You are on page 1of 10

Tsapter 1

INTRODUKSYON

Guro ang susi sa lahat ng suliranin ukol sa mabisang pagtuturo. Kung baga sa isang

manggagamot, nararapat pulsuhan ng guro ang kanyang mga mag-aaral, damhin at pakinggan

ang tibok ng kanilang puso, pag-aralan ang sanhi ng kanilang karamdaman bago lapatan ng

kaukulang lunas. Ayon kay Papham (1980), malaki ang tungkuling ginagampanan ng guro sa

pagpapaunlad ng mga kakayahang taglay ng mga mag-aaral. Ang ang kanyang impluwensiya sa

lipunan at sa paghubog ng mga kakayahan ng mga mag-aaral ay hindi matatawaran kailanman.

Bilang magulang, siya ang nagsisilbing uhay sa pagpapalago at pagpapayabong ng anumang

kakayahan mayroon ang mga mag-aaral.

Sa napakalaking pananagutang ito, nararapat lamang na taglay ng guro ang mga

katangiang tunay na papatnubay sa kanyang mga tinuturuan upang magabayan ang mga ito nang

lalong malinang ang kakayahan at abilidad upang maging epektibo hindi lamang sa silid-aralan

kundi higit sa lahat, maging huwaraan, epektibo at maging malaya sa pakikilahok sa kanyang

lipunang patuloy na nagbabago. [Experiential Learning Course Handbook]

Si Richards (1992) ay nagsabing ang epektibong guro ay malikhain. Ang kanyang klase

ay masigla, kawili-wili at laging may bagong gawain. Hindi lamang ang magpunla at magkintal

ng impormasyon o prinsipyo ang hangarin, kundi higit sa lahat, ang ninanais ay matulungan ang

mag-aaral na mapabuti ang buhay.

Dagdag pa ni Hendricks (1998), nasusukat ang pagiging epektibo ng isang guro sa

gawain, kaasalan at saloobin ng kanyang tinuturuan. Ito ang resulta ng kanyang mga gawain sa

klase. Ito ang batas ng edukasyon.


Sa pahayag ng mga dalubhasa, masasabing napakalaki ang papel ng guro sa proseso ng

pagtuturo-pagkatuto. Umiikot sa silid-aralan ang kanyang mundo at kumikilos siya ayon sa dikta

ng pilosopiya bilang isang edukador. Ang pagpapahalaga sa mga tinuturuang mag-aaral ang

batayan sa pagpili at paghahanda ng mga araling magagamit upang makipag-ugnayan sa kanyang

mga tinuturuan. Nababatid niya ang halaga ng mga angkop na metodo, lapit, estratehiya at mga

kagamitang instruksyunal na makatutulong upang mapakilos ang mga mag-aaral tungo sa

pagtugon at pagkatuto.

Sa bahaging ito, pagtutuunan ng pansin ang guro na naghahangad na makapagsagawa ng

matagumpay at epektibong pagtuturo sa kabila ng “mismatch” sa pagitan ng disiplina na

kanyang nakamit at disiplinang patuloy na pinalalaganap at inaangkin ay magawa niyang

pahalagahan at yakapin ang nasabing tungkulin.

Kaligiran ng Pag-aaral

Malaki ang impluwensya ng edukasyon sa hindi mapigilang pagsulong ng panahon at

pag-iiba ng mukha ng mundo. Ito ang isa sa mga dahilan ng napakaraming pagbabagong

nagganap sa halos lahat ng aspekto ng buhay at hindi maikakailang ito rin ang tugon at susi sa

inaasam na kaunlaran at matatag na lipunan. Kung gayon, isang hakbang upang matamo ang

maunlad at matatag na edukasyon ay ang pagkakaroon ng mga gurong may sapat na kahandaan,

kaalaman at kasanayan sa pagtuturo.

Ayon kay Beetham (2007), ang mga gawain sa pagkatuto ay tumutukoy sa interaksyon ng

mga mag-aaral sa loob ng kaligirang edukasyonal (kasangkapan at kaparaanan) tungo sa

planadong kahihinatnan na sinusuportahan naman ng mga taong may ispesipikong papel gaya ng

guro.
Batid ng marami na ang guro ang pinakamahalagang baryabol sa silid-aralan. Ito ang

tunay na guro na nag-aangkin ng kakayahan at kasanayang propesyonal, magandang saloobin at

pananaw sa propesyon at may magandang katangiang personal. Maaaring maging guro siyang

qualified to teach subalit baka hindi naman siya quality teacher. Maaaring nakatugon siya sa

kahingian ng pagiging kwalipikadong gurong magtuturo sapagkat nagtapos siya ng kurso ng

pagkaguro ngunit naging epektibo ba ang kanyang pagtuturo? Mataas ba ang kalidad ng kanyang

isinagawang pagtuturo upang masabi o makapantay na isa sa mga de-kalidad?

Samakatwid, ang pagtuturo sa mga mag-aaral at ang pangangailangan ng klase ay

humihiling ng kadalubhasaan ng guro at ng pagtuturo. Subalit paano kung ang guro ay nagtuturo

ng isang asignaturang malayo sa kanyang pinag-aralang disiplina? Ano-anong suliranin ang

kinahakarap ng mga gurong nabanggit?

Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Ayon kay Transona Jr., (2002), malaki ang ginagampanan ng edukasyon sa pag-unlad ng

isang bansa. At dahil sa paaralan nakabatay ang mga inaasahan at mithiin ng mga mamamayan

patuloy na nagbabago ang sistema nito dahil naiimpluwensiyahan ng patuloy na pagbabago ng

panahon. Sa anumang antas ng pag-aaral, sa bahagi ng pagtuturo ay hindi maitatanggi ang

katotohanang ang isang guro ay isa sa pinakamahalagang sangkap sa isang paaralan. Sa palad ng

mga guro nakasalalay ang mga malilikhaing gawaing makatutulong at magsisilbing gabay ng

mga mag-aaral. Ang antas ng kahusayan ng alinmang paaralan ay nakasalalay sa pagganap ng

mga guro sa pagtuturo. Binigyang-diin rin ni Brain (1996) na ang susi sa lahat ng suliranin sa

mabisang pagtuturo ay ang guro.


May iba’t ibang papel na ginagampanan ang guro. Sa kanilang pagtuturo sila’y umaakto

bilang tagapayo, patnubay, tagapangasiwa, kapatid, kaibigan, magulang at iba pa. Sa isang

banda, dahil sa ang pagtuturo ay isang komplikadong gawain, mahalaga ang kahandaan ng guro

sa propesyong ito. Bagamat, hindi lamang ang guro ang tanging baryabol sa ekwasyong

pagtuturo-pagkatuto, ang kahandaan ng guro sa pagtuturo ay isang malaking salik na nakapag-

aambag sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

Sinasabi nga na ang mabisang pagtuturo ay hindi namamanang kapangyarihan, manapa

ito ay bunga ng matinding pag-aaral at masiglang pagtupad sa tungkulin (Hunter, 1989). Ang

pagtuturo ay kinakailangang tugunan ang proseso ng pagkatuto sa halip na pangibabawan ito.

Teaching should be subordinate to learning ayon kay Gattegno (1976), ibig sabihin,

kinakailangan ang anumang hakbang na gagawin ng guro sa pagtuturo ay tumugon sa kung

papaano ba natural na gumagana o nagpoproseso ang utak o isipan upang matuto.

Ayon kay Conant (1963), kapag ang isang guro ay hindi sapat ang kaalaman sa kanyang

asignaturang itinuturo, maaari niyang maipasa ito sa kanyang mga mag-aaral. Maaring mabigo

ang isang guro na hamunin ang kaniyang mag-aaral na mag-isip ng tama bagkus maaari silang

mag-isip ng mga bagay na hindi angkop. Samakatwid, ang kaalaman ng guro sa kanyang

asignaturang itinuturo ang humuhubog sa kanyang kasanayan bilang guro – kung paano siya

magtanong, mga ideyang kanyang ibinabahagi, mga gawaing kanyang itinatalaga.

Sa pag-aaral ni Shulman (1986), ang isang guro ay hindi lamang dapat maalam sa mga

tanggap na katotohanan ngunit dapat marunong din siyang ipaliwanag ang mga katotohanang ito,

bakit kailangan itong malaman at ano ang relasyon nito sa iba pang katotohanan. Ang ganitong
uri ng pagkaunawa sa isang paksa ay pinaniniwalaan ni Scheffler (1973) na nagpapalakas sa

isang guro at sa ganitong paraan mapapalakas ang kanyang sining.

Ipinaliwanag ni Gurney (2007) sa kanyang pag-aaral na kung ang guro ay hindi handa

maaaring hindi niya magampanan ang responsibilidad ng isang guro. Kung ang guro ay may

kahandaan sa kanyang pagtuturo at handa siyang ibahagi ito sa kanyang mga mag-aaral, mas

makikita ang ganap na epektibong relasyon ng pagtuturo at pagkatuto.

Ayon kay Clemente-Reyes (2003), isa sa mga katangian ng isang epektibong guro ay

dapat maging eksperto sa lahat ng saklaw ng pagtuturo gaya ng paksang-aralin, pamamahalang

pangklasrum, pagtuturo at dayagnostiks na pagtuturo.

Sa kabuuan, ang pagtuturo ay isang sangay ng karunungang nauukol sa paglikha ng

maririkit na bagay at magagandang kaganapan. Ito’y isang maayos na paraan ng pagsasagawa

ng pagkikintal ng kaalaman. Itinuturing na mahalagang sangkap ng komunikasyon. Ang

pagtuturo ay ang malilikhaing pakikipag-ugnayan ng guro sa kanyang mga tinuturuan na may

iba’t ibang katangian at paniniwala. Sa proseso ng komunikasyon, hindi lamang natatanggap ng

mag-aaral ang mensahe mula sa guro kundi, ito’y kanyang naiuugnay sa sariling pamumuhay sa

sistematikong pamamaraan ng guro. Ngunit hindi lahat ng pagkakataon ay masasabing

nagbubunga ang guro sa kanyang pagtuturo. Kung kaya’t marapat lamang na palawakin ng guro

ang kanyang kakayahan at kasanayan sa pagtuturo. Kailangang magkaroon ng mga makabagong

istratehiya’t pamaraan ang guro upang mas maging produktibo at mabisa ang pag-aaral ng

panitikan.
Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay kontribusyon ng mga mananaliksik tungo sa pag-unawa sa

karanasan ng mga gurong di-medyor na nagtuturo ng asignaturang Filipino. Sila na matiyagang

naghahatid ng kaalaman sa mga mag-aaral sa kabila ng kaunting kakapusan dahil sa ibang

disiplina ang pinag-aralan. Ito ay makatutulong upang mapaunlad ang kakayahan, kaalaman at

kaasalan ng guro. Kaalinsabay nito, maaari ring magsilbing gabay ang pananaliksik upang

makabuo ng kagamitang pampagtuturo na makatutugon at makatutulong sa mabungang

pagtuturo-pagkatuto ng mga mag-aaral.

Paglalahad ng Suliranin

Malaking suliranin ang kinakaharap ng mga guro ng/sa Filipino sa lahat ng antas ng pag-

aaral. Bagamat patuloy na lumalawak at lumulusog ang kalagayan ng asignaturang Filipinosa

panahong ito ng makina at plastik ay patuloy naman lumalaki ang pangangailangan ng mga

pamaraan at kabatirang nauukol sa kung paano higit itong matatanggap, mapalalaganap,

mauunawaan at maitataguyod sa mga paaralan.

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong tugunan ang sumusunod na suliranin o katanungan:

1. Ano-anong suliranin ang kinakaharap ng mga gurong di-medyor sa pagtuturo ng


asignaturang Filipino?

2. Ano-anong pamaraan o estratehiya ang ginagawa o ginagamit upang malunasan ang mga
suliranin sa pagtuturo ng Asignaturang Filipino ng gurong di-medyor?

3. Paano mapahahalagahan ang pagtuturo ng Filipino sa kabila ng di pagiging medyor ng


asignatura?
Batayang Teoretikal

Marami nang pag – aaral ang naisagawa upang tukuyin ang behebyor ng isang

matagumpay at epektibong guro ngunit ayon kina Coker at Soar (1983), maraming naging

suliranin upang matukoy o maipaliwanag nang ganap kung ano talaga ang dapat sundin upang

masukat ang kahusayang pampagtuturo ng guro. Gayunpaman, marami pa din ang sumubok

tukuyin ang ilan sa mga pamantayan hinggil sa kahusayang pampagtuturo katulad ng mga

edukador, administrador at mga mananaliksik.

Ayon kina McKeachie (1996), Rodgers (1975) at Highet (1969), ang isang guro ng wika

ay dapat magtaglay ng mga katangian tulad ng : konsistensi sa paggamit ng wika, malinaw at

matatas sa pagsasalita, mahusay magpahayag at may kasanayan sa pagsasalita sa kanyang

pagtuturo. Idinagdag pa nila na ang kakayahang intelektwal ng guro ay isa sa mahalagang

kasanayang dapat bigyang pansin upang makatulong sa mga mag – aaral upang lumutas ng

suliranin, tumuklas, magtanong, magsaliksik ng mga bagong kaalaman, mapaunlad ang kritikal

na pag – iisip, kakayahang magrasyunal at magdesisyon ng tama.

Sa konseptong functionalist na ipinaliwanag ni Wilson at Hayes (2000), tinitingnan ang

mga organisasyon ng mga kongkretong realidad na umiiral hiwalay sa personal o sosyal na

pagkakabuo ng mga ito, ito ay ipinaaalam sa pamamagitan ng larang ng sosyolohiya na

nagtitiyak ng stabilidad, sosyal na kaayusan, integrasyon at solidaridad. Ang konseptong

functionalist rin ay naglalayong makapagbigay ng rasyonal na mga pagpapaliwanag ng mga

sosyal na gawain at may pag-aalala sa paghahatid ng mga praktikal na solusyon sa mga praktikal

na problema. Sa pangkalahatan, ninanais nito na magkaroon ng isahang pananaw tungo sa


kakayahan, pag-iiringan at mga interes upang makaabot sa mataas na antas ng pagiging epektibo

at produktibo na maaaring makamit ng isang indibidwal.

Ang konseptong functionalist ay may kalakip na dalawang teorya na maaaring tumukoy

sa kakayahan ng guro na magturo sa pamamagitan ng pagiging isang epektibong namumuno sa

loob ng klase, at ang pagpili ng karera o propesyon na umaagpang sa hininging mga batayan ng

pangangailangan ng taong magdedesisyon.

Ang una ay ang teoryang transaksyonal. Ito ay umiikot sa pagkaunawa na ang

pamumuno ay isang porma ng sosyal na pagpapalitan sa pagitan ng mga namumuno at

pinamumunuan. Ang namumuno ay masasabing epektibo kung nagagawa niyang hikayatin ang

kanyang nasasakupan na gawin ang anumang kanyang ipinagagawa upang makamit ang

organisadong mga layunin. Hindi lamang motibasyon ang kinakailangang may mataas na antas

sapagkat ang moralidad ay isa pang karagdagan sa pagiging epektibo ng mga namumuno.

Nakapaloob sa teoryang contingency ang prinsipyo na ang pagiging isang epektibong

namumuno o lider ay kailangang may pag-aagpang sa mga gawi-gawi at estilo sa bawat

sitwasyon. Sa ikalawang teoryang ito, ang mga sitwasyonal na salik na nangangailangan ng

pagbabatay ay ang mga sumusunod: ang natural na gawin, kalidad ng relasyon sa pagiging lider

at mga miyembro ng grupo, at ang kabuuang awtoridad na mayroon ang lider sa ibabaw ng

domeyn ng gawain.

Nais ng mga mananaliksik na pagbatayan ang mga teoryang ito sa pagbibigay ng mas

malawak na pagpapaliwanag at pagsuporta sa mga impormasyong makakalap sa pamamagitan

ng in – depth na panayam sa mga di – medyor na guro tungkol sa kanilang karanasan sa

pagtuturo ng Asignaturang Filipino. Partikular na mabibigayan tuon ng mga ito ang pananaw ng
mga di-medyor na guro patungkol sa kanilang mga suliranin na maglalahad kung paano nila

nabibigyang saysay ang epektibong pagtuturo.


PAMANTASANG DE LA SALLE – DASMARIÑAS
Dalubhasaan ng Malalayang Sining
Programang Panggradwado

Pag-unawa sa Suliranin ng mga Di-Medyor na Guro sa Pagtuturo ng


Asignaturang Filipino

Sulatin Pananaliksik sa Kwalitatibong Pananaliksik

Ipinasa kay:
Dr. Amboi Ballena
Propesor

Ipinasa nina:
Fricx Mhel A. Fernandez
Lianne Frances S. Lim
MA Filipino

Ika-31 ng Agosto, 2013

You might also like