You are on page 1of 11

Kasaysayan ng Pilipinas

Araling Panlipunan – Ika-Anim na Baitang


Ikaapat na Markahan – Modyul 16: Aktibong Pakikilahok ng Mamamayan sa
mga Programa ng Pamahalaan tungo sa Pag-unlad ng Bansa.

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Ma. Ana A. Abiño


Editor:
Tagasuri: Ferdinand P. Apostle/
Tagaguhit: Edison P. Clet
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling
Panlipunan 6
Ikaapat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 16
Aktibong Pakikilahok ng Mamamayan
sa mga Programa ng Pamahalaan
Tungo sa Pag-unlad ng Bansa
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang (Araling Panlipunan 6) ng
Modyul para sa aralin Aktibong Pakikilahok ng Mamamayan sa mga Programa ng
Pamahalaan Tungo sa Pag-unlad ng Bansa!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 6 Modyul ukol sa Aktibong


Pakikilahok ng Mamamayan sa mga Programa ng Pamahalaan Tungo sa Pag-unlad
ng Bansa!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang;

Natutukoy ang mga katangian na dapat taglayin ng isang mabuting


mamamayan na nakikibahagi sa mga gawaing pansibiko.

PAUNANG PAGSUBOK
Lagyan ng tsek (/) ang dapat gawin upang maitaguyod ang pambansang
kaunlaran at ekis (x) kung dapat iwasan.

_____1. Linangin ang mga kakayahan.


_____2. Pangalagaan ang kapaligiran.
_____3. Gumamit ng sobra-sobrang materyales.
_____4. Sumunod lagi sa batas.
_____5. Tangkilikin ang mga produktong banyaga.

BALIK-ARAL

Ano-ano ang mga programa ng pamahalaan na nagsusulong ng


programang magpapaunlad sa antas ng buhay ng tao.Magbigay ng limang (5)
halimbawa.
1.____________
2.____________
3.____________
4.____________
5.____________
ARALIN

Makilahok tayo sa mga gawaing pansibiko


Maging aktibong mamamayan at makilahok tayo sa mga gawaing
pansibiko.Tungkulin natin ang makilahok sa mga gawaing pansibiko upang
umunlad ang ating bansa. Mahalagang tungkulin ng bawat mamamayan ang
tumulong upang matugunan ang pangangailangan ng ating pamayanan at
bansa. Kung nakikilahok tayo sa mga gawaing pansibiko, gaano man kahirap
ang mga gawaing ito ay magiging madali dahil sa ating pagtutulungan at
pagkakaisa. Narito ang ilang maaari nating gawin:
➢ Magtatag o makilahok tayo sa mga organisasyong magsusulong
ng kagalingan at pag-unlad ng komunidad at bansa.
➢ Mangampanya tayo pra sa ikauunlad ng ating bansa.
➢ Tumutulong tayo sa pagpuksa sa korupsiyon o katiwalian sa
pamahalaan
➢ Lumahok tayo sa mga programang nagtataguyod ng
pangangalaga ng mga karapatan ng mga mamamayan.
➢ Ipararing natin sa kinauukulan ang kinakailangang gawin. Hindi
tayo dapat magsawalangkibo.
➢ Tumulong tayo sa mga gawaing makapg-angat sa kalagayan ng
ating kapwa Pilipino.
➢ Makipagpalitan at magbigay tayo ng mahahalagang
impormasyon.
➢ Alagaan natin ang ating mga likas na yaman at kapaligiran.
➢ Maging produktibo tayo.
➢ Magkaroon tayo ng tamang saloobin sa paggawa.
➢ Magbayad tayo ng buwis.
➢ Paunlarin natin ang produktong Pilipino.
Kung lahat ng mga mamamayan ay nakikilahok sa mga gawaing
pansibiko at nagtutulungan, magiging maunlad ang pamumuhay sa
ating pamayanan at bansa.
MGA PAGSASANAY

Pagsasanay Blg.1
Piliin ang masayang mukha ( )kung ang pangungusap ay nagpapakita
ng gawaing pansibiko at malungkot na mukha ( ) kung hindi.
_____1. Mapayapang Kapaligiran
_____2. Pagiging makasarili
_____3. Pagsuporta sa programa ng pamahalaan
_____4.Pagsali sa mga programa ng komunidad.
_____5. Maraming bata ang namamalimos sa kalsada.

Pagsasanay Blg.2
Pagtambalin ang mga pangungusap na nagpapakita ng sanhi at
bunga.Isulat ang sagot titik ng tamang sagot sa patlang.
__1.Marami ang walang trabaho A.Mataas ang kriminalidad
__2.Hindi naipatutupad ang mga batas B.Lumalabas ang pera sa bansa
__3.May sapat na lingkurang panli- C.May katarungang panlipunan
punan para sa lahat D.Naghihihrap sila
__4.Produktibo ang mga tao E.Bumubuti ang kabuhayan
__5.Mataas ang gastusin para sa mga F.May pagkakaisa sila
produkto mula sa ibang bansa
PAGLALAHAT
Bakit mahalaga ang aktibong pakikilahok ng bawat mamamayan
tungo sa pag-unlad ng bansa?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

PAGPAPAHALAGA
Pag-aralan ang mga larawan. Lagyan ng tsek (/) ang bawat larawan na
nagpapakita ng gawaing pansibiko.

____1. ___2.

___3. ___4.

___5.
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Iguhit ang bituin ( ) kung ang pangngusap ay nagpapakita ng


gawaing pansibiko.
_____1. Paunlarin natin ang produktong Pilipino.
_____2. Alagaan natin ang ating likas na yaman at kapaligiran.
_____3. Lumahok tayo sa mga programang nagtataguyod ng pangangalaga
ng mga karapatan ng mga mamamayan.
______4. Hindi pagbabayad ng buwis.
______5. Magkaroon tayo ng tamang saloobin sa paggawa.
SUSI SA PAGWAWASTO

5. 5. B 5. X 5.
4. 4. E 4. / 4.
3. 3. C 3. X 3.
2. 2. A 2. / 2.
1. 1.D 1. / 1.
Panapos na Gawain Pagsasanay 2 Pagsasanay 1 Paunang Gawain

Sanggunian:
A. Book
Rex Book Store, Inc.,2018, RBS Serye sa Araling Panlipunan 6, 856 Nicanor Reyes
Sr. St., Sampalok, Manila,pp. 332-341.

B. Government Website
Department of Education - http://lrmds.deped.gov.ph
C. Digitized Images
https://www.philippinetourismusa.com/tpb-annual-calendar-of-philippine-festivals-and-
monthly-themes/
https://feed.org.ph/media-centre/press-releases-2017/make-every-day-a-mandela-day-aspen-
plants-200-trees-honoring-madibas-legacy/

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2018/05/02/1811541/special-non-
working-holiday-sa-araw-ng-barangay-sk-polls
www.slideshare.net/mirasolcortanrolluqui/ang-bunga-ng-kapinsalaan-sa-
kapaligiran
https://www.philstar.com/lifestyle/travel-and-tourism/2018/04/25/1809354/volunteers-start-
boracay-clean-up

You might also like