You are on page 1of 3

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT

ARALING PANLIPUNAN 3

Name:_________________________________Grade/Section:____________Date:__________

Basahin at unawain ang mga tanong sa bawat bilang. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay tumutukoy sa kabuuang paraan ng pamumuhay ng mga tao bilang kasapi ng komunidad o lipunan.
A. paniniwala B. kultura C. batas D. pamahalaan
2. Ang tawag sa itinuturing na Panginoon ng ating mga ninuno.
A. ispiritu B. Bathala C. diwata D. anito
3. Ito ang tawag sa nakapinta sa katawan ng ating ninuno bilang pagpapakita ng kanilang kagitingan.
A. kwintas B. sining C. tattoo D. bahag
4. Ang panghaharana ng lalaki sa kaniyang nililigawang babae ay tumutukoy sa anong bahagi ng kultura?
A. paniniwala B. kaugalian C. tradisyon D. edukasyon
5. Ang kulturang materyal ay mga bagay na nakikita at nahahawakan. Alin sa mga sumusunod na larawan ang
hindi kabilang sa kulturang materyal?

A. B. C. D.
6. Ito ay tumutukoy sa lokasyon at pisikal na kapaligiran ng isang lugar.
A. kultura B. heograpiya C. klima D. pamumuhay
7. Kasuotan na karaniwang ginagamit ng mga naninirahan sa matataas at malalamig na lugar?
A. mga makukulay na damit C. maraming disenyong damit
B. maninipis at maiikling damit D. makakapal at mahahabang damit.
8. Sa mga lugar na mayroong mga malalawak na lupain, ano ang pangunahing hanapbuhay ng mga taong
nakatira rito?
A. pangingisda B. pagtatanim C. pagsasaka D. B at C
9. Bakit karaniwang mataas at yari sa bato ang mga bahay sa lugar na madalas daanan ng bagyo?
A. upang magmukhang moderno ang mga bahay
B. sapagkat maganda sa paningin ang bahay na bato
C. sapagkat mas mura ang mga materyales sa paggawa nito
D. upang hindi agad ito masira kung may kalamidad
10. Bakit karaniwang kumakain ng malalamig na pagkain gaya ng ice cream o halo-halo ang mga mamamayan
tuwing tag-init?
A. dahil nais nila ang matamis na pagkain
B. dahil mura ang mga pagkaing ito tuwing tag-init
C. dahil inaangkop nila ang kanilang pagkain sa uri ng klima
D. dahil ito lamang ang maaaring kainin tuwing tag-init
11. Saan ipinagdiriwang ang Liliw Gat Tayaw Tsinelas?
A. Laguna B. Batangas C. Quezon D. Rizal
12. Anong pagdiriwang ang isinasagawa sa Batangas?
A. Sumakah Festival C. BangkeroFestival.
B. Lechon Festival D. Pahiyas Festival
13. Ang Liliw Gat Tayaw Tsinelas ay isang pagdiriwang sa Laguna kung saan umusbong ang
mga makukulay na __________.
A. bangka B. niyog C. tsinelas D. kasoy
14. Sila ang isa sa pinakamalaking pangkat-etniko sa bansa dahil sa lawak ng distribusyon nila sa buong bansa.
A. Tagalog B. Ayta C. Dumagat D. Tsino
15. Sila ang tinatayang kauna-unahang mga taong nanirahan sa Pilipinas.
A. Tagalog B. Ayta C. Indian D. Tsino
16. Bahagi ng kultura ng lalawigang ito ay ang Cenakulo, isang palabas na nagpapakita sa pagpapahirap at
pagkamatay ni Kristo.
A. Laguna B. Batangas C. Quezon D. Rizal
17. Alin sa sumusunod ang HINDI tumutukoy sa kultura ng lalawigan ng Quezon?
A. Niyog-Niyogan Festival C. Pahiyas Festival
B. Lechon Festival D. palay at niyog
18. Alin sa sumusunod ang kahulugan ng maruming damit sa ating wika?
A. tubal B. gabok C. guyam D. bahaw
19. Anong wika ang gagamitin mo kung ikaw ay naatasang magpakilala ng isang panauhin sa pagdaraos ng
Buwan ng Wika?
A. Ingles B. Tagalog C. Cebuano D. Ilokano
20. Aling salita ang bubuo sa pAngungusap na: Ang tatay _______ ng tubig sa balon.
A. naghugas B. pumunta C. sumalok D. naggamas
21. Saang lalawigan makikita ang makasaysayang pook ng Emilio Aguinaldo Shrine kung saan unang
winagayway ang bandila ng Pilipinas?
A. Cavite B. Laguna C. Quezon D. Batangas
22. Ang Hunters-ROTC Guerillas Memorial Shrine ay isang dambana na nagpapaalala sa mga kabayanihan ng
ating mga ninuno. Saang lalawigan ito matatagpuan?
A. Laguna B. Cavite C. Rizal D. Quezon
23. Anong bayan sa Laguna ang ipinagmamalaki dahil dito isinilang at lumaki ang ating pambansang bayani?
A. Bayan ng Calamba C. Bayan ng Los Baños
B. Bayan ng Pila D. Bayan ng Cabuyao
24. Ang Mabini Shrine ay itinayo para maipakita ang mga importanteng pangyayari sa buhay ni Apolinario
Mabini. Saang lalawigan ito matatagpuan?
A. Quezon B. Rizal C. Cavite D. Batangas
25. Ang mga sumusunod na pangungusap ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga makasaysayang pook sa
ating lalawigan, MALIBAN sa isa. Alin dito?
A. Panatilihing malinis ang mga makasaysayang pook.
B. Pahalagahan at isapuso ang kahulugan ng mga bantayog.
C. Ipagmalaki ang makasaysayang pook sa lahat ng tao, dayuhan man o hindi.
D. Sirain at iwanan ang mga kalat sa mga makasaysayang pook na papasyalan.
26. Ang wika sa NCR at sa Rehiyon IV-A ay parehong ____________.
A. Tagalog C. Ilokano
B. Kapampangan D. Ilonggo
27. Ang mga sumusunod ay mga kaugalian sa ating rehiyon, MALIBAN sa isa. Alin dito?
A. Pagmamano C. Bayanihan
B. Paggamit ng po at opo D. Pagyuko bilang pagbati sa kausap
28. Alin sa sumusunod na kultura ng sariling lalawigan at rehiyon ang kapareho sa kultura ng karatig rehiyon?
A. Wikang ginagamit C. Pagiging magiliw sa bisita
B. Pagdaraos ng Religious Festival D. Paniniwala sa pamahiin
29. Paanong naiiba ang kultura ng mga tao sa rehiyon ng NCR sa rehiyon ng CALABARZON?
A. mga kilalang produkto C. paggamit ng “po” at “opo”
B. wikang ginagamit D. paggalang sa mga nakakatanda
30. Alin sa sumusunod na kultura ng sariling lalawigan at rehiyon ang kaiba sa kultura ng karatig rehiyon?
A. Wikang ginagamit C. Pagiging magiliw sa bisita
B. Paggamit ng po at opo D. Pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon
31. Sila ay mga grupo o pangkat ng mga taong sama-samang naninirahan sa isang lugar na may sariling wika,
kultura, tradisyon, at paraan ng pamumuhay.
A. pangkat-etniko. C. katutubo
B. mamamayan d. dayuhan
32. Sila ang itinuturing na kauna-unahang mga taong nanirahan sa Pilipinas. May katangian sila ng pagiging
maitim ang balat, makapal na labi, pandak, at kulot ang buhok. Sino ang mga pangkat -etnikong ito?
A. Mangyan B. Aeta C. Igorot D. Malay
33. Ang sumusunod ay maaaring gawin ng ating pamahalaan upang mapaunlad ang edukasyon at pamumuhay
ng mga Dumagat, MALIBAN sa?
A. Bigyan sila ng maraming pana at sibat gamit sa pangangaso.
B. Magtayo sa lugar nila ng mga paaralan at turuan ang mga bata.
C. Turuan ang mga kalalakihan ng paraan ng pagsasaka at ibang paraan ng
pamumuhay
D. Turuan ang mga kababaihan tungkol sa tamang pag-aalaga sa kanilang pamilya.
34. Mayroon kayong bagong kamag-aral na Igorot at di sila marunong magsalita ng tagalog. Ano ang nararapat
mong gawin?
A. Layuan mo siya dahil siya ay naiiba.
B. Huwag mo na lamang siyang pansinin.
C. Kausapin at tulungan mo siyang matutunan ang iyong dayalekto.
D. Pagtawanan siya dahil kakaiba ang kanyang paraan ng pagsasalita.
35. Ano ang maaari mong magawa bilang mag-aaral upang maipagmalaki ang ating sariling pangkat-etniko?
A. Ipagmalaki ang kinabibilanagang pangkat-etniko.
B. Sabihin sa iba na mas magaling ka.
C. Huwag makilahok sa mga agwaing napapaunlad ng pamayanan.
D. Pumunta sa ibang pangkat-etniko at doon manirahan.
36. Kung ang Pahiyas Festival ay sa Quezon, saan naman ang Higantes Festival?
A. Quezon B. Cavite C. Laguna D. Rizal
37. Niyaya ka ng iyong kaibigan sa kanilang lugar upang manood ng patimpalak sa pag-awit. Hindi mo ito
masyadong naunawaan sapagkat katutubong wika nila ang ginamit. Paano mo ipapakita sa kaibigan mo na
pinapahalagahan mo ang kanilang palabas?
A. Tatapusin ang patimpalak kahit hindi mo maintindihan ang awit.
B. Uuwi na dahil hindi mo maintindihan ang awit.
C. Magkukuwaring masakit ang tyan upang makaalis na.
D. Maglalaro ka na lamang ng mobile game hanggang matapos ang patimpalak.
38. Nanood kayo ng palabas sa plasa tungkol sa iba-ibang sayaw. Nakita mo ang iyong kaklase na tinutukso at
pinagtatawanan ang isang mananayaw. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi na lamang papansinin
B. Papatigilin sila sa kanilang ginagawa
C. Sasabihin sa mga kaibigan at pagtatawanan
D. Kakausapin ang kaklase na hindi tama ang kaniyang ginagawa
39. Sino ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa sining ng kanyang sariling lalawigan o rehiyon?
A. Si Ador na bumili ng ticket para sa concert ng Black Pink
B. Si Tanggol na nagpaplanong manood ng Senakulo sa kanilang bayan
C. Si Aidan na ayaw lumahok sa pagsayaw ng katutubong sayaw
D. Si Mila na pinagtatawana ang mga kaklaseng sumasayaw ng katutubong sayaw.
40.Alin ang hindi nagpapakita ng pagpapahalaga sa sining na nagpapakilala sa lalawigan at rehiyon?
A. Pag-aaral ng sining ng sariling lalawigan at rehiyon.
B. Pagtangkilik at panonood ng banyagang palabas.
C. Pagsayaw at pag-awit ng mga katutubong himig.
D. Pagmamahal at pagpapahalaga sa sariling sining.

You might also like