You are on page 1of 34

MASISTEMANG

PANGANGALAGA NG MGA
PANANIM:
INTERCROPPING
Prepared By: Mr. Antonio Facundo T. Salceda
PAGSASAGAWA
NG MASISTEMANG
PAGSUGPO NG
PESTE AT
KULISAP SA MGA
HALAMAN SA
PAMAMAGITAN NG
INTERCROPPING
► Ang mga peste at kulisap katulad ng
aphids,caterpillar at beetle ay ilan
lamang  sa suliranin na nakasisira sa
mga halamanan. Ang mga ito ay
nabubuhay sa pagkain ng mga bahagi
ng halaman  katulad ng dahon,ugat at
malalambot
na bahagi ng bulaklak at prutas . Dahil
dito nararapat  nararapat lamang na
masugpo ang problemang ganito?
Ang INTERCROPPING ay isa sa masistemang paraan ng
pagtatanim ng DALAWA O HIGIT pang mga pananim.
Pinipigilan nito ang peste at kulisap na namiminsala sa mga
pananim. Ang mga halamang ornamental ay nakatutu-
long sa paglayo ng mga mapaminsalang peste. Ngunit may
mga halamang ornamental din na nakakapanghikayat
sa mga kulisap tulad ng ladybug,gagamba at" earwig".
►Ang mga halaman na maaring i-intercrop sa
halamang gulay bilang panlaban at nakatutulong
na pantaboy sa
peste ay ang halamang gamot.
MARIGOLD
NEEM TREE
BAWANG
SIBUYAS
DALAWANG URI
NG
INTERCROPPING
MIXED
INTER-
CROPPING
Pagtatanim ng ibat'ibang uri ng
halaman sa lahat ng bahagi ng
lupang taniman.
ROW
INTERCROPPING
► pagtatanim na may kaayusan at
ang bawat halaman ay
nakahanay ayon sa uri.
MGA PAKINABANG
MULA SA
INTERCOPPING
►Nakatutulong ang
intercropping sa
pangangasiwa ng mga
peste
►Pinipigilan at
pinoprotektahan ang mga
pananim mula sa mga
peste .
►Ang pagtatanim ng
halamang nagtataboy
ng mga kulisap ay
nakatutulong din upang
makatipid sa pagbili
     ng komersiyal na
pamatay peste.
Mas malaki ang
kita dahil sa
maraming ani.
SALAMAT SA PAKIKINIG!
THANK YOU FOR LISTENING
Panuto: Basahing Mabuti ang mga
tanong sa ibaba. Piliin lamang ang
titik ng pinakamalapit na sagot.
1. Mabagal tumubo at payat ang mga halamang
tanim na gulay ni mang ambo. Ano ang dapat niyang
gawin sa kaniyang mga pananim?
a. Lagyan ng pataba
b. Lagyan ng buhangin
c. Lagyan ng damo
d. Lagyan ng bakod
2. Ang paggamit ng kemikal na pamatay
peste sa pananim ay nagdudulot ng:
a. Polusyon sa tubig
b. Malubhang sakit sa tao
c. Pagkasira ng lupang taniman
d. Lahat ng nabanggit
3. Paano maiiwasang mapinsala ng mga
ligaw na hayop ang iyong pananim?
a. Lagyan ng pataba
b. Lagyan bubong
c. Lagyan ng bakod
d. Lagyan ng karatula
4. Paano mo matutulungan ang iyong kaibigan na
makatipid sa gastusin sa pataba sa kanyang pananim?

a. Bigyan siya ng komersiyal na abono


b. Turuan siyang gumawa ng abonong organiko
c. Sabihan siyang bumili ng komersiyal na pataba
d. Hayaan na lamang siya
5. Ang “Manure tea” ay ginagamit ding pataba
ng halaman. Ito ay isang uri ng likido na:

a. Gamot sa ubo
b. Iniinom tulad ng kape
c. Galing sa dumi ng hayop
d. Galing sa halamang gamot
6. Ilang beses sa isang linggo dapat
bungkalin ang lupa sa paligid ng halaman?
a. Isa
b. Tatlo
c. Dalawa
d. Apat
7. Sa paghahalaman, binibigyang pansin ang pangangalaga ng
tanim upang maging mabilis at malusog ang pagtubo ng mga
ito. Alin sa mga sumusunod ang nilalagay sa lupa upang
maisakatuparan ito?
a. Mga buhok ng binhi
b. Abonong organiko
c. Mga kahoy
d. Mga sirang pagkain
8. Upang masugpo ang pamiminsala ng mga kulisap
at insekto sa mga pananim, maaari itong:

a. Tanggalin gamit ang kamay


b. Budburan ang mga dahon ng pulbos ng tabako
c. Bombahin ng organikong pamatay peste
d. Lahat ng nabanggit
9. Sa pagdidilig ng halaman, dapat gumamit ng ____ na
butas upang maiwasang mapinsala ang mga bulaklak o
bunga ng pananim.
a. Maliliit
b. Malalalim
c. Malalaki
d. Malapad
10. Upang maiwasan mapinsala ang mga ugat ng
pananim, kaylangan gumamit ng angkop ng
pangbungkal na kasangkapan tulad ng:
a. Asarol
b. Trowel o dulos
c. Piko
d. Pala
11. Napagutusan kang maglagay ng pataba sa pananim
na gulay. Kailan mo dapat ito ilalagay sa pananim?

a. Habang hinahanda ang taniman


b. Bago magtanim
c. Habang nagtatanim
d. Lahat ay tama
12. Bakit kailangang maghugas ng kamay
pagkatapos maglagay ng abono sa pananim?

a. Upang makaiwas sa sakit


b. Upang mapansin ng iba
c. Upang maging maganda sa paningin
d. Wala sa nabanggit
13. Mainam na gawing organikong pamatay
peste ang nasa ibaba maliban sa ano?

a. Siling labuyo
b. Luyang dilaw
c. Sampaguita
d. Oregano
14. Kailan ang tamang oras ng pagdidilig
ng pananim?
a. Hapon
b. Umaga o Hapon
c. Umaga
d. Tanghaling tapat
15. Mahalaga ang pagbubungkal ng lupa
sa paligid ng pananim upang:
a. Mabawasan ng mga ugat
b. Dumami ang mga ugat
c. Makahinga ang mga ugat
d. Bumaluktot ang mga ugat

You might also like