You are on page 1of 4

SALITA NG TAON: SALITANG TULONG PINANSYAL MULA SA MGA

INSTITUSYONG PAMPAMAHALAAN O MGA ORGANISASYONG


PANGKAWANGGAWA

Anglit, Joanna Mae T.


ABJOURN-1A
Lahok na Salita: Financial Assistance

“FINANCIAL ASSISTANCE: Tulong para sa mga Apektadong Pamilyang Pilipino”

Post-Kumperensyang Introduksyon

Tapos na ang Sawikaan 2020 at maraming mga salita ang inilahok upang maging salita
ng taon ngunit sampu lamang ang itinanghal upang maging opisyal na salita ng taon 2020, at
base sa aking pananaliksik tila ba wala pang nailalabas na mga salita upang maging salita ng taon
2021 marahil ay naguupmisa palang ang taong ito. Sa mahigit apat na buwan na pagsisimula ng
taong 2021 ay tila may iba't ibang salita na rin ang maaari nating ikonsidera bilang salita ng taon
at isa sa aking napili ay ang "FINANCIAL ASSISTANCE", maaaring ang iba ay magtataka kung
bakit ito ang aking inilahaok kung gayong ito ay matagal ng ginagamit na salita. Narito ang aking
papel na pinamagatang “FINANCIAL ASSISTANCE: Tulong para sa mga Apektadong
Pamilyang Pilipino” upang mas bigyang linaw at pagka-unawa kung bakit nga ba financial
assistance ang isang salitang lumulutang sa taong ito gayundin ang kahalagahan nito para sa
bawat is ana kung saan ay patuloy parin humaharap sa isang pandemya. Ito ay aking inaalay para
sa mga pamilyang Pilipino na nagnanais matanggap ang nararapat na tulong pinansyal para sa
kanila.

Kahulugan, Etimolohiya at Aktwal na Gamit ng Salita

FINANCIAL ASSITANCE <panggalan>: sa salin ng wikang tagalog, ito ay


‘tulong pinansyal’ kung saan isang tulong sa pananalapi o pinansyal na nakaanyo sa
anumang uri ng tulong sa pera o ang tulong na natatanggap ng isang tao, o grupo, o
gobyerno. Ang ganitong uri ng tulong ay maaaring maibigay sa anyo ng mga garantiya,
pautang, kauuysan sa pagbabahagi ng gastos, subsidyo, o pagbabayad sa kapakanan. Sa
mundo ng mga pampublikong kumpanya, ang tulong sa pananalapi ay tumutukoy sa
tulong na maibibigay ng kumpanya sa pagbili ng sarili nitong pagbabahagi. Maaari ring
isama ang tulong sa pagbili ng pagbabahagi ng mga hawak na kumpanya. Ngunit kung
iuugnay natin ito sa panahon ngayon ang tulong pananalapi ay ang hindi kalakihang
halaga ng pera na ipinamamahagi sa bawat lungsod dito sa ating bansa (Pilipinas) para
matugunan ang pangangailangan ng bawat pamilyang Pilipino na lubos naapektuhan
ng dinaranas natin ngayong pandemya.
Financial Assistance sa Pambansang Diskurso

Taong 2019 ng unang ibalita ang pagkakaroon ng sakit na COVID-19, ito ay isang
sakit na nagmula sa Wuhan China at hindi pa ito gaanong kumakalat. At sa pagdating
ng taong 2020 ay idineklara ito bilang isang pandemya kung saan sakit na mula sa isang
bansa na kumalat na sa iba pang mga bansa. Isa sa matinding suliranin na hinarap ng
mga pamilyang Pilipino ay ang epekto ng pandemya tulad ng pagdedeklara ng Enhanced
Community Quarantine, Modified Community Quarantine, General Community Quarantine o
ang malala ay ang pagkakaroon ng Lockdown kung saan tila huminto ang nakasanayan at
nakagawiang pamumuhay ng bawat isa. Sa pangyayaring ito maraming mga
manggagawang Pilipino ang nawalan ng hanap-buhay at trabaho dala ng malaking
pagbagsak ng ekonomiya ng ating bansa dahil sa paghinto ng pagpasok at paglabas ng
mga produkto galing ibang bansa dahil iniiwasan ang lalong pagkalat ng virus.

Ang buong taon ng 2020 ay tinuturing na ng ilang mga Pilipino na isang taon kung
saan ay tila delubyo para sa bawat isa. Inaakala at ninanais ng karamihan na ang
pandemyang ito ay hindi na aabot pa sa susunod na taon, ngunit ito ay tunay na
pagaakala lamang. Dumating ang taong 2021 at muling idineklara ang pagkakaroon ng
Enhanced Community Quarantine kung saan muling nanumbalik ang lahat sa katahimikan
at pamamalagi sa kaniya-kaniyang tahanan. Muling nahinto sa paghahanap-buhay at
patatrabaho ang mga maliliit na pamilyang Pilipino, dahil sa ganitong pangyayari ay
tunay na naapektuhan ang kanilang pinansiyal na pangangailangan. May iilang tila
naiiyak na lamang dahil hindi na malaman kung saan hahanap ng paraan upan makabili
ng makakain sa araw-araw.

Ayon sa ulat na inilabas ng pahinang Rappler walo (8) lamang sa sampung (10)
mga Plilipinong manggagawa sa lugar na 'NCR Plus' ang may karapatang tumanggap
ng tulong pinansyal mula sa gobyerno. Dahil sa muling pagrami ng kaso ng COVID-19
ay muling inilagay ng gobyerno ng Pilipinas ang luagar ng kalakhang Maynila sa
lockdown. Mula Marso 29 hanggang Abril 4, ang Metro Manila, Bulacan, Rizal, Laguna,
at Cavite ay isinailalim muli sa isang pinahusay na quarantine ng komunidad (ECQ) at
sila ang mga lugar na kinilala sa tawag na NCR Plus Bubble. Isinaad din dito na sinabi ni
Budget Secretary Wendel Avisado noong Lunes, Marso 29, na ang mga Pilipinong may
mababang kita ay nakatakdang makatanggap ng isang "supplemental" na tulong. Sinabi
ni Avisado na saklaw nito ang 80% ng populasyon na may mababang kita sa bubble:
Metro Manila - 11.2 milyong indibidwal, Bulacan - 3 milyong indibidwal, Rizal - 2.6
milyong indibidwal, Laguna - 2.7 milyong indibidwal, Cavite - 3.4 milyong indibidwal.
Kung ang pagdedeklara ng lockdown sa tinaguriang 'NCR Plus' na ay palawigin ang
nasabing tulong pinansyal ay walang karagdagan dahhil ayon kay Aisado "Ito ay isang
beses lamang na tulong". Sa kabila ng mga hinaing ng mga pamilyang apektado sa
nasabing lalawigan ay may ilang mga lungsod na ang nagsimulang ibahagi ang mga
tulong pinansyal para sa kanilang mga nasasakupan. Ang ilang 22.9 milyong indibidwal
na may mababang kita ay may karapatang P1,000 halaga ng cash o in-kind na tulong
mula sa natirang P22.9 bilyon na pondo mula sa Bayanihan hanggang sa Mabawi bilang
Isang Batas.
Isa sa aunang mamahagi ng tulong pinansyal sa mga residente ang ang Maynila. Ang
lungsod ng LG ay nakatanggap ng P1.5 bilyong halaga ng mga pandagdag na tulong
mula sa pambansang pamahalaan. Ayon pa sa post ni Mayor Isko Moreno
"Nagpapatuloy po ngayong araw ang pamamahagi ng tig-P4,000 na ayuda mula sa
national government na inilaan para sa mga pamilyang Manilenyo na apektado ng ECQ."
Sa kabila na maayos na pamamahagi ng ilang lungsod sa Maynila ay mayroon paring
iilan ang naglabas ng hinaing ukol sa problemang kanilang naranasan sa pagkuha ng
kanilang tulong pinansyal. Sa Navotas, isang teknikal na error sa payroll system ang
tinanggal ang pinuno ng sambahayan mula sa listahan ng mga beneficiaries, na
nagresulta sa pagtanggap ng ilang pamilya ng isang libong piso na mas mababa sa
halagang dapat nilang makuha. Kaugnay ng problemang ito ay nangako si Navotas
Mayos Toby Tiango na ayusin ang error at kaniyang sinabi na "Inaayos po natin ang
payroll para maibigay sa mga pamilyang naaapektuhan ng P1,000 na kulang. Humihingi
kami ng paumanhin (Inaayos namin ang payroll upang ang karagdagang P1,000 ay
ibibigay sa mga apektadong pamilya. Humihingi kami ng paumanhin".

Hindi madali ang naging paraan ng pamamahagi ng tulong pinansyal dulot ng


pandemya. Isa sa aking karanasan ukol dito ay ang problema sa aming lungsod walang
iba kundi ang Imus. Nagkaroon ng Lingap Program ang aming Mayor noong nakaraang
taon palamang ngunit magpasahanggang ngayon ay hindi pa ito naipapamahagi kung
kaya’t gayun na lamang ang pagtataka ng nakararami kung bakit kung kalian ibinalita
na magkakaroon muli ng tulong pinansyal ang gobyerno ay tsaka na lamang muling
binuksang ang nasabing programa. Nagkaroon din ng problema sa kanilang sistema ng
pagpaparehistro kung saan may ilang pamilya na hindi makapasok sa portal na kanilang
ibinigay at ang ilan naman sa nakapagparehistro na ay ilang linggo na ang pag-iintay ay
hindi pa natatanggap ang tulong pinansyal na para sa kanila. Ang mga nasabing tulong
pinansyal sa kahit anong lalawigan ay nagsasaad na ang bawat pamilya ay
makakatanggap ng maximum apat na libo, sa madaling salita kada isang miyembro ng
pamilya ay makakatanggap ng isang libo nangangahulugan kung tatlo ang miyembro ng
pamilya ay makakatanggap sila ng tatlong libo at kapag sila naman ay binubuo ng apat
o higit na miyembro sa pamilya ang tulong pinansyal na kanilang matatanggap ay apat
na libo parin.

Ilan lamang ito sa mga lugar kung saan mas pinahalagahan ang tulong pinansyal
dala ng kahirapan na kanilang nararansana. Maaaring nagkaroon ng problema sa ating
ekonomiya ngunit sana naman ay hindi balewalain ang mga pamilyang Pilipino na
lubusang nangangailangan ng tulong. Malawak ang usaping ‘Financial Assistance’
ngunit isa ito sa mas lumutang ngayong taon dahil sa paglaganap muli ng Enhanced
Community Quarantine. Hindi isang kahibangan ang hangarin ng pamilyang Pilipino ang
makuha ang tulong na dapat ay sa kanila, dahil ilan lamang sila sa mga taong nagnanais
na maisalba ang kanilang pamilya para sa darating na bagong umaga. Maaaring ang iba
ay sasabihin na mas mainam na lamang na pagkain na mismo ang ipamahagi kaysa sa
pera dahil baka sa iba pa ito gamitin, ngunit para naman sa ibang pamilyang apektado
mas mainam na tulong pinansyal na lamang ang ipamahagi upang mas
makapagdesisyon sila at makapamili ng mga kagamitan na kakailanganin ng kanilang
pamilya. Maayos at patas na pamamahagi ng tulong pinansyal ay ipatupad upang ang
kalamnan at pangangailan ng mga apektadong pamilyang Pilipino ay matugunan. Wala
ng mas magandang marinig sa mga balita o mabasa sa mga artikulo kung ang mga
nakasaad ay mabuting impormasyon para sa mamayang Pilipino.

Mga Sanggunian:

Financial assistance meaning - https://marketbusinessnews.com/financial-


glossary/financial-
assistance/#:~:text=Financial%20assistance%20is%20any%20type,%2C%20subsidies%2
C%20or%20welfare%20payments.

2021 ECQ ‘ayuda’: What we know so far -


https://www.rappler.com/newsbreak/iq/what-we-know-far-ecq-2021-ayuda-
government-financial-aid

ECQ ‘ayuda’: P1,000 aid may be in cash or in – kind, says DBM By: Christia Marie Ramos
- https://newsinfo.inquirer.net/1412856/up-to-lgus-if-p1000-aid-would-be-given-in-
cash-or-in-kind-dbm

Metro Manila LGUs begin distributing 2021 ECQ ‘ayuda’ -


https://www.rappler.com/nation/metro-manila-local-government-units-distribution-
ecq-aid-april-2021

AYUDA AT LINGAP UPDATE; As of April 17, 2021 -


https://www.facebook.com/EmmanuelLMaliksi/photos/a.772424756110084/41648976
00196099/

LGUs to start releasing financial assistance for ECQ-hit households | 24 Oras -


https://www.youtube.com/watch?v=VGD0rD4K3nU

AYUDANG MALIKSI CALL CENTER; UPDATED HOTLINES -


www.facebook.com/566776056674956/posts/4156722607680265/

You might also like