You are on page 1of 48

THE PHILIPPINE SCHOOL

Leader in Academic Excellence and Values Formation


Al Muhaisnah 2, Dubai, United Arab Emirates
Academic Year 2022-2023

“EPEKTO NG PAGSALI SA EKSTRA KURIKULAR NA AKTIBIDAD SA


PAGHUBOG NG KAALAMAN SA ASIGNATURANG FILIPINO NG MGA
‘ACHIEVER’ NG BAITANG 11 SA THE PHILIPPINE SCHOOL DUBAI”

Isang Pamanahong-papel at Proyekto ng Pananaliksik


Iniharap sa Departamento ng Humanities and Social Sciences
sa The Philippine School of Dubai

Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Kahingian ng Asignaturang


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
sa Kulturang Pilipino 11

Iniharap nina:
Cultura, Jett Cyril
Alsaleh, Chantelle Denone
Esteban, Isha Nicole
Ganadillo, Erin Olive
Mateo, Camille
Japa, Jhulia Kristina

Bb. Queen Irish Alagad


Guro

Hunyo 2023
DAHON NG PASASALAMAT

Lubusang pinasasalamatan ng mga mananaliksik sa pagtulong at pagbahagi ng


kanilang kontribusyon para mapabuti at maging epektibo ang pagsasagawa sa naturing
pag-aaral. Pinasasalamatan at kinikilala ang mga sumusunod na indibidwal sa kanilang
pagsisikap:
● Kay Bb. Queen Irish Alagad
● Sa Mga Kalahok
● Sa Poong Maykapal/Allah

Bilang panimula, salamat kay Bb. Queen Irish Alagad sa pagbibigay ng gabay sa mga
mananaliksik sa proseso ng paggawa ng pag-aaral. Malaking tulong ang nabigay ng
pagsasaad ng mga komento o suhestiyon upang lalong maintindihan at maisagawa nang
maayos ng mga mananaliksik ang nasabing pag-aaral.

Malaking pasasalamat ang inihahandog ng mga mananaliksik sa kanilang mga kalahok o


respondente sapagkat naging mahalagang kontribusyon ang kanilang mga sagot upang
makabuo ng resulta at konklusyon. Sa mga kasagutan din umikot ang diskusyon ng
pag-aaral.

At panghuli, nagpapasalamat ang mga mananaliksik sa Poong Maykapal/Allah sa paggabay


sa kanila habang isinasagawa ang pag-aaral. Dahil sa kanyang patnubay, nabigyan sila ng
lakas ng loob upang matagumpay na natapos ang pananaliksik.

Muli, maraming salamat po.

– Mga Mananaliksik
TALAAN NG NILALAMAN
Pamagat.………………………………………………………………………………………I

Dahon ng Pasasalamat.…………………………………………………………………...…II

Kabanata I Ang Suliranin at Kaligiran Nito

1.1 Introduksyon.…………………………………………..………….………………V
1.2 Balangkas Tereoretikal………………………………...…………...…………….VI
1.3 Balangkas Konseptwal……………………………………………..…………....VII
1.4 Paglalahad ng Suliranin……………………………....……………...…………VIII
1.5 Kahalagahan ng Pag-aaral………………………………………………...…….VII
1.6 Saklaw at Delimitasyon……………………………………………..………..….IX
1.7 Kahulugan ng mga Katawagan………………………………………..……..…. IX

Kabanata II Rebyu ng Kaugnay na Literatura


2.1 Mga Kaugnay na Literatura……………………………………….……………XI
2.2 Mga Kaugnay na Pag-aaral…………………….………………………………XII
2.3 Sintesis………………………………………….……………...……………...XIII

Kabanata III Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik


3.1 Paraan sa Paglikom ng Datos……………………………………….………….XIV
3.2 Paraan sa Pagsusuri ng Datos……………………….……………….………….XV
3.3 Mga Respondente……………………………………….……………………....XV
3.4 Pamamahala ng Talatanungang Panayam………………….….……………….XVI
3.5 Pagbuo ng Talatanungan ng Panayam………………………..………………..XVI

Kabanata IV Mga Resulta at Pagtalakay


4.1 Katangian ng Mga Respondente…………………………...………………….XVII
4.2 Positibong Epekto ng Pagsali sa Ekstra Kurikular na Aktibidad sa Paghubog sa
Kaalaman sa Asignaturang Filipino ng Grade 11 ‘Achievers’..............................................XIX
4.3 Mga Epekto ng Pagsali sa Ekstra Kurikular na Aktibidad sa Paghubog sa
Kaalaman sa Asignaturang Filipino ng Grade 11 ‘Achievers’.............................................XXII
4.4 Ang Epekto ng Pagpapahusay ng Pakikipagkapwa ng mga Estudyante sa mga
Paraang Tuwing may mga Talakayan sa Klase lalo na sa Asignaturang Filipino ng Pagsali sa
mga Ekstra Kurikular na Aktibidad………………………………………………………XXIII
4.5 Action Plan upang Matulungan ang mga Mag aaral na ‘Achiever’ o ang mga Mag
Aaral na nais maging ‘Achiever’ upang Mapaunlad ang Kanilang Akademikong
Katayuan………………………………………………………………………………….XXIV

Kabanata V Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon


5.1 Lagom na Natuklasan…………………………………………………………XXV
5.2 Konklusyon……………………………………….………………………….XXVI
5.3 Rekomendasyon………………………………………..…………………….XXVI

Sanggunian……………………………………………………………………………XXVIII
Kabanata I
Suliranin at Kaligiran Nito

1.1 Introduksyon
Ang kahulugan ng ekstrakurikular ay isang hanay ng mga aktibidad na inayos sa
labas ng regular na araw ng paaralan, kurikulum o kurso na nilalayon upang matugunan ang
mga interes ng mga mag-aaral.

Ang pagsali sa mga aktibidad na kinagigiliwan ng mag-aaral ay maaaring


magpatalas ng utak, at makatulong sa pag-concentrate at pamahalaan ang oras ng mas
mahusay at ang lahat ng ito ay makakatulong upang makamit ang mas mataas na marka sa
asignatura. Tulad lamang ng mga high endurance sports, ay makakatulong sa pagsasanay
ng pokus ng isang estudyante na maaaring makatulong sa pag aaral, pakikipagkapwa at
pakikipag talakayan sa klase. Ang pagkakaroon ng ekstrakurikular na mga aktibidad ay
makakabigay ng opurtunidad upang madiskubre ng isang mag aaral ang mga interes na
hindi lamang limitado sa akademikong pag aaral. Ang pananaliksik na ito ay isasagawa sa
The Philippine School Dubai. Ang paaralan ay itinatag noong Pebrero 20, 2008. Ang
paraalan ay magiging tagpuan ng mga mananaliksik at mga piling tutugon sa pananaliksik
na ito. Ito ay magiging lugar kung saan isasagawa ang pag-aaral tungo sa pagtatapos ng
pananaliksik na ito.

Ang mga ekstra kurikular na aktibidad ay nagbibigay ng isang bagay na masayang


gawain bukod sa pag aaral. Nagbibigay din ito ng pagkakataong tuklasin ang iyong mga hilig
upang matuklasan ang mga bagay na maaaring interesado ka sa higit sa mga akademiko
habang naglalaan ng oras sa pagbabasa ng libro. Ang mga estudyante na gumagawa ng
mga extra curricular na aktibidad ay hindi lamang makatutulong sa kanila bilang isang
indibidwal ngunit nagkakaroon din ng mga relasyon sa ibang tao. Ang mga extra curricular
na aktibidad ay maaaring magbigay ng maraming pagkakataon sa mag-aaral at malamang
na magkaroon ng mga benepisyo sa kanilang sarili. Ang iba't ibang antas ng paglahok sa
aktibidad at pakikilahok ay maaaring positibong makaapekto sa tagumpay sa hinaharap sa
mga kalahok.

Nais ng mga mananaliksik na matuklasan ang epekto ng pagkakaroon ng ekstra


kurikular na aktibidad sa pagpapabuti ng kanilang akademikong katayuan. Ang epekto ng
pagsali ng ekstra kurikular na aktibidad ng mga mag-aaral sa baitang 11 ng The Philippine
School Dubai sa pagpapaunlad ng kanilang marka sa asignaturang Filipino. Pangatlo, upang
mabatay kung may mga negatibong aspeto ang pagkakaroon ng ekstra kurikular na ipinag
sasabay sa pag-aaral. Panghuli, kung sapat ang kanilang oras upang balansihin ang
kanilang piling ekstra kurikular na aktibidad at ang kanilang mga mga kinakailangan sa
paaralan.

1.2 Balangkas Tereoretikal

Ang teoryang Multiple role theory ni James Coleman ay tungkol sa pagpapaliwanag


na ang mga ekstra kurikular na aktibidad ay nagbibigay ng karagdagang, komplimentaryong
mga tungkulin para sa isang mag aaral na nakikinabang sa akademiko dahil ang idinagdag
na papel ng atleta, halimbawa, ay nagpapataas ng pagpapahalaga sa sarili at
pangkalahatang pakikilahok / interes sa paaralan, na maaaring mapalakas ang mga marka
(Hunt, 2005).

Ginamit ng mga mananaliksik ang teoryang ‘Multiple role theory’ upang magsilbing
balangkas ng pag aaral upang mas makatotohanan ang pag aaral na ito. Hindi tulad ng
panahon noon, binibigyang balanse na ang pagbibigay importansya sa pagsali sa mga
ekstra kurikular na aktibidad at hindi lamang pang akademiko. Ito ay parte na sa
kadahilanang, nakakitaan ito ng pagbibigay ng benepisyo sa mga estudyante sapagkat may
iba’t iba silang matutunan na mga kasanayan at kaalaman na maaari nilang magamit sa
mga asignaturang itinuturo sa paaralan at maging sa pang araw araw na pamumuhay.

Ayon kay Howard Gardener, ang teoryang ‘Multiple Intelligence Theory’ nagsasaad
na ang bawat kaalaman ng mag aaral ay may kakayahang magbigay ng iba’t ibang resulta
sa isang silid-aralan. Kung ang talino ng isang bata ay makilala, maaring mas matagumpay
na mapapaunlakan ng mga guro ang iba’t ibang mag aaral ayon sa lebel at antas ng
kanilang kaalaman.

Isa sa siyam na ‘intelligence’ ng ‘Multiple Intelligence Theory’ na ginamit ng mga


mananaliksik ay ang Interpersonal. Ito ang talino sa interaksyon o pakikipag-ugnayan sa
ibang tao. Ito ang kakayahan na makipagtulungan at makiisa sa isang pangkat. Ang taong
may mataas na interpersonal intelligence ay tinatawag na extrovert. Ang extrovert ay isang
tao na mahilig makipaghalubilo sa tao at komportable siya makipag-usap at makakilala ng
mga tao. Kabalikaran naman nito ang introvert isang tao na nahihirapan makipag interact ,
makipag-usap, at makipaghalubilo sa mga tao.
1.3 Balangkas Konseptwal

Pigura Blg. 1
Ang paradigma ng pag aaral

Ipinapakita ng Pigura Blg. 1 ang paradigma ng pag aaral. Ang input ay ang positibo
at negatibong epekto ng pagsali sa ekstra kurikular na aktibidad sa paghubog sa kaalaman
sa asignaturang Filipino ng Grade 11 at sa paanong paraan ito nakakatulong sa
pagpapahusay ng pakikipagkapwa ng mga estudyante sa mga paraang tuwing may mga
talakayan sa klase lalo na sa asignaturang Filipino ang pagsali sa mga ekstra kurikular na
aktibidad. Ang proseso ng pananaliksik ay pagsasagawa ng isang interbyu kwestyuner,
pamamahagi ng interbyu kwestyuner sa mga piling estudyante ng ika-11 baitang, pag-ayos
sa mga datos o kasagutan na naikolekta mula sa mga piling estudyante ng ika-11 baitang, at
pagsusuri at pagbibigay interpretasyon sa mga datos na nalikom. Ang output ay malaman
ang epekto ng pagsali sa ekstra kurikular na aktibidad sa paghubog sa kaalaman sa
asignaturang Filipino ng grade 11 sa The Philippine School Dubai at makapagbigay ng
lagom, konklusyon, at rekomendasyon.
1.4 Paglalahad ng Suliranin
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang mabigyan ng tiyak na kasagutan ang mga
sumusunod na katanungan:

1. Ano ang katangian ng mga respondente ayon sa mga sumusunod na katanungan:


1.1 Pangalan (opsyunal)
1.2 Edad
1.3 Akademikong Katayuan
1.4 Strand
1.5 Katayuan sa Lipunan?

2. Ano ang positibong epekto ng pagsali sa ekstra kurikular na aktibidad sa paghubog sa


kaalaman sa asignaturang Filipino ng Grade 11?

3. Ano ang negatibong epekto ng pagsali sa ekstra kurikular na aktibidad sa paghubog


sa kaalaman sa asignaturang Filipino ng Grade 11?

4. Paano nakatutulong sa pagpapahusay ng pakikipagkapwa ng mga estudyante sa mga


paraang tuwing may mga talakayan sa klase lalo na sa asignaturang Filipino ang pagsali
sa mga ekstra kurikular na aktibidad?

1.5 Kahalagahan ng Pag-aaral


Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay at makakatulong sa mga sumusunod:

Mga Mag-aaral. Makakatulong ang pananaliksik na ito upang mapalawak ang kaalaman ng
mga mag-aaral tungkol sa ng Filipino. Ang pagsali ng mga estyudante sa mga ekstra
kurikular na aktibidad sa paaralan ay makakatulong upang maengganyo silang matuto at
mag-aral gamit ang ibang paraan. Inaasahan na ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa
pag-usbong ng pagsali ng mga mag-aaral sa ekstra kurikular na aktibidad.

Mga Guro. Makakatulong ang pananaliksik na ito upang matukoy ng mga guro ang
kakayahan ng mga mag-aaral na hindi naipapakita sa loob silid-aralan. Makakapagpahinga
din ang guro sa pangkaraniwan na uri ng pagtuturo sa mga mag-aaral at mailalabas ang
iba’t ibang uri ng paraan upang matuto. Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing tulong sa mga
guro upang suriin ang kanilang mga mag-aaral.
Mga Magulang. Makakatulong ang pananaliksik na ito upang makita ng mga magulang ang
iba’t ibang talento ng kanilang mga anak. Bilang isang magulang ang kasiyahan at maayos
na pag-aaral ng kanilang anak ang nagbibigay kasiyahan sa kanila. Ang pag-aaral na ito ay
makakatulong sa pagbibigay halaga ng mga magulang sa mga ekstra kurikular na aktibidad
na ginawa ng anak nila sa paaralan.

Mga Susunod na Mananaliksik. Makakatulong ang pananaliksik na ito bilang haligi sa mga
darating na pag-aaral tungkol sa paksa na ito. Ang pag-aaral na ito ang siyang magiging
gabay sa mga mananaliksik na gagawa ng sariling aral tungkol sa epekto ng pagsali sa
ekstra kurikular na aktibidad sa paghubog sa kaalaman sa asignaturang filipino ng mga
mag-aaral.

1.6 Saklaw at Delimitasyon

Ang pag aaral na ito ay naka pokus lamang sa Epekto ng Pagsali sa Ekstra
Kurikular na Aktibidad sa Paghubog sa Kaalaman sa Asignaturang Filipino ng Grade 11 sa
The Philippine School Dubai.

Nakapaloob dito ang mga positibo at negatibong epekto ng pagsali ng mga


estudyante sa ekstra kurikular na mga aktibidad lalo na sa paghubog ng kaalaman sa
asignaturang Filipino ng Grade 11. Ang pangunahing punto ng pag aaral na ito ay masuri
ang pagiging epektibo ng ekstra kurikular na mga aktibidad sa paghubog ng kaalaman ng
Grade 11. Sa kabilang banda, ang pangangalap ng mga datos mula sa pananaliksik na ito
ay itatakda sa pangunahing kampus ng TPS Dubai. Hindi kasama rito ang iba pang mga
antas at baitang na kabilang sa senior high school. Ang pag-aaral na ito ay itutuon lamang
sa mga mag-aaral na Grade 11.

1.7 Kahulugan ng mga Katawagan

Upang maunawaan ng lubos ang pag-aaral na ito, ang mga mananaliksik ay


binigyang kahulugan ang mga sumusunod na mga katawagan.

Ekstra-kurikular- Isang hanay ng mga aktibidad na inayos sa labas ng regular na araw ng


paaralan, kurikulum o kurso na nilalayon upang matugunan ang mga interes ng mga
mag-aaral. (Extracurricular activity | Unesco IIEP Learning Portal, n.d.)
Paghubog- Ito ang pang magpasya o makaimpluwensya sa anyo ng isang bagay, lalo na
ang isang paniniwala o ideya. (Shaping, 2023) Sa pag-aaral na ito, ang mga ekstra kurikular
na aktibidad ay humuhubog sa personalidad ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng
pagiging nakatutok at matatag sa isip at bumuo ng mga propesyonal na kasanayan.
Asignatura - Isang departamento ng kaalaman o pagkatuto department of knowledge or
learning. (Definition of subject, 2023) Ang asignatura ayon sa pagaaral na ito, ay
nagpapatungkol sa asignaturang Filipino na pinag aaralan at parte ng kurikulum ng baitang
11 ng The Philippine School, Dubai.
Itutuon- Isang estado o kundisyon na nagpapahintulot ng malinaw na pang-unawa o
pag-unawa. (Definition of focus, 2023) Sa pag-aaral na ito, ang pagsali sa mga
ekstrakurikular na aktibidad ay makakatulong sa mga mag-aaral na maitakda nang maayos
ang kanilang mga priyoridad at magsasanay sa iyo na tumuon sa mas mahihirap na hamon.
Akademiko- Ito ay may kaugnayan sa isang akademya paaralan lalo na ng mas mataas ng
pag-aaral. (Akademiya, n.d) Sa pag-aaral na ito, nagagawa ng mga mag-aaral na
maghangad ng mas mataas na mga marka at magkaroon ng mas maraming pagkakataon
sa akademiko.
Aktibidad- Ang gawaing iskolar ay nangangahulugan ng pananaliksik ng kalidad at
kahalagahan. (Scholarly activity Definition | Law Insider, n.d) Sa pag-aaral na ito, ang mga
aktibidad na ito ay makakatulong din sa mga mag-aaral na magkaroon ng mga kasanayan
sa pamumuno at magkaroon ng kumpiyansa.
Kasanayan- Ito ay nangangailangan ng kadalubhasaan.
(Meaning of kasanayan - Tagalog Dictionary, n.d) Sa pag-aaral na ito, nagagawa ng mga
mag-aaral na maging mas bukas ang isipan sa mga bagong kasanayan at bumuo ng
kadalubhasaan kapag nakikilahok sa mga aktibidad sa ekstrakurikular.
Kaalaman- Ito ang pag-unawa o impormasyon tungkol sa isang paksa na nakukuha mo sa
karanasan o pag-aaral. (Knowledge, 2023) Sa pag-aaral na ito, mas nagkakaroon ng interes
ang mga mag-aaral sa paglahok sa mga ekstra kurikular na aktibidad.
Talakayan- Pagpapalitan ng opinyon tungkol sa isang partikular na paksa.
(TALAKAYAN: Definition of the Tagalog word talakayan in English, n.d.) Sa pag-aaral na ito,
maipapahayag ng mga mag-aaral ang kanilang opinyon at makihalubilo sa iba.
Kabanata II
Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng pagsusuri ng mga kaugnay na literatura at mga


pag-aaral na nakalap mula sa iba't ibang mga pagbasa at mga mapagkukunan na
natagpuang may kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral.

2.1 Mga Kaugnay na Literatura

Ang bahaging ito ng pagsusuri ng mga kaugnay na literatura ay kinabibilangan ng


mga sumusunod: Ang mga positibo at negatibong epekto ng pagsali sa ekstra kurikular na
aktibidad sa paghubog sa kaalaman ng mga mag aaral sa asignaturang Filipino at paano ito
nakakaapekto sa pakikipagkapwa ng mga estudyante sa baitang 11 ng The Philippine
School Dubai.

Ayon kay Steven Dowshen, MD sa kanyang sinulat na artikulo sa Kidshealth.org, ang


mga organisasyong ito ay hindi lang tungkol sa palakasan kundi pati narin sa iba't ibang hilig
ng mga mag-aaral. Ayon sa isang sarbey noong 2001 sa isyu ng “Journal of School Health”
na nailathala noong Marso 2003, humigit sa 50,000 mag – aaral ng hayskul sa Minnesota na
aktibo sa mga ekstra – kurikular na gawain ang nagpapakita ng mas malusog na pagkilos sa
larangan ng sosyal at emosyonal na lebel kaysa sa mga estudyanteng hindi aktibo.

Ayon pa sa isang artikulo ng Sa Aking Wika, ang pakikisali sa mga gawaing ekstra
kurikular sa paaralan ay isang mabuting pamamaraan para sa mga bagong dating na mga
mag-aaral upang magkaroon ng mga kaibigan, makapag sanay ng kanilang Ingles at
maramdamang kabahagi ng komunidad ng paaralan. Gayundin, ikinukonsidera ng mga
unibersidad at mga kolehiyo ang mga gawaing ekstra kurikular at pakikisangkot sa
komunidad ng isang mag-aaral para sa aplikasyon ng mag- aaral upang tanggapin o para sa
mga iskolarsip (scholarship).

Bagama't na lumalahok ang mga estyudante sa mga aktibidad sa labas ng paaralan,


isipin padin ang mga benepisyo ng mga ekstrakurikular na aktibidad at kung paano
mapakinabangan ang hilig ng mga estyudante. Ang mga aral na matututunan ng mga
mag-aaral sa pagsali sa mga makabuluhang ekstrakurikular na aktibidad ay makakatulong
upang makakuha ng trabaho, mag-aplay sa mga unibersidad, at mamuhay ng
makabuluhang buhay. (Crimson Education IN, n.d)
Inilalahad naman ni Fowkes (2009), “Students learn how to compromise and work in
a group. Extracurricular also allows students to meet and interact with peers that may not be
within their close group of friends.” Maaring makatulong ito sa paghasa ng kanilang
kakayahang makibahagi at makipagtulungan sa isang grupo. Mas matutulungan ng mga
ekstra-kurikular na mg aktibidad ang isang mag aaral sa pakikipag halubilo sa ibang tao.

2.2 Mga Kaugnay na Pag-aaral

Ang mga sumusunod ay ang mga nakaraang pag-aaral na isinagawa ng iba pang
mga mananaliksik na nagpapakita ng kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral. Ang mga
nakuhang aral ay maikling tinalakay upang mapalawak ang pang-unawa ng mga
mananaliksik.

Ayon sa isang pag aaral nina Zulueta at Buenavente, ang ekstra kurikular na mga
aktibidad ay mga gawaing pang-edukasyong hindi bumabagsak sa loob ng saklaw ng mga
regular na kurikulum. Ito ay iba pang mga gawain ng mga mag-aaral sa labas ng regular na
araw sa paaralan.

Ayon sa pag-aaral ni Najum Tariq noong 2018 Effects of Extracurricular Activities on


Students, ang mga mag-aaral na aktibong lumalahok sa mga ekstra kurikular na aktibidad
ay nakakakuha ng maraming benepisyo kabilang ang mas mataas na mga marka, at mga
marka ng pagsusulit, mas mataas na mga tagumpay sa edukasyon, mas regular na
pagpasok sa klase at mas mataas na tiwala sa sarili. Habang ang mga aktibidad sa labas ng
paaralan ay nagdaragdag ng mga kakayahan sa pamumuno at pagtutulungan ng
magkakasama sa mga mag-aaral. Binabawasan din ng mga aktibidad na ito ang paggamit
ng mga droga, alkohol at mga problema sa pag-uugali at pagdidisiplina na may kaugnayan
sa paggamit ng mga ito.

Kaugnay ng pag-aaral na ito ang tesis na “Isang Pagsusuri tungkol sa Epekto ng


mga School Activities sa Akademiko ng mga Mag-aaral sa San Beda College Alabang ng
Ikaapat na Taong Panunuran 2012-2013”. Ayon sa pag-aaral na ito, maganda raw ang
epekto ng pagsali sa mga aktibidad ng eskwelahan dahil ito ay isang paraan para matuto
ang mga estudyante. Ito ay humahasa sa kaalaman nila. Lalong napapabuti ng mga
estudyante ang kanilang mga gawain dahil alam nila na ito ay ipapakita at ihahambing sa
gawa ng kapwa estudyante. (Apostol atbp.., 2013)
Ayon sa isang empirikal na pag aaral ni Fredricks noong 2011, ang mga mag-aaral
na aktibong sumasali sa mga ekstrakurikular na aktibidad ay karaniwang may mas mataas
na mga marka, mas magandang mga iskor sa mga pagsusulit, at mas positibong karanasan
sa edukasyon sa pangkalahatan. Una, sa pamamagitan ng mga nakahandang aktibidad,
natututuhan ng mga mag-aaral ang pagtupad sa mga tagubilin. Natututo silang makinig sa
mga tagubilin at gamitin ito upang makamit ang inaasahang resulta. Pangalawa, sa
pamamagitan rin ng mga nakahandang aktibidad, natututuhan ng mga mag-aaral ang
kahalagahan ng pagtitiyaga at pagkamotibasyon.

2.3 Sintesis

Ang pag-aaral na isinagawa nina Zulueta at Buenavente na tungkol sa


ekstra-kurikular na aktibidad bilang isang gawaing pang-edukasyong hindi bumabagsak sa
loob ng saklaw ng mga regular na kurikulum ay konektado sa kasalukuyang pag-aaral
sapagkat tinatalakay din ang mga ekstra-kurikular, at ang parehong pag-aaral ay
naghahangad alamin ang mga epekto ng ekstra-kurikular na aktibidad sa akademikong
pag-aaral at may layunin na pagbutihin ang karunungang ng mga estudyante. Bilang
dagdag, ang pag-aaral ni Najum Tariq noong 2018 na pinamagatang ‘Effects of
Extracurricular Activities on Students’ ay isinagawa upang malaman ang mga iba’t ibang
benepisyo ang ekstra-kurikular sa pamumuhay ng mga estudyante ay may kaugnayan rin sa
nais naming matuklasan na kung paano makakabuti at ang pagsali sa mga ekstra-kurikular
na aktibidad sa pagpapahusay ng pakikipagkapwa ng mga estudyante at pagpapaunlad
kanilang kaalaman. Sumunod, ang kasalukuyang pag aaral at ang tesis nina Apostol at
Calaing ay magkaugnay sa paraang parehong naghahangad na maunawaan ang mga
positibong pagbabago sa mga estudyante sa mga tuntunin ng kanilang akademikong
pagganap at pakikisalamuha. Panghuli, ang emperikal na pag-aaral ni Fredericks noong
2011 kung saan nakakatulong daw ang mga ekstra kurikular na aktibidad sa pag-angat ng
academic performance ng mga estudyante. Dagdag pa dito ang pagpapalaganap ng
kasanayan ng mga estudyante sa pakikinig at pagsunod ng mga direksyon gamit ang mga
organisadong palaro.

Isinulat ni Steven Dowshen ang isang artikulo na nagsasabi na ang mga ekstra
kurikular na gawain ang nagpapakita ng mas malusog na pagkilos sa larangan ng sosyal at
emosyonal na lebel kaysa sa mga estudyanteng hindi aktibo. Dagdag pa dito ang isa pang
artikulo galing sa Sa Aking Wika, na nagsasabi na ang ekstra kurikular na aktibidad ay
nakakatulong sa pagkakaibigan ng mga mag-aaral sa paaralan. Nakakatulong din ang
gawaing ekstra kurikular at pakikisangkot sa komunidad ng isang mag-aaral para sa
aplikasyon ng mag-aaral upang tanggapin o para sa mga iskolarsip. Batay naman sa Isinulat
ng Crimson Education IN, mapapakinabangan ang mga hilig ng estudyante hindi lang bilang
pampalipas oras kundi nakakatulong din sa pang akademikong aspekto ng buhay nila dagil
sa pag-sali sa mga ekstra kurikular na aktibidad. Inilahad naman ni Fowkes noong 2009
kung saan dahil sa ekstrakurikular na aktibidad makakatulong ito sa paghasa ng mga
estudyante sa pakikibahagi at pakikipagtulungan sa isang grupo.

Kabanata III
Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik

Sa kabanatang ito inilalahad ang layunin ng pananaliksik, paraan ng pananaliksik na


nais gamitin, ang mga instrumentong gagamitin, kung saan kukunin ang datos, mga uri ng
pangongolekta ng datos, at kung paano mo ito kinokolekta. Ipinapaliwanag ng kabanatang
ito ang iba't ibang pamamaraan na gagamitin sa proyekto ng pananaliksik.

3.1 Paraan sa Paglikom ng Datos

Ang pag-aaral na ito ay gagamamit ng structured interview questionnaire. Ang


qualitative na pananaliksik ay isang uri ng pananaliksik na gumagamit ng iba't ibang
empirical na materyales tulad ng case study, personal na karanasan, pagsisiyasat sa sarili,
kwento ng buhay, panayam, at kultural na mga teksto at produksyon, kasama ang mga
obserbasyon, historikal, interaksyonal, at visual na mga teksto na naglalarawan sa mga
karanasan sa buhay ng mga indibidwal. (Research Guides: Qualitative Research: Getting
Started, n.d.). Ang interview questionnaire ay isang tool sa pananaliksik na nagtatampok ng
serye ng mga tanong na ginamit upang mangolekta ng kapaki-pakinabang na impormasyon
mula sa mga respondente. Maaari itong nakasulat o pasalitang mga tanong at binubuo ng
format na istilo ng pakikipanayam. (What Is a Questionnaire | Types of Questionnaires in
Research, 2022). Ang interbyu kwestyuner ang pinakamabisang paraan upang mabilis at
epektibong makuha ng mga mananaliksik ang mga sagot ng mula sa mga respondente. Ang
mga datos na makukuha sa isang interbyu kwestyuner ay tiyak at magkaiba sa bawat
respondente na sasagot nito. Nasubok at napatunayan na ng mga nakaraang qualitative na
pananaliksik ang paggamit ng interbyu kwestyuner. Dagdag pa dito benepisyo ng interbyu
kwestyuner na tumutulong sa pagpapaliwanag ng mga paksa sa pananaliksik upang mas
maunawaan at tuklasin ang mga opinyon, pag-uugali, karanasan ng mga respondente.
Nakatulong ang interbyu kwestyuner sa mga mag-aaral upang maipahayag at magbigay ng
impormasyon tungkol sa kanilang mga karanasan pag nakikilahok sa ekstra kurikular na
aktibidad.

3.2 Paraan sa Pagsusuri ng Datos


Pagkatapos makuha ng mga mananaliksik ang sapat na mga sagot mula sa mga
respondente nito, maaari na simulan ang pag aayos ng mga nakalap na datos upang mas
madaling mapag aralan. Upang makuha ang naayon na sagot kung gaano ka epektibo ang
pagsasali sa mga ekstra kurikular na mga aktibidad sa paghubog ng kaalaman sa
asignaturang Filipino ng mga mag aaral sa baitang 11 ng TPS, nagpasya ang mga
mananaliksik na ang uri ng diskarte na gagamitin ay pampaksa, maaari silang magpatuloy
sa pamamagitan ng pagsunod sa anim na hakbang sa pagbubuo ng datos:

● Pagpapamilyar - Isulat and datos; Pagbabasa at muling pagbabasa ng datos;


Paglilista ng mga pangunahing alituntunin.
● Pagkukudigo -pagkilala sa teksto at pagbubukod ayon sa kanilang kategorya.
● Pagbuo ng mga tema - Pagtitipon ng lahat ng datos na may kaugnayan sa bawat isa
at pagsamahin ang mga ito sa isang tema.
● Pagsusuri sa mga tema - Sinusuri kung gumagana ang mga tema na may
kaugnayan sa mga naka-code na extract at ang buong datos.
● Paggawa ng ulat - Talakayan ng pagsusuri.

3.3 Mga Respondente


Sa pag-aaral na ito isinasaalang ng mga mananaliksik ang mga estudyante ng The
Philippine School Dubai, partikular na ang mga ‘achievers’ sa baitang 11. Ang bilang ng mga
respondente ay ang mga mag-aaral na nakakuha ng honors sa ika-tatlong kwarter ng
ikalawang semestre. Labing isang (11) mag-aaral lamang ang mapipili bawat seksyon bilang
respondente.

RESPONDENTE POPULASYON SAMPLE SIZE

Grade 11 Achievers for 42 11


the 3rd Quarter
Ang pagpili ng mga respondente ay sa pamamagitan ng non-probability sampling
design. Ayon kay Nikolopoulou (2022), ang non-probability sampling design ay isang paraan
ng pagkuha ng sample na gumagamit ng mga kriterya na hindi random tulad ng availability,
geographical proximity, o ekspertong kaalaman ng mga indibidwal na kasama sa
pananaliksik upang sagutin ang tanong ng pananaliksik. Ang uri ng non-probability sampling
na ginamit ay voluntary response sampling. Ang voluntary response sampling ay itinuturing
na isang uri ng non-probability sampling na pamamaraan dahil ang mga kalahok ay
nagpapasya ng sarili nilang paglahok at pinipili ng mga mananaliksik nang random.

3.4 Pamamahala ng Talatanungang Panayam


Bumati ang mga mananaliksik sa mga respondente mula sa mga estudyante ng
Grade 11, at pagkatapos ay ipinakilala ng mga mananaliksik ang kanilang sarili at maikling
ibinigay ang impormasyon tungkol sa layunin ng pag-aaral sa mga kalahok. Sunod, ibinigay
ng mga mananaliksik ang talatanungan na panayam kasama ang mga karagdagang
tagubilin sa mga respondente. Gayundin, nagbibigay ng paliwanag ang mga kalahok para sa
hindi malinaw na tagubilin at mga tanong upang maisagawa ang talatanungan ng panayam.

3.5 Pagbuo ng Talatanungan ng Panayam


Nilikha ang isang talatanungan ng panayam batay sa pahayag ng suliranin na
iniharap. Ito ay sasagutin ng 11 na mag-aaral mula sa Grade 11. Mayroong 11 bukas na mga
tanong na tutulong sa mga mananaliksik na mangolekta at suriin ang mga hamon na
kinakaharap ng mga mag-aaral sa Grade 11 lalo na sa epekto ng ekstra-kurikular sa
paghubog ng kaalaman sa asignaturang Filipino. Sinasaklaw ng talatanungan ang mga
aspeto sa epekto ng pagsali sa ekstra kurikular na aktibidad mapa-positibo o mapa-negatibo
at ang epekto ng pakikipagkapwa sa mga kaklase sa asignaturang Filipino.

Kabanata IV
Mga Resulta at Pagtalakay

Ipinapakita ng kabanatang ito ang mga resulta, pagsusuri, at interpretasyon ng mga


datos na nakuha mula sa mga sagot sa talatanungang panayam na ipinamahagi sa 11 na
mag-aaral ng Grade 11 mula sa The Philippine School Dubai. Ang mga natuklasan mula sa
talatanungan na ginamit sa mga panayam ay may kaugnayan sa mga paksa ng pag-aaral
na nagtulak sa mga ito.
Katangian ng mga Respondente

Sa pag-aaral na ito, kasama dito ang mga ilang profile variables ng mga respondente
para magamit ang mga nakalap na impormasyon sa pag-aaral. Dito kumakatawan ang mga
resulta sa mga sumusunod na pigura.

1.1 Edad. Ito ay nagpapakita ng katangian ng mga respondente base sa edad ng mga
tumugon.

Talahanayan 4.1:
Distribusyon ng edad ng mga respondente

EDAD FREQUENCY PORSYENTO

15 1 9.09%

16 7 63.64%

17 3 27.27%

Sa mga indikasyon dito, sa lahat ng 11 na respondente, ang edad na 16 ay


nakakuha ng pinakamataas na frequency, 63.64% na tumataglay sa kabuuan ng 11 na
respondente na pumapantay sa 100%.

1.2 Akademikong Katayuan (Honors, With High Honors, With Highest Honors). Ito ay
nagpapakita ng katangian ng mga respondente base sa akademikong katayuan ng mga
tumugon.

Talahanayan 4.2
Distribusyon ng akademikong katayuan ng mga respondente

AKADEMIKONG KATAYUAN FREQUENCY PORSYENTO

With Honors 10 90.90%

With High Honors 1 9.09%

With Highest Honors 0 0%


Sa relusta dito, sa lahat ng 11 na respondent, ang With Honors ay nakakuha ng
pinakamataas na frequency, 90.90% na tumataglay sa kabuuan ng 11 na respondente na
pumapantay sa 100%.

1.3 Strand (STEM, ABM, HUMSS). Ito ay nagpapakita ng katangian ng mga respondente
base sa strand ng mga tumugon.

Talahanayan 4.3
Distribusyon ng strand ng mga respondente

STRAND FREQUENCY PORSYENTO

STEM 7 63.63%

ABM 1 9.09%

HUMSS 3 27.27%

Sa lahat ng 11 respondent, ang STEM ay tumanggap ng pinakamataas na frequency


, 63.63% na tumataglay sa kabuuan ng 11 na respondente na pumapantay sa 100%.

1.4 Katayuan sa Lipunan (Social Class - Middle Class, Upper-Middle Class, Upper
Class,) Ito ay nagpapakita ng katangian ng mga respondente base sa katayuan sa lipunan
ng mga tumugon.

Talahanayan 4.4
Distribusyon ng katayuan sa lipunan ng mga respondente

KATAYUAN SA LIPUNAN FREQUENCY PORSYENTO

Middle Class 7 63.63%

Upper- Middle Class 4 36.36%

Upper Class 0 0%

Sa mga indikasyon dito, sa lahat ng 11 na respondente, ang katayuan sa lipunan,middle


class ay nakakuha ng pinakamataas na frequency, 63.63% 8na tumataglay sa kabuuan ng
11 na respondente na pumapantay sa 100%.
Positibong epekto ng pagsali sa ekstra kurikular na aktibidad sa paghubog sa
kaalaman sa asignaturang Filipino ng Grade 11 ‘Achievers’

Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng malawakang pag aaral upang siyasatin ang
mga positibong epekto ng pagsali sa ekstra kurikular na aktibidad sa paghubog sa kaalaman
sa asignaturang Filipino ng Grade 11 sa aspeto ng kanilang mga kasanayan sa personal,
akademiko, at pakikisalamuha.

Pigura 4.5
Pagtulong ng ekstra kurikular na aktibidad sa akademikong katayuan ng mga mag
aaral

Ang pigura 4.5 ay nagsasaad na ang ekstra kurikular na aktibidad ay may tuwiran o
di-tuwirang epekto sa akademikong katayuan ng mga mag aaral. Sa kadahilanang,
karamihan sa mga respondente ay sumang ayon na nakakatulong sa kanilang akademikong
katayuan ang ginagawang ekstra kurikular na aktibidad subalit ang minorya naman ay hindi
sumang ayon. Ayon sa mga respondenteng sumang ayon, ito ay may tuwiran at positibong
epekto sa kanilang akademikong katayuan sapagkat ang partisipasyon sa mga aktibidad na
ito ay inirerekord kaya lumalakas ang kredibilidad at tumataas ang kumpiyansa sa sarili kaya
nalalaman ang mga iba pang potensyal. Batay sa pagsasaliksik ni Jennifer Fredricks noong
2011 na may pamagat na "Extracurricular Participation and Academic Outcomes: Testing the
Overscheduling Hypothesis", madalas na mas mataas ang mga marka ng mga mag-aaral na
aktibong sumasali sa mga ekstra kurikular na aktibidad. Subalit ayon sa minorya na hindi
sumang ayon, ang partisipasyon sa mga ekstra kurikular na gawain ay hindi nakakatulong
sa akademikong katayuan dahil kaunti o iisa lamang ang sinalihan. Ito ay nangangahulugan
na ang mga karanasan ng mga mag-aaral ay maaaring magdulot ng direktang o hindi
direktang impluwensiya sa kanilang akademikong posisyon.
Pigura 4.6
Positibong epekto ng ekstra kurikular na gawain sa pansariling kapakanan ng mga
mag aaral

Naipapakita ng Pigura 4.6 na ang pagsali sa mga ekstra kurikular na aktibidad ay


may direktang epekto sa personal na aspeto ng mga respondente lalo na sa kanilang
pagpapaunlad ng sarili. Batay sa nakalap na datos mula sa mga respondente, ang 11
estudyante mula Grade 11 A hanggang E ay lubos na nakaranas ng positibong epekto sa
kanilang personal na aspeto lalo na sa pagpapaunlad ng pagkatao dahil sa kanilang pagsali
sa iba’t ibang ekstra kurikular na aktibidad. Ayon sa mga respondente, mas tumaas ang
kanilang kumpiyansa sa sarili dahil mas nahubog ang kanilang kaalaman sa Filipino.
Lumawak ang kanilang bokabularyo at nalaman ang kapabilidad kung kaya’t mas maayos
ang pagpapahayag ng saloobin tuwing klase ng Filipino at mas pinapahalagahan ang
kanilang sariling wika. Ayon sa pag-aaral ni Najum Tariq noong 2018 Effects of
Extracurricular Activities on Students, ang pakikilahok sa mga ekstra kurikular na aktibidad
ay makakatulong sa pagpapaunlad ng mga kakayahang panlipunan at personal, at
nagpapataas ng sariling pag unawa at kumpiyansa dahil dito ininapayo sa mga mag-aaral
na makilahok sa mga ekstra kurikular na aktibidad habang pinanatiling balanse ito sa
kanilang pagganap sa akademiko. Sa impormasyong ito, maipapayo natin na ang pagsali sa
mga ganitong aktibidad ay may malaking impluwensya sa pagpapabuti ng personal na
kagalingan ng mga mag-aaral at maaaring lubos na makaapekto sa kanilang pagkatuto sa
asignaturang Filipino.

Pigura 4.7
Positibong epekto ng ekstra kurikular na gawain sa akademikong pagganap ng mga
mag aaral
Naipapakita ng Pigura 4.7 ang pagtaas ng pakikilahok sa klase at tagumpay sa
akademiko ng mga respondente dahil sa mga ekstra kurikular na gawain. Nakakaranas sila
ng malaking pakinabang mula dito sa aspeto ng akademiko dahil nakita nila ang pagbabago
at pagpapabuti sa kanilang akademikong pagganap. Dahil sa iba't ibang mga ekstra
kurikular na aktibidad na inaalok ng paaralan, nakatulong ito sa mga mag-aaral na makamit
ang mas mataas na tagumpay sa edukasyon, tulad ng pagkamit ng nais na kaalaman at
kasanayan. Ayon sa mga respondente, nahasa ang kanilang mga abilidad tulad ng
pakikilahok, paggawa ng mga akademikong sulatin at iba pang mga gawain na siyang
nakapagtaas ng kanilang mga grado na siyang napansin din ng kanilang mga guro. Ayon sa
empirikal na pananaliksik ni Jennifer Fredricks noong 2011 Extracurricular participation and
academic outcomes: Testing the overscheduling hypothesis, ang mga mag-aaral na madalas
sumali sa mga ekstra kurikular na aktibidad ay karaniwang may mas mataas na mga marka,
mas magandang mga iskor sa mga pagsusulit, at mas positibong mga karanasan sa
edukasyon sa pangkalahatan. Sa pamamagitan ng paggamit ng impormasyong ito, maaari
nating sabihin na ang pakikilahok sa mga aktibidad na ito ay lubos na makatulong sa mga
mag-aaral na maabot ang buong potensyal at ang mas malaki ang tagumpay sa akademiko.

Pigura 4.8
Positibong epekto ng ekstra kurikular na gawain sa pakikipagkapwa/
pakikipagsalamuha ng mga respondente sa mga kanilang kapwa mag-aaral
Ang pigura 4.8 ay nagpapakita na ang epekto ng ekstra kurikular na aktibidad sa
aspeto ng pakikipagkapwa tao ay ang pagpapahusay ng komunikasyon sa pamamagitan ng
paggamit ng wikang Filipino kasama sa mga kapwa mag-aaral. Ayon sa mga respondente,
napaunlad ang kanilag kakayahan na makipagsalamuha sapagkat lumawak ang kanilang
kaalaman sa Filipino lalo na sa kanilang bokabularyo, pag unawa sa ideya ng iba, at higit sa
lahat ang nalinang ang kanilang kakayahang maipahayag ang kanilang mga sariling
saloobin nang maayos gamit ang wikang Filipino. Lalo na sa kabuuan ng grade 11, may mga
ibang sanay na sa paggamit ng wikang Filipino ngunit ang iba ay nahihirapan pa din. Dahil
sa benepisyong naibibigay ng pagsali sa ekstra kurikular na aktibidad, mas nagiging
epektibo ang komunikasyon at relasyon ng mga mag-aaral sapagkat napapadali ang
kanilang pagkakaintindihan. Nakatulong rin ito sa mga respondente na magkaroon ng
bagong mga kaibigan dahil sa kanilang mga parehong interes at nakakapagusap gamit ang
iisang wika. Ayon pa sa isang artikulo ng Sa Aking Wika, ang pakikisali sa mga gawaing
ekstra kurikular sa paaralan ay isang mabuting pamamaraan para sa mga bagong dating na
mga mag-aaral upang magkaroon ng mga kaibigan. Dahil sa mga impormasyong nalikom
masasabing malaki ang pinagbuti ng kakayahan ng mga respondent sa pakikipagkapwa,
tulad ng mas malalim na ugnayan na nabuo nila sa kanilang mga kaklase.

Mga epekto ng pagsali sa ekstra kurikular na aktibidad sa paghubog sa kaalaman sa


asignaturang Filipino ng Grade 11 ‘Achievers’

Pigura 4.9

Naipapakita ng pigura 4.9 ang epekto ng kung paano ginagamit ng mga mag aaral
ang kaalaman sa asignaturang FIlipino. Karamihan sa mga mag aaral ay nagsasabi na
ginagamit nila ang mga kaalaman sa asignaturang Filipino sa mga ekstra-kurikular na
kanilang sinasalihan partikular na sa mga pagsasalita sa publiko na mga aktibidad at
nagiging paraan ito upang mapalawak ang kaalaman sa bokabularyo sa Filipino. Nagagamit
din ng karamihan ang mga ekstra-kurikular na aktibidad upang makipag salamuha at sa
kapwa mag aaral gamit ang lenggwaheng Filipino. Ayon din sa mga mag aaral, maraming
benepisyo ang naidudulot ng pagsali sa mga ekstra kurikular na mga aktibidad dahil nakikita
ng mga mag aaral ang kani-kanilang kakayahan partikular na sa kaalaman patungkol sa
asignaturang Filipino at tumataas din ang kanilang mga grado sa pamamagitan ng
ekstra-kurikular. Ayon sa pag aaral ni Najum Tariq (2008) ang mga mag aaral na may
aktibong partisipasyon ay maraming nakakamit na mga benepisyo tulad ng mas matataas
na marka ng grado, mga parangal, mas aktibong pakikilahok at pagdalo sa mga klase at
mas mataas na kumpiyansa sa sarili.

Ang epekto ng pagpapahusay ng pakikipagkapwa ng mga estudyante sa mga paraang


tuwing may mga talakayan sa klase lalo na sa asignaturang Filipino ang pagsali sa
mga ekstra kurikular na aktibidad.

Pigura 4.10

Naipapakita ng pigura 4.10 ang resulta ng pagpapahusay ng pakikipagkapwa ng


mga estudyante sa mga paraang tuwing may mga talakayan sa klase lalo na sa
asignaturang Filipino ang pagsali sa mga ekstra-kurikular na aktibidad. Batay sa nakalap na
datos positibo ang mga naging resulta ng pakikipagkapwa ng mga estudyante tuwing
talakayan sa klase lalo na sa pagsali sa mga ekstra kurikular na aktibidad sa asignaturang
FIlipino. Maaring pangkatin ang mga sagot ng respondente bilang Personal Development.
Nakahiwalay sa dalawa ang sagot ng mga respondente. Karamihan ay sumagot ng pagtaas
ng kumpyansa sa sarili at ang pagpapaunlad sa pagkabihasa sa wikang Filipino.
Pinapatibay nito ang pag-aaral na isinagawa ni Apostol atbp.., (2013) na nagsasabi na ang
Ekstra kurikular na aktibidad ay humahasa sa kaalaman nila. Lalong napakabuti ng mga
estudyante ang kanilang mga gawain dahil alam nila na ito ay ipapakita at ihahambing sa
gawa ng kapwa estudyante. Dahil sa mga ekstra kurikular na aktibidad ang performance ng
mga estudyante tungo sa pag-aaral ay umangat, kasama na sa pag-angat ng kaalaman ang
kumpyansa sa sarili ng mga mag-aaral sa pag-sagot tuwing talakayan sa asignaturang
Filipino.

Action Plan upang matulungan ang mga mag aaral na ‘achiever’ o ang mga mag aaral
na nais maging ‘achiever’ upang mapaunlad ang kanilang akademikong katayuan

Pigura 4.11

Ang pigura 4.11 nagsasaad ng proposal ng isang ‘action plan’ ng mga mananaliksik
upang matulungan mapaunlad at mapabuti ang mga akademikong katayuan ng mga mag
aaral sa The Philippine School Dubai. Ang action plan ay gagamit ng social media na
‘Facebook’ bilang plataporma nito. Kasama sa action plan ang mga rekomendasyon para sa
mga mag aaral na nais makahingi ng tulong o gabay sa kapwa mag aaral lalo na sa mga
ekstra kurikular at sa asignaturang Filipino. Ayon sa mga nakalap na datos at resulta, may
ilang mag aaral ang patuloy na nahihirapan sa pag balanse ng oras at tila nawawalan ng
motibasyon sa pag aaral. Sa pamamagitan ng action plan na iminungkahi ng mga
mananaliksik, matutulungan ang mga mag aaral ang kapwa mag aaral sa pag aaral, pagsali
sa mga ekstra kurikular na mga aktibidad at matulungan mapabuti ang mental at pisikal na
kalusugan ng kapwa mag aaral.
Aksyon Plan

Kabanata V
Lagom, Konklusyon, at Rekomendasyon

Kabanata V
Lagom, Konklusyon, at Rekomendasyon

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng binalangkas na lagom, konklusyon mula sa


datos na nakuha sa sarbey at ang rekomendasyon ng mga mananaliksik ukol sa suliranin
base sa impormasyon na nakuha.

5.1 Lagom na Natuklasan


Ang layunin ng pag aaral na ito ay upang matuklasan ng mga mananaliksik kung
gaano ka epektibo ang mga ekstra-kurikular na mga aktibidad sa paghubog ng kaalaman sa
asignaturang Filipino at matukoy ng mga mananaliksik ang mga epekto ng ekstra-kurikular
na mga aktibidad sa mga mag aaral na nakatanggap ng parangal o ang mga ‘achievers’
dahil sa kanilang akademikong pagganap. Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng interbyu
kwestyuner, upang makalap ang mga datos na hahanguan ng interpretasyon upang
makamit ang layunin ng pananaliksik. Pumunta ang mga mananaliksik sa mga napiling
respondente gamit ang ‘random sampling’ upang kunin ang mga impormasyong magagamit
sa pag aanalisa ng sariling karanasan ng mga respondente.

Matapos ang ginawang pagsusuri, natuklasan ang sumusunod na mga kasagutan;


Batay sa interbyu kwestyuner na ipinamigay ng mga mananaliksik, halos lahat ng mga mag
aaral ay nakaranas ng positibong epekto sa pagsali sa mga ekstra-kurikular na mga
aktibidad lalo na sa paghubog ng kani kanilang kaalaman sa asignaturang Filipino.
Nagkaroon din ang mga respondente ng lakas ng loob na makisama sa mga klase at
diskusyon.
Natuklasan din na ang kaalaman sa asignaturang Filipino ay nagagamit din ng mga
respondente sa mga ekstra-kurikular na aktibidad higit na sa pakikipagsalamuha sa kapwa
mag aaral. Nakakatulong din ang partisipasyon sa mga ekstra-kurikular na aktibidad sa dahil
ito ay nailalagay sa record na nakakatulong sa akademikong katayuan ng isang mag aaral.

5.2 Konklusyon
Mula sa mga nakuhang resulta ng mga mananaliksik sa kanilang pagkalap ng
impormasyon, ito ang mga nabuong konklusyon.

Ipinakita ng mga mag-aaral na ang mga ekstra kurikular na aktibidad ay nakaka


benepisyo sa kanila sa larangan ng akademiko at pagpapalawak ng kaalaman. May
positibong epekto sa kanilang kalusugan. Higit pa rito, ang pangkalahatang epekto nito sa
grado ng mag-aaral. Ang karamihan sa mga ‘achiever’ sa ikalabing isang baitang ay
nakaranas ng positibong dulot ng pagsali sa mga ekstrakurikular na mga aktibidad sa
paghubog ng kaalaman at pagpapaunlad ng kasanayan ng mga mag aaral sa asignaturang
Filipino. Dahil din sa mga ekstra kurikular na aktibidad, higit na nagkaroon ang mga mag
aaral ng mas mataas na self-esteem dahil natuklasan ng mga mag aaral ang kani kanilang
mga kapabilidad.

Ang interbyu kwestyuner ay nagpapaliwanag nang mas detalyado ng mga pananaw


ng mga mag-aaral sa kanilang opinyon kung paano nakakaapekto ang mga ekstrakurikular
na aktibidad sa kanilang pag-aaral sa akademiko.

Sumang-ayon ang karamihan sa mga respondente na malaki ang epekto ng kanilang


mga marka at nagpakita ng pagpapahusay sa Filipino pag nakikibahagi sa mga ekstra
kurikular na aktibidad.

5.3 Rekomendasyon

Ang bahagi ng pananaliksik na Ito ay naglalahad ng mga rekomendasyong ginawa


ng mga mananaliksik batay sa mga nakalap na datos. sa mga natuklasan at konklusyon,
ang pananaliksik na pag-aaral na ito ay pinamagatang Epekto ng Pagsali sa Ekstra Kurikular
na Aktibidad sa Paghubog ng Kaalaman sa Asignaturang Filipino ng Mga ‘Achiever’ ng
Baitang 11 sa The Philippine School Dubai.

1. Maaring makatulong ang pananaliksik na ito sa pagpapalaganap ng iba't ibang uri ng


ekstrakurikular na aktibidad. Dapat aktibong itaguyod at mag-alok ang mga paaralan
ng iba't ibang uri ng ekstrakurikular na aktibidad na sumasaklaw sa iba't ibang interes
at talento ng mga mag-aaral. Maaaring isama dito ang palakasan, sining, mga klub,
paglilingkod sa komunidad, at mga aktibidad sa pamumuno. Sa pamamagitan ng
pagbibigay ng malawak na pagpipilian, maaaring piliin ng mga mag-aaral ang mga
aktibidad na tugma sa kanilang mga hilig at kakayahan, na nagreresulta sa isang
mas nakakabusog at nakakaengganyong karanasan para sa kanila.

2. Maaring makatulong ang pananaliksik na ito sa pagbigay-diin sa kahalagahan ng


pamamahala ng oras. Ang pakikilahok sa mga ekstra kurikular na aktibidad ay
nangangailangan ng epektibong kasanayan sa pamamahala ng oras. Dapat isama
ng mga paaralan ang pagsasanay at patnubay sa pamamahala ng oras sa kanilang
kurikulum at magbigay ng mga kasangkapan at estratehiya sa mga mag-aaral upang
maiwasan ang pagkaabalahan sa kanilang mga akademikong responsibilidad at mga
ekstrakurikular na gawain. Ito ay makakatulong sa pagbuo ng mga mahalagang
kasanayan sa pagiging organisado at kasanayan sa pamamahala ng oras, na
nagreresulta sa pagpapabuti ng academic performance ng mga estudyante.

3. Maaring makatulong ang pananaliksik na ito sa pagpapaunlad ng pamamaran ng


pagtuturo. Sa lubos na pagkilala ng mga guro sa kanilang mga estudyante, may iba't
ibang pangangailangan at mga kagustuhan ang mga ito patungo sa kanilang
pag-aaral, inirerekumenda na ang mga guro ay umadopt ng mga pamamaraang
indibidwal na pagtuturo. Maaaring maabot ito sa pamamagitan ng paggamit ng
ekstra kurikular na aktibidad, at personalisadong mga plano ng pag-aaral para sa
maayos na pagtuturo sa mga mag-aaral upang matugunan ang kanilang partikular
na mga kakayahan at kahinaan sa asignaturang Filipino.

4. Maaring makatulong ang pananaliksik na ito sa pagpapalaganap ng pakikilahok ng


mga magulang sa edukasyon ng kanilang anak. Nakakatulong ang aktibong suporta
ng mga magulang sa mga ekstra kurikular na aktibidad na sinasalihan ng mga
mag-aaral. Dapat aktibong itaguyod at tulungan ng mga paaralan ang pagkakaroon
ng ugnayan sa pagitan ng mga magulang at guro, tulad ng pag-imbita sa mga
kaganapan sa paaralan tulad ng Intramurals, Foundation Day, at iba pa. Bukod dito,
ang pagbibigay ng mga mapagkukunan at mga estratehiya sa mga magulang upang
suportahan ang pag-aaral at kasiyahan ng kanilang mga anak sa bahay ay
magpapatibay pa sa mga kaalaman na natutunan sa loob ng silid-aralan.
5. Maaring makatulong ang pananaliksik sa pagbibigay ng mahahalagang pananaw
batay sa epekto ng mga ekstra kurikular na aktibidad sa paghubog ng mga
mag-aaral sa asignatutang Filipino. Maaaring pag-aralan ng mga susunod na
mananaliksik ang malalim na epekto ng mga ekstrakurikular na aktibidad sa
paghubog ng mga estyudante asignaturang Filipino sa pangmatagalang panahon,
ikumpara ang epektibidad ng iba't ibang uri ng aktibidad, at imbestigahan ang
impluwensiya ng mga salik sa sosyo-ekonomiya sa pakikilahok at mga resulta.
Dagdag pa dito maari din gawing pundasyon ng mga susunod na mananaliksik ang
pag-aaral na ito.
Sanggunian

Internet;

Hunt, H. David. 2005. The effect of extracurricular activities in the educational process:
Influence on academic outcomes? Sociological Spectrum.
https://www.researchgate.net/publication/233151601_The_effect_of_extracurricular_activitie
s_in_the_educational_process_Influence_on_academic_outcomes

Tariq, Najum. 2018. Effects of Extracurricular Activities on Students.


https://www.academia.edu/37018130/Effects_of_Extracurricular_Activities_on_Students

V. Preston. 2009. International Encyclopedia of Human Geography. Published by Elsevier

Research Guides: Qualitative Research: Getting Started. (n.d.).


https://guides.lib.umich.edu/qualdat

Top 10 Benefits of Extracurricular Activities in High School - Crimson Education IN. (n.d.).
Crimson Education.
https://www.crimsoneducation.org/in/blog/extracurriculars/benefits-of-extracurricular-activitie
s/#:~:text=Lots%20of%20studies%20have%20been,school%20and%20higher%20academic
%20aspirations.

Definition of subject. (2023). In Merriam-Webster Dictionary.


https://www.merriam-webster.com/dictionary/subject

Extracurricular activity | Unesco IIEP Learning Portal. (n.d.).


https://learningportal.iiep.unesco.org/en/glossary/extracurricular-activity#:~:text=definition,ski
lls%20and%20to%20promote%20wellbeing.

Mga Epekto Ng Extracurricular Activities Sa Mga Estudyante Ng University of Nueva


Caceres. (n.d.). Scribd.
https://www.scribd.com/doc/315693551/Mga-Epekto-Ng-Extracurricular-Activities-Sa-Mga-E
studyante-Ng-University-of-Nueva-Caceres
Apostol, Joie.., atbp. 2013. Isang Pagsusuri tungkol sa Epekto ng mga School Activities sa
Akademiko ng mga Mag-aaral ng Ikaapat sa Taong Panunuran 2012-2013. San Beda
College Alabang.
https://www.scribd.com/doc/148519951/Kaugnay-Na-Literatura-Second-Qt

Akademiya. (n.d.). Scribd.


https://www.scribd.com/document/415068000/Akademiya#:~:text=AKADEMIKO%20(ACADE
MIC)%20%2D%20Ang%20kahulugan,mas%20mataas%20na%20pag%2Daaral

Definition of focus. (2023). In Merriam-Webster Dictionary.


https://www.merriam-webster.com/dictionary/focus

Scholarly activity Definition | Law Insider. (n.d.). Law Insider.


https://www.lawinsider.com/dictionary/scholarly-activity#:~:text=Related%20Definitions&text=
Scholarly%20activity%20means%20research%20of,results%20of%20that%20scholarly%20
activity.

Meaning of kasanayan - Tagalog Dictionary. (n.d.).


https://tagalog.pinoydictionary.com/word/kasanayan/

TALAKAYAN: Definition of the Tagalog word talakayan in English. (n.d.). TagalogDotCom.


https://www.tagalog.com/dictionary/word.php?translation_entry_id=13402#:~:text=%5Bnoun
%5D%20discussion%3B%20conference%3B,Frequent

knowledge. (2023). https://dictionary.cambridge.org/dictionary/english/knowledge

shaping. (2023). https://dictionary.cambridge.org/dictionary/english/shaping

What Is a Questionnaire | Types of Questionnaires in Research. (2022, June 29). CintTM.


https://www.cint.com/blog/what-is-a-questionnaire-and-how-is-it-used-in-research

Nikolopoulou, K. (2022). What Is Non-Probability Sampling? | Types & Examples. Scribbr.


https://www.scribbr.com/methodology/non-probability-sampling/

Fredricks, J. A. (2011). Extracurricular participation and academic outcomes: Testing the


overscheduling hypothesis. Journal of Youth and Adolescence, 41(3), 295-306.
Sci-Hub | Extracurricular Participation and Academic Outcomes: Testing the
Over-Scheduling Hypothesis. Journal of Youth and Adolescence, 41(3), 295–306 |
10.1007/s10964-011-9704-0
1. Katangian ng mga Respondente

1.1 Pangalan (opsyunal)

Respondents Response

Respondent 1 Althea Ellao

Respondent 2 Hans Pozon

Respondent 3 Nocole Ashley Malaylay

Respondent 4 Aliya Solivet

Respondent 5 Millard Migule Dumlao

Respondent 6 Naomi Mindo-

Respondent 7 Sofia Cinco

Respondent 8 Geremy Rivera

Respondent 9 Andrei Teoppe

Respondent Sayuri Madrona


10

Respondent Andreanna Julliene Deocampo


11

1.2 Edad:

Respondents Response

Respondent 1 16

Respondent 2 15

Respondent 3 16

Respondent 4 17

Respondent 5 16

Respondent 6 17

Respondent 7 16

Respondent 8 16
Respondent 9 16

Respondent 16
10

Respondent 17
11

1.3 Akademikong Katayuan (Honors, With High Honors, With Highest Honors)

Respondents Response

Respondent 1 With Honors

Respondent 2 With Honors/ High Honors

Respondent 3 With Honors

Respondent 4 With Honors

Respondent 5 With Honors

Respondent 6 With Honors

Respondent 7 With Honors

Respondent 8 With Honors

Respondent 9 With Honors

Respondent With Honors


10

Repondent With Honors


11

1.4 Strand (STEM, ABM, HUMSS)

Respondents Response

Respondent 1 STEM

Respondent 2 STEM
Respondent 3 HUMSS

Respondent 4 STEM

Respondent 5 STEM

Respondent 6 ABM

Respondent 7 HUMSS

Respondent 8 HUMSS

Respondent 9 STEM

Respondent STEM
10

Respondent STEM
11

1.5 Katayuan sa Lipunan (Social Class - Middle Class, Upper-Middle Class, Upper Class,)

Respondents Response

Respondent 1 Upper Middle Class

Respondent 2 Upper Middle Class

Respondent 3 Middle Class

Respondent 4 Upper Middle Class

Respondent 5 Middle Class

Respondent 6 Middle Class

Respondent 7 Middle Class

Respondent 8 Middle Class

Respondent 9 Upper Middle Class

Respondent Middle Class


10

Respondent Middle Class


11
2. Sa iyong panahon ng pag-aaral sa The Philippine School Dubai, sumali kana ba sa ekstra
kurikular na aktibidad?

Respondents Response

Respondent 1 Pagantong ng elementarya, ako ay sumali na sa mga


ekstra-kurikular.

Respondent 2 Oo

Respondent 3 Yes

Respondent 4 Opo

Respondent 5 Sumali na ako sa mga ekstra kurikular na aktibidad tulad ng


DLC, Chess club at mga sports club.

Respondent 6 Meron

Respondent 7 Oo

Respondent 8 Oo

Respondent 9 Oo, sumali ako sa TPS Jam at Eco-warriors Club.

Respondent Oo
10

Respondent Oo
11

3. Ano ang mga ekstra kurikular na aktibidad ang iyong sinalihan? Maglista ng walang
baba sa tatlo (3) at walang hihigit sa lima (5) na sinalihan kaugnay sa The Philippine
School Dubai.

Respondents Response

Respondent 1 ● EEG Public Speaking


● Drum And Lyre
● Emirates NBD Poetry Contest
● TPS Dubai Police Band
● Declamation Contest

Respondent 2 ● Dance troupe


● Student council
● Intramurals
● Academic festival
● Outreach club

Respondent 3 ● Student council


● Student clubs (katulad ng tatak Pinoy)
● Outreach
● Christian Youth Group

Respondent 4 ● DLC (drum and lyre corps)


● Chess Club
● Volleyball Club
● Basketball Club

Respondent 5 ● Poster making


● Tatakpinoy club

Respondent 6 ● Prom
● Intrams
● Marketday
● Academic Fest
● Volleyball club

Respondent 7 ● TPS Jam


● Club (volleyball)
● Serenade (Prom)

Respondent 8 ● TPS Jam


● Eco-warriors club
● Badminton Club

Respondent 9 ● STEM Challenge


● DIWA Video Making Contest
● Byjus Competition (quiz bee)

Respondent ● Badminton Club


10 ● Outreach club

Respondent ● TPS Drum And Lyre


11 ● TPS Dance Club
● TPS Volleyball Club

4. Nakatulong ba sa iyong akademikong katayuan ang iyong ginawang ekstra kurikular na


aktibidad?

Respondents Response

Respondent 1 Oo, higit na nakatulong lahat na ito sa aking akademikong


katayuan.

Respondent 2 Minsan, ang ibang sinasalihan ay di kailangan masyadong ng


akademikong katayuan.

Respondent 3 Oo, dahil ang partisipasyon ko sa mga ekstra kurikular na


aktibidad ay nailalagay sa aking record na nakakatulong sa
aking akademikong katayuan.

Respondent 4 Bago ko sinalihan ang mga aktibidad, nagkaroon ako ng


kasanayan kung saan hindi ko naipapakita ang aking buong
potential sa simula ng taon, ngunit noong sinubukan ko ang
mga ekstra kurikular na aktibidad, nagkaroon ako ng lakas ng
loob para makisama sa mga klase at diskusyon. (na nagdulot
ng positibong epekto sa aking akademikong katayuan)

Respondent 5 Para sa akin oo, dahil nakatulong ito para maiwasan sa


paggamit ng mga gadyet sa bahay at nakatulong din ito sa
aking kalusugan.

Respondent 6 Oo

Respondent 7 Oo

Respondent 8 Oo, mas lumawak ang aking pagkaintindi sa iba’t ibang bagay
at tumaas ang aking kumpyansa na sabihin kung ano ang
aking iniisip.

Respondent 9 Oo, ang mga ekstra kurikular na aktibidad na ito ay


nakatulong sa aking akademikong katayuan.

Respondent Hindi kase wala akong ekstra kurikular, bukod sa club at wala
10 itong epekto sa aking pag-aaral.

Respondent Para sa akin nakatulong ito sa paraan na umangat ang aking


11 Kompiyansa sa sarili, sa paraan na ito nakakasagot ako ng
walang takot sa klase.

5. Ano ang mga positibong epekto sa iyo ng pagsali sa ekstra kurikular na aktibidad
sa paghubog sa kaalaman sa asignaturang Filipino ng Grade 10;

a. Personal

Respondents Response

Respondent 1 Nagbibigayan ako ng pagkakataon na magawa ang aking mga


kagustuhan yulad ng musika, pagsayaw at public speaking.

Respondent 2 Mas nagagamit ang wikang Filipino bilang paraan ng


komunikasyon. Mula rito mapapalawak ang talasalitaan at
mas masasanay ako.
Respondent 3 Naibabahagi ko ang aking opinyon at mas naiaayos ko ang
aking paglalahad ng kasagutan sa klase.

Respondent 4 Malaking parte ang komunikasyon kapag ako ay sumasali sa


mga ekstra kurikular na aktibidad. Dahil dito mas dumali sakin
ang pagpapahalaga para sa aking sarili gamit ang wikang
Pilipino.

Respondent 5 Dahil sa pagsali marami ako natutunan na mga malalalim na


salita nagagamit ko na ngayon.

Respondent 6 Naibabahagi ko ang aking kakayahan

Respondent 7 Bokabularyo increased, pagpahayag ng sariling ideya/


opinyon.

Respondent 8 Mas madali na para sa akin maguspa at magsalita ng tagalog.

Respondent 9 Napabuti ang aking pakikipagsalamuha sa iba a karaniwang


nakakapagsalita ng tagalog kaysa sa ingles.

Respondent Tumataas ang aking self confidence at kaalaman sa


10 asignaturang Pilipino.

Respondent Lalo akong nagkaroon ng mataas na self-esteem kase


11 napagtanto ko ang aking mga kapabilidad.

b. Akademiko

Respondents Response

Respondent 1 Mas nahahasa ang kagalingan sa maraming bagay, dahil din


dito, nagawa kong natutunan ang mga kasanayan tulad ng
leadership at time management, pati na rin ang kumpyansa sa
sarili.

Respondent 2 Dahil sa mga nakaraang karanasan, mas nauunawaan at


naiintindihan ko ang mga binibigay na gawain sa amin.

Respondent 3 Tumataas ang grado ko sapagkat mas nabibigay ko ang aking


mga kalakasan sa iba’t ibang akademikong larangan.

Respondent 4 Labis na nakatulong ang aking pagsali sa student council


subalit naging pagkakataon ito upang maagang makita ng
mga guro ang aking mga abilidad.

Respondent 5 Marami ako napagaralan lalo na sa music sa paggamit ng


drums.
Respondent 6 Oo, nagagamit ko ang aking kakayahan sa paggawa ng mga
proyekto.

Respondent 7 Dahil sa ekstra kurikular na gawain, ako ay nakasagot na


tuwing klase.

Respondent 8 Mas maayos ang aking mga nagagawa na akademikong


sulatin.

Respondent 9 Ang mga aktibidad ay nakatulong sakin sa paglawak ng aking


bokabularyo.

Respondent N/A
10

Respondent Sa paraan ng paggamit sa araw araw ng wikang Pilipino sa


11 pakikisalamuha sa aking mga kasamahan sa grupo
dumadagdag ang aking abilidad sa asignaturang Pilipino.

c. Pakikipagkapwa/ Pakikipagsalamuha sa mga kapwa mag-aaral

Respondents Response

Respondent 1 Dahil sa aking mga nakakasalamuha, nagawa kong mahusay


na may na isipan Ako’y higit na mas natuto.

Respondent 2 Para sa iba, mas madali at mas nauunawaan nila ang Filipino
kaya mas mahaba at malalim ang mga usapan.

Respondent 3 Dahil sa ekstra kurikular, mas na-unlad ang aking kakayahan


na makipag salamuha sa aking mga kapwa mag-aaral.

Respondent 4 Dahil sa mga ekstra kurikular na aktibidad na aking nasalihan,


mas lumalim ang aking kaalaman sa kung paano
mauunawaan ang iba’t ibang ideya at opinyon ng aking mga
kapwa mag-aaral.

Respondent 5 Natuto ako makipag usap sa mga tao at gumawa ng mga


bagong kaibigan.

Respondent 6 Dahil sa kakayahan kong ito iba’t ibang tao ang aking
nakakasalamuha ng may katulad na interest.

Respondent 7 Nag enhance at nasanay akong magtagalog.

Respondent 8 Nakakausap ko sila at hindi na sila nahihirapan intindihin ang


aking mga sinasabi.

Respondent 9 Natuto akong mag-adjust sa paraan ng pakikipag-usap nila sa


akin.
Respondent Mas naging marunong ako makipagsama kadalasan ng
10 kasama ko ay nagtatagalog.

Respondent Nakakatulong ito dahil napapadali ang aking


11 pakikisalamuhasa ibang mag-aaral.

6. Ginagamit mo ba ang mga kaalaman mo sa ektra kurikular na gawain sa paghubog sa


iyong kaalaman sa asignaturang Filipino?

Respondents Response

Respondent 1 Minsa’y nagagamit ko ang aking kasanayan sa asignaturang


Pilipino. Lalong lalo na ang public speaking.

Respondent 2 Kadalasan hindi, medyo malayo ang paksa minsan at walang


relasyon sa Filipino.

Respondent 3 Oo

Respondent 4 Oo, masasabi ko na nagagamit ko ito subalit marami akong


nakukunang kaalaman sa pamamagitan ng mga aktibidad na
sinalihan ko.

Respondent 5 Oo, dahil nagagamit ko mga malalalim na salita na natutunan


ko sa mga kaibigan at tao doon.

Respondent 6 Oo

Respondent 7 Oo. Acad Fest- sa speech choir, upang maipakita ang halaga
ng mga lengguwahe na inaaral natin dito sa paaralan,
gumagamit kami ng Filipino. Instrams/Prom- upang
maintindihan namin ang bawat isa, gumagamit kami ng
Filipino. Market Day- Para mahikayat ang mga tao sa booth
namin at maintindihan nila kung anong mayroon sa booth.

Respondent 8 Oo, mas lalo na sa TPS Jam dahil madami kaming


kinakantang tagalog at mas lumawak ang aking bokabularyo.

Respondent 9 Hindi

Respondent Oo sa paraan ng pakikipag salamuha at naipalawak ito ang


10 aking bokabularyo.

Respondent Hindi dahil wala namang kaugnayan ito sa aking kaalaman sa


11 asignaturang Pilipino.

7. Naapektuhan ba ang iyong akademikong katayuan sa asignaturang filipino matapos ang


iyong ginawang ekstra kurikular na aktibidad?
Respondents Response

Respondent 1 Para sa akin, oo. Napaka raming benepisyo nito isa na diyan
ay nagawa nilang makita ang kakayanan mo bilang isang
indibidwal.

Respondent 2 Halos hindi

Respondent 3 Sa asignaturang Filipino, mas maayos ang aking performance


sa asignaturang Filipino.

Respondent 4 Tumaas ng sobra ang aking mga marka, hindi naman


gaanong nagbago ang aking akademikong katayuan.

Respondent 5 Para sa akin oo, dahil sa sobrang rami ko na ginawa hindi, ko


na kaya i-manage ang aking oras ng maayos.

Respondent 6 Oo, dahil natutulungan akong maging komportable at na


pamumuhay nito ang ating pakikipagtalastasan na na gamit ko
sa klase.

Respondent 7 Oo, dahil parte ng mga aktibidad sa grading system ang


asignaturang Filipino.

Respondent 8 Sa tingin ko oo, dahil mas tumaas ang aking grado habang
lumilipas ang panahon ko dito.

Respondent 9 Oo

Respondent Hindi dahil hindi ko hinahayaan maapektuhan ng mga ekstra


10 kurikular na aktibidad ang aking katayuan sa asignaturang
Pilipino.

Respondent Hindi naman masyado kase hindi ko hinahalo ang aking mga
11 responsibilidad.

8. Nagkaroon ba ng pag-unlad ang iyong social skills/ makipag interact sa kapwa kaklase
gawa ng iyong ekstra kurikular na aktibidad?

Respondents Response

Respondent 1 Oo. Na dahil dito, nagkaroon ako na mga kaibigan na may


kagustuhan na nababagay sa akin.

Respondent 2 Oo, sapagkat nakikipagtalastasan ako sa iba’t iabng klaseng


tao. Dahil dito mas nasanay ako sa mga iba;’t ibang
interaksyon na maaring mangyari.

Respondent 3 Para sa akin, lalo ako nagkaroon ng tiwala sa aking sarili at


napara umunlad ang aking kakayahan na makipag-ugnayan.

Respondent 4 Oo. Nagkaroon ako ng confidence na nagdulot ng pag-unlad


sa aking social skills. Madali kong nahahanap ang mga salita
at naipapahayag ang aking gustong iparating sa aking kapwa.

Respondent 5 Oo, dahil madali makipag usap sa mga tao na parehas ang
aming interest.

Respondent 6 Oo, dahil sa madalas na pag practice at dahil sa mga


rekomendasyon at tulong ng mga nakakasama ko sa ekstra
kurikular.

Respondent 7 Sa patuloy na paggamit ng lengguwahe, ay mas naeenhance


ang aking bokabularyo sa Filipino. At dahil don, mas
nagaganahan akong makipag interact sa aking mga kapwa
kaklase.

Respondent 8 Oo, hindi na ako masyadong nahihiya at nasasabi ko na ang


aking gustong mga sabihin.

Respondent 9 Oo

Respondent Oo, lalo akong nagkaroon ng kumpyansa sa sarili at


10 magkaroon ako ng abilidad sapakikipag sama.

Respondent Umunlad ang aking kompiyansa sa sarili at abilidad sa


11 anumang bagay bilang relasyon sa pakikipag interact
sakapwa.

9. Paano nakatutulong sa iyong pagpapahusay ng pakikipagkapwa ng mga estudyante sa


mga paraang tuwing may mga talakayan sa klase lalo na sa asignaturang Filipino ang
pagsali sa mga ekstra kurikular na aktibidad?

Respondents Response

Respondent 1 Nagagawa kong mailabas ang aking mga pananaw at opinyon


tuwing may mga talakayan sa Filipino. Batid ko na ito’y dahil
sa kumpyansa na binigay sa akin ng pagsali.

Respondent 2 Dahil sa mga ekstra kurikular na aktibidad, na expose ako sa


iba’t ibang sitwasyon kaya nasanay ako ibahin ang speaking
style ko upang hindi maiwasan sa usapan.

Respondent 3 Dahil sa pag-unlad ng ating tiwala sa sarili, nagpapahusay ito


lalo na sa mga talakayan na makapagbigay ng opinyon o
makipag-ugnay sa mga kaklase.
Respondent 4 Tuwing klase, madalas na nagkwekwento ang aking mga
kapwa mag-aaral tungkol sa kanilang personal na buhay.
Dahil dito, mas napapahusay ang aking pakikipagkapwa sa
ibang estudyante tuwing may talakayan.

Respondent 5 Mas nakakagawa ano ng mga proyekto ng mabilis dahil


napraktis na ako sa mga ekstra na aktibidad.

Respondent 6 Nakatutulong ito dahil sa mayrooN akong nakakasalamuhang


ibang tao na may kaparehong interest sakin at dahil dito
maging komportable akong makipagtalastasan at ma practice
ko den ang aking pakikipag ngnayan o talakayan sa klase.

Respondent 7 Dahil sa interaksyon sa iba’t ibang tao noong may ekstra


kurikular na aktibidad, ako ay nasanay at naging komportable
mag Filipino. Kaya, nakakasagot na ako tuwing klase.

Respondent 8 Mas mabilis ko nailalahad ang mga iba’t ibang presentasyon


at mas madami akong nabibigay na impormasyon.

Respondent 9 Ito ay nagbibigay sa akin ng lakas na loob na magtanong sa


aking mga kapwa tungkol sa aking mga aralin.

Respondent Lalo ako nagkaroon ng confidencesumagot kase na realize ko


10 na kaya kong maipahayag ang aking mga ideya.

Respondent Lalong umaangat ang aking social skills at mga abilidad


11 patungkol sa aking talento sa ekstra kurikular na aktibidad.

10. Rekomendasyon/ Mga Maaaring Magmungkahi:

Respondents Response

Respondent 1 N/A

Respondent 2 Goodluck!

Respondent 3 N/AG

Respondent 4 Gawin mo kung saan ka masaya.

Respondent 5 Mahusay! Ang galing

Respondent 6 Napakahusay!

Respondent 7 N/A

Respondent 8 N/A

Respondent 9 Pakikipagtalastasan sa mga tao na mahusay sa wikang


Filipino.

Respondent N/A
10

Respondent N/A
11

You might also like