You are on page 1of 11

Epekto ng Social Amelioration Program o pagbibigay ayuda ng gobyerno

mula sa mamamayan ng San Fernando, Pampanga

noong 1st wave

Apillanes , Alexandra L. Carreon, Gian C.

Basilio, Precious Jhaevee P. Cunanan, Ma. Danilou F.

Bautista, Ma. Angelica C. Danan, Clarisse M.

Bernardo, Angeleano D. Layug, Jhoe Anne F.

Bondoc, Justine Lance L. Magat, Crizette B.

Camiguing, Kendie T.

Isang tikhay na inihaharap sa kaguruan ng Don Honorio Ventura State University

isang bahagi sa mga gawaing kinakailangan sa pagtamo ng asignaturang

Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Wilma M. Cruz, LPT

Pebrero 2021
Kabanata 1

Suliranin at kaligiran ng pag-aaral

Noong nakaraang Marso 16, 2020 ay ini lockdown ang buong

Pilipinas at isinailalim tayo sa Enhanced Community Quarantine. Halos lahat ng

tao ay hindi makalabas at nawalan ng hanap buhay dahil sa lockdown na

ipinatupad ng gobyerno. Sa malawakang epekto ng Coronavirus Disease 2019

(COVID-19), kinilala ng gobyerno ng Pilipinas ang pangangailangang

magsagawa ng isang programa para sa paggaling at rehabilitasyon,

pakikipagsosyo sa pribadong sektor at iba pang mga stakeholder, at itaguyod at

protektahan ang sama-samang interes ng lahat ng mga Pilipino. Ang Bayanihan

to Heal As One Act ay naisabatas ng Kongreso kasunod ng paglabas ng

Presidential Proclaim No. 922, 2020, na idineklarang isang State of Public

Health Emergency sa buong Pilipinas dahil sa COVID-19 at tinaas ang Code

Alert System para sa COVID-19 sa Code Red Sublevel Two . Ayon sa

konstitusyon kaloob ang Republic Act No. 11469 o ang “Bayanihan to Heal As

One Act”, ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na bigyan ng ayuda ang

ating mga kababayan sa ilalim ng Social Amelioraton Program (SAP). Sa

pangangasiwa ng Department of Social Welfare and Development, nabigyan ng

tulong ang mga mahihirap nating kababayan na lubhang naapektuhan ng

community quarantine. Para naman sa mga manggagawa na natigil ang trabaho

dahil sa pandemya, umalalay ang Department of Labor and Employment sa

pamamagitan ng mga programang COVID-19 Adjustment Measures Program


(CAMP) at Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged / Displaced

Workers (TUPAD) .

Mahigit sa P200 bilyon ang inilaan ng administrasyon ni Pangulong

Rodrigo Duterte bilang ayuda sa mga mahihirap na pamilyang labis na

naapektuhan ng krisis dulot ng Novel Coronavirus Disease (COVID-19). Sa ilalim

ng Bayanihan to Heal as One Act, 18 milyong pamilya ang tinatayang

makikinabang sa tinatawag na Social Amelioration Package na ibibigay sa loob

ng dalawang buwan. Bawat pamilyang mapapasama sa listahan ng mga

benepisyaryo ay maaaring makatanggap ng ayuda na naglalaro mula P5,000

hanggang P8,000. Nakabatay ito sa antas ng minimum daily wage sa kani-

kanilang rehiyon. Ayon sa Inter-Agency Task Force for the Management of

Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), ang Department of Social Welfare and

Development (DSWD) ang mangongolekta ng mga listahan ng mga

benepisyaryo mula sa mga lokal na pamahalaan.

Batay sa mga pahayag ng DSWD, ang 18 milyon ay mga low-

income na pamilyang higit na naapektuhan ng enhanced community quarantine

(ECQ) sa Luzon at iba pang bahagi ng bansa upang makontrol ang pagkalat ng

coronavirus disease (COVID-19). Sakop ng orihinal na programa ang buong

bansa. Ngunit ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque noong Abril 24,

ang makakasama na lamang sa ESP ay mga lugar na nasa ilalim ng ECQ. Hindi

na kasama ang mga lugar na nasa general community quarantine (GCQ) na

lamang sa buwan ng Mayo.


Ayon sa Joint Memorandum Circular 1 ukol sa social amelioration,

ang mga senior citizens (na hindi nakatatanggap ng pensyon), taong may

kapansanan o persons with disabilities (PWDs), buntis o bagong panganak na

nagpapasuso, solo parents o nag-iisang magulang, mga overseas Filipino

workers in distress, mga kapus-palad at mamamayang walang tirahan, mga

maralitang katutubo, mga informal workers (halimbawa, drayber ng tricycle,

kasambahay, vendors), barangay tanod, barangay health workers, at barangay

day care workers sila ay makakatanggap ngunit sila ay dapat manggaling pa rin

sa mga pamilyang low-income.

Ayon sa DSWD, ang mga pamilya ng mga inihalal o inihirang na

opisyal ng gobyerno na permanente, casual, coterminous, o kontraktuwal (nasa

ilalim ng memorandum of agreement, cost of service, job order) sa kahit

anumang nasyonal na ahensya ng gobyerno, lokal na pamahalaan, o

government-owned and controlled corporation (GOCC), mga empleyadong nasa

pribadong sektor o pormal na ekonomiya, at mga empleyado ng GOCC na

walang orihinal na paupahan (charter), kahit mayroon o walang kaugnayan ang

empleyado at amo, at kahit mayroon o walang itinatanggap na suweldo, kasama

rin ang mga retiradong tumatanggap ng pensyon, at mga pamilyang may

maayos na kapasidad pinansyal ay hindi makakatanggap ng ayuda.

Ang kaligtasan ang pinaka importatanteng bagay na dapat nating

pangalagaan araw - araw. Hindi man lahat ng mamamayan ay makakatanggap

Ng ayuda na galing sa gobyerno . Ang higit na nangangailangan lamang ang


makakatanggap lalo na ang low income na pamilya na naapektuhan Ng ECQ or

Enhanced Community Quarantine ( abad michelle , 2020).

Lahat Naman Tayo ay naghirap noong panahon ng lockdown,

maraming nawalan ang trabaho o hanap buhay. Dahil dito hindi alam Ng mga

maraming Pilipino kung saan sila makakakuha Ng pera para pambili Ng supply

sa pagkain. Lahat ng tao ay nagdusa sa panahong ito dahil sila ay walang

pagkakakitaan.
Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay buong pusong naniniwala na ang pag-

aaral na ito ay napakahalaga. Napakahalaga na magkaroon ng sapat na

kaalaman ang mga mambabasa ukol sa Epekto ng Social Amelioration Program

o pagbibigay ayuda galing sa gobyerno mula sa mamamayan ng San Fernando

noong 1st wave. Ang mga mananaliksik ay bumuo ng pananaliksik patungkol sa

epekto ng SAP na isang proyekto ng gobyerno na nagsisilbing tulong sa mga

mamamayan, nais malaman ng mga mananaliksik ang importansiya o epekto

nito sa mga Pilipino. Ang pananaliksik na gagawin ay napakahalaga sapagkat

upang makahanap ng solusyon sa problema na makakatulong sa lipunan at

mapaunlad pa ito. Magbibigay rin ito ng daan upang makatuklas ng bagong

kaalam. Sa isasagawa naming pananaliksik na pinamagatan Epekto ng Social

Amelioration Program o pagbibigay ayuda ng gobyerno mula sa mamamayan ng

San Fernando, Pampanga noong 1 st wave, malalaman dito na gaano kalaki ang

magiging epekto sa atin sa pag tutupad nito.


Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, malalaman ang mga epekto

sa mga 4ps, pwd/may kapansanan, senior citizen, empleyado sa pribadong

sektor, walang trabaho. Malalaman ang sanhi at bunga ng pamamahagi ng

Social Amelioration Program.

Gamit ang pananaliksik na ito, maisasaad dito kung ano nga ba ang

halaga at tulong ng Social Amelioration Program sa mga tao sa bansa kagaya

nalamang sa mga senior citizen at sa mga walang trabaho. Sa pamamagitan na

ito malalaman ang epekto nito sa mga tao.

Layunin din ng pananaliksik na ito kung paano makakatulong sa

mga lugmok sa kahirapan lalo na sa pandemyang ito at epekto sa atin

ekonomiya.

Konseptwal na Balangkas (Input – Proseso – Awtput)

Ang konseptwal na balangkas o “conceptual framework “ ng

pananaliksik na ito ay ginagamitan ng input - proseso – awtput na modelo

iniIalalahad ng input frame ang basihan ng mga tagatugon tulad ng 4ps, pwd /

may kapansanan, senior citizen, empleyado sa pribadong sektor at mga walang

trabaho. Ang process frame ay tumutukoy sa mga hakbang na gagawin ng mga

mananaliksik ukol sa pagkuha ng mga datos saklaw dito ang pakikipagpanayam

sa online at sa pamamagitan ng google form survey upang malaman natin ang

kanilang opinyon ng mga mamamayan sa San Fernando, Pampanga tungkol sa

naging epekto ng pagbibigay ayuda ng gobyerno sa kanila. Ang output frame ay


tumutukoy sa implikasyon na nakalap na datos at sa epekto ng Social

Amelioration Program O pagbibigay ayuda galing sa gobyerno mula sa

mamamayan Ng San Fernando.

INPUT Proseso Aktwal


•4ps •Panayam sa online Epekto ng Social
Amelioration Program
•pwd / may •Sa pamamagitan ng
o pagbibigay ayuda
kapansanan google form survey
ng gobyerno mula sa
•senior citizen mamamayan ng San
Fernando, Pampanga
•empleyado sa noong 1st wave
pribadong sektor
•walang trabaho
Paglalahad ng suliranin

Ang magkaroon ng malusog at ligtas na kalusugan ay isang ay

isang malaking tagumpay para sa bawat isa. Kung titignan malaking tulong ang

inilunsad programang Social Amelioration Program na pagbibigay nila ng ayuda

galing sa gobyerno noong 1st wave, ngunit ano nga ba ang naging epekto ng

ayudang natanggap ng bawat pamilya at naging sapat ba ito para sa kanila para

makaraos sa pang araw-araw na pamumuhay.

Ang mga sumusunod na tanong ay sisikaping tutugunin ng

pananaliksik na ito:

1. Propayl ng mga nakakatanggap ng Social Amelioration Program

A. Edad

B. Address

C. Trabaho
2. Ano-ano ang epekto ng Social Amelioration Program o pamimigay

ng ayuda sa pamumuhay ng mga nakatanggap nito mula sa mamamayan ng

San Fernando, Pampanga?

3. Paano mailalarawan ang tulong na nagmula sa gobyerno sa

panahon ng pandemya?

Saklaw at Delimitasyon ng pag–aaral

Sumasaklaw ang pagaaral na ito sa pagtalakay ng naging epekto ng

pamamahagi ng ayuda ng Social Amelioration Program sa mga mamamayan.

Ang mga kalahok dito ay ang mga magulang ng mga estudyanteng

nag-aaral sa Don Honorio Ventura State University (DHVSU) na nasa antas ng

kolehiyo.

Gumamit ang mga mananaliksik ng mga aklat na maaaring

magbigay ng karagdagang impormasyon, at mga datos na nagmula sa internet

upang lalong mapalawak at madagdagan ang mga datos na nakalap sa pag-

aaral.
References

 https://www.rappler.com/newsbreak/iq/ways-receive-aid-coronavirus-

social-amelioration-program-dswd

 https://www.rcbc.com/news/bayanihan-to-recover-as-one-act

 https://www.rappler.com/nation/bayanihan-act-effective-until-june-5-2020-

new-law-underway

 https://www.lexology.com/library/detail.aspx?g=348d41b8-9ab3-424c-

ba71-e391f536a9bf

You might also like