You are on page 1of 23

ANG MGA HAMON SA PAG-AARAL SA PANAHON NG COVID-19

NG MGA MAG-AARAL NG SENIOR HIGH SCHOOL NG

SACRED HEART SEMINARY-BACOLOD

Isang Pamanahong - Papel na iniharap sa Kaguruan ng Departamento ng Filipino,

Sacred Heart Seminary-Bacolod

Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan ng

Asignatura Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

Ipinasa kay

Ophelia M. Duayan, PhD

Ipinasa ni

Sem. Hero Klyde S. Pedero

Mayo, 2021
DAHON NG PAGPAPATIBAY

Ang pananaliksik na ito na pinamagatang “HAMON SA PAG-AARALSA

PANAHON NG COVID-19 SA MGA MAG-AARAL NG SENIOR HIGH SCHOOL

NG SACRED HEART SEMINARY-BACOLOD.” ay inihanda ni HERO KLYDE S.

PEDERO bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignatura Filipino 2,

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik ng Sacred Heart Seminary – Bacolod na

kailangang suriin at aprubahan ng panel ng mga tagasuri.

PANEL NG MGA TAGASURI

Gng. Ophelia Duayan, PhD Rev. Fr. Julius D. Habana, MA

Member Member

Gng. Ophelia Duayan, PhD

Tagapayo ng Pananaliksik
DAHON NG PASASALAMAT

Taos-pusong pasasalamat ang ipinaaabot ng mananaliksik sa lahat ng tumulong at

naging bahagi upang maisakatuparan ang pag – aaral na ito.

Sa aming butihing Tagapayo ng Pananaliksik na si, Gng. Ophelia Duayan, PhD,

sa kanyang pagbibigay puna at mungkahi para sa ikabubuti ng pag – aaral, at sa walang

sawang pagtulong at pagbabahagi ng baniyang kaalaman para sa ikakaganda at ganap na

ikapagtagumpay ng papel kong ito.

Sa mga nagsilbing panelist namin na kinabibilangan nina Gng. Ophelia Duayan at

Rev. Fr. Julius D. Habana, MA, sa pagbibigay ng mga suhestiyon upang maisaayos at

mapabuti ang aking papel.

Sa aking mga magulang, G. Hernane D. Pedero Jr. at Gng. Donna S.Pedero, sa

walang sawang paggabay at pagbibigay ng tulong pinansyal upang ganap na maisagawa

ang papel na ito.

At higit sa lahat, sa Poong Maykapal, na naging inspirasyon at paggamay ng

papel na ito, sa kanyang paggabay at basbas ay akin itong na tapos.

Ang Mananaliksik
TALAAN NG NILALAMAN

PAHINA NG PAMAGAT

DAHON NG PAGPAPATIBAY

DAHON NG PASASALAMAT

TALAAN NG NILALAMAN

TALAAN NG MGA TALAHANAYAN, GRAP

Kabanata 1

Bakgrawnd ng Pag-aaral

Paglalahad ng suliranin

Teoretikal Framework

Konseptwal Framework

Iskop at delimitasyon ng pag-aaral

Kahalagahan ng pag-aaral

Depinisyon ng mga salitang ginamit

Kabanata 2

Rebyu ng mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Mga Literatura at Pag-aaral sa Labas ng Bansa

Mga Literatura at Pag-aaral na Lokal

Kabanata 3

Disenyo ng Paglalahad

Populasyon

Respondente
Instrumento ng Pananaliksik

Prosidyur sa Pangangalap ng Datos

Istatistikal Tritment ng Datos


KABANATA 1

INTRODUKSIYON

Masakit isipin ang katotohanan na maaaring maraming bata ang mapagiiwanan sa

edukasyon sapagkat ang kabuuang bilang ng mga estudyanteng naka-enrol ngayon sa

elementarya at sekundarya ay 88.70% lamang ng mga mag-aaral noong nakaraang taong

pang-akademiko. Bagaman nakakalungkot, hindi ito ang panahon para huminto sa

pagsusumikap na makapagbigay ng dekalidad na edukasyon para sa mga kabataang

Pilipino sa gitna ng pademyang ating nararanasan (Palceta, J.C., 2020).

“Malaki ang epekto sa pamumuhay ang pandemyang [COVID-19]. Lahat tayo

nahihirapan sa sitwasyon, subalit ang pag -aaral o pagkatuto ay hindi dapat isawalang

bahala. Karapatan ng mga kabataan na makapagaral. May kasabihan nga, “Ang kabataan

ang pag-asa ng bayan”. Kaya naniniwala ako na kahit anong hirap ng sitwasyon natin,

marami namang paraan upang matugunan ang pag-aaral ng mga kabataan. Ang mahalaga

ay hindi masasayang ang isang taon sa buhay ng mga mag –aaral. Upang matagumpayan

ito kailangan magtulong-tulong ang bawat isa. Bilang magulang, malaki ang

responsibility namin para maging maayos at magtagumpay sa pag-aaral ng aming mga

anak,” sambit ni Delia Magallanes, ina ng isang mag-aaral sa isang pribadong paaralan sa

Maynila (Magallanes, D., October 2020)


Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay nagalayong matukoy ang mga hamon sa pag-aaral sa

panahon ng Covid-19 ng mga mag-aaral ng senior high school ng Sacred Heart

Seminary-Bacolod(SHS-B) at naglalayong sagutin ang mga tiyak na kataungan:

1. Ano ang profayl ng mga mag-aaral ng Senior high School ng SHS-B kung sila ay

papangkatin ayon sa mga sumusunod na baryabol?

a. Antas ng mga pag-aaral

b. edad

c. uri ng paaralan ng Junior high School

2. Ano-ano ang mga hamon sa pag-aaral sa panahon ng Covid-19 ng mga Senior

High SHS-B?

3. Ano ang damdamin ng mga mag-aaral sa panahon na ito?

4. Paano masolusyonan ang mga hamon na ito?

Hipotesis

1. Walang makabuluhang pagkakaiba na umiiral sa antas ng pagpapahalaga sa sarili

ng mga mag-aaral ngSenior High School ng SHS-B batay sa mga nabanggit na

baryabols.

2. Walang makabuluhang pagkakaiba na umiiral sa antas sa panahon ng Covid-19

mga mag-aaral ng Senior high School ng SHS-B batay sa mga nabanggit na

baryabols.

3. Walang makabuluhang pagkakaugnay na umiiral sa pagitan ng antas ng

pagpapahalaga sa sarili at sa panahon ng Covid-19 ng mga mag-aaral Senior high

School ng SHS-B batay sa mga nabanggit na baryabols.


Mga Palagay ng Pag-aaral

Ang palagay ay binuo batay sa mga binanggit na layunin:

1. Ang mga hamon sa pag-aaral sa panahon ng covid-19 ng mga ma-aaral ng

Senior high School ng SHS-B.

Baryabol sa Pag-aaral, Palatandaan at Kategorya

Baryabol Palatandaan Kategorya


Pangkat kung saan
Antas ng pag-aaral nabibilang ang isang mag- Grade 11
aaral Grade 12
edad Kung ilang taong gulang na 16-19 taong gulang
sila
uri ng paaralan ng Junior Pribado
Uri ng kanilang pinag- Publiko
high School
aralan sa sekondarya

Teoritikal na Balangkas

Ayon kay San Juan (2013), sa kanyang teoryang dependensiya , nakapaloob

ditona kung sisipatin ang tunay na adyenda ng K-12 sa Pilipinas, madaling

mapatunayanna palalawakin at palalalain lamang nito ang dependensiya ng bansa sa

mauunlad nabansa sa pagpapanatili sa labor export ng gobyerno. Punong-puno ng

rebelasyon ang “Discussion Paper on the Enhanced K- 12 Basic Education Program” na

inilabas ng Department of Education noong ika-5 ng Oktubre taong 2010 gayundin ang

ika-12pahinang primer na pinamagatang “The K -12 Basic Education Program ” noong


ika-30ng Oktubre taong 2012 na kung saan binigyang linaw rito ang pangunahing dahilan

atlayunin ng pagpapatupad ng K-12 sa Pilipinas.

Sa kabilang banda, ayon naman sa teoryang resilience o katatagan napinabulaanan

ni Ledesma (2014), na upang magkaroon ng kahandaan sa Senior HighSchool at kolehiyo

ay dapat malaman ang mga posibleng salik na maaaring magdulotng komplikasyon

habang nag-aaral. Ang teoryang ito ay nagbibigay kakayahan sa isangindibidwal upang

makaya ang mga hamon na maaari niyang kaharapin, ito man aymga pagkabigo,

kahirapan, at kasawian. Ang paglaki ng kasalukuyang literatura aynagpapahiwatig na ang

mga tao ay tumutugon sa tatlong iba't ibang paraan kapagnakaharap sa pamamagitan ng

isang hamon: Maaari silang makaligtas sa insidente,makabawi mula sa mga pangyayaring

nagdudulot ng stress sa mga mag-aaral, atumunlad bilang resulta ng pagtitiis sa kahirapan


(Nishikawa, 2006)

Konseptwal na Balangkas
Ginamit ng mananaliksik ang teoryang Online learning throughtechnology ito ay

nagsilbing balangkas ng pag aaral upang mas mapatotohananang pag aaral na ito. Sa

panahon ngayon, masasabing madaming bansa naang high-tech . Talamak ang

paglaganap ng teknolohiya sa buong mundo. Dahilsa mga ito, mas napapadali ang ating

mga gawain. Dahil dto naimpluwensyahanna halos lahat ng larangan ng pan tao. Isa na

dto ang edukasyon. Ang teoryang Online learning through technology ay binubuo ng

konseptotungkol sa interaksyon ng mga mag aaral pagdating sa pamamaraan

ngmakabagong edukasyon sa ngayo. Nakapaloob dto ang isang site na kung saanmay

interaksyon ang guro pati na rin a ng estudayante. Sa site na ito aykailangan ng internet

upang makapag akses sa Quipper school.

Iskop ng Pag-aaral

Ang pananaiksik na ito at nakatuon sa paglutas ng mga hamon sa pag-aaral sa

panahon ng Covid-19 ng mga mag-aaral ng Senior high School ng Sacred Heart

Seminary-Bacolod sa ikalawang semestre ng akademikong taon 2020-2021.

Nalimitahan ang pananaliksik na ito sa mga Senior high school ng Sacred Heart

Seminary-Bacolod sapagkat sa kanilang panahon napagtuonan ang problemang ito.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Naniniwala ang mga mananaliksik na napakahalaga ng pag-aaral na ito sa mga

sumusunod:

Sa mga mag-aaral. Nakakatulong ang impormasyong ito sa mga mag-aaral dahil

para malaman nila kung ano ang mga hamon na nakakaapekto sa kanilang pag-aaral.
Sa mga Formators. Nakakatulong ang impormasyong ito sa kanila upang

matulungan nila ang kanilang mga seminarista sa akademikong sa panahong ito.

Sa mga guro. Nakakatulong ang impormasyong ito sa kanila dahil para

matulungan nila ang kanilang mag-aaral sa kanilang mga akademikong

mangangailangan sa panahon ng Covid-19.

Sa mga magulang. Nakakatulong ang impormasyong ito sa mga magulang upang

magabayan ang kanilang bata sa damdamin at pananaw nag kanilang bata.

Sa mananaliksik. Nakakatulong ang impormasyong ito sa kanya para sa mga

bagong impormasyong kanyang malalaman.

Sa mananaliksik sa hinaharap. Nakakatulong ang impormasyong ito sa kanila

para malaman nila ang mga nangyari ngayon at para na rin sa kanilang mga bagong

kaalaman.

Depinisyon ng mga Salitang Ginamit

Upang maging mas madali at ganap ang pagkakaintindi ng mga mambabasa,

minarapat naming bigyan ng depinisyon ang mga sumusunod na terminolohiya batay sa

kung paano ginamit ang bawat isa sa pamanahong - papel na ito:

Seminarista. ang tawag sa taong nag-aral sa seminaryo o pagpapari.

Sacred Heart Seminary. Ay isang pribadong institusyong natutunan ng Katoliko

sa Lungsod ng Bacolod. Ang mga programa nito ay bukas sa mga mag-aaral sa grade

11, mga mag-aaral sa kolehiyo, at propesyonal, na interesado na itaguyod ang

pagpapari o nais na mapalalim ang pananampalataya at ispiritwalidad bilang mga

layko. Ang departamento ng kolehiyo nito ay nag-aalok ng programa ng degree na

bachelor sa Philosophy, habang ang departamento ng Senior High School (SHS) ay


nagbibigay ng strand ng Humanities and Social Science (HUMSS). Magagamit din

ang isang sertipiko ng programa sa kabanalan.

Pandemya (Covid-19). Ay isang emergency sa kalusugan sa publiko. Ito ay

nailalarawan sa pamamagitan ng pagdudulot ng maraming mga seryosong kaso na,

kahit na maaaring kumatawan sa isang maliit na porsyento ng populasyon,

nagpapahiwatig ng isang pare-pareho at hindi malulutas na kahinaan. Ang

coronaviruses ay isang malaking pamilya ng virus na nagdudulot ng iba’t ibang sakit,

mula sa karaniwang ubo’t sipon hanggang sa mas malubhang mga impeksyon tulad

ng MERS-CoV at SARS-CoV. Ang coronavirus ay maaari ring magdulot ng iba’t

ibang sakit sa mga hayop.


Kabanata 2

Kaugnay na Literatura

Dayuhan

Ayon kay Machado (2019), simula noong pagsira ng mga paaralan, ang mga

magulang ay naghahanap ng alternatibong paraan para maturuan ang kanilang mga bata.

Pinipilit nilan pumalit sa Home Schooling upang mapanatili ang pagpapatuloy ng

edukasyon. Ito ay dumadagdag sa kanilang pasanin habang inaatupag nila ang Work-

from-home, pansamantalang kawalan ng trabaho na humahantong sa kakulangan ng

salapi at pamamahala ng mga gawaing bahay. Maraming mga magulang ang walang

sapat na oras o mga kinakailangang kwalipikadong pang-edukasyon upang matulungan

ang kanilang mga anak sa mga takdang aralin na dating naalagaan ng kanilang mga guro.

Ito ay kinahahantungan ng stress ng bata at magulang.

Parehong mga guro at mag-aaral ay hindi handa sa mga tuntunin ng paghawak ng

teknolohiya o mga isyu sa kakayahang mai-access para sa online na pag-aaral kung saan

ang karamihan sa mga aktibidad na pang-akademiko ay nangyayari sa pamamagitan ng

Zoom o google na nagkikita nang walang anumang nakatuon na online platform sa pag-

aaral (Jena,2020).

Ayon sa Economic Commission for Latin America and the Caribbean

(ECLAC),Sa larangan ng edukasyon, marami sa mga hakbang na tinanggap ng mga

bansa sa rehiyon bilang tugon sa krisis ay nauugnay sa pagsuspinde ng mga klase ng

harapan sa lahat ng antas, na nagbigay ng tatlong pangunahing mga lugar ng aksyon: ang

paglawak ng mga modalidad sa pag-aaral ng distansya sa pamamagitan ng iba't ibang


mga format at platform (mayroon o walang paggamit ng teknolohiya); Ang layunin ng

dokumentong ito ay upang magbigay ng ilaw sa iba`t ibang mga kahihinatnan na

magagawa ng mga hakbang na ito sa mga pamayanan na pang-edukasyon sa maikli at

katamtamang term, at upang mag-alok ng mga pangunahing rekomendasyon sa kung

paano pamahalaan ang mga kahihinatnan na iyon sa pinakamahusay na posibleng paraan,

pagguhit ng pansin sa mga pagkakataon para sa pag-aaral at pagbabago sa sistemang

edukasyon pagkatapos ng pandemiya.

Lokal

Ang edukasyon ay responsabilidad ng bawat isa – hindi lamang ng mga mag-

aaral, guro, at magulang kundi ng isang komunidad na handang sumuporta at gumabay sa

pangarap ng isang batang nag-aasam na makapag-aral. Noon pa man ay masasabing

buhul-buhol na ang mga problema sa edukasyon sa ating bansa. Gayunpaman, kung

patuloy lamang tayong magtutulungan at magkakaisa sa isang adhikain, hindi malabong

mangyari na ang inaasam nating magandang bukas para sa bata at para sa bayan ay atin

nang makamit sa gitna man ng pandemyang COVID-19. Sa kasalukuyan, patuloy ang

paghahanda ng mga pampublikong paaralan sa pagharap sa nalalapit na pasukan sa

pamamagitan ng pagsasagawa ng mga online webinars, workshops, at trainings partikular

na sa mga isasagawang Learning Delivery Modalities tulad ng Distance Learning at

Blended Learning. Abala rin ang mga guro sa pagsusulat at paglilikha ng mga modyul na

siyang gagamitin ng mga bata na Modular Learning ang piniling pamamaraan ng pag-

aaral. Samantalang kabi-kabila rin ang mga online demo teaching simulation sa mga iba’t

ibang paaralan sa bansa (Palceta, J.C., 2020).


Nakita na natin ang mga nangyari sa Sierra Leone sa panahon ng Ebola outbreak

kung saan inihinto ang mga pag-aaral sa loob ng isang academic year. Sa muling

pagbubukas ng kanilang mga paaralan, mas dumami ang hindi na nagpatuloy ng pag-

aaral bunga ng child labor, teenage pregnancy, child abuse and neglect, health and family

economic problems. Ayon din sa mga pandaigdigang pag-aaral, kahit sa normal na

dalawang buwang bakasyon, 20-50 % ng mga natutunang skills ay maaaring mawala o

nakalimutan na ng mag-aaral. Mas magiging mahirap din ang pag monitor sa nutrisyon,

at pisikal, mental at emosyonal na kalusugan ng mga bata kung tuluyang magsasara ang

mga paaralan sa loob ng isang taon. Dapat din nating bigyan ng konsiderasyon na hindi

lahat ng ating estudyante ay magiging masaya sakaling tuluyang ihinto ang muling

pagbubukas ng mga paaralan ngayong taon. At dahil mas abala tayo sa pagiging kritiko

sa mga ginagawang desisyon ng ating gobyerno, maaaring nakakaligtaan na nating

bigyan ng atensyon ang pagdinig sa boses ng ating mga nasasakupan – ang mga musmos

na tahimik na nagmamatyag sa ating mga ikinikilos. Naiiwan silang nakabitin sa pag-

aalinlangan at takot sa lumalaganap na sakit at kung paano na mabibigyan ng prayoridad

ang kanilang karapatan sa pag-aaral (Galias, J.F., 2020).

Mula nang sumiklab ang coronavirus sa bansa nitong Marso ay libo-libong mga

mag-aaral sa Metro Manila ang natigil sa pag-aaral. Iniutos ng pamahalaan ang agarang

suspensyon ng klase sa lahat ng antas sa Metro Manila, na siyang sentro ng Covid19,

para tiyakin na ligtas ang mga bata at mapigilan ang pagkalat ng nakamamatay na virus.

Karamihan sa mga mag-aaral ay nasa kalagitnaan ng school year nang ipatupad ang

enhanced community quarantine noong Marso 17 para pigilan ang pagkalat ng virus.

Kung kaya karamihan sa mga eskuwelahan ay virtual lamang ang naging graduation
ceremony para sa kanilang mga mag-aaral. Inanunsiyo ng DepEd noong Abril na walang

magsasagawa ng tradisyunal na commencement exercise habang nananatili ang banta ng

nakamamatay na virus. May mga pamantasan o unibersidad din na pinaikli ang kanilang

semestre nang i-extend ang enhanced community quarantine sa Luzon. Mas pinadali rin

ng kagawaran ang curriculum para sa mga mahahalagang lessons para sa inayos na

schedule ng pagbubukas ng klase mula Hunyo hanggang Agosto dahil sa epekto sa

Covid19. Nakatakda sanang simulan ang school year sa buwan ng Agosto sa halip na

Hunyo dahil sa patuloy na pagtaaas ng kaso ng Covid19 sa bansa subalit naurong ito ng

Oktubre para bigyan ng sapat na panahon ang DepEd na matugunan ang mga lohistikal

na limitasyon na kinakaharap ng mga lugar na nasa ilalim noon ng modified enhanced

community quarantine (Gilhang, P., 2020).

Mga kaugnay sa pag-aaral

Dayuhan

Ayon sina Flores, Machado, at Alves(2020) Isang kamakailang pag-aaral na isinagawa sa

Portugal, ipinakita na, sa average, ang mga guro ay hindi nakipag-ugnay sa 2 mag-aaral

bawat klase, dahil sa kakulangan ng mga mapagkukunan o kagamitan, nag-iiba sa pagitan

ng 0 at 20 na mag-aaral bawat klase. Natukoy din ng mga guro ang pangunahing mga

paghihirap na kailangan nilang hawakan: kakulangan ng sapat na kagamitan para sa mga

mag-aaral, kawalan ng sapat na pagsasanay sa online na pagtuturo, kawalan ng suporta

mula sa mga magulang. Sa karamihan ng mga kaso, ang mga guro ay kailangang

gumamit ng kanilang sariling mga teknolohikal na aparato upang magturo. Karamihan sa


mga kalahok na guro ay inaangkin na ang oras na ginugol sa malayuang pagtuturo ay

tumaas kung ihahambing sa harapan na pagtuturo, ngunit ang paglahok ng mag-aaral sa

pagtatasa ay nabawasan.

Kapag milyun-milyong mga kabataan ang hinimok na manatili sa bahay tulad ng

ibang mga miyembro ng kanilang pamilya, at kung ang mga institusyong pang-

edukasyon ay nanatiling sarado, ang online na edukasyon ay lilitaw na ang tanging

kahalili upang matiyak ang pagpapatuloy ng edukasyon ng mga mag-aaral na ito. Ang

pamantayang edukasyon sa online ay hindi pa rin maaabot ng maraming mag-aaral sa

ating mga paaralan, kolehiyo at unibersidad, na may limitado o walang pag-access sa

computer at koneksyon sa internet sa bahay. Napansin din na, sa maraming mga kaso,

mayroon lamang isang 4G smartphone sa bahay para sa maraming mga pamilya, na kung

saan ay dapat ibahagi sa mga kita ng pamilya na nakikipagpunyagi na magpatuloy sa

kanilang pinaliit na mga pagkakataon sa pangkabuhayan at upang 'gumana mula sa bahay

,' kung maaari(Chaudhury, S.B.R.2020).

Lokal

Ang mga kabataan ngayon ay mayroong likas na kagalingan at kaalaman patungkol sa

mga makabagong teknolohiya, kung kaya’t tinatawag nila ang kanilang mga sarili na

“Gen Z” o “Generation Z”. Tinatawag silang “Gen Z” sapagkat lumaki sila na may

malaking impluwensya ng Internet at mga makabagong teknolohiya. Gayun paman ay

nasanay na sila sa panahon na ito kung saan ang tanging magagamit na pakikipag-

salamuha ay ang medyum na Internet. Napakalaking tulong ang Internet sa larangan ng

edukasyon sapagkat makakakita at matututo tayo ng mas maraming bagay at mas madali

natin itong magagamit kung ikukumpara sa tradisyonal na pagbabasa ng libro. Ang


Internet ay isang napakalawak na pinagkukunan ng aral, impormasyon, o kaya’y libangan

ng mga tao ngayon. May pandemya man o wala kailangan nating magsipag ng pag-aaral

kahit na ano mang paraan iyan! Kung gusto nating matuto, kumupkop tayo sa mga

paraang makakatulong sa atin, “Face to Face” man iyan o “Distant learning” tayo nang

matuto na lumaban sa sakuna dulot ng pandemyang ito (Perez, K.P., 2020).

Dahil sa banta ng COVID-19 , naapektuhan ang pag-aaral ng mag-aaral sa ibat-

ibang paaralan , ito ay dahil ipinagbabawal ang pisikal na diskusyon sa loob ng silid

aralan . Malaki ang papel ng internet dito upang ang lahat ng mag-aaral ay

makakapagpatuloy sa gitna ng pandemya. Nagsisilbi itong intrumento sa lahat dahil sa

pinapatupad na online learning, isa itong nagbibigay alam at komunikasyon sa mag-aaral

at guro , gamit ito ay may koneksyon ang mga guro sa kanilang estudyante . Ngunit sa

gitna nito hindi lahat ay may access sa internet o kaya may cellphone at laptop ngunit

hindi ito naging hadlang upang ang mga mag-aaral ay tumigil sa pag-aaral , Dahil na din

sa pagiging konsiderasyon at unawa ng guro ay mabibigyan ng pagkakataon ang

estudyante sa mga huling pumapasa ng aktibidad (Kiamco, T.M., 2020).

Sintesis

Ang mga literaturang inilahad ay nagbigay sa mananaliksik ng mga

mapagkukunang ebidensiya sa pag-aaral tungkol sa hamon sa pag-aaral sapanahon ng

Covid-19 ng mga Senior high School ng SHS-B. Ito ay nangangahulugan na ang pag-

aaral na ito ay mahalaga lalo na mga mag-aaral ngayon na nararanasan ang pandemyang

ito. Higit sa lahat, binigyan ito ng balangkas kung paano isagawa ng mananaliksik ang

pag-aaral na ito gamit ang mga baryabol sa istatistikal na tritment at iba pang proseso.
Binigyan nito ang mananaliksik ng kaliwanagan kung paano pakitunguhan ang

problemang ito.

Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga literaturang ito, ang mananaliksik ay lubos

na naintindihan ang kahalagahan ng pag-aaral na ito sa larangan ng edukasyon. Nagbigay

ito ng pag-unawa sa konteksto tungkol sa hamon sap ag-aaral sa panahon ng Covid-19.


Kabanata 3

Metodolohiya

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay isinasagawa ayon sa disenyo ng pamaraan kwaliteytiv

na pananaliksik.

Tinatangkang ilarawan ang mga tiyak na datos na nakalap sa pananaliksik.

Populasyon

Sa kasalukuyan, may dalawang (2) pangkat ng mga estudyante sa nasabing

paaralan: pitong ka tao sa unang oangkat at pitong katao sa ikalawang pangkat. Sa

kabuuan ay may 14 ang bilang ng tagatugon.

Mga taong kasangkot sa pag-aaral

Ang mga piniling respondente sa pag-aaral na ito ay mga mag-aaral sa Senior high

school ng Sacred Heart Seminary-Bacolod sa ikalawang semestr e ng taong - akademiko

2020- 2021.

Instrumento sapagkolekta ng datos

Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagsasarvey. Ang mga

mananaliksik ay naghanda ng isang sarvey- kwestyuner na naglalayong nakapangalap ng


mga datos upang masuri ang damdamin, pananaw, at kaalaman sa mga hamon sap ag-

aaral sa panahon nh Covid-19 ng mga respondente.

Kahusayan ng Instrumento sa Pag-aaral

Ayon kay Fraenkel, Jack R., Wallen (2010), ang baliditi ay tumutukoy sa

katumpakan, kabuluhan, kawastuhan, at pakinabang ng inferensis ng isang pananaliksik.

Para maipakita ang balidity ng instrumento, ipinabalido ito sa tatlong balideytor

gamit ang face at content baliditi.

Ang kraytiryang ginamit ng mga balideytor sa pagbabalido ng instrumento ay ang

kraytirya nina Good at Scates. Na may iskor na 1 hanggang 5 kung saan 5 ang

pinakamataas at 1 naman ang pinakamababa.

Katumpakan ng Instrumento sa Pag-aaral

Reliabiliti ay tumutukoy sa consistency ng iskor na makakamit ng isang

indibidwal sa isang pagsusulit (Ardales, 2008).

Upang matukoy ang reliability index ng instrumento ng pananaliksik, ang

talatanungan ay pinasagutan ng isang beses sa 14 mag-aaral ng Senior high school sa

SHS-B.

Upang maging reliable ang intrumento, ang obtained value ng test ay dapat na sa

pagitan ng 0.70 hanggang 1.00 (Bluman, 2016).

Prosidyur sa Pangangalap ng Datos


Nagsasagawa ng pangangalap ng mga datos o impormasyon ang mga mananaliksik

saniba't ibang mga hanguan sa aklatan katulad ng mga aklat, tesis, proposal, disertasyon,

pamanahong papel. Kumuha rin ang mga mananaliksik ng ilang impormasyon sa

internet.

Istatistikal Tritment ng Datos

Dahil ang pag-aaral na ito ay isang panimilang pag-aaral lamang at hindi naman isang

pangangailangan sa pagtatamo ng isang digri tulad ng tesis at disertasyon, walang

ginawang pagtatangka upang masuri ang mga datos sa pag-aaral na ito sa pamamagitan

ng matataas at kompleks na istatistikal na pamamaraan. Bilang o dami lamang ng mga

pumili sa bawat pagpipilian ng bawat aytem sa kwestyuner ang inalam ng mga

mananaliksik. Samakatwid, ang pagtatally at pagkuha ng porsyento lamang ang

kinakailangang gawin ng mga mananaliksik. Dahil labing-apat (14) ang mga respondente.

You might also like