You are on page 1of 64

KAHALAGAHAN NG

ABONONG ORGANIKO
Quarter 2 Module 1
Learning Competencies

• Naiisa-isa ang kahalagahan sa


paggawa ng abonong organiko;
• Natutukoy ang dalawang pamamaraan
ng paggawa ng abonong organiko;
• Nasusunod at naisasagawa ang mga
pamamaraan at pag iingat sa paggawa ng
abonong organiko. (EPP5AG-Ob-4)
Isayos ang tamang pagkakasunud-sunod ng mga
hakbang sa paghahanda ng kamang taniman sa
pamamagitan ng pagsulat ng numero mula 1-5. Isulat
ang sagot sa iyong kuwaderno.
____________1. Magsulat ng 6 na metrong haba at
1.5 na metrong lapad para sa gagawing kamang
taniman.
____________2. Buhaghagin ang lupa hanggang
mula sa lalim na 30 sentimetro.

____________3. Haluing mabuti ang pataba ang lupa.


____________4. Dagdagan ng lupa ang
kamang taniman hanggang sa taas nito.
____________5. Ilagay sa kamang taniman ang
mga inihandang pataba mula sa mga
nabubulok na basura
Basahin at unawaing mabuti ang mga
sumusunod na tanong sa ibaba. Isulat ang titik
ng wastong sagot sa inyong kuwaderno.

1. Ang “compost pit” ay isang paraan ng


pagbubulok ng basura sa _______________.
A. isang basket C. isang kahong sisidlin

B. isang hukay D. lahat ay tama


2. Ito ay isang uri ng organikong abono mula
sa mga patapong bahagi ng isda.
A. fish amino acid C. fishing rod
B. fish meal D. fish soup
3. Mainam na gawing organikong pamatay
peste ang nakatala sa ibaba maliban sa
_______________.
A. luyang dilaw C. sampaguita
B. oregano D. siling labuyo
4. Ang paggamit ng kemikal na pamatay peste
sa pananim ay nagdudulot ng _______________.
A. malubhang sakit sa tao
B. pagkasira ng lupang taniman
C. polusyon sa tubig
D. lahat ng nabanggit
Kahalagahan ng Abonong Organiko
Ang paggamit ng organikong abono ay ang
pinakamainam na paraan. Mula sa mula sa mga
nabubulok na basura gaya ng tuyong damo at dahon,
mga balat ng prutas at gulay at dumi ng hayop ay
maaring makagawa ng abono. Tinatawag itong
abonong organiko o “compost”.
May mga komersiyal na pataba na mabibili sa iba’t
ibang tindahan, ngunit higit na iminumungkahi ang
paggamit ng patabang organiko lalo na sa mga may
malalawak na bakuran. Tinatawag din itong “compost”.
Mainam gumamit ng compost , dahil:
 Pinapalambot nito ang lupa. Nagiging maganda ang
“texture” at “tilt” ng lupa kapag gumamit ng compost
bilang pataba.
 Hindi mabilis matuyo ang lupa
 Nagiging maluwag ang paghinga ng lupa dahil pinabubuti
ang daloy ng hangin at kapsidad na humawak ng tubig
 Naibibigay ang sustansiyang kailangan na wala sa mga
kemikal na abono
 Higit na pinatataba ang lupa
 Makatipid sa tustusin sa paggamit ng kemikal
na abono
May dalawang pamararaan ng composting na
karaniwang ginagamit. Ito ay ang:
1. “Compost Pit” – Paraan ng pagbubulok ng mga
basura sa isang hukay sa isang lugar
2. “Basket Composting” – Paraan ng pagbubulok ng
basura sa isang sisidlan.
PAMAMARAAN AT PAG-IINGAT SA PAGGAWA
NG ABONONG ORGANIKO
Ang pataba ay mahalaga sa mga pananim. Pinagyayaman nito
ang lupa upang maging sapat ang sustansiyang nasisipsip ng
mga ugat ng bawat pananim. Bagamat may mga komersiyal na
pataba na maaaring mabili sa iba’t ibang tindahan, ang
paggamit ng abonong oraganiko ay higit na iminumungkahi
lalo na kung ang lugar ay may malawak na bakuran.
Gumagawa ng hukay sa isang bahagi ng bakuran at dito
itinatapon ang mga nabubulok na kalat upang maging pataba
pagkalipas ng ilang buwan. Ito ay tinatawag na “compost pit”
Pamamaraan sa Paggawa ng “Compost Pit”.
Naririto ang sunod-sunod na hakbang sa paggawa ng
“compost pit”.
1.Humanap ng medyo mataas na lugar sa halamanan.
2.Hukayin ito ng tatlong metro ang haba, isa at
kalahating metro ang lapad at isang metro ang
lalim. Patagin ang loob ng hukay at hayaang
nakabilad sa araw upang hindi mabuhay ang
anumang uri ng mikrobyo.
3. Itambak sa loob ng hukay ang mga pinulot na damo,
basurang nabubulok at pinagbalatan ng gulay at prutas
hanggang umabot ng 30 sentimetro ang taas.

4. Patungan ito ng dumi ng hayop tulad ng manok at baboy


hanggang umabot ng 15 senimetro ang kapal.

5. Sabugan ito ng abo at paibabawan ito ng lupa.


6. Ulitin ang ganitong pagkakasunod-sunod ng damo,
nabubulok na basura, dumi ng hayop, abo at lupa hanggang sa
mapuno ang hukay.
7. Pumili ng ilang piraso ng kawayang wala nang buko at may
butas sa gilid. Itusok ito sa nagawang compost pit upang
makapasok ang hangin at maging mabilis ang pagkabulok ng
lupa.

8. Bunutin ang mga itinusok na kawayan pagkalipas ng isang


buwan. Haluing mabuti ang mga pinagsama-samang damo,
basurang nabubulok at pinagbalatan ng gulay at prutas, dumi
ng hayop at lupa
9. Patagalin ng tatlong buwan o higit upang mabulok at
ito ay isang murang organikong pataba. Kung wala
namang sapat na lugar ay maari paring gumawa ng
ganitong uri ng pataba sa pamamagitan ng paggamit
ng anumang uri ng sisidlan. Tinatawag itong basket
composting kung saan ang mga dumi ng hayop ay
binubulok sa isnag sisidlan na may kasamang lupa. Ito
ay ginagawa sa pamamagitan ng nga sumusunod na
pamamaraan:
 Maghanda ng isang lalagyan na maaaring iresaykel.
Ito maaaring lumang kaing o basket, timba, lata at iba
pa.
 Lagyan ang sisidlan ng lupa sa kapal na 10
sentimetro. Gamitin ang kahoy na may tinakdang
sukat na kailangan sa bawat hakbang.
 Patagin ito ng trowel. Latagan ang lupa ng mga
dahon, papel at anumang bagay na nabubulok sa kapal
na 3 sentimetro
 Ilagay ang dinurog na balat ng itlog sa kapal na 3
sentimetro. Isunod na ilagay ang dumi ng hayop sa kapal
na 3 sentimetro. Sunod na ilagay ang abo ng kahoy at
lagyan muli ng lupa.
 Gawin ang proseso hanggang mapuno ang lalagyan at
diligan ito.
 Takpan ang sisidlan ng plastic upang hindi langawin,
pamahayan ng anumang uri ng peste at hindi
mangamoy.
 Itusok ang tubong plastic na may butas sa tagiliran
upang magsilbi itong singawan. Siguraduhin na ang
tubong ito ay hanggang sa ilalim ng lalagyan.
 Diligan ang sisidlan araw-araw upang mabilis ang
pagkabulok.
 Palipasin ang dalawang buwan bago ito gamitin.
URI NG ABONO
1. Organiko - Ito ang mga sariwa o nabulok na bahagi
ng halaman, mga pinagbalatan sa kusina, dumi ng
hayop, abo at natunaw na basura.
2. Di-organiko - Ito ang abong nabibili sa kalakalan o
handa ng gamitin. Ito ay nagtataglay ng tatlong sangkap
na mahalaga sa mga puno., halaman at bungang kahoy.
Ito ay ang mga nitrohemo, potasiyum at posporus
PARAAN NG PAGLALAGAY NG ABONO
1. Broadcasting Method
Ang pataba ay ikinakalat sa
ibabaw ng lupa. Kadalasang
ginagawa ito sa palayan at
maisan.
2. Side Dressing Method
Ang pataba ay ilalagay sa lupa na
hindi gaanong malapit sa ugat ng
halaman sa pamamagitan ng
isang kagamitang nakalaan para
rito. Ito ay kadalasang ginagawa
sa mga halaman sa nakahilera at
hindi paisaisa.
3. Foliar Application Method
Ito ay ginagawa sa
pamamagitan ng pagdidilig o
pag-iispray ng solusyong
abono sa mga halaman.
4. Ring Method (Paraang Pabilog)

Humukay nang pabilog sa


paligig ng tanim na may
layong kalahati hanggang
isang pulgada mula sa puno o
tangkay. Ilagay ang pataba sa
lugar na himnukay. Takpan
ng lupa ang pataba.
5. Basal Application Method
Paglalagay ng abono sa
pamamagitan ng paghahalo ng
pataba sa lupa bago itanim ang
halaman. Kapag ang halaman
ay itatanim sa paso, ang pataba
ay inihahalo muna sa lupa
bago itanim ang halaman.
PAGSASAGAWA NG MASISTEMANG PAGSUGPO
NG PESTE AT KULISAP SA MGA HALAMAN SA
PAMAMAGITAN NG INTERCROPPING
Ang mga peste at kulisap katulad ng aphids, caterpillar at
beetle ay ilan lamang sa suliranin na nakasisira sa mga
halamanan. Ang mga ito ay nabubuhay sa pagkain ng
mga bahagi ng halaman katulad ng dahon, ugat at
malalambot na bahagi ng bulaklak at prutas. Dahil dito,
nararapat lamang na masugpo ang problemang ganito.
Subalit paano ba ito maiiwasan at mapupuksa?
Ang intercropping ay isa sa mga masistemang paraan ng
pasugpo at pagpuksa ng peste at kulisap. Ito ay isang
paraan ng pagtatanim ng dalawa o higit pang mga
pananim sa isang lupang taniman. Pinipigilan nito ang
peste at kulisap na maminsala sa mga pananim. Ang
mga halamang ornamental ay nakakatulong sa paglayo
ng mga mapaminsalang peste. Ngunit may mga
halamang ornamental din na nakakapanghikayat sa
mga kulisap tulad ng ladybug, gagamba at “earwig”.
Ang mga halaman na maaaring i-intercrop sa halamang
gulay bilang panlaban at nakatutulong sa pantaboy sa
peste ay ang mga halamang gamot. Kabilang rin dito
ang mga halamang nakapang-aakit ng mga kaibigang
kulisap.

Ang intercropping ay binibuo ng dalawang uri:


1. “Mixed Intercropping”
- pagtatanim ng iba’t ibang
uri ng halaman sa lahat ng
bahagi ng lupang taniman.

2. “Row Intercropping”
- pagtatanim na may
kaayusan ang bawat
halaman ay nakahanay ayon
sa uri.
Isulat ang (√) sa patlang kung sumusunod na
pahayag ay nagsasaad ng masistemang pangangalaga
ng tanim na halaman o gulay at (x) kung hindi. Isulat
ang sagot sa iyong kuwaderno.
_____________1. Ang masusing kaalaman sa pagpili ng
pataba o abono na ilalagay sa mga pananaim ay
kinakailangan.
_____________2. Mas higit na iminumungkahi ang
paggamit ng organikong abono kaysa sa di
organikong abono.
_____________3. Ang paggamit ng abono ay mahalaga
sa mga pananim.
_____________4. Nagiging malusog ang lupa at mga
pananim sa tulong ng paglalagay ng abono.
_____________5. Ang paglalagay ng pataba sa mga
pananim ay may wastong pamamaraan.
Sagutin ang mga sumusunod na pahayag sa
pamamagitan ng pagsasaayos ng mga ginulong salita.
Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

______1. Ito ay hukay sa lupa upang dito itapon ang


mga nabubulok na kalat upang maging pataba.
“POMCSOT TIP”
_______2. Ito ay pagtatanim na may kaayusan at ang
bawat halaman ay nakahanay ayon sa uri. “WOR
TRECROPINPING”
______________3. Paraan ng pagbubulok ng basura sa
isang sisidlan. “SAKTEB POMCSOTNIG”
______________4. Ito ay isang masistemang paraan ng
pagsugpo at pagpuksa ng paste at kulisap.
“TRECROPINPING”
______________5. Ito ang mga sariwa o nabulok na
bahagi ng halaman, mga pinagbalatan sa kusina dumi
ng hayop, abo at natunaw na basura. “GAINROOK”
Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong sa ibaba.
Piliin lamang ang titik ng pinakamalapit na sagot. Isulat
ang sagot sa iyong kuwaderno.
1. Upang maiwasang mapinsala ang mga ugat ng
pananim, kailangang gumamit ng angkop na
pambungkal na kasangkapan tulad ng________.
A. asarol B. pala C. piko D. trowel o dulos
2. Bakit kailangang maghugas ng kamay
pagkatapos maglagay ng abono sa pananim?
A. upang makaiwas sa sakit
B. upang maging maganda sa paningin
C. upang mapansin ng iba
D. wala sa nabanggit
3. Mahalaga ang pagbubungkal ng lupa sa paligid ng
pananim upang ________.
A. bumaluktot ang mga ugat
B. dumami ang mga ugat
C.mabawasan ang mga ugat
D. makahinga ang mga ugat

4. Mainam na gawing organikong pamatay peste ang


nasa ibaba maliban sa ________.
A. luyang dilaw C. sampaguita
B. Oregano D. siling labuyo
5. Sa pagdidilig ng halaman, dapat gumamit ng
_______________ na butas upang maiwasang mapinsala
ang mga bulaklak o bunga ng pananim.
A. malalaki C. malalapad
B. malalalim D. maliliit
Quarter 2 Modyul 2

Pamamaraan at Pag-iingat
sa Paggawa ng Abonong
Learning Competencies:
 Natatalakay ang mga pamamaraan at pag-iingat sa
paggawa ng abonong organiko;
 Naisasagawa ang mga pamamaraan at pag-iingat sa
paggawa ng abonong organiko; at
 Naibabahagi ang mga pamamaraan at pag-iingat sa
paggawa ng abonong organiko. (EPP5AG0b-2)
Panuto: Sa nakaraang mga aralin ay natutuhan mo ang paggawa ng
abonong organiko na makatutulong upang lumago at tumaba ang
halaman. Ngayon naman, subukin mong buuin ang mga salitang
tinutukoy sa bawat bilang. Punan ang mga bakanteng kahon ng mga titik
na kokompleto sa salita. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Piliin
mula sa kahon ang tamang sagot na bubuo sa kaisipan
ng pangungusap. Isulat ang tamang sagot sa sagutang
papel

1. Ang abonong organiko ay nakukuha sa paggawa ng


_______________.
2. Ang abonong organiko ay nagbibigay ng sustansyang
wala sa _______________.
3. Pinabubuti ang daloy ng hangin at kapasidad na
humawak ng _______________.
4. Uri ng pataba na nagmumula sa nabulok na mga
halaman, basura at dumi ng hayop _______________.
5. Ito ay isang uri ng pataba na nakapagpapaganda sa
kalidad ng lupa _______________.
Ginagamitan ko ito ng mga organikong pataba na mula sa mga nabubulok na
bagay na makikita lamang sa ating paligid.
Ay kaya pala! Nagtatanong din ang aking dating guro kung ano ang
inyong ginagamit na pataba sa iyong mga halaman at kitang kita daw sa tayo
ng iyong halaman na hindi napapabayaan at tunay na inaalagaan, wika ni
Amia sa kanyang mama.
Ang paggamit ng abonong organiko sa mga halaman ay nakakatulong
upang mabawasan ang paggamit ng mga patabang maraming halong
kemikal. Nakatutulong ka pa sa pagsisinop ng mga nabubulok na basura na
siyang mahalagang sangkap ng paggawa ng abonong organiko, ang
mahabang paliwanag ko sa aking anak.
Ay sige po Mama at ibabahagi ko rin ito upang gawin nila sa kanilang mga
halaman. Maraming salamat po.
Mahalaga sa paghahalaman ang pataba. Ito ang nagpapalago
ng lupa upang makuha ng ugat ng mga pananim ang mga
sustansyang kailangan ng mga upang lumaki ito ng malusog.
May mabisang paraan na maaaring gawing panustos ng
patabang organiko, ito ay ang paggawa ng compost kung
saan gagamit ng mga nabubulok tulad ng dahong tuyo, balat
ng gulay at prutas at dumi ng hayop. Ito ay nakatutulong
upang mapaganda ang kalidad o uri ng lupang pagtataniman.
Maraming paraan ng paggawa ng abonong organiko.
Ang karaniwan sa mga ito ang paggawa ng compost pit
at basket composting
COMPOST PIT
Ang compost pit ay pagsasama-sama ng mga
nabubulok na basura tulad ng dumi ng hayop, tuyong
dahon, balat ng prutas at gulay, damo at iba pa.
BASKET COMPOSTING
Ang basket composting ay ang pagsasama-sama rin ng
mga nabubulok na basura. Ginagawa ito kung walang
bakanateng lote na maaaring paggawaan ng compost
pit.
Panuto. Punan ng angkop na mga salita ang mga sumusunod na
pangungusap upang mabuo ang kaisipan ng talata. Ang una at
huling titik ay ibinigay na patnubay. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.
Ang C_ _ _ _ _ t o oraganikong pataba ay isang uri ng p _ _ _
_a mula sa mga tuyong d _ _ _ n o damo, mga balat ng g _ _ _
_ y at p _ _ _ _ s at mga dumi ng h _ _ _ p na binubulok sa
isang h _ _ _ y sa isang malawak na lugar. Ito ay lubos na
makatutulong sa atin upang mas l _ _ _ _ _ g at m _ _ _ _ _ a
ang ani ng ating mga pananim.

You might also like