You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF SAN JOSE CITY
PALESTINA ELEMENTARY SCHOOL
PALESTINA, SAN JOSE CITY, NUEVA ECIJA

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


ARALING PANLIPUNAN 3

Pangalan: ________________________________________________ Puntos:________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ang kabuuang paraan ng pamumuhay ng mga tao bilang kasapi ng komunidad o
lipunan.
A. batas C. paniniwala
B. kultura D. wika

2. Ang kulturang materyal ay mga bagay na nakikita at nahahawakan. Alin sa mga


sumusunod na larawan ang hindi kabilang sa kulturang materyal?

A. B. C. D.

3. Ginagamit ito ng ating mga ninuno bilang imbakan ng mga pagkain at pangpreserba.
A. banga C. palaso
B. kwintas D. pana

4. Ito ang mga pananalitang ginagamit ng mga tao sa pakikipag-usap o


pakikipagkomunikasyon.
A. kaugalian C. tradisyon
B. paniniwala D. wika

5. Ang ______ ay mga alituntunin, regulasyon, at patakaran na ipinatutupad sa isang


lipunan.
A. batas C. paniniwala
B. kaugalian C. tradisyon
6. Ang ________ ay tumutukoy sa lokasyon at pisikal na kapaligiran ng isang lugar.
A. heograpiya C. kultura
B. klima C. pamumuhay

7. Ito ay tumutukoy sa pangmatagalang atmospera o kalagayan ng hangin na nakapaligid


sa daigdig na nararanasan ng particular na lugar o rehiyon.
A. heograpiya C. kultura
B. klima C. pamumuhay

8. Anong kasuotan ang ginagamit sa mga maiinit na lugar?


A. mga makukulay na damit
B. maraming disenyong damit
C. maninipis at maluluwang damit
D. makakapal at mahahabang damit

9. Bakit karaniwang mataas at yari sa bato ang mga bahay sa lugar na madalas daanan ng
bagyo?
A. Upang magmukhang moderno ang mga bahay
B. Upang hindi agad ito masira kung may kalamidad
C. Sapagkat maganda sa paningin ang bahay na bato
D. Sapagkat mas mura ang mga materyales sa paggawa nito

10.Sa mga lugar na mayroong mga malalawak na lupain, ano ang pangunahing
hanapbuhay ng mga taong nakatira rito?
A. pagkakaingin C. pangangaso
B. pagsasaka D. pangingisda

11. Anong kasuotan ang karaniwang ginagamit ng mga naninirahan sa matataas at


malalamig na lugar?
A. mga makukulay na damit
B. maraming disenyong damit
C. maninipis at maluluwang damit
D. makakapal at mahahabang damit

12. Bakit karaniwang kumakain ng malalamig na pagkain gaya ng ice cream o halu-halo
ang mga mamamayan tuwing tag-init?
A. dahil nais nila ang matamis na pagkain
B. dahil mura ang mga pagkaing ito tuwing tag-init
C. dahil ito lamang ang maaaring kainin tuwing tag-init
D. dahil inaangkop nila ang kanilang pagkain sa uri ng klima

13.Kayo ay naninirahan sa Baguio City at nasanay sa pagsusuot ng makakapal na damit


dahil sa klima dito at naisipan ng iyong magulang na pumunta sa Maynila upang
mamasyal, anong uri ng kasuotan ang iyong dadalhin?
A. mga makukulay na damit
B. maraming disenyong damit
C. maninipis at maluluwang damit
D. makakapal at mahahabang damit

14.Anong pangunahing wika ang ginagamit ng mga mamamayan na nakatira sa mga


lalawigan ng Rehiyon III?
A. Bicolano C. Kapampangan
B. Ilokano D. Tagalog

15.Anong lalawigan ang kilala dahil sa masarap na tinapa o pinausukang isda?


A. Aurora C. Nueva Ecija
B. Bataan D. Tarlac

16.Tinaguriang “Rice Bowl of the Philippines” sapagkat sa lalawigang ito nagmumula


ang pinakamalaking suplay ng bigas sa Pilipinas.
A. Bataan C. Pampanga
B. Nueva Ecija D. Zambales

17.Ito ay ang lalawigan kung saan natapos ang Bataan Death March.
A. Aurora C. Nueva Ecija
B. Bataan D. Tarlac

18.Anong lalawigan ang nagdiriwang ng Sisig Festival?


A. Nueva Ecija C. Tarlac
B. Pampanga D. Zambales

19.Alin sa mga sumusunod na katawagan sa pakikipag-usap ang ginamit sa pahayag:


“Pasensya na po, di ko po sinasadyang matapunan ang damit niyo.”
A. Katawagan sa paghingi ng pahintulot
B. Katawagan sa paggalang at pagbati sa nakakatanda
C. Katawagan sa paghingi ng paumanhin at pasasalamat
D. Wala sa nabanggit

20. Ang mga sumusunod na pangungusap ay mga dahilan kung bakit mahalagang
matutunan ang mga katawagang ginagamit sa pakikipag-usap, MALIBAN sa isa.
A. Ito ay pagpapakita ng paggalang sa ating kapwa.
B. Ipinapakita nito ang pagpapahalaga sa ating kinagisnang pag-uugali noon pa
man.
C. Ang mga katawagang ito ay magagamit sa pakikitungo at pakikisama sa
ating kapwa.
D. Ang mga katawagang ito ay ginagamit upang mas lalong hindi
magkaintindihan at magkaunawaan ang mga nag-uusap.
21. Saang lalawigan makikita ang makasaysayang simbahan na Barasoain Church?
A. Aurora C. Pampanga
B. Bulacan D. Tarlac

22. Saang lalawigan ito matatagpuan ang Dambana ng Kagitingan?


A. Bataan C. Tarlac
B. Bulacan D. Zambales

23. Ang Pambansang Dambana ng Capas ay matatagpuan sa lalawigan ng __________.


A. Aurora C. Tarlac
B. Nueva Ecija D. Zambales

24. Anong bayan sa Rehiyon III ang sagansa sa naglalakihang Blue Marlin at Yellow
Fin Tuna?
A. Bayan ng Aurora C. Bayan ng Nueva Ecija
B. Bayan ng Bataan D. Bayan ng Zambales

25. Ang mga sumusunod na pangungusap ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga


makasaysayang pook sa ating lalawigan, MALIBAN sa isa. Alin dito?
A. Panatilihing malinis ang mga makasaysayang pook.
B. Pahalagahan at isapuso ang kahulugan ng mga bantayog.
C. Sirain at iwanan ang mga kalat sa mga makasaysayang pook na
papasyalan.
D. Ipagmalaki ang makasaysayang pook sa lahat ng tao, dayuhan
man o hindi.

26. Kung ang Carabao Festival ay sa Bulacan, saan naman ang Mango Festival?
A. Quezon C. Laguna
B. Cavite D. Zambales

27. Ito ay isa sa mga sayaw ng mga taga-Tarlac.


A. Subli C. Sayaw Tariki
B. Basulto D. Sayaw sa Niyog

28. Anong awiting bayan ang mayroon ang Bataan?


A. “Ako’y si Bukid”
B. “Ako ang Daigdig”
C. “Noong Bata pa Ako”
D.“Ang Huni ng Ibong Pipit”
29. Kung ang Sayaw na Basulto ay sa Tarlac, ang Sayaw na La Jota Moncadeña ay sa
____________.
A. Bataan C. Pampanga
B. Bulacan D. Tarlac

30. Alin sa mga sumusunod na kultura ang kapareho ng mga karatig na lalawigan o rehiyon?
A. Wikang ginagamit
B. Paggamit ng “po” at “opo”
C. Pagdiriwang ng mga religious festival
D. Wala sa nabanggit

31. Sila ay mga grupo o pangkat ng mga taong sama-samang naninirahan sa isang lugar na
may sariling wika, kultura, tradisyon, at paraan ng pamumuhay.
A. katutubo C. pangkat etniko
B. mamamayan D. wala sa nabanggit

32. Mayroon kayong bagong kamag-aral na Igorot at di sila marunong magsalita ng tagalog.
Ano ang nararapat mong gawin?
A. Layuan mo siya dahil siya ay naiiba.
B. Huwag mo na lamang siyang pansinin.
C. Kausapin at tulungan mo siyang matutunan ang iyong dayalekto.
D. Pagtawanan siya dahil kakaiba ang kanyang paraan ng pagsasalita.

33. Ano ang maaari mong magawa bilang mag-aaral upang maipagmalaki ang ating sariling
pangkat-etniko?
A. Sabihin sa iba na mas magaling ka.
B. Ipagmalaki ang kinabibilanagang pangkat-etniko.
C. Pumunta sa ibang pangkat-etniko at doon manirahan.
D. Huwag makilahok sa mga agwaing napapaunlad ng pamayanan.

34. Mayroon kayong bagong kamag-aral at siya ay isang Aeta. Naiiba ang kanyang itsura sa
inyong lahat kung kaya’t siya ay pinagtatawanan ng iyong mga kamag-aral. Ano ang
marapat mong gawin?
A. Huwag itong pansinin.
B. Hayaang pagtawanan ng mga kaklase.
C. Gayahin ang mga kamag-aral at pagtawanan ito.
D. Makipagkaibigan dito at kausapin ang mga kamag-aral na hindi tama ang
kanilang ginagawa.

35. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa sining, MALIBAN sa isa.


Alin dito?
A. Aking susulatan at lalagyan ng marka ang mga natatanging lugar sa aking
rehiyon.
B. Aking ipinagmamalaki sa aking pinsan na nasa ibang bansa ang mga
natatanging sining sa aking bayan.
C. Gagawan ko ng magandang post sa Facebook ang mga gawang sining na
aking makikita sa aming rehiyon.
D. Gagawin kong inspirasyon ang mga natatanging Pilipino upang gumaling pa
ang aking kakayanan sa paglikha ng sining.

36. Isa siyang alagad ng sining na isinilang sa Bulacan at lumikha ng monumento ni Andres
Bonifacio sa Caloocan.
A. Fernando Amorsolo C. Napoleon Abueva
B. Guillermo Tolentino D. Vicente Manansala

37. Siya ay isang alagad ng sining na ipinanganak sa Macabebe, Pampanga at pinarangalan


bilang pambansang alagad ng sing sa larangan ng iskultura.
A. Fernando Amorsolo C. Napoleon Abueva
B. Guillermo Tolentino D. Vicente Manansala

38. Ikaw ay namamasyal ng narinig mong pinatugtog ang himno ng inyong lalawigan. Ano
ang nararapat mong gawin?
A. Ituloy ang pamamasyal.
B. Tumigil sa paglalakad upang magpakita ng paggalang.
C. Sabayan ang awitin habang patuloy pa din sa paglalakad.
D. Lahat ng nabanggit.

39. Dapat ba nating ipagpatuloy ang paggawa ng likhang sining?


A. Hindi, dahil pag-aaksaya lamang ito ng oras.
B. Hindi, sapagkat karagdagang gastos lamang ito.
C. Oo, para mapagkakitaan lang at hindi kailangang pahalagahan.
D. Oo, upang maipagpatuloy pa ito sa susunod na henerasyonat
maipagmalaki ang talentong mayroon ang mga Pilipino.

40. Bilang isang bata, kailangan ba talaga nating pag-aralan ang mga
bagay na may kinalaman sa kultura ng ating lalawigan?
A. Hindi, wala itong halaga sa pagtataguyod ng ating lalawigan.
B. Hindi na kailangan, dahil hindi ito mahalaga sa pag-unlad ng ating
lalawigan.
C. Hindi na dapat bigyang pansin pa ang mga sining sa modernong
panahon ngayon.
D. Dapat itong pag-aralan upang mapanatili at mapangalagaan para
sa susunod pang henerasyon.
ANSWER KEY
1. B
2. D
3. A
4. D
5. A
6. A
7. B
8. C
9. B
10. B
11. D
12. D
13. C
14. D
15. B
16. B
17. D
18. B
19. A
20. A
21. B
22. A
23. C
24. A
25. C
26. D
27. B
28. D
29. D
30. B
31. C
32. C
33. B
34. D
35. A
36. B
37. D
38. B
39. D
40. D

You might also like