Professional Documents
Culture Documents
Department of Education
Region ___
Schools Division of ___________
_____________ ELEMENTARY SCHOOL
Panuto: Basahin ang bawat tanong at isulat ang titik ng tamang sagot sa papel.
10. Ito ay mga tipak na lupa sa ilalim ng katubigan na naghahati sa mga kontinente
A. Continental Shelf C. Volcanic Material
B. Pacific Basin D. Tectonic Plate
11. Anong teorya ang nagpapaliwanag na ang pagkatunaw ng yelo na bumabalot sa
malaking bahagi ng North America, Europe, at Asya ang naging dahilan upang
mapahiwalay ang Pilipinas sa iba pang bahagi ng Asya?
A. Bulkanismo C. Pagputok ng Bulkan
B. Paglalang D. Tulay na Lupa
13. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang dahilan ng pagbabago ng anyo, hugis, at
posisyon ng mga kapuluan?
A. pagkatunaw ng mga yelo
B. unti-unting paglitaw ng mga kapuluan
C. lumubog ang mababang bahagi ng daigdig
D. paghihiwalay at pagbabanggaan ng mga plato sa ilalim
14. Sinong arkeologo ang naniniwalang ang mga Austronesian ang mga ninuno ng mga
Pilipino?
A. Henry Otley Beyer C. Robert Fox
B. Peter Bellwood D. Welheim Solheim II
17. Ano ang ipinaliliwanag ng Teorya ng Wave Migration hinggil sa pinagmulan ng tao
sa Pilipinas?
A. Hinati ni Captan sa apat na direksiyon ang mundo.
B. Unang nanirahan sa Pilipinas ang mga Taong Tabon.
C. Nanggaling sa Timog-Silangang Asya ang mga unang Pilipino.
D. May tatlong pangkat ng tao ang nakarating sa bansang Pilipinas: Negrito, Malay at Indones.
18. Ang paglaganap ng tao sa Pilipinas ay .
A. nagpayabong ng kulturang Pilipino
B. nagpalaganap ng paggamit ng metal
C. nag-udyok sa permanenting paninirahan
D. nagpasimula ng paghahabi ng mga damit ng ating mga ninuno
26. Ang tatay ni Berto ay isang magsasaka. Alin sa mga sumusunod ang
posibleng mga produkto niya sa pagsasaka?
A. hinabing tela, damit at iba pang kasuotan
B. palay, mais, tubo, prutas at mga gulay
C. isda, perlas at kabibe
D. pilak, tanso at ginto
27. Ito ay sasakyang pandigma ng mga sinaunang Pilipino, sila ay naglalakbay at
nanakop sa mga lugar.
A. balangay B. barko C. karakoa D. Roro
28. Ito ang hanapbuhay ng mga sinaunang Pilipino sa lugar kung saan may
mahalagang metal na makukuha.
A. paghahabi B. pagmimina C. pagtotroso D. paninisid
29. Maraming bansa ang nakikipag-ugnayan sa mga sinaunang Pilipino, anong bansa
ang may malaking kontibusyon sa mga kasangkapang gawa sa tapete, seramika at
tanso?
A. Arab B. China C. India D. Indonesia
30. Ang mga kababayan nating OFW ay kilala at nangungunang mga manggagawa
na hinahangad ng ibang lahi. Aling mga katangian ng mga Pilipino ang
nagpapakita ng magandang ugnayan hanggang sa kasalukuyan?
A. masunurin at mabait C. matalino at matapang
B. masayahin at magaling D. tapat at mapagkakatiwalaan
31. Bakit nakipag-ugnayan ang mga sinaunang Pilipino sa mga karatig bansa?
A. nais nilang makipagkaibigan
B. gusto nilang makilala sa iba’t – ibang bansa
C. nakikipagkalakalan sila ng kanilang mga produkto
D. nakikipagdigmaan at nagpapalawak sa kanilang teritoryo
33. Taglay ng mga sinaunang Pilipino ang isang mayamang kulturang maipagmamalaki
hanggang sa kasalukuyang panahon bago pa man dumating ang mga Espanyol.
A. depende B. mali C. tama D. wala sa lahat
35. Gumagamit ang mga sinaunang Pilipino ng mga palamuti sa ngipin na tanda ng
pagkahilig nila sa pag-aayos ng katawan. Ano ang karaniwang gamit nila?
A. bato B. ginto C. halaman D. Pilak
38. Sa anong paraan maaring maipakita ang pagpapahalaga natin sa ating kultura at
tradisyon sa kasalukuyan?
A. Ikahiya ito at huwag isabuhay.
B. Ipagmalaki na ikaw ay isang Pilipino.
C. Palitan ang kinagisnang kaugalian ng mga Pilipino.
D. Pabayaan na lamang kung ano ang gusto ng lahat.
41. Bakit ginagalang ng mga Muslim si Muhammad? Dahil siya ay isang ______.
A. Anghel B. Diyos C. Imam D. Propeta
42. Gusto mong sumama sa iyong kaibigang Muslim sa kanilang Moske, pero bago ka
niya isinama sinabihan kang huwag mag-ingay doon. Bakit? Dahil ________.
A. doon sila natutulog C. maraming mga Muslim doon
B. iyon ang kanilang pook dalanginan D. bawal madisturbo ang kanilang Imam
43. Bakit nahinto ang paglaganap sa katuruang Islam dito sa Pilipinas? Dahil _______.
A. ayaw tumanggap ng mga katutubo
B. dumating na ang mga Espanyol sa bansa
C. mas naniniwala sila kay Bathala kaysa kay Allah
D. mas pinili ng mga katutubo ang paniniwalang animismo
44. Paano mo tatratuhin ang mga taong nagtataglay ng paniniwalang Animismo, Islam, at
iba pang paniniwala?
A. Igagalang ko sila bilang tao pero hindi ang kanilang paniniwala.
B. Hahayaan ko sila sa kanilang paniniwala at lalayo na lang ako sa kanila.
C. Kilalanin ko pa rin silang kaibigan at igagalang ko ang kanilang paniniwala.
D. Kilalanin ko pa rin silang kaibigan at wala akong pakialam sa kanilang paniniwala.
50. Alin sa mga sumusunod na katangian ng mga katutubo ang higit na nagpapakita ng
pagpapahalaga sa sariling kultura at paniniwala?
A. Tahimik na namuhay sa kabila ng mga pananakop.
B. Tumakas at lumayo upang hindi marating ng mga mananakop.
C. Nag-alsa at nagbuwis ng buhay upang mapangalagaan ang kultura.
D. Tinanggap ang mga pagbabago dala ng mga mananakop.
Hannah nuesca
Hannah nuesca