You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
DIVISION OF CITY SCHOOLS
Ecology Center, West Poblacion, City of Naga, Cebu
BAIRAN ELEMENTARY SCHOOL
Bairan City of Naga, Cebu

Ikatlong Markahang Pagsusulit sa ESP 4

Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: __________________

Panuto: Basahin nang mabuti at sagutin ang sumusunod na tanong. Piliin ang tamang titik
sa tamang sagot at isulat ito sa inyong sagutang papel.

1. Ito ay isang pangunahing pasalitang anyo ng pampanitikan na matatagpuan sa mga


ibat–ibang grupong etniko.
A. epiko B. kultura C. alamat D. kwentong bayan
2. Ito ang tawag sa paraan ng pamumuhay ng tao.
A. epiko B. kultura C. alamat D. kwentong bayan

3. Ito ay isang uri ng panitikan na nagsasalaysay sa pinagmulan ng isang bagay, tao o


pook.
A. epiko B. kultura C. alamat D. kwentong bayan

4. Ito ay mga kuwento at salaysay na hinggil sa mga likhang- isip o kathang isip na may
mga tauhang kumakatawan sa mga uri at pag- uugali ng mga mamamayang sa isang
lipunan.
A. epiko B. kultura C. alamat D. kwentong bayan
5. Ito ay tumutukoy sa mga kultura o kaugalian na may kinalaman sa paniniwala,
tradisyon o nakagawian na walang kinalaman sa materyal na bagay.
A. epiko B. kultura C. alamat D. material na kultura

6. Ano ang tawag sa sinaunang sistema ng pagbasa at pagsulat na sinasabing umiiral na sa Pilipinas
bago pa man dumating ang mga Espanyol?
A. Baybayin B. Balangay C. Titik D. Alpabeto
7. Ang sumusunod ay ilan sa mga kultura ng ating bansa. Alin ang HINDI?
A. Pagmamano C. pag-aasawa nang wala sa edad
B. pagsisimba tuwing araw ng pagsamba D. mga pamahiin tuwing may patay

8. Ang Pilipinas ay may iba’t ibang pangkat etniko na mayaman sa napakaraming kultura. Alin sa mga
sumusunod ang HINDI nagpapakita ng kultura?
A. Ang magagandang tanawin sa isang lugar
B. Ang mga katutubong kasuotan, kwentongbayan, sayaw, laro at iba pa.
C. Ang mga kaugalian at pagpapahalaga ng mga tao sa isang lugar.
D. Ang mga lumang kagamitan at paraan ng pamumuhay.

9. Sa kabila ng mabigat na suliraning idinulot ng bagyong Yolanda, hindi natinag ang mga Pilipino.
Nagtulong-tulong ang bawat isa sa pamamagitan ng pagbibigay ng relief goods, muling pagtatayo ng
kanilang bahay at pagdarasal para sa kanila. Mahirap mang pumunta sa mga nasalantang lugar, hindi
ito inalintana ng mga kababayan natin. Isa itong patunay na likas na sa bawat Pilipino ang
pagiging__.
A. Bayani C. Matulungin
B. Madasalin D. Mapagbigay
10. Si Isabel ay isang Tasaday. Nang siya ay makapag-aral sa kabayanan at makapagtapos, bumalik
siya sa kanilang lugar at tinulungan ang kaniyang mga kasama na baguhin ang mali nilang
nakasanayan tulad ng hindi pagkakaroon ng tamang palikuran at ang pag-aasawa nang wala sa
edad. May pagpapahalaga ba siya sa kanilang pangkat etniko?
A. Mayroon B. Wala C. Maaari D. Hindi ko alam
11. Naatasan ang inyong pangkat na matanghal sa palatuntunang inihanda para sa mga mag-aaral
mula sa Malaysia upang maipakilala sa kanila ang kulturang Pilipino. Alin sa mga sumusunod ang
pipiliin ninyo?
A. Sumayaw ng Pandanggo sa Ilaw
B. Umawit ng nauusong kanta ngayon.
C. Lumikha ng bagong himig at tugtugin sa piano.
D. Sumayaw ng katutubong sayaw ng Malaysia.

12. Tinutukso ni Ben ang bago mong kapitbahay na isang Ivatan dahil sa suot niyang
sombrero na gawa sa hinabing dahon ng Palmera.
A. Gagayahin ko siya sa paghalakhak
B. Sasawayin ko siya dahil nakakaawa naman ang bago kong kapitbahay.
C. Sasawayin ko siya dahil dapat igalang ng bawat isa ang kulturang nakasanayan niya.
D. gagayahin ko siya upang lalo mainis ang bago kong kapitbahay

13. Magaling kang umawit kaya isinali ka ng iyong nanay para maging kasapi ng koro sa
inyong barangay na aawit ng mga awitin ng mga katutubong Ilokano para sa nalalapit
na pagtatanghal sa plasa.
A. Sasali ako para makahingi ako ng pera kay nanay.
B. Sasali ako dahil dapat ko ring ipagmalaki ang mga awitin ng mga Ilokano.
C. Hindi ako sasali dahil mahirap awitin ang mga awitin nila.
D. Hindi sko sasali dahil ikinakahiya ko na ilokano ako.

14. Isinama ka sa Bikol ng iyong kuya na nagbalik bayan mula sa America. Sa isang
parke roon, may isang food stand na nag-aanyaya ng libreng tikim ng kanilang
ipinagmamalaking Bicol Express.
A. Hindi ako papayag dahil ayaw ko ng maanghang na pagkain.
B. Papayag ako dahil libre naman.
C. Papayag ako dahil bahagi ng pagpasyal ko sa lugar na iyon ang tuklasin anuman
ang kultura nila.
D. hindi ako papayag dahil ito ay Karapatan ko.

15. Bumisita kayo ng nanay mo sa mga kamag-anak ninyo sa Quezon. Nagsasanay ng


sayaw na Tinikling ang mga pinsan mo at niyaya ka nilang sumali.
A. Sasali ako pero sandali lang.
B. Sasali ako dahil kailangan ko ring matutunan ang katutubong sayaw mula sa
lugar
na iyon.
C. Hindi ako sasali dahil hindi ako marunong at baka maipit ang paa ko sa buho.
D. Hindi ko na lamang sila papansimim

16. Ano sa sumusunod ang batas na nagpapanatili ng kaayusan at pangangalaga sa


kapaligiran ang dapat ipasunod sa ilog na malinis?
A. Huwag magtapon ng basura.
B. Tumawid sa tamang tawiran.
C. Iwasan ang pagtapak sa damuhan.
D. Walang pakialam sa kapaligiran.

17. Ano sa sumusunod ang batas na pagpapanatili ng kaayusan at pangangalaga sa


kapaligiran ang pinaiiral sa mga parke?
A. Manatiling tahimik sa lahat ng oras.
B. Tumawid sa tamang tawiran.
C. Iwasan ang pagpitas ng mga halaman at bulaklak.
D. Magtapon ng basura sa mga lugar na hindi nakikita ng tao.

18. Anong batas sa pagpapaganda ng kapaligiran sa inyong paaralan ang dapat mong
sundin?
A. Manatiling tahimik sa lahat ng oras
B. Iwasan ang pagtapak sa damuhan
C. Basura Mo, Pakibulsa Mo
D. Sabihin sa tagapaglinis ang paglilinis ng mga kalat ninyo

19. Ano ang hindi mo dapat gawin bilang isang mamamayang may disiplina upang
mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng kapaligiran?
A. Sumunod sa mga batas na may kinalaman sa kapaligiran.
B. Madalas na pagtapon ng basura sa kanto kung saan dumadaan ang trak ng basura.
C. Paghihiwa-hiwalay ng nabubulok na basura at pagresiklo ng mga patapong bagay.
D. Pagtatapon ng basura sa alinmang lugar na gusto mo

20. Madalas ninyong nararanasan ang pagbaha sa inyong lugar. Ano kaya ang dahilan kung
bakit nangyayari ito?
A. Talagang mas malakas na ang buhos ng ulan sa ngayon.
B. Maling paraan ng pagtatapon ng basura na bumabara sa mga kanal.
C. Tinatakpan ng mga tao ang mga estero o kanal.
D. Masyadong malakas ang ulan dahil sa pagbabago ng panahon.

21. Naglalakad ka pauwi galing sa paaralan nakita mo ang iyong kamag-aral na


namimitas
ng bulaklak sa parke kahit may karatula na nakalagay na “Bawal Pumitas ng
Bulaklak”. Ano ang iyong gagawin?
A. Pababayaan ko siya sa kaniyang pamimitas.
B. Babawalan ko siya at sasabihin na mali ang kaniyang ginagawa.
C. Sasamahan ko siya sa pamimitas ng bulaklak.
D. Isusumbong ko siya sa kapulisan.

22. Ang sumusunod ay nagpapakita ng pangangalaga sa kapaligiran maliban sa isa.


A. Paglahok sa Clean and Green Project sa inyong barangay.
B. Pagsama sa pag-aalis ng basura sa ilog na programa ng inyong barangay.
C. Pagsuporta sa pagpuputol ng mga puno sa kabundukan.
D. Hindi ako mangingialam.

23. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapaligiran?


A. Pagtatanim ng mga puno, gulay at halaman sa bakuran.
B. Pagtatapon ng basura sa ilog tuwing madaling araw.
C. Paglilinis ng kapaligiran tuwing may nakakakita lamang.
D. Magtanim ng mais at palay dahil ito ang pangunahing pagkain.

24. Sino sa mga sumusunod ang nagpapakita ng may disiplina sa pangangalaga sa


kalikasan kahit walang nakakakita?
A. Si Janelle na nagwawalis sa loob ng silid-aralan tuwing nakatingin lamang ang
kaniyang guro.
B. Si Jan na araw-araw nagdidilig at nagtatanim ng halaman sa hardin ng paaralan
kahit hindi siya ang dapat gumagawa niyon.
C. Si Lerish na namumulot ng basura dahil nakikita ng punong-guro.
D. Si Hannah ay nagpapaganda upang maging madami ang kanyang kaibigan

25. Alin sa mga barangay ang hindi nagpapakita ng pangangalaga sa kapaligiran?


A. Barangay Masinop na sama-sama sa paghihiwa-hiwalay ng mga basura.
B. Barangay Malinis na tulong-tulong sa paglilinis ng kanal at kapaligiran para sa
paghahanda tuwing tag-ulan
C. Barangay Pag-asa na nagtatambak ng kanilang basura sa bakanteng lote.
D. Barangay Tumana nagtatapon ng mga patay na hayop sa ilog upang may pagkain
ang mga isda.

26. Itapon ang sa tamang tapunan.


A. laruan B. basura C. larawan D. pagkain

27. Ihiwalay ang mga na basura sa hindi nabubulok na basura.


A. maaayos B. mapuputi C. nabubulok D. magaganda

28. ______________ang kailangan sa wastong pagtatapon ng basura at upang makatulong


na maisalba ang Inang kalikasan.
A. disiplina B. kagandahan C. kaibigan D. kamag-anakan

29. Ang mga halimbawa ng mga basurang nabubulok ay mga tirang pagkain, tuyong
dahon at ________.
A. plastik C. Babasaging bote
B. balat ng prutas at gulay D. laruan

30. Ang boteng plastik, lumang gulong at Styrofoam ay mga halimbawa ng mga
basurang .
A. nabubulok C. ibinabaon sa lupa
B. hindi nabubulok D. tinatapon sa ilog

31. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng disiplina sa pangangalaga sa kalikasan kahit walang
nakakakita?
A. Sa parke hindi mo pinipitas ang mga magagandang bulaklak na nakikita mo.
B. Sa palikuran ay ipina-flush mo ang kubeta at hindi itinatapon ang tissue sa toilet bowl para
malinis na magamit ng ibang tao.
C. Sa palaruan ay itinatapon mo ang iyong basura sa ilalim ng slide dahil may tagalinis naman
dito.
D. Sa daan ay inilalaglag mo ang mga basura galling sa iyong bulsa mula sa paaralan.

32. Nagmamadali kang umuwi dahil may dadaluhan kang birthday party ng iyong kapitbahay. Paglabas
mo ng silid-aralan, nakita mong umaapaw ang basura sa labas. Ikaw na lang ang tao dahil nauna
nang umuwi ang iyong mga kaklase. Ano ang gagawin mo?
A. Pababayaan ang basura dahil baka mahuli ka sa birthday party na iyong dadaluhan.
B. Mabilisan mong aayusin ang mga basura sa sako bago umuwi.
C. Magkukunwaring hindi nakita ang umaapaw na basura sa sako.
D. Magkikibit-balikat dahil hindi naman ikaw ang tagalinis sa araw na iyon.

33. Namamasyal kayo sa sa Roxas Boulevard. Habang naglalakd sa baybayin nito ay nakaramdam ka
ng matinding pag-ihi ngunit malayo naman ang palikuran. Kung sa baybayin ka iihi ay wala naming
makakakita sa iyo. Saan ka iihi?
A. Sa baybayin dahil wala namnag makakakita.
B. Sa palikuran kahit malayo.
C. Kahit saan basta maka-ihi lang.
D. Hindi na ako iihi at pipigilan na lang ito.

34. Kumakain kayo ng ice cream habang naglalakad sa tabi ng kalsada. Pagkatapos ninyong kumain
ay hinahanap ninyo ang basurahan para itapon ang mga stick na inyong ginamit. Dahil wala kayong
makitang basurahan, bigla na lang itinapon ng kasama mo ang stick sa tabi-tabi dahil wala naman
daw makakakita. Ano ang gagawin mo?
A. Sasawayin ang kasama at sasabihing itapon sa basurahan ang stick na ginamit.
B. Gagayahin ang kasama sa pagtapon sa tabi-tabi.
C. Kakainin mo na lang ang stick para wala ka ng basura.
D. Ibibigay sa kasama ang stick para siya na lang din ang magtapon sa tabi-tabi.

35. Habang nasa sasakyan ay ngumunguya ka ng bubble gum. Nang malasahan mo ay matabang na
ito. Ano ang gagawin mo?
A. Ibabalibag sa bintana ang kinakaing bubble gum.
B. Ididikit sa ilalim ng upuan ang bubble gum.
C. Itatapon sa basurahan ang bubble gum na nasa loob ng sasakyan.
D. Ilululon na lang ang bubble gum.

36. Nangangamoy na ang inyong mga basura ngunit hindi mo pa ito mailalabas kundi sa mismong araw
ng paghahakot ng basurang nabubulok, ayon sa ordinansa. Ano ang gagawin mo?
A. Ilalabas ko na ang basura kahit hindi pa araw ng kolekta dahil mabaho at nangangamoy na.
B. Ilalagay ko sa bakuran ng kapitbahay kapag walang nakakakita.
C. Ibabaon ko sa lupa upang maging pataba.
D. Ipaaanod ko na lang sa ilog para wala nang basurang mangamoy.

37. May proyektong Clean and Green sa inyong barangay. May mga inatasan upang maglinis,
magtanim at mangalaga sa halaman at puno na itinanim. Nakita mo na hindi nadiligan ang puno at
halaman na malapit sa inyong bakuran at ito ay nalalanta na. Ano ang iyong gagawin?
A. Tatawagin ang taong inatasan na mangalaga sa tapat ng inyong bakuran upang diligan ang mga
puno at halaman.
B. Didiligin mo ang mga halaman kahit hindi ikaw ang inatasan na magdilig at mangalaga dito.
C. Hindi mo papansinin at hahayaan na lang na mamatay ang mga tanim.
D. Tatawagin ang kapitan ng barangay upang ipakita na namamatay na ang mga tanim.

38. Bakit kailangang malaman ng mga tao na ipinagbabawal ang pagsusunog ng basura?
A. Ang pagsusunog ay ipinagbabawal ng batas.
B. Pwedeng i-recycle ang mga patapong bagay na susunugin.
C. Ang pagsunog ng basura ay pwedeng magbunga ng maruming hangin at kapaligiran.
D. Lahat ng nabanggit.

39. Ano ang gagawin mo bilang isang mamamayang may disiplina upang mapanatili ang kalinsan at
kaayusan ng kapaligiran?
A. Sumunod paminsan-minsan sa kinauukulan.
B. Palagiang pagwawalis sa bakuran at kalsada.
C. Madalas na pagtatapon ng basura sa kanto kung saan dumaan ang trak ng basura.
D. Pagsasagawa ng paghighiwalay ng basura sa halip na pagsunog sa mga ito, at pagre-cycle ng
mga patapong bagay

40. Ano ang maaaring mangyayari kung kung patuloy na walang disiplina ang mga tao sa pamamahala
ng kanilang mga basura.
A. Maging malinis parin ang paligid dahil may nangongolekta naman ng basura.
B. Tuluyan ng maging marumi at walang kaayusan ang ating kapaligiran.
C. Maraming tao ang yayaman dahil sa pagbebenta ng basurang naiipon.
D. Mag away-away ang mga tao dahil mag uunahan sa pagkuha ng basura na pwedeng ibenta.

You might also like