You are on page 1of 5

Pagbilao,National High School

Kwantitatibong Pananaliksik sa Pagbasa

Kagalagahan Ng Implementasyon Ng Pantawid


Pamilyang Pilipino Program sa piling mag aaral ng
HUMSS-12 Ng Pagbilao National High School

Mga Mananaliksik:

Arnold D. Lusterio

James Alexis Espayos

Rafael E. Dela Cruz

Klyde Wilmer D. Roperez

HUMSS 12-B
Kabanata 1

Ang Panimula o Introduksiyon

Ang Pilipinas ay kilala bilang isa sa pinakamahirap


na bansa sa buong mundo.Halos kalahati Ng mga Pilipino
ay nagsasabing Sila ay nakakaranas ng kahirapan.Hang
gang ngayon ay patuloy na nagsasagawa ng mga paraan
ang ating gobyerno upang malabanan Ang patuloy na
kahirapan sa bansa.

Kaya nagsagawa Ang pamahalaan Ng bagong


programa na nagbibigay ng kondisyonal na tulong
pinansyal sa pinakamahihirap na Pilipino.Ang programang
ito ay ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o mas
kilala sa tawag na 4p’s.Naisagawa ang programang ito
hango sa programang Conditional Cash Transfer (CCT) sa
mga bansa sa Latin Amerika at Aprika na nagpaangat sa
buhay ng maraming tao sa ibat iBang panig ng Mundo.

Ngayon ang gobyerno ng Pilipinas ay naglalayong labanan


ang kahirapan sa pamamagitan ng nasabing programa sa
pamamagitan ng pagpapanatili ng mga batang edad 0
hanggang 18 na malusog at nag-aaral upang tiyakin na
magkakaroon Sila ng maganda at maayos na kinabukasan
Ang programang ito ay pinamamahalaan ng Department of
Social Welfare(DSWD),katulong Ang Department of Health
(DOH), Department of Education (DepEd)at National
Economic and Development Authority.
Ang mga benepisyaryo ng programa ay pinili sa
pamamagitan ng National Household Targeting System o
mas kilala bilang listahan base sa pagsisiyasat.

Sa pisikal na istruktura ng kanilang mga bahay,


bilang ng silid at nakatira at iba pang bagay na
nakakaapekto sa kanilang kalagayan ng pamumuhay.
Matatanggap Ang mga benepisyo ng sambayanan kung
nag-aaral Ang kanilang mga anak,nakukuha ng regular na
check up at nasusubaybayan Ang kanilang paglaki.may
mga kondisyong kailangang sundin ang mga benepisyaryo
upang makuha ang tulong pinansyal.Hindi maaaring
lumiban sa klase ang mga anak sapagkat mababawasan
ang perang kanilang matatanggap.

Dahil halos 75% na ng populasyon ang sakop ng


programa bilang mga benepisyaryo nito at naging epektibo
ang pagpapatupad nito, naisip ng mga mananaliksik na
pag-aralan ang mga epekto at kagalagahan ng
programang ito sa mga mag-aaral.Ang pananaliksik na ito
ay naglalayong Malaman ang mga karanasan ng mga mag-
aaral na miyembro ng 4P’s tungkol sa programa at kung
pano ito nakatulog sa kanilang buhay mag-aaral.

Layunin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong Malaman


ang kagalagahan ng Pantawid Pamilyang Pilipino
Program o 4P’s sa mga mag-aaral na miyembro nito
at maisagawa ang mga sumusunod:
1.Upang Malaman ang epekto ng 4P’s sa mga
benepisyaryo nito Lalo na sa mga mag-aaral

2.Upang maipagpatuloy at mapabuti ang


programang ito

3.Maibigay ang sapat na pangangailangan ng


mga mag-aaral na miyembro nito

4.Upang Malaman ang mga pagbabagong


naranasan ng mga mag-aaral na miyembro nito sa
kanilang buhay simula ng maging kasapi Sila nito.

Kahalagahan ng pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay mahalaga dahil nagbibigay ng
karagdagang impormasyon ukol sa mga bentahe at disbentahe nito sa
mga piling mag- aaral ng SHS students.

Sa mga kabataan
Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa pagpapabago ng
pananaw ng mga kabataang walang ganang mag-aral dahil sa
kakulangan ng pinansyal.Maipapakita rito ang mga benepisyo ng
bigay ng gobyerno para sa maayos na edukasyon ng mga kabataan.

Sa mga guro,
Ang pananaliksik na ito ay makatutulong sa pageebalweyt ng
mga guro sa kanilang mga estudyante maipapakita dito na dapat ang
mga kasapi nito ay dapat pumapasok sa paaralan.
Sa mga Mananaliksik

Ang mga Datos na ito sa pananaliksik ay


magagamit ng mga mananaliksik sa pagsasaliksik

Sa Darating na Mananaliksik

Makatutulong ang pananaliksik na ito sa mga


Darating na Mananaliksik dahil magsisilbi itong
gabay sa kanilang gagawing pananaliksik.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa


kahalagahan ng Pantawid Pamilyang Pilipino
Program (4P’s)sa mga piling mag-aaral ng SHS.Ang
pananaliksik na ito ay gagawin lamang sa loob ng
paaralan ng Pagbilao National High School.

You might also like