You are on page 1of 19

4

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan - Modyul 4:
Mga Programa ng Pamahalaan
Tungkol sa Pangkalusugan,
Pang-edukasyon at
Pangkapayapaan
Araling Panlipunan – Ikaapat na Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 4: Mga Programa ng Pamahalaan Tungkol sa
Pangkalusugan, Pang-edukasyon at Pangkapayapaan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI

Regional Director: Evelyn R. Fetalvero


Assistant Regional Director: Maria Ines C. Asuncion

Bumubuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Mercedita P. Bago-od


Editor: Amelia S. Lacerna at Roldan L. Roperos
Tagasuri: Asuncion Infiesto at Roldan L. Roperos
Tagaguhit: Hazel Gay Sereño
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala: Reynaldo M. Guillena
Jinky B. Firman
Marilyn V. Deduyo
Alma C. Cifra
Aris B. Juanillo
Amelia S. Lacerna

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region XI Davao City

Office Address: Elpidio Quirino Ave., Poblacion District, Davao City, 8000 Davao del Sur
Telefax: (082) 224-3274, (082) 222-1672
E-mail Address: davao.city@deped.gov.ph
4

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan - Modyul 4:
Mga Programa ng Pamahalaan
Tungkol sa Pangkalusugan,
Pang-edukasyon at
Pangkapayapaan

ii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod
dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan
ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang
modyul:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang
bawat pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring sulatan
ng mga kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang
mga gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa,
pagsagot at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako
sa susunod na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang modyul sa inyong guro o tagapagdaloy
pagkatapos ng mga gawain.
Kung meron kayong kinahihirapan sa pagsagot sa mga inilaang
gawain, huwag mag-atubiling komunsulta sa inyong guro o
tagapagdaloy. Tandaan na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan
namin na sa pamamagitan ng modyul na ito, ay mararanasan mo ang
isang makabuluhan, masining at malalim na pagkatuto at pag-unawa
sa mga kasanayang pampagkatuto. Kaya mo yan!

iii
Alamin Natin

Malimit na binabanggit ng mga nakakatanda, “Ang


Kalusugan ay Kayamanan”, at “Ang karunungan ay isang
kayamanang hindi mananakaw ninuman”. Ito’y ilan lamang sa
mga patok nakasabihang napupulutan ng aral sa mahabang
panahon. Ngunit mas pinatindi ang mga salawikaing ito ng linyang
“Kapayapaan ang Sagot sa Kahirapan”. Paano kaya mangyayari
ito? Nais mo bang yumaman? Halina’t tutukan ang mga
programang binuo ng pamahalaan upang makamtan ang mga
kayamanang ito. Binibigyan ka ng dalawang linggo upang pag-
aralan ang modyul na ito. Handa ka na ba?
Sa araling ito, inaasahang nasusuri ang mga programa ng
pamahalaan tungkol sa pangkalusugan, edukasyon at
pangkapayapaan.

Subukin Natin

Suriin ang mga larawan. Alin kaya sa mga ito ang pamilyar
sa iyo? Isulat sa sagutang papel ang letrang P kung ang larawan
ay pamilyar at DP kung hindi.

1. 2. 3.

4. 5.

1
Aralin Natin

Ang isa sa mahalagang yaman ng bansa ay nakasalalay sa


mga mamamayan nito. Ikaw ay isa sa mga tinututukan ng
pamahalaan upang masiguro na lumaki kang matalino, malusog
at mamuhay sa isang payamang pamayanan.
Sa bawat yugto ng iyong buhay ay kaagapay ang mga
programang pangkalusugan, pang-edukasyon at pangkapayapaan
dahil kaakibat sa pag-unlad ng isang bansa ang mga
mamamayang may malusog na pangangatawan, matalinong pag-
iisip at namumuhay sa payapang kumunidad.

Mga Programa sa Pangkalusugan


Ang Kagawaran ng Kalusugan o Department of Health (DOH)
ay ang pangunahing sangay ng pamahalaan na nagpapatupad ng
mga programang pangkalusugan sa bansa.
Kabilang sa tungkulin ng pambansang pamahalaan ang
pagbibigay ng iba’t ibang serbisyo-publiko sa mga mamamayan ng
bansa lalo na pangkalusugan.
1. Ang PhilHealth
Ito ay itinatag upang
mabigyan ng tiyak na tulong
pangkalusugan ang bawat
mamamayang Pilipino. Nabibigyan
ng tamang lunas sa karamdaman
sa ospital at napagkakalooban
nang libreng gamot ang
karamihan lalo na ang mahihirap.
2. Complete Treatment Pack
Ang DOH Complete Treatment
Pack ay binuo upang mabigyan ng kumpletong gamot maging mga

2
doktor, nars at kumadrona na titingin sa mga pinakamahihirap
na mamamayan lalo na ang mga nakatira sa liblib na pook.
3. Pagbabakuna
Ang pagbabakuna o
imunisasyonng mga bata laban sa
mga nakamamatay na sakit tulad
ng diarrhea, polio, tigdas at
trangkaso. Namamahagi din ng
mga bitamina gaya ng Vitamin A,
iron at iodine laban sa sakit sa
dugo at mata. Itong lahat ay
ipinamamahagi sa inyong malapit
na sentrong pangkalusugan o
health center.
4. Programa sa mga Ina at Kababaihan
Ito ang regular na pagpapakunsulta sa doktor, nars o kumadrona,
pagbibigay ng mga bitamina at pagturok nang bakunang neo
tetanus para sa mga nagdadalantaong ina. Binibigay ang mga
serbisyong ito sa sentrong pangkalusugan o health center.
5. Programa Laban sa Iba pang mga Sakit
Ang nakakahawang sakit na
tuberkulosis, Human Immuno
Deficiency virus infection at
Acquired Immune Deficiency
Syndrome (AIDS) ay may libreng
lunas maging gamot na ibinibigay
sa health center. Kalakip dito
ang pagpapalaganap ng sapat
kaalaman sa mga mamamayan upang makaiwas sa mga sakit na
ito.
Mga Programang Pang-edukasyon
Tulad ng pangkalusugan, ang edukasyon ay isa sa mga
mahahalagang salik sa pag-unlad at pagsulong ng isang bansa.
Ang pagkakaroon ng sapat na edukasyon ng mga mamamayan ang

3
magpapataas sa kalidad ng kanilang pamumuhay. Ito ay libreng
ibinabahagi ng pamahalaan para sa lahat.
Itinataguyod ang Edukasyon para sa Lahat (Education for
all) na naglalayong mapataas ang antas ng kalidad nito sa bansa.
Ipinatupad ang Basic Education Program o kilalang Kinder
to Grade 12 (K-12) Program na naglalayong maihanda ang bawat
bata sa tuloy-tuloy na pagkatuto hanggang kolehiyo o pag-
eempleyo.
Ang mga batang nagsisimula pa lamang matuto ay
kinakalinga at ginagabayan ng mga guro at mga magulang na
buluntaryong naglilingkod sa mga Day Care Center na nakatalaga
sa maraming barangay.
Ang Abot-alam naman na programa para sa mga Out-of
School Youth (OSY) o yaong mga batang nahinto sa pag-aaral.
Binibigyan sila ng pagkakataong makapag-aral muli sa Alternative
Learning System sa mga oras na libre sila o di naghahanapbuhay.
Tinututukan ang programa sa literasi ang mga Indigenous
People (IP) o mga katutubo nating mamamayan upang mas lalo
pang mapayaman at mapangalagaan ang kanilang kultura.
May Eskolarship o libreng pag-aaral sa kolehiyo para sa mga
mahuhusay ngunit mahihirap na mga mag-aaral.
Mga Programang Pangkapayapaan
Natutuhan mo ang iba,t-ibang programa sa pangkalusugan
at edukasyon sa naunang aralin. Ngayon naman ay ang mga
programang pangkapayapaan. Paano ka nga ba iniingatan at
pinoprotektahan ng pamahalaan upang masiguro ang iyong
kaligtasan sa lahat ng oras? Halina’t alamin natin ang iba’t-ibang
ahensya na nangangalaga sa kaayusan ng ating bansa.
1. Sandatahang Lakas ng Pilipinas (Armed Forces of the
Philippines, AFP)
Ito ang pangunahing lakas na tagapagtanggol ng Pilipinas
laban sa mga mananakop, lokal man o banyaga. Hinati ito sa

4
tatlong Hukbo. Ang Hukbong Katihan (Army), Hukbong
Dagat(Navy) at Hukbong Himpapawid (Air Force).
2. Department of National Defense (DND)
Ito ang nangangalaga sa katahimikan ng buong bansa.
3. Mga Lokal na Pamahalaan (Lokal Government Units, LGU)
Tumutulong sa pangangalaga sa kaayusan ng mga lungsod
at lalawigan.
4. Pambansang Pulisya ng Pilipinas (Philippine National
Police, PNP)
Ang kapulisan ang tumutulong sa lokal na pamahalaan sa
pagsugpo ng mga kremin.
Iba pang Programang Pangkapayapaan
Ang Payapa at Masaganang Pamayanan o PAMANA ay
isang programang nagsusulong ng katahimikan at pag-unlad sa
mga lugar na apektado ng kaguluhan at mga lugar na sakop ng
umiiral na mga kasunduang pangkapayapaan. Ang pitong lugar
na nakikinabang nito ay Zamboanga-Basilan-Sulu-Tawi-tawi
(Zambasulta) at Cordillera.

Gawin Natin

Tukuyin sa mga sumusunod na sitwasyon ang programang


angkop na pangangailangan. Isulat sa isang malinis na sagutang
papel ang Pangkalusugan, Pang-edukasyon, o
Pangkapayapaan.

__________1. Kasisilang ng kapatid ni Kaye kaya tinurukan siya ng


bakunang proteksiyon sa mga sakit.
__________2. Nilusob ng mga bandido ang isla ng Tawi-Tawi.
__________3. Mag-aanim na taong gulang na si Gerlie sa buwan ng
Mayo. Handa na siya sa pagpasok sa unang baitang.
__________4. Libre ang mga gamot at ospital ni nanay dahil sa
Philhealth.

5
__________5. Nag-anunsiyo ang barangay na maari ng magpatala
ang mga bata para sa kinder.

Sanayin Natin

Gawain A. Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na


pahayag. Piliin sa kahon ang titik ng tamang sagot at isulat sa
malinis na papel.

a. Bakuna d. Out of School Youth (OSY)


b. Philhealth e. Hukbong Katihan(Army)
c. K-12 f. Health Center

1. Sentrong pangkalusugan
2. Tagapagtanggol ng bansa laban sa mga mananakop na
banyaga.
3. Sila ang mga nahinto sa pag-aaral.
4. Ito ang tinaguriang Basic Education Program.
5. Ang imunisasyon na itinuturok sa mga bata, mga
kababaihan at maging ng matatanda.

Gawain B. Ngayon ay batid mo na ang konsepto ng mga


Programang Pangkalusugan, Pang-edukasyon at
Pangkapayapaan. Handa ka na para sa gawaing ito. Ilista ang mga
impormasyong hinahanap sa kahon.

Sandatahang Ibigay ang 3 Hukbo


Lakas ng 1.
Pilipinas 2.
(Armed Forced 3.
of the
Philippines)
Pagbabakuna Magbigay ng 3 sakit na nilalabanan ng bakuna
1.
2.
3.

6
Programang Magbigay ng 3 Programa
Pang- 1.
edukasyon 2
3

Tandaan Natin

• Ang Kagawaran ng Kalusugan ang pangunahing


ahensya na namamahala sa mga serbisyong
pangkalusugan ng bansa.
• Ang Pagbabakuna, pagbibigay ng libreng gamot, libreng
pagpapaospital at benepisyo ng Philhealth ang ilan
lamang sa mga serbisyong pangkalusugan ng
pamahalaan.
• Sa Sentrong Pangkalusugan o Health Center sa inyong
pamayanan nakukuha ng libre ang mga
pangangailangang pang medikal
• Ang K-12 o Basic Education Program ang programang
pang-edukasyon na naglalayong makamtan ng bawat
mag-aaral ang mga kasanayang kailangan sa pag-aaral,
sa pagpasok sa koliheyo, at maging sa pag-eempleyo o
pagiging enterprenyur.
• Isang tahimik na pamayanan ang hangarin ng bawat
Pilipino.
• Pinananatili ng mga ahensya ng pamahalaan ang
kaligtasan, kaayusan at katahimikan ng bansa,
lalawigan, bayan at barangay tulad ng Hukbong
Sandatahan, Pambansang Pulisya at mga lokal na
pamahalaan.

7
Suriin Natin

Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na tanong.


Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot sa bilang.
1. Ano ang AIDS?
a. Acquired Immune Development Syndrome
b. Acquired Immuno Deficit Syndrome
c. Acquired Immune Deficiency Syndrome
d. wala sa mga nabanggit
2. Ang mga sumusunod ay mga benepisyong natatanggap sa
health center MALIBAN sa:
a. Imunisasyon ng mga sanggol
b. Pamamahagi ng libreng mga gamot
c. Pagbibigay ng libreng lugaw sa matatanda.
d. Libreng pagpapatingin ng mga nagdadalantaong mga
ina.
3. Bakit mahalaga ang pagbabakuna sa mga bata?
a. Upang makaiwas sa mga sakit.
b. Upang lumaki silang matangkad
c. Upang luminaw ang kaning mga mata.
d. Upang lumaki silang mabait at matalino.
4. Isang katutubo ang iyong kalaro. Sinasabi niya sa iyo ang
tungkol sa mga paniniwalang natutuhan niya sa kanilang
pag-aaral. Ano ang gagawin mo?
a. Magkukunwari akong nakikinig.
b. Sasabihin kung maglalaro na lamang kami.
c. Makikinig ako para may matutunan din ako.
d. Sasabihin ko kung ano ang mga ayaw ko sa mga gawi
nila.
5. Upang makarating sa paaralan, naglalakad si Brenda at ang
kaniyang tatlong kapitbahay ng kalahating oras. Kung ikaw
si Brenda, gagawin mo rin ba ang kanyang ginagawa?
a. Tutulong na lamang ako sa mga gawaing bahay.
b. Yayayain ko ang mga kapitbahay na maglaro
c. Maaaring tamarin akong pumasok dahil mahirap
maglakad
d. Gagawin ko dahil gusto kung makapagtapos ng pag-
aaral.

8
6. Alin sa sumusunod na pahayag ang tama o totoo?
I. Ang mga batas pangkalusugan ay pinangangasiwaan ng
Korte Suprema.
II. Saklaw ng serbisyo o paglilingkod ng Department of Health
ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa.

a. Mali ang I at II.


b. Tama ang I at II.
c. Mali ang I; Tama ang II.
d. Tama ang I; Mali ang II.
7. Kanino dapat nagsumbong o mag-ulat kapag may ganitong
pangyayari?
May nakita kang kalalakihan. Sila ay nakasuot ng kasuotang
pangmilitar, subalit hindi naman sila mga sundalo ng
pamahalaan.
a. Department of Education
b. Department of National Defense
c. Department of Labor and Employment
d. Department of Interior and Local Government
8. Alin sa sumusunod na pahayag ang tama o totoo?
I. Ang Programang K to 12 ay tungo sa ikahuhusay ng mga
mag-aaral.
II. Sinisikap ng DepEd na matugunan ang mga pangunahing
pangangailangan ng mga mag-aaral.

a. Mali ang I at II.


b. Tama ang I at II.
c. Mali ang I; Tama ang II.
d. Tama ang I; Mali ang II.
9. Paano higit na nakatutulong ang DepEd sa mga mag-aaral
na kapos sa perang pampaaral?
a. scholarship programs
b. pagbibigay ng computer
c. 1:1 textbook to pupil ratio
d. pagdaragdag ng mga pampribadong paaralan

9
10. Bakit mahalagang bigyan ng benepisyo ang mga beteranong
sundalo?
a. Naging tagapayo sila ng mahihirap.
b. Naging kasapi sila ng lokal na pamahalaan.
c. Lumaban sila sa digmaan at nagpamalas sila ng
kabayanihan.
d. Wala sa mga nabanggit.

Payabungin Natin

Magsagawa ng panayam sa iyong mga magulang o mga


nakakatandang kapatid. Pag-usapan ang mga benepisyong
natanggap ng inyong pamilya gamit ang graphic organizer. Itala
sa loob ng tamang kahon ang mga sagot. Kopyahin ito sa isang
malinis na papel at isulat ang sagot sa bawat patlang.

Serbisyong Pangkalusugan Mga Epekto


______________________________ ______________________________
______________________________ ______________________________
______________________________ ______________________________
Serbisyong Pang-edukasyon Mga Epekto
______________________________ ______________________________
______________________________ ______________________________
______________________________ ______________________________
Serbisyong Pangkapayapaan Mga Epekto
______________________________ ______________________________
______________________________ ______________________________
______________________________ ______________________________

10
Pagnilayan Natin

Pag-ugnayin ang iyong mga natutunan tungkol sa aralin.


Sumulat ng maikling talata tungkol sa kahalagahan ng mga
programang pangkalusugan, pang-edukasyon at pangkapayapaan
sa mga mamamayang Pilipino. Isulat rin ang iyong mga natutunan
at naunawaan tungkol sa araling ito.

Rubriks ng Pagmamarka

Kategorya 3 2 1
Nilalaman Wasto ang Wasto ang Kulang ang
nilalaman at nilalaman nilalaman at
naibigay lahat ngunit medyo hindi angkop
ng kakaunti ang
impormasyong lamang ang impormasyong
hinihingi naibigay na ibinigay
impormasyon
Lalim ng Naipakita ang Mababaw at Napakababaw
Repleksyon lalim ng hindi gaanong na walang pag-
ugnayan ng nakikita ang uugnay ang dati
dating pag-uugnayan at bagong
kaalaman at ng dati at kaalaman at
karanasan sa bagong makikita
bagong kaalaman lamang kung
kaalaman at ano ang
karanasan tinalakay sa
aralin

11
Susi sa Pagwawasto

12
13
Sanggunian

Biñas, Ersellyn S., Cabrera, Michael J. (2016). Araling


Panlipunan. Pilipinas: Pinagpalang Bayang Sinilangan.
Makati City: Don Bosco Press, Inc.

14
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education –Division of Davao City

Quirino St., Davao City

Telefax: (082) 224-0100

Email Address: info@deped-davaocity.ph

You might also like