Professional Documents
Culture Documents
BSBM-FMGT 2A
INTRODUKSYON
Ang Pilipinas ay isang opisyal na Republika ng Pilipinas na may
malayang estado at kapuluang bansa sa timog-silangang asya na binubuo ito ng
7,641 na pulo na nababahagi sa tatlong kumpol na pulo; ang Luzon, Visayas at ang
Mindanao. Patuloy na lumulobo ang populasyon sa Pilipinas sa paglipas ng
panahon. Sa unang datos ng populasyon noong 1951 umabot lamang ito ng 667,612
katao. Sa patuloy na pagdami ng populasyon, umabot na ito ngayong 2020,
kasalukuyang taon, sa 110,393,520 milyong katao. Dahil sa patuloy na pagtaas ng
populasyon sa Pilipinas naapektuhan ang ekonomiya ng bansa. Ang ekonomiya ay
binubuo ng sistematikong ekonomiko sa bansa ito ay mga trabaho, puhunan, at mga
pinagkukunang lupain at ang pagmamanupaktura, produksiyon, pangangalakal,
distribusyon, at konsumpsiyon ng mga kalakal at serbisyo ng eryang ito. Sa
pamamagitan ng estado ng ekonomiya nalalaman kung ang isang bansa ay
maunlad, papaunlad o mahirap ayon sa mga estadistika ng ekonomiya. Maaari ring
sabihin na ang ekonomiya ay ang sitwasyon pang-kabuhayan sa isang bansa. Ang
kawalan ng trabaho ng mga Pilipino ay may malaking epekto sa ekonomiya. Isa ito
sa magiging dahilan para lumubog ang ekonomiya. Hindi magandang indikasyon sa
isang bansa kung ang ekonomiya ay lulubog o bababa. Malaki ang ibinaba ng
ekonomiya ng Pilipinas dahil sa kawalan ng trabaho nang pagdating ng pandemya
sa Pilipinas.
Noong ika-31 ng Disyembre taong 2019, nakapagtala ng unang kaso
ng Corona Virus Disease (COVID 19) sa bansang China partikular sa Wuhan na
kung saan sinasabing unang nagmula ang birus na ito. Ang Coronavirus ay isang
malaking pamilya ng mga virus na maaaring magdulot ng sakit mula sa karaniwang
sipon hanggang sa mas malubhang sakit tulad ng Middle East Respiratory
Syndrome (MERS-CoV) at Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS-CoV). Ang
sakit na ito ay mabilis na kumakalat kapag ikaw ay nakasalamuha ng taong may
sakit sa pamamagitan lamang ng pagtalsik ng laway nito. Ayon kay Health
Secretary Francisco Duque III, nakapagtala ng unang kaso sa Pilipinas noong ika-21
ng Enero sa taong 2020 na isang Chinese na nanggaling sa Wuhan, China. Sa pagtala
nito, unti-unting lumubo ang kaso na mayroon sa Pilipinas. Mabilis na kumalat ang
sakit sa mga tao. Nagdulot ito ng pagkamatay ng libo-libong mga Pilipino at
milyon-milyon naman sa buong mundo. Maging ang mga Doctor na siyang
naghahanap ng lunas at lumulunas sa mga may sakit ng birus na ito ay nagwakas
din ang buhay dahil sa Covid-19. Nang dahil sa mabilis na pagkalat ng birus na ito,
nagpatupad ang gobyerno ng ibat-ibang paraan para maiwasan ang pagkalat nito sa
bansa. Kabilang dito ang paglimita ng mga taong lalabas ng kanilang bahay.
Makakalabas lamang ang mga tao kung ang gagawin nila sa labas ay importante.
DISKUSYON AT PAGSUSURI
Dahil sa mga bagong batas na ipinaguutos ng pamahalaan na
limitahan ang mga taong lalabas at pagkakaroon ng kuwarentenas sa iba’t ibang
panig ng Pilipinas ay ipinagutos ng pamahalaan na ipasara ang mga
establisyemento o mga negosyo na hindi pangunahing pangangailangan ng mga tao.
Ang mga negosyo na ito ay ipinasara dahil sa pangambang sila ay magdudulot ng
pagkalat ng Covid-19 sa kanilang lugar. Kaya naman ang maraming negosyante ay
napilitang isara ang kanilang negosyo hindi lamang dahil sa utos ng pamahalaan
bagkus para na din sa kanilang kalusugan. Nagresulta ito nang pagkawala ng
trabaho ng mga manggagawa. Milyong manggagawa ang napilitang manatili sa
kanilang bahay dahil sa kawalan ng trabaho. Nagresulta ito sa pagkaranas ng
kahirapan at pagkagutom sa kanilang pamilya. Ang iba ay napipilitan na lamang
manglimos sa ibang tao para lamang mairaos ang pagkain para sa kanilang pamilya
at umasa sa ayuda na ibinibigay ng lokal na pamahalaan.
Hindi naman ipinagsawalang bahala ng gobyerno ang daing ng mga
manggagawang nawalan ng trabaho. Nagbigay sila ng tulong para sa mga ito. Isa na
dito ang pagbibigay ng tulong ng DOLE para sa mga nawalan ng trabaho nang dahil
sa pandemya. Ayon kay Department of Labor and Employment Assistant Secretray
Tutay, “dalawang milyong mangagawa naman ang inaasahang mabibigyan ng
ayuda gamit ang P13 bilyong ilalaan ng DOLE oras na maisabatas ang Bayanihan 2,
ang batas na maglalaan ng karagdagang budyet para sa Covid-19”. Kaya naman
ilang libo din ng mga manggagawa ang nabigyan ng ayuda na ito at nairaos ang
kanilang pangangailangan sa pang araw-araw. Naghain din ang pamahalaan ng
mga trabaho para sa mga nawalan ng trabaho o di kaya namay mga OFW na umuwi
sa bansa dahil sa pandemya. Sampung libong alok na trabaho ang ikinasa ng
gobyerno para sa mga manggagawang naapektuhan nang dahil sa pandemya.
Ngunit sa kabilang banda, maraming mga oportunidad at negosyo ang
nagsilitawan sa gitna ng pandemyang nararanasan sa buong bansa. Ginamit ng mga
negosyante maging ang mga manggagawang nawalan ng trabaho ang sitwasyon
upang magtayo sila ng kanilang negosyo para makaraos sa kanilang
pangangailangan. Nang dahil sa paglimita sa paglabas ng mga tao, naging patok sa
Pilipino ang pabili sa mga online. Sa pamamagitan nito ay makakatulong ang mga
negosyante sa mga tao na mapadali ang kanilang buhay na hindi na kinakailangan
na magpunta pa sa mismong pamilihan para mabili ang kanilang pangangailangan.
Maganda rin ito para sa mga negosyanteng magsisimula pa lamang sa kanilang
negosyo gamit ang online dahil hindi kinakailangan ng malaking halaga para
makapagtayo ng sarili nilang negosyo. Sapat na ang ilang daan o ilang libo lamang
para sa kanilang pagpapatayo. Dahil sa ito ang bagong paraan para mapabilis ang
gagawin ng mga mamimili mabilis na pumatok ang online business sa bansa. Isa ito
sa mga paraan na ginamit ng mga tao maging ang mga manggagawang nawalan ng
trabaho para maharap ang hamon ng pandemya sa kanilang buhay.
KONKLUSYON
Ang mga Pilipino ay naging maparaan laban sa hamon ng pandemya.
Kahit na ang panahon na ito ay hindi inaasahan at hindi na paghandaan, ang mga
Pilipino ay na nanatiling positibo sa pagharap ng mga pagsubok sa gitna ng
pandemya. Ang kawalan ng trabaho ay hindi naging hadlang para maipagpaliban
ang mga pangarap nila para sa kanilang pamilya. Ang pagtatayo ng online na
negosyo ay naging mabisang paraan para sa mga tao na magkaroon ng sarili nilang
negosyo na hindi kinakailangan ng malaking halaga. Sa pagharap ng pandemyang
ito nagturo lamang ito sa mga tao na kailangan na laging handa sa mga pagbabago
na kaka-harapin sa kani-kanilang buhay.
REPERENSIYA
ABS-CBN News. (2020). Bilang ng Walang Trabaho sa Bansa, Nasa 4.6 Milyon
Nitong Hulyo ayon sa PSA. Hinango noong September 3, 2020, mula sa
https://news.abs-cbn.com/business/09/03/20/bilang-ng-walang-trabaho-sa-bansa
-nasa-46-milyon-nitong-hulyo-ayon-sa-psa
ABS-CBN News. (2020). Tips: Pagsisimula ng Negosyo sa Gitna ng Pandemya.
Hinango noong November 8, 2020, mula sa
https://news.abs-cbn.com/news/11/08/20/tips-pagsisimula-ng-negosyo-sa-gitna-
ng-pandemya
Gellesania, J.(2020). Negosyo sa Panahon ng Pandemya. Hinango noong September
8, 2020, mula sa
https://saktonews.com/business/negosyo-sa-panahon-ng-pandemya-mga-nesgosy
ante-sa-muntinlupa-supurtado-ang-online-selling/
Grano, J.D. Divinagracia, A., Albitos, V., Santos, J.R., Baja, S.I., Fabricante, F.,
Ortigas, S., Arana, N., Balin, G., at Presaldo, L.J., (2020). COVID-19 Timeline.
Hinango noong October 10, 2020, mula sa https://wi-tech.org/covid-19-timeline/
Guzman, R.D. (2020). DTI, May Paalala sa Online Sellers at Shoppers sa Gitna ng
Community Quarantine. Hinango noong May 22, 2020, mula sa
https://www.untvweb.com/news/dti-may-paalala-sa-online-sellers-at-shoppers-sa
-gitna-ng-community-quarantine/
Jordan, A. (2019). Bilang ng mga Pilipinong Walang Trabaho, Tumaas-SWS Survey.
Hinango noong November 23, 2019, mula sa
https://radyo.inquirer.net/217793/bilang-ng-mga-filipinong-walang-trabaho-tuma
as-sws-survey
Public Health Emergency Operations Center. Hinango noong April 3, 2020, mula sa
https://www.sccgov.org/sites/covid19/Pages/coronavirus-facts-tl.aspx