You are on page 1of 49

EPP/

AGRICULTURE
5
Mga Pamamaraan at
Pagiingat sa Paggawa
ng Abonong
Organiko
BALIK-
ARAL
Mahalagang maihanda ang
lupa bago pagtaniman. Sa
paghahalaman dapat ay may
sapat na sustansya ang
lupang ating pagtataniman
upang lumaking malusog
ang ating mga halaman.
Maaari tayong gumawa ng abonong
organiko upang lubos na gumanda ang
ating mga pananim. Ito ay malaking
tulong sa atin upang tayo ay makatipid
at mapapakinabangan pa natin ang mga
basurang nabubulok tulad ng mga balat
ng gulay at prutas, mga damo at dahon
at dumi ng hayop.
Ang mga nabubulok na basura tulad ng
mga balat ng prutas at gulay, mga
tuyong dahon at mga tirang pagkain ay
maaring pang gamitin sa mas
kapakipakinabang na paraan. Kaya
nararapat na magkaroon tayo ng
kaalaman sa paggawang organikong
pataba sa pamamagitan ng paggawa ng
compost.
TUKLASI
N
Basahin at unawain ang ating tula. Sagutin ang
mga katungan sa ibaba.
Kabutihang Dulot ng Organikong Pataba
Organikong pataba ay mainam, Makabubuti
sa paglago ng halaman, Ito’y matatagpuan sa
ating kapaligiran; Hindi na kailangan ng
kabayaran. Sa paggawa materyales ay ihanda,
Siguraduhing kagamita’y hindi sira’ Matutulis
na kagamita’y gamitin ng tama Upang hindi
masugatan sa paggawa.
Mga nabubulok na dumi ng hayop at
halaman Ilagay ng tama at maayos sa
sisidlan, Gwantes at face mask ay
kailangan Bilang pag-iingat sa
kalusugan. Iligpit ang kasangkapan
pagkatapos gamitin. Lugar at katawan
ay linisin pagkatapos ng gawain Mga
pamantayan ay laging sundin Upang
maging maayos ang gawain.
Mga tanong:
1. Ano ang pamagat ng
tula?
2. Saan matatagpuan ang
mga organikong pataba?
3. Ano-ano ang mga bagay
na dapat nating ilagay sa
isang sisidlan?
4. Ano ang ating kailangan
bilang pag-iingat sa ating
kalusugan?
5. Bilang mag-aaral
ginagawa mo ba ang mga
pamamaraan na dapat sundin.
Bakit?
Suriin
Kung walang sapat na lugar upang gumawa
ng hukay, maaari pa ring magkaroon ng
sariling pataba sa pamamagitan ng basket
composting.
Basket composting ito ay ang pinagsama-
samang mga tuyong dahon at damo, balat ng
gulay at prutas at mga dumi ng hayop na
binubulok sa isang sisidlan na may
kasamang lupa kung walang bakanteng lote
na maaaring paglagyan.
Mga Kagamitan sa Paggawa ng Basket
Composting

Yero kahoy apog


Abo
kawayan damo/sanga/dahon
Lupa
dahon ng saging balat ng
prutas/gulay
tubig
Pagtalakay sa
Aralin
Paraan ng Paggawa ng Basket
Composting
Maghanda ng isang
sisidlan na may sapat na
laki at haba. Ito ay
maaaring yari sa kahoy o
yero na may isang metro
ang lalim.
2. Magtipon ng mga nabubulok na
basura tulad ng mga balat ng gulay at
prutas, tuyo at bagong lagas na dahon at
damo, dumi ng hayop, abo at apog.
Pagpatungpatungin ang mga ito sa
inihandang sisidlan hanggang sa mapuno
at lagyan ito ng lupa. Tiyaking pantay
ang pagkakalagay ng mga basura.
3. Lagyan ng pasingawang
kawayan at diligan ito
araw-araw upang maging
mabilis ang
pagkakabulok.
4. Takpan din ng ilang
piraso ng dahon ng saging
o kahit na anong uri ng
pantakip upang hindi
langawin at pamahayan ng
anumang uri ng peste.
5. Haluin ding mabuti ang
natipong mga basura at
pagkalipas ng dalawang
buwan o higit pa ay maaari
nang gamiting pataba.
Mahalagang sundin ang tamang proseso at
maging maingat sa paggawa ng organikong
abono. Kung tama at maayos ang proseso,
magiging maganda at ligtas mula sa mga
organismong makasasama sa mga halamang
gulay ng produkto. Kung hindi naman husto
ang pagkakabulok ang mga organikong
materyal, ang abono ay may malilikhang
asido na mapanganib sa mga ugat ng
halaman. Maaapektuhan ang paglaki at
pagtubo ng pananim kapag nangyari ito.
Pagyamanin
Panuto I: Iguhit sa patlang ang STAR
kung ang pahayag ay tama at
BUWAN kung hindi. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
_______1. Ang basket composting ay
isang uri ng pataba mula sa mga
tuyong damo o dahon na ginagawa
kung walang masyadong malawak na
ispasyo.
_______2. Dapat
sundin ang tamang
proseso at maging
maingat sa paggawa
ng organikong
abono.
_______3. Ang mga dahon
at damo, balat ng prutas at
gulay, at dumi ng hayop ay
ilan lamang sa mga
halimbawa ng nabubulok
na basura.
_______4. Ang
paggawa ng basket
composting ay
maaaring yari sa
kahoy o yero.
_______5. Maglagay ng
pasingawang kawayan
at diligan ito araw-araw
upang maging mabilis
ang pagkakabulok
_______6. Haluing
mabuti ang natipong
mga basura at
pagkalipas ng limang
araw o sampung araw
ay maari nang gamiting
pataba.
_______7. Ang balat
ng kendi, mga papel
at plastic ay maaaring
isama sa hanay ng
mga nabubulok
_______8. Sa
paghahalaman,
kailangan ang abono
upang maging mataba at
malago ang ating mga
pananim.
______9. Ang
paggawa ng
organikong abono ay
malaking tulong
upang tayo ay
makatipid.
______10. Ang
abonong organiko ay
hindi nakakatulong sa
paglago at paglaki ng
ating mga pananim.
Panuto II: Gamit ang
graphic organizer itala sa
loob ng bilog ang
mahalagang
kagamitan/sangkap sa
paggawa ng abonong
organiko (basket
composting). Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
Isaisip
Ang lupang taniman ay dapat magtaglay ng
mga sustansiyang kailangan ng pananim.
Ang paglalagay ng abonong organiko o
pataba ay malaking tulong para sa ating
mga pananim. Ang basket composting ay
isang uri ng pataba mula sa mga tuyong
damo at dahon, mga balat ng mga prutas at
gulay, at dumi ng hayop na binubulok sa
isang lalagyan na maaaring yari sa yero o
kahoy, Ito ay ginagawa kung walang
masyadong malawak na ispasyo.
Napakahalaga ding sundin natin
ang tamang proseso at maging
maingat tayo sa paggawa ng
organikong abono. Kung tayo ay
susunod sa tamang proseso ng
maayos, magiging maganda at
ligtas ang ating tanim na halaman.
Kung hindi magiging maayos ang
pagkakabulok nito, ito ay magiging
lubhang mapanganib sa ating
halamang gulay maging sa paglaki
at pagtubo nito.
Isagawa
Panuto A: Bilugan ang
mga salita na may
kinalaman sa aralin.
Hanapin ang mga
kagamitan, pamamaraan
at pag-iingat sa paggawa
ng abonong organiko.
Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
Tayahin
Panuto I. Pagsunud sunurin ang mga hakbang sa
pamamaraan ng paggawa ng organikong abono.
Ilagay ang numerong 1-5 sa nakalaang espasyo.
________ 1. Lagyan ng pasingawang kawayan at
diligan ito araw- araw upang maging mabilis ang
pagkabulok.
________ 2. Takpan din ng ilang piraso ng dahon ng
saging o kahit na anong uri ng pantakip upang
hindi langawin at pamahayan ng anumang uri ng
peste. ________ 3. Haluin ding mabuti ang natipong
mga basura at pagkalipas ng dalawang buwan o
higit pa ay maari nang gamiting pataba.
_______ 4. Maghanda ng isang sisidlan
na may sapat na laki at haba.Ito at
maaaring yari sa kahoy o yero na may
isang metro ang lalim
_______ 5. Mag tipon ng mga
nabubulok na basura tulad ng mga
balat ng gulay, prutas, dahon, dumi ng
hayop at iba pa. Pagpatungpatungin
ang mga ito sa inihandang sisidlan
hanggang sa mapuno at lagyan ito ng
lupa. Tiyaking pantay ang
pagkakalagay ng basura.
Panuto II: Isulat ang salitang HEPHEP kung tama ang
pahayag at HOORAY kung mali ang pahayag sa bawat
bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
________ 1. Ang abono ay may malilikhang asido na
mapanganib sa mga ugat ng halaman.
________ 2. Ang paghuhukay ng balon ay tinatawag na
basket composting.
________ 3. Huwag takpan at hayaang langawin at
pamahayan ng anumang uri ng peste.
________4. Walang magandang maidudulot o
pakinabang ang paggawa ng abonong organiko
________ 5. Tiyakin pantay ang pagkakalagay ng basura
sa loob ng kahoy o yero.

You might also like