You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV – A CALABARZON
Division of Rizal
District of Tanay II-A

CAMP MATEO CAPINPIN ELEMENTARY SCHOOL

Name: _________________________________________ Score:______________


Grade & Section:_4-Maya Date:_______________

Pagtatanim ng Halamang Ornamental


Ang paghahalaman ay may mga sistemang dapat isaalang-alang upang mapangalagaan ang
mga tanim kagaya ng mga gulay. Dito maipakita kung paano sila aalagaan.
Maraming kapakinabangang naidudulot ang patatanim ng halaman ornamental sa pamilya at
pamayanan tulad ng pagpapaganda ng bakuran at paligid dahil sa mga bulaklak at dahon na may
kaaya-aya at magandang kulay, nililinis din ang maruming hangin dulot ng polusyon at ginagawang
sariwa ang hangin sa kapaligiran. Higit sa lahat maari itong gawing pangkabuhayan na makakatulong
sa iba pang pangangailangan at gastusin ng mag-anak.
May mga dapat isaalang-alang na kasanayan at kaalaman sa pagtatanim upang ito’y maging
makabuluhan at walang masasayang na panahon, maging ligtas at makasisigurong uunlad at lalago
ng maayos iyong mga tanim.
A. Mga kagamitan sa pagtatanim
Sa pagtatanim ay kailangang linisin at bungkalin ang mga bakanteng lupa na maaaring
pagtaniman. Kakailanganing gumamit ng mga sumusunod, una sa pagaalis ng damo tulad ng itak,
dulos o grass cutter. Sa pagbubungkal dapat gumamit ng pala, bareta at piko. Durugin ang lupa at
alisan ng damo sa pamamagitan ng paggamit ng kalaykay. Gamitin ang dulos bareta at piko sa
paghuhukay ng butas na tataniman ng halaman. Huwag kalimutang gumamit o magsuot ng
proteksyon sa init ng sikat ng araw.
A. Mga paraan sa pagtatanim:
Mahalagang alam mo ang mga kasanayan o paraan ng pagtatanim upang makasigurong mabubuhay
at lalago ang halamang itatanim. Narito ang ilan mga tamang hakbang na dapat sundin. Humanap ng
bakanteng lote na pwedeng pagtaniman kung wala maaaring magtanim sa, paso lata o boteng plastic
na patapon ngunit maaari pang taniman, pumili din ng halaman na madaling buhayin at lumago.
Bungkalin ang lupa, durugin, alisan ng damo at bato. Hukayin ang lupang pagtataniman ng halaman,
ibaon ang halaman sa hukay, siguraduhing nakabaong mabuti maaaring diinan ang lupa sa bandang
puno upang maging matatag, matibay ang pagkakatanim at pagkabaon pagkatapos ay diligan ng
marahan at siguraduhing basang-basa ang lupa. Sa umaga at hapon lang maaaring magtanim upang
dimalanta ang tanim. Diligan ito araw-araw, sa umaga at hapon. Ibalik ang mga kagamitan sa tamang
lagayan o ligtas na taguan. Hingin palagi ang gabay ng magulang o nakatatanda.
B. Pakinabang sa pagtatanim:
Sa pagtatanim ng halamang ornamental ay marami tayong kapakinabangang makukuha. Magagamit
mo ang iyong bakanteng oras at panahong wala kang ginagawa. Maaari mo itong gawing libangan,
gawing pagkakakitaan ang pagtatanim ng marami upang maibenta, makatutulong ito sa gugulin at
1|EPP 4
pangangailangan ng pamilya, tumutulong upang luminis ang hangin mawala ang polusyon, maaaring
makagamot sa sakit ang halamang gamot, nagpapaganda sa kapaligiran, nagpapasaya sa
damdamin at lungkot ay pinapawi.

Ang mga halaman/punong ornamental ay may iba’t-ibang uri:


1. Puno/ halamang ornamental na matatas- ang mga halamang
ornamental na ito ay ginagawang lilim sa bakuran.Halimbawa:

2. Puno/ halamang ornamental na mababa-ang mga uri ng halamang


ornamental na ito ay karaniwang itinatanim sa gilid lamang ng mga
tahanan para magsilbing dekorasyon.

3. Halamang ornamental na namumulaklak- ang halamang ito ay


karaniwang itinatanim upang magpaganda ng tanawin sa
kabahayan.Halimbawa:

4. Halamang ornamental na di numulaklak- mga halamang karaniwang


inihahalo sa mga di namumulaklak na halaman.

5. Halamang ornamental na nabubuhay sa lupa– ang mga uri ng


halamang ito ay madali lamang na palaguin kung aalagaang mabuti.
Halimbawa:
6. Halamang ornamental na nabubuhay sa tubig- uri ng halamang ito
ay naakapagpaganda ng isang fishfond o mga sisidlang babasagin.

7. Halamang ornamental na madaling buhayin- maaaring itanim kahit


saan ang halamang ornamental na madaling buhayin ngunit
nangangailangan rin ng maayos na pag-aalaga.

8. Halamang ornamental mahirap buhayin-nangangailangan ang mga ito


ng maayos na pangangalaga upang maging maganda ang pagtubo nito
at mapatagal ang kanilang mga buhay.

Sa pag-aani, mainam itong gawin sa umaga. Gumamit ng malaking gunting sa pagputol ng


tangkay ng mga bulaklak na aanihin. Ilagay sa timbang may tubig upang manatili ang kasariwaan.
Samantala, maari naman anihin ang mga halamang wala pang bulaklak sa pamamagitan ng tangkay

2|EPP 4
o sanga na pinuputol ng pahilis at inilalagay din sa timbang may tubig. Sa pagsasapamilihan, may
iba’t ibang pamamaraan na maaaring piliin at gamitin. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa
paraang maaaring gamitin.
1. Pamamakyaw – paraan kung saan ang mga nagtitinda ay dumidiretso sa pataniman at binibili
nang maramihan ang mga produkto kaya nabibili sa mas murang halaga.
2. Pagdaan sa mga ahente – pagbili ng isang ahente o mangangalakal ng mga produkto at saka
ipagbibili sa iba sa kanyang sariling pamamaraan.
3. Pagkokontrata – pamamaraan kung saan bago pa man anihin ang mga halamang ay mayroon ng
usapan sa pagitan ng nagtitinda at bumibili.
4. Pagtitingi-tingian – pagtitinda ng mga produkto nang paisa-isa tulad sa sarisari store.
5. Pagtitinda sa kooperatiba – pagtitinda ng mga produkto sa mga tindahang kooperatiba.

Mahalagang maihanda ang lupa bago magtanim. Makakapag-ani nang masagana at magandang uri
ng halaman kung maayos at angkop ang lupang tataniman. May mga bagay tayong dapat isaalang-
alang sa paghahanda/paggawa ng lupang taniman tulad ng:
a) Kalidad ng lupa – alamin kung ito ay pino, mabuhangin, buhaghag at pino. Magandang piliin ang
klase ng lupang mabuhaghag pero may kakayahang humawak ng tubig at nagtataglay ng organikong
materyal o ang tinatawag natin na loam soil.
b) Pagkukunan ng tubig – isa ito sa pinakamahalagang bahagi sa pagtubo ng halaman. Mahalaga na
mayroong sapat na pagkukunan ng tubig na malapit sa iyong taniman.
c) Sinag ng araw – piliin ang lugar kung saan ito ay naarawan sa loob ng anim na oras o higit pa. Ito
ay kailangan ng halaman sa paggawa niya ng kanyang pagkain.
d) Kasaysayan ng lugar – alamin kung ito ba ay binabaha, anong mga halaman ang dating nakatanim
sa lugar, mayroon bang mga pangyayaring pag-atake ng mga pesteng insekto at sakit sa mga
nakaraang pananim.
e) Topograpiya o hugis ng lupa – mahalagang malaman ang hugis nito dahil may kinalaman ito sa
panggagalingan ng tubig lao na kung ang iyong gagamiting patubig ay galing sa ilalim ng lupa.
Maganda ding malaman kung saang bahagi ng lugar ang may matabang lupa.
Narito naman ang mga hakbang sa paghahanda ng lupang taninam:
1. Linisin ang lupang taniman – alisin ang mga kalat na makasasagabal sa pagtubo ng mga pananim
tulad ng bato, bote, lata, at iba pang di nabubulok na bagay
2.Sa pamamagitan ng asarol o palang tinidor, bungkalin ang lupa.
3. Lagyan ng pataba ang lupa. Palahin at haluing mabuti hanggang bumuhaghag at manipo ang lupa.
4. Gumamit ng kalaykay upang lalong mapino at mapatag ang lupa.
5. Diligin ang naihandang lupa. Sa pamamagitan ng wastong kaalaman sa paghahanda at
pagsasagawa ng mga kinakailangan sa isang lupang taniman, maaari tayong magkaroon ng
masustansiya at masaganang ani mula sa ating mga pananim

3|EPP 4
GAWAIN 1:
Isulat ang Tama kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng tamang kaisipan tungkol sa mga
kasanayan at kaalaman sa pagtatanim ng halamang ornamental at Mali naman kung hindi.
_____1) Ibinabalik ang kagamitan sa tamang lagayan pagkatapos gamitin.
_____2) Sinisira ang mga bulaklak ng halaman.
_____3) Hingin ang tulong ng nakakatanda kapag magtatanim.
_____4) Mahusay na piliin ang mga halaman o binhi na madaling mabuhay.
_____5) Dapat nating alamin at pag-aralan ang mga pamamaraan sa paghahalaman.
_____6) Huwag na lang tayong magtanim para di tayo maabala sa paglalaro.
_____7) Ang pagtatanim ng halamang ornamental ay pwedeng pagkakitaan.
_____8) Ang halaman ay mahalaga kaya’t dapat alagaan tuwina.
_____9) Ang pagtatanim ng halaman ay laging may kasamang pag-iingat.
_____10) Piliin ang mga gawain sa pagtatanim na angkop sa iyong edad at kakayahan.

GAWAIN II
: Punan ng tsek / ang patlang kung wastong kaalaman at kasanayan sa pagtatanim ng halamang
ornamental ang ipinapakita at ekis X kung hindi wasto.
_____1) Huwag hayaang matuyo ang mga halaman.
_____2) Siguraduhing malinis ang lupang pagtataniman.
_____3) Alamin ang mga katangian ng halamang dapat itanim.
_____4) Dapat magsuot ng pananggalang sa sikat ng araw.
_____5) Palagi sumasangguni sa mga nakatatanda.
_____6) Maging maingat sa pagtatanim.
_____7) Maaring mapagkitaan ang pagtatanim at pagbebenta ng mga halaman
_____8) Ang paghahalaman ay nakakainip na libangan.
_____9) Maaring magtanim ng halamang namumulaklak sa paso o lata.
_____10) Mainam na gamitin ng tama ang mga gamit sa pagtatanim.

GAWAIN III:
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang payag ay nagsasaad ng wastong pamamaraan sa paghahanda
ng lupang taniman at MALI naman kung hindi.
_____1. Mahalagang masuri muna ang lupa bago ito tamnan.

4|EPP 4
_____2. Ang loam ay uri ng lupang angkop tamnan sa paghahalaman.
_____3.Ginagamit ang asarol sa pagpatag ng lupang pagtataniman.
_____4.Piliin ang lugar na hindi nasisikatan ng araw sa paghahanda ng taniman.
_____5.Ang paglalagay ng pataba ay isang paraan upang pagyamanin ang lupang pagtataman.
_____6. Diligin ang naihandang lupang taniman gamit ang regadera.
_____7. Ang pala ay mainam gamitin sa pagdurog ng matitigas at malalaking tipak na lupa at sa
paghuhukay ng mga ugat at batong malalaki.
_____8. Sa pagbubungkal ng lupa, ginagamit ang asarol upang ito ay mabuhaghag.
_____9. Ang pangunahing kagamitan sa paghahalo ng lupa, dumi ng hayop at patabang ornganiko
ay ang piko.
_____10. Lagyan ng pataba ang lupa at diligin ito matapos itong ihanda.
GAWAIN IV
Panuto: Sagutin ng TAMA kung wasto ang pangungusap at MALI kung di naman wasto ang
pangungusap.
______1. Ang pag-aani ay isinasagawa kung may palatandaan ng nakikita na maaari nang anihin
ang mga halamang ornamental.
______2. Ang paglalagay ng presyo ay ibinabatay sa laki, uri at haba ng panahon ng pagaalaga ng
halaman.
______3. Ang pag-aani ay mainam gawin sa umaga.
______4. Ang pagkokontrata ay pagsasapamilihan na kung saan may usapan na ang nagtitinda at
bumibili bago pa man anihin ang mga produkto.
______5. Kailangang gumamit ng malaking gunting sa pag-aani ng mga halamang ornamental.
______Ang mga halamang ornamental na ipagbibili ay pwedeng nakapaso at nakaplastik.
______7. Di kailangan ang mga palatandaan sa pag-aani ng mga halamang ornamental.
______8.Ang paraang pamamakyaw ay nabibili sa murang halaga.
______9. Mainam na anihin ang halaman kung malusog at mayabong ang puno.
______10.Ang mga dahon ng halaman ay kailangang malapad, makintab at maganda ang
pagkaberde bago anihin.

5|EPP 4

You might also like