You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

DIAGNOSTIC TEST
ARALING PANLIPUNAN 4
Panuto: Basahin nang may pang-unawa ang mga tanong sa ibaba. Piliin
ang titik ng tamang sagot. Isulat sa inyong sagutang papel.
1. Ito ay nagsisilbing pagkakakilanlan ng isang lugar. Nakikita ito sa araw-
araw nilang pamumuhay, sa kanilang mga tradisyon, paniniwala
panlalawigang pagdiriwang, kasangkapan, kasabihan, pananaw, awit at
iba pang sining.
A. di-materyal na kultura C. materyal na kultura
B. kultura D. pagdiriwang

2. Ang kulturang ito ay mga bagay na nakikita, naisusuot, nagagamit o


nahahawakan.
A. di-materyal na kultura C. materyal na kultura
B. kultura D. kaugalian
3. Ang banga, kwintas na yari sa kabibe, pana at palaso ay mga
halimbawa ng anong uri ng kultura?
A. kaugalian C. kasuotan
B. kasangkapan D. paniniwala

4. Ano ang impluwensiya ng klima sa pamumuhay ng mga tao?


A. sa uri ng bahay
B. sa uri ng kasuotan
C. sa uri ng pananim
D. lahat ng nabanggit

5. Ano ang maaring trabaho ng mga taong nakatira sa pook urban?


A. mangingisda C. nagmimina
B. magsasaka D. sa pabrika

6. Anong klaseng lugar o kapaligiran ang tinitirhan ng mga taong


nagsusuot ng maninipis at maluluwang na damit?
A. mainit na lugar
B. malapit sa dagat
C. matataas na lugar
D. malamig na lugar

7. Anong lalawigan at pagdiriwang o festival sa Rehiyong III ang


ginaganap tuwing ika-8 hanggang 15 ng Setyembre?
A. Aurora – Sabutan Festival C. Bulacan – Singkaban Festival
B. Bataan – Pawikan Festival D. Zambales – Mango Festival

8. Ano ang kaugnayan ng mga pagdiriwang sa pamumuhay ng tao?


A. kaugnay nito ang mga hanapbuhay ng tao
B. kaugnay nito ang mga paniniwala ng tao
C. kaugnay nito ang mga kaugalian ng tao
D. lahat ng nabanggit

9. Bakit kailangang pahalagahan ang mga pagdiriwang sa inyong


lalawigan?
A. upang mapanatiling buhay ang kultura sa lalawigan
B. upang maging masaya ang mga tao sa lalawigan
C. upang umunlad ang bawat lugar sa lalawigan
D. upang lalong gumanda ang kultura ng lalawigan

10. Saang lalawigan makikita ang Zero Kilometer Marker kung saan dito
nagsimula ang nakalulunos na Death March.
A. Aurora C. Tarlac
B. Bataan D. Zambales

11. Isa sa kahalagahan ng impraestruktura sa kabuhayan ng mga lalawigan


ay sa pamamagitan ng pag-uugnay ang magkahiwalay na lugar upang
madaling naitatawid ang mga produkto at serbisyo. Ito ay dahil sa
A. bangka C. tulay
B. pantalan D. trak

12. Sa paanong paraan nakatutulong ang sementadong daan sa kabuhayan


ng isang lugar?
A. Mas nagiging mabilis ang transportasyon.
B. Maiiwasan ang pagkasira ng mga produkto dahil sa bako-
bakong mga kalsada.
C. Madaling napupuntahan ang mga sakahan at lugar kung saan
naroroon ang kabuhayan.
D. Lahat ng nabanggit ay tama.
13. Ano ang dulot sa pagkakaroon ng sentralisadong pamilihan sa mga
mamamayan?
A. Nawawalan ng direksyon sa pagbili ng mga produkto.
B. Nalulugi dahil maraming kakompitensya sa pagbebenta ng produkto.
C. Nabibigyan ng pagkakataon na paunlarin ang kanilang kabuhayan
dahil may tiyak na lugar na pagdadalhan ng mga produkto.
D. Nalilito sa dami ng mga bilihin na nakikita sa pamilihan.

14. Isa sa pinakamahalagang bagay para sa ating mga magsasaka ang


magkaroon ng maayos na irigasyon. Ano ang pinakamagandang paliwanag
kung bakit mahalaga na ipinagawa ang mga irigasyon ng ating mga
magsasaka?
A. Masuplayan nila ng sapat na tubig ang kanilang mga pananim at
sakahan kahit malayo sa pinagkukunan.
B. Magkaroon ng outlet ang ilog na pinagmumulan ng tubig.
C. Magkaroon ng lugar na mapaglilinisan ng kanilang kagamitan sa
pagsasaka.
D. Magsilbing tirahan ng ibang mga isda.
15. Sang-ayon ka ba na ang mga impraestraktura ay mahalaga sa kabuhayan
ng mga mamamayan?
A. Oo, dahil nakatutulong ang mga ito sa mablis na pagproseso ng mga
produkto at serbisyo at ang pagpapalitan ng mga ito.
B. Oo, dahil mas lalong nakikilala ang isng lugar kung maraming
naipatayog mprastraktura ditto.
C. Hindi, dahil gumagastos ng malaki ang pamahalaan para maipagawa
ang mga ito.
D. Hindi, dahil walang kinalaman ang imprastraktura sa pag-unlad ng
kabuhayan.

16. Ano-anong simbolo ang maaaring gamitin o makita sa mapa?


a. Anyong lupa, tubig at mga istruktura.
b. Halaman, hayop at mga tao.
c. Kotse, bahay at mga bulaklak.
d. Tao, bagay at mga hayop.

17. Ito ay tumutukoy sa larawan ng isang lugar na maaaring kabuuan o


bahagi lamang nito at nagpapakita ng pisikal na kaanyuan ng isang lugar.
a. Lugar.
b. Mapa.
c. Mundo.
d. Simbolo.

18. Ano ang ibig sabihin ng mga simbolo sa mapa?


a. Direksiyon na makikita sa mapa.
b. Larawan na makikita sa bawat lugar.
c. Pananda na makikita sa mapa.
d. Pangalan ng lugar na makikita sa mapa.

19. Bakit gumagamit ng iba’t-ibang simbolo sa mapa?

a. Ipinapahiwatig nito ang ilang mga bagay, katangian, at iba pang


impormasyon ukol sa mga lugar.
b. Kumakatawan ito sa mga bagay, mga hayop, mga lugar at tao na
makikita sa paligid.
c. Tumutukoy ito sa eksaktong kinalalagyan ng isang lugar o pook at ng
mga bagay na matatagpuan dito.
d. Lahat ng nabanggit.

Para sa bilang 20-22. Suriin ang mapa ng Rehiyon III. S

agutin ang mga sumusunod na tanong.

20. Saang direksyon makikita ang lalawigan ng Nueva Ecija?


a. Hilaga.
b. Kanluran.
c. Silangan.
d. Timog.
21. Aling lalawigan sa rehiyon ang matatagpuan sa hilaga ng lalawigan ng
Pampanga at silangan ng Zambales?
a. Aurora.
b. Bataan.
c. Pampanga.
d. Tarlac.

22. Aling lalawigan ang nakaharap sa Dagat Kanlurang Pilipinas?


a. Aurora at Nueva Ecija.
b. Bataan at Zambales.
c. Bulacan at Aurora.
d. Tarlac at Pampanga.

Para sa bilang 23-25. Batay sa datos ng A at B sa ibaba, sagutin ang mga


sumusunod na tanong.
Datos A.
PORSYENTO NG
MGA RELIHIYON SA LALAWIGAN NG Nueva Ecija
POPULASYON
Roman Catholic 82.43%
Iglesia ni Cristo 5.55%
Born-again Christians, Philippine Independent Church 2.50%
Evangelical 1.70%
Methodists 1.62%
The Church of Jesus Christ of Latter-day
Saints, Jehovah's Witnesses and Seventh-day 6.2%
Adventist & Muslims. Animists, and animists
Source: Nueva Ecija - Wikipedia

23. Anong relihiyon ang may pinakamataas na porsyento ng populasyon?


a. Born Again Christian.
b. Iglesia Ni Cristo.
c. Methodists.
d. Roman Catholic.

Datos B.
24. Alin sa mga lalawigan ang may pinakamaraming babae at
pinakamaraming lalaki?
a. Bulacan.
b. Nueva Ecija
c. Pampanga.
d. Tarlac.
25. Aling lalawigan ang pangatlo sa pinakamababa ang naninirahang lalaki
kaysa babae?
a. Aurora.
b. Pampanga.
c. Tarlac.
d. Zambales.
26. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang mga mamamayan ng Bataan
ay kinilala sa kanilang katapangan at bilang tanda gumamit sila nagaapoy
na Espada sa opisyal na sagisag ng kanilang lalawigan na sumisimbolo ng
nang mga sundalo at gerilya na siyang nakipaglaban noon.
A. Karunungan
B. Kapayapaan
C.Katarungan
D. Katapangan
27. Sinasabing ang simbahang ito ay may naganap na tatlong
mahahalaaang pangyayari sa ating bansa , isa na rito ang kauna-unahang
Kumbensyon, Konstitusyunal at tahanan ng Unang Republika ng
Pilipinas.Ano ang pangalan ng simbahang ito na makikita simbolo ng
lalawigan ng Bulacan ?
A.Kathedral
B. Barasoain
C. San Agustin
D. San Andres
28. Ang mga lalawigan sa bawat rehiyon ay nagtataglay ng simbolo at
sagisag na nagpapakita ng kanyang katangian . Kung paghahambingin
may mga lalawigang sa Rehiyon 3 na gumamit ng simbolong tatlong bituin
na kung saan ito ay sumasagisag sa tatlo pulo
A. Luzon , Visayas at Aurora
B. Luzon, Visayas at Bataan
C. Luzon, Visayas at Mindanao
D. Luzon, Visayas at Palawan
29. Ang mga lalawigan ay may kanya- kanyang opisyal na sagisag,
magkakaiba man subalit ito ay nagpapakita ng iisang layunin , alin sa mga
sumusunod ang layuning ito?
A. Iisang ang namumuno
B. Kasarinlan at pagkakaisa
C. Maayos at makasarili

D. Palaban at maunlad

30. Naging takdang –aralin nila Aisa na iguhit ang logo o opisyal na sagisag
at simbolo ng kanilang sariling lalawigan ang Nueva Ecija at alamin din ang
sinasagisag nito . Sa logo ay may nakaguhit na dalawang tumpok ng
dayami ano ang sinasagisag nito ?
A.halaman
B. hanapbuhay
C. puno
D. produkto

You might also like