You are on page 1of 8

Ikaapat na Markahang Pagsusulit

Filipino 2
Pangalan____________________ Petsa_________________
Baitang at Seksyon_____________ Guro_________________

Panuto: Para sa mga tanong na 1-5 makinig sa babasahing kwento at tekstong


inpormasyon ng iyong guro.
1.Batay sa kwentong napakinggan, alin sa mga sumusunod ang paksa ng kwento?
A. aksidente
B. pagbabago ni Bino
C. maling pagtawid sa kalsada
D. si Bino at ang kanyang yaya
2. Basahin ang mga sumusunod na pangungusap.
I. Nagbago si Bino.
II. Nabangga siya ng sasakyan
III. Dinala siya sa ospital.
IV. Tumawid si Bino kahit nakapula ang ilaw trapiko.
Alin ng tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari batay sa kwentong
napakinggan?
A. I ,II, III, IV
B. I, II, IV, III
C. IV ,III, II, I
D. IV, II, III, I
3. Alin kaya sa mga sumusunod ang gagawin ni Bino kapag nakalabas na siya sa
ospital?
A. Hihingi ng paumanhin sa pulis.
B. Magiging responsableng bata.
C. Magpapasalamat sa mga dumalaw sa kanya.
D. Ihahabla ang drayber na nakabangga sa kanya.
4. Ano ang taguri kay Manny Paquiao ng Time Magazine?
A. No. 1 pound for pound na boksingero
B. sikat na pound for pound na boksingero
C. milyonaryong boksingero
D. mayamang boksingero
5. Nais mong itanong sa matandang babae ang daan patungong simbahan. Alin sa
mga sumusunod ang magalang na paraan ng pagtatanong ?
A. Ale, saan ang daan patungong simbahan?
B. Lola, saan po ang daan patungong simbahan?
C. Lola, ituro mo nga sa akin ang daan patungong simbahan?
D. Ale, alam mo ba ang daan patungong simbahan?
6. Kung sasagutin mo ang tawag sa telepono, alin sa mga sumusunod ang unang
dapat mong sabihin?
A. Paalam na po.
B. Wala namang anuman.
C. Sino po sila
D. Hello po.
7. Bumuo ng payak na pangungusap batay sa larawan.

8. Mahusay tumugtog ng trumpeta si Ben. Ano ang anyo ng pantig na may


salungghit?
A. KKPK
B. KPKP
C.KKPK
D.PKKK
9. Basahin ang kwento.
Mahilig sa kulay asul ang aking ate. Nagsusuot siya ng kulay asul na
damit, at gumagamit ng asul na bag, sapatos at payng. Kahapon nga ay
pinapinturahan pa niya ng kulay asul ang kanyang kwarto.
Alin ng tamang pamagat para sa kwento?
A. Ang Aking Ate
B. Asul na Kulay
C. Asul na Kagamitan
D. Ang Paboritong kulay ng aking Ate
10. Alin ang HINDI wasto ang pagkakapangkat ng mga salita?

A B D
C
Isda palda bintana
aso
Suso Blusa hagdan
pusa
Karne t-shirt kisame
manok
sugpo Sapatos kwarto
kuneho
pusit medyas plato
bibe

11. Ang tuberculosis na isang nakahahawang sakit sa baga ay talamak sa ating


lugar.
Ano ang salita/mga salitang pahiwatig sa salitang tuberculosis?
A. talamak
B. sa ating lugar
C. Sakit sa baga
D. Nakahahawang sakit sa baga
12.Basahin ang kwento.
Si Mang Kanor ay traysikel drayber. Nagkasakit siya ng tuberculosis dahil sa
pagpapabaya sa katawan. Inalagaan siya ng kanyang asawang si Aling Melba.
Pinayuhan sila ng doktor na dapat nakahiwalay sa pagtulog si Mang Kanor upang
di makahawa. Dapat nakahiwalay rin ang kanyang kagamitan lalo na sa pagkain.
Ngunit hindi ito nasunod ng pamilya. Pagkalipas ng isang taon namatay si Mang
Kanor. Si Aling Nelia naman ay may sakit na rin katulad ni Mang Kanor. Hirap
siyang itaguyod ang kanyang 2 anak dahil sa kanyang sakit.
Ano ang sanhi ng pagkakasakit ni Aling Melba?
A. Nakuha niya sa pagtratrabaho
B. Nahawa ni Mang Kanor
C. Nakagat ng aso
D. aksidente
13.Ano ang suliranin ni Aling Melba?
A. hirap itaguyod ang 2 anak dahil may sakit
B. malayo sa bayan kaya di makapagpagamot
C. walang mag-alaga sa kanyang mga anak
D. nag-iisa na lang siya sa buhay
14.Ano ang ipinayo ng doktor upang di makahawa si Mang Kanor?
A. Magkaroon ng sariling gamit.
B. Lumayo sa pamilya.
C. Bumukod sa pagtulog.
D. Magbakasyon

15. Alin sa mga sumusunod ang tamang pamuhatan


A C
114 Road 4 114 Road 4
Santa Ana, Maynila Santa Ana Maynila
Agosto 1, 2018 Agosto 1, 2018

B D

114 road 4 114 Road 4

santa Ana, Maynila Santa Ana maynila

Agosto 1, 2018 Agosto 1, 2018

16. Isulat ang pangungusap na ididikta ng guro.


17. Tingnan at pag-aralan ang indeks.
Adhikain 111
Balangkas 160
Batas 152
Buwis 146
Dayap 161

Nais mong magbasa tungkol sa batas, saang pahina mo ito hahanapin?


A. 111
B. 152
C. 146
D. 161
18. Pag-aralan ang graph.
Bilang ng Aklat sa Bawat Seksyon

B
I 400
L 350
A 300
N
G 250
200
N
G 100
A
50
K Kamagong Narra Mahogany Apitong
L
A
T

Anong seksyon ang may pinakamaraming aklat?


A. Kamagong
B. Mahogany
C. Apitong
D. Narra
19. Aling pangkat ng mga tambalang salita ang may wastong pagkakasunod-
sunod ayon sa alpabeto?

A B C D
Kambal-tuko Balat sibuyas Balat sibuyas Kapitbahay
Kapitbahay Kapitbahay Kambal- tuko Kambal-tuko
taingang kawali taingang kawali Kapitbahay Taingang kawali
Balat sibuyas Kambal- tuko Taingang kawalo Balat sibuyas

20. Laging nagbabasa ng aklat sa silid – aklatan si Dondon. Paano niya


maipapakita ang pangangalaga sa aklat?
A. Lagyan ng tupi ang hiniram na aklat
B. Lagyan ng pabango bago isauli ang aklat
C. Huwag basahin ang gitnang bahagi ng aklat.
D. Ibalik sa pinagkunan ang aklat matapos basahin

______________________
Lagda ng Magulang

.
Kopya ng guro

Basahin ang kwento para sa mga tanong bilang 1 at 3

Ang Pagbabago ni Bino

Si Bino ay binansagang ‘’Binong Laki sa Layaw’’ dahil sunod -sunuran ang yaya niya sa lahat ng
kanyang kagustuhan . Naiwan si Bino sa pangangalaga ng kanyang yaya mula nang mamatay sa
bumagsak na eroplano . Dahil sa awa kay Bino, hindi na binigyan ng responsabilidad si Bino kaya nga
lumaki siyang walang pakialam . Dahil walang pakialam , kahit saan nagtatapon siya ng balat ng kendi at
di sumasali sa programang pangkalinisan ,kahit nga ang batas trapiko ay di niya sinusunod .

Isang araw tumawid si Bino sa kalsada kahit na nakailaw ang pulang ilaw trapiko .Biglang
nagdilim ang kanyang paningin at nang magising siya ay marami ang nakapaligid sa kanya pati ang
kanyang yayang iyak ng iyak . Pinangaralan siya ng pulis na sumunod sa batas trapiko. Anak binigyan ka
pa ng pangalawang buhay ‘’ang sabi ng yayang patuloy na umiyak.Nangako si Bino na magiging
responsableng bata na mula noon.Dahil sa aksidente ,nagbago na si Bino.

Basahin ang kwento para sa tanong bilang 4.

Si Manny Paquiao ay isang propesyonal na boksingerong Pilipino. Siya ang unang


Pilipinong boksingero na nanalo ng apat na world titles sa apat na makakaibang weight divisions. Siya ay
tinguriang No. 1 pound for pound na boksingero sa buong mundo ng Time Magazine.

Gabay sa Pagwawasto

1 B
2 D
3 B
4 A
5 B
6 D
7 Tanggapin ang pangugnugsap na
nakabatay sa larawan.
8 A
9 D
10 D
11 D
12 B
13 A
14 A
15 A
16 Ang mga bata ay masayang
naglalaro sa bakuran.
17 B
18 C
19 C
20 D

You might also like