You are on page 1of 61

1

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY


The National Center for Teacher Education

MGA INTERAKTIBONG GAWAIN SA PAGPAPAUNLAD NG INTERES SA


PAKIKILAHOK SA KLASE NG MGA MAG-AARAL SA BAITANG
11 NG STA. IRENE NATIONAL HIGH SCHOOL

GUIRIGAY, IRISH A.
BATSILYER NG EDUKASYONG FILIPINO

PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS- MINDANAO

ENERO 2019
1

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY


The National Center for Teacher Education

TALAAN NG NILALAMAN

PAHINA

PAMAGAT …..…………………………………………………….………………..

TALAAN NG NILALAMAN ...…..………………………………….….………….

TSAPTER 1 ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO ………..…………….1

1.1 Panimula ………………………………………………………...……….. 1

1.2 Kahalagahan ng Pag-aaral at Layunin ng Pag-aaral ………………...…… 4

1.3 Paglalahad ng Suliranin at Pagbuo ng Haypotesis ………………...…….. 6

1.4 Haypotesis …………………………………………………...………...…. 7

1.5 Saklaw at Delimitasyon ………………………………………………...... 7

TSAPTER 2 DISENYO AT METODO NG PAG-AARAL ………………….…. 8

2.1 Instrumentong Ginamit sa Pag-aaral ………………………………….. 9

2.2 Plano ng Aksyon ….………………………………………………...…… 14

TSAPTER 3 RESULTA ……………………………………………………………... 16

3.1 Ang Antas ng Interes ng mga Mag-aaral sa Pakikilahok sa Klase Bago

Gamitin ang mga Interaktibong Gawain-----------------------------------------------17

3.2 Ang mga Interaktibong Gawain sa Pagpapaunlad ng Interes ng mga Mag-aaral

sa Pakikilahok sa Klase---------------------------------------------------------------- 22

3.3 Ang Proseso sa Pagsasagawa ng mga Istratehiya .……………………….. 22


1

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY


The National Center for Teacher Education

3.3.1 Group Mapping Ativity….....……………………………………… 22

3.3.2 Larawan Ko Buoin Mo ….....…………………………………….. 30

3.3.3 Tumpak Ligwak ………………………………………………….. 34

3.3.4 Bulsa ng Puntos ….....………………………………………………. 36

TSAPTER 4 KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON ……………..….…… 43

4.1 Kongklusyon …………………………………………………………..…. 44

4.2 Rekomendasyon ………………………………………………………….. 45

REPERENSIYA ...…………………………………………………………………….47

APENDIKS ….……………………………………………………………………….. 48

Apendiks A. Assessment Sheet ………………………………………................….48

Apendiks B. Interbyu Kwestyuner ……… …………………......................................49

Apendiks C. Note Card ……………………………………….............................50

Apendiks D. Banghay Aralin ……………………………………….........................51

CURRICULUM VITAE ….………………………….……………………………... 60


1

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY


The National Center for Teacher Education

TSAPTER I

2
ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

1.1 Panimula

Ang pagkakaroon ng interes ng mga mag-aaral sa pakikilahok sa klase ay

mahalagang salik upang epektibo ang kanilang pagkatuto. Ang mga interaktibong gawain

na gagamitin ng guro ay mahalaga upang pukawin ang interes ng mga mag-aaral sa

pakikilahok sa talakayan sa klase.

Ang mga administrador ay nagsasaabi na dapat magkaroon ng mga interaktibong

gawain na gagamitin ng guro upang mapaunlad ang interes ng pakikilahok sa klase ng

mga mag-aaral na magiging angkop din sa kanila at sa kanilang kakayahan upang mas

maging epektibo ang kanilang pagkatuto.

Kailangang magkaroon ng interaktibong gawain sa pagitan ng guro at mga mag-

aaral upang mapataas ang kanilang interes sa pakikilahok sa klase . Ang mga gawaing ito

ay magsisismula sa maluwag at malayang talakayan sa klase na magmumulat sa mga

mag-aaral na mahikayat ng partisipasyon at pakikiisa sa klase.

Ang mga interaktibong gawain ay nakapaloob sa dulog konstraktibismo na

kung saan ito ay isang estratehiyang pampagtuturo. Ito ay isang teaching model na

ginagamit sa kung paano matututo ang tao at kung paano maisasantabi ang pagkakatuto

(Von Glasersfeld, 1989, Cobern, 1995). Pinangangatuwiran nito na ang pagkakaisa ng

lahat ng ideya sa pag-iinterpret ng dating karanasan ay magagamit upang makabuo ng

isang panibago at epektibong ideya (Cobern, 1995). Ang kalakasan ng konstraktibismo


21

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY


The National Center for Teacher Education

ay nakadepende sa konstraktor ng kaalaman. Dahil ang kaalaman ay hindi maaaring ilipat

sa utak ng iba na parang isang kagamitan, ang papel ng guro bilang isang tagabigay ng

kaalaman sa klasrum ay napagtatalunan. Dapat na tanggapin ng isang guro na ang

kaalaman ay nakokonstrak sa pamamagitan ng aksyon at naikokonstrak ng bawat mag-

aaral. Kinakailangan na ang pagtuturo ay dominado ng mag-aaral at ang guro ay

tagagabay lamang sa loob ng klasrum (Baker & Piburn, 1997) sinasabi pa na ang

kaalaman ay nabubuo sa kontekstong-sosyal; ang pedagogy ay dapat na himukin ang mga

mag-aaral na magkaroon ng interaksyon at pakikipagtulungan sa kanilang kapwa mag-

aaral. Lilitaw dito ang katunayan na ang pagbuo ng kaalaman ay impluwensya ng dating

kaalaman at sa pamamagitan nito ang mga mag-aaral ay magkakabuo ng panibagong

ideya at mas makakakonek sa talakayan mula sa kanilang sariling karanasan sa kanilang

pang-araw-araw na pakikipagsapalaran.

Ang mga mag-aaral ay nagkokonstrak ng kanilang sariling pag-unawa at

interpretasyon sa mundong kanilang ginagawalan. Ang mga guro naman ay dapat na

maghanap ng isang mainam na estratehiya at mga interaktibong gawain upang magamit

ng mga mag-aaral at maintidihan nila ito nang mabuti at maiugnay ito sa

kanilangkasalukuyang sitwasyon at mga nakaraang karanasan. Sa pagkonsidara sa

kaalaman ng bawat mag-aaral, alam natin na mayroon talagang mga mag-aaral na

magaling sa klase, hindi gaanong magaling at mayroon ding nahihirapan sa klase

kumpara sa iba pa niyang mga kaklase. Ito ay matutunan sa pamamagitan ng isang

repleksyon at pakikipagsalamuha sa tao.


3
1

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY


The National Center for Teacher Education

Ang teoryang konstaktibismo ay magiging epektibo na gamitin sa kasalukuyang

sitwasyon ng mga paaralan upang mas epektibo ang pagtuturo ng guro at upang mas

mapataas pa ang interes ng kanyang mga mag-aaral sa talakayan. Ito ay isang mainam na

dulog upang pukawin ang atensyon ng mga estudyante mula sa isang nakakabagot na

talakayan, maari itong gumawa ng mga aktibiti na siyang magiging daan upang

magkaroon ng buhay ang isang talakayan. Sa teoryang ito, ang mga mag-aaral ang

lumilikha ng sarili nilang pagkatuto. Nababasag dito ang lumang ideya ay nagsasanga ng

panibagong pag-unawa dahil sa kanilang mga bagong karanasan at kapaligiran. Sa

ganitong proseso, umuunlad ang pag-iisip ng mga mag-aaral at higit sa lahat

nadaragdagan ang kanilang mga kaalaman na magtutulak sa kanila upang unawain ang

mga darating pang ideya o problema.

Sa obserbasyon ng mananaliksik, kakikitaan ang mga mag-aaral sa Grade-11

Earth ng Sta. Irene National High School ay mayroong mababang interes sa pakikilahok

sa klase dahil habang nagtatalakay ang guro ay may iba’t ibang ginagawa ang mga mag-

aaral na hindi konektado sa aralin at ang iba ay hindi nakikilahok talagasa klase at

nananatili sa sulok ng silid lamang. Kaya naman ang mananaliksik ay gumawa ng pag-

aaral na makakapukaw sa interes sa pakikilahok sa klase ng mga mag-aaral gamit ang

iba’t ibang interaktibong gawain.


41

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY


The National Center for Teacher Education

1.2 Kahalagahan ng Pag-aaral at Layunin ng Pag-aaral

Kahalagahan ng Pag-aaral

Sa Mag-aaral

Ang mga mungkahi at komento ng mga mag-aaral ng mga mag-aaral sa

pagpapaunlad ng interes sa pakikilahok sa klase na mailahad sa guro ay magsisilbing

gabay upang ang pag-aaral na ito ay maisakatuparan. Ang mga mag-aaral din ang unang

makikinabang kapag ang mga rekomendasyon ay masunod at maipatupad.

Sa Mga Guro

Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga guro upang malaman nila kung ano

ang dapat gawin upang mapataas ang interes ng mga mag-aaral sa pakikilahok sa klase at

kung ano-ano ang mga estratehiya na dapat gamitin upang maisakatuparan ang

pagpapaunlad ng interes sa pakikilahok sa klase ng mga mag-aaral.

Sa Administrasyon

Mahalaga ang pag-aaral na ito para administrador dahil ang mga mungkahi ng

mga respondente na mga mag-aaral ay magsisilbing gabay nila kung ano ang dapat gawin

at ano-ano ang mga estratehiyang gagamitin upang mas lalo pang mapaunlad ang

pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral at ang mga ito ay maisama sa pagpaplano kung

paano maisakatuparan ang mge estratehiya na magpapataas ng interes sa pakikilahok sa

klase ng mga mag-aaral.


15

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY


The National Center for Teacher Education

Layunin ng Pag-aaral

Layunin ng pag-aaral na ito na mapaunlad ang interes sa pakikilahok sa klase ng

mga mag-aaral sa ika-11 na baitang ng Sta. Irene National High School, kaakibat ng pag-

aaral ay ang pagtukoy sa mga sumusunod:

1. Ang lebel ng interes sa pakikilaok sa klase ng mga mag-aaral ng ika-9 na baitang;

2. Mga interaktibong gawain sa pagpapaunlad ng interes sa pakikilahok ng mga

mga-aaral sa klase;

3. Pagpapataas ng interes sa pakikilahok sa klase ng mga mag-aaral gamit ang mga

interaktibong gawain;

4. Ang pagkakaiba sa interes sa pakikilahok sa klase ng mga mag-aaral bago at

habang ginamit ang mga interaktibong gawain.


61

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY


The National Center for Teacher Education

1.3 Paglalahad ng Suliranin at Pagbuo ng Hypotesis

Pangkalahatang Suliranin

Isa sa mga napansin ng mananaliksik sa isinagawang obserbasyon sa klasrum ay

isa sa mga nakita niyang suliranin, ito ay ang kawalan ng interes ng mga mag-aaral sa

pakikilahok sa klase na kung saan ay may malaking epektong naidudulot sa performans

ng mag-aaral sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto.

Kung kaya’y layunin ng pananaliksik na ito na mapaunlad ang interes sa

pakikilahok sa klase ng mga mag-aaral sa ika-9 na baitang ng Sta. Irene National High

School gamit ang mga interaktibong gawain sa pagpapaunlad ng interes sa pakikilahok

ng mga mag-aaral sa klase.

Mga Tiyak na Suliranin

Upang maabot ang pangkalahatang layunin, susubukang masagot ang sumusunod

na mga katanungan:

1. Ano-ano ang lebel ng interes ng mga mag-aaral sa pakikilahok sa klase? ;

2. Ano-ano ang mga interaktibong gawain sa pagpapataas ng interes ng mag-aaral sa

pakikilahok sa klase?;

3. Paano napapataas ng mga interaktibong gawain ang interes ng mga mag-aaral sa

sa pakikilahok sa klase?; at

4. May kabuluhang pagkakaiba ba sa lebel ng interes sa pakikilahok sa klase ng mga

mag-aaral bago at habang ginamit ang mga interaktibong gawain?


17
3
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY
The National Center for Teacher Education

1.4 Haypotesis

Null Haypotesis: Walang kaibahang naidulot ang paggamit ng mga interaktibong gawain

sa pagpapaunlad ng interes sa pakikilahok sa klase ng mga mag-aaral.

Alternative Haypotesis: May malaking kaibahang naidulot ang paggamit ng mga

interaktibong gawain sa pagpapaunlad ng interes sa pakikilahok sa klase ng mag-aaral.

1.5 Saklaw at Delimitasyon

Ang pananaliksik na ito ay sumasaklaw lamang sa paggamit ng mga interaktibong

gawain upang mapaunlad ang interes sa pakikilahok sa klase ng mga mag-aaral sa ika-11

na baitang sa Sta Irene National High School.

Ang limitasyon ng pananaliksik na ito ay ang kakulangan ng sapat na panahon

para sa mas malawak na pag-aaral.


18

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY


The National Center for Teacher Education

TSAPTER 2

DISENYO AT METODO NG PAG-AARAL

Ang bawat klasrum ay may kinakaharap na iba’t ibang problema.Ang

pananaliksik na ito ay isang aksyon resirts dahil ito ay nagbibigay solusyun sa isang tiyak

na suliranin sa isang klasrum na kung saan ang kakulangan ng interes ng mga mag-aaral

sa pakikilahok sa klase. Ang pananaliksik na ito ay naglalayon na makapaglahad ng mga

interaktibong gawain na maaring magamit ng guro sa kanyang pagtuturo upang

mapaunlad ang interes sa pakikilahok sa klase ng mga mag-aaral at upang malinang ang

kanilang kakayahan. Ang pananaliksik na ito ay nauuri sa deskriptib. Ang layunin sa

pananaliksik na ito ay magbigay ng impormasyon tungkol sa kawalan ng interes ng mga

mag-aaral sa pakikilahok sa klase. Binibigyan diin din dito kung ano yung mga sanhi at

epekto kung bakit mababa ang interes ng mga mag-aaral sa pakikilahok sa klase.

Gumamit ang mga mananaliksik ng deskriptib-sarbey na disenyo ng pananaliksik upang

mangalap ng datos na kinakailangan sa pag-aaral na ito. Bukod dito, ninanais ng

mananaliksik na masolusyunan ang suliranin at mapaunlad ang interes ng mga mag-aaral

sa pakikilahok sa klase.

Ang pag-aaral ay nakabatay sa mga awtentikong impormasyon na nakalap mula

sa mga mag-aaral ng Sta. Irene National High School (SINHS). IIan sa mga

impormasyong nakalap ng mananaliksik ay nakabatay sa kasalukuyang estado ng mga

mag-aaral sa kanilang silid-aralan. Isinaalang-alang din ng mananaliksik ang proseso sa

paghahanda ng mga interaktibong gawain na magpapaunlad ng kanilang inters sa

pakikilahok sa klase.
9
1

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY


The National Center for Teacher Education

2.1 Instrumentong Ginamit sa Pag-aaral

Para sa paglikom ng mga datos, kinakailangang ihanda ang mga sumusunod na

kagamitan.

 Assessment Sheet

Ito ang nagsisilbing panukat sa epektibiti ng bawat interaktibong gawain para

sa pagpapaunlad ng interes sa pakikilahok sa klase ng mga mag-aaral. Dito na-momonitor

ng mananaliksik ang pagkakaiba ng interes sa pakikilahok sa klase ng mga mag-aaral

bago at pagkatapos magamit ang mga interaktibong gawain. Ang assessment sheet na ito

ay isinaggawa bago at pagkatapos maggamit ang mga estratehiyang inihanda.

 Interbyu Kwestyuner

Ito ay para sa guro upang malaman ng mga mananaliksik kung ano ang

pedbak nila sa kanilang mga mag-aaral. Sa pamamagitan din ng interbyu kwestyuner

ay magkakaroon ng kaunting bakgrawnd ang mga mananaliksik ng posibleng

kaligiran ng mga mag-aaral.

 Note Cards

Ito ay nagsisilbing talaan ng guro sa kanyang mga puna at naging obserbasyon sa

kung ano ang antas ng interes sa pakikilahok sa klase ng mga mag-aaral, bago at

pagkatapos ang isang gawain. Dito rin itatala ng guro ang mga pangangailangan ng mag-

aaral na dapat bigyang pansin at solusyon.


1
10

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY


The National Center for Teacher Education

 Mga Interaktibong Gawain

Ito ay binubuo ng iba’t ibang interaktibong gawain na nagbibigay ng pangganyak na

gawain na gagamitin na guro sa pagpapaunlad ng interes sa pakikilahok sa klase ng mga

mag-aaral.

1. Group Mapping Activity (Jane Davidson, 1982)

Ito ay estratehiya sa pagtuturo na mabisa na lumilinang sa pag-unawa o

komprehensyon ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng integrasyon at sintesis ng mga

ideya at konseptong nakapaloob sa kwento o mga babasahin. Ito ay ginagawa pagkatapos

basahin ang isang akdang pampanitikan o isang ekspositoring babasahin.

Sa estratehiyang ito, ang mga mag-aaral ay gagawa ng isang grapikong

representasyon na maglalarawan ng kanilang sariling interpretasyon kaugnay sa mga

pangyayaring naganap sa isang kwento o konseptong inilahad sa isang babasahing

ekspositori. Ang presentasyon ay katulad ng isang mapa o dayagram at pagkatapos na

makabuo nito ay ilalahad at ipapaliwanag ito sa harap ng klase. Sa yugtong ito ng

pagbabahagi ay mapaigting o mapapalawak ang pag-unawa ng mga bata sa kwento.

Hakbang:

1. Pagbuo ng Mapa

Pagkatapos basahin ang isang kwento o salaysay ay ipapaliwanag ng guro ang

gagawin nilang interpretasyon sa babasahin gamit ang mapa. Ipapaliwanag muna ng guro

ang kahulugan ng isang mapa at malaya ang mga mag-aaral na bumuo ng kanilang
111

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY


The National Center for Teacher Education

sariling mapa. Maaaring gumamit ng mga salita, guhit at mga hugis sa kanilang mapa at

pagkatapos nito ay magpapakita ang guro ng halimbawa ng isang mapa at hayaang

tingnan ito ng mga mag-aaral ng ilang segundo. Magbigay ng takadang oras sa paggawa

ng mapa at papangkatin ang klase.

2. Pagbabahagi at Pagpapakita ng mga Mapa

Pagkatapos mabuo ang kani-kaniyang mapa, ipakita ang mga ito sa harap para

makita ng buong klase. Tumawag ng ilang mag-aaral upang maibahagi sa klase ang

kanilang mapa. Maaaring magbigay ng ilang pamatnubay na tanong habang nagbabahagi

ang ilang mag-aaral.

2. Larawan Ko, Buoin Mo!

Sa gawaing ito, ang mga mag-aaral ay bibigyan ng mga ginupit gupit na larawan

at ito ay kanilang bubuoin, ang kanilang mabubuong larawan ay may kaugnayan sa

paksang tatalakayin ng guro. Dito, mapapaunlad ang interes ng mga mag-aaral dahil

maggaganyak sila sa gawain at magkakaroon sila ng interes dahil hindi pa nila ito

nasusubokan sa kanilang mga klase. Ang gawaing ito ay magsisilbing daan din upang ang

mga mag-aaral na walang interes sa pakikilahok ay magkakaroon na ng interes dahil sa

nakikita niya na naeenjoy ito ng kanyang kaklase.

Hakbang:

1. Maggugupit ng mga larawan ang guro, kinakailangan na ang mga larawan ay

may kaugnayan sa paksang tatalakayin.


12 1

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY


The National Center for Teacher Education

2. Ang klase ay hahatiin sa 3 o 4 na pangkat at magkakaroon ng mga

representante.

3. Ang mga larawan ay bubuoin muna sa isang cartolina bago idkit sa pisara.

4. Ang guro ay magtatanong sa mga mag-aaral tungkol sa nabuong larawan.

3. Tumpak, Ligwak

Ang gawaing ito ay maaring gamitin sa pagbabalik-aral, ito ay isang gawain na

may pagkakatulad sa quiz bowl, sa gawaing ito ang mga mag-aaral ay papangkatin at

bibigyan sila ng mga salitang Tumpak at Ligwak na kung saan ito ang gagamitin nila sa

kanilang pagsasagot. Mapapaunlad sa gawaing ito ang kanilang interes dahil bago sa

kanila ang gawaing ito at nag-uusap-usap sila kung ano ang maaring isasagot sa mga

katanungan, nasusukat din sa gawain ito ang kanilang kaalaman noong nakaraang

talakayan.

Hakbang:

1. Ang klase ay hahatiin sa apat na pangkat.

2. Bibigyan ang mga mag-aaral ng mga watawat na kulay asul na may nakasulat na

“Tumpak” at dilaw na may nakasulat na “Ligwak”

3. Ang mga watawat ang siyang gagamitin ng mga mag-aaral sa pagsagot sa mga

katanungan.

4. Itataas ang asul na watawat kung tama ang pangungusap at dilaw na watawat

naman kung ito’y mali.


1
13

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY


The National Center for Teacher Education

5. Bibigyan lamang ng 40 segundo sa pagsagot sa bawat katanungan.

6. Ang puntos ay mapupunta sa pangkat na unang nakapagbigay ng tamang sagot.

7. Ang pangkat na may pinakamaraming tamang sagot ay siyang tatanghaling

panalo.

4. Bulsa ng Puntos

Ito ay isang beheybyural tsart na kung saan ay sumasalamin sa mga magiging

performans ng mga mag-aaral sa loob ng klasrum. Mapapaunlad ang interes sa

pakikilahok ng mga mag-aaral dito dahil, mapipilitan silang makilahok sa klase dahil sa

mga puntos na ibibigay dahil ang bawat gawain ay may kaakibat na puntos. Kapag may

lumabag sa mga patakaran ay babawasan ng puntos ang grupo.

Hakbang:

1. Ang guro ay gagawa ng isang beheybyural tsart o ang bulsa ng puntos.

2. Ang tsart na ito ay gagamitin ng guro sa kanyang buong klase.

3. Ang mga inihandang gawain ng guro ay may kaakibat na puntos na ilalagay sa

bulsa.

4. Kapag ang grupo ay nanalo sa isang gawain ay bibigyan ng limang puntos

kapag talo naman tatlong puntos at kapag may inilabag na patakaran ng guro ay

babawasan ng isang puntos.

5. Pagkatapos ng klase ay bibilangin ng guro ang mga puntos na nalikom at iyon

din ang puntos na matatangap ng grupo sa araw na iyon.


14
1

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY


The National Center for Teacher Education

2.2 Plano ng Aksyon

Ang mga layunin ng pag-aaral na ito ay bibigyang- kasagutan sa mga hakbang na

itinakda ng mga mananaliksik. Ang mga paraan ay nahahati sa tatlong yugto, ang Pre-

implementation, Implementation at Post-Implementation.

Sa yugto ng Pre-implementation, ihahanda ng mga mananaliksik ang interbyu

kwestyuner na magiging gabay nila sa pag-alam sa sitwasyon sa loob ng klase at upang

magkaroon ng paunang impormasyon at rekomendasyon sa guro sa mga maaaring paraan

o mga alternatibong makakatulong sa pananaliksik. Kasama sa ihahanda ng mga

mananaliksik ay ang note card na gagamitin nila habang inoobserbahan ang natural na

daloy ng klase. Sa note card nila itatala ang mga kalakasan na nakita sa natural na daloy

ng klase at ang mga kakulangan o mga kahinaan na nakita nila sa performans ng mga

bata.

Sa yugto naman ng implementasyon, dito na mahahantad sa mga mananaliksik

ang iba’t ibang antas ng mga bata na inaasahang tutugunan ng kanilang pag-aaral. Mula

sa kanilang nakuhang datos mula sa guro sa baitang 11 at sa mga obserbasyon na naitala

sa kani-kanilang note card, aanalisahin ng mga mananaliksik ang mga ito at mangangalap

ng mga interaktibong gawain na magagait sa pagtuturo na makatutulong sa mga mag-

aaral na mapaunlad ang interes sa pakikilahok sa klase ng mga mag-aaral.

Ang mga interaktibong gawain na naipon ay gagamitin sa mga pagtuturo at ito ay

oobserbahan ng mananaliksik gamit ang kanilang assessment sheet. Bawat interaktibong

gawain ay dapat makakapasa sa mga puntos na inaasahan ng mga mananaliksik bago

makumpirmang maaari itong makatugon sa mga layunin ng pag-aaral. Bawat estratehiya


15
1

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY


The National Center for Teacher Education

ay mayroong limang pamantayan na dapat maipasa gamit ang rating scale na: 5- para sa

lubusang naipamalas; 4- para sa mahusay na naipamalas ng mga mag-aaral; 3- para sa

naipamalas lamang; 2- para sa hindi gaanong naipamalas; at 1- para sa hindi naipamalas.

Magsasagawa ng pagkukumpara ang mga mananaliksik ng mga note card na

nagawa bago ginamitan ng estratehiya at pagkatapos nito ay titingnan ang mga kalakasan

sa mga napuna sa estratehiya.

Sa yugto ng Post-implementation ay ang pagrekomenda sa mga guro na gamitin

ang mga interaktibong gawain na makatutulong sa pagdebelop ng interes sa pakikilahok

sa klase ng mga mag-aaral.


16 1

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY


The National Center for Teacher Education

TSAPTER 3

RESULTA

Bago isinagawa ang pag-aaral, ang mananaliksik ay nagkaroon ng obserbasyon sa

klase sa tatlong seksyon ng ika-11 na baitang ng Sta. Irene National High School. Sa

obserbasyong isinagawa bago pa nagsimula ang klase nakita nila na marami ang nahuli sa

klase at yung iba naman ay lumiban. Sa pagsisimula naman ng pagtuturo ng guro,

marami ang lumalabas at gumagamit ng selpon at mayroon ding natutulog sa loob ng

klase, ang iba ay hindi nakikinig.

Ang mananaliksik ay nagsagawa din ng interbyu sa guro na kung saan ay sinabi

niya na ang seksyon Earth ang may pinakamaraming mag-aaral na walang interes sa

pakikilahok sa klase batay na rin ito sa obserbasyon ng mananaliksik at sa atendans nila.

Ang seksyon Earth ang napili ng mananaliksik na respondent dahil ito ang may

pinakamaraming mag-aaral na walng interes sa pakikilahok sa klase.

Sa kabanata na ito, ilalahad ang mga pre- at post- na obserbasyon ng mga

mananaliksik sa perpormans ng mga mag-aaral sa ika-11 na baitang ng seksiyon Earth sa

Sta. Irene National High School pati na rin ang resulta sa mga interaktibong gawain na

ginamit sa pagpapaunlad ng kanilang interes sa pakikilahok sa klase.


171

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY


The National Center for Teacher Education

3.1 Ang Antas ng Interes ng mga Mag-aaral sa Pakikilahok sa Klase Bago Gamitin

ang mga Interaktibong Gawain

Unang isinaggawa ng maanaliksik ang obserbasyon sa aktwal na senaryo sa loob

ng klasrum. Gamit ang notecard itinala ng mananaliksik ang kanyang naging obserbasyon

sa mga mag-aaral sa ika-11 na baitang ng seksiyon Earth batay sa kanilang interes sa

pakikilahok sa klase.

Ang notecards ay naglalaman ng kalakasan at kahinaan na napuna ng

mananaliksik habang nagtutro ang guro sa klase. Ang mga mananaliksik ay partikular sa

interes ng mga mag-aaral sa pakikilahok sa klase. Ito rin ay ang naging talaan ng

mananaliksik sa mga obserbasyon at napuna tungkol sa antas ng interes ng mga mag-

aaral sa pakikilahok sa klase sa ika-11 na baitang ng seksiyon Earth ng Sta. Irene

National High School.

Ang pre-obserbasyon ng mga mananaliksik tungkol sa interes ng mga mag-aaral

sa asignaturang Filipino ay makikita sa susunod na talahanayan.


18
1

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY


The National Center for Teacher Education

Talahanayan 1. Note Card Pre-Observation

Kalakasan Kahinaan
May mga aktibong nakikilahok sa klase. Mayroong mga mag-aaral na hindi
nakikilahok sa mga aktibiti na ibinigay
ng guro.

May nagtataas ng kamay upang sumagot. May mga mag-aaral na naglalabas-pasok


sa klase habang nagsasalita ang guro.
May nakikinig sa guro habang Mayroong mga mag-aaral na nakikipag-
nagtatalakay ito. usap lamang sa kaklase.
Sumasagot ang ilan sa katanungan ng guro. May mga mag-aaral ang inaantok sa
klase at nawawalan ng interes.
Hindi gaano kakikitaan ng interaksyon
ang klase.
May mga mag-aaral na kailangan pang
pilitin upang tumayo at sumagot.
Hindi gaano kakikitaan ang klase ng
kasiglahan.

19
1

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY


The National Center for Teacher Education
Sa tuwing nagtatalakay ang guro, may mga mag-aaral na hindi nakikilahok sa

klase, ang iba ay labas pasok sa silid ang iba naman ay naglalaro lamang ng kanilang mga

gadgets. Karamihan sa kanila may iba’t ibang ginagawa.

Nakita ng mananaliksik na karamihan sa mga mag-aaral ay kulang talaga sa

interes sa pakikilahok sa klase. Napatunayan ito ng mananaliksik sa pamamagitan ng pag

obserba sa mga mag-aaral na may iba’t ibang ginagawa at ang iba ay hawak hawak

lamang ang mga gadgets. Wala ring interaksyon na nagaganap sa guro at sa mga mag-

aaral kung kaya’t masasabi ng mananaliksik na walang interes sa pakikilahok ang mga

mag-aaral.

Isa rin sa pamaraang ginamit ng mga mananaliksik ay ang assessment sheet. Ang

assessment sheet na ito ay naglalaman ng mga katanungan.

Makikita sa ibaba ang Pre-assessment Sheet at ang lagom ng mga sagot ng mga

mag-aaral.

20
1

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY


The National Center for Teacher Education
Talahanayan 2. Pre-assessment Result

21

Sa isinagawang pre-obserbasyon ng mananaliksik ay kakikitaan na ng kawalang

interes ang mga mag-aaral sa pakikilahok sa klase. Una, walang ginawa ang guro na

gawain upang magganyak at mapukaw ang interes ang mga mag-aaral na makilahok sa

klase. Hinahayaan lamang ng guro na lumabas pasok ang mga mag-aaral sa silid.

Kapansin pansin na ang guro lamang ang nagsasalita hanggang sa matapos ang

klase at walang mga ginamit na gawain ang guro upang mas maging interaktibo ang

kanyang pagtatalakay at kakikitaan ng interes ang kanyang mga mag-aaral sa pakikilahok


1

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY


The National Center for Teacher Education
sa kanyang klase. Nababagot ang mga mag-araal kaya sila nawawalan ng interes sa

pakikilahok.

Samaktwid, base sa pre-assessment na isinaggawa ng mananaliksik masasabing

ang lebel ng interes ng mga mag-aaral sa pakikilahok sa klase ay mababa dulot na rin ng

kakulangan sa paggamit ng mga angkop na interaktibong gawain upang magkaroon o

mapaunlad ang interes ng mga mag-aaral sa pakikilahok sa klase.

22

3.2 Ang mga Interaktibong Gawain sa Pagpapaunlad ng Interes

Ang mga napuna ng mananaliksik sa naobserahang klase sa sa kanyang pre-

obserbasyon ang naging tunguhin sa pagkalap ng mga interaktibong gawain sa

pagpapaunlad ng interes ng mga mag-aaral sa pakikilahok sa klase.

3.3 Ang Proseso sa Pagsasagawa ng mgaInteraktibong Gawain


1

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY


The National Center for Teacher Education
Ang mga sumusunod na mga interaktibong gawain ay ang ginamit ng

mananaliksik sa pagpapaunlad ng interes ng mga mag-aaral pakikilahok sa klase.

Makikita rin dito ang pag-aanalisa na ginawa ng mga mananaliksik sa bawat estratehiya.

3.3.1 Group Mapping Activity

Ang isa sa ginamit ay ang Group Mapping Activity, ito ay isang interaktibong

gawain na kung saan nalilinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbuo nila ng

hinuha sa teksto o babasahin na iniatas sa kanila. Nililinang nito ang komprehensyon ng

mga mag-aaral tungkol sa kanilang nabasang akdang pampanitikan o tekstong

ekspositori. Sinusukat nito ang komprehensyon ng mga mag-aaral at inilalagay nila ang

kanilang mga hinuhang nabuo o interpretasyon sa grapikong pantulong. Mayroong

nakalahad na mga salita na bibigyan nila ng interpretasyon depende sa panuto na dapat

gawin ng mga mag-aaral. Dahil nga pangkatan ang gawaing ito, ang mga mag-aaral ay

magbabagyuhang-isip upang mabigyan ng tamang interpretasyon ang mga salita. Dahil

rito ang mga mag-aaral ay nagkakaroon ng interaksiyon sa bawa isa.


23

Ang pagtataya sa gawaing group mapping activity ay ginawa ng mga

mananaliksik sa pamamagitan ng mga panuntunan na makikita sa talahanayan sa ibaba:

Talahanayan 3. Mga Panuntunan sa Group Mapping Activity

Group Mapping Activity

Mga Panuntunan:
1

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY


The National Center for Teacher Education
1. Nakapagbigay ng interpretasyon ng mga salita nakasaad sa mapa.

2. Nakipaghalubilo sa kapwa mag-aaral.

3. Nagkaroon ng interaksyon ang guro at mag-aaral.

4. Nahahasa ang kanilang kakayahan sa pagsasalita.

Sa gawaing ito, ang mga mag-aaral ay kakikitaan ng pagkapanabik at

pagkahumaling habang isinasagawa ang nakataas sa kanilang pangkat. Makikita mo sa

bawat grupo na nagsisikap sila na mapunan ng mga salita ang mapa at kakikitaan din sila

ng interaksyon sa bawat isa sa pamamagitan ng pagbabagyuhang isip kung ano ba dapat

ang salitang ilalagay sa bawat kahon sa mapa.

Ang mga sumusunod ay ang patunay at pagpapaliwanag kung bakit natamo o

hindi natamo ang mga panunutunan sa estratehiyang ito.

Ang unang panuntunan sa gawain ito ay makapagbigay ng sariling interpretasyon

ng mga salitang nakalahad sa mapa ay lubusang natamo sapagkat ang mga miyembro ng

buong pangkat ay tumulong upang mapunan ng mga salita ang mga kahon.
24
1

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY


The National Center for Teacher Education

25

26

Makikita sa mgaa larawan na ang bawat miyembro ng grupo ay binigyan ng guro

ng mga gawain, nagtulong tulong sila sa paggawa ng kanilang mapa, nagbagyuhang isip
1

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY


The National Center for Teacher Education
kung ano ang mga salitang dapat na ilagay sa bawat kahon at kakikitaan sila ng interes

sapagkat silang lahat talaga ay nagtulong-tulong sa gawaing ibinigay ng guro.

Ang pangalawang panuntunan ay ang makipaghalubilo sa kapwa na kung saan ay

labis na natamo dahil nag-usap-usap talaga ang bawat miyembro sa grupo at

nagbagyohang isip sila sa paksa.


1
27

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY


The National Center for Teacher Education

Makikita sa larawan na nag-usap-usap ang bawat miyembro ng grupo

nakipaghalubilo sila sa kanilang kagrupo para magkaroon ng ideya para sa gagawin

nilang mapa, makikita din natin ang kanilang interaksyon sa bawat isa na kakikitaan ng

interes nila sa kanilang pakikilahok sa klase.

Ang pangatlong panuntunan naman ay ang pagkakaroon ng interaksyon ng guro

at mag-aaral, dito nalilinang ang kakayahan ng guro na magpalalim ng mga sagot ng mga

mag-aaral sa isang gawain.


1

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY


The National Center for Teacher Education

28

Makikita natin sa larawan kung paano nakipag interak ang guro sa mag-aaral,

unang naglahad ng mapa ng kanilang grupo ang isang mag-aaral pagkatapos ay

ipinaliwanag o pinalaliman ito ng guro upang mas maunawaan ito ng buong klase.

Kakikitaan ng interes ang mga mag-aaral dito kasi sila ay nakikinig ng maayos sa guro.

Ang huling panuntunan ay ang kalinangan sa kakayahang pasalita na kung saan sa

pamamagitan ng pag-uulat nila ng kanilang mga nagawang mapa, ay nalilinang nila ang

kanilang kasayanan sa pagsasalita, may mga mag-aaral na hindi nakikilahok sa klase

dahil sa nahihiya o walang interes, pero dito nakikita natin na ang mga mag-aaral ay
1

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY


The National Center for Teacher Education
aktibong nakilahok sa gawain at kaakibat nito ang kalinangan ng kanilang kakayahan sa

pagsasalita.

29

30
1

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY


The National Center for Teacher Education
Kakikitaan ng kahusayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral na nasa larawan,

nalilinang talaga ang kanilang kakayahayan sa pagsasalita sa pamamagitan ng gawaing

ito at ang kanilang interes ay nakapokus talaga sa buong klase.

3.3.2 Larawan Ko, Buoin Mo

Ang Larawan Ko, Buoin Mo ay ginamit ng mananaliksik upang matulungan ang

mga mag-aaral sa pakikilahok sa gawain, sa gawaing ito, nalilinang ang kooperasyon ng

bawat miyembro ng grupo upang mabuo ng mabilisan ang larawan. Ang interaksyon sa

bawat isa ay mahalaga sa gawaing ito upang mapagtagumpayan ito.

Ang pagtataya sa gawaing larawan ko buoin mo ay ginawa ng mananaliksik sa

pamamagitan ng mga panuntunan na makikita sa ibaba:

Talahanayan 4. Mga Panuntunan sa Larawan Ko Buoin Mo


Larawan Ko Buoin Mo
Mga Panuntunan:
1. May interaksyon at kooperasyon ang grupo.
2. Nakapagbibigay hinuha sa larawang nabuo.

31

Sa pagsasagawa ng gawain na ito, mapapansin na hindi pa lamang nagsisimula

ang gawain ang kakikitaan na ng interes ang mga mag-aaral. Habang isinasagawa ang

gawain ay kitang kita sa kanilang mga mukha na nasisiyahan sila. Naging interaktibo ang
1

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY


The National Center for Teacher Education
mga mag-aaral dahil sa mapanghamon na gawaing ito. Nagbigay din ng mga hinuha ang

mga mag-aaral sa bawat larawan na nabuo.

Ang mga sumusunod ay ang patunay at pagpapaliwanag kung bakit natamo ang

mga panuntunan sa gawaing ito.

Ang unang panuntunan na, may interaksyon at kooperasyon sa grupo ay natamo

dahil ang bawat grupo ay nagtulong-tulong sa pagbuo ng larawan upang madali itong

matapos.

32
1

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY


The National Center for Teacher Education
Makikita sa larawan na ang grupo ay nagtutulong-tulong sa ibinigay sa kanila na

gawain na kung saan kakikitaan ng kooperasyon at interaksyon sa grupo. Tulong-tulong

sila sa pagbuo ng larawan at nagpaunahan sila kung sino ang unang matapos.

Ang pangalawang panuntunan ay makapagbigay hinuha sa larawang nabuo, dito

pagkatapos nilang buuin ang mga larawan ay magbibigay na sila ng opinyon o ideya sa

larawan. May miyembro sa isang grupo na magbabahagi ng kanyang hinuha sa nabuong

larawan.

33

34
1

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY


The National Center for Teacher Education

Makikita sa larawan na ang mga mag-aaral ay nagtataas ng kamay upang

magbahagi ng kanilang opinyon at mga hinuha sa nabuong larawan. Nagiging interaktibo

ang gawaing ito at kakikitaan ng interes ang mga mag-aaral sa pakikilahok sa klase.

3.3.3. Tumpak Ligwak

Ang gawaing ito ay maaring gamitin sa pagbabalik-aral, ito ay isang gawain na may

pagkakatulad sa quiz bowl, sa gawaing ito ang mga mag-aaral ay papangkatin at

bibigyan sila ng mga salitang Tumpak at Ligwak na kung saan ito ang gagamitin nila sa

kanilang pagsasagot. Mapapaunlad sa gawaing ito ang kanilang interes dahil bago sa

kanila ang gawaing ito at nag-uusap-usap sila kung ano ang maaring isasagot sa mga

katanungan, nasusukat din sa gawain ito ang kanilang kaalaman noong nakaraang

talakayan.

Ang pagtataya sa gawaing tumpak ligwak ay ginawa ng mananaliksik sa

pamamagitan ng mga panuntunan na makikita sa talahanayan sa susunod na pahina:

Talahanayan 5. Mga Panuntunan sa Tumpak Ligwak


Tumpak Ligwak
Mga Panuntunan:
35
1. Nakakasagot sa mga katanungan na ibinigay.
2. May interaksyon at kooperasyon ang grupo

Sa pagsasagawa ng Tumpak, Ligwak napukaw ang kanilang interes dahil ang

nakasanayan lamang nila na isasagot kapag may isang quiz bowl ay Tama at Mali lamang

ngunit ngayon ay naninibago at nanabik sa panibagong gawain nilla. Sa gawaing ito,


1

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY


The National Center for Teacher Education
nalilinang ang kanilang komprehensyon sa tinalakay nila noong mga nakaraang tagpo

dahil ang gawaing ito ay angkop sa balik-aral.

Makikita natin sa larawan ang kanilang kooperasyon at interaksyon sa

pakikilahok sa klase dahil nasusunod nila kung ano ang panuto. Habang isinasagawa ang

gawain ay makikita na sa kanilang mga mukha ang kasiyahan at pagkahumaling sa laro.

Nalilinang ang kanilang komprehensyon sa gawaing ito at ang tibay ng kooperasyon sa

isang grupo na naghahangad na manalo at mgkaroon ng maraming pnuntos.

36

Makikita sa larawan na nasagutan nila ng tama ang mga katanungan sa puntong

iyan ay lahat ng grupo ay nakakha ng tamang sagot. Kaya natamo ang mga panuntunan sa

gawain ito.
1

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY


The National Center for Teacher Education
3.3.4. Bulsa ng Puntos

Ito ay isang beheybyural tsart na kung saan ay sumasalamin sa mga magiging

performans ng mga mag-aaral sa loob ng klasrum. Mapapaunlad ang interes sa

pakikilahok ng mga mag-aaral dito dahil, mapipilitan silang makilahok sa klase dahil sa

mga puntos na ibibigay dahil ang bawat gawain ay may kaakibat na puntos. Kapag may

lumabag sa mga patakaran ay babawasan ng puntos ang grupo. Nakakatulong ang

paggamit ng tsart na ito upang mas maengganyo pa na lumahok ang mga mag-aaral sa

mga gawain sa loob ng klasrum.


37

Talahanayan 6. Mga Panuntunan sa Bulsa ng Puntos


Bulsa ng Puntos
Mga Panuntunan:
1. Nakikilahok sa mga gawain.
2. Hindi lumabag sa patakaran
1

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY


The National Center for Teacher Education
Sa pagsasagawa nito, ginamit ito sa mga interaktibong gawain na nasa itaas,

kapag ang isang grupo ay nanalo sa isang gawain bibigyan ng limang puntos kapag talo

naman tatlong puntos at kung lumabag sa patakaran babawasan ng isang puntos.

38
1

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY


The National Center for Teacher Education
Makikita sa larawan na inilahad ng guro ang Blusa ng puntos na kung saan ay

sasalamin sa mga naging performans ng mga mag-aaral. Gagamitin ito hanggang sa

matapos ang klase at bibilangin ang mga puntos na nalikom.

Makikita sa larawan na naglalagay ang guro ng mga puntos pagkatapos ng gawain

at binabawasan ang mga grupo na hindi nakikinig at nakikipag-usap sa katabi habang

nagtuturo.

Kung susumahing mabuti, lahat ng mga inilahad na mga interaktibong gawain na

ay nakapagpapaunlad ng interes ng mga mag-aaral sa pakikilahok sa klase.

Sa pagpili at paggamit ng mga interaktibong gawain sa pagtuturo ng Filipino sa

baitang na ito, nakita ng mga mananaliksik ang mga sumusunod na pagbabago sa

kanilang interes sa pakikilahok sa klase.


1
39

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY


The National Center for Teacher Education

Talahanayan 6. Note Card Post-Observation

Kalakasan Kahinaan
Aktibo ang mga mag-aaral sa klase. May mga mag-aaral na hindi nakikisali sa
pangkatang gawain.

Nahihiya ang iba na magbahagi ng ideya.

Mas napupukaw ang kanilang interes sa

mga gawaing inihanda ng guro.

Nalilinang ang kanilang “social skills”.


Hindi nahihiya na magbahagi ng ideya ang

mga mag-aaral.

Masayang nakikihalubilo ang mga mag-

aaral sa kanilang kaklase kapag

pangkatang gawain.

May interaksyon na nagaganap sa pagitan

ng guro at mag-aaral.

40
1

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY


The National Center for Teacher Education
Ang paggamit ng mga interaktibong gawain sa pagtuturo ay mahalagang salik

upang malaman ng guro ang interes ng mga mag-aaral, kung ito ba ay makakapukaw ng

kanilang interes o hindi.

Ang mga ginamit na interaktibong gawain na ginamit ng guro sa pagtuturo ay

napagtanto ng mananaliksik na ang mga mag-aaral ay may iba’t ibang interes sa

pakikilahok sa mga gawaing inihanda ng guro. Sa pamamagitan ng mga interaktibong

gawain na ginamit ay unti-unting napapaunlad ang kanilang interes sa pakikilahok sa

klase. Aktibo ang mga mag-aaral sa talakayan ng guro lalong-lalo na sa pangkatang

gawain. Sa katunayan, sa paggamit ng mgainteraktibong gawain na ito, tumataas na ang

kanilang interes sa pakikilahok sa klase.

Kakikitaan ng mga kalakasan ang klaseng ginamitan ng mga interaktibong gawain

sa pagtuturo kumpara sa mga klase na tradisyunal lamang ang pagtuturo. Hindi

napapaunlad ang interes ng mga mag-aaral sa pakikilahok sa klase kung tradisyunal

lamang na paraan

Nakikilahok na sa klase ang mga mag-aaral, nakikinig na ito sa talakayan at hindi

na nababagot sapagkat gumamit na ang guro ng mga interaktibong gawain na naangkop

sa kanilang interes upang sila ay makilahok sa klase.

41
1

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY


The National Center for Teacher Education
Talahanayan 7. Post-Assessment Result

42
1

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY


The National Center for Teacher Education
Makikita sa talahanayan ang pagtaas ng lebel ng interes ng mga mag-aaral sa

pakikilahok sa klase. Batay sa resulta, malaki ang naitulong ng mga interaktibong gawain

na ginamit ng guro na kung saan umunlad ang interes ng mga mag-aaral sa pakikilahok

sa klase. Masasabi na ang mga gawain ay nakakapukaw ng interes at nagiging positibo

ang kalasrum mula sa pagsisimula ng talakayan hanggang sa matapos ito. Dito ay mas

nagkakaroon ng interaksyon sa pagitan ng guro at mag-aaral at nagkakaroon din ng

interaksyon sa pagitan ng mag-aaral at ng kanyang kapwa mag-aaral.

Sa kabuuan, ang mga interaktibong ginamit sa pagpapaunlad ng interes ng

mga mag-aaral sa pakikilahok sa klase ay epektibo sapagkat kakikitaan na ang mga mag-

aaral ng pag-unlad ng kanilang interes sa pakikilahok. Mas nahihikayat silang makilahok

sa mga gawain at sumagot sa bawat katanungan ng guro. Ang iba ay hindi pa gaanong

nakikilahok ngunit sa tulong ng mga interaktibong gawain ay unti-unti na silang nawiwili

at sa pamamagitan niyan ay napapaunlad ang kanilang mga interes sa pakikilahok.

43
1

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY


The National Center for Teacher Education
KABANATA 4

KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

Batay sa resulta ng pananaliksik, ang lebel ng interes ng mga mag-aaral sa

pakikilahok sa klase ay nakakaapekto sa performans nila. Mapapansin sa naging resulta

ng pananaliksik na tumaas ang kanilang interes sa pakikilahok sa klase nang gamitin ng

guro ang mga interaktibong gawain sa kanyang pagtatalakay.

Ang mga interaktibong gawain na GMA (Group Mapping Activity), Larawan Ko,

Buoin Mo, Tumpak Ligwak at ang Bulsa ng Puntos na nakapaloob sa dulog

konstraktibismo ay ang mga gawain na nakapagpapaunlad ng interes ng mga mag-aaral

sa pakikilahok sa klase. Ang GMA na isang gawain na nakakapukaw sa kanilang interes

upang lumahok sa klase ay ginagawa ng pangkatan, nalilinang din dito ang kanilang

kooperasyon at interaksyon sa guro at sa kanilang kapawa mag-aaral. Ang Larawan Ko,

Buoin Mo naman ay isang gawain sa pagganyak na nakakapukaw ng interes dahil ito ay

kalimitang ginagamit ng guro sa kanilang talakayan at ito ay nakakapagtalas ng isip sa

pamamagitan ng pagbuo ng mga ginupit gupit na larawan. Ang Tumpak Ligwak na isang

gawain sa pagbabalik-aral ay nakakapukaw rin ng interes dahil sa ito ay bago sa kanila at

ito rin ay nakakapagpatalas ng isipan, nalilinang din ditto ang kooperasyon at interasyon

sa kapwa mag-aaral. Panghuli ay ang Bulsa ng Puntos ito ay hindi isang gawain ito ay

isang beheybyural tsart na sumasalamin sa mga performans ng mga mag-aaral, ang

kanilang ipinapakita ay may kaukulang puntos, ditto napupukaw ang interes nila dahil

mapipilitan sila na lumahok dahil sa puntos na maari nilang makuha o mabawas sa


44
kanilang grupo.
1

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY


The National Center for Teacher Education
Batay sa naging resulta, napapataas o napapaunlad ang interes ng mga mag-aaral

sa pakikilahok sa klase gamit ang mga interaktibong gawain na nailahad dahil sa panahon

na ginamit ito ng guro sa kanyang pagtatalakay ay kakikitaan ang mga mag-aaral ng

kawilihan sa pakikilahok sa klase at kawilihan sa paggawa ng mga gawain.

4.1 KONGKLUSYON

1. Ang lebel ng interes ng mga mag-aaral sa pakikilahok sa klase ay

nakakaapekto sa performans ng mga mag-aaral sa klase.

2. May mga interaktibong gawain na makatutulong sa pagpapaunlad ng interes

ng mga mag-aaral sa pakikilahok sa klase.

3. Napapataas o napapaunlad ang interes ng mga mag-aaral na makilahok sa

klase gamit ang mga interaktibong gawain.

4. May kabuluhang pagkakaiba ba sa lebel ng interes sa pakikilahok sa klase ng

mga mag-aaral bago at habang ginamit ang mga interaktibong gawain.

45
1

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY


The National Center for Teacher Education
4.2 REKOMENDASYON

Sa nagawang pag-aaral, iniririkomenda ng mga mananaliksik sa mga guro at sa

mga susunod pang mga mananaliksik na:

Administrador

1. Dapat siguraduhin na ang mga interaktibong gawain ay epektibo upang

mapataas ang interes ng mga mag-aaral sa pakikilahok sa klase.

2. Hikayatin ang mga guro gumamit ng mga interaktibong gawain upang

mapataas o mapaunlad ang interes ng mga mag-aaral sa pakikilahok sa

klase.

Guro

1. Kinakailangan na isaalang-alang ang interes ng mga mag-aaral sa pakikilahok sa

klase bago magtalakay.

2. Kinakailangan na gumamit ng mga interaktibong gawain sa pagtatalakay upang

mapataas ang interes ng mga mag-aaral sa pakikilahok sa klase.

3. Kung maaring gamitin ang mga interaktibong gawain sa pagtatalakay ay maaring

gamitin sa pagtuturo.

46
1

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY


The National Center for Teacher Education
Iba pang Mananaliksik:

1. Magsaggawa pa ng ibang pananaliksik na maaring gawin ng guro upang mapataas

ang lebel ng mga mag-aaral sa pakikilahok sa klase

2. Magkaroon ng mas malawakang pagsasaliksik patungkol sa pag-aaral na ito

upang makatulong sa mga mambabasa.

47
1

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY


The National Center for Teacher Education
MGA REPERENSIYA

Smith, M.K. (2002). ‘Jerome S. Bruner and the process of education’, the encyclopedia

of informal education. Retrieved from:

http://infed.org/mobi/jerome-bruner-and-the-process-of-education/

Cobern, W. W. (1995) "Constructivism for Science Teachers". Scientific Literacy and

Cultural Studies Project . 9. https://scholarworks.wmich.edu/science_slcsp/9

Baker, D., & Piburn, M. (1997). Constructing science in middle and secondary

classrooms. Washington DC: American Chemical Society Publications.

http://cti.batstateu.edu.ph/rmis/?do=guestview&go=guestviewresearch&researchid=2321

https://www.pressreader.com/

48
1

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY


The National Center for Teacher Education
APENDIKS A

49

APENDIKS B

Interbyu Kwestyuner

Pangalan: Dina Leah L. Gonzales


1

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY


The National Center for Teacher Education
Bilang ng taon na nagturo: 10 taon

Bilang ng hinawakang seksyon sa kasalukuyan: 3 na seksyon

Bilang ng mag-aaral sa isang seksyon: 30 na mga mag-aaral

Bilang ng oras ng pagtatagpo: 11:00 am-12:00 am

1. Ano ang interes ng mga mag-aaral sa pakikilahok sa klase? mula (1-10)

7, sapagkat ang mga mag-aaral ngayon ay may ibang interes na habang ang guro

ay nagtatalakay kagaya na lamang ng paglalaro ng cellphone at kung ano-ano pa ang mga

ginagawa.

2. Ano ang paraan mo upang mapaunlad ang interes ng mga mag-aaral sa

pakikilahok sa klase?

Kinukuha ko ang atensyon nila sa pamamagitan ng pagtawag ng kanilang

pangalan kapag may iba silang ginagawa.

3. Bakit sa tingin mo mababa ang interes ng mga mag-aaral sa pakikilahok sa

klase?

Dahil sa may mga iba na silang pinagkakaabalahan kagaya ng paglalaro ng


50
cellphone at hindi sila interesado sa paksa o di kaya’y nababagot sila.

APENDIKS C

Notecard

Note Card
Pangalan ng Mag-aaral:
_______________________________
Puna ng Guro:
1

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY


The National Center for Teacher Education

51

APENDIKS D

Banghay Aralin
1

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY


The National Center for Teacher Education
Masusing Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Filipino-11
I. LAYUNIN: Sa loob ng itinakdang oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. matatalakay ang nilalaman ng tekstong binasa
b. matutukoy ang kahulugan at katangian ng tekstong deskriptibo
c. makapagbibigay hinuha o ideya sa binasang teksto;
d. makapagtatanghal ng isang sabayang pagbasa at makabuo ng isang tula na
may kaugnayan sa paksang tinalakay

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO: CODE


1. Natutukoy ang paksang tinalakay sa tekstong binasa F11PB-IIIa-98
2. Naibabahagi ang kahulugan at katangian ng tekstong deskriptibo F11PS-IIIb-91

II. PAKSANG ARALIN: TEKSTONG DESKRIPTIBO


Lunsaran: Ang Ginto sa Ating Kapaligiran
III.Sanggunian: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto tungo sa
Pananaliksik
Kagamitan: Tsarts, Laptop, Speaker, LCD projector, white board

IV. ESTRATEHIYA/PAMAMARAAN: Group-Mapping Activity (GMA)

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-Aaral

1. Panalangin
Magandang umaga, klas!

Inaanyayahan kong tumayo ang lahat para sa


ating panalangin na pangungunahan ni Bb. /G
_____________. Magandang umaga rin po, ma’am.

2. Pagtsek ng atendans
Sino ang lumiban sa klase ngayong araw? Wala po, ma’am.

Mabuti naman kung ganon, nawa’y


ipagpatuloy ninyo ang magandang gawain.

3. Beheybyural Tsart
Bago tayo magkaroon ng gawain, may
inihanda ako ritong “Bulsa ng Puntos”. Ito ay
sasalamin sa inyong pag-uugali at performans
sa loob ng klase. Kapag kayo ang panalo sa
bawat gawain na ipapagawa sa inyo ay may
limang puntos kaagad kayo at kapag hindi
naman isang puntos lamang. Ngunit kapag
1

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY


The National Center for Teacher Education
nakita naming maingay, hindi organisado at
hindi tumutulong ang iba sa pangkat ang
gawain ay babawasan namin ang puntos.
Maliwanag ba, klas? Opo, ma’am!
52

4. Balik-aral
Noong nakaraang tagpo ay tinalakay natin ang tungkol sa tekstong prosidyural, ngayon
upang sukatin ang inyong naintindihan sa paksa ay magkakaroon tayo ng isang gawain.
tatawagin itong “Tumpak! Ligwak”

Panuto: Ang klase ay hahatiin sa apat na pangkat, ang bawat pangkat ay bibigyan ng mga
salitang “Tumpak” at “Ligwak” na kung saan ito yung gagamitin sa pagsasagot sa mga
katanungan. Itaas ang “Tumpak” kung ang pahayag ay tama at “Ligwak” naman kung ang
pahayag ay mali.

1. Ang tekstong prosidyural ay isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng


impormasyon at instruksyon kung paanong isasagawa ang isang tiyak na bagay.
TUMPAK
2. Layunin ng tekstong prosidyural ang makapaglahad ng isang argumento sa isang
panig. LIGWAK
3. Ang debate ay isang halimbawa ng tekstong prosidyural. LIGWAK
4. Ang recipe ay nagbibigay ng panuto sa mambabasa kung paano magluto. TUMPAK
5. Ang manwal ay nagbibigay ng kaalaman kung paano gamitin, paganahin at 53
patakbuhin ang isang bagay. TUMPAK

Magaling! Ngayon nasisiguro kong lubos ninyong


naintidihan ang ating naging talakayan noong
nakaraang tagpo.

MGA GAWAING DEBELOPMENTAL


1. Pagganyak

Ngayong umaga ay magkakaroon na naman tayo ng


panibagong gawain na pinamagatang, “Larawan
1

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY


The National Center for Teacher Education
Ko, Iayos Mo!” Ang bawat pangkat ay
kinakailangan na magkaroon ng tig dadalawang
representatnte upang buooin ang mga larawan na
ginupit gupit.

Maliwanag ba klas?
Opo, ma’am!

54

2.Presentasyon
Kaugnay sa ating ginawang gawain sa umagang ito ay
mayroon tayong babasahing isang teksto na
pinamagatang Ang Ginto sa ating Kapaligiran.

3. Pamantayan

Ano ba dapat ang gawain ng isang mag-aaral Unawaing mabuti ang binabasa titser.
habang nagbabasa ng teksto?
Magsulat ng mga mahahalagang
1

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY


The National Center for Teacher Education
AA Ano pa?
impormasyon.

Maasahan ko ba sa inyo ang mga iyan klas? Opo, titser

4. Pagbabasa

Sa puntong ito ay may babasahin kayong


teksto. Kailangan na unawain ninyo ito ng
mabuti upang masagutan ang mga nakalakip na
katanungan gamit ang grapikong pantulong.
Bibigyan ko lamang ang bawat isa ng tatlong
minuto (3) sa pagbabasa at (5) minuto sa
pagsagot sa mga katanungan na iniaatas.
Maliwanag ba, klas? Opo, ma’am.

55

Ang Ginto sa ating Kapaligiran


          May mga bagay na hindi natin napapansin na mahalaga saating pamumuhay at sa
pang araw-araw. Mga bagay na ating napagkukunan ng enerhiya, hangin, at pagkain.
Mga bagay na matatagpuan natin sa ating paligid na nagsisilbing ginto saating mga tao.
Kapag sinabing ginto, ang pumapasok sa ating isipan ay maaaring ito ay mahiwaga,
mahal, mabigat, at makinang. Ngunit hindi lahat ng ginto ay makinang, mahal, at
mabigat, ang ilan ay narito lamang sa ating kapaligiran.
          Ang mga punong kahoy, na nakalalanghap tayo ng napakasarap na simoy ng
hangin, at bumubuo sa sangkap na kailangan sa paggawa ng ating mga tahanan. Mga
punong kahoy na may mga malalapad at matangkad, na nagbibigay saatin ng iba’t-ibang
kabuhayan at mapagkaki-kitaan.
          Isa rin na nag sisilbing ginto sa ating buhay ay ang mga munting gulay na ating
kinakailangan sa pang araw-araw dahil ito ay nagbibigay saatin ng pagkain. Mga gulay
na masustansya, nangungulay berde, ang iba ay kulay lila, kulay dilaw, at kulay pula.
Mga gulay na bilog na bilog na parang hugis bola, mga gulay na walang kasing sarap
dahil ito ay walang katulad at natural ang pagtubo.
          Ang isa rin na ginto na matatagpuan sa ating kapaligiran ay ang rumaragasang
tubig na malayang umaagos. Tubig na nagbibigay inumin kapag tayo ay nauuhaw, ang
1

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY


The National Center for Teacher Education
tubig ay minsa’y malinaw na kasing linaw ng paningin natin at minsa’y kulay asul na nag
papahiwatig na ito ay malalim.
Ang mga ginto na ito ay napakaganda tingnan dahil sa magagandang katangian
nito, ang mga kulay berde na dahon, ang mga gulay na nagsisigandahan ang kulay, at ang
dagat na nagdadagdag kagandahan sa paligid.
          At ang pinaka-magandang ginto sa ating kapaligiran ay ang ating nasisilayan sa
oras ng pagmulat ng ating mga mata, sikat ng mainit na araw na dumadampi sa balat – na
nagbibigay saatin ng liwanag, ang araw na bilog na mas malaki pa sa ating planeta, araw
na nagbibigay saatin ng buhay at pag-asa sa araw-araw.

PANGAKAT 1- Isulat ang mga salitang naglalarawan sa punong kahoy

PANGKAT 2- Isulat ang mga salitang naglalarawan sa mga gulay

PANGKAT 3- Isulat ang mga salitang naglalarawan sa tubig 56

PANGKAT 4- Isulat ang mga salitang naglalarawan sa araw

Halimbawa ng grapikong pantulong:

5. Pag-uulat sa nabuong Organizer/Pagnilayan


Patungkol saan ang binasang teksto? Patungkol po sa ginto ng ating kalikasan?

Ano-ano ba ang mga ginto ng ating kalikasan? Mga punong kahoy, mga gulay, tubig na ating
iniinum at ang araw.
1

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY


The National Center for Teacher Education
Paano ba inilarawan ang punongkahoy sa teksto?
Mga punong kahoy na may mga malalapad at
matangkad, na nagbibigay saatin ng iba’t-ibang
Ano pa? kabuhayan at mapagkaki-kitaan.

Sa ating 5 pandama, anong pandama ang ginamit Nakakalanghap tayo ng masarap na simoy ng
para ilarawan ang punongkahoy? hangin

Paningin at pang-amoy po kasi sa unang


paglalarawan mapapansin natin na nakikita sa ating
mga mata ang mga punong kahoy na malalapad at
pang-amoy dahil sa salitang nakakalanghap tayo ng
preskong hangin. 57
Tama, ganyan din ba ang makikita natin sa ating
kapaligiran?

Tama, ang mga gulay paano ito inilarawan? Opo

Ano pa?
Mga gulay na may iba’t ibang kulay at iba’t ibang
hugis?

Anong pandama naman ang ginamit sa Mga gulay na masustansya at walang kasing sarap.
paglalarawan ng mga gulay

Paningin at panlasa dahil nakikita n gating mga


mata ang iba;t ibang hugis at kulay at nalalasahan
natin ang gulay sa pamamagitan ng ating dila.
Bakit sinasabing ang mga gulay ay isa sa mga ginto
ng ating buhay?

Kasi ito ang nagbibigay sa atin ng mga pagkain.


Paano inilarawan ang tubig sa teksto?

Inilarawan malinaw na kasing linaw ng paningin


natin at minsa’y kulay asul na nag papahiwatig na
Ano pa? ito ay malalim.

Anong pandama ang ginamit? Rumaragasang tubig na malayang umaagos.

Ang araw naman? Pandinig dahil naririning natin ang tubig na


rumaragasa.
Ano pa?
58
Sikat ng mainit na araw
Anong pandama ang ginamit?

Bakit sinasabing ang mga ginto sa ating kapaligiran Ang araw na bilog na mas malaki pa sa ating
ay napakaganda? planeta

Pansalat at paningin
1

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY


The National Center for Teacher Education
Dahil sa mga katangian nito

7. Pagtatalakay

Tekstong Deskriptibo

Ang tekstong ito ay may layuning maglarawan ng isang bagay, tao, lugar
karanasan, sitwasyon at iba pa. Ang uri ng sulating ito ay nagpapaunlad sa
kakayahan ng mag-aaral na bumubuo at maglarawan ng isang partikular na
karanasan.

Katangian ng Tekstong Deskriptibo

Ang tekstong Deskriptibo ay may isang malinaw at pangunahing


impresyon na nililikha sa mga mambabasa.

Katangian ng Tekstong Deskriptibo

Ang tekstong deskriptibo ay mahalagang maging espisipiko at maglaman


ng mga kongretong detalye. Ang pangunahing layunin nito ay ipakita at
iparamdam sa mababasa ang bagay o anumang paksa na inilalarawan.

V. Aplikasyon
Sa pagkakataong ito ay may panibago na naman
tayong gawain, sa parehong pangkat kanina ay gagawa
kayo ng isang sabayang pagbigkas at tula. Ang una at
pangalawang pangkat ay sabayang pagbigkas
samantalang ang pangatlo at pang-apat na pangkata ay
tula.

Maliwanag ba klas?
Upang magabayan kayo sa inyong gagawin, narito Opo, ma’am!
ang GRASPS.
GRASPS
GOAL Makapagtatanghal ng isang sabayang pagbasa.
ROLE Taga-basa
AUDIENCE Mga kapwa mag-aaral at ang guro
SITUATION Ang Kagawaran ng Edukasyon ay sumusuporta sa mga aktibidades ng
DENR na may kaugnayan sa R.A No. 9512 na National Environmental
Awareness and Education Act na naglalayon na suportahan ang ASEAN
Celebration Week.
PRODUCT Sabayang Pagbigkas
1

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY


The National Center for Teacher Education
Kayo ay mamarkahan base sa pamantayan:
STANDARD
Sabayang Pagbasa

Masteri – 10
Wastong Pagbigkas – 10
Kalidad ng boses – 10 59
KABUUAN 30 puntos

PAMANTAYAN Lubos na Naipamalas Di naipamalas


(Sabayang naipamala
Pagbasa) s
Masteri 10 7 5
Wastong pagbigkas 10 7 5
Kooperasyon 10 7 5
KABUUAN 30 21 15
60
1

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY


The National Center for Teacher Education

CURRICULUM VITAE

Pangalan: Irish A. Gurigay

Edad: 21 taong gulang

Kaarawaan: Marso 24, 1997

Lugar ng Kapanganakan: Sta. Irene Prosperidad Agusan

del Sur

Tirahan: Purok-9 Sta. Irene Prosperidad Agusan, del Sur

E-mail: guirigayirish324@gmail.com

Contact number: 09121812677

Elementarya: Sta. Irene Central Elementary School

Sta. Irene, Proseperidad Agusan del Sur

2004-2010

Secondarya: Sta.Irene National High School

Sta Irene, Prosperidad Agusan del Sur

2010-2015

Tertiarya: Philippine Normal University - Mindanao

Poblacion, Prosperidad, Agusan del Sur

2015-2019
1
61

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY


The National Center for Teacher Education

You might also like