You are on page 1of 10

5

Edukasyong
Pantahanan at
Pangkabuhayan
Unang Markahan – Modyul 1
Kahalagahan ng Abonong
Organiko
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at denisenyo para sa mag-aaral na magkaroon


sila ng sapat na kasanayan at kaalaman sa pagpapataba ng lupa sa
paghahalaman gamit ang mga lokal na materyal na makikita sa kapaligiran.
Ang saklaw ng modyul ay nagbibigay permiso, na ang kanilang natutunan na
kaalaman ay pweding magamit sa kani-kanilang karanasan sa totoong buhay.
Ang mga katagang ginagamit ay nagpapahiwatig sa kaibahan ng pag-uunawa
ng bawat mag-aaral sa mga talasalitaan. Ang mga aralin ay inayos ayon sa
pagkakasunod sa pamantayan ng kurso.

Ito ay naglalaman sa Aralain ukol sa Kahalagahan ng Abonong Organiko.

Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Natutukoy ang kahalagahan sa paggawa ng abonong organiko;

2. Natatalakay ang mga paraan sa paggawa ng abonong organiko

3. Nabibigyang halaga ang pagpoproseso ng mga nabubulok na basura


bilang kasangkapan sa paggawa ng abonong organiko

Napapaloob sa modyul ang mga Layunin ng Aralin,Subukin na Gawain,


Talakayan o Paglalalim ng Kaalaman, Paglalahat, karagdagang gawain at
pagtataya.
Subukin

A. Tukuyin ang bawat larawan kung anong paraan ng composting ang ipinapakita.
(compost pit o basket composting)

1.
3.

2. 4.

B. Uriin ang mga sumusunod na basura kung ito ay nabubulok o di nabubulok

_________________________1. Pakete ng shampoo

_________________________ 2. Lumang dyaryo

_________________________ 3. Balat ng manga

_________________________ 4. Supot ng kendi

_________________________ 5. Tirang pagkain

_________________________ 6. Tuyong dahon

_________________________ 7. Kahon ng sapatos (shoebox)

_________________________ 8. Sirang bolpen

_________________________ 9. Dumi ng manok

_________________________ 10. Nabasag na pinggan


Kahalagahan ng
AGRIKULTURA Abonong Organiko
Aralin 1

Balikan

Ang lupa ang pangunahing sangkap sa pagahahalaman. Ito ang nagsilbing


tahanan ng maliliit na hayop gaya ng bulateng lupa at iba pang
mikroorganismo.
Ano ang tatlong uri ng lupa?
a.
b.
c.
Ang pagbibigay ng sapat na pataba sa lupa ay mahalaga sa halaman. Ito ay
nagpapayaman sa lupa upang makuha ng ugat ng mga pananim ang mga
sustansiyang kailangan upang lumaki itong malusog. Sa araling ito,
pinapaliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng paggawa ng abonong
organiko bilang isang matipid na pamamaraan sa pagpapataba ng lupa.

Tuklasin

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:


1. Ano ang kahalagahan sa paggawa ng abonong organiko?

2. Anu-ano ang mga pamamaraan sa paggawa ng abong organiko?


3. Ayusin ang mga titik upang makabuo ng wastong salita

TSOCOPM IPT - _______________________

Suriin

Ang paggawa ng organikong pataba ay maganda sa lupa at halaman sapagkat ito ay


nakatutulong upang lumago at tumaba ang halaman. Kung ang mga pananim natin
ay maganda at malusog magbibigay ito sa atin ng masaganang bunga na lubos na
mapapakinabangan ng ating pamilya at maaari pa natin itong pagkakakitaan.

Compost
 isang uri ng pataba (organic fertilizer) na nagmumula sa
nabubulok na mga halaman, basura, dumi ng hayop at
anumang uri ng organikong materyal

Bakit tayo gumagamit ng Compost?

 Kailangan maparami ang ani ngunit hindi naabuso ang lupa

 Mas kakaunti ang “methane gas” ng damo kung makokompost


muna bago ihalo sa lupa

 Pinatataba muli ng compost ang lupa kaya dadami rin ang ani

Bakit maganda ang Compost?

 Pinapalambot ang lupa. Pinapaganda ang pagsalat (texture) at bungkal


ng lupa (tilt)
 Hindi mabilis matuyo ang lupa
 Pinabubuti ang daloy ng hangin at kapasidad na humawak ng tubig
(water holding capacity),pinapaluwag ang paghinga ng lupa
 Ibinibigay ang mga sustansiyang wala sa abonong kemikal.
 Matipid; maaring mabawasan ang dami ng kemikal na abono

Pamamaraan ng Composting o Paggawa ng Abonong Organiko na


karaniwang ginagamit:

1. Compost Pit – ito ay isang pamamaraan kung


saan maaring gumawa ng hukay at doon itatapon
ang mga nabubulok na basura katulad ng dumi
ng hayop, dahon, balat ng prutas, damo at iba.
Ito ay maaaring gawin sa bakanteng lote.

2. Basket Composting – ay isa ring paraan ng


pagbubulok ng mga basura sa isang lalagyan na
tulad ng compost pit kung walang bakanteng
lote.

Pagyamanin Natin

A. Sa ating mga tahanan ay may mga basurang nabubulok at di nabubulok. Magbigay


ng limang basurang nabubulok na kadalasan nating makikita sa ating mga
tahanan.
B. Ano ang maaari nating gawin sa mga basurang nabubulok upang lubos itong
mapakinabangan?

C. Bakit mahalaga ang ang paggawa at paggamit ng abonong organiko? Magbigay ng


tatlong kaisipan o pangungusap na nagpapahayag ng kahalagahan ng paggawa at
paggamit ng organikong abono

1.
2.
3.

Isasagawa
Tayahin

Panuto: A. Tukuyin kung ano ang inilalarawan sa bawat pahayag. Pumili ng


sagot sa loob ng kahon.

Basket composting Compost Pit


Basurang nabubulok Pataba Compost

__________________1. Ito ay uri ng basura na ginagamit bilang pataba sa lupa.


__________________2. Isang paraan ng pagbubulok ng mga basura sa isang
lalagyan na tulad ng compost pit kung walang bakanteng lote.
____________________3. Pamamaraan ng paggawa ng abonong organiko kung
saan maaring gumawa ng hukay at doon itatapon ang mga nabubulok na
basura katulad ng dumi ng hayop, dahon, balat ng prutas, damo at iba. Ito ay
maaaring gawin sa bakanteng lote.
____________________4. Ito ay kinakailangan ng mga halaman upang ito ay
lumaking malusog at mataba.
____________________5. Isang uri ng pataba (organic fertilizer) na nagmumula sa
nabubulok na mga halaman, basura, dumi ng hayop at anumang uri ng
organikong materyal.

B. Isulat ang ☺ kung ang mga sumusunod ay kahalagahan ngpaggawa ng


abonong organiko at  kung hindi.
________1. Maaring mabawasan ang dami ng kemikal na abono.

________2. Madaling matuyo ang lupa sa paggamit ng abonong organiko.

_______3. Pinabubuti ang daloy ng hangin at kapasidad na


humawak ng tubig.

_______4. Sinisiksik nito ang lupa.

_______5. Pinatataba ang lupa o nagiging maganda ang ani.

Susi sa Pagwawasto

Sanggunian:
Online Sources:

https://www.slideshare.net/jaz23/wbg-tagalog
[photograph]. https://www.recyclenow.com/reduce-waste/composting
https://www.shutterstock.com/image-photo/compost-bin-garden-composting-pile-rotting-313682027
https://www.slideshare.net/ElaineEstacio2/kahalagan-ng-paggawa-ng-organikong-pataba
https://drprem.com/guide/10-bizarre-products-compost/
https://cherished-earth.org.nz/2016/07/11/waste-sustainability-through-composting/
https://www.pinterest.ph/pin/141159769544052751/
https://www.flickr.com/photos/terriem/6788436159
http://geiendorsed.com/blog/beyond-the-classroom/turning-green-with-opportunity-garden-based-
learning/

You might also like