAL

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay makatutulong upang malaman ng bawat isa


ang epekto ng madalas na pagliban ng mga estudyante sa klase. Magsisilbi din itong
gabay upang maiwasan na nila ang kanilang madalas na pagliban sa klase.
Sinasagot ng pananaliksik na ito ang mga sumusunod na katanungan:
1. Ano ang dahilan ng estudyante kung bakit sila lumiliban sa klase?
2. Sa paanong paraan makakapaepekto ang paliban sa klase ng mga mag-aaral?
3. Ano ang magiging epekto ng paliban ng mga mag-aaral sa klase?

Paglalahad ng Suliranin

Pag-aaralan ng mga mananaliksik ang pananaw at ang mga maaring


maidulot nito sa mga mag-aaral sa Indang Christian Academy tungkol sa pagliban
ng Klase. Ang pananaliksik na ito ay may mga katangiang nais sikapin na bigyan ng
kasagutan:

1. Ano-ano ang pananaw ng estudyante sa pagliban ng klase?


2. Ano ang dahilan ng estudyante kung bakit lumiliban sa klase?
3. Paano makaka-epekto sa kakayahan ng estudyante sa klase ang pagliban
4. Ano ang maaaring epekto ng pagliban sa paaralan sa mag-aaral ng ICA

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay mahalaga sapagkat ito ay magbibigay pakinabang


sa mga sumusunod:

 Magulang
Ito rin ay magsisilbing gabay sa mga magulang upang magabayan nila ang
kanilang mga anak at mapaalalahanan ito na huwag lumiban sa klase.

 Mananaliksik
Maaaring sumalamin ang mga mananaliksik base sa naging konklusyon ng pag-
aaral. Kung negatibo man ang kanilang nakita sa sarili, maaari nila itong baguhin
para sa kanilang ikabubuti. Maaari ring magamit ng mga susunod na mananaliksik
ang pag-aaral na ito upang maging karagdagang impormasyon sa kanilang pag-
aaral.

 Mga Mag-aaral

Ang impormasyon ay magbibigay ng ideya sa mga mag-aaral ukol sa kanilang mga


limitasyon at kung paano nila ito masusulusyunan. Magagabayan din ng
pananaliksik na ito ang mga mag-aaral na gustong maging sapat at maayos ang
oras ng pagtulog.

 Guro

Ang mga guro ay magkakaroon ng kaalaman sa pananaliksik na maaaring maging


esensyal sa pagbigay ng mga impormasyon sa mga mag-aaral na pumapasok.
Magagabayan rin nito ang mga kailangan gawin ng guro sa isang mag-aaral.
Lahat ng tao ay nangangarap ng isang maganang buhay sa hinaharap. Ngunit
paano nila ito makakamit kung hindi nila pagbubutihin ang kanilang pag-aaral at
isasantabi ito? Oo, sa pamamagitan ng mabuting pag-aaral nila makakamit ang
magandang hinaharap. Dahil dito, nagkakaroon sila ng pag-asa na baguhin ang
kinagisnang hindi magandang buhay kung mayroon man. Gayundin sa
pamamagitan nito ay maaari nila na ipagpatuloy ang magandang buhay na inilalaan
sa kanila ng kanilang mga magulang. Kaya nararapat lang na pahalagahan nila ito at
pagbutihin dahil dito nakadepende ang kalagayan na makakamit nila sa hinaharap.

Bilang isang estudyante, matututunan nating maging isang responsableng tao


dahil marami tayong gagampanang mga tungkulin sa paaralan. Ang pagpasok nang
maaga at sa tamang oras, ang pagbibigay ng mga proyekto at gawaing-bahay sa
tamang araw, at ang pagiging handa sa anumang eksamen ay mga bagay na
makakatulong upang maging matagumpay tayo sa bandang uli sa trabaho at buhay
natin.
Batayang Konseptual

Ang bahaging ito ay nagpapakita ng magiging daloy ng pag-aaral na ito:

INPUT
 Mga Suliranin
 Mga Teorya

PROCESS
 Paggawa ng mga tala tanungan
 Pangangalap ng surbey sa mga magaaral
ng Junior High School sa Indang Christian
Academy

OUTPUT
 Dahilan at Epekto ng Pagliban sa klase sa
Indang Christian Academy
Gumamit ang mga mananaliktik ng Input-Process-Output para maipakita ang
magiging daloy ng kanilang pananaliksik. Sa unang kahoy ay ipinakita ang mga
suliranin at teorya na makakalap sa pagliban sa klase. Sa ikalawang kahon naman
ay makikita natin na para malaman ang sagot sa suliraning madalas na pagliban sa
klase ng mga mag-aaral ng Junior High sa Indang Christian Academy ay gumamit
sila ng surbey o talatanungan. Habang sa ikatlong kahon ay doon malalaman ang
madalas na dahilan ng pagliban sa klase ng mga mag-aaral ng Junior High sa
Indang Christian Academy.

Batayang Teoretikal

Pagkabagot sa pagtuturo ng asignatura.


Maraming bata o mag-aaral ngayon ang maikli ang pasensya o ang pagtutok sa
paliwag ng isang guro. Kesa makipagdaldalan sa katabi o di kaya ay hindi
makinig sa guro, mas pinipili nalang ng bata o mag-aaral na hindi pumasok.

Hindi ramdam ng estudyante na ang asignatura ay may personal na halaga sa


kanilang buhay.
Maraming estudyante ang hindi alam ang halaga ng isang asignatura sa kanilang
buhay. Isang halimbawa dito ay ang pagtuturo ng 'Algebra' sa Matematika. Para
sa kanila ay hindi nila ito magagamit panghabang buhay. Dahil dito ay pinipili na
lamang nilang lumiban dahil para sa kanila, hindi ito makakatulong o hindi
itomagagamit sa kanilang pamumuhay.

May personal na problema ang mag-aaral


Maraming estudyante ang naliban dahil sila ay problema sa pamilya o kung saan
man. Dahil sa problemang ito, pinipili nilang pagpahingahin ang kanilang utak.
Gusto din naman ng iba na mapag-isa muna kaysa pumasok sa paaralan kaya
sila naliban.

Nakakaranas ng pambubulas.
Mapapanood natin minsan sa telebisyon na maraming nakakaranas ng pambubulas.
Bilang isang esyudyante, ayaw nila na sila ay makaranas nito kaya sila lumiliban.
Dahil dito ay malaki ang nagiging epekto nito sa pag-aaral ng bata. Marami itong
nalalagpasan na dapat pag aralan sa eskwelahan.
Saklaw at Limitasyon

Sinasaklaw ng pananaliksik na ito, ang pagsusuri sa kung ano ang maging epekto
ng pagliban sa klase ng mga mag-aaral at kung paano ito masusulusyunan.

Nakatuon ito sa reaksyon at opinyon ng mga guro tungkol sa pananaliksik na ito..


Ang pagaaral na ito ay nakabase lamang sa opinyon ng mga indibidwal na napili
upang sumagot sa sarbey kwestyoneyr na inahanda ng mananaliksik tungkol sa
mga dahilan at epekto ng estudyante ng Indang Christian Academy ay lumiliban sa
klase.

Ang mga mananaliksik ay pumuli ng limampu (50) na estudyante na nakatakdang


sumagot sa sarbey at ang mga respondenteng to ay nagmula sa iba’t ibang seksyon
sa Junior High sa Indang Christian Academy 2019-2020

Pagbibigay kahulugan sa mga salita

Para mas maintindihan ang mga nabasa impormasyon, tinala naming ang mga
mahahalagang salita na may katumbas na kahulugan:

1. Mag-aaral- Ang mga mag-aaral na tinutukoy dito ay ang mga estudyante sa


Junior Highschool ng Indang Christian Academy.
2. Absenteeism- Ito ay ang pagsasanay na hindi pumasok sa paaralan ng
walang maganda o tamang dahilan.
3. DepEd- Department of Education o Kagawarang Edukasyon ito ang
namamahalasa lahat ng patungkol sa edukasyon sa Pilipinas.

You might also like