You are on page 1of 18

KABANATA I

Panimula

Karapatan ng isang tao ang mabigyan ng edukasyon. Edukasyon ang

naghuhubog ng maganda nitong kinabukasan. Ang pagiging matagumpay sa buhay ay

nakasalalay sa kung paano nito ginampanan ang mga gampanin, tungkulin, at gawain

sa paaralan.Ang silid-aralan ay isang espasyo kung saan nakikinig ang mga mag aaral

sa tinuturo ng guro.

Ayon sa sinabi ni Cruz (2015), Ang silid-aralan ay mahalaga sa mga mag-

aaral. Dito sila pumapasok araw-araw upang maupo, makinig, magsulat, matuto at

makihalubilo sa mga kapwa mag-aaral. Dito rin nila nakakasama ang kanilang mga

guro na nagsisilbing pangalawang ina/ama.

Maraming silid aralan ang nadaanan ng sakuna, pinag-lumaan o kaya naman

ay nasira kaya naman kailangan itong masaayos upang magamit ng mag aaral ng

maayos. ”Pagbabagong-bihis ng mga silid-aralan sa Ikapitong Baitang ng Malanday

National High School” ang ginawa ng mga mananaliksik ito ay pagsasaayos ng mga

silid-aralan sa pinaka mababang baiting (G7).


Teoretikal na Balangkas

Ayon sa Teorya ni Euperio (2015), Ano ang kahalagahan ng silid-aralan sa

mga mag-aaral? May maganda ba itong naidudulot sa kanila? Ano ang naitutulong

nito sa mga batang mag-aaral? Ang silid-aralan ay mahalaga sa mga mag-aaral. Dito

sila pumapasok araw-araw upang maupo, makinig, magsulat, matuto at makihalubilo

sa mga kapwa mag-aaral. Dito rin nila nakakasama ang kanilang mga guro na nag-

sisilbing pangalawang ina/ama. Sa panahon natin ngayon ay nakakaranas ng pormal

na edukasyon. Di tulad noong unang panahon, di pormal ang tawag sa uri ng

edukasyong nararanasan ng mga mag-aaral. Tinawag na ganito ay dahil wala silang

mga guro. Tanging mga matatanda lamang sa pamayanan ang nagsisilbing mga guro.

Tanging sa mga bahay lamang sila natuturuan. Walang mga aklat at iba pang mga

kagamitan sa pag-aaral. Ngayon, may mga silid-aralang pinapasukan sa mga paar-

alan. Mayroon ding iba't ibang mga kagamitan sa pag-aaral. Mayroon ding mga aklat

na ginagamit sa iba't ibang asignatura. Ang mga silid-aralan na kung tawagin ngayon

ay malaki ang naitutulong sa mga mag-aaral upang matuto nang husto at maayos. Ito

rin ang nagsisilbing pangalawang tahanan ng mga mag-aaral dahil mas mahaba ang

oras na ginugugol nila dito.

Ayon sa Teorya ni Charles (2015) Kung paano pinamamahalaan ng mga gu-

ro ang kanilang mga silid-aralan ay isang mahalagang bahagi sa pagkamit ng isang

mabisang kapaligiran sa pag-aaral. Alam ng mga tagapagturo na ang lahat ng mga

mag-aaral ay natututo nang magkakaiba, at ang pagpili ng tamang istilo ng pagtuturo


ay maaaring makapagpagaan ng mga isyu sa pag-uugali at gawing posible ang ma-

husay na pagtuturo. Ayon sa National Comprehensive Center for Teacher Quality,

isang makabuluhang katawan ng pananaliksik ay nagpapakita din na ang samahan sa

silid-aralan at ang kakayahang epektibong pamamahala ng pag-uugali ng mag-aaral

"makabuluhang nakakaimpluwensya sa pagpapanatili ng mga bagong guro sa mga

karera sa pagtuturo." Sa loob ng kontekstong ito, malinaw na ang pagtuturo. teorya at

mga diskarte sa pamamahala sa silid-aralan ay kabilang sa pinakamahalagang aspeto

ng edukasyon ng guro. Habang ang teorya sa pamamahala ng silid-aralan ay patuloy

na umuusbong, mayroong tatlong pangunahing mga teorista na nakatayo pagdating sa

modernong edukasyon. Sa buong ika-20 at 21 na siglo, ang mga eksperto tulad ng

B.F. Skinner, William Glasser at Alfie Kohn ay nagbago ng mga paraan na naghaha-

tid ng edukasyon. Ang pag-unawa sa kanilang mga teorya ay makakatulong sa mga

edukador na tukuyin ang kanilang sariling mga pamamaraan sa pamamahala sa silid-

aralan at gumawa ng mga pagpapasya tungkol sa kung paano pinakamahusay na lapi-

tan ang mga pakikipag-ugnayan sa mga mag-aaral.

Ginawa ni William Glasser, Ang silid-aralan ay dapat na maging isang kasi-

ya-siyang lugar para sa mga mag-aaral. Ang gawa ng salamin ay nakakaapekto sa te-

orya ng pagkatuto sa iba't ibang paraan. Ginamit ito sa mga paaralan sa buong mundo

at binago ang mga paraan ng paghahatid ng mga guro. Una, kinilala ng Glasser ang

mga guro bilang mga tagapamahala na kailangang gumana nang epektibo kung nais

nilang matagumpay na magturo sa kanilang mga mag-aaral. Ang tungkulin ng mga


guro bilang mga tagapamahala ay nangangailangan sa kanila na gabayan ang mga

mag-aaral sa pag-unawa na ang pagsisikap at pagiging masunurin ay nagkakahalaga

nito at magkakaroon ng positibong impluwensya sa kanilang buhay. Makakamit ito

ng mga guro sa pamamagitan ng pagbuo ng positibong ugnayan sa mga mag-aaral at

paglikha ng aktibo, may-katuturang mga karanasan sa pagkatuto na nagbibigay-daan

sa mga mag-aaral na magpakita ng kasanayan at tagumpay.

Balangkas Konseptwal

Ang pag aaral ay gagamit ng Input, Proseso, at Awtput na format sa bal-

angkas, kung saan ang mga impormasyong kailangan ay nasa input, prosidyur sa

proseso, at sa resulta sa Awtput.


Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik ay nag lalayong malaman ng mas maayos na silid aralan ng

mga baitang pito (G7) na mag aaral sa Malanday National High School (MNHS) at

ang epekto nito sa kanilang marka. Ang mga sumusunod na katanungan ay kailangan

sagutan.

1. Ano ang Propayl ng Respondante

1.1 Edad

1.2 Grado sa Ikalawang Markahan

1.3 Kasarian

2. Ano ang silid aralan sa estado ng mga mag aaral

3. May relasyon ba ang may maayos na silid aralan para sa grado ng mag-

aaral?

Haypotesis

Null na Hinuha

Ang Silid-Aralan ay walang epekto sa marka ng isang Mag-aaral


Kahalagahan ng Pag-aaral

Inaasahang ang pag sasagawa ng pag-aaral na ito ay maging makabuluhan sa

mga sumusunod na grupo:

Mga Mga-aaral. Ang reulta ng pag aaral ay maaring makapagbigay ng im-

pormasyon sa kanila, mapalawak ang kanilang kaalaman, at magsilbing kaliwanagan

rin na ang pagkakaroon ng maayos na silid aralan ay tutulong para maunawaan ng

maayos ang itinuturo sa paaralan.

Mga Magulang. Makakatulong ang pag-aaral na ito upang malaman nila na

ang may maayos na silid aralan na estado ng isang bata ay may relasyon sa marka ni-

ya sa paaralan at upang mabigyang aksyon ang kanilang anak sa pamamagitan ng

gabay at pagbibigay atensyon.

Mga Guro. Magbibigay ng kaalaman at kaliwanagan ang resulta ng pag-aaral

na ito upan g malaman nila ang epekto ng may maayos na silid partikular marka ng

mag-aaral.

Administrasyon ng Paaralan. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong upang

malaman nila ang resulta at kung ano pa ang maaring magawa ng silid aralan sa paar-

alan

Iba Pang Mananaliksik. Ito ay magsisilbing makabuluhang sanggunian o

magpagkukunan ng impormasyon sa kanilang mga isasagawang pag-aaral o panana-

liksik
Saklaw at Delimitasyon

Ang pananaliksik na ito ay magbibigay-diin at pagtutuunan lamang ng pansin

ang pagbabagong bihis na estado sa marka ng mag-aaral.

Dalawampu’t limang (30) piling mag-aaral sa ika-pitong (7) baitang ang mag-

sisilbing respondante ng pag-aaral.

Katuturan ng Terminolohiya

Upang maliwanagan at maayos na maunawaan ang pag-aaral, ang mga su-

musunod na termino ay binigyang-kahulugan.

Pagbabagong-Bihis. Pagbabagong-Bihis ay pag babagong-anyo o pag pa-

palit ng isang bagay sa pagiginng maayos.

Marka. Ito ang average na marka ng mga indibidwal sa una at ikalawang

markhana

Silid-Aralan. Ito ay silid na pijnag tuturuan ng mga guro sa paaralan.

Edukasyon. Ito ay isang kaalaman na tutulong sa bawat tao na maunawaan

ang mga bagay-bagay na pag-aaralan.


KABANATA II

Mga Kaugnayan na Literatura at Pag-aaral

Ang Kabanatag ito ay aglalaman ng mga artikulo at pag aaral na may kaugayan at

mag silbing basehan ng konspeptuwalisasyo ng pananaliksik na ito.

Kaugnay na Lituratura

May mga lokal at banyagang literatura na naisulat ukol sa Pagbabagong-Bihis

ng mga Silid-Aralan. Ang mga ito na binasa at sinuri ay naglalaman ng mga sumusu-

nod.

Lokal na Literatura

Isinaad ni Aileene Manalac (2019), Isa na siguro sa pinaka mataong lugar

ay ang paaralan sapagkat narito ang halos kalahati ng populasyon ng bawat komuni-

dad, mga mag – aarala na walang hangad kundi makapag –aral matuto. Ang paaralan

ang nagsisilbing pangalawang tahanan ng bawat mag – aaral na pumapasok ditto. Sari

saring kaalaman, karanasan at pakikitungo sa kapwa ang kanilang nararanasan di-

to.Ang pagkakaroon ng sapat at maayos na silid-aralan ay isa sa mga hakbang upang

gawing kaaya-aya ang pag-aaral at hikayatin ang mga bata na pumasok sa eskwela.

Ito rin ang isa sa mga sangkap na makatutulong sa motibasyon ng mga bata upang
sila ay matuto sa mga agham na inihahain ng kanilang mga guro.Ayon nga sa artikulo

mula sa Wikipedia.com, ang silid-aralan ay isang espasyo para sa pag-aaral, isang

silid na kung saan natututo ang mga bata at matanda ng iba't ibang mga bagay. Mata-

tagpuan ang mga silid-aralan sa mga iba't ibang institusyon pang-edukasyon, mula sa

mga preschool hanggang sa mga pamantasan, at maaring matagpuan din sa ibang mga

lugar kung saan mayroong pagsasanay o edukasyon na binibigay, katulad ng mga

korporasyon at organisasyong pang-relihiyon o makatao. Sinusubok ng silid-aralan na

magbigay ng isang espasyo kung saan ang pagkatuto ay hindi naabala ng panlabas na

gambala.Ngunit hindi lamang mga leksyong matatagpuan sa mga aklat at babasahin

ang maaring ituro sa loob ng silid aralan. Isa rin itong napakagandang lugar upang

mabigyang leksyon ang mga mag – aaral sa pagpapamalas ng mabuting kaugalian,

maipamulat sakanila ang kahalagahan ng pagiging determinado at may tiwala sa sarili

upang makamtan nila ang kani kanilang mga pangarap.Ang apat na sulok ng silid-

aralan ay magsisilbing kanlungan ng kinabukasan, kinabukasan na may paninindigan,

tiwala sa sarili, nagmamalasakit at higit sa lahat patuloy na pinauunlad ang sarili

upang patuloy na magsilbing mabuting sangkap ng produktibong pamayanan.

Ayon sa Maryland State Department of Education, Ang mga panana-

liksik ay nagpapakita na ang mga bata ay higit pang matagumpay sa paaralan kung

ang kanilang mga pamilya ay kabilang sa pagpapalaki at edukasyon ng kanilang mga

anak. Sa isang batang may kapansanan, ang kahalagahan ng pakikitungo ng magulang

ay hindi mapapantayan. Kadalasan, ang mga magulang ng tanging pinagmumulan ng


kaalaman sa karunungan ng bata at kung paano naaapektuhan ang abilidad ng batang

matuto dahil sa kanyang kapansanan. Malaki ang

kahalagahan ng magulang sa edukasyon ng kanilang mga anak. Itinatadhana ng batas

na ang mga magulang at mga tauhan ng paaralan na magtulungan upang maibigay sa

mga bata ang angkop na serbisyo sa edukasyon. Bilang magulang ng isang batang

may kapansanan, kailangan mong magtanong at humingi ng tulong kung ikaw ay

nangangailangan nito.

Ayon kay Eddie Villanueva (2018) Ang paaralan ay isang institusyon na

naglalayong magbigay ng karagdagangkaalaman sa bawat batang pumapasok at nag –

aaral dito. Isang tahanangpumapangalawa sa bawat batang nagnanais matuto.

Maraming salik ang kinokonsiderasa isang institusyon upang matawag ito na isang

paaralan ayon sa DepEd na katuladng mga pasilidad na siyang nagsisilbing kagamitan

upang mas mapaunlad angkaalaman ng bawat mag – aaral. Sinasabi man na walang

hadlang sa taong gustongmakapag – aral ngunit may malaking epekto sa mga mag –

aaral ang kakulangan sapasilidad, silid – aralan, libro at mga upuan. Ilan lamang ito

sa mga problemangkinakaharap ng pampublikong paaralan dahil na nga sa kakulan-

gan ng badyet para sasector ng edukasyon.


Banyagan g Literatura

Ayon kay Singian (2018), Sa mga silid-aralan na nagsisimula ang bagong

pag-aaral ng bawat mag-aaral, ito ang dahilan ng paghahatid sa kaayusan sa mgapaar-

alan. Ang mga magulang at mga mag-aaral, ang bawat batang may pag-aalaga sa

edukasyon, ang pamayanan sa pangkala-hatan, sila ang nagtutuon ng tulong sa pag-

sasaayos ng buhay na kalagayan ng mga paaralan na pag-aaral ng buong paman-uan

ng mga paaralan. Makikita sa Bayan, ang pagtuturo ng bawat isa para sa apaghahan-

da ng bawat silid-aralan. Ang edukasyon ay umaabot sa tanaw ng bawat pamilya sa

lipunan. Ito ang dahi- at pag-aalaga ng mga tao sa edukasyon. Ang edukasyon ang

magiging susi sa ikauunlad ng buhay ng bawat tao sa lipunan.

Isinaad ng Sun Star Pampanga1(2019), na sa Brigada Eskwela ay paglilin-

is ng kabuuan ng paaralan upang maging maayos at kaaya-aya sa mga es- tudyante sa

unang pasukan nila sa paar- alan. Sa bawat araw ay may iba't-ibang gawaing nakaa-

tang upang maayos na mabuti ang paaralan sa loob ng anim na araw ng bri- gada.

Una ang programa upang ipakilala ang mga iba't-ibang organisasyon sa eskwela at

komunidad kasama ang buong staff ng paaralan. Mula sa labas pati ang loob ng silid-

aralan upang sa unang araw ng pagpasok ay daratnang maayos at handa ang paaralan.

Sa sama-samang pagtatrabaho nagiging mabilis at magaan ang gawain sa tulong ng

bawat isa at nagiging masaya at matagumpay ang araw.

Ayon kay Galaroza(2016), Ang silid aralan ay isa sa mag maituturing

nating mahalagang lugar na paglalagakan ng napakahalangang pamana na kahit


kailan ay hindi mananakaw sa atin bagkos magiging daan upang maibahagi natin sa

ibang tao. Ang lugar kung saan nagsisimulang mabuo ang pananaw ng isang mag-

aaral tungkol sa tatahaking landas tungo sa kinabukasan at sa magiging kahinatnan sa

hinaharap.Isang malaking hamon para sa isang guro na makabuo ng isang napaka-

ayaayang kapaligirang pansilid-aralan na siyang magiging tahanan ng bawat mag-

aaral sa pang-araw-araw na pakikibaka sa pagbuo ng mga pangarap ng bawat mag-

aaral.

Kaugnay na Pag-aaral

May mga lokal at banyagang pag-aaral na naisulat ukol sa Pagbabagong-

Bihis ng mga Silid-Aralan. Ang mga ito na binasa at sinuri ay naglalaman ng mga

sumusunod.

Lokal na Pag-aaral

Ayon kay Santos(2019), Makikita ang pagkakaisa bago pa magsimula ang

klase ng Hunyo, na ginagampanan ng mga guro, magulang, punong guro at mga ka-

wani ng pamahalaan na isinasagawa at pagtulong sa paaralan. Nito lamang Mayo ay

nanawagan ang Kagawaran ng Edukasyon sa mga stakeholders para makiisa sa

Brigada Eskwela. Iba-ibang organisasyon at mga dating nag-aaral at nakatapos sa


paaralan ang nakiisa. Sila ang mga taong nagbibigay ng boluntaryong donasyon, mga

gawain, proyekto, pagsasaayos ng mga sira at naisasagawa dahil sa nalilikom na sa-

ma-samang pondo ng mga magulang at mga taong may kakayahang mag gibay ng

libreng serbisyo. Pakikisama sa bawat isa, magandang pagtitnginan, pagdadamayan,

pagkakaunawaan ang mga susi upang makamit ang mga ito. Pagtitiyaga, pasensya at

kaligayahang taos sa puso natumutulong ang sandata ng bawat isa. Tatag ng loob sa

anumang responsibilidad ay makakamtam kung ating isasapuso ang ating mga

gawain.

Ayon sa pag-aaral ni Kidma(2019), Ang pag-aaral sa pamamagitan ng pag-

tatanong ay maaaring gawin nang naiiba depende sa paksa at paksa ng mag-aaral.

Ang mga kasanayan sa pagtuturo at pag-aaral na batay sa pagtatanong ay nag-

tatampok sa maraming mga silid-aralan sa buong mundo. Ang mga guro ay nagsasa-

gawa ng mga aralin na may diskarte na batay sa pagtatanong, o mga aspeto nito, nang

hindi napagtanto ito. Nag-aalok ang silid-aralan ng pangunahing paaralan ng

maraming mga pagkakataon sa pagtatanong dahil karaniwang isang guro bawat klase

at s / maaari siyang gumamit ng pagtatanong upang maiugnay ang mga ideya at ak-

tibidad sa pagitan ng mga lugar ng pag-aaral. Napansin ko ang isang silid-aralan sa 1

na kung saan ang guro at mga mag-aaral ay naggalugad sa mga rhymes ng nursery

habang nagkakaroon ng mga unang kasanayan sa pagbasa.

Ayon sa Brent School (2014), Ang layunin ng isang paaralan ay makapag-

produce ng mga estudyanteng kayang makipagsabayan sa buong mundo sa mga


aspeto ng kakayahan, katalinuhan, talento, at kaalamanan. Ang isa pang layunin ng

isang paaralan ay ang tulungan ang mga estudyante na gamitin ang kanilang nal-

alaman sa pamamagitan ng pagturo ng mga iba't ibang bagay. Una, dahil magagamit

ng mga estudyante ang "STOCK KNOWLEDGE" sa future. Pangalawa, upang mal-

aman ng mga estudyante kung ano ang mga bagay na bumuo sa mundo gaya ng Sci-

ence at may ibang subjects ang hindi nagagamit sa pang araw araw pero kahit pa-

paano may karagdagang impormasyon ang mga estudyante. Ang pinakahuling

layunin ng isang paaralan ay hubugin ang kagalingang taglay ng bawat isa. Dito

lalong nahahasa ang bukod tanging mayroon ang isang bata, kasamang nahuhubog

dito ay ang sariling disiplina.

Banyagang Pag-aaral

Ayon sa pag-aaral ni Remmington(2017), Kapag nagsagawa ka ng proyekto

sa renovation ng paaralan o mag-upgrade ng isang umiiral na gusali na nais mong ma-

tiyak na hindi lamang ito mapapahusay ang mga pasilidad sa paaralan kundi pati na

rin ang pagganap ng akademikong mag-aaral. Ang Salford University ay nagsagawa

ng pananaliksik sa loob ng isang taon na may 3766 mga mag-aaral upang malaman

kung paano ang disenyo at mga kadahilanan sa kapaligiran para sa mga gusali ng

paaralan at sa mga silid-aralan ay maaaring makaapekto sa mga resulta ng mga bata.

Napag-alaman na ang "mahusay na dinisenyo pangunahing mga paaralan ay maaaring


mapalakas ang pagganap ng akademikong mga bata". Batay sa mga resulta ng HEAD

Project (Holistic Katibayan at Disenyo), natagpuan na mayroong "malinaw na kati-

bayan..na ang dinisenyo na pangunahing mga paaralan ay nagpapasigla sa pagganap

ng akademikong mga bata sa pagbasa, pagsulat at matematika.

Ayon sa pag-aaral ng SMT Magazine (2015), Pagdating sa mga paaralan, ang

mga tao ay madalas na nag-iisip ng mga marumi na silid-aralan, hindi napapanahong

mga mesa, mga maalikabok na mga aparador at iba pa. Ang 'Modern' ay hindi kara-

niwang nasa isipan kapag iniisip ng mga tao ang mga paaralan at maaari itong maging

isang tunay na kahihiyan kapag sinusubukan na kumbinsihin ang mga bata na ito ay

isang kapaki-pakinabang na lugar na dadalo. Sa pamamagitan ng pagpapatuloy ng

imaheng ito ng mga boring, grey at mapurol na silid-aralan na may mga guro sa pag-

drone, likas na itinuturo natin ang mga bata mula sa isang batang edad na ang paar-

alan ay magiging isang drag, at hindi ito palaging isang magandang aral na magtutu-

ro. Gayunpaman, sa pamamagitan ng pagpasok sa isang proyekto ng renovation sa

silid-aralan, maaaring maibigay ng mga paaralan ang lahat ng kailangan ng mag-aaral

kabilang ang estado ng kagamitan sa sining, maraming puwang sa pag-iimbak, mga

indibidwal na locker at mga mesa at marami pa. Ang pag-aayos ng mga silid-aralan

ay magbibigay sa mga paaralan ng isang pagkakataon na palayasin na ang 'lipas na'

na lipunan at yakapin ang isang bagong edad sa teknolohikal, upang matulungan ang

kumbinsihin ang mga bata na ang pag-aaral ay maaaring maging isang masigasig na

pagyamanin at kapana-panabik na karanasan.


Ayon sa pag-aaral ng Read Innovation(2016), Renovating schools is just as

important to us as building new ones, as we recognise that if we are to have any

chance of meeting the global shortage in classrooms, old schools must be renovated

and revitalised. We’ve witnessed time and again that renovation not only improves

the space for existing children to excel but also creates new classroom places by at-

tracting the interest of families wanting to send their children to a safe, clean and

modern school.
KABANATA III

Disenyo ng Pananaliksik

Ang naisagawang pananaliksik ay gumagamit ng deskriptibong metodolohiya

ng pananaliksik. Maraming uri ng deskriptibong pananaliksik, ngunit napili ng

mananaliksik na gamitin ang “Descriptive Survey Research Design”, na gumamit ng

talatanungan serbey kwestuneyr para makalikom ng mga datos. Naniniwala ang

mananaliksik na angkop ang disenyong ito para sa paksang ito sapagkat mas mapa-

padali ang pangangalap ng datos mula sa maraming respondante.

Ang disenyong paglalarawan o deskriptibo ay ang nakita ng mananaliksik na

magiging mabisa sa pag-aaral na ito upang masw makakalap ng impormasyon na

magiging epektibo sa pananaliksik.

Respondante ng Pananaliksik

Ang mga sumasagot sa pag-aaral ng pananaliksik na ito ay mga mag-aaral na

nasa pitong label mula sa pinakamataas na antas ng paaral ng malanday na pipiliin o

mag boluntaryong sasagot sa mga katanungang survey ng mga mananaliksik.


Instrumento ng Pananaliksik

Ang Instrumentong gagamitin sa pagkuha ng mga kakailanganing datos sa

pag-aaral ay isang serbey-kwestyoneyr o talatanungan. Ang mga mag-aaral ng pinaka

mataas na antas ng paaralang Malanday sa ikapitong baitang (G7)

Paraan ng Pagkuha ng Datos

Ang mga sumusunod ay ang mga yugto na gagawin ng mananaliksik upang

maipon ang mga data na nauugnay sa pag-aaral na ito. Una, hihilingin ng mga

mananaliksik ng pahintulot sa punong-guro na magsagawa ng isang serbey sa silid-

aralan sa ibat-ibang seksyon. Sa pag-apruba, ang mga mananaliksik ay magsasagawa

ng survey sa pamamagitan ng serbey kwestuneyr na naglalaman ng mga katanungan

na hahantong sa data na kinakailangan ng mga mananaliksik. Sasagutin ng estudyan-

teng galing sa mababang baitang(G7) na napiling o boluntaryong respondente.

Pagkatapos ang data na nakolekta ay pag-aralan at bigyang kahulugan ng mga

mananaliksik.

You might also like