You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

DIAGNOSTIC ASSESSMENT TOOL


EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN 5
(Sining Pang-Industriya)

PANUTO: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI ginagamit upang ayusin at kumpunihin ang lumuwag na turnilyo at wire sa
extension cord outlet?
A. kikil C. long nose
B. disturnilyador D. pliers

2. Ang mga poste at haligi ng bahay-kubo ay karaniwang gawa sa___


A. galbanisadong yero C. plastik
B. bato D. kawayan

3. Alin sa mga sumusunod na kasangkapan/kagamitan ang dapat mong gamitin sa pagkukumpuni sa nasirang paa ng
silya na gawa sa kahoy upang ibaon ang mga pako?
A. martilyo B. katam C. plais D. lagari

4. Alin sa mga sumusunod na materyales na gamit sa mga gawaing pang-industriya na kung saan ito ay isang uri ng
halamang baging?
A. rattan B. pinya C. kawayan D. pandan

5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI ginagawa ng elektrisidad?


A. Pagsusuplay ng kuryente.
B. Pagpapagana sa mga kagamitang de-kuryente.
C. Pagpapailaw ng mga pailaw katulad sa mga kalye.
D. Paggawa ng mga pamaypay, sandok, upuan, duyan, at marami pang iba.

6. Aling bahagi ng puno ng niyog ang kapaki-pakinabang sa gawaing pang-industriya?


A. bunga B. kahoy C. dahon D. lahat nang nabanggit

7. Si Mang Ambet ay mahusay na nagwewelding ng lalagyan ng mga halamang orkidyas ni Aling Vangie. Saan
gawaing pang-industriya napapabilang si Mang Ambet?
A. Gawaing Pang-metal C. Gawaing Pang-Elektrisidad
B. Gawaing Himaymay D. Gawaing-Kahoy

8. Ano ang gamit ng philip screwdriver?


A. Ginagamit ito upang balutan ang wires na nabalatan maging ang dugtungan ng wires.
B. Ginagamit upang luwagan o higpitan ang turnilyo na ang dulo ay hugis krus.
C. Ginagamit upang putulin ang mga kahoy.
D. Ginagamit upang putulin ang wire.
9. Alin sa mga sumusunod ang HINDI dapat gawin habang gumagawa ng extension cord?
A. Pilipitin ang apat na dulo ng copper wires.
B. Takpan pabalik ang male plug gamit ang philip screwdriver.
C. Balatan ang magkabilang dulo na goma ng flat cord conductor gamit ang philip screwdriver upang
makita ang copper wire.
D. Buksan ang convenience outlet o female outlet gamit ang at ikabit ang natitirang magkatabing
dalawang copper wires sa kabitan nito.
10. Ang nagsisilbing bukasan o patayan ng kuryente ay _____.
A. multi-tester B. male C. switch D. flat cord wire

11. Ano ang dapat mong gamitin upang malaman kung iskuwalado ang bahagi ng isang kahoy?
A. martilyo B. iskuwala C. katam D. martilyo

12. Sinusukat ni Mang Luis ang taas, lapad, at kapal ng materyales para makagawa siya ng isang payak na lamesa.
Ano ang dapat niyang gamitin na kagamitan?
A. zigzag rule B. rip saw C. katam D. coping saw
13. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa kagamitang pambutas?
1. katam 2. barena 3. paet 4. brace 5. kikil
A. 1-3-4 B. 2-3-4 C. 1-3-4 D. 3-4-5
14. Alin sa mga sumusunod na kagamitang pang-industriya na kabilang sa pamutol ang ginagamit na pambutas nang
pabilog?
A. keyhole saw B. back saw C. coping saw D. rip saw
15. Kasalukuyang gumagawa ng bakod si Mang Ben para sa kanyang mga alagang bibe upang kulungin ang mga ito.
Ito ay yari sa buho at kawayan at gumamit din siya ng alambre dito. Sa palagay mo, ano ang kagamitang pang-
industriya ang gagamitin niya kung puputol siya ng alambre?
A. liyabe B. disturnilyador C. plais D. C-clamp
16. Gumawa ng bangkito si Jansen para sa kanyang nanay upang gamitin sa oras ng paglalaba. Nakita niya na hindi
pantay ang dalawang pirasong tabla bilang paa nito. Ano sa palagay mo ang kagamitang pang-industriya ang
ginamit niyang pamutol sa dalawang pirasong tabla?
A. lagari B. katam C. maso D. disturnilyador

17. Napansin mong may nakausling pako sa study table ng iyong nakababatang kapatid.Anong kagamitang pang-
industriya ang iyong gagamitin upang maibaon ang pako na posibleng makadisgrasya sa kapatid mo?
A. maso B. katam C. kikil D. martilyo
18. Nagpakitang-turo sa klase si G. Ferrer sa pagkukumpuni ng kagamitan sa naputol na kawad ng plantsa. Ano ang
kanyang ginamit na pambalot sa mga nabalatan at pinagdugtong na wire?
A. female outlet B. aluminum foil C. male plug D. electrical tape
19. Natapos mo nang gawin ang iyong proyekto na lampshade. Ano ang iyong gagamitin kung gusto mong malaman
na ito ay gumagana o dinadaluyan na ng kuryente?
A. female outlet B. multi-tester C. electrical tape D. male plug
20. Anong bahagi ng plano ng proyekto ang tumutukoy kung ano ang proyektong gagawin?
A. Pangalan ng proyekto C. Layunin
B. Krokis D. Kagamitan at Materyales
21. Paano nakatutulong ang sapat na kaalaman at kasanayang elektrikal sa pamumuhay ng tao?
A. Maaari itong maging hanapbuhay.
B. Nakukumpuni ang mga sirang linya ng kuryente.
C. Naiiwasan ang pagkakaroon ng sunog dulot ng sirang linya ng kuryente.
D. Ang sapat na kaalaman at kasanayang elektrikal ay nagiging hanapbuhay at maaaring kumpunihin ang
sirang linya ng kuryente upang makaiwas sa sunog.
22. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa pamamaraan ng pagkukumpuni ng sirang gripo?
A. Patayin ang suplay ng tubig.
B. Putulin ang tubo o pvc pipe habang ikinakabit ang gripo.
C. Ikabit ang bagong gripo sa tubo o pvc pipe at ikutin ng pakanan upang humigpit.
D. Buksan ang suplay ng tubig at hayaan munang tumulo ang tubig sa gripo ng ilang minuto.
23. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nabibilang sa kahalagahan ng sining pang-industriya?
A. Ang kasanayan sa gawaing pang-industriya ay sadyang kapaki-pakinabang.
B. Ang may sapat na kaalaman at kasanayan sa pagkukumpuni ay napapakinabangan sa pang-araw-araw na
pamumuhay.
C. Hindi mahihirapan ang isang batang tulad mo pagdating ng araw kung ikaw ay may sapat na kaalaman
at kasanayan sa gawaing pang-industriya.
D. Ang sining pang-industriya ay para lamang sa mga mahihilig sa pagkukumpuni.
24. Ito ay isang uri ng lupa na tinatawag na luwad na ginagawa sa paraan ng paghuhurno upang matuyo agad at
maihulma sa nais na disenyo sa gagawing proyekto.
A. niyog B. seramika C. katad D. metal

25. Habang nagdidilig ng halaman si Czelly sa kanilang hardin, nakita niyang may tumatagas na tubig sa gripo dahil
maluwag na mismo ang pihitan nito. Anong kagamitan ang maaari niyang gamitin upang tanggalin muna niya ang
mismong gripo?
A. maso B. long nose C. liyabe D. martilyo
EPP-Industrial Arts 5
Key to Correction:

1.A 11. B 21. D

2.D 12. A 22. B

3.A 13. B 23. D

4.A 14. A 24. B

5.D 15. C 25. C

6.D 16. A

7.A 17. D

8.B 18. D

9. D 19. B

10. C 20. A

You might also like