You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Schools Division of Butuan
East Butuan District II
DUGYAMAN ELEMENTARY SCHOOL

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


ARALING PANLIPUNAN 3

Pangalan: ______________________Iskor:_________ Lagda ng Magulang:_________


I. Tukuyin kung anong uri ng kultura ang mga isinasaad sa pangungusap. Piliin at bilugan ang
titik ng tamang sagot.
1. Ang Pilipinas ay may ginagamit na walong pangunahing wika.
A. Wika B. Kasuotan C. Kaugalian D. Kasangkapan
2. Ang ating mga ninuno ay naniniwala sa iba’t ibang ispiritwal na tagabantay tulad ng Bathala,
diwata at anito.
A. Wika B. Paniniwala C. Kaugalian D. Tradisyon
3. Ang kasuotan ng mga kababaihan noong panahon ng mga Espanyol ay baro’t saya.
A. Wika B. Kasuotan C. Kaugalian D. Kasangkapan
4. Gumagamit ng pana, palaso at sibat ang mga sinaunang mga Pilipino.
A. Material na kultura C. Di-materyal na kultura
B. Kaugalian D. Wala sa nabanggit
5. Sa burol ay may mga taong tagasalaysay ng mga kabutihang nagawa ng namatay.
A. Material na kultura C. Di-materyal na kultura
B. Kaugalian D. Wala sa nabanggit
II. Piliin at bilugan ang titik ng angkop na paliwanag ng impluwensiya ng heograpiya sa uri ng
pamumuhay sa sumusunod na larawan.

6.
A. Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao dito.
B. Nabubuhay ang mga taong naninirahan sa lugar na ito sa pamamagitan ng pangingisda.
C. Nagtatarabaho sa mga pabrika at opisina ang mga taong naninirahan sa lugar.
D. Pagtotroso at pagmimina ang ikinabubuhay ng mga taong naninirahan sa kapatagan.

7.
A. Kakaunti ang mga taong naninirahan dito kung kaya`t hindi kailangan ang maraming
hanapbuhay.
B. Maraming tao ang naninirahan sa lugar ngunit hindi nangangailangan ng maraming trabaho.
C. Kakaunti ang mga bahay na ipinatatayo sa lugar na ito dahil kakaunti lamang ang
naninirahan dito.
D. Malaki ang populasyon sa lugar kung kaya`t maraming trabahong nakatutugon sa mabilisang
takbo ng pamumuhay ang kailangan dito.

8.
A. Madalas daanan ng bagyo ang lugar.
B. Ang mga naninirahan sa lugar ay walang hanapbuhay.
C. Mainit ang klima kung kaya`t yari sa bato ang kanilang mga bahay.
D. Mahaba ang tag-init sa lugar kaya mababa ang kanilang bahay na ipinatatayo.
9.
A. Pangingisda ang pangunahing pinagkakakitaan ng mga naninirahan dito. B. Pagpapastol,
pagtatanim at paghahayupan ang pinagkakakitaan ng mga tao dito.
C. Karamihan sa mga naninirahan dito ay nagtatrabaho sa mga pabrika.
D. Pagtitinda sa mga malalaking tindahan ang ikinabubuhay ng mga naninirahan dito.

10.
A. Palay, mais, at mga prutas ang pangunahing produkto sa lugar.
B. Karne, itlog, at pastilyas ang pangunahing produktong nanggagaling dito. C. Troso, ginto,
tanso, at iba pang yamang-mineral ang makukuha sa lugar na ito.
D. Bagoong, daing, isda, at iba pang lamang dagat ang pangunahing produkto sa lugar.
III. Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag sa bawat bilang. Piliin at bilugan ang titik ng
tamang sagot.
11. Ang lahat ay katangian ng mga Tagalog MALIBAN sa________.
A. mayabang B. matulungin C.masayahin D. masipag
12. Alin sa sumusunod ang tawag sa mga katutubong naninirahan sa Mindoro? A. Mangyan
B. Aeta C.Negrito D. Dumagat
13. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng dahilan kung bakit nakaaangat ang mga
Tagalog sa antas ng kalinangan?
A. Ang mga Tagalog ay halos nag-aaral sa ibang bansa.
B. Ang mga Tagalog ay may malalaking paaralan at maraming tao.
C. Ang mga Tagalog ay halos nasa kabihasnan at komersyo.
D. Ang mga Tagalog ay natural na mahusay simula pa noong kapanganakan.
14. Ang sumusunod ay maaaring gawin ng ating pamahalaan upang mapaunlad ang edukasyon
at pamumuhay ng mga pangkat-etniko sa rehiyon MALIBAN sa _________.
A. Bigyan sila ng maraming pana at sibat gamit sa pangangaso.
B. Magtayo sa lugar nila ng mga paaralan at turuan ang mga bata.
C. Turuan ang mga kalalakihan ng paraan ng pagsasaka at ibang paraan ng pamumuhay.
D. Turuan ang mga kababaihan tungkol sa tamang pag-aalaga sa kanilang pamilya.
15. Ano ang maaari mong magawa bilang mag-aaral upang maipagmalaki ang ating sariling
pangkat-etniko?
I Mag-aral nang maigi para sa sariling kinabukasan.
II Sabihin sa ibang pangkat-etniko na mas magaling ka.
III Makilahok sa mga gawaing nagpapaunlad ng pamayanan.
IV Pumunta sa ibang pangkat-etniko at doon manirahan.
A. I at II B. III at IV C. II at IV D. I at III
16. Saang lalawigan makikita ang Baluarte na nagsilbing bantay ng mga mamamayan upang
mapigilan ang pag-atake ng mga bandidong Muslim?
A. Occidental Mindoro C. Oriental Mindoro
B. Palawan D. Romblon
17. Saang lalawigan naman makikita ang Battle of Pulang Lupa Marker?
A. Oriental Mindoro C. Marindoque
B. Occidental Mindoro D. Palawan
18. Anong makasaysayang lugar ang makikita sa Occidental Mindoro na makikita sa ibabaw ng
bundok?
A. Battle of Pulang Lupa Marker C. Baluarte
B. Parola Park D. Plaza Cuartel
19. Alin sa sumusunod ang kahalagahan ng mga makasaysayang lugar sa ating rehiyon?
A. Display sa isang lalawigan.
B. Nagpapasaya sa nakakakita
C. Nagpapakita ng isang makabuluhang kuwento
D. Nagsisilbing alaala ng mga naranasan ng isang lalawigan laban sa mga mananakop.
20. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa makasaysayang lugar?
A. Hinahayaan ang kulay lumotin nitong itsura.
B. Hinahayaan na lamang kasi luma naman na.
C. Hinahayaan ang tunay nitong itsura na makaluma.
D. Nililinis at pinapanatili ang dating itsura.
21. Katutubong sayaw ng mga Mindoreño na hango sa salitang pandanggo at dagitab na
nagpapakita ng lumang tradisyon ng mga taga-Mindoro.
A. Binausan C. Pandang-Gitab
B. Bila-Bila D. Mazurka Mindorena
22. Ito ay ang pagsasama-sama ng mga Palawanon upang gunitain ang kanilang mayamang
kultura at tradisyon at ipagdiwang ang kagandahan at kasaganaan ng lalawigan.
A. Biniray Festival C. Arawatan Festival
B. Baragatan Festival D. Moriones Festival
23. Ang Marinduque ay binansagan na Lenten Capital ng bansa dahil sa mga tradisyon nito
tuwing Mahal na Araw. Bukod dito, kilala rin ang Marinduque sa awiting panalangin para sa
mga taong nagdiriwang ng kaarawan, dumaranas ng karamdaman at para sa iba pang kahilingan
sa Angel Dela Guardia na pinuputungan. Ano ang tawag dito?
A. Putong C. Cuyonon
B. Pasyon D. Ambahan
24. Ang kapistahan ng Señor Santo Niño ay ipinagdiriwang din sa lalawigan ng Romblon kung
saan ipinapakita sa pagdiriwang ang mga makukulay na palamuti at damit ng mga nagsasayaw
sa kalye sa saliw ng nakaeengganyong ritmo ng musika. Ito ay tawag sa pagdriwang na ito ng
mga Romblonon?
A. Ati-Atihan Festival C. Biniray Festival
B. Dinagyang Festival D. Baragatan Festival
25. Salitang mula sa tribo ng Hanunoo sa Mindoro na nangangahulugan ng pagkakaisa,
kooperasyon at pagtulong sa bawat isa. Ito ay hindi lamang isang pagdiriwang ngunit bahagi ng
kultura ng tribo ng mga pangkat ng tao dito.
A. Cuyonon C. Putong
B. Arawatan D. Tamilok
26. Ang sumusunod ay mga pangkat-etniko na matatagpuan sa Palawan, MALIBAN sa
__________________.
A. Mangyan C. Palawano
B. Molbog D. Tagbanwa
27. Malaking porsiyento ang bumubuo sa pangkat-etniko ng Marinduque ay
________________
A. Bisaya C. Mangyan
B. Hiligaynon D. Tagalog
28. Ayon sa Philippine Census 2010, may ilang pangkat ng dayuhan ang naninirahan din sa
ating lalawigan na galing sa India. Mahilig din silang magnegosyo. ___________ ang
karaniwang tawag sa kanila.
A. Amerikano C. Hapones
B. Bombay D. Tsino
29. May bagong lipat na mga pangkat ng Mangyan sa inyong lugar. Lumapit sa iyo ang
kanilang anak at gustong makipaglaro sa iyo. Ano ang gagawin mo?
A. Layuan at katakutan siya
B. Awayin ang batang Mangyan.
C. Makipagkilala at isali sa iyong laro.
D. Huwag pansinin dahil kakaiba ang kanyang hitsura.
30. Ano ang maaari mong magawa bilang mag-aaral upang maipagmalaki ang ating sariling
pangkat-etnito?
A. Mag-aral nang mabuti para sa sariling kinabukasan
B. Sabihin sa ibang pangkat-etniko na mas magaling ka
C. Pumunta sa ibang pangkat-etniko at doon manirahan
D. Makilahok sa mga gawaing nagpapaunlad ng pamayanan
A. A at D B. C at D C. A at C D. A at C
31. Inawit ni Gerry ang Alamat ng Dalawang Puting Gansa. Aling lalawigan ang ipinapakilala
ng awitin?
A. Marinduque C. Palawan
B. Mindoro D. Romblon
32. Hiniling ng guro ni Gina na kumuha siya ng gasera para sa ituturo niyang sayaw mula sa
Mindoro. Aling sayaw kaya ang kanilang pag-aaralan? A. Agogocoy
C. Sayaw ng Bila-Bila
B. Pandang-Gitab D. Virginia
33. Dumalo ka sa isang pagtitipon sa isang lalawigan, ano ang pipiliin mong itanghal? Bakit?
A. Isang modernong sayaw upang maipakita ang galing.
B. Isang katutubong sayaw o awit upang palakpakan ng mga manonood.
C. Isang katutubong sayaw o awit na magpapakilala sa lalawigang pinagmulan.
D. Isang modernong sayaw sapagkat nakakahiyang itanghal ang isang katutubong sayaw.
34. Nanood ka ng isang katutubong pagtatanghal. Nakita mong magkakaiba ang mga ipinakita
ng mga kinatawan ng bawat lalawigan. Ano ang gagawin mo?
A. Uuwi na at manood na lamang ng mas nakatutuwang palabas.
B. Sabihin sa katabi na mas kahanga-hanga ang naging pagtatanghal ng sariling lalawigan
C. Higit na palakpakan ang pagtatanghal ng sariling lalawigan upang maipakita ang suporta.
D. Pare-parehong bigyan ng papuri ang mga nagtanghal sapagkat naipakilala nila nang maayos
ang sari-sariling lalawigan.
35. Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa sariling sining?
A. Ipakilala sa ibang lalawigan sa pamamagitan ng pagtatanghal nito kung may pagkakataon.
B. Pagtuturo ng mga sining sa iba pang bata upang manatili sa kultura.
C. Pagsasalin ng mga ito sa aklat upang mapagaralan ng iba.
D. Lahat ng nabanggit.
36. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapahayag ng pagkakatulad o pagkakapareho ng kultura
ng sariling lalawigan at ng karatig na lalawigan sa ating rehiyon sa bawat kultura?
a. Magiliw na pagtanggap sa mga bisita
b. Paniniwala sa Diyos
c. Paggamit ng “po at opo”
d. Paniniwala sa uri ng pamahiin
37. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng pagkakatulad o pagkakapareho ng kultura ng
sariling lalawigan at ng karatig na lalawigan sa ating rehiyon sa bawat kultura?
a. Paniniwala sa uri ng pamahiin
b. Mga natatanging sayaw o awit
c. Pagdaraos ng iba-ibang festival
d. Magiliw na pagtanggap sa bisita
38. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapahayag ng pagkakatulad o pagkakapareho ng kultura
ng sariling lalawigan at ng karatig na lalawigan sa ating rehiyon sa bawat kultura?
a. Magiliw na pagtanggap sa mga bisita
b. Paggamit ng “po at opo”
c. Uri ng paghahanda ng pagkain
d. Pagdaraos ng iba-ibang festival
39. Anong lalawigan ang may kaugalian ng paggamit ng “po” at “opo” bilang paggalang.
a. Romblon b. Mindoro c. Palawan d. lahat ng nabanggit
40. Anong lalawigan ang nagdiriwang ng kapistahan bilang parangal sa mahal na patron, Pasko
at Bagong Taon?
a. Marinduque b. Palawan c. Romblon d. Lahat ng nabanggit

You might also like