100% found this document useful (1 vote)
4K views12 pages

Modular Distance Learning

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa epekto ng modular distance learning sa komprehensyon ng mga mag-aaral. Ang layunin nito ay alamin kung mayroon bang epekto ang modular distance learning sa komprehensyon ng mga mag-aaral at kung mayroon bang kaugnayan ang antas ng komprehensyon sa unang wika, kasarian at katayuan sa buhay ng mga mag-aaral. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga guro, administrador, tagapagbalangkas ng kurikulum at magulang upang matugunan ang mga suliranin sa komprehensyon ng mga mag-aaral.

Uploaded by

Aiza Manalo
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
100% found this document useful (1 vote)
4K views12 pages

Modular Distance Learning

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa epekto ng modular distance learning sa komprehensyon ng mga mag-aaral. Ang layunin nito ay alamin kung mayroon bang epekto ang modular distance learning sa komprehensyon ng mga mag-aaral at kung mayroon bang kaugnayan ang antas ng komprehensyon sa unang wika, kasarian at katayuan sa buhay ng mga mag-aaral. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga guro, administrador, tagapagbalangkas ng kurikulum at magulang upang matugunan ang mga suliranin sa komprehensyon ng mga mag-aaral.

Uploaded by

Aiza Manalo
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

Modular distance learning: Epekto

sa komprehensyon ng mga
sekondaryang mag-aaral
KABANATA I

PANIMULA

Sanligan ng Pag-aaral

Sa pagpasok ng pandemya, hindi maiaalis ang pangamba na dulot ng Covid-19.


Maraming pagsubok ang ating naranasan subalit ito ay hindi na naging hadlang sa
pagyakap natin sa “Bagong Normal na Edukasyon.” Napakalaking hamon ang dala ng
Covid-19 sa larangan ng edukasyon at kinakailangang maging handa ang mga guro sa
anomang pagbabago sa edukasyon. Kinakailangang maiangkop ng mga guro maging
ng mga mag-aaral at magulang ang kanilang mga sarili sa “bagong normal”
Maraming pamamaraan ang inilunsad upang patuloy pa ring makapag-aral ang mga
bata. Kabilang na riyan ang modular printed o maaaring digital.

Ang pagbibigay ng mahusay na edukasyon ay ipinagpatuloy sa kabila ng pandemya sa


pamamagitan ng Learning Continuity Plan o LCP. Ito ang solusyon ng DepEd upang
ipagpatuloy ang paghatid ng edukasyon sa mga mag-aaral. Ang LCP ay binatay sa
DepEd Order No. 012 (2020). Ang Learning Continuity Plan o LCP ng DepEd ay
ginagabayan ng mga

prinsipyo na; una, protektahan ang kalusugan ng mag-aaral, guro, at ibang mga
kawani, at iwasan ang patuloy na pagkalat ng COVID-19. Pangalawa, ipagpatuloy
ang pagkatuto sa pamamagitan na ginawa na pagbabago sa K-12 Curriculum,
pagsasaayos ng mga kagamitang pampagkatuto, pagsagawa ng iba’t ibang learning
delivery modalities, pagbibigay ng training sa mga guro at namamahala sa paaralan, at
pagsagawa ng oryentasyon sa mga magulang at mag-aaral. Pangatlo, pagtiyak sa
kaligtasan ng mga guro, mga kawani at mag-aaral sa muling pagpapatuloy ng pag-
aaral na sumusunod sa derektiba ng DOH at IATF (DepEd LCP, 2020).

Malinaw na ang distance learning ang magiging susi upang ipagpatuloy ang pagkatuto
ng mga mag-aaral ayon sa Learning Continuity Plan ng DepEd. Mayroong iba’t ibang
uri ng distance learning. Ang mga ginamit na uri ay modular-printed, modular-digital,
online, blended at iba pang distance learning. Kaakibat din nito ay naglunsad ng
radio-broadcast instruction at tv-broadcast instruction bilang supplementaryong
pagtuturo (DepEdLCP, 2020). Ayon sa Learner Enrollment and Survey Tagging
Facility o LESF na binuo ng DepEd. Ang gusto ng magulang na uri ng distance
learning ay ang modular 8 milyon magulang ang nagsabi gusto nila ito. Sinundan ng
blended 3 milyon, Online 3 milyon, educational Tv 1 milyon at radio-based 900 libo
(DepEd, 2020). Makikita sa datos na modular ang pinakagustong gamitin ng
magulang sa mga uri ng learning modalities (DepEd,2020).
kahulugan ng nasabing salita. Maaaring nakakasagabal din ang kanilang pamumuhay
sa pagtamasa nila ng sapat na kaalaman sa pag aanalisa ng iba’t ibang uri ng teksto.
Marami sa kanila ang nahihirapan sa pagsusuri ng konteksto ng teksto sapagkat hindi
sapat ang kaalaman sa bokubularyo at gramatika na bumubuo sa isang teksto at isa sa
tinukoy na dahilan ay ang kakulangan ng gabay at pagtuturo ng mga guro maging ng
mga magulang sa panahon ng bagong normal.

Ayon kay Snow (2003), ang komprehensyon ay isang proseso nang magkasabay na
paghalaw at pagbuo ng kahulugan sa pamamagitan ng interaksyon at
pakikipagugnayan sa lenggwaheng nakasulat. Ginamit ang mga salitang paghalaw at
pagbuo upang bigyang-diin ang parehas na kahalagahan at kakapusan ng teksto bilang
resulta ng pagunawa sa binasa. Ayon pa rin sa kanya, na hindi lamang nakasalalay sa
teksto, o sa mga aklat ang paglinang ng kasanayan sa pagbabasa kundi sa karanasan
ng mambabasa. Kahit pa nasa bagong henerasyon na ang mga mambabasa, mayroon
pa rin ang nahihirapan magbasa. Nahihirapan silang tumuklas at magproseso ng mga
kahulugang kinakatawan ng mga simbolong nakalimbag sa bawat pahina ng aklat.

Para kay Buban (2005), ang proseso ng pagbabasa at pag- unawa na nakapaloob sa
akdang pampanitikan ay may tatlong elementong kasangkot. Una, mambabasa na
siyang umuunawa sa binasa, kasama dito ang lahat ng kanyang kakayahan, kaalaman
at karanasan.

Ikalawa, ang teksto na inuunawa ang anumang nakalimbag o electronic texts at ang
ikatlo ay ang pantulong na gawain na bahagi ng komprehensyon na tumutukoy sa
layunin ng may-akda, mga prosesong kanyang ginamit, at maaaring kahihinatnan ng
gawaing kaugnay ng pagbabasa.

Sa kabilang dako, ang isa sa mga paaralang seondarya sa distrito ng Tagasilay ay


gumagamit din ng modular-printed bilang learning modality at batay sa obserbasyon
ng mananaliksik ukol sa resulta ng pagtatasa ay kapansin-pansin ang mababang antas
ng komprehensiyon sa pagbasa ng mga mag-aaral. Hindi lubos maunawaan ng mga
mag- aaral ang aralin dahil sa iba’t ibang kadahilanan. Kaya naman nais tukuyin ng
mananaliksik kung mayroon bang kaugnayan ang antas ng komprehensiyon ng mga
mag-aaral kung ang baryabol ay papangkatin ayon sa Unang Wika, kasarian, katayuan
sa buhay (SES).

Ang mga obserbasyong ito ang siyang nag-udyok sa mananaliksik upang alamin ang
naging epekto ng modular distance learning sa komprehensyon ng mga sekondaryang
mag-aaral.

b. Kasarian c. Katayuan sa buhay (SES) 5. Ano ang epekto ng modular distance


learning sa komprehensiyon ng mga piling sekondaryang mag-aaral.

1.2 Paglalahad ng Layunin


Ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin ang epekto ng
modular distance learning sa komprehensiyon ng mga mag-aaral.
Upang matugunan ang layuning ito, binuo ng mananaliksik ang
mga sumusunod na mga tanong:
1. Ano ang pangkalahatang antas ng komprehensyon ng mga piling
sekondaryang mag-aaral?
2. Ano ang antas ng komprehensyon ng mga piling sekondaryang
mag-aaral kung ang baryabol sa papangkatin ayon sa:
a. Unang Wika
b. Kasarian
c. Katayuan sa buhay (SES)
3. Mayroon bang makabuluhan pagkakaiba ang antas ng
komprehensyon kung baryabol sa papangkatin ayon sa:
a. Unang Wika
b. Kasarian
c. Katayuan sa buhay (SES)
4. Mayroon bang makabuluhang kaugnayan ang antas ng
komprehensiyon kung baryabol sa papangkatin ayon sa:
a. Unang Wika
b. Kasarian
c. Katayuan sa buhay (SES)
5. Ano ang epekto ng modular distance learning sa komprehensiyon
ng mga piling sekondaryang mag-aaral

1 Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang kinalabasan ng pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga sumusunod:

Mga Administrador ng Paaralan

Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing pananaw sa mga programa at makabuluhang


pagpaplano patungkol sa modular learning na maaaring isagawa ng pamunuan upang
mabigyang suporta ang mga guro sa pagpapaunlad ng komprehensyon ng mga mag-
aaral at malunasan ang mga suliranin ng mga mag-aaral partikular sa komprehensiyon
sa pagbasa.

Tagapagbalangkas ng Kurikulum

Ang kinalabasan ng pag-aaral na ito ay magbibigay ng karagdagang impormasyon


tungkol sa mga dapat o bigyan ng tuon sa kurikulum upang mapaunlad ang
komprehensiyon ng mga mag-aaral at

makapagpanukala ng bagong patakaran patungkol sa implementasyon ng Alternative


Delivery Modalities.

Mga Guro

Ang resulta ng pag-aaral na ito ay mahalaga sa mga guro sapagkat ito ay magsisilbing
gabay upang malaman ang mga salik na nakakaapekto sa komprehensiyon ng mga
mag-aaral na gamit ang Self Learning Module at makapagbigay ng alternatibong
solusyon o interbensyon upang mapaunlad ang kanilang komprehensiyon sa new
normal setting at makapaglalaan ng sapat na oras upang makipag- ugnayan sa mga
mag-aaral at magulang nang sa ganoon ay nalalaman ang estado ng pagkatuto ng mga
mag-aaral.
Mga Magulang

Mahalaga ito sa mga magulang bilang pangunahing tagapagsubaybay ng mga mag-


aaral sa new normal setting. Ang pag- aaral na ito ay makapagbibigay ng higit na
kamalayan at kaalaman ukol sa suliraning kinakaharap ng kanilang mga anak upang
matugunan ang mga ito sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga guro.

Mga Mag-aaral

1 Saklaw at Delimitasyon

Ang pag-aaral ay sumasaklaw sa pagtukoy sa epekto ng modular distance learning sa


komprehensiyon ng mga mag-aaral sa isa sa mga paaralang sekondarya ng distrito ng
Tagasilay, Lungsod ng Zamboanga sa taong panuruang 2021-2022.

Ang mga kalahok sa pag-aaral ay mga mag-aaral ng baitang pito (7) ng distrito ng
Tagasilay na kasalukuyang nag-aaral sa taong panuruan 2021-2022.

Ang instrumentong gagamitin sa pagsukat ng lebel ng komprehensyon ng mga mag-


aaral ay ang resulta ng isasagawang Philippine-informal Reading Inventory (Phil-IRI)
ni Morris at Gunning (2007) na kagamitan sa pagtataya sa lebel ng pag-unawa sa
pagbasa ng mga kalahok na nasa ikapitong baitang. Magsasagawa ng Phil-IRI pretest
bago ginamit ang Self Learning Module (SLM). At sa pagtatapos ng taon ay
magsasagawa na naman ng Phil-IRI posttest sa mga mag-aaral upang matukoy kung
may naging epekto ba ang modular distance learning bilang learning modalities sa
kanilang komprehensyon. Isasaalang-alang din sa pag-aaral na ito ang unang wika,
kasarian, at katayuan sa buhay (SES) ng mga kalahok bilang mga baryabol ng pag-
aaral.

KABANATA II

TEORETIKAL AT KONSEPTWAL NA LITERATURA

Tinatalakay sa kabanatang ito ang konseptwal na literatura at mga kaugnay na pag-


aaral na naging batayan sa pagbuo ng haypotesis gayundin ang pagbibigay katuturan
sa mga salitang ginamit sa pag-aaral na ito.

2 Konseptwal na Literatura

2.1 Komprehensyon sa Pagbasa

Ayon kay Klingner (2007), ang komprehensyon ay "ang proseso ng pagtatayo ng


kahulugan sa pamamagitan ng pag-uugnay sa isang bilang ng mga komplikadong
proseso na kasama ang pagbabasa ng salita at kaalaman sa mundo. Ito ay tumutukoy
sa kakayahan sa pagbibigay-kahulugan sa mga salita, pag-unawa sa kahulugan at ang
mga relasyon sa pagitan ng mga ideya na ipinahayag sa isang teksto. Binanggit niya
ang pagtuturo ng pagbabasa sa pag-unawa para sa guro bilang pagsunod sa isang
tatlong hakbang na pamamaraan: pagbanggit, pagsasanay, at pagtatasa. Ang pag-
unawa ay ang pangunahing layunin kapag nagbabasa. Ang mga kasanayan sa pag-
unawa ay tumutulong sa mag-aaral na maunawaan ang kahulugan ng mga salita at
Ayon naman kay Lehr at Osborne (2006) napagtanto niya sa kanyang pag-aaral na
ang mahusay na mambabasa ay naaabot ang mataas na antas ng komprehensyon dahil
nagagamit nila ang mga tamang hakbang—pag-uugnay ng mga ideya mula sa teksto
at sa dati na nilang kaalaman; napapanitili kung gaano na ang kaalamang taglay mula
sa mga nabasa; at ang pang-unawang sumusuri sa mga sanhi ng suliranin at kung
paano ito nalapatan ng solusyon.

Pinatunayan sa pag-aaral ni Torgesen (2007) sa kanyang Research Related to


Strengthening Instruction in Reading Comprehension, ang mga mag-aaral sa Grade 4-
6 ng Florida State University ay sinukat ang antas ng komprehensyon sa pamamagitan
ng makabuluhang diskusyun habang binabasa ang teksto. Binibigyan diin dito ang
kritikal na pag-aanalisa sa teksto. Ang diskusyon din ay pangungunahan ng mga mag-
aaral mismo habang ang guro ay nakamasid lamang. Ang mga mag- aaral na
nagpamalas ng komprehensiyon sa pagbasa ay napatunayang may aktibong pag-iisip
na nakabubuo ng kahulugan. Ang aktibong pag- iisip na ito ay gumagamit ng dating
kaalaman, impormasyon mula sa teksto at matamang pag-iisip upang makatuklas ng
bagong kaalaman at pang-unawa.

2.1 Komprehensiyon sa pagbasa batay sa unang wika

Napatunayan sap ag-aaral ni Fernandez (1999) na ang unang wika ng mga kalahok ay
walang makabuluhang kaugnayan sa kakayahang pag-unawa sa paglinang ng
kamalayang panlipunan.

Sa pag-aaral nina Emmanuel (2011), Ebrole (2014), napatunayang ang unang wika ng
mga kalahok ay may kinalaman sa antas ng kasanayan sa Filipino. Samantalang, iba
ang resulta ng pananaliksik nina Diaz (2013), Ponce (2011), Saavedra (2011), at
Depositario (2003), dahil napatunayan na ang unang wika ay walang kinalaman sa
kahusayan sa kasanayan.

2.1 Komprehensiyon sa pagbasa batay sa kasarian

Ayon sa pag-aaral nina Suazo et. al (2013), ipinakita sa kanyang pag-aaral na ang
kasarian ng mga kalahok ay nakaapekto sa kahusayan sap ag-unawa sa pagbasa.
Lumabas na ang mga babae ay may makabuluhang pagkakaiba sa kanilang kahusayan
ayon sa apat na antas na sinubok. Ito ay nangangahulugang ang kasarian ng mga
kalahok ay may makabuluhang kaugnayan sa kanialng kahusayan sa pagbasa.

2.1 Komprehensiyon sa pagbasa batay sa Katayuan sa buhay (SES).

Binanggit nina Singh at Choudhary (2015), pinatunayan na nakakaimpluwensya ng


katayuan sa buhay o siocoeconmic status sa kanilang komprehensyon at ang mga
mag-aaral na kanilang sa high at moderate socioeconomic status ay nagpakita ng
kahusayan.

Si Cheng at Wu (2017), lumabas sa kanilang pag-aaral na ang socioeconomic status


ay may malaking ambag sa komprehensyon sa pagbasa ng mga mag-aaral.

Sa pag-aaral naman na isinagawa nina Asiegbu at Ezeukbor (2018), ipinahayag nila


na ang mga mag-aaral na may mataas na katayuan sa buhay ay nagpapakita ng
kahusayan kung ikukumpara sa mga mag-aaral na nanggaling sa mababang antas ng
pamumuhay.

Natuklasan din sa pag-aaral Francisco (2019), na mas lamang ang antas ng kahusayan
sa pagbasa ng mga mag-aaral na kabilang sa katamtaman o mayamang pamilya kung
ikukumpara sa pangkat na may mababang antas ng pamumuhay.

Binanggit naman ni Marciana et al. (2007), na walang signipikanteng pagkakaiba ang


antas ng kasanayan ng mga respondente kung ibabatay sa kanilang katayuan sa buhay
(SES) at nakita namang may malaking signipikanteng kaugnayan ang interes ng mga
mag-aaral sa pagkakaroon ng mataas na kasanayan sa pagbasa.

2.1 Epekto ng modular distance learning

2.1 Modular Distance Learning

Ayon kay Manlangit et. al (2020) “Ang modyular na pagkatuto ay isang anyo ng
distance learning na gumagamit ng Self- Learning Modules (SLM) na batay sa most
essential learning competencies (MELCS) na inilaan ng kagawaran ng edukasyon”.
Ito ay isang sistemang ginawa ng Department of Education o DepEd upang makapag-
aral parin ang mga studyante kahit hindi pumapasok sa paaralan.

Binanggit naman ni Dalanon, (2020), sa sistemang ito, pahihiramin ng paaralan ang


mga mag-aaral ng module para matuto sa mga aralin. Para sa mga mag-aaral na may
mga electronic gadget

patuloy na bigyan ang mga mag-aaral ng puna sa kanilang pag- aaral na makatutulong
sa kanila na sumasalamin sa kanilang kalakasan at makahanap ng mga paraan upang
mapabuti ang kanilang sarili. Sa paglaon, ang feedback ng mga guro ay magsislbing
pagpapatunay na may natutuhan ang mga mag-aaral sa kanilang pag- aaral.
Sumasang-ayon ang mga guro na ang mga marka ay dapat na sumasailalim sa
natutuhan at nagagawa ng mga mag-aaral. Gayunpaman, sa panahon ng bagong
normal, ang marka ay maaari ring maging sanhi ng pagkabigo at pagkabalisa dahil sa
mga kadahilanan na wala sa kanila ang kontrol. Samakatuwid, ang mga guro ay
siyang dapat na higit na maka-aalam sa sitwasyong kinakaharap ng mga mag- aaral.
Sa huli, maaaring ibigay ang mga marka, ngunit may pagkamakatarungan, mahabagi,
at kakayahang umangkop.

2.1 Kasanayang Pagbasa

Binanggit ni Copeland at Keete, (2007) ang pangunahing layunin ng pagkatuto sa


pagbasa ang mabigyan ng kahuluhan ang binasa- iyan ay ang pag-unawa sa kung ano
ang binasa. Ang magtagumpay na pag-unawa sa teksto ay sumasangkot sa aktibo at
sabay-sabay sa paggamit sa iba’t ibang kasanayan. Ang mambabasa ay kailangang
makakilala at makaunawa sa kahulugan ng salita sa teksto.

Binanggit nina Yovanoff, Duesbry, Alonzo at Tindal (2005) na “Habang ang mga
mag-aaral ay nagiging bihasa sa kanilang kakayahan sa pagbabasa nalilinang din sa
kanila ang mahusay na pag-unlad sa pag- unawa at pagkatuto.
Ipinahayag ni Arrogante et al., (2007). Ang pagbasa bilang isa sa mga makrong
kasanayang pangwika ay damdam na yatang bumababa ang antas ng kalinangan sa
kasalukuyan gawa ng pagsulpot na mass media-radyo, telebisyon, at pelikula, na sa
halip na magbasa, ms kinikilingang-hlilig ng mga kabataan ang panonood o pakikinig,
tuloy maraming detalye ang nakaalpas sa kaalaman

Ayon kay Ranco, (2002). Ang kasanayan sa pagbasa ay isang batayan upang ang mga
mag-aaral ay magtagumpay sa kanilang pag- aaral. Ang pagbasa bilang kasangkapan
sa pagtuturo ay siyang susi at katunugan kaya dapat maging layunin na matulungan
ang mga mag-aaral na magkaroon ng kakayahang bumasa. Matutulungan silang
magkaroon ng kawili-wiling pagbasa at mapatunayan na ang pagbasa ay isang paraan
ng pagkatuto.

Sa pag-aaral namang ginawa ni Sencibaugh (2007) sinabi niyang “Ang mga mag-
aaral na may mababang komprehensiyon ay nagpapakita

konteksto (Palani, 2012). Naniniwala siya na ang pagbabasa ay isang


proseso ng pag-iisip, pagsusuri, paghusga, pangangatuwiran at
paglutas ng problema. Upang maunawaan ang teksto, dapat malaman
ng mambabasa ang nilalaman ng [Link] pag-unawa sa nilalaman,
ito ay kasangkot sa mga salita at ang istraktura ng pangungusap. Ang
mga aspeto ay madaling maunawaan kung sinusuportahan ng kaalaman
sa bokabularyo. Ang pinakamahalagang bagay ay ang pag-aralan nang
wasto 24ang teksto, dapat gamitin ng mambabasa ang naaangkop na
pamamaraan sa pagbabasa habang nagbabasa.
Ayon pa kay Davis (2007), dahil alam na ng guro na ang mga
mag-aaral ay may iba’t ibang kaalaman at pagtingin sa isang
partikular
na asignatura, kailangan niyang bumuo ng batayang upang masukat ang
kanilang kaalaman sa pagkakaunawa sa isang paksa at upang matukoy
na rin ang lawak ng iba’t ibang pagbabago sa kaalaman at pagunawa.
Ito’y makukuha lamang sa pamamagitan ng posttest. Ang disenyong ito
ay maaaring maging kritikal na katagumpayan sapagkat nakabatay sa uri
at gawi ng magaaral ang ikatataas ng kanilang kahusayan sa isang
partikular na asignatura. Ang paguulit ng parehong tanong ay hindi
mainam na paraan upang makamit ang pag-ugnay bagkus ito’y
magandang ideya upang manatili at pantay ang orihinal na materyal sa
pagsusulit at nararapat na ihalo ito sa mga bagong katanungang
inaasahang may magiging magandang bunga
12
Ayon naman kay Lehr at Osborne (2006) napagtanto niya sa
kanyang pag-aaral na ang mahusay na mambabasa ay naaabot ang
mataas na antas ng komprehensyon dahil nagagamit nila ang mga
tamang hakbang—pag-uugnay ng mga ideya mula sa teksto at sa dati na
nilang kaalaman; napapanitili kung gaano na ang kaalamang taglay mula
sa mga nabasa; at ang pang-unawang sumusuri sa mga sanhi ng
suliranin at kung paano ito nalapatan ng solusyon.
Pinatunayan sa pag-aaral ni Torgesen (2007) sa kanyang
Research Related to Strengthening Instruction in Reading
Comprehension,
ang mga mag-aaral sa Grade 4-6 ng Florida State University ay sinukat
ang antas ng komprehensyon sa pamamagitan ng makabuluhang
diskusyun habang binabasa ang teksto. Binibigyan diin dito ang
kritikal na
pag-aanalisa sa teksto. Ang diskusyon din ay pangungunahan ng mga
mag-aaral mismo habang ang guro ay nakamasid lamang. Ang mga mag-
aaral na nagpamalas ng komprehensiyon sa pagbasa ay napatunayang
may aktibong pag-iisip na nakabubuo ng kahulugan. Ang aktibong pag-
iisip na ito ay gumagamit ng dating kaalaman, impormasyon mula sa
teksto at matamang pag-iisip upang makatuklas ng bagong kaalaman at
pang-unawa.
13
Napatunayan sa pag-aaral ni Cudia (1998) na higit na mataas
ang kasanayan sa wikang pasulat ng mga kalahok na babae kaysa mga
kalahok na lalaki.
Sa pag-aaral naman nina Gernale at Jamari (2009), lumabas sa
kanilang pag-aaral na walang makabuluhang pagkakaiba ang antas ng
pag-unawa na nasa antas na literal, interpretattib at aplikasyon.
Bagamat
sa antas ng mapanuri, lumabas na ito ay may makabuluhang pagkakaiba
ang mean iskor ng mga babae kaysa sa mga lalaki sa nasabing antas.
Napatunayan sa pag-aaral ni Ahadain (2020), na ang baryabol na
kasarian ay nagpapakita ng makabuluhang pagkakaiba ngunit ang
programang kinabibilangan ng mga kalahok ay wala namang
makabuluhang pagkakaiba.
Ayon kay Francisco (2019), Kinakailangang bigyan ng pansin ang
gender sensitivity sapagkat mas dominante ang antas ng kahusayan sa
pagbasa ng mga babae kung ikukumpara sa mga lalaki.
15
2.1.4 Komprehensiyon sa pagbasa batay sa Katayuan sa buhay
(SES).
Binanggit nina Singh at Choudhary (2015), pinatunayan na
nakakaimpluwensya ng katayuan sa buhay o siocoeconmic status sa
kanilang komprehensyon at ang mga mag-aaral na kanilang sa high at
moderate socioeconomic status ay nagpakita ng kahusayan.
Si Cheng at Wu (2017), lumabas sa kanilang pag-aaral na ang
socioeconomic status ay may malaking ambag sa komprehensyon sa
pagbasa ng mga mag-aaral.
Sa pag-aaral naman na isinagawa nina Asiegbu at Ezeukbor
(2018), ipinahayag nila na ang mga mag-aaral na may mataas na
katayuan sa buhay ay nagpapakita ng kahusayan kung ikukumpara sa
mga mag-aaral na nanggaling sa mababang antas ng pamumuhay.
Natuklasan din sa pag-aaral Francisco (2019), na mas lamang ang
antas ng kahusayan sa pagbasa ng mga mag-aaral na kabilang sa
katamtaman o mayamang pamilya kung ikukumpara sa pangkat na may
mababang antas ng pamumuhay.
16
Binanggit naman ni Marciana et al. (2007), na walang
signipikanteng pagkakaiba ang antas ng kasanayan ng mga respondente
kung ibabatay sa kanilang katayuan sa buhay (SES) at nakita namang
may malaking signipikanteng kaugnayan ang interes ng mga mag-aaral
sa pagkakaroon ng mataas na kasanayan sa pagbasa.
2.1.5 Epekto ng modular distance learning
2.1.6 Modular Distance Learning
Ayon kay Manlangit et. al (2020) “Ang modyular na
pagkatuto ay isang anyo ng distance learning na gumagamit ng Self-
Learning Modules (SLM) na batay sa most essential learning
competencies (MELCS) na inilaan ng kagawaran ng edukasyon”.
Ito ay isang sistemang ginawa ng Department of Education o DepEd
upang makapag-aral parin ang mga studyante kahit hindi pumapasok sa
paaralan.
Binanggit naman ni Dalanon, (2020), sa sistemang ito,
pahihiramin ng paaralan ang mga mag-aaral ng module para matuto
sa mga aralin. Para sa mga mag-aaral na may mga electronic gadget
17
gaya ng smartphone at laptop, maaaring ibigay sa kanila ang softcopy
ng mga module upang magkaroon sila ng ibang opsyon sa pag-aaral.
Kadalasan, ang isang module ay pang-isang linggo, ngunit
maaaring mas maiklio mas mahaba rin depende sa nilalaman at
mga gawaing pampagkatuto (learning activities) na nakapaloob dito.
Winika ni Malaluan, (2020) Ang modular distance learning ay isang
uri ng self-learning module na maaaring nakalimbag o digital na kopya
ang ibibigay sa mag-aaral. Hindi kailangan ng mag-aaral ng internet o
gadget.
2.1.7 New Normal Setting sa Edukasyon
Sa pag-aaral na isinagawa nina Alberto et. Al, binanggit ni Tuscano
(2017) para sa bagong normal sa edukasyon, ang mga pagsusuri at
pagmamarka ay dapat suriin at isipin upang magpatuloy na maiuugnay sa
mga mag-aaral. Dapat na malalim na isipin ng mga paaralan ang
kanilang
mga layunin at prayoridad sa pagdidisenyo ng mga pagtatasa o
pagmamarka sa mga mag-aaral. Dapat ding tandaan ng mga tagapagturo
na sa panahon ngayon ay dapat na magpatuloy na hikayatin at
suportahan ang pag-aaral ng mga mag-aaral. Isang paraan ito ay upang
18
patuloy na bigyan ang mga mag-aaral ng puna sa kanilang pag- aaral na
makatutulong sa kanila na sumasalamin sa kanilang kalakasan at
makahanap ng mga paraan upang mapabuti ang kanilang
sarili. Sa paglaon, ang feedback ng mga guro ay magsislbing
pagpapatunay na may natutuhan ang mga mag-aaral sa kanilang pag-
aaral. Sumasang-ayon ang mga guro na ang mga marka ay dapat na
sumasailalim sa natutuhan at nagagawa ng mga mag-aaral.
Gayunpaman, sa panahon ng bagong normal, ang marka ay maaari ring
maging sanhi ng pagkabigo at pagkabalisa dahil sa mga kadahilanan na
wala sa kanila ang kontrol. Samakatuwid, ang mga guro ay siyang dapat
na higit na maka-aalam sa sitwasyong kinakaharap ng mga mag-
aaral. Sa huli, maaaring ibigay ang mga marka, ngunit may
pagkamakatarungan, mahabagi, at kakayahang umangkop.
2.1.8 Kasanayang Pagbasa
Binanggit ni Copeland at Keete, (2007) ang pangunahing
layunin ng pagkatuto sa pagbasa ang mabigyan ng kahuluhan ang
binasa- iyan ay ang pag-unawa sa kung ano ang binasa. Ang
magtagumpay na pag-unawa sa teksto ay sumasangkot sa aktibo at
sabay-sabay sa paggamit sa iba’t ibang kasanayan. Ang mambabasa ay
kailangang makakilala at makaunawa sa kahulugan ng salita sa teksto.
19
Binanggit nina Yovanoff, Duesbry, Alonzo at Tindal (2005) na
“Habang ang mga mag-aaral ay nagiging bihasa sa kanilang kakayahan
sa pagbabasa nalilinang din sa kanila ang mahusay na pag-unlad sa
pag-
unawa at pagkatuto.
Ipinahayag ni Arrogante et al., (2007). Ang pagbasa bilang isa sa
mga makrong kasanayang pangwika ay damdam na yatang bumababa
ang antas ng kalinangan sa kasalukuyan gawa ng pagsulpot na mass
media-radyo, telebisyon, at pelikula, na sa halip na magbasa, ms
kinikilingang-hlilig ng mga kabataan ang panonood o pakikinig, tuloy
maraming detalye ang nakaalpas sa kaalaman
Ayon kay Ranco, (2002). Ang kasanayan sa pagbasa ay isang
batayan upang ang mga mag-aaral ay magtagumpay sa kanilang pag-
aaral.
Ang pagbasa bilang kasangkapan sa pagtuturo ay siyang susi at
katunugan kaya dapat maging layunin na matulungan ang mga mag-aaral
na magkaroon ng kakayahang bumasa. Matutulungan silang magkaroon
ng kawili-wiling pagbasa at mapatunayan na ang pagbasa ay isang
paraan ng pagkatuto.
Sa pag-aaral namang ginawa ni Sencibaugh (2007) sinabi niyang
“Ang mga mag-aaral na may mababang komprehensiyon ay nagpapakita
20
ng kakulangan sa semantikang pag-unawa dahil sa kakapusan ng
pagbibigay kahulugan sa mga salita”.
Ayon din kina Van Den Broek at Espin (2012) “Ang pagbasang
may pag-unawa ay isang komplikadong interaksiyon mula sa awtomatiko,
estratehiko at kognitibong proseso na nagpapagana sa mambabasa upang
makalikha ng isang mental na representasyon ng isang teksto”.
Winika din ni Leipzig (2001) na “Ang pagkatuto sa maunawang
pagbabasa ay isang komplikadong proseso na puwedeng ihalintulad sa
isang sasakyan. May sariling sistema na kailangang alagaan at
panatilihin
at ang pinaka mahalaga ay ang patuloy na paggamit dito upang masiguro
ang kaayusan nito”.
2.2 Kaugnay na Pag-aaral
2.2.1 Lokal na Pag-aaral
Si Ahadain (2020), ay nagsagawa ng pag-aara; na pinamagatang
“ Antas Ng Pag-Unawa Sa Pagbasa At Talasalitaan ng mga Mag-Aaral sa
Kapitong Baitang” Ang pangunahing layunin nito ay alamin ang
pangkalahatang antas ng pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral sa
ikapitong baitang sa mataas na paaralang Junior.
21
Sa pag-aaral na isinagawa natuklasan na ang pangkalahatang antas
ng pag-unawa ng mga kalahok ay nasa “frustration” kung saan hindi
natamo ng mga kalahok ang antas na inaasahan sa kanilang baitang
batay na rin sa pamantayan ng Phil-IRI (Morris at Gunning (2007).
Natukoy din na nasa parehong antas na “frustration” ang antas
sa pag-unawa sa pagbasa ng mga kalahok nang pinangkat ang mga
datos ayon sa antas ng mga tanong gaya ng pag-alala, pang-unawa at
pagsusuri.
Samantala ang baryabol na kasarian ay nagpakita ng
makabuluhang pagkakaiba ngunit ang programang kinabibilangan ng mga
kalahok ay nawala namang makabuluhang pagkakaiba. Ang pag-aaral na
ito ay may kaugnayan sa isinagawang pag-aaral dahil pareho itong
naglalayong matukoy ang lebel ng komprehensyon ng mga mag-aaral.
Si Francisco (2019), ay nagsagawa ng pag-aral na pinamagatang
“Reading Habits, Reading Comprehension and Academic Performance of
Grade V pupils” pangunahing layunin ng pag-aaral ay alamin kung may
makabuluhang pagkakaiba ba ang mga gawi sa pagbasa, komprehensyon
sa pagbasa at academic performance kung ipapangkat ang mga datos
batay sa kasarian at katayuan sa buhay (SES). Lumabas sa pag-aaral na
malaki ang ginagampanang papel ng reading habits o mga gawi sa
22
pagbasa ng mga mag-aaral sa paglinang ng kanilang kasanayan sa
pagbasa at pagkatuto. Kinakailangang ding bigyan ng pansin ang gender
sensitivity sapagkat mas dominante ang antas ng kasanayan sa pagbasa
ng mga babae kung ikukumpara sa mga lalaki. Natuklasan din sa pag-
aaral na mas lamang ang antas ng kasanayan sa pagbasa ng mga mag-
aaral na kabilang sa katamtaman o mayamang pamilya kung ikukumpara
sa pangkat na may mababang antas ng pamumuhay. Ito ay may
kaugnayan sa isinagawang pag-aaral dahil pareho itong naglalayong
masukat ang komprehesiyon sa pagbasa ng mga mag-aaral.
Samantala sina Suazo at Salmorin (2013), ay nagsagawa rin ng pag-
aaral na pinamagatang “ Antas ng Pag-unawa sa Pagbasa ng mga mag-
aaral sa Piling Paaralang Elementarya sa Zambonaga Peninsula”
Pangunahing layunin ng pag-aaral ay mataya ang antas ng pag-unawa sa
pagbasa ng mga [Link] din ng pag-aaral na ito ang masukat
ang antas ng pag-unawa sa pagbasa ng mga kalahok ayon sa apat na
antas ng pag-unawa sa pagbasa ni Smith (19690. Ito ay literal,
interpretatib, mapanuri at aplikasyon. Natuklasan sa pag-aaral na ang
mga kalahok ay nagpakitang napakahusay sa antas na literal sap ag-
unawa sa pagbasa. Lumabas din na mahusay ang mga mag-aaral sa
antas interpretatib sa pag-unawa sa pagbasa. Samantala may
katamtamang kahusayanang mga kalahok sa antas na mapanuri at
aplikasyon. Ipinapakita rin sa pag-aaral na ang kasarian ng mga
kalahok
ay nakakaapekto sa kahusayan sa pag-unawa sa pagbasa. Lumabas na
23
ang mga babae ay may makabuluhang pagkakaiba sa kanilang kahusayan
ayon sa apat na antas na sinubok. Ito ay nangangahulugan na ang
kasarian ng mga kalahok ay may makabuluhang kaugnayan sa antas ng
kanilang pag-unawa sa pagbasa. Ang pag-aaral na ito ay may kaugnayan
sa isinagawang pag-aaral dahil nais matuklasan ng mananaliksik ang
antas ng pag-unawa ng mga mag-aaral at pareho rin ang baryabol na
ginamit.
2.1.2 Banyagang Pag-aaral
Sina Yovanoff, et al., (2005) ay nagsagawa ng pag-aaral na
pinamagatang Grade level invariance of a Theoretical Causal Structure
Predicting Reading Comprehension with vocabulary and oral reading
frequency. Layunin ng pag-aaral na alamin kung ang kaalamang
bokabularyo at ang kahusayan s amalakas na pagbasa ng mga kalahok
ay may kaugnayan sa antas ng pag-unawa sa pagbasa. Natuklasa na ang
kaalamang bokabularyo at kahusayan ssa malakass na pagbasa ay may
makabuluhang kaugnayanat predictor sa pangkalahatang kahusayan sa
pag-unawa sa pagbasa. Ang pag-aaral ni Yovanoff ay may kaugnayan sa
isinagawang pag-aaral dahil pareho itong tungkol sa pag-unawa sa
binasa.

You might also like