You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 6

I. Basahing mabuti ang mga tanong at bilugan ang letra ng


tamang sagot.

1. Ayon sa Banal na Bibliya, lahat ng lalaki at babae ay nagmula sa unang


lalaki na si at sa unang babae na si na nilikha ng Diyos.
A. Noe at Teresa
B. Jose at Maria
C. Adan at Eba
D. Eba at Adan

2. Ayon sa mitolohiya ng Visayas, kanino nagmula ang unang pangkat ng


mga tao sa Pilipinas?
A. Sicalac at Sicavay
B. Uvigan at Bugan
C. Mag-asawang Mandayan
D. Malakas at Maganda

3. Saan matatagpuan ang mga lipi ng mga Austronesyano?


A. Mandagascar ng Timog Africa
B. Timog-Silangang Asya
C. Samoa
D. Malaysia

4. Ano ang paniniwala ng ating mga ninuno na ang tao, hayop, halaman,
bato, tubig, at kalikasan ay may kaluluwa?
A. Animismo
B. Islam
C. Judismo
D. Kristyanismo

5. Alin sa mga sumusunod ang sinisimbolo ng tattoo o batuk sa katawan?


A. Kaayusan
B. Kabaitan
C. Katalinuhan
D. Kagitingan at kagandahan

6. Ano ang ginagawa ng mga barangay para maiwasan ang di


pagkakaunawaan at awayan?
A. nagkaroon sila ng isang paligsahan
B. kapwa sila nanalangin sa mga diyos upang maiwasan ang gulo
C. sakupin ang ibang barangay upang maging tagasunod ng kanilang
datu
D. nakipagkasundo ang mga barangay sa isa’t isa sa pamamagitan ng
sandugo
7. Anong kulay ng kangan ang isinusuot ng datu?
A. asul
B. berde
C. itim
D. pula

8. Anong uri ng pamahalaan ang itinatag ng mga Muslim sa Mindanao?


A. pamahalaang lokal
B. pamahalaang lalawigan
C. pamahalaang sultanato
D. pamahalaang pambarangay

9. Sino ang nangunguna sa pagsasagawa ng mga ritwal ng mga Bisaya na


pinaniniwalaang tagapamagitan sa mundo, diyos at yumao?
A. babaylan
B. ganbanes
C. pari
D. pomares

10. Isang relihiyong naniniwala sa iisang Diyos na tinatawag na Allah.


A. Islam
B. Animismo
C. Hudaismo
D. Kristiyanismo

11. Saan unang lumaganap ang relihiyong Islam sa Pilipinas?


A. Luzon
B. Mindanao
C. Samar
D. Visayas

12. Siya ang kauna-unahang nagpakilala ng Islam sa Pilipinas


A. Janjalani Abdulah
B. Rajah Baginda
C. Sharif Kabungsuan
D. Tuan Masha’ika

13 Kailan nakarating sa Pilipinas ang ekspidisyon ni Ferdinand Magellan?


A. Marso 06, 1521
B. Marso 16, 1521
C. Marso 19, 1521
D. Marso 26, 1521

14. Saang pulo sa Pilipinas ginanap ang kauna-unahang misa?


A. Cebu
B. Homonhon
C. Limasawa
D. Mactan

15. Ano ang relihiyong ipinakilala ng mga Espanyol sa mga katutubong


Pilipino?
A. Hinduismo
B. Islam
C. Kristyanismo
D. Paganismo

16. Alin sa mga sumusunod na paniniwala ang nagpapakita ng pagsamba


sa mga diyos at diyosa na naninirahan sa ating kalikasan?
A. Budismo
B. Hinduismo
C. Kristiyanismo
D. Paganismo

17. Ano ang sagisag na itinayo ng mga Espanyol sa Cebu na sumisimbolo


sa pagtanggap ng mga Pilipino sa Kristiyanismo?
A. espada
B. krus na kahoy
C. rebulto
D. Simbahan

18. Ano ang ineragalo ni Magellan kay Juana na asawa ni Raja Humabon
bilang simbolo ng pakikipagkaibigan ng mga Espanyol sa mga
mamamayan ng Cebu?
A. espada
B. ginto
C. imahen ni Sto. Nino
D. krus

19. Ano ang ibinunga sa paraan ng pamumuhay ng mga katutubong


Pilipino noong nagpatupad ng mga patakaran ang mga Espanyol?
A. gumaan ang pamumuhay ng mga Pilipino
B. naging mahirap ang pamumuhay ng mga Pilipino
C. naging maayos ang pamumuhay ng mga Pilipino
D. walang nagbago sa pamumuhay ng mga Pilipino

20. Ano ang maaaring mangyari sa mga Pilipino kung hindi nila dala ang
kanilang cedula personal noong panahon ng kolonyalismong Espanyol?
A. igagawa ng bagong cedula
B. pagmumultahin at ikukulong
C. paglilingkuran ang pamahalaan
D. pagkakalooban ng malaking pabuya

21. Ano ang patakarang ipinatupad ng mga Espanyol sa mga Pilipino noon
upang makalikom ng pondo at matustusan ang pangangailngan ng
kolonya?
A. bandala
B. polo y servicio
C. tributo o pabubuwis
D. reduccion

22. Alin sa mga sumusunod ang HINDI mabuting epekto ng monopolyo ng


tabako?
A. nagkaroon ng kakulangan sa pagkain sapagkat tabako lamang
ang maaari nilang gawin.
B. naging sentro ng pagawaan ang Pilipinas ng tabako sa buong
daigdig.
C. kumita ng malaki ang Espanya mula sa paggawa ng tabako
D. nahikayat ang mga magsasaka na magtanim ng tabak
23. Ano ang patakarang ipinatutupad ng pamahalaang Espanyol kung
saan ang Pilipino ay inilalahok sa iba’t ibang mabibigat na gawain tulad
ng pagtatayo ng mga imprastraktura, pagtotroso at paggawa ng barko?
A. falla
B. polista
C. Polo y servicio
D. Principalia

24. Ano ang HINDI mabuting epekto ng sapilitang paggawa sa mga Pilipino
noong panahon ng Esyanyol?
A. ang Laws of the Indies ay nagbigay proteksyon sa mga polista
B. maraming kalsada at tulay ang naipagawa dahil sa polo y servicio
C. pinagdadala ang mga Pilipino ng materyales sa paggawa
ng kalsada
D. nahiwalay ang mga polista sa kanilang pamilya dahil sa paggawa
sa malayong lugar

25. Sino sino ang sapilitang pinagtatrabaho ng mga pinunong


Espanyol sa polo sa loob ng apatnapung (40) araw ?
A. kalalakihang nasa edad 16 hanggang 60 taong gulang
B. kalalakihang nasa edad 17 hanggang 60 taong gulang
C. kalalakihang nasa edad 18 hanggang 60 taong gulang
D. kalalakihang nasa edad 19 hanggang 60 taong gulang

26. Bakit may mga Pilipinong namundok sa panahon ng pananakop ng


mga Espanyol?
A. para magkaroon ng maginhawang pamumuhay
B. upang takasan ang pagpapahirap ng mga dayuhan
C. para maproteksyonan ang kabuhayan
D. upang takasan ang buhay sa kabayanan

27. Paano namulat at naliwanagan ng pag-iisip ang mga kabataang Pilipino


mula sa pananakop ng mga dayuhang Espanyol?
A. Yumakap sila sa kapangyarihan ng mga dayuhan.
B. Nakiisa sila sa mga plano ng mga Espanyol.
C. Nanahimik at nagtiis sila mula sa pamamalakad ng mga dayuhan.
D. Nagkaroon sila ng pagkakataong makapag-aral.

28. Alin sa sumusunod ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kamalayan sa


kasaysayan ng ating bansa?
A. upang maibahagi sa ibang tao ang kasaysayan ng bansa
B. upang magkaroon ng tapang na labanan ang mga dayuhan
C. upang makilala ang mga dayuhang sumakop sa bansa
D. upang malaman ang kaugnayan ng kasaysayan sa kasalukuyang
panahon

29. Bakit nag-alsa si Diego Silang laban sa mga Espanyol?


A. dahil tinalikuran ng mga Pilipino ang Kristiyanismo
B. dahil mabigat ang pagpataw ng buwis ng mga Espanyol
C. dahil hindi pinagbigyan ang kaniyang kahilingan
D. dahil may personal siyang hinanakit sa mga Espanyol
30. Sa makabagong panahon, alin sa sumusunod na paraan ang
ginagawa ng mga Pilipino upang iparating sa kinauukulan ang
kanilang mga hinaing?
A. nakikipagdebate
B. nagrerebelde
C. nagpapadala ng sulat
D. nagwewelga o nagrarally

31. Isa sa mga impluwensiya ng mga Espanyol ang pagbibinyag, alin sa


sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa kahalagahan ng binyag?
A. pagkakaroon ng ninong at ninang ang batang bibinyagan
B. pagpapakita na kabahagi na ang bata ng pananampalatayang
Kristiyano
C. pagsunod sa mga kautusan ng pamahalaan
D. paglilingkod sa Diyos at sa mga Espanyol

32. Bakit nakapokus lamang sa mga gawaing-bahay at paglilingkod sa


simbahan ang mga aralin para sa mga kababaihan noong panahon ng
Espanyol?
A. para ihanda sila sa pag-aasawa at pagpasok sa kumbento
B. para makatulong sila sa mga gawaing bahay
C. para paglingkuran nila ang mga Espanyol
D. para paglingkuran nila ang simbahan

33. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa kahulugan ng


nasyonalismo?
A. pakikiisa sa mga gawaing ipinatutupad ng bansa
B. pagtulong sa mga dayuhang ibig manirahan sa bansa
C. pagsunod sa mga patakaran ng mga dayuhan para sa kalayaan
D. pagbabahagi ng pagkakakilanlan sa bansang pinagmulan

34. Ano ang nagtulak sa mga Pilipino upang mag-alsa at magsagawa ng


pakikipaglaban sa kolonyalismong Espanyol?
A. maling pamamalakad at pagmamalabis ng mga Espanyol sa
kapangyarihan
B. pagnanais ng mga Espanyol na magkaroon ng sariling kabuhayan
sa Pilipinas
C. paghahangad ng mga Espanyol na angkinin ang Pilipinas
D. pagmimithi ng mga Espanyol na manirahan sa Pilipinas ng
habangbuhay

35. Ano ang maaaring nangyari sa ating bansa kung nanahimik lamang
ang mga Pilipino noong Panahon ng Pananakop ng mga Espanyol?
A. nakamit ang katahimikan
B. naging masagana ang bansa
C. inaabuso pa rin ang mga Pilipino
D. naghihirap ang lahat ng Pilipino

36. Paano ipinakita ng mga doktor ang kanilang kabayanihan sa panahon


ng pandemya?
A. Ginamot ang mga may Covid-19 sa kabila ng panganib na
mahawaan sila.
B. Sinunod nila ang kautusan ng pamahalaan na patuloy silang
maglingkod sa bayan.
C. Inalay ang sariling buhay at mga mahal sa buhay upang gamutin
ang mga may sakit.
D. Nagbigay sila ng tulong sa mga taong nangangailangan.

37. Ano ang ginawa ng mga Espanyol upang palaganapin ang relihiyong
Kristiyanismo sa Cordillera?
A. Nagpadala ng mga misyonerong Dominikano at Agustiniano upang
ipalaganap ang relihiyong Kristiyanismo.

B. Pinaniwala nila ang mga taong naninirahan dito na magkakaroon


sila ng marangyang buhay dahil sa Kristiyanismo.
C. Ipinahayag nila ang mga salita ng Diyos na nakalimbag sa bibliya.
D. Pinaniwala silang tahimik ang buhay ng mga Kristiyano.

38. Anong pang-aabuso ang naranasan ng mga Pilipino mula sa Monopolyo


ng Tabako na isang patakarang pang-ekonomiya ng mga Espanyol?
A. Kinuha ng mga Espanyol ang mga produkto.
B. Binayaran ng mga Espanyol ang kalahati lamang ng produkto.
C. Ipinamigay nila ang mga produkto sa mga kasamahan.
D. Binili sa murang halaga ang mga produkto at ibinenta ng mahal sa
iba.

39. Ano ang artipisyal na daluyan ng tubig sa Egypt na nag-uugnay sa


Mediterranean Sea at Red Sea na nagpabilis ng transportasyon ng mga
mangangalakal mula Pilipinas papuntang Espanya?
A. Daang Acapulco C. Suez Canal
B. Strait of Magellan D. Suez Gulf

40. Alin sa sumusunod na salik sa ibaba ang nagbigay-daan sa pag-usbong


ng Nasyonalismong Pilipino?

I. pagbubukas ng Suez Canal


II. pagbubukas ng malayang kalakalan
III. pakikipagkaibigan sa ibang bansa
IV. pag-usbong ng panggitnang uri

A. I, III at IV C. I, II at III
B. I, II at IV D. II, III at IV

41. Ang ay pagtutol o hindi pagsang-ayon sa mga patakaran


o anomang nakahahadlang sa kalayaan ng isang mamamayan sa
isang lugar o indibidwal.
A. pag-aalsa
B. pakikibaka
C. pakikipagsabwatan
D. pananampalataya
42. Tuwing Agosto ay ipinagdiriwang ang Buwan ng Kasaysayan. Sa
paanong paraan mo mapahahalagahan ang kabayanihan ng mga
Pilipina na
nakipaglaban sa mga Espanyol?
A. Igalang ang lahat ng kababaihan sa pamayanan.
B. Sumapi sa samahan ng mga kababaihan sa inyong lugar.
C. Gumawa ng dokumentaryo ukol sa mga bayaning Pilipina.
D. Lumahok sa patimpalak sa pagsulat ng sanaysay kaugnay sa
kabayanihan ng mga Pilipina.

43. Paano nakatulong ang paglitaw ng panggitnang uri o ilustrado sa


pag-usbong ng Nasyonalismong Pilipino?
A. Nagpasimula ng pamumunong liberal sa Pilipinas ang mga
panggitnang uri.
B. Nagkaisa ang mga Pilipino upang labanan ang pang-aabuso ng
mga Espanyol.
C. Nakiisa ang panggitnang uri upang mabuksan ang Pilipinas sa
pandaigdigang kalakalan.
D. Nakapaglakbay at nakapag-aral ang mga Pilipinong may kaya at
nabuksan ang isipan nila sa kaisipang-liberal at mapang-abusong
pamamalakad ng mga Espanyol.

44. Sino ang kinikilalang pinakamataas at pinakamakapangyarihang


pinuno ng pamahalaang sultanato?
A. datu C. pangulo
B. hari D. sultan

45. Paano mo maipakikita ang iyong pagpapahalaga sa ginawang hakbang


ng mga ilustrado noon na gumising sa diwang makabansa ng mga
Pilipino?
A. Mag-aral nang mabuti upang manguna sa klase.
B. Gumamit ng magagalang na salita sa pakikipag-usap.
C. Sumunod sa tagubilin ng mga magulang at nakatatanda.
D. Sumali sa mga gawaing pampaaralan tulad ng debate at dula-
dulaan.

46. Bilang bahagi ng pamayanan sa inyong lugar, alin sa mga sitwasyon sa


ibaba ang iyong gagawin upang maipakita pagpapahalaga mo sa
kalayaan sa inyong komunidad?

I. pagrespeto sa mga namumuno


II. pagsunod sa alituntunin at mga batas
III. pagsupil sa mga tiwaling opisyal
IV. pangunguna sa pag-aalsa kapag may sigalot o katiwalian

A. I at II C. I, II at III
B. II at III D. I, III at IV

47. Paano ipinahayag ng mga katutubong Muslim ang pagmamahal sa


kalayaan?
A. paggawa ng iba’t ibang armas
B. pakikipagkasundo sa mga kalaban
C. pananampalataya sa relihiyong Islam
D. pakikipaglaban sa mga dayuhang mananakop

48. Sino ang tinaguriang Lakambini ng Katipunan at kabiyak ni


Andres
Bonifacio?
A. Gregoria de Jesus C. Melchora Aquino
B. Josefa Llanes Escoda D. Teresa Magbanua

49. Alin sa mga sumusunod ang wastong pahayag tungkol sa


pakikipaglaban ng iba’t ibang katutubong Pilipino laban sa mga
Espanyol?
A. Iisa ang kanilang layunin sa pakikipaglaban sa mga Espanyol.
B. Naging matagumpay ang lahat ng pag-aalsa ng mga Pilipino.
C. Nag-alsa ang mga ninuno natin upang pamahalaan nila ang ating
bansa.
D. Iba-iba ang motibo sa pakikipaglaban ng bawat pangkat ng mga
Pilipino.
50. Nakita mo ang iyong kamag-aral na si Bong na sadyang sinira ang
larawan ng mga bayani sa silid-aklatan. Ano ang iyong gagawin?
A. Pagsabihan na mali ang kanyang ginawa.
B. Isumbong sa guro ang ginawa ng kamag-aral.
C. Payuhan siya na ayusin ang mga nasirang larawan.
D. Isumbong sa kapwa kamag-aral ang ginawa ni Lito.

You might also like