You are on page 1of 4

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT- ARALING PANLIPUNAN 3

Pangalan: _____________________________________ Petsa:_______________


Baitang 3

Panuto : Basahing mabuti ang tanong. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot.

______1. Ano ang tawag sa paraan ng pamumuhay ng mga Pilipino na binubuo


ng materyal at di – materyal na bahagi nito.
A. klima
B. kultura
C. lokasyon
D. pamayanan
_____ 2. Ito ay kabilang sa kulturang nakikita at nahihipo ng sinuman. Kabilang
dito ang mga kasangkapan, kasuotan, pagkain at tahanan. Ano ang uri
ng kultura na tinutukoy.
A. materyal
B. pamahiin
C. kaugalian
D. di - materyal
_____ 3. Ang ating mga ninuno ay hindi nakaranas na pumasok sa pormal na
paaralan kung kaya’t natuto silang sumulat at bumasa sa tulong ng
karanasan at pagmamasid. Ang tahanan ay una nilang paaralan.
Anong bahagi ng kultura ang ipinapahayag nito ?
A. wika
B. kaugalian
C. Edukasyon
D. pamahalaan
______ 4. Ang lokasyon at klima ay may malaking impluwensya sa pamumuhay
ng mga tao gayundin sa lugar na tinitirahan. Paano mo ilalarawan ang
pamayanan ng mga taong naninirahan sa siyudad?
A Karamihan sa awit ay tungkol sa pagsasaka.
B. Mabilis ang kilos ng mga tao papasok sa opisina.
C. Malaking bahagi ng produkto ay galing sa pangingisda.
D. Maagang nagigising ang mga tao papunta sa halamanan.
______ 5. Ang lokasyon ay isang salik na nakakaimpluwensya sa pagbuo at
paghubog ng pamumuhay sa isang lugar. Anong ang maaaring
pagkakitaan ng mga taong nakatira sa kapatagan ?
A. pagtatanim at pagsasaka
B. pangingisda at pagmimina
C. pagmimina at pangingisda
D. pagmimina at paghahayupan
______ 6. Ang mga taga Batangas ay kaagad nakikilala sa kultura nila ng
pakikipag- ugnayang pasalita. Alin sa mga sumusunod ang kadalasang
nilang sinasambit?
A. “ga” at “ba”
B. “kasi” at “eh”
C. “ga” at “ala eh”
D. “ba” at “oh”

______ 7. Bawat lalawigan ay may kanya-kanyang tanyag na pagdiriwang.


Anong kilalang festival ang idinaraos sa Rosario, Batangas?
A. Sinukmani Festival
B. Sublian Festival
C. Sumakah Festival
D. Sinuam Festivall
_______8. Iba-iba bang pangkat ng mga tao ang naninirahan sa rehiyon ng
CALABARZON. Anong pinakamalaking pangkat ng mga tao ang
nakatira dito?
A. Tsino
B. Badjao
C. Tagalog
D. Bicolano
_______ 9. Ang mga Ita o Negrito ang kauna-unahang mga taong nanirahan sa
ating bansa. Sila ay matatagpuan sa kabundukan ngunit wala silang
permanenteng tirahan . Pagsasaka at panghuhuli ng hayop ang
kanilang ikinabubuhay. Paano sila tinatawag ng mga tao sa lalawigan
ng Quezon at Rizal ?
A. Agta
B. Baluga
C. Dumagat
D. Kankana-ey
______10. Mainit ang pagtangkilik ng pagdiiriwang ng kapaskuhan sa Taal
Batangas kaya naman napabalita sa telebisyon ang pagkakaroon nila
ng mga maningning na palamuting pamasko. Paano ito nakatulong sa
pagiging kilala ng kanilang lugar?
A. Napalago nito ang turismo sa lugar.
B. Napalaganap nito ang krimen sa lugar.
C. Napadami nito ang mga palamuti sa lugar.
D. Napatagal nito ang pagdiriwang ng kapaskuhan.
______ 11. Si Liwanag ay isang batang Dumagat mula sa mga lahi ng Aeta kaya iba ang
katangiang pisikal niya. Bagong lipat siya sa paaralang pinapasukan niya kung kaya
maraming kaklase ang naninibago sa kanya. Matalinong bata si Liwanag ngunit para
sa kanya ay hadlang ang kanyang lahi para makatapos. Paano mo ipapakita ang
pagpapahalaga sa kinagisnang lahi ni Liwanag?
A. Tutulungan ang kamag-aaral sa ibang gawain.
B. Magsasabi sa kaklase na nandidiri siya sa batang ibang lahi
C. Hindi papansinin ang kaklaseng naiiba ang itsura at aktibidad.
D. Pababayaan ang kaklaseng Agta na hindi naghuhugas ng
kamay bago kumain.
_____ 12. Ang sumusunod ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa ibang
pangkat ng tao maliban sa isa. Alin ito?
A. Tutulungan ang mga kamag-aaral na kabilang sa ibang lahi.
B. Tangkilikin ang mga produktong gawa ng mga katutubong
pangkat.
C. Pagtawanan ang mga Mangyan dahil sa suot nilang mga
katutubong damit.
D. Sasali sa kampanya na makalikom ng pondo para sa kapakanan
ng mga katutubong pangkat.

_____13. Niyaya ka ng iyong kaibigan sa kanilang lugar upang manood ng


patimpalak sa pag-awit. Hindi mo ito masyadong maunawaan
sapagkat katutubong wika nila ang ginamit. Paano mo ipapakita sa
kaibigan mo na pinahahalagahan mo ang kanilang palabas ?
A. Tatapusin ang palabas.
B. Hindi na panonorin ang palabas.
C. Hindi papansinin ang ipinalalabas.
D. Ipagwalang bahala ang palabas.
_____14. May kaibigan kang nasa ibang bansa na nais magbakasyon dito sa
Pilipinas. Paano mo ipakikita ang pagpapahalaga sa ating sining?
A. Hindi ko papansinin iyon.
B. Ikakahiya ko ang aking bansa.
C.Magtatago ako sa kaibigan ko.
D. Isasama ko siya sa museo sa aming lugar.
______ 15. Pupunta ka sa bahay ng dalawang kapatid na lalaki ng iyong ama subalit nakita mo
silang taong nag-uusap sa iyong dadaanan. Alin sa mga sumusunod na katawagan
sa iba’t ibang layon ang nararapat mong gamitin sa pagdaan sa tabi nila?
A. “ Mga pare tumabi kayo at dadaan ako.”
B. “ Pinsan umalis kayo dyan sa gitna ng daan.”
C. Yuyuko at sasabihing “ Tiyo, makikiraan po. “
D. “ Totoy, pwede gang umalis kayo dyan?
_____16. Anong lalawigan kilala ang kapeng barako?
A . Quezon B. Laguna C. Batangas D. Rizal
_____17. Saan ipinagdiriwang ang Balsa Festival?
A. Lobo, Batangas C. Matabungkay, Lian, Batangas
B. Balayan, Batangas D. San Jose Batangas
_____18. Saan ipinagdiriwang ang Anihan Festival?
A. Batangas City C. Lobo, Batangas
B. Lipa City D. Cuenca, Batangas
_____19. Ano ang ipinagdiriwang sa Balayan, Batangas?
A. Parada ng Lechon C. Anihan Festival
B. Kabakahan Festival D. Lambayok Festival
_____20. Anong produkto ang ipinagmamalaki ng mgha taga-San Juan Batangas sa kanilang
pagdiriwang Lambayok Festival?
A. Tinapay C. lambanog at palayok
B. Kapeng barako D. itlog
_____21. Pagdiriwang ito ng mga Kristiyano sa kapanganakan ni Jesus.
A. Bagong Taon C. Pasko
B. Ramadan D. Mahal na Araw
_____22. SA araw na ito ay maraming pumupunta sa sementeryo para dumalaw sa mga mahal
sa buhay na namatay.
A. Undas C. Pasko
B. Bagong Taon D. Araw ng Pasasalamat
_____23. Sa mga araw na ito, ang mga Muslim ay nagdarasal at umiiwas sa pagkain at mga
kasiyahan mula ika-anim ng umaga hanggang ika-anim ng gabi.
A. Mahal na Araw C. Ramadan
B. Pasko D. Bagong Taon
_____24. Ang okasyong ito ay maingay, masaya at sama-sama ang mga pamilya sa
pagsalubong nito tuwing hating-gabi ng Disyembre 31 hanggang Enero 1.
A. Pasko C. Bagong Taon
B. Eid ul-Ftr D. Undas

_____25. Idinaraos ito bilang pagdiriwang ng pagtatapos ng Ramadan.


A. Eid ul-Ftr C. Araw ng mga Patay
B. Pasko D. Araw ng Pasasalamat

Panuto: Tukuyin ang inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot.
A. Kultura F. Wika
B. Tradisyon G. Pagpapahalaga
C. Kaugalian H. Batas
D. Paniniwala I. Tagalog
E. Dr. Jose Rizal J. Apolinario Mabini

_____26. Pananalitang ginagamit ng mga tao sa pakikipag-usap o pakikipagkomunikasyon.


_____27. Mga alituntunin, regulasyon at patakaran na ipinatutupad sa isang lipunan.
_____28. Kabuuang paraan ng pamumuhay ng mga tao bilang kasapi ng komunidad o lipunan.
_____29. Idea, pananaw at saloobin ng grupo o lipunan.
_____30. Tumutukoy sa mga gawain tulad ng ritwal at pagdiriwang.
_____31. Pamantayan ng lipunan kung ano ang tama o mali, mabuti o masama.
_____32. Inaasahang pag-uugali ng mga pangkat ng tao.
_____33. Pangunahing wika sa CALABARZON.
_____34. Bayani ng ating bansang tinaguriang “Dakilang Lumpo”
_____35. Siya ang ating pambansang bayani.

Panuto: Piliin sa Hanay B ang konsepto ng kultura na nasa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang
sagot.

_____36. Tagalog a. Paniniwala


_____37. Pagmamano sa matanda b. Tradisyon
_____38. Pagdiriwang ng mahahalagang araw c. Batas
_____39. Bawal magnakaw d. Kaugalian
_____40. Kapag may isinuksok may madudukot. e. Wika

You might also like