You are on page 1of 10

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

UNIVERSITY OF SOUTHEASTERN PHILIPPINESS


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION AND TECHNOLOGY
APOKON,TAGUM CITY

GROUP BRING-HOME EXAM

MGA PAKSA:
*ANG SINING AT AGHAM
SAPAGTUTURO
*ANGEPEKTIBONG GURO
*ANG PAGHAHANDA NG
KAGAMITANG TANAW-DINIG
*ANG HAGDAN NG KARANASAN

Submitted by:
ALEXIS KAE GALVADOREZ
JESTONI E. LAGULOS
KENT ROVIC CASIRO
LOVELY BEJEC
RONNALYN TAGOBADER
SHINDELYN GRACE
NAQUILA

Submitted to:
MR. JOHN LERRY A. MISA
FL. 111 & 112 Instructor

DECEMBER 2021
ANG SINING AT AGHAM SA
PAGTUTURO NG WIKA

Sa mayamang impormasyong ukol sa masining na pagtuturo na


nakapaloob sa aklat ni Belvez (2001), “Ang Sining at Agham ng Pagtuturo”,
inilahad na ang modyul ay isang kagamitan sa pansariling pag-aaral ng mga
aralin. Sa tulong ng mga tiyak na takdang gawain sa pagkatuto ng
maayos ang pagkabuo at kalakip ang mga kaugnay na nakaraang
gawain sa pagkatuto ay inilalahad at itinuturo ang mga aralin. Sa
pamamagitan ng mga pamatnubay na pagsubok pagkatapos ng bawat
munting likha ng aralin at ng pangwakas na pagsusulit sa katapusan ng
modyul ay nagkakaroon ng pagtataya sa anumang kaalamang nakuha
ng mga mag- aaral sa modyul. Maliban sa aklat, ang modyul ay isang
gamitin na kagamitang pampagtuturo sa kasalukuyan. Magkamukha ang
aklat at ang
modyul ngunit maaaring ang modyul ay may serye at nakaangkla sa
ibinibigay na pamantayan at nilalaman ng mga aralin. Ang modyul ay
naglalaman ng mga gawain na may kaugnayan sa tatalakayin ng guro at ito
ay nagsisilbing basal at supplementary sa pagitan ng guro at mag-aaral.

Kaugnay nito, isa rin sa mga uri ng tanong na inilahad ni Belvez


(2001) ay mga tanong na nangangailangan ng personal na reaksyon
kung saan ang sagot sa uri ng tanong na ito ay personal na reaksyon ng
mambabasa at ayon sa kanyang pagkaunawa sa teksto. Pinoproseso na rin
ng mga mag- aaral ang mga impormasyong nakalahad sa akda dahil hindi
tuwirang nakalahad sa akda ang kasagutan.

Ang pagtatanong ay tampok sa silid-aralan na ginagamit ng mga guro


sa pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral. Sang-ayon sa aklat ni Belvez
(2001), “Ang Sining at Agham ng Pagtuturo”, inilahad niya ang mga layunin
ng pagtatanong at ito ang sumsunod:
(1) Subukin ang pang- unawa ng mga mag-aaral sa paksang tinatalakay;
(2) Pukawin ang kawilihan ng mga mag-aaral sa paksang-aralin; (3) Tiyakin ang
kakayahan ng mga mag-aaral sa isang bagay o kaalaman; (4) Pagbalik-aralan ang
araling natapos; (5) Magbuod at gumawa ng lagom ng mga paksang tinatalakay;
(6) Subukin ang kaalaman ng mag-aaral; (7) Ganyakin ang mag-aaral na
magbigay ng kanilang sariling opinyon at palagay; (8) Mabatid ang saloobin at
pagpapahalaga ng mga mag-aaral; (9) Bigyang-diin ang isang pangyayari o isang
partikular na insidente sa kwento o artikulong pinag-aaralan; (10) Ihanda ang
klase sa isang pagsusulit; (11) Ihanda ang klase sa pagtalakay sa isang yunit ;
(12) At marami pang iba.

Ayon nga kina Freiberg at Driscoll (2000) na hango sa isang aklat na


“Methods for Teaching: Promoting Student’s Learning” (Jacobsen, et. al. 2002) na
ang pundasyon ng epektibong pagtuturo ay ang pagtatanong sa klase.
Dagdag pa nila, sa tipikal na klase, ang guro ay nagtatanong sa iba’t ibang
dahilan at ito ang karaniwang dahilan na kanyang inilahad: (1) Sinisiyasat
kung may pagkaunawang natamo ang mga mag-aaral sa pagtuturo ng guro; (2)
Pagtataya sa natutuhan ng mga mag-aaral sa paksang tinalakay; (3) at ang
pagpapataas ng antas ng kanilang pag-iisip.

Sa aklat ng epektibong pagtuturo ni Buccu (1995) na “College Teaching


in The Philippines”, naglahad din siya ng mga layunin ng pagtatanong tungo
sa epektibong pagkatuto ng mga mag-aaral. Narito ang mga layunin: (a)
Upang mapaunlad ang pag-iisip at pangangatwiran ng mga mag-aaral; (b)
Upang mahikayat ang mga mag-aaral na matuto at makilahok sa mga
gawaing pangklasrum; (c) Upang matukoy ang kalakasan at kahinaan ng
bawat mag- aaral; (d) Upang matulungan ang mga mag-aaral na bumuo at
isaayos ang kanilang mga ideya; (e) Upang matulungan ang mga mag-aaral
na magpahalaga; (f) Upang matulungan ang mga mag-aaral na magamit
ang
kanilang mga natutuhan. Makikita sa mga layunin na napakahalaga ng
pagtatanong at malaki ang naitutulong nito sa pagpapataas ng antas ng pag-
iisip ng mga mag-aaral na siyang tunguhin ng edukasyon.
Malawak ang sakop ng pagtatanong kung saan maraming aspekto o salik na
nagpapatibay at nagpapatunay na mahalaga itong sangkap sa pagtuturo at
epektibong pagkatuto ng mga mag-aaral.
ANG EPEKTIBONG GURO
Ang pagtuturo ay isa sa mga pinakakomplikadong gawain. Ito
ay nangangailangan ng buong atensyon, malalim na pag-unawa at
masusing pag-iisip. Bilang isang guro, pangunahing adhikain nito
ang matuto ang kanyang mga estudyante. Tungkulin nitong
maipahayag ng mabuti ang buong kaalaman na ituturo sa mga
mag-aaral kaya naman malaking tulong ang mga pamamaraan ng
pagtuturo bilang tulay upang maunawaan ng lubos ng mga mag-
aaral ang nais na ibahaging impormasyon nito.

Sa aklat ni Dr. Lizette F. Knight (2009) na Maximum Learning


and Teaching, isinaad niya na isang salik na mahalaga sa proseso ng
pagkatuto ay ang kapaligiran. Ang paghahanda ng isang magandang
kapaligiran ay nakakaapekto sa motibasyon ng pagkatuto.

Ayon sa lathala ni Maria Merlisa V. Manuel (2012) na


pinamagatang Guro: Tagahubog ng Kinabukasan ng Sambayanan,
malaki ang impluwensya ng mga guro sa kanyang mga estudyante
maging sa personal na buhay man ito o kinabukasan. Kaya naman,
nararapat na pahalagahan ng isang guro ang kanyang propesyon
hindi lamang bilang isang trabaho kundi isa ring misyon na may
kaugnayan sa kinabukasan.

Tinalakay din dito ang iba’t-ibang gampanin ng isang guro gaya


ng pagbabahagi ng kaalaman. Ayon dito, hindi maibabahagi ng
isang guro ang isang kaalaman kung wala itong lubusang kaalaman.
Kaya naman, pangunahing Gawain nito ang patuloy a pangangalap
ng mga bagong impormasyon na makakatulong sa kanyang
propesyon.
Ang mga Guro ang nagsisilbing gabay sa bawat estudyante upang
maging produktibo at malikhaing mag-aaral. Bago maging isang ganap na guro
maraming pasakit ang nararanasan ng isang tao upang makamit ang gustong
propesyon. Lahat tayo ay may kanya-kanyang pamantayan sa pagiiging isang
ganap na guro. Ngunit marami rin sa mga eksperto ang nagbibigay ng
pamantayan tungkol dito. Hindi madali ang pagiging guro sapagkat maraming
responsibilidad ang nakasalalay upang mabigyan ng maayos na pagkatuto ang isang
bata o mag-aaral.

Ayon kay Bautista (2021), ang katangian at personalidad ng isang


epektibong guro ay ang pagkakaroon ng positinong personalidad. Ang isang
epektibong guro ay umaasa at naniniwalang lahat ng kanyang estudyante ay
nagsisikap at gustong matuto. Naniniwala silang lahat ng kanilang mga estudyante
ay matututong bumasa, sumulat at magbilang na makakamtan ang tunay na
progreso sa bawat taon ng kanilang pagpasok. Pangalawa ay ang, pangangalaga.
Ang mga guro ang nagsisilbing pangawalang magulang ng mga estudyante,
nagiging epektibo ang isang guro kung silay mainit na nagmamahal at may
respeto sa kanilang
estudyante. Ninanais na makuha ang loob ng lahat ng kaniyang mga estudyante
hindi lang bilang magulang kundi bilang tunay na kaibigan din na puwedeng
mapagsabihan ng mga sikreto at mga problema nila. Pangatlo ay ang abilidad. Hindi
na ito bago sa atin sapagkat kapag kununsidera mo ang talinong kailangan upang
sukatin ang abilidad na harapin ang pagsubok dahilan para ikaw ay magpatuluy at
magtagumpay sa buhay. Ang pang-apat ay ang pagmamahal sa tungkulin. Ang
gurong epektibo ay gumagawa ng paraan upang mahatid ng maayos ang kaalaman
sa mga mag-aaral. Ang pagkakaroon ng propesyunal na kaalaman ay isa rin sa mga
katangian ng pagiging epektibong guro. Bilang isang propesyunal dapat na alam mo
ang nilalaman , kurikulum mga material ng iyong ituturo may buong puso kang
alamin ang layunin at kahalagahan ng edukasyon.

Iyan ay mga halimbawa lamang ng mga karakter ng isang magaling na guro.


ang pagiging isang guro ay isang marangal at mabuting trabaho na
maipagmamalaki natin sa lahat. Ito ay hindi madali sapagkat bilang isang guro ay
dapat mong linangin ang bawat mag-aaral upang maging maganda ang kanilang
kinabukasan. Hindi lamang magaling na guro ang kailangan ng bawat paaralan mas
kinakailangan nito ng epektibong guro, isang guro na nagiging modelo sa kaniyang
mga mag-aaral at isang guro na may kakayahang maging inspirasyon (Bereber,
2018).
ANG PAGHAHANDA NG
KAGAMITANG TANAW-
DINIG
Isa sa nagdulot ng mga pagbabagong ito ay ang teknolohiya.
Malaki ang naging epekto ng mabilis na pag-usbong nito sa
pamumuhay ng mga tao sa kadahilanang nakatutulong ito sa
kanilang pang-araw-araw na gawain. Ang teknolohiya ay mabilis na
nagpapabago sa maraming aspekto sa lipunan at higit na malaki ang
epekto nito sa mga kabataan (Castrodes et. al., 2012). Patunay
lamang ito na malaki ang maiaambag ng teknolohiya upang
mapaunlad ang kaalaman ng mga kabataan.

Kaakibat ng mga ipinangakong pagbabago at pag-unlad ng


ASEAN Integration 2015 sa bansa ay ang pagkakaroon din ng
pagbabago sa larang ng edukasyon. Ang edukasyon ang may
pinakamahalagang tungkuling ginagampanan tungo sa pag-unlad ng
isang bansa ngunit ito ay naaapektuhan ng pabago-bagong panahon,
kapaligiran at kaugalian ng mga tao (Bracero, et. al., 2007). Ayon pa
sa libro nina Sampath et. al. (2007), Learning usually involves both a
student and a teacher. But in some of the recent innovations of the
educational system, the teacher needs not be physically present to
teach. Kung kayat gumagamit na rin ang mga guro ng mga
makabagong kagamitan na bunga ng teknolohiya bilang kagamitang
pampagtuturo. Ngunit hindi pa rin maiaalis na may malaking
gampanin pa rin ang guro sa mabilis na pagkatuto ng mga mag-aaral.
Kabilang sa mga kagamitang pantulong sa pagtuturo ang paggamit
ng LCD projector, kompyuter, lapel at marami pang iba. Ang
nabanggit na mga bagay ay makatutulong upang mapaunlad ang
paglinang ng kaalaman sa mga mag-aaral.
Ayon kay Jonassen (2008), Knowledge is embedded in the technology and
technology presents that knowledge to student.” May kaugnayan ito sa
ipinahayag nina Halal and Liebowitz (1994) na, as the technological key to
future education, multimedia is defined as a powerful combination of earlier
technologies that constitutes anextraordinary advance in the capability of
machines to assist the educational process. Sinasabi na malaki ang maitutulong
ng mga makabagong kagamitang pampagtuturo sa mga guro upang magbigay-
daan sa motibasyon ng kanilang mga mag-aaral.

Sa mabilis na pagsulong ng teknolohiya ay maaari na ring mapabilis ang


paraan ng pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang dating kumbensiyunal
na pagtuturo na nakasentro palagi sa guro (teacher-centered) ay unti-unti nang
napapalitan ng pagtuturo na nakasentro naman sa mga mag-aaral (student-
centered). Ang tradisyonal na nilalaman ng mga aralin ay maaaring mapaunlad
sa mas interaktibong pamamaraan. Ang pagsasama ng teknolohiya sa
pagtuturo at pagkatuto ay may hangaring mabago ang estratehiya sa mga
institusyong pang-edukasyonal.

Sa kasalukuyang lagay ng edukasyon sa Pilipinas, maraming mga paaralan


at institusyon ang gumagamit ng mga makabagong kagamitan sa pagtuturo at
pag-aaral. Ang tradisyonal na pamamaraan sa pagtuturo, bagamat buhay pa rin
ay unti-unti nang napapalitan ng modernong pamamaraan. Ayon nga kay
Hidalgo (2000), sa modernong pagtuturo at teknolohikal na pagbabago sa ika-
21 siglo, nakatuon sa kumpetisyon ang mga paaralan ngayon. Kaya naman
maraming paaralan at institusyon ang gumagamit na ng mga makabagong
kagamitan sa kanilang pagtuturo. Ang simpleng yeso at pisara na gamit noon ng
mga guro sa pagtuturo ay napapalitan na ng kompyuter at LCD projector sa
pagtalakay ng kanilang paksa.

Kaugnay pa rin nito, ang kurikulum pang-edukasyon ng Pilipinas ay muling


nabago. Ayon sa Enhanced K-12 Educational program paper ng DepEd, the new
curriculum would give students more time to master competencies and skills as
well as time for other learning opportunities beyond the classroom, thus
allowing for a more holistic development.”
ANG HAGDAN NG KARANASAN

Ang hagdan ng karanasan ay binubuo ng labing-isang


baitang. Ang bawat baitang ay mahalaga sa isa't isa.
Nagsisimula ang hagdan ng karanasan sa tuwirang karanasan
at nagtatapos naman sa simbolong berbal. Bagama't bai-
baitang ang mga karanasan ay naroon pa rin ang ugnayan ng
bawat isa. Makikita sa ibaba ang anyo ng hagdan ng
karanasan. (Dale 1959:347)

Ang labing-isang baitang ng hagdan na karanasan ay


maaaring pangkatin sa tatlo ayon sa antas ng pagiging
tuwiran hanggang maging abstrak. Ang tatlong pangkat ay (1)
ginagawa, (2) minamasid at (3) sinasagisag. Ang unang
pangkatay ginagawa sapangkat iyo ay aktwal na ginagawa ng
tao. Binubuo ito ng mga tuwirang karanasan, mga
binabalangkas ng karanasan at madulang pakikilahok. Ang
ikalawang pangkat ay tinatawag na minamasid sapagkat
bukod sa pinagmamasdan ay pinapakinggan pa ang mga
karanasang nakapaloob dito. Ang pakitang-turo, paglalakbay,
eksibit, telebisyon, pelikulang gumagalaw, teyp recording,
radio at larawang di gumagalaw ay nasa pangkat ng
minamasid. Ang pinakahuling pangkat naman ay sinasagisag
sapagkat ito ay gumagamit ng mga simbolong biswal at
berbal.
Ang hagdan ng karanasan ay ang kaalaman ng isang
tao na nakukuha sa pamamagitan ng paggawa ng isang
bagay o gawain o pagpapanood ng ibang taong gumagawa
ng isang bagay o ng isang gawain. Ito ay binubuo
nglabing- isang baitang. Ang bawat baitang ay mahalaga sa
isa’t isa. Nagsisimula ang hagdan ng karanasansa tuwirang
karanasan at nagtatapos naman sa simbolong berbal.
Bagama’t bai- baitang ang mgakaranasan ay naroon pa rin
ang ugnayan ng bawat isa. Makikita sa ibaba ang anyo ng
hagdan ng karanasan.

Ayon kay Abad(1996), ang kagamitang panturo ay


anumang karanasan o bagay na ginagamit bilang pantulong
sa paghahatid ng mga katotohanan, kasaysayan, saloobin,
palagay, kaalaman, pang-unawa at pagpapahalaga sa mga
mag-aaral upang lalong maging kongkreto, tunay, dinamiko at
ganap pagkatuto. Ang sabi naman ni Alwright (1990), ang
mga kagamitang panturo ay komokontrol sa pagtuturo at
pagkatuto.
ANG HAGDAN NG KARANASAN

You might also like