You are on page 1of 10

ANG EPEKTO NG BAGONG ESTRATEHIYA NG PAG-AARAL BUNSOD NG

PANDEMYA SA PILIPINAS

Isang Kultural na Pananaliksik na Iniharap kay


Binibining Mary Grace H. Gonzales
Departamento ng mga Wika at Pangmadlang Komunikasyon
Cavite State University - Imus Campus

Bilang Bahagi ng Pagtupad


Sa mga Pangangailangan para sa Kursong
GNED10/11 Kontekstuwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Eullo, Jobie Ann R.

BSIT-1B

Enero 2021
Ang epekto ng bagong estratehiya ng pag-aaral bunsod ng pandemya sa Pilipinas

ABSTRAK

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang malaman ang kalagayan ng


edukasyon sa gitna ng pandemya na kung saan nagkaroon ng bagong stratehiya ang
pag-aaral na tinawag na online learning.

Tinatalakay dito ang mga epekto at mga problemang dulot ng online learning sa
mga mag-aaral. Mula rito, nagkaroon ng diskusyon sa mga problema. Batay sa mga
impormasyon o datos na nakalap napakaraming binigyang diin dito ang mga pananaw
ng mga impormasyon na nakalap. Ang instrumentong ginamit ay kuwalitatibo na kung
saan kumalap ng datos upang mabigyang diin ang pananaliksik na ito.

Sa kabuuan, ang pagpapanukala ng bagong stratehiya ng pag-aaal ay nagdulot


ng iba’t ibang problema lalo na sa mag-aaral na hindi handa para dito. Hingil sa
kaalaman ng lahat, napakahirap itong paraan para sa iba lalo na sa mga kapos sa buhay
na nagdulot sa kanila upang huminto sa pag-aaral.
INTRODUKSIYON

Ang edukasyon ay kinabibilangan ng pagtuturo at pag-aaral ng isang kasanayan,


at ang pagbahagi ng kaalaman, mabuting paghusga at karunungan. Ang edukasyon ay
isang puhunan ng bawat mamamayan ng isang partikular na bansa upang maging
produktibo ang bawat isa sa pagpapataas ng ekonomiya. Sinasabi nga na ang
edukasyon ang siyang susi sa pagtupad ng mga pangarap sapagkat ito ay
makatutulong upang unti-unti nating matupad ang mga pangarap sa buhay.

Ngunit paano ang pangarap sa gitna ng pandemya? Ano nga ba ang pandemya?
Ito ay isang epidemya ng nakakahawang sakit na kumakalat sa pamamagitan ng
mga populasyon sa isang malawak na rehiyon; halimbawa, isang lupalop, o kahit
pandaigdigan.

Napabalita noon sa Wuhan, China na mayroong paglaganap ng bagong sakit na


nakakahawa noong Disyembre 2019. Napag-alaman na lamang na ang outbreak ay
dulot ng isang uri ng hindi pa nakikilalang coronavirus. Ang coronavirus na ito ay
karaniwang natatagpuan sa mga hayop lamang, at hindi pa nakita sa mga tao noon .
Ngunit kamakailan lamang ay nagkaroon na ng kaso dito sa Pilipinas na naitala noong
Enero 23, 2020 na taga Tsina na 38 taong gulang habang ang ikalawang kaso nito ay
naitala noong Pebrero 2, 2020 na isang 44 taong gulang na ang matay bago ang
kumpirmasyon, ito ang unang kaso ng pagkamatay sa nasabing sakit sa Pilipinas. Dito
na rin nasuspetsa na ang COVID-19 ay parating na sa Pilipinas dahil sa transmisyon na
dulot nito o kung tawagin ay nakakahawang sakit na maaaring ikamatay ng sino man
na matamaan ng sakit na ito.

Sa kabila ng pandemya, ang Kagawaran ng Edukasyon ay nagsagawa ng paraan


upang ang pag-aaral ay hindi mahinto. Kaya’t nabago ang stratehiya ng pag-aaral at ito
ay tinawag na “Online Learning”, na kung saan gumagamit ng teknolohiya na mag-
uugnay at maghaharap sa dalawa as pagsasalin ng karunungan, kasanayan, tagisan at
pagpapalitan ng mga kuro-kuro. Ayon sa pag-aaral, mas mabisa daw ito kaysa sa
kaharap ang guro lalo na ngayong pandemya.

Ayon kay Nimfa Bracamonte (2020), simula ng tumama ang sakit sa buong
mundo na kung saan ang mga tao ay nakakulong sa kanilang mga tahanan. Ang mga
ito ay nasangkot sa “Virtual Mobilization” na kung saan ang mga tao ay gumagamit ng
mga makabagong teknolohiya upang makipagkomunikasyon, makapaglibang at ano
pang bagay upang maialiw ang sarili. Sa gulong dulot ng COVID-19, maraming tao ang
natakot lumabas ng bahay, at mas marami rin itong masamang epekto lalo na sa
kalusugan ng tao.

Batay naman sa pananaliksik nina kay Kenneth Ian B Barrera, Beverly D.


Jaminal, at Felix E Arcilla Jr. (2020), sa kabila ng banta sa buhay ng COVID-19 patuloy
pa rin ang pag-aaral sa Saint Michael College of Caraga sa pamamagitan ng “flexible
learning”. Kumalap sila ng mga datos kung saan nakapaloob dito kung sino at ano ang
mga bagay na mayroon ang mga mag-aaral, guro at stakeholders gaya ng cellphone,
laptop o computer nang sa gayon ay makasabay sila sa nasabing flexible learning ng
paaralan. Habang nag mga mag-aaral naman na walang gamit upang makilahok sa
nasabing online learning ay may pagkakataon na makapag-aral sa pamamagitan ng
modules na sinasagutan, ang mga modules na ito ay ginawa ng mga guro nang sa
gayon ang mga taong gipit sa buhay na hindi kayang bumili ng mamahaling telepono.

Ayon kay Deped Sec. Leonor Briones (May 5, 2020), ang mga modules na nabasa
o napinsala ng bagyo ay maaari na lamang planstahin upang matuyo nang sa gayon ay
matuloy pa rin ang pag-aaral kahit na may delubyo man na dumating. Nang marinig
ito ng mga tao, sila ay nagalit sapagkat hindi maganda ang mga nasabi ni Briones ukol
dito, bagamat na mahalaga ang pag-aaral pero kung buhay ang kapalit sadyang
nakakapanlumo. Maraming nagsasabi na ang mga inuulat nito o ang mga itinatalaga
nito ay pawang pang-sariling kaligayahan lamang.

Ayon naman kay Jose Z. Tria (2020), habang tayo ay nakakaranas ng matinding
pagsubok sa buhay lalo na ngayong taon na kung saan ay mayroong kumakalat na sakit
na COVID-19 ang edukasyon ay nararapat na mahinto. Sapagkat ang ibang bansa ay
gumawa ng paraan upang maisalba ang pag-aaral bunsod ng pandemya, ito ay tinawag
na blended learning na kung saan mag-aaral online ngunit kung iisipin ang Pilipinas ay
mayroong pinakamababang datos ng internet connection sa buong Asya. Napakahirap
gawin ang mga bagay na ito lalo na sa mga walang kakayahang bumili ng cellphone.
Bunsod ng pandemya, napakaraming pagbabago ang mangyayari lalo na ang mga
komplikasyon sa pag-aaral.

Ngunit paano nakatutulong ang Online Learning sa mga mag-aaral? Kung ang
bagong stratehiya na ito ang ginagamit ngayon, papaano na lamang ang mga hirap at
kapos sa buhay? Paano makikipagsabayan ang lahat ng tao lalo na ang mag-aaral sa
gitna kagipitan at kawalan ng mapagkukuhaan ng salapi? Paano nasabing may
natutunan sa modular o online learning ang mga mag-aaral?
METODOLOHIYA

Ang metodolohiya ay isa pamamaraan ng mananaliksik sa pagkalap ng mga


datos at impormasyon na kailangan niya upang matamo ang kaaya -ayang resulta ng
kaniyang pagsasaliksik. Kasama rin dito ang masususing pagsusuri sa mga datos na ito
upang higit itong mapapananaligan at mapagkakatiwalaan.

Ang ginamit na pananaliksik-kultural ay kuwalitatibong disenyo kung saan ay


hahanap ng datos upang mas lalong mapalalim at maaprubahan ang pananaliksik. Ang
mga nakalap na impormasyon ay kaugnay sa paksa ng pananaliksik na ito. Ito ay
ginagamitan ng mga impormasyon at taliwas sa ibang disenyo ng pananaliksik na kung
tawagin ay kuwantitatibo na kung saan ginagamitan ng bilang ng mga respondent.

Ang mga impormasyon na nakalap ay tumutukoy kung saan simula ng tumama


ang naturang o nasabing nakakahwang sakit ay napakahirap na sa mga tao ang
humanap ng pagkukuhanan ng pera upang makisabay sa mga bagong stratehiya ng
pag-aaral. Bagamat ang pag-aaral ay napakahalaga sa maraming mag-aaral ngunit
napkahirap makipagsapalaran sa gitna ng pandemya na bumago sa ating buhay.
Maraming mga tuntunin ang nabago at isa na doon nag pag-aaral na ginawa ng online
learning na kung saan ginagamitan ng mga cellphone upang makaugnay sa guro. Halos
lahat ng tao ngayon ay cellphone na lamang ang naging libangan simula ng magkaroon
ng pandemya, ngunit hindi lahat ng tao ay may kakayahang bumili nito lalo na ang
mga kapos sa buhay. Napakaraming problema rin ang ibinunga nito lalo na nang
ilunsad ito dahil maraming guro at mag-aaral ang hindi handa para dito. Marami rin
ang kapos sa buhay at lalong nagigipit sa buhay kalaban ang mga sakit, buhay, pati na
ang iba’t ibang delubyo. Sa dami ng problema na dumating papaano na lamang ang
mga salat sa buhay na pilit na bumabangon upang maipagpatuloy ang pag-aaral ngunit
hindi kayang makabili ng mga nasabing kinakailangan sa online learning. Papaano
naman ang mga pasakit na dinadanas sa modular leaning na kung saan kulang na nga
ang mga paksa na ibinibigay ay hindi pa natututo ang mag-aaral.

Ang ginamit na maka-Pilipinong paraan ng pananaliksik ay ang abstrak ng


datos. Sa abstrak na ito nakita ang mga mahahalaga o importanteng impormasyon na
hinihingi ng pananaliksik na ito. Nakikita dito ang kabuuang pananaliksik ng bawat
datos na nakalap. Ipinapakita nito ang mga paraan na ginamit na mga kasanayan
upang maksabay sa tinatawag na online learning. Sangkot nito ang masusing
pananaliksik ukol sa bagong stratehiya ng pag-aaral sa kabila ng pandemya.

Ang mga impormasyon ay isinuri sa pamamagitan ng kritikal na pag-iisip nang


sa gayon malaman ang ugnayan ng nasabing pananaliksik sa datos. Ang tamang
pagbabasa at pag-unawa sa datos o teksto ay nakakatulong upang maging malinaw a t
angkop sa mga napiling datos. Isinuri ang mga ito ukol na rin sa kung anong nilalaman
nito. Inuugnay ang datos sa pananaliksik nang sa gayon ay mailapat ang nararapat na
impormasyon dito.
RESULTA AT DISKUSYON

Halos lahat ng bansa sa buong mundo ay nakapokus kung paano


maipagpapatuloy ang pag-aaral sa kabila ng pandemya na kinahaharap ngayon. Ang
Kagawaran ng Edukasyon ay nagsagawa ng bagong estratehiya ng pag-aaral na kung
tawagin ay online learning. Sa mga datos na nakalap maraming sumang-ayon sa
estratehiya na ito ngunit maraming problema o naging epekto ito lalo na sa mga mag-
aaral at guro. Una na rito ang kakulangan sa kahandaan para sa online learnin g, kapos
sa buhay kung kaya hindi makabili ng mga kinakailangang gamit tulad ng cellphone,
walang kasiguraduhan sa natututunan lalo na sa mga modular learning, maraming
naapektuhan ang mental health at habang ang iba ay nagpatiwakal dahil sa presyon sa
pagpapasa ng mga gawain sa eskwelahan. Ang Pilipinas ay mayroon lamang
pinakamababang datos ng internet connection kung kaya napakahirap gawin ang mga
bagay na ito. Bagamat ito na ang pinakamagandang solusyon lalo na ngayong
pandemya subalit hindi pa rin maitatanggi ang ibang epekto at mga problema na
maaaring harapin bunsod nito.
Kaugat nito, lumabas na ang sistema ng edukasyon ay sadyang nagbago na
siyang nagdulot sa iba ng hirap upang makaangkop sa bagong sistema . Hindi ito
naging madali sa karamihan dahil ito raw ay nakakapanibago. At kung tutukuyin ang
sitwasyon sa mga guro ay wala silang kasiguraduhan na natututo ang mga mag-aaral
habang parehas din sa mga mag-aaral dahil ang katwiran ng iba dito ay pawang ang
habol lang ay ang pagpasa ng mga kinakailangang gawain ngunit wala naman
natututunan. Nakatulong ang online learning sa mga mag-aaral ngayon upang
madaling magkaroon ng daan para makapag-aral. Ito rin ay nakatulong upang maging
ligtas ang mga mag-aaral pati ang mga guro sa kumakalat na sakit ngayon na COVID -
19. Ang mga mag-aaral ay nag-aaral sa loob ng kanilang tahanan nang sa gayon ay
makaiwas sa sakit at matutong mag-aral. Ang mga hikahos sa buhay ay gumamit ng
modular learning nang sa gayon ay maipagpatuloy pa rin ang pag-aaral sa kabila ng
pandemya habang ang mga magulang ang siyang magiging guro o magsisilbing gabay
sa kanilang mga anak. Marami rin ang nagsilbing bagong paraan upang maipagpatuloy
ang pag-aaral nariyan ang mga palabas sa telebisyon ng kawagaran ng edukasyon nang
sa gayon ang mga bata na walang magamit na cellphone o walang internet connection
ay makapag-aral pa rin sa tulong ng telebisyon o radyo.
KONKLUSYON

Bunsod ng COVID-19, napakraming pagbabago ang nangyari, maraming bagong


alituntunin ang dapat sundin bilang protekyson na rin sa sarili, ang hanapbuhay ay
naapektuhan at maging ng pag-aaral. Dahil dito nahinto ang pag-aaral na ayon na rin
kay Presidente Rodrigo Duterte, ipinatigil niya ang klase sa paaralan bilang pag-iingat
upang hindi matamaan ng sakit ngunit ang Kagawaran ng Edukasyon ay nagmungkahi
na maaaring maipagpatuloy ang pag-aaral kung gagawin itong online learning. Ang
pag-aaral ay nagbago mula sa aktwal na pag-aaral sa loob ng klase kasama ang guro at
kamag-aral, ito ay napalitan kung saan ginagamitan ng makabagong teknolohiya na
kung saan mayroong mga platform na magagamit upang matuto. Sa pamamgitan nito
makakaharap ang guro online gamit ang mga nasabing platform na gagamitin upang
makapag-aral. Maraming nahirapang umangkop sa nasabing bagong estratehiya lalo na
ang mga kapos sa buhay. Marami rin ang nakipagsapalaran upang maisalba lamang
ang naudlot na pag-aaral. Napakahirap man makisabay dito ngunit tuluyan na nga na
ito ang magiging sitwasyon ng pag-aaral hanggat may banta pa rin ng sakit na COVID-
19.

Sa pananaliksik na ito ay nalaman na ang pag-aaral ay isang gintong hindi


kayang ipagpalit sa kahit na sino man o anumang bagay. Ito ay isang pamana na hindi
kayang itapon o ipamigay na lamang basta basta bagkus ito ay yaman na kakailanganin
balang araw sapagkat ang edukasyon ay isang susi tungo sa pangarap. Mula sa mga
datos at sa resultang nabuo ang antas ng pag-aaral ay sadyang napakahalaga ng
edukasyon kung kaya’t gagawan ito ng paraan upang maipagpatuloy gaya ng ginawa
ng ibang bansa. Nalaman din rito ang naging kalagayan ng edukasyon maging ang
naging epekto nito sa mag-aaral kung saan ang iba ay nakikipagsapalaran upang
maisaalang-alang ang naudlot na pag-aaral.
REKOMENDASYON

Batay sa mga kinalabasan at konklusyon na pag-aaral, inihahain ang mga


sumusunod na tagubilin:

1. Nararapat na ang mga paaralan lalo na ang mga guro ay maging handa sa ganitong
klase ng bagong estratehiya.

2. Nararapat din na mabigyan ng maayos na gabay ang mga estudyante upang matuto.

3. Gumawa at kumalap ng mga datos upang malaman ang mga kinakailangang bilang
para sa bagong estratehiya na ito kung marami bang sasang-ayon o hindi.

4. Suriin kung sino at ano ang kalagaan ng mga tao sa panahon ngagyon na may
pandemya.

5. Tukuyin ang mga maaaring maging salik nito sa pangkalahatan.


TALAAN NG REPERENSYA

Barrera, K.I., Jaminal, B., & Arcilla Jr., F. : SMCC Higher Education Research Journal
(Teacher Eductaion Journal) Vol. 2 No.1 2020 : Readiness for Flexible Learning amidst
COVID-19 Pandemic of Saint Michael College of Caraga, Philippines mula sa
https://ejournals.ph/article.php?id=15551

Bracamonte, N.L.: Progressio Journal on Human Development Vol. 14 No . 1 2020


:Engaging the Community through Virual Mobilization during the COVID -19
Pandemic mula sa https://ejournals.ph/article.php?id=15238

Department of Health, Friday, February 14, 2020 mula sa


https://doh.gov.ph/node/19591

Deped Tambayan (November 5, 2020). Briones sa mga binagyong module: Ibilad,


plantsahin mula sa https://depedtambayan.org/briones-sa-mga-binagyong-module-
ibilad-plantsahin/

Edukasyon, (28 Pebrero,2020). Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya


https://tl.wikipedia.org/wiki/Edukasyon

Guro Ako Admin ( May 11, 2020). New Normal Education – Online and Blended
Learning mula sa http://guroako.com/2020/05/11/new-normal-education-online-
and-blended-learning/

Philstar (May 5, 2020) 'Virtual o pisikal': Klase magsisimula sa ika-24 ng Agosto, sabi
ng DepEd mula sa https://www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon/bansa/2020/05/05/2011957/virtual-o-pisikal-klase-magsisimula-sa-ika-24-ng-
agosto-sabi-ng-deped

Tria, J.Z. (2020). The COVID-19 Pandemic Through the Lens of Education in the
Philippines: The New Normal mula sa
https://d1wqtxts1xzle7.cloudfront.net/63559437/the-covid-19-pandemic-through-the-
lens-of-education-in-the-philippines-the-new-normal-831120200607-26507-
5vpici.pdf?1591593997=&response-content-
disposition=inline%3B+filename%3DThe_COVID_19_Pandemic_through_the_Lens_o.p
df&Expires=1609833745&Signature=QluBxuOemD7XY5zzJLnlBrqVjjHA4duLbFVoJ~M
q-VbOPHys6L0m3UgAQUxgPp~gtgjeJKXE3-6vMGQALdXiHrlv7O642-
DJDTgbPR9qRACfH4N9oXKbHzu2YC9YsZGErsLc2YOtxn2FGMi9m4LQHsOJY2NETv
5OyPIbh0~KuzbTbsWINv4u8op9uVZUfe4wHbFmxGx0kYcsOFaCGtRPtvsSh6ukMnJC
zKN7tqKodk9t4ThassRBsnBQox3J31Yuz5H~4tHFg-~I8Q-0bL2vS5UjnIvkOtl-
7~ySeKoBeSVXfakW9X0Zvb-0GiOfqn26YW3HTxGPDp1eY~W5RaM6zg__&Key-Pair-
Id=APKAJLOHF5GGSLRBV4ZA

Tupas, F.T., & Linas-Laguda, M. (September 29, 2020). Blended Learning – An


Approach in Philippine Basic Education Curriculum in New Normal: A Review of
Current Literature

https://www.researchgate.net/profile/John_Thompson81/publication/345416687_Ble
nded_Learning_-
An_Approach_in_Philippine_Basic_Education_Curriculum_in_New_Normal_A_Revie
w_of_Current_Literature/links/5fa64bae92851cc2869ce6d7/Blended-Learning-An-
Approach-in-Philippine-Basic-Education-Curriculum-in-New-Normal-A-Review-of-
Current-Literature.pdf

You might also like